Throwback (Short story)

By PrettyEnough

5.6K 146 72

It's not the goodbye that hurts, it's the flashback that follows. ~ - Si Bianca Isabel Ventosa ay isang norma... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12/ Author's Note
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18 - Vic
Chapter 19 - Vic
Chapter 20 - Vic
Epilogue
Authors' Note
Special Chapter: A Dance With You

Chapter 10

167 6 4
By PrettyEnough

Chapter 10 

"Ate, pakibilisan naman po please?" Pagmamakaawa ko dun sa babaeng nagxe-xerox nung mga papers para sa test ng mga estudyante ko. Kanina pa kasi ako nandito kaso, inuna niya pang i-xerox yung papel nung isang poging lalake. Hanep, e wala nga sa kalingkingan ni ANO yun e! 

"Wait lang miss ah? Anong gusto mong gawin ko dito? Pasabugin ko na?" Hala. Ang lala ni ate. Jusmeyo, kung hindi lang ako isang mabait na mamamayan baka sinagot ko na siya. Imbis na pumatol ako sa kanya, bumalik na lang ulit ako dun sa inuupuan kong bench kanina. 

Konti na lang talaga Bianca, kaya mo yan. Makakabawi ka din diyan sa aleng yan. 

"Oh miss, tapos na ung sayo." Tawag sakin nung ale. 

Tumayo na ko agad at inabot ko yung bayad ko dun sa babae. Pero bago ako umalis ng tuluyan, may sinabi muna ako sa kanya. Syempre hindi ata ako papatalo noh. 

"Alam mo ate, mukha nga talagang matagal nang sumabog yang machine na yan... natamaan nga ata yung mukha niyo? Ge po." Sabi ko sabay takbo. Mahirap na, baka habulin pa ko nung babae. Katakot. 

"Talaga? Ginawa mo yun? Loka ka talaga te!" Hindi makapaniwalang sabi ni Brix pagkatapos kong ikwento sa kanya yung inkwentro namin ni Ale sa xerox-an. Tawang-tawa nga siya e. 

"Tsk. Nakakainis kase! Hindi na ko nakapagtimpi kaya ayun." Sabi ko habang kumukuha ng tubig sa water dispenser namin. Buti at di pa time, pwede pa kong makapahinga ng konti. Kapagod kayang tumakbo!

"Hahaha, para ka talagang bata girl! Anyway Highway, kailangan ko nang mauna at aantayin ko pa si Josh sa next class niya. Bye!" Bigla na lang siyang nawala nang parang bula. Hala? Basta talaga tungkol kay Josh napakabilis ng babaeng yun. 

Pagkatapos kong i-compose yung sarili ko, binuhat ko na rin yung gamit ko at yung test papers. Magta-time na kasi at kailangan ko nang makapunta agad dun sa classroom para naman mahaba-haba ang oras ng pagsasagot nila. 

"Good Morning Class!"

"Good Morning Ma'am Ventosa." 

Inabot ko na sa kanila  yung test papers nila at hinayaan na silang magsagot. Habang nagsasagot ang lahat, bigla na lang may nagtaas ng kamay niya. 

"Yes?" Tanong ko. 

"Ma'am nilalagnat po si Rhea." Pagkarinig ko nun, pumunta agad ako malapit kay Rhea at kinapa ko yung noo niya. Nako, ang init nga. Kailangan na niyang maipunta sa clinic. 

"Do you wanna go home?" Tanong ko dun sa kanya. 

"Pero Ma'am pano po yung test?" 

"No worries, you can take special test from me. Your health is more important." Tumingin ako dun kay Leslie, yung nagtaas ng kamay. "Can you please take her to the clinic? Pagkatapos, bumalik ka na rin agad para makapagtest ka." 

"Yes Ma'am." Inalalayan niya si Rhea palabas ng pinto. Sinundan ko sila. 

"Magpagaling ka." Sabi ko kay Rhea at nginitian ko siya. Habang nakatingin ako sa kanila habang naglalakad sila, may naalala agad ako at bigla na lang may pumasok sa isip ko. 

*flashback* 

Pagdating ko sa bahay, umupo agad ako sa sofa. Hay, ang haba ng araw na to. Ang dami naming ginawa sa school kaya medyo late na rin akong nakauwi. Nag-PE pa naman kami kanina kaya amoy pagong na ko. 

"Mommy, maliligo po ulit ako ah?" Sigaw ko kay Mommy na nasa kusina.

"Wag na, baka magkasakit ka bukas." 

"Hindi po, tsaka amoy ewan na rin naman ako." Sabi ko at nag-puppy eyes kay Mommy. Pumayag ka na please?

"Hay. Ikaw talagang bata ka, bahala ka pag nagkasakit ka." 

"Yey! The best ka talaga Mommy!" 

Umakyat na ko agad sa kwarto ko at kinuha yung twalya ko tsaka damit. Naligo rin ako agad at pagkatapos, bumaba na para kumain. 

-Kinaumagahan-

Pagkagising ko pa lang, parang umiikot na yung paningin ko. Wah, nabubulag na ba ko? Hindi to pwede! Hinawakan ko yung magkabilang sintido ko at hinilot ko yun. Ang sakit ng ulo ko. 

Tatayo na sana ko pero bigla akong napaupo parang ang bigat ng pakiramdam ko. Kinapa ko yung leeg ko. Shet! Nilalagnat ako. Pano na to? May test ako ngayon!

"Bianca, baba na kakain na" 

"Opo susunod na ko!" 

Hindi to pwedeng malaman ni Mommy, baka hindi niya ko papasukin! Naligo lang ako ng mabilis tapos kumuha ako ng gamot dun sa medicine cabinet namin tapos bumaba na ko para kumain. Hindi ko ipinahalata na may sakit ako o mainit. 

"Bianca, parang namumutla ka? May sakit ka ba?" Tanong ni Mommy. 

"Ah, wala po ah! Ako pa? Ang lakas ko nga e!" Tapos tinaas ko yung kamay ko tapos kunwaring pinakita yung patpat kong braso. 

"Hindi e. Parang may lagnat ka." Papalapit na sana si Mommy pero bigla akong tumayo.

"Nako, wala po! Guni-guni niyo lang yun. Sige Mommy, tapos na po kong kumain. Bye!" Kahit di ko pa nauubos yung pagkain ko, umalis na lang ako agad. Mahirap na, baka malaman niya e. 

Pagdating ko sa school, para akong zombie. Pagewang-gewang yung lakad ko. Hay, ang sakit talaga ng ulo ko. Ano ba naman to, naligo lang ako tapos nagkasakit agad? Ang abnormal ko naman! 

"Oy Bianca, okay ka lang?'" Nagulat ako dun sa nagtanong. Nasa room na pala ko? Di ko namalayan. Ano kayang ginawa kong lakad?

"Oo, Jena ayos lang ako." Sagot ko at binaba yung bag ko dun sa upuan. 

"Ows?" Lumapit siya sakin tapos kinapa yung noo ko. "Hala ka Bianca! May lagnat ka e!" Tapos hinawakan niya yung mukha ko. Kulang nalang pisakin nya ung mukha ko sa higpit ng hawak.

"Sinong may lagnat?'" Tanong ni Dan. Ang lakas kasi ng boses ni Jena e! Na-broadcast na tuloy sa room. 

"Si Bianca, nilalagnat oh." Sabi niya. Lumapit na rin si Dan samin at kinapa yung noo ko.

"Oo nga, ang init mo." 

"Girl, tara na sa clinic baka lumala pa yan!" Suggest ni Jena. 

"Ayoko. Dito lang ako." 

"tsk. Ang kulit mo." Inis na sabi ni Jena. 

"Okay lang talaga ko, sinat lang to." Sabi ko kahit na hindi naman talaga ako okay. Nakikita ko sa mukha nila na hindi sila kumbinsidong okay ako, pero um-oo na lang sila. 

Pumasok na kami sa room. Pero ilang segundo lang, may dumating na babae sa room namin at pinatawag si Jena. Kinausap lang niya si Jena saglit tapos bumalik na rin siya sa upuan niya. 

"Ano raw ang sabi?" Tanong ko. Syempre, kahit may sakit ako gusto ko pa ring makasagap ng chismis. 

"May review daw ako sa Science ngayon, sa isang araw na kasi yung laban e." Sabi niya. Pero parang ayaw niyang umalis. 

"Oh, e bakit parang sambakol yang mukha mo? Di ka masaya at excuse ka?" 

"Hindi. Syempre may sakit ka, e pano kung bigla ka na lang mag-collapse ede wala ako dito? Sayang ang picture!-- - - - Aray!" Binatukan ko siya. Tong babaeng to talaga, puro kalokohan nasa isip kaya hindi ko talaga ma-imagine na matalino yan. 

"Mahal na mahal mo talaga ako e noh? Labyu talaga." Sabi ko. Pero syempre, may pagka-sarcastic. 

"Labyu too." Sagot pa ng bruha. "Oh pano? Alis na ko ah? Kayo na lang magsabi kay Ma'am. Pagaling ka pagong. Bye." Sabi niya at lumabas na siya ng room. 

Maya maya pa, dumating na si Aubrey at agad pumasok sa room namin. Pagkakita samin, sumigaw na ang babae!

"Hi Biaaancaaaaaa! Hi Daaaaan!" masayang bati nya samin, pagkatapos nilagpasan kami para pumunta sa upuan nya at ilagay ang bag.

"Aubreey! May lagnat si Bianca" sinabi agad ni Dan kay Aubrey pagkabalik nya dito sa pwesto namin. 

"Oh?" sagot ni Aubrey at hinawakan din ang noo ko.

"Oo nga, ang init mo. Tara na sa clinic?" dugtong nya.

"Nope. Wag na okay lang naman ako." sagot ko naman. Ayoko talaga sa clinic e.

"What?! Tigilan mo nga kami Bianca ang init mo kaya, tara na sa clinic Dan" pag-kontra nya at akma na akong hihilahin ng

"Aubreey! Ung sa group natin" sigaw ni Meisi kay Aubrey kaya naman napatigil kami.

"Bakit Meisi?" sagot nya dito pero di pa rin sya umaalis dito sa tabi ko. Mukhang pursigido talaga syang dalin ako sa clinic. 

"May kailangan tayong gawin! Ung sa group activity natin sa MAPEH" sagot ni Meisi at sya narin ang lumapit dito.

"Ay! Shit. Oo nga pala. Diba ka-group karin namin dun Dan?"agad nyang sagotat binalinganng tingin si Dan.

"Oo. Pero pano yan? SInong magdadala kay Bianca sa clinic?" napangiti naman ako dun, kasi di ko na kailangang pumunta sa clinic. I'm saffeeee--

"No need to worry Dan. Syempre maghahanap tayo ng pwedeng magdala sa kanya sa clinic." sabat ni Aubrey at nagkatinginan sila ni Dan pagkatapos ako naman ang tiningnan nila at binigyan ng nakakalokong ngiti. Parang alam ko na ang nasa isip nila ah? Wag naman sana.

"Si VIC!" sabay nilang sabi at hinila na agad ako para hanapin si Vic! Syet lang, bakit ung mokong pa nayun? Baka busy rin aabalahin pa nila.

"Hoy, wag na kasi. Di ko naman kailangang magpunta pa sa clinic e" pagpupumiglas ko sa kanila.

"No. Di pwede un." aaaah! Ayoko na. Nakakahiya naman kasi. Kahit naman ka-close ko na yun, nakakahiya parin.

"Viiiic!" sigaw nila sa room nila Vic which is room din nila Shirley at Frank. Wait! Pwede namang sila Shirley nalang ah?! 

"Sila Shirley nalang Aubrey! Wag na kasi si Vic"  pilit kong suhestyon sakanila pero dinededma lang nila ako. Huhuhu ang daya naman kasi.

"Vic!! Halika lang"  tawag ni Aubrey kay Vic matapos nyang matagpuan ito. Makatawag naman 'to.

"huh? Bakit?" sagot ni Vic at nagsimula nang maglakad papunta sa gawi namin, gusto ko syang sigawan na wag ng tumuloy dahil non-sense lang 'to. Pero nagulat nalang ako nung nasa harap na pala namin sya at nagsisismula nang dumaldal si Aubrey sakanya.

"Busy ka ba? Kasi ganito yan, may lagnat kasi 'tong si Bianca, syempre naga-alala kami sakanya, dadalin na nga dapat namin sya sa clinic pero may kailangan pala kaming gawin. Ah, pwede bang ikaw nalang ang magdala sa kanya sa clinic? Kasi napapansin ko naman na madalas na kayong magpansinan, mag-usap at magtawanan. In short magkaibigan na kayo. Kaya pwede bang idalia mo sya sa clinic? Kahit idala mo lang sya, tapos iwan mo na sya dun?"  mahabang speech ni Aubrey sabay tingin sakin at bigay ng nakakalokong ngiti.

"Ah, di naman ako busy. Ganun ba, sige sige. Ako nalang magdadala sakanya. Saglit lang may kukunin lang ako"  pagsang-ayon nya at ngumiti pa sya bago bumalik sa room nila.

Agad ko namang pinagpapalo si Aubrey! Nakakahiya naman kasi!  Kung ano ano pa ung sinabi nya! Aah!

"Aubrey naaaamaan! Kainis ka! Pwede naman kasing sila Shirley nalang ah?! Aaaaaah" sabi ko at pinagpatuloy ang pagpalo sakanya. Sya naman ilag dito, sangga dito. 

"Akala ko ba may lagnat ka Bianca?" napahinto naman ako ng narinig ko syang magsalita. Aish! Ang laki talaga ng epekto nya sakin. Magsalita lang sya tumitigil na mundo ko.

"Haha. Meron yan, try mo hawakan ung noo." sabi ni Aubrey sa nakangiting si Vic. 

"Haha, wag na. Naniniwala naman ako. So tara na?" sagot ni Vic sabay baling ng tingin sakin na nakapagpatunaw sakin. Aaaw, ang gwapo talaga ng nilalang na'to! 

"Sigee! Byeee! Ingaat!"  sigaw nung dalawa at pinagtutulak pa ako. Nakasimangot na nga ako e. 

Pero syempre masaya din ako kasi kasama ko si Vic. Yay! Achievement ito.

Nag simula na kaming maglakad at tinahak ang daan papunta sa clinic. Suki na nga ako sa clinic e, palagi kasi nila akong dinadala dun. Kung hindi ako nahihilo, may sugat. Kaya ayoko namang magpunta sa clinic na, kasi parang nagsasawa na yung nurse sakin. 

Pagdating namin sa pintuan ng clinic, huminto muna ako sa paglalakad at hinarap ko si Vic. Hindi kasi kami magkasabay sa paglalakad, nasa unahan niya ko. 

"Ahhh ano, Vic, kase okay na ko dito. Pwede ka nang bumalik baka kasi may klase pa kayo tsaka- - - -" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nung tinakpan niya yung bibig ko. Shet! Ang bango ng kamay niya, hanep!

"Shhhh. Sasamahan na kita, okay lang. Baka talakan ako nung mga best friend mo pag iniwan lang kita. Tara." Sabi niya sabay hawak sa braso ko at siya na yung nagbukas sa pinto. Ow Ghad! Ako na ata ang pinakamaswerteng babae sa mundo, kahit na nilalagnat ako ngayon. Hinawakan niya yung braso ko! Hindi ko na talaga to huhugasan, ever!

"Good Morning po." Bati ni Vic dun sa Nurse. Aba magalang! Turn on! 

"Good Morning din." Bati sa kanya nung nurse. "Anong meron sayo?" Tanong nito sa kanya. 

"Ah, hindi po sakin sa kaibigan ko po." Ahhhhh! Ouch, kaibigan lang pala. Atutut. Ang lantod ko! 

Luminga yung nurse para tignan ako sa likod ni Vic. Eto kasing isang to, pagka-tangkad-tangkad, natatabunan na tuloy ako. 

"Oh? Bianca, ikaw na naman?" Sabi na e, kilala na talaga ko ng Nurse dito. 

"Hello po Nurse Amie." Bati ko sa kanya. Medyo close na kasi kami nito, abay palagi ba naman ako nandito e. Tambay na nga raw ako sabi niya. 

"Ano na namang nangyari sayo? Sugat? Nahihilo?" Tanong niya habang palapit sa table niya at kinukuha yung log book. 

"NIlalagnat po siya Nurse." Si Vic na yung sumagot para sakin. Sabagay, napapagod na rin ako parang ang bigat-bigat pa ng pakiramdam ko. Pero okay lang, hindi pa naman kasi bumibitaw si Vic sa pagkakahawak saken!

"Ah, boyfriend?" 

"Ehem! Ehem! Ehem!" Kunwaring pag-ubo ko. Eto naman kasing si Nurse Amie, masyadong showbiz magtanong. E pano na lang kung um-oo ako dine? Hahaha, ang lantod. 

"Ah hindi po." Sagot ni Vic. Ouch ha? Sumagot pa talaga siya. 

"Ah ganun ba? Hindi pa?" Napaka! Kailangan pa talagang idiin yung 'pa'??? 

"Awwwww, ang sakit ng ulo ko." Pagkukunwari ko. Hindi naman kasi talaga ganun kasakit pero konti lang, sinabi ko lang yun kasi ang epal neto ni Nurse! Nakakaasar na. Pano na lang pag kinagat ko yung pang-aasar niya? Ede instant boyfriend ko to? Sabagay, ayos lang naman. Lantod!

"Ay nako, halika dito tayo sa may kama. Ah, anong pangalan mo hijo?" Tanong nung Nurse. 

"Vic po." 

"Ah Vic, pakisulat na lang yung pangalan ni Bianca sa logbook okay?" 

"Sige po." 

Dumiretso na kami dun sa may mga kama. Tatlong kama ang meron dito sa clinic. Pero ang favorite spot ko talaga ay yung malapit sa dingding. 

"Ikaw kase Bianca, hindi ka nag-iingat marami pa namang nagkakasakit ngayon." Sermon niya pa sakin. Kinapa niya yung noo ko. "Nako! Ang init mo pala, gusto mo bang umuwi?" 

"Ayoko po! May test pa po kami. Aray!" Pinalo niya yung kamay ko. Ganyan talaga yan sakin, lalo na pag makulit daw ako.

"Ang kulit mong bata ka, kailangan mong umuwi baka hindi mo kayanin patpat ka pa naman." 

"Ayoko po talaga Nurse Aemie." Pano ko na lang masusulyapan si Vic? Sa isang linggo nga, limang araw lang ang meron ako tapos mababawasan pa ng isa? Jusme! Hindi ko kakayanin. 

"Teka lang." Sabi ni Nurse tapos kumuha ng thermometer at inipit sa leeg ko. "Hintayin mo dito, kakausapin ko lang saglit yung boyfriend- - - este kaibigan mo." 

"Nurse Aemie talagaaa." Sabi ko at kinindatan niya lang ako. 

Ilang minuto ang nakalipas, kasama na ni Miss Aemie si Vic. May dala si Vic na tray na may lamang isang basong tubig at isang tablet. 

"Eto, inumin mo muna yan tapos tsaka ka umuwi." 

"Pero Nurse!" 

"Wag ka nang makulit Bianca, kailangan mong umuwi." Saway ni Nurse Aemie.

"Hindi po yun....." Napatigil sila sa sinabi ko, parang hinihintay yung kasunod. Sasabihin ko ba? Nakakahiya! "Kasi po.... hindi po ako umiinom ng tablet, hanggang syrup lang po ang kaya ko." 

As if on cue, sabay silang humagalpak sa tawa. Tinakpan ko na lang yung mukha ko sa sobrang hiya. Jusko, bakit naman kasi hindi ako marunong uminom nun? Waaaah. Nakakahiya pati tuloy si Vic pinagtatawanan na ko. 

"Seriously Bianca? Ang childish!" Sabi ni Vic sabay tawa pa rin ng malakas. Napaka! Pero at list napapatawa ko siya ng ganito, nakaka in-love. 

"Hay nako Bianca, you never failed to amaze me. O siya, ikaw na muna bahala sa kanya Vic ah? Meron kasing dumating na patient aasikasuhin ko muna." Sabi ni Nurse Aemie pagkatapos niya kong pagtawanan. Tapos iiwan niya ko kay Vic? Kaming dalawa lang??? KAMING DALAWA LANG! SAYA!

"Hoy, wag ka nga tumawa diyan! Nakakainsulto ah?" Suway ko sa kanya pero totoo, kinikilig talaga ako. 

"Okay, okay. I'm sorry. Ikaw naman kase, ang tanda mo na syrup ka pa rin?" Tapos ayun, tumawa na naman ang bugok. Urgh!

"Napaka!" Sabi ko at kunwari nagtampo dahil humiga ako at humarap sa dingding. Ang sakit na talaga ng ulo ko, pwera biro. 

"Oy Sorry na." Naramdaman kong lumalapit siya sa kama kaya napapangiti ako. "Oy, inumin mo na tong gamot mo para makauwi ka na." 

"Ayoko nga kasing umuwi." Hinawi ko yung kamay niya sa braso ko kahit labag sa kalooban ko. 

"Hahatid na kita." 

"Talaga?" Parang automatic na napaupo ako sa kama at tinignan siya. 

"Opo, kaya inumin mo na tong gamot mo dahil nandiyan na sa labas yung driver ko." Iniabot niya sakin yung gamot

"Pinasundo mo talaga ako?" Amaze na sabi ko. 

"Oo." Waaaaaaaah! Kill me now! kinikilig na ko dine pero hindi ko mailabas! "Inumin mo na to dali na." 

"Ayoko, hindi ko nga kaya." Sabi ko at tinakpan yung bibig ko. 

"Hindi pwede! Hindi ka makakauwi hangga't hindi mo to iniinom." Seryosong sabi niya. Uh-oh, mas malala pa ata siya kila Jena. 

"O-opo." Sagot ko. Inabot ko yung gamot sa kamay niya at iaakmang ihuhulog na sa bibig ko pero napatigil ako. "Ayoko talaga, hindi ko kaya." Parang na-trauma na kasi ako sa pag-inom ng ganito, nung nasa bahay kasi kami nila Jena sumakit yung ulo ko tapos may pinainom din saking gamot ang sabi ni Jena 'chewable' daw yung gamot kaya ang ginawa ko? Nginuta ko nga! Ayun, nagkandasuka-suka ako sa anghang at pakla. Geez, ayoko nang maulit yun. 

"Nganga." 

"Huh?"

"Ngumanga ka." 

"Ayoko."

 

"Isa"

"Ayoko talaga, huhuhu"

"Dalawa"

"Pag di ka ngumanga"

"Ano?"

"Hahalikan kita" 

Parang automatic na napanganga ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa sinunod ko siya ah? Kundi dahil sa gulat. Si Vic ba talaga to? Jusmeyo! Panaginip ba to? Hindi na ko nganganga ever kung totoo man to. 

"Ahhhhh!" Bigla akong pinainom ng tubig ni Vic pero hindi ko talaga malunon yung gamot. Ang loko, biglang ishinoot sa bibig ko yung gamot nagkandasuka-suka tuloy ako. 

"Ilunon mo na!"

"Ayoko!" 

"Isa!" 

"Ahhhhhhh, ang pakla." 

"Ilunon mo!" 

Tinakpan niya yung bibig ko at inilapit yung mukha niya. Bigla na lang akong napalunok, shet ang lapit ng mukha niya sakin. 

"Oh ayan, ede tapos napainom ka ng gamot. Pinahirapan mo pa ko." Nakatulala lang ako hanggang sa alisin niya yung kamay niya sa bibig ko at lumayo na yung mukha niya. 

Is this real? 

"Oy Bianca...." Kinalabit ako ni Vic. 

"Nakainom na kong gamot! Waaaaaah!" Masayang sabi ko at hinawakan ko yung braso niya at pinagpapalo yon. "Pero bwisit ka, bakit kailangan mo agad ishoot sa bibig ko? Muntik na kong masuka!" 

"Aray, sorry na! Ayaw mo kasing inumin e." Hinintuan ko naman na yung pagpalo sa kanya. At unti-unting nag sink-in sakin ang mga pangyayari... Yung ilong namin, nagkabangga. Waaaaaaah!

Humiga ulit ako at humarap sa dingding. Kagat-kagat ko na yung unan para hindi ako makatili. Nakakahiya naman nandito siya!

"Tara na, tumayo ka na diyan. Ihahatid na kita sa inyo." Hinawakan niya yung kamay ko at pilit akong pinabangon sa kama. Eto namang si ako, kilig na kilig. 

"Oh, aalis na kayo?" Tanong ni Nurse. 

"Ah opo, gawa na po ba yung excuse letter niya?" Tanong ni Vic at tinuro ako. 

"Ah oo, gawa na rin yung sayo." May inabot siyang papel kay Vic pagkatapos niya yong pirmahan. 

"Thank you po." Sagot ni Vic. 

"No worries, it's my job. So pano? Ikaw na bahala diyan sa girl- - - este kay Bianca ah? Ingat kayo." Sabi niya. Pero bago kami makalabas ng clinic, kinindatan muna ako ni Nurse Aemie. Hay nako talaga, baka mahalata kami!

Paglabas namin, nakalagay na sa labas yung gamit ko. 

"Oh panong nandito yan?" Tanong ko.

"Baka naglakad mag-isa?" Pilisopong sagot niya. Pinalo ko siya. 

"Napaka talaga!" 

"Kinuha ko yan kanina, sinabi ko na rin kay Ma'am P na uuwi ka tapos eto nga yung excuse letter nating dalawa." Kinuha niya yung bag ko at isinukbit sa kanya, buti pa yung bag ko ang lapit sa kanya. Naiinggit ako.

"Tayong dalawa?" Biglang tanong ko. 

"Oo, ihahatid kita sa inyo diba? Kaya kailangan meron din ako. Okay?" Sagot niya. Oh Shems! Ihahatid niya talaga ko. 

"Ah, okay." Sagot ko na lang. Kasi baka bigla akong magsabog dito, nakakahiya. 

Pagpunta namin sa parking lot, nakaabang yung isang black na kotse. Dun dumiretso si Vic tapos binuksan niya yung pintuan sa back seat. Inilapag niya yung gamit ko at inalalayan akong umupo sa loob. 

"Teka lang ah? Idadaan ko lang to saglit sa room, babalik din ako." Tumango na lang ako at umalis na siya. 

Dun ko na kinagat yung panyo ko. Ayoko namang magsisigaw, nandito kasi sa loob si Mamang Driver. 

"Hello po." Bati ko sa kanya. Nginitian niya lang ako. Ilang minuto lang, bumalik na si Vic. 

"Manong, ihahatid po natin siya sa kanila. Pagong..." Tinawag niya ko, emegesh! Pero bakit pagong? Ang bad! 

"Oh?"

"Ituro mo yung daan ah?" 

"Ah, okay." 

Buong biyahe tahimik lang kami. Sumasakit yung ulo ko kaya nakasandal ako dun sa may pinto. Napaka-abuso naman kung sasandal pa ko sa kanya, pero sabagay ayos lang naman. Haha, lande!

"Diyan po, sa may kanan. Dito na po sa may brown na gate." Turo ko dun sa gate ng bahay namin. Huminto na yung kotse. 

"Teka." Sabi ni Vic. Nauna siyang lumabas tapos umikot siya papunta dun sa may pinto sa tapat ko. Binuksan niya yun at inalalayan akong bumaba. Kung feeler lang talaga ko, jusme para akong special someone nire e! Binuhat niya yung bag ko at nag-doorbell. Si Mommy yung nagbukas ng pinto. 

"Oh Bianca? Bakit?" Tanong niya. 

"Sa loob na lang po ako magkwe-kwento." Sabi ko sa kanya at pagewang-gewang na pumasok sa loob. 

"Oh hijo, pasok ka muna. Ikaw ba yung boyfriend nitong anak ko?" 

"Opo." Nanlaki yung mata ko. Bigla na lang akong napalingon sa kanila. Pati si Mommy lumaki yung mata pero bakas sa kanya na masaya siya.

"Lalake po niya kong kaibigan. Boy Friend." Nakahinga ako ng maluwag but a part of me wish na sana, hindi na lang niya binawi. 

"Ahhhh, mabuti yung nilinaw mo." Sabi ni Mommy at pumasok na kami sa loob. 

Kinwento ko kay Mommy yung nangyari, ininterview din niya si Vic ng konti. 

"Ah Mommy, kailangan na pong umalis ni Vic may klase pa po kasi siya." Ako na ang nagpaalam kay Vic? E pano, hindi na to paaalisin ni Mommy!

"Ay ganun ba? Oh sige hijo, babalik ka ha?"

"Mommy!" 

"Bakit Bianca? Ayaw mo bang pabalikin siya dito?" Gusto! Gustong-gusto!

"E nakakahiya naman po, sige na po ihahatid ko na siya sa may gate." 

"Ah hindi wag na, baka mabinat ka pa. Kaya ko nang lumabas mag-isa. Pagaling ka." Ginulo niya yung buhok ko at ngumiti sakin. 

"Ah, sige." Yun na lang ang nasabi ko dahil hindi ko matake lahat ng nangyayari. Totoo na ba to?

"Sige po, alis na po ako Ma'am," Sabi niya kay Mommy. 

"Wag nang Ma'am masyadong pormal, Tita na lang." Sagot pa ni Mommy. 

"Ah, sige po Tita. Alis na po ako." Sabi niya tsaka nag-bless kay Mommy. Hala? Ginawa ba talaga niya yun?

"Sige hijo, ingat ka!" 

Pagkaalis ng kotse nila, bigla na lang akong umakyat sa kwarto ko at doon na nagtitili. This is one of the best days of my life! 

 

Continue Reading

You'll Also Like

123K 1.6K 37
Kimber Lee--- Masipag at matiyagang babae na ang pangarap ay matulungan at maahon ang kanyang magulang sa kahirapan. Para sakanya ang pamilya niya an...
1.9K 35 18
"Sa likod ng sakripisyo, saan hahantong ang iyong pag-ibig? Pagtanggap ba sa sakit o paglaya mula sa nakaraan?"
117K 2.7K 13
𝙎𝙃𝙊𝙍𝙏 𝙎𝙏𝙊𝙍𝙔 Huminga muna ako ng malalim, bago lumabas ng banyo. Nagulat ako ng makita ko ang nakasalubong na kilay ni Kin, mukhang kanina p...
Wattpad App - Unlock exclusive features