Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko by...

By PHR_Novels

925K 14.8K 311

"Kung mayroong pagkakataon para sa atin, I'll make love to you right here. In a bed of grass... at twilight."... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter 6

49.6K 797 18
By PHR_Novels


KINABUKASAN ay muling dinalaw ni Angelo si Wilna sa ospital.

"Good morning, Mr. Avila," nakangiting bati ng nurse.

"Good morning," nakangiting sagot ni Angelo na sumulyap agad sa dalaga na kumilos mula sa pagkakahiga. Ang nurse ay maingat na lumabas ng silid.

"Anthony..." usal ng dalaga. Umaliwalas ang mukha.

Tumikhim si Angelo. Magpapakilala sana siyang hindi si Anthony subalit muling nagsalita si Wilna.

"I thought you'd never visit me. Ang sabi ng mga doktor at nurse ay lumabas ka na days ago," may hinampo ang tinig ni Wilna.

Kung anuman ang sasabihin ng binata ay biglang napigil sa lalamunan nito. He was fascinated by the voice.

Masarap pakinggan and she was speaking huskily. Para bang bumigkas pagkatapos ng isang pleasurable lovemakings.

Muling tumikhim ang binata. That was a stupid thought. Nang dahil lang sa tinig ng dalaga ay lumawak na ang kanyang imahinasyon.

"Dumarating ako pero lagi kitang inaabutang tulog," kaila niya.

"I can't see you. Why don't you sit beside me?"

Atubiling lumakad si Angelo palapit sa higaan at naupo sa gilid ng kama. Natambad na muli ang mga pasa at galos ng dalaga. Muli ring nagbangon ang galit sa kapatid at ang simpatya kay Wilna.

Wala sa loob na ginagap niya ang isang palad ng dalaga at ikinulong sa kanyang mga kamay.

"Natutuwa ako, Anthony, at walang malubhang pinsalang nangyari sa atin."

"Hindi mo ba ako sisisihin sa nangyari?" ang lumabas sa bibig ni Angelo.

Lumabi si Wilna. "Should I? No, I don't think so. Aksidente iyon at magpasalamat tayo for coming out alive."

"Kung hindi dahil sa akin ay hindi sana maka-cast ang braso mo at magkakaroon ng pinsala ang mga mata mo. Bibilang ng mga araw bago ka muling makakakita, Wilna," may pag-aalala niyang sinabi. Dinala sa bibig ang palad ng dalaga at hinagkan.

Hindi malaman ni Wilna kung bakit parang may nanulay na init sa braso niya sa pagkakahalik na iyon ng kasintahan sa palad niya.

"M-muli pa ba akong makakakita, Anthony?" Nagkaroon ng lambong ang mukha niya. Nahimigan ng binata ang takot at insekyuridad sa tinig niya.

"Makakakita kang muli, Sweetheart. I promised you that. Kung walang mangyayari sa operasyon mo dito then we'll go to the States," naroon ang determinasyon sa tinig nito.

Pagkasabi noo'y saglit na kinuwestiyon ni Angelo ang sarili. Bakit kusang lumalabas sa bibig niya ang paniniyak na iyon?

Biglang nagliwanag ang mukha ng dalaga. Ngumiti siya.

Nanuyo ang lalamunan ni Angelo. Isang simpleng ngiti lang at naapektuhan na siya. There must be something wrong with him.

Pero agad na nahalinhan ng pagsasalubong ng mga kilay ni Wilna ang ngiti niya.

"Something's wrong?" si Angelo.

"I—think so," sagot ng dalaga. "Ang... ang boses mo. Alam kong boses mo iyan pero parang iba. Parang ikaw na parang hindi. Siguro dahil sa paraan mo ng pagsasalita. And you have never used any endearment to me before..."

"Gumamit ba ako?" amused na tanong ng binata.

"Tinawag mo lang akong 'sweetheart...'"

Damn yon, Anthony! Hindi nito napunang lumabas sa bibig iyon. At paanong hindi gumagamit ng endearment si Anthony sa kasintahan?

"And aren't you my sweetheart?" aniya sa malamig na tinig.

"Well... yes. Pero..." nagpakawala ng buntong-hininga ang dalaga. So tinawag siyang sweetheart ng kasintahan. Bakit kailangang gawan niya ng isyu iyon?

"May... may napuna pa akong kakaiba sa iyo..." dagdag niya.

Kinabahan si Angelo. Ano ba ang nangyari at bigla siyang nagpanggap na si Anthony? Hindi ba ang dahilan kaya narito siya ay upang dalawin lang ang dalaga? Magpakilala bilang ang kakambal ng kasintahan at kahit papaano ay pahiwatigan ang dalaga sa desisyon ng kapatid?

"Nagiging observant ka yata ngayon?" himig-birong sagot ng binata. "Napakaaktibo ng ibang senses mo dahil hindi ka nakakakita."

"And you are wearing a different brand of cologne," patuloy ni Wilna na hindi pinansin ang sinabi ng lalaki.

"Ow? Iyon ba? Sinadya kong palitan ang dati ko. Pagkatapos ng aksidente ay parang hindi ko na gustong gamitin ang dati kong cologne. Pero kung mas gusto mo ang dati ay ibabalik ko."

Mabilis na umiling ang dalaga. "Huwag! Mas gusto ko ang scent ng cologne mo ngayon. It's... it's..." hindi niya itinuloy ang sasabihin. Pinamulahan siya ng pisngi.

"It is what? Ituloy mo ang sasabihin mo," utos iyon.

"S-sexy? Manly? Hindi ko alam ang tamang salita," pagkakaila niya. Hindi niya gustong isatinig na may kakaibang damdaming pinupukaw ang nasasamyo niyang cologne mula rito. Was it erotic?

"Hindi ba ganoon ang dating ko sa iyo dati?" tukso ni Angelo.

Hindi sinagot ni Wilna iyon. Nakatatawang isiping nang dahil lang sa cologne ay nagkaroon ng pagbabago ang damdamin niya sa binata.

Hindi rin nagpilit si Angelo. Marahang pinisil ang palad niya. Pakiramdam ng binata'y hindi magiging kainip-inip kahit maghapon silang mag-usap.

"Bukas nga pala ay lalabas ka na. Ang sabi ng doktor ay sa bahay ka na tuluyang magpagaling. Pagkalipas ng ilang mga araw ay babalik tayo dito upang alisin ang cast sa braso mo."

Sukat sa sinabing iyon ng binata ay humigpit ang hawak ni Wilna sa palad nito. Na parang buhay at kamatayan niya ang nakataya.

Uuwi ba siya sa apartment ng landlady niya? Sino ang makakasama niya roon? Papaano siya makakakilos gayong hindi siya nakakakita?

Nagsalubong ang mga kilay ni Angelo. Punong-puno ng insekyuridad at takot ang mukha ng dalaga.

"Huwag kang mag-aalala. Sa bahay kita iuuwi. Makakasama mo si Nana Inez doon," anito na tila nababasa ang takot sa mukha ng dalaga.

Bahagyang naalis ang lambong sa mukha ni Wilna pero hindi pa rin lumuluwag ang pagkakahawak sa kamay ni Angelo na inaakalang si Anthony.

"A-Anthony... ang—ang tungkol sa kasal natin...? Mauunawaan ko kung gusto mong magbago ng desisyon."

"Don't be silly. You will be Mrs. Avila, darling, sa ayaw at sa gusto mo. I promised you that. But we have to postpone our wedding hanggang sa tuluyan ka nang magaling. Well, we could be married right here and now. Pero hindi ko naman gustong ipagkait sa iyo ang pangyayaring minsan lang dumating sa buhay ng isang dalaga. Ang makapagsuot ng wedding gown. Nasa bahay na ang mga invitation cards. Tumawag si Bobbie at sinabing yari na ang trahe mo. Also, he sent flowers and wished you well."

May tumulong luha sa mga mata ni Wilna pero hindi niya mapigil ang mangiti.

"You're right. Silly me. It's just that I'm so scared, Anthony," pahikbi niyang sinabi.

"Come on, darling, don't give me that waterworks," natatawang sagot ni Angelo na pinahid ng thumbfinger ang luha sa mga pisngi ng dalaga. "Baka hindi kayang i-absorb ng cotton iyang nag-leak na tubong iyan ng Nawasa," dagdag tukso nito.

Natawa si Wilna.

"I'm sorry..." usal niya.

"Kailangan mo nang magpahinga so I'd better go."

Tumango ang dalaga at dinala sa mga labi niya ang palad ni Angelo. Kung nakakakita lang siya ay napuna niya sana ang biglang pagka-tense ng binata.

"Thank you, Anthony."

Marahang binawi ni Angelo ang kamay. Huminga nang malalim at tumikhim. "Babalik na lang ako bukas so get ready," pagkatapos ay yumuko at ginawaran ng halik ang dalaga sa mga labi na siya marahil gagawin ni Anthony sa ganoong kalagayan.

It was intended to be a brief kiss. Subalit hindi nito napigil ang sariling damhin with the tip of his tongue ang sulok ng mga labi ni Wilna.

Si Angelo ang napaso sa ginawa. Mabilis itong tumayo. Nakita nito ang kalituhan sa mukha ng dalaga. Walang sabi-sabing mabilis itong lumabas ng silid.

Naiwan ang dalagang hindi maipaliwanag ang sariling damdamin. Maraming beses na siyang nahalikan ni Anthony. Torrid kisses kung tutuusin pero hindi pa nangyaring makadama siya ng tulad ng nadama niya kaninang hagkan siya ng inaakalang kasintahan.

May malakas na boltahe ng kuryenteng gumapang sa buong katawan niya. And why did she find that instant kiss so erotic? At gusto pa mandin niyang salubungin ang halik na iyon kung nagtagal pa ng isang segundo. Sa panahon ng pagiging magkasintahan nila ni Anthony, never did she hunger for a kiss. At nang iwan ng lalaki ang mga labi niya ay nadama niya ang malaking kawalan.

Ano ang nangyayari sa kanya at nawala lang ang sense of sight niya ay nagsampung doble naman yata ang sense of feeling niya?

Samantalang si Angelo ay pinagdidiskitahan ang manibela ng Mitsubishi Montero niya. Ano ba itong pinasok niya? Bakit pinaniwala niya si Wilna na si Anthony siya? Bakit naapektuhan ni Wilna nang ganoon ang damdamin niya?

Naawa ba siya sa dalaga kaya pinaasa niya ito? Paano kung talagang hindi magbago ang isip ni Anthony at tuluyang hindi na pakasalan ang dalaga?

Kinapa ng binata ang sarili. Would he be willing to take Anthony's place? At kung nakahanda siya, paano si Wilna? Tatanggapin ba siya nito?

Siguro ay nahihibang na siya!

Kanina, he was fighting so hard para lang huwag hagkan ang dalaga sa paraang gusto niya. Lord! Sa buong buhay niya, that was the shortest kiss he made on record! And yet it aroused millions of feelings na hindi niya kayang ipaliwanag.

He desired her! Ang kasintahan ng kapatid niya. She's so soft na tila ba mababasag ito kung yayakapin niya.

Was it lust? Ganoon ba ang damdamin niya para rito?

Napapailing ang binata. Si Lucille ay modernang babae. Hindi siya ang nauna dito at ang pagtatalik nila sa panahong magkasintahan nila'y tila tulad na lang ng pang-araw-araw na gawain. Ikinumpara niya ang damdamin niya sa dating kasintahan at kay Wilna.

No! Magkaiba. She desired Wilna, yes. But at the same time he felt protective para rito. And yes, he was rock hard nang hagkan niya ang dalaga pero naroon ang pag-iingat at lalim ng nadarama.

At mula nang una niya itong mapagmasdan ay lagi na itong nasa isip niya. Para itong babasaging kristal. Hindi dapat masaktan. And she was so helpless. Paano na ito kung hindi siya nagpanggap na si Anthony?

Natitiyak niyang mag-iisa ito. And damn you, Anthony!

Gusto rin niyang murahin ang sarili dahil sa pagkaka-involved niya nang ganito. Siguro ay talagang nahihibang na siya. Dahil hindi niya malaman kung para kanino kaya siya nagpanggap.

Kung para kay Anthony dahil baka magbago ang isip nito, o para kay Wilna dahil naaawa siya sa dalaga. O, para sa sarili niyang damdamin.

Sa buong maghapong iyon ay mainit ang ulo ng binata. Pinagdiskitahan niya ang munti at bawat pagkakamali ng mga empleyado niya sa opisina.

Lalo pang nadagdagan ang inis niya nang pag-uwi nang hapong iyon ay wala si Anthony.

Tulad ng una ay hinintay niya ang pagdating ng kapatid subalit hanggang sa dalawin siya ng antok ay wala pa rin ito.

Kinabukasan ay sadya siyang nagpatanghali upang hintayin ang paggising nito. Alas-nuwebe y media nang bumaba si Anthony.

Nagtaka pa ito nang makitang naroon pa siya. "Surprise, Angelo! Tanghali na'y narito ka pa. I knew you to be an early bird."

Naupo ito sa mesang kainan. Sinalinan agad ito ni Nana Inez ng kape sa tasa.

"Salamat po, Nana Inez. Kumain na kayo."

"Pasado ala-una ka na nang dumating kagabi or shall we say kaninang madaling-araw."

Patuyang tumawa si Anthony. Pagkatapos ay dinampot ang tasa ng kape at uminom. Muling inilapag sa platito at deretsong tiningnan ang kapatid.

"Here we go again, dear brother. Buhay na buhay sa katauhan mo ang papa. Tingin mo ba sa akin ay walong taong gulang?"

"Sikapin mong baguhin ang paraan mo ng pamumuhay, Anthony. And you will never hear from me. Hindi ka naman dating ganyan, ah."

"Binata kaya naggo-goodtime. Magpasalamat ka pa nga at kahit na may sarili akong condo ay talagang dito ako umuuwi," walang anumang naglagay ito ng bacon sa pinggan at isinubo ng daliri.

"May problema sa branch natin sa Taft. Bakit hindi mo subukang tulungan akong pamahalaan ang negosyo natin?" ani Angelo sa malamig na tinig.

Nagkibit ng balikat si Anthony. Sinulyapan si Nana Inez na nakayuko lang.

"Kayang-kaya mo 'yan, Angelo. Hindi ba at iyan ang dahilan kaya sa iyo iniwan ng papa at mama ang pamamahala sa negosyo, pati na rin ang pagiging administrador? Na para bang 'pag ako ang gumawa noon ay ibabagsak ko ang pinaghirapan nila o di kaya ay wawaldasin ko nang todo ang mana ko," sarkastikong sagot nito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Angelo. Nauunawaan niya ang kapatid. Nagtatampo ito sa naging laman ng testamento ng mga magulang hindi man deretsahang sabihin. Hindi rin niya maunawaan kung bakit ganoon ang ginawa ng mga ito. Natitiyak niyang walang kinikilingan ang mga ito sa kanilang magkapatid.

"Binibigay ko sa iyo ang karapatang mamahala. Kahit saang branch. Ikaw ang umaayaw."

Hindi sumagot si Anthony. Nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali muna ang pinalipas ni Angelo bago muling nagsalita.

"Galing ako sa ospital kahapon..."

Isang kibit uli ng balikat ang tugon ni Anthony. Gustong mainis ni Angelo pero sinikap kalmahin ang sarili.

"Ang buong akala ni Wilna ay ako ikaw bago pa man ako nakapagpakilala."

Doon nag-angat ng ulo si Anthony. Ngumiti at kumislap ang mga mata.

"Really? We've done it again, haven't we? Just like the old days."

Sa maraming pagkakataon noong mga binatilyo pa ang dalawa ay ilang beses silang nagpalit ng girlfriends at wala man lang nakahalata. Sa sine ay magpapaalam silang pupunta sa CR at pagkatapos ay maghahalili ng girlfriends.

Poor girls. Madalas sabihin ng papa nila na kinukunsinti ng kanilang ina ang kanilang mga kalokohan. At bagaman nagagalit ang mama nila ay alam nilang naa-amuse ito nang lihim.

"So, sinabi mo ba sa kanyang hindi na matutuloy ang kasal namin?" dagdag ni Anthony.

"I told her otherwise. Na sa malaon at madali ay magiging Mrs. Avila siya," kaswal na sagot ni Angelo.

Wala sa loob na naibagsak ni Anthony ang tinidor sa pinggan. "Shit, Angelo! Wala kang karapatang gawin iyon!"

"Anthony!" saway ni Nana Inez sa pagmumura ng anak-anakan.

Nagyuko ng ulo ang binata. Kahit paano ay may paggalang ito sa matandang nanay-nanayan.

"Pupunta ako doon ngayon. Sasabihin ko sa kanyang hindi na matutuloy ang kasal. Don't worry, Angelo, Nana Inez, I'll break it to her very gently. Anyway, sasagutin naman nating lahat ang gastos hanggang sa tuluyan siyang gumaling."

"Lalabas na siya ngayon. Paano sa palagay mo kikilos si Wilna sa apartment niyang tinutuluyan gayong hindi siya nakakakita?" sabad ni Nana Inez.

Inilahad ni Anthony ang dalawang kamay. "No problem. Hired a private nurse o di kaya ay kumuha sa agency ng katulong."

Matagal na tinitigan ni Angelo ang kapatid. "Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit ako ang ginawang administrador ng mga magulang natin, Anthony. lyang attitude mo na 'yan. You're so spoiled in some ways na ang buong akala mo'y kayang tumbasan ng pera ang lahat ng bagay. Kahit ang damdamin ng kapwa. Kaya kung ako ikaw ay hindi ko gagawing pumunta doon ngayon," malamig ngunit mapanganib ang tonong binitiwan ni Angelo.

Kilala ni Anthony ang tonong iyon ng kakambal. Totoong hindi ito natatakot sa kapatid pero somehow ay malaki ang respeto nito kay Angelo. Tumayo ito at nagpalakad-lakad.

"Ano ba naman ang gusto mong mangyari, Angelo?" "Bigyan mo ng pagkakataon ang sarili mo. Magbabago marahil ang desisyon mo sakaling gumaling at makakita si Wilna. Pero huwag mong saktan ang damdamin ng kasintahan mo at this point in time. That's heartless."

"Ex!"

"That would be decided 'pag nakakita na si Wilna. Dito ko itutuloy si Wilna mamaya 'pag nailabas ko na siya. Patuloy akong magpapanggap na ako ikaw until such time you would come to your right senses. At natitiyak kong iyon ay 'pag nanumbalik na ang kanyang paningin. Iyon naman ang dahilan kaya biglang nag-iba ang desisyon mo, hindi ba?"

Nalito si Anthony. Dinampot ang sigarilyo at nagsindi. Ano nga ba ang dahilan at bigla itong tila natauhan sa tunay na nararamdaman? Na isang malaking pagkakamaling magkatuluyan ito at si Wilna. Ginagawa lang nitong dahilan ang naging kapansanan ng babae pero somehow ay alam nitong hindi iyon ang totoo.

"Well?" si Angelo na sinulyapan si Nana Inez na hinihintay rin ang sagot ni Anthony.

"Hindi mo siya maaaring iuwi dito, Angelo. Akin ang bahay na ito at alam mo iyan. Ayokong sa sarili kong pamamahay ay mangingilag akong magkasalubong kami."

"Ano ang masama roon? Hindi naman alam ni Wilna na narito na ako sa Pilipinas. Iisipin niyang ikaw pa rin iyon."

"Hindi mo alam ang sinasabi mo, Angelo. At hindi ko rin alam kung bakit ginagawa mo ito. Maaari namang sa apartment na lang at ikuha siya ng nurse o katulong," pagalit na'ng sagot ni Anthony. "Magkaiba ang brand ng cologne at perfume nating dalawa. Magkaboses nga tayo pero kung dalawang tinig ang halinhinang maririnig ni Wilna ay tiyak na maghihinala siya. At kung ano-ano pang maliliit na bagay tungkol sa atin na mapagkakakilanlan."

Huminga nang malalim si Angelo. Totoo ang sinasabi ng kapatid.

"At isa pang dahilan, Angelo. And I hope you will not take it against me. Kami na ngayon ni Lucille," umiwas ito ng tingin. Sunod-sunod ang hitit ng sigarilyo.

Nagtagis ang mga bagang ni Angelo. Hindi dahil may pagtingin pa rin siya sa dating kasintahan kundi hindi niya matanggap na ang uri ni Lucille ang ipapalit ng kapatid kay Wilna.

"Paanong nangyari?"

"Sa una, akala niya'y ako ikaw. Humingi siya ng tawad. It was only when we were in bed nang maghinala siya. Meron kang dalawang buhay na nunal sa dibdib and in some parts of your body that she seemed to have memorized and remembered," humagalpak ng tawa ang binata sa tinuran.

Gustong maiskandalo ni Nana Inez. Hindi nito malaman kung matatawa o magagalit sa dalawang lalaki. "Nagalit siya sa primero," sinabayan nito ng kibit ng balikat. "Ang sabi ko, she can leave the condo if she wants. I couldn't care less really. Knowing Lucille, alam kong 'di niya gagawin iyon. Para siyang nagtampo sa bigas," muli itong tumawa nang malakas.

"And what happened to our friend Marlon?" Tinukoy nito ang kaibigan nilang ipinagpalit ni Lucille sa kanya.

"Wala siyang sinabi. Hindi ko rin tinanong. Natauhan siguro si Marlon," sagot ni Anthony na nakangiti pa rin. "Ang rason lang naman ni Marlon ay upang patunayang mas nakakalalaki siya kaysa sa iyo by taking the woman he thought you love. You used to compete with each other, di ba? At lagi naman siyang talo."

"At ikaw naman ngayon?" may nakatagong galit sa tinig ni Angelo.

"The relationship is good while it lasts, dear brother. Hindi ako seryoso kay Lucille. Nagtataka nga lamang ako sa iyo kung bakit muntik mo nang pakasalan ang babaeng iyon."

Hindi agad nakapagsalita si Angelo. Siya man ay hindi rin maisip iyon.

"Bumalik tayo sa isyu, Angelo. Hindi kita pipigilan sa anumang gusto mong mangyari kay Wilna pero huwag mo siyang ituloy dito. Take her to your house in Tagaytay.

"Kung ang desisyon ko ang hinihintay mong magbago then hintayin na lang natin. At kung mangyaring hindi talaga magbabago ang pasya ko, anuman ang kahihinatnan ng ginagawa mo ay problema mo," pagkasabi noo'y muli itong pumanhik sa itaas.

Ilang sandaling hindi nakakilos sa kinauupuan si Angelo. Sinulyapan si Nana Inez.

"Problema bang talaga itong pinasok ko, Nana?"

"Maaaring hindi dahil baka nga naging pabigla-bigla lang si Anthony. At maaari ring problema nga dahil baka umasa lang si Wilna sa wala. Sa kabilang banda, kung sakali mang putulin ni Anthony ang ugnayan nila ay mabuti na ngang mangyari iyon kung tuluyan nang magaling si Wilna. Sa ngayon ay masasaktan siya nang labis dahil sa kalagayan niya. Ikaw ang magpasya, Angelo."

"May palagay akong tama ang huling sinabi ninyo, Nana Inez. We can break the engagement pagkatapos niyang maka-recover," pinal na pasya ng binata.

Continue Reading

You'll Also Like

834K 12.9K 21
Sweetheart 1 By Martha Cecilia "Ikaw ang aking panaginip... ang aking magandang pag-ibig." Isang matinding crush ang umusbong sa batang puso ni Kimbe...
169K 4.8K 32
Mula noon hanggang ngayon, palagi nang nagsisilbing anghel sa buhay niya si Amor. At hindi niya inakalang sa kabila ng mga taong lumipas ay makakagaw...
123K 1.8K 10
This is also a tearjerker. This is my first story in PHR... I know that you won't understand me - maybe not now. Or probably, you won't ever find the...
394K 5.4K 24
Unedited version. Eira and Alex.