Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 21

42.4K 1.5K 194
By Ineryss

Want

Pumasok kami sa cafeteria nang mapansin ko agad ang tinginan sa akin habang pumipila na kami para makabili ng pagkain.

"Ay nangangamoy bulok agad ang paligid..." Naiiritang sambit ni Rinka na ikinaangat ko agad ng tingin.

Napunta ang pares ng aking mga mata sa may bukana at nakita ang pagpasok nila Ate Rici kasama na naman ang tatlo niyang kaibigan. Isa na roon si Feli na taas noong naglalakad at nakabun pa ang buhok. Ito ata ang unang beses na nagawa niyang itali ang kanyang buhok ng ganoon.

Noong magtama ang aming mga mata ay may kung ano agad siyang hinawakan sa kanyang leeg. Noong sundan ko iyon ay nakita ko ang suot niyang kwintas at ang hinahawakan niyang kumikinang na pendant noon. Hindi ko masyadong makita kung anong klaseng pendant iyon dahil natatakpan rin ng kanyang kamay.

"Tara..." Sulpot ni Rose sa aming harapan at may biniling apat na sandwich.

Ibinigay niya sa amin iyon isa isa. Nagpasalamat naman agad ako at handa naring umalis bago pa kami madatnan ni Ate Rici rito kahit na nasa may gilid na namin sila.

"Hi Trace!" Kinawayan ako ni Ate Rici kaya napakurap agad ako.

"Hi Ate..." bati ko sa kanya at kinawayan narin ito kahit na tinutubuan ako ng hiya dahil sa mga matang nang-uusisa agad sa akin.

"Ang ganda ganda mo ngayon ah!" pamumuri niya at mas tumamis pa ng kanyang ngiti.

Nahihiya naman akong ngumiti at nakita kung paano umasim ang mukha ni Feli. Iyong dalawa niya namang kaibigan ang pumila at hindi na nag-abalang pagtuunan kami ng pansin.

"Alis na po kami, Ate," pamamaalam ko na ikinatango niya naman.

"Sige!"

Binalingan ko sila Rinka na matalim ang tingin kay Feli pero wala naman silang sinasabi. Umalis rin naman kaming apat doon dala dala ang aming pagkain habang silang tatlo ay dala dala narin ang iritado nilang mga mukha.

"Nasusuka na talaga ako pag nakikita ko ang pagmumukha ng inggratang iyon!" Halos bumaon ang mga paa ni Rinka sa sahig dahil sa pagmamartsa nito nang marahas.

"Kahit bagong taon na ay nanggigigil parin talaga ako sa babaeng iyan eh!" dagdag naman ni Rose.

Kahit noong lunch ay iyon parin ang pulutan ng kanilang pag-uusap. Nagpaalam nalang ako na pupunta ako sa library at babalik rin pag nagsimula na ulit ang klase. Mas gusto kong doon magbasa dahil walang disturbo at hindi pa ako maiilang sa mga paninitig ng iba sa akin.

Pumasok ako at nagtungo sa pasilyo kung saan nakalagay ang libro na gusto kong basahin. Total malapit na akong makatapos bilang high school... gusto kong magbasa ng advance sa kukunin kong kurso sa kolehiyo. Alam kong ilang taon pa bago ako tumuntong sa stage na iyon pero gusto ko ring maging handa. Gusto ko sanang magtayo ng sarili kong flower shop pagkatapos ng aking pag-aaral. Gusto kong magdesign ng mga magagandang bulaklak sa mga may kasal at kung ano ano pang espesyal na okasyon.

Kinuha ko ang librong may bulaklak ang cover noon sa harap saka ako nagtungo sa bakanteng upuan. Inilapag ko sa mesa iyong libro saka ko pinasadahan ng haplos ang aking palda pababa saka ako umupo roon.

Paglaki ko, gusto kong mamuhay sa simpleng bahay at napapaligiran ng magagandang mga bulaklak. Kahit doon lang rin sa lupain namin itayo iyong magiging simpleng palasyo namin ni Mama. Alam kong si Kuya ay magkakaroon rin ng sarili niyang pamilya at balang araw ay bubukod rin sila noong mapapangasawa niya. Sana nga ay si Ate Rici iyon. Sana maipaglaban nilang dalawa ang kanilang pagmamahalan hanggang dulo.

Ako kaya? Anong klaseng pag-ibig ba ang naghihintay sa akin? Meron na ba? Nakilala ko na ba iyong lalake? O kailangan ko munang dumaan sa ibang lalake at masakpan para matuto. Ano kaya ang plano ng langit sa akin? Kasingganda ba iyon sa mga nababasa ko sa libro? O kasingpait lang rin ng napapanood ko?

Doon lamang nabura ang aking pinag-iisip nang may maramdaman akong imahe ng kung sino ang umupo sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin at nakita si Feli na inilalapag doon ang librong dala dala saka niya iyon binuklat.

"Hi..." Bati niya sa malambing na boses.

"Hi," bati ko narin pabalik at tipid na ngiti lamang ang naibigay.

Bumaba ang kanyang mga mata sa libro at wala sa sarili iyong inilipat lipat. Para itong may hinahanap na pahinang hindi niya rin naman alam kung ano.

Ginaya ko narin siya at itinuon ko nalang ang aking atensyon sa librong binabasa ko. Wala rin naman akong maisip na gagawin niyang masama rito sa akin. Lalo na't iyong huli naming pagkikita sa lupain nila Israel ay hindi gaanong maganda.

"Pamilyar sa akin ang pabango mo ha. Chanel iyan 'di ba?" tanong niya sa akin. Wala naman akong makitang galit o inis sa kanyang mukha habang sinasabi iyon. Mukhang nagtatanong lang ito.

Hindi ako makasagot at ilang sigundong napatitig sa kanyang mukha. Marahan siyang tumawa at inabot ang pendant noong suot niyang kwintas saka niya iyon hinawakan.

"Alam ko namang si Rici ang may bigay niyan. Ang bait niya 'di ba?" medyo mahina niyang sabi at nagawa pang umabante sa akin.

Napangiti ako at tumango lamang. Sang-ayon rin naman akong mabait si Ate Rici.

Binitiwan niya ang pendant noong kwintas niya at doon ko nakita ang hugis puso na pendant noon.

Nag-iwas ako ng tingin doon nang mapansin niyang titig na titig ako. Yumuko naman siya saka niya iyon tiningnan.

"Mahal pa naman ito... At kung ibebenta mo ata ay nasa ilang libo rin. Galing ibang bansa pa ito eh... Bigay ni Rici," sabi niya sa akin na ikinakurap ko.

Ganoon kabait si Ate Rici na hindi niya na iniisip kung mura ba o masyadong mahal iyong ibinibigay niyang bagay sa isang tao. Kaya rin siguro pinagpapala sila dahil sa ugaling meron sila.

Hindi ako sumagot sa kanyang sinabi kaya ilang sigundo itong tumahimik at palipat lipat parin ng pahina noong libro.

"Uhm... Tungkol sa inyo ni Israel... Kumusta na kayo?" biglaan niyang tanong.

Natigil ako sa pagbabasa at nag-angat ng tingin sa kanya. Ngumiti agad siya ng sobrang tamis sa akin.

"Alam mo Trace... Minsan naaawa rin ako sa'yo eh..." Nagpeke pa siya ng lungkot habang pinapapungay niya ang kanyang mga matang nakadirekta na sa akin.

Ibinagsak niya sandali ang tingin sa librong binabasa ko pero mabilis rin namang ibinalik sa aking mga mata.

"Noong una nagtataka ako kung bakit pinapalapit ka ni Israel sa kanya eh kabisado ko ang lalakeng iyon... He's cruel... Ayaw noon sa mga taong manggagamit," paglalahad niya sa siguradong boses.

Lumapit pa siya ng bahagya sa akin habang ang mga kamay ay nakahilig na sa mesa. Lumingon lingon siya sandali pero ibinalik rin naman agad ang tingin sa akin.

"Pero noong nalaman ko ang rason niya... Naawa ako sa'yo." Inangat niya ang kanyang kamay at sinuklay suklay ang gilid ng aking buhok. "Hayaan mo... pagsasabihan ko iyon na tantanan kana. Pero ikaw... Kung gusto mong lumapit lapit parin sa kanya ay wala akong magagawa roon."

Ilang sigundo ko siyang tinitigan. Alam ko naman iyon lalo na't ako rin mismo ang sumubo sa aking sarili sa sitwasyong ito.

I may looked innocent, but I know what's happening around me. I know Israel's hidden motive. I know what he wants from me.

"Mabait naman si Israel. Ni minsan... Hindi niya pinaramdam sa akin na iba ako. Na magkalayo ang estado namin sa isa't isa," inosente kong sagot sa kanya na mabilis niyang ikinatakip sa kanyang bibig at nagpipigil na humagalpak ng tawa.

"Grabe... Kahit kailan talaga pagdating sa pambobola ay eksperto ang lalakeng iyon... Lahat napapahulog niya sa kanya," sabi niya pa at pilit kinokontrol ang sariling hindi matawa.

Nailing iling siya habang may nakakaloko ng ngisi sa kanyang labi.

"Ayoko rin namang hadlangan ang mga balak ni Israel... Kaya sige... Magpaakit ka pa lalo ha," sarkastiko niyang pagkakasabi at tumayo rin naman kasama ang matagumpay na ngisi sa kanyang mukha.

Tumalikod rin naman ito at umalis na. Ni hindi niya pa binalik sa shelf iyong librong kinuha niya kaya ako nalang ang kumuha noon. Halatang nagpapanggap lang iyong pumunta rito para magbasa dahil ang totoo ay ako ang sadya niya. Eh iyong librong kinuha niya ay tungkol sa mga buildings. At isa pa... hindi naman iyon mahilig magbasa at ito nga ang kaunaunahang beses na nakita ko siyang nagkainteres magbasa rito.

Hindi ko na binanggit pa tatlo ang napag-usapan namin ni Feli. Mas sisiklab lamang sila at mas pag-iinitan nila iyon. 'Tsaka hindi niya narin naman kailangang sabihin iyon sa akin dahil hindi naman ako manhid para hindi maisip ang bagay na iyon. Siguro kaya niya iyon sinasabi para masaktan ako sa katotohanan dahil akala niya nag-aassume na ako ng malaki.

Baon baon ko ang mga iyon habang naglalakad na ako pauwi. Ginugulo na naman ako ng aking utak at kung ano ano na naman ang pinag-iisip nito. Doon lang iyon nabura dahil sa yabag ng paa ng kabayong tumatakbo sa aking likuran.

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang kabayong pamilyar sa akin. Nakita ko roon ang imahe ni Israel at ang marahas na hagod ng titig niya.

Doon lamang ako bumalik sa aking sarili nang huminto ang kabayo sa aking harapan at walang ano-ano'y bumaba siya roon.

"Hey..." tawag niya sa baritonong boses.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"It's almost two weeks since the last time we saw each other. Wala ka bang sasabihin sa akin?" he tilted his head while eyeing me closely.

"Hindi ko alam anong sasabihin ko..." mahina kong sabi sa kanya habang tinitingala ito.

Napansin ko na mas gumwapo ata ito kahit na ilang araw lang naman kaming hindi nagkita. Wala namang nagbago sa kanya ah? Siguro iyong mga mata ko ay masyadong perpekto ang tingin sa kanya.

"Kahit 'Namiss kita, Israel' okay na iyon sa'kin." Nagkibit pa ito.

Ngumuso ako. "Namiss kita, Israel..." panggagaya ko sa kanyang sinabi na ikinakurap niya.

Naialis niya ang kanyang mga kamay sa kanyang baywang habang ang kanyang mga labi naman ay umawang ng kaonti.

"You do?" tanong niya sa mas malalim na boses.

Ngumuso ako. Gusto ko sana sabihing feeling pero totoo naman. Namimiss ko siya.

Suminghap siya at binasa agad ang pang-ibabang labi. Humakbang pa siya papalapit kaya mabilis na umingay agad ang aking dibdib. Sa sobrang ingay ay tila naputol na ang aking hininga.

"Close your eyes..." sabi niya sa akin na ikinakurap kurap ko.

Hahalikan niya ba ako? H-Hindi kaya iyon ang plano niya? Loko loko pa naman ito minsan.

"B-Bakit?" nagtataka kong tanong.

"Basta... Just do it..." Ngumisi siya sa akin at nagawa na namang kagatin ang pang-ibabang labi.

Lumunok ako ng laway saka bumagsak ang aking mga mata sa kanyang dibdib kung hanggang saan lamang ako sa kanya. Dahan dahan akong pumikit at hinayaan nalang siya kung ano man ang binabalak niya sa akin.

Ilang sigundo akong nakapikit at ramdam ang kanyang imahe sa aking harapan na hindi parin umaalis dahil narin sa kanyang pabango na naaamoy ko parin.

"Now... Open your eyes."

Sinunod ko naman iyon at dumilat na. Napakurap ako nang wala man lang nagbago na kahit ang paglapat ng kanyang labi ay hindi ko man lang naramdaman. Ay... Ano 'yon? Inuuto niya ba ako?

"Para saan iyon?" tanong ko sa kanya.

"Wala lang... Gusto lang kitang pumikit," mapang-uyam niyang sabi na ikinasimangot ko agad.

Nang mapansin niya ang aking ekspresyon ay napanguso pa ito para magpigil ng ngiti.

Umiling nalang ako at naglakad na papunta sa bahay lalo na't nasa tapat narin naman kami.
Nararamdaman ko siyang sumusunod sa akin kaya tumigil muna ako sa may pinto at nilingon ito. Nagets niya naman ang ibig kong sabihin at huminto rin doon.

Tuluyan akong pumasok sa bahay at napabuntong hininga nalang sapo sapo ang dibdib kong nag-iingay. Napakurap ako nang bukod doon ay may nakapa pa ako. Mabilis akong yumuko at nakita ang isang kwintas na may hugis pusong pendant at sa gilid noon ay may kumikinang na maliit na bato.

Siya ba ang naglagay nito sa akin habang nakapikit ako?! T-Teka?! Ba't niya naman ako bibigyan ng ganito kaganda at mukhang mamahalin pang kwintas? Hindi pa naman kami ah! Ni wala nga iyong label! Ba't ang bilis bilis niya naman atang namimingay ng kung ano ano sa akin?

Lumabas ulit ako pero napahinto rin dahil sa biglaan kong pagkabangga sa kung anong matigas at mabango. Nag-angat ako ng tingin at nakita ito.

Inangat ko agad iyong pendant. "Ba't mo ako binibigyan ng kwintas? Hindi ko ito matatanggap Israel—"

"Why?" Angat ng kanyang kilay at para bang kahit pagtanggi ay hindi siya papayag. "It's a gift. It's normal for friends to give gifts..."

"Friends?" Namilog ang mga mata ko.

Namaywang siya at bahagyang natawa. "Ah... Then lovers?"

Namula ang aking mukha. "Hindi ko nga ito matatanggap. Hindi mo dapat ako binibigyan ng kung ano ano!"

"Ano bang gusto mong matanggap?" Angat ng kanyang kilay.

Ang kulit ni Israel!

"W-Wala!"

"Maybe you...want me?" Nakangisi niyang sabi na ikinalaglag ng panga ko.

"You like me. I am your crush, right? Do you want me instead of that necklace? Do you want me more?"

Bakit ba paladesisyon itong Buenaventura na 'to?

"Ibigay mo nalang 'to sa iba, Israel," pamimilit ko dahil pakiramdam ko, parang mali na may tanggapin akong kahit ano sa kanya.

Nagbibiruan lang naman kami ditong dalawa. Parehas kaming nagpapanggap. Iyon nga lang, hindi niya alam na alam ko ang ginagawa niya.

"Sa kapatid mo," agap ko.

"I already gave her a necklace."

"Edi sa...n-nagugustuhan mo?"

He laughed and shook his head. "Silly girl. That's why I gave it to you."

Continue Reading

You'll Also Like

96.8K 5.5K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
191K 3.7K 21
Dice and Madisson
6.1M 181K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...
114K 3.3K 102
Eli Landon x Kirsten Jaysel (Epistolary)