Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 22

43K 1.2K 143
By Ineryss

Kwintas

Hindi ko na pinatulan kung ano man 'yang mga biro niya. Ako...nagugustuhan niya? Imposible. Parte lang 'yan ng plano niya para kunin ang loob ko.

"Can I come in?" tanong niya sa akin nang magtama ang mga mata namin.

"Uh... Hindi masyadong maganda ang bahay namin at baka mandiri-"

Umangat ang kanyang kilay sa akin kaya natutop agad ang aking bibig. Ilang sandaling gumala ang aking paningin pero sa huli ay naibalik ko rin sa kanya.

Ngumuso ako at walang nagawa kundi magtungo roon sa may lamesa. Yumuko ako at hinila palabas iyong dekahoy na upuan.

Tumayo ulit ako ng tuwid saka ko iyon itinuro.

"Dito ka lang oh..." Nilingon ko siya na ngayon ay kagat kagat na ang labi habang iyon ang pinaglalaruan.

Nagtungo rin naman siya rito. Napasimangot agad ako nang mapagtantong hindi siya bagay sa ganitong lugar. Kung si Ate Rici mukhang kasya naman... siya ewan ko.

Pinanood ko siyang umupo roon pero hindi ito nakaharap sa lamesa. Yumuko pa siya roon at inihilig ang mga siko niya sa kanyang hita saka niya pinagsalikop ang mga kamay. Maliit lang ang espasyo. Nagmumukhang bahay ng daga ang bahay namin dahil sa pagpasok ng leyon.

"Where's your room?" Sinipat niya ng tingin ang mga pintong nasa likuran ko.

Huh? Ba't niya tinatanong? Balak niya rin bang pumasok doon?

"Iyan oh." Itinuro ko ang pinto ng aking kwarto.

Tumango tango naman siya at binasa pa ang pang-ibabang labi.

"It looks cute..."

"Maliit kamo," pagtatama ko sanhi para tingalain niya ako at nakaangat na naman ang isang kilay.

Nag-iwas ako ng tingin at tumalikod rin naman.

"Bihis lang ako... Uh... Kung may gusto ka... tawagin mo lang ako," sabi ko pa at nginitian siya ng tipid.

Kalmado siyang tumango saka niya iginala ang tingin. Pumasok rin naman ako sa aking kwarto. Doon nanlambot ang aking tuhod at wala sa sariling nahawakan ang pendant noong kwintas. Yumuko ako at napangiti. Ibalik mo nalang sa kanya pag hindi niya na dinideny.

Nagbihis ako at inayos ang aking sarili kahit papaano. Noong makontento ako sa aking itsura ay lumabas rin naman ako ng kwarto. Nadatnan ko siya sa labas na nakatayo na at hindi parin tapos ang mga mata sa pagsuyod sa kabuuan.

"Uh... Tara?" Nag-amba na akong lumabas.

"Wait." Magkasalubong ang kanyang kilay habang ang tingin ay nasa aking dibdib.

Bumaba ako roon at nakitang hindi naman ako nakikitaan.

"B-Bakit?" tanong ko sa kanya.

"Just a bit." Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka umangat ang kanyang tingin at napunta sa garter noong damit sa may parteng dibdib ko.

Napalunok ako sa kanyang ginawa at baka bigla niya nalang iyong hilain pababa dahil sigurado akong malalantad talaga ang aking bra.

Naramdaman ko sa gitna ng aking dibdib ang paglapat ng kanyang kamay roon. Kapwa naroon ang aming mga tingin. Noong nag-angat ako ay nakaawang ng kaonti ang kanyang basang labi at malalim na ang pagkakatitig doon.

Kinuha niya roon ang pendant ng kwintas at inilabas. Dahan dahang gumapang ang kanyang mga mata paakyat sa akin.

"Don't hide it," he whispered to me as I felt his breath on my cheeks.

Tumango ako at namumula na naman ang pisngi.

"Uh... Hindi ba ako mahoholdap pag suot suot ko ito? Baka pag-initan ako ng mga magnanakaw kaya ano... pwede hubarin ko nalang?" sabi ko sa kanya.

Umiling siya. "Just wear it."

"Pero... Masyado itong ano... M-Mahal... H-Hindi ako sanay sa ganito..."

"Masasanay ka rin," aniya.

Yumuko ako at tiningnan iyong muli. Huhubarin ko ito maya maya pag nasa bayan na ako. Susuotin ko lang pag pauwi na ako pagkatapos ng klase. Ganoon nalang siguro? O pwede rin na itago ko nalang sa uniporme ko.

"Wear it always..." Sabay sulyap niya sa pendant ng kwintas ko.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at wala sa sariling napatango. Umahon ang titig niya pabalik sa mukha ko. Nakita ko kung paano nalaglag ang tingin niya sa labi ko. Lumunok ako at nag-iwas ng tingin.

"T-Tara..." Nauna na akong umalis sa kanyang harapan at pakiramdam ko, ano mang oras ay mabubuwal na ako sa paglalakad.

Tahimik kaming dalawa habang naglalakad pabalik sa kanyang kabayo. Huminto ako at pinanood siyang hilain ang pisi noong kabayo niya.

"Ihahatid na kita," sabi niya sa baritonong boses na ikinatango ko nalang.

"Come here."

Humakbang rin naman ako papalapit. Hinawakan niya ang aking baywang at walang ano ano'y umangat na ako sa ere na tila isang hangin sa sobrang gaan.

Inipit ko agad ang aking mga hita pati na iyong aking suot para hindi umangat mamaya pag pinatakbo niya ito ng mabilis. Noong mapansin niyang okay na ako ay doon lang rin siya sumampa sa kabayo.

"Do you want me to fetch you tomorrow after school?" tanong niya na ikinakurap ko.

"H-Huh? H'wag na no..."

"Ba't ayaw mo?" Umangat ang kilay niya at nahulog ang tingin sa akin.

Hinawakan ko naman ang aking buhok para hindi iyon umangat sa ere.

"W-Wala lang... Kaya ko namang mag-isa," sagot ko.

Kinagat kagat niya ang kanyang pang-ibabang labi kaya ibinalik ko sa bawat nadadaanan namin ang aking atensyon. Sige ka Israel... Baka sa susunod nito pag nasanay na ako hanap hanapin na kita.

Tulala ako kahit noong nasa bayan na ako. Hinubad ko pa iyong kwintas niya para di makita ni Mama dahil baka magtaka iyon kung sino ang nagbigay at akusahan akong may boyfriend na. Palagi niya pa namang inaakusahang mas malandi pa si Kuya kaysa sa akin. Ma... Paano ka magpipigil kung nakakatukso talaga ang mga Buenaventura?

Isinuot ko ulit iyong kwintas noong pumasok ako ng eskwelahan pero itinago ko nalang sa loob ng aking uniporme. Nakalugay rin naman ang natural na maaalon kong buhok kaya okay lang rin.

"Good morning, Trace..." bati ng lalake kong kaklase pagpasok ko.

Ngumiti ako sa kanya.

"Morning..." mahina kong sagot pero sapat lamang iyon para ngumiti ito lalo.

Nagtungo rin naman ako sa aking upuan. Itinuon ko ang aking tingin sa labas ng bintana at hindi mapigilang mapangiti. Magkikita ba ulit kami mamaya? Pupuntahan niya ba ulit ako? Hindi naman pwedeng sunduin niya ako rito dahil pag-uusapan lamang kami. Ayokong dumagdag ng issue sa kapatid ko. Makakarating pa ito kay Kuya at mapapagalitan pa ako. Baka makatikim rin ako kay Mama.

"Uy pangiti ngiti! Habang tumatagal mas lalong bumublooming ah?" Bigla nalang sumulpot si Rinka sa aking harapan at nagawa pang silipin ang aking mukha.

"Huh..." Natatawa kong sabi.

"Ano 'yang make-up mo Trace? Make-up ng mga babaeng inlove? Ikaw ha..." Sinundot sundot niya pa ang aking tagiliran na nagpapaigtad sa akin.

"Hindi ah..." Ngumuso pa ako para magpigil na ng ngiti kaso hindi ako tinantanan ni Rinka.

Dumating narin ang dalawa at katulad ng kanilang nakasanayan sa akin ay inaasar na naman ako. Palagi ko nalang tinantanggi na wala lamang iyon pero hindi ko alam ba't binubulgar ako ng aking mukha. Ni hindi ko rin mapigilan ang pagngiti ko.

Nasa ikalawang subject na iyon nang may pumasok sa aming classroom. Guro iyon at ang gwardya sa aming eskwelahan. Nalipat ang aking tingin sa imahe ni Feli na galit na galit ang mukha.

Nagtungo iyong guro niyang kasama sa guro namin at may sinabi roon na ikinatango naman nito.

"Tumayo kayong lahat at iwan niyo ang mga gamit niyo sa upuan. Pumunta kayo rito sa harap," sabi ng aming guro na ikinakunot ng aking noo.

Kung kahapon ay nakabun ang kanyang buhok, ngayon naman ay nakalugay na.

"Anong pakulo ng inggratang iyan..." narinig kong sabi ni Rinka.

Nagsitayuan na ang iba kong mga kaklase kaya tumayo narin ako. Iyong guard naman ay nag-umpisang halughugin ang bag noong first row.

"Nawawala ang mamahaling kwintas ni Miss Barit," sabi ng guro at sinagot ang mga nagtatakang mukha ng aking mga kaklase.

Kwintas? Iyong suot niya kahapon?

Lumipat ang tingin ni Feli sa akin.

"Nasaan ang bag mo, Trace?" tanong niya sa matigas na boses na ikinakurap ko.

Huh?

"Iyan..." Itinuro ko ang aking upuan kung nasaan ang aking gamit.

Nagtungo rin naman agad siya roon.

"Sumusobra na talaga siya," bulong sa akin ni Cecille at galit na ang boses na iyon.

Hindi ko alam kung ba't bigla nalang akong kinabahan. Ang mga mata naman ng aking kaklase ay nakay Feli na. Binuksan niya ang maliit kong bag at ibinuhos ang laman noon sa aking upuan.

"Sigurado akong siya ang nagkakainteres sa kwintas na 'yon dahil ilang beses niya iyong tinitingnan kahapon. At nabanggit ko rin sa kanya habang nag-uusap kami sa library na ilang libo iyon pag binenta," paglalahad niya sa galit na boses na ikinatingin ng aking mga kaklase sa akin.

Umawang ang aking bibig at namutla sa kanyang binibintang. Hindi ko naman iyon magagawa sa kanya!

"P-Pero nauna kang umalis kahapon sa library Feli..." sabi ko sa kanya.

"Baka nalaglag ko roon at nakita mo pero di mo na ibinalik sa akin dahil alam mong mahal iyon!" sigaw niya naman at nasa akin na ang buong atensyon.

Mas lalo akong namutla. Sa kanyang rason ay katanggap tanggap nga iyon.

Tiningnan ako ng aking guro na kahit iyong gurong kasama niya ay nasa akin narin ang buong atensyon.

"Halika rito, Trace... Kakapkapan ka nalang para matapos na ito," sabi noon.

"Pero hindi naman magnanakaw si Tracey! Nambibintang na naman ang babaeng iyan!" sigaw ni Rinka.

Mas lalong natuon sa akin lahat ng kanilang atensyon. Parang mawawalan na ako ng dugo dahil sa pamumutla ko. Gusto kong sabihin sa kanila na hindi naman ako ganoong klase pero pinapangunahan ako ng takot at kaba.

Wala sa sarili akong humakbang papalapit doon sa babaeng guro. Sinimulan niya akong kapkapan. Ang una niyang tiningnan ay ang aking bulsa. Kahit ang aking sapatos ay pinahubad pa nito sa akin.

"Tingin sa taas," utos nito kaya sinunod ko rin. Sobrang blangko na ang aking pag-iisip. Naiiyak na ako kahit na alam ko naman sa sarili kong wala akong kasalanan.

May kung ano siyang kinuha sa loob noon hanggang sa inilabas niya ang suot kong kwintas. Doon ko naalala ang bigay na kwintas sa akin ni Israel. Mamahalin rin naman ito pero naiiba ang style ng pendant nito sa pendant noong kwintas ni Feli.

"Ito ba, Miss Barit?" tanong noong guro kaya mabilis na humakbang papalapit sa akin si Feli.

Nang makita ang kwintas ay nanlaki agad ang kanyang mga mata. Walang ano ano'y hinila niya iyon ng marahas sa aking leeg na kahit ang pagkakaalis noon ay naramdaman ko pa ang hapding dulot nito.

"Ito ang kwintas ko Ma'am! Ninakaw niya nga!" sigaw niya na ikinalaglag ng aking panga.

Lahat ay napasinghap sa gulat. Kahit ako ay gulat.

"H-Hindi... A-Akin 'yan..." Nauutal kong sabi sa kanya pero mas lumala lamang ang galit sa kanyang ekspresyon.

"Anong sa'yo?! Mahal ito! Imposible namang makabili ka ng ganito eh halos nasa bundok nga kayo nakatira! Ano lang ba ang trabaho ng Mama mo? At kahit ang Kuya mong kargador ay hindi ito kayang bilhin!"

Nangilid agad ang luha sa aking mga mata habang umiiling. Idagdag pa ang tingin ng mga kaklase ko sa akin.

"H-Hindi F-Feli... B-Bigay iyan n-ni..." Natigil ako at hindi kayang ibigkas ang pangalan ni Israel. Pag sinabi ko... Mas mapapahamak lang ako lalo.

Wala akong naidugtong doon kaya mas naghinala ang mga mata sa akin ni Feli. Ang mga kaklase ko ay nagbubulungbulungan na at ang iilan ay disgusto na akong tinitingnan.

"Miss Quiamco, proceed to the office," sabi sa akin noong guro na ikinabuhos ng mga luha sa aking mga mata.

"Ano?! Baka nga sinet-up lang ni Feli si Tracey! Hindi naman magnanakaw si Tracey!" palag ni Rose at akmang lalapit na sa amin pero pinigilan ito ng matalim na mga mata ng aming guro.

"Imposibleng ninakaw iyan ni Tracey! Hindi ganyan ang kaibigan namin!" Pagtatanggol naman sa akin ni Cecille.

"Baka magkaparehas lang sila!" sigaw naman ni Rinka.

"Total kayo ang mga kaibigan niya... Kahapon, may suot ba siyang ganito?" tanong ng guro na ikinatigil nilang tatlo. "H'wag kayong magsinungaling."

"Wala po pero baka ngayon niya lang naisipang suotin," sagot ni Rinka.

"Kahapon nawala ang kwintas ko at siya ang huli kong kausap sa library," sagot naman ni Feli na ikinadiin ko lang lalo.

"Proceed to the office now," sabi ulit nito sa akin kaya mas lalo lamang akong humagulhol habang naglalakad.

Paano ko ipapaliwanag na bigay iyon ni Israel? Kung sasabihin ko ba ay maniniwala sila? At hindi naman pwedeng sabihin ko iyon dahil mas lalala lamang ito. Kung pwedeng si Feli nalang ang kausapin ko na sana ay ipaliwanag niya na hindi naman iyon kanya at naiiba ang kwintas niya sa akin. May maliit na diamond ang akin at iyong kanya ay wala.

Pagdating sa office ay pinaupo agad ako nito. Ang mga mata noong guidance councilor ay nasa akin na. Umupo naman si Feli sa harap at humalukipkip agad roon habang hindi parin humuhupa ang galit sa mga mata.

"Anong kasalanan ng dalawa?" tanong ng guidance councilor sa gurong kasama namin.

"Nawawala po ang mamahalin kong kwintas at nakita sa kanya na suot suot ito. At sinabi niya pang sa kanya ito eh alam kong ito ang kwintas ko!" si Feli mismo ang sumagot.

Nalipat naman agad ang tingin sa akin noong guidance councilor. Mahigpit akong napakapit sa tela ng aking palda habang wala paring tigil sa pag-iyak.

"Totoo ba iyon hija?" tanong sa akin noon na ikinailing ko agad.

"Sinungaling! Ito ang kwintas ko!" sigaw ni Feli. "Mahal ito at imposibleng magkaroon ka ng ganito eh tagabundok ka lang-"

"Miss Barit, enough," putol sa kanya noong guro.

"Labag sa rules ng school ang offense na ito, hija. Alam mo na pwede kang maparusahan pag napatunayang ninakaw mo nga ang kwintas," sabi noong guidance councilor.

"H-Hindi ko po t-talaga kinuha..." hikbi ko.

"Bukas, papuntahin mo ang magulang mo rito para mapatunayan nilang sa'yo nga ito. Baka nagkamali lamang at parehas kayo ng kwintas," paliwanag nito.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig sa buo kong katawan. Walang alam si Mama rito at kung malalaman niyang may ganyan ako ay mas lalo lamang akong maiipit at mapagbibintangan.

Tinakpan ko ang aking mukha at umiyak lalo. Wala akong choice... Kaysa naman papuntahin si Mama rito...

"S-Sorry... T-Tatanggapin ko po ang parusa..." sabi ko sa gitna ng aking mga hikbi at hirap na hirap na sa pagsasalita.

"Ibig sabihin... ninakaw mo talaga ito?" panungumpirma ng guidance councilor.

"S-Sa kanya nalang p-po iyong k-kwintas... H-H'wag niyo lang pong p-papuntahin si M-Mama..."

"See! Guilty siya! Sigurado akong walang alam ang Mama niya sa kwintas kaya ayaw niyang papuntahin! Ang kapal ng mukha mong sabihin na akin nalang ito eh akin naman talaga ito! Magnanakaw ka talaga! Mga mukha kayong pera! Parehas lang kayo ng Kuya mo!" mas malakas niyang sigaw sa akin.

Tinanggap ko ang kanyang binibintang sa akin at hindi na pinagtanggol ang aking sarili. Mukhang kailangan kong pagtakpan ang totoo kaysa mabulgar iyon. Mas malaking eskandalo kung nalaman nilang si Israel nga.

"Dapat sa kanya maexpell eh! Magnanakaw!" walang awat na sigaw sa akin ni Feli.

Wala na akong makita sa aking paligid at tinakpan lamang ang aking mukha.

Continue Reading

You'll Also Like

114K 3.3K 102
Eli Landon x Kirsten Jaysel (Epistolary)
8.7K 589 91
completed | epistolary Maybe next time, it won't pain the hell out of me... Maybe next time, it won't be you anymore... Maybe next time, I'll know t...
98.2K 5.6K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4.8M 139K 60
Cana Aleyna Delafuente, "the ignorant girl" of the Delafuente clan who has a childlike and sweet personality hooked herself from someone she doesn't...