Fools in Love [COMPLETED]

By mysehuniverse

316K 13.9K 3K

Ano na lang ang gagawin mo kapag ikaw at ang best friend mo ay parehas na may gusto sa iisang lalaki? Aaminin... More

P R O L O G U E
Mr. Geeky
BASTED
First Score
Plans
Avoiding Audrey
NEW LOOK
Misunderstandings
Do I Make You Nervous?
Besties
Like a Date?
Flirting Lessons
Doubts
Confrontations
Romeo and Juliet
Friends?
Change
Loving Boyfriend or Loyal Friend?
Key and Chace
STORM
Prism vs. STORM ; First round
Confusion
The Conclusion
Cinderella and the Evil Stepsisters
Damn it Chace
Curse the Hiccups
Why Now?!
Admit It
Beach
Scared
Fireflies and A Sunrise
True or Not?
I'm Jealous
Bonfire
Mistakes
Sorry
Past is Past
I Wish
Key Puso Mo
I Can't Ask Her
Hopeless Romantic
Hulog
Get Well Soon
Selos Ka?
Wala Na
Heart
Too Late
My Hero
Till We Meet Again
Waiting
E P I L O G U E
AUTHOR'S NOTE + PLAYLIST

Torn

4.1K 209 20
By mysehuniverse

Chace's POV

Second day pa lang ng retreat pero umalis na ako kaagad sa seminar house. Hindi ko na mae-enjoy pa yung natitira naming activities para bukas, pero wala akong pakialam doon. Si Key lang ang inaalala ko at wala ng iba pa.

Ako, si Hero, Lyah at isa sa mga teachers namin ang mga nagdala kay Key sa pinakamalapit na ospital. Mabuti na lang at may sasakyan na dala-dala 'yung isa naming teacher kaya yun ang nagamit namin.

Halata sa aming lahat na puro kami nag-aalala kay Key, siguro nagtaka na lang yung ilan naming mga batchmates ng nakita nila na nagmamadali kaming umalis doon sa beach. Walang malay si Key ngayon, at hindi rin stable yung heartbeat niya at para rin na nahihirapan siyang huminga.

Ngayon eto kami, nasa labas ng emergency room at naghihintay lang ng balita. Nakaupo lang kaming lahat at iniintay na lang namin 'yung sasabihin ng doktor habang si Hero naman, natataranta ng sobra.

Siguro dahil nag-aalala siya ng sobra kay Key at responsibilidad nga daw niya si Key. Sinabi rin niya sa akin na tatawagan pa daw niya yung parents ni Key pagkatapos naming malaman kung ano na ang kondisyon niya.

We're just hoping for the best. Hopefully, it's nothing serious pero sa tingin ko ina-assure ko lang yung sarili ko.

Maya-maya ay lumabas na nga yung doktor sa emergency room. Agad-agad naman kaming puro nagsilapit sa kanya. "Kamusta na po yung estudyante ko doc?" tanong kaagad ni ma'am.

"Gusto ko lang sanang tanungin kung aware po ba kayo tungkol sa condition niya?"

Halata naman na mukhang naguluhan si ma'am sa tanong nung doktor. "Opo, alam po namin. Dati pa daw po niya 'yun sakit" sagot naman ni Lyah.

Tumango naman yung doktor. "As you know, her heart already has a valve defect. From the looks of it, it has gotten worse. Wala kasi kaming past records nung pasyente dito kaya hindi namin alam kung kailan pa siya nagkaroon ng ganitong sakit."

"Nung bata pa daw po siya, akala daw po nila ay galing na siya kaya po hininto na po nila yung pagpapagamot. Mga last month lang po ulit na-detect na bumalik na" sabi naman ni Hero.

Hiya na may halong gulat siguro yung nararamdaman ng teacher namin ngayon. Wala kasi siyang kaalam-alam sa lagay ng estudyante niya at gulat na rin siguro kasi di niya alam na seryoso na pala yung sakit ni Key.

"Gagaling ka Key, tutulungan kita. Basta pag nastre-stress ka o malungkot ka, punta ka lang sa akin. Stress reliever mo ako eh" biniro ko siya. "Ako ang magiging happy medicine mo" dagdag ko pa.

Naalala ko tuloy nung sinabi ko sa kanya yun. Paano ko naman magagawa yun kung si Key rin naman ang iiwas sa akin?

"Ah, sige po. Mabuti siguro kung i-contact niyo na yung parents niya para sila ang makausap ko. Right now, there's no need to worry. Her condition is stable, masyado lang siya sigurong napagod kanina o kaya na-overwhelm lang siya masyado. With her condition, chest pains and nausea are a normal thing. Napwersa niya siguro 'yung sarili niya masyado kaya nag-black out siya. Nakita rin namin na may sprain siya, namamaga 'yung paa niya eh" paliwanag pa nung doktor.

"Just give her enough time to rest and recover and she'll be okay" pagkatapos noon ay pinasalamatan na lang namin siya saka siya umalis.

Thank God, at least Key's okay now. 'Yun lang ang mahalaga, at least for now.

Nakita namin na nilabas na si Key sa emergency room, tulog pa rin siya at ililipat na yata siya sa magiging room niya dito. It pained me to see Key like this, mas gusto ko pa yung gising siya na binubungangaan niya ako kaysa naman 'yung ganito siya.

Maya-maya ay pinapasok na kami sa kwarto niya. Naupo na lang kami sa couch na nandoon habang naupo naman si Hero sa kama sa may paanan ni Key. Halata na nag-aalala siya at nakatingin lang siya sa mukha ni Key. Nakita ko rin na pinatong niya yung kamay niya sa kamay ni Key.

"Girlfriend ba ni Hero si Key?" bulong sa akin ni ma'am Legaspi. "Grabe kasi siyang mag-alala eh" dagdag pa niya.

Hindi ko siya nasagot ng maayos kaya umiling na lang ako. Napansin siguro ni Lyah yung pagka-awkward ko. "Hindi po ma'am. Super close lang po talaga nila, pero wala po sila sa limit ng pagiging friends" sagot naman niya.

Tama nga lang yung naisip ko. Sumugod nga lang ako sa gyera na siguradong talo na ako. Bakit nga ba inamin ko pa na may gusto ako kay Key eh sigurado din naman ako sa kung ano ang meron sila ni Hero. Hindi din naman ako tanga para sirain ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa ganitong bagay.

"Kayong tatlo, aalis muna ako para kunin yung mga gamit ni Key at ilang gamit niyo. Ako na ang tatawag sa parents ni Key, bantayan niyo na lang siya at huwag kayong umalis ah" paalala ni ma'am habang tumayo siya.

"Ma'am sasama na po ako. Ako na lang po mag-aayos ng gamit ni Key" sabi naman ni Lyah habang tumayo siya.

"Ma'am ako na lang po ang tatawag sa parents ni Key" dagdag naman ni Hero.

Tumango na lang si ma'am at sumunod na sa kanya si Lyah. "Chace, aalis muna kami ah. Ikaw na muna ang magbantay kay Key" sabi ni ma'am sa akin. Lumabas na sila ma'am at naiwan kami ni Hero sa loob.

"I'll be gone for a while Chace, tatawagan ko muna sila tita. Bantayan mo na lang si Key at tumawag ka na lang ng nurse pag nagising na siya" hindi nakatingin si Hero sa akin habang kinakausap niya ako. Kay Key lang siya nakatingin at nakahawak lang siya sa kamay niya.

Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa nakalabas na ng kwarto si Hero. Wala naman akong masasabi di ba? Ano mang 'words of assurance' ang sabihin ko, hindi naman yun makakatulong ngayon.

Lumipat na lang ako sa tabi ni Key, may isang upuan naman sa tabi ng kama niya. Kung ako pa nga lang natataranta na ng ganito, paano pa kaya si Hero? Siya pa magsasabi sa parents ni Key tungkol sa nangyari. Tapos paano na rin kaya si Lyah? Ngayon pa lang niya nalaman na may ganitong sakit si Key, actually pati naman kami ni Hero eh. Kahapon lang namin nalaman na may sakit si Key, tapos biglang ganito kaagad?

Who knows how long I stayed in that room. Nakaupo lang ako at nakatingin kay Key, sinubukan kong i-distract yung sarili ko sa paglibot doon sa kwarto pero parang lalo lang akong nanlumo dahil sadyang iba talaga ang aura dito.

"Chace?" napalingon ako bigla at agad akong lumapit sa kama. Gising na si Key! Luminga-linga muna siya sa loob ng kwarto. "Nasaan ako?" tanong niya.

"Nag-collapse ka kaya sinugod ka namin dito. Sobra kaming nag-alala sayo" Hindi ko maiwasan ang pagngiti ng makita kong gising na si Key. Kanina lang ay parang nabibingi na ako dahil sa sobrang katahimikan dito eh.

Tahimik lang si Key habang inobserbahan niya yung sarili niya. Naka-dextrose siya tapos puro bandages pa yung paa niya. "Pabigat talaga ako kahit kailan" nagbuntong-hininga siya. "Sorry dahil nag-alala pa kayo sa pagdala sa akin dito"

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan Key, alam naman naming lahat yung kalagayan mo eh. Kung tutuusin nga, kasalanan pa namin yun kasi hinayaan ka pa namin na makipagsagutan ng ganun kay Audrey kahit na ba alam namin na masama yun para sayo" paliwanag ko.

"Si Audrey" mahinang sabi ni Key. Tumingin naman siya sa akin tapos nangingilid na yung mga luha niya. Pinilit niya 'yung sarili niyang umupo at tinulungan ko na lang siya. "Na-realize ko kanina, kaya ganun si Audrey, kaya nagbago 'yung ugali niya ng ganyan... kasalanan ko 'yun" sabi ni Key.

"Ako 'yung may kasalanan ng lahat kung bakit naging ganyan si Audrey. Kung hindi ako naglihim sa kanya eh di siguro magkakaibigan pa rin kami ngayon" dagdag pa niya.

"Pero kung hindi ka nga naglihim, baka hindi ka rin naging ganitong kalapit sa amin ni Hero" mahina kong sinabi habang hinawakan ko siya sa braso. "Everything happens for a reason Key, siguro eto lang talaga 'yung dapat mangyari sayo"

I bet even a child could tell that my words had no effect on her at all. Masyado lang siyang apektado talaga ngayon.

"Nasaan si Hero?" tanong naman niya. I thought so, inaasahan ko nga kanina na si Hero kaagad ang una niyang hahanapin once na magising siya.

"He's outside, kakausapin daw niya yung parents mo para sabihin yung mga nangyari" sagot ko naman sa kanya.

"Kahit si Hero naaabala. Inaalala ko lang na baka magalit pa sila mommy at daddy kay Hero kapag nalaman nila yung nangyari. Kasalanan ko ito eh, bakit ba kasi may ganito pa akong sakit?" humigpit yung hawak niya sa kumot niya.

"Magiging okay ang lahat, bukas makakaalis ka na sa ospital na eto at makakauwi ka na kasama ang parents mo. Then sa Monday papasok ka na ulit at lahat ng bagay ay magiging normal na ulit" sabi ko sa kanya.

"Pwede ba Chace?!" Nagulat ako dahil sa biglang pagtaas ng boses niya. "Stop being so naïve! Sa tingin mo magiging normal na ulit? Ang normal ulit ay yung times na magkakaibigan pa kami ni Audrey at wala akong sakit na inaalala. Kaya sabihin mo, paano mababalik yung normal na 'yun?!" naiinis niyang sinabi.

Hinawakan ko naman siya sa magkabilang balikat niya para pakalmahin siya. "Key, hindi 'yan mabuti para sayo. Sorry kung may nasabi akong mali" hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin sa kanya.

"Ayan ka na naman. Wala ka namang ginawa na mali, ako lang 'yung mali! Alam mo sana hindi na lang natin ginawa yung agreement na yun. Eh di sana hindi na lang nasira 'yung pagkakaibigan namin ni Audrey! Ang sakit Chace, dati mong best friend sasabihan ka lang na mawala na? Kung 'yun ang gusto niya eh di sana lumala na lang lalo etong sakit ko para mamatay na ako!" umiiyak na siya ngayon.

Shit. This isn't good for her. Seeing as it is the only way to calm her down, I hugged her. "Sorry Key, kasalanan ko to. Kung hindi kita pinilit na tulungan ako kay Audrey eh di sana di humantong sa ganito 'yung pagkakaibigan niyo. Kasalanan ko rin kung bakit nagsimula 'yung gulo kanina, nasabi ko kasi kay Audrey 'yung tungkol sa agreement natin" sabi ko.

"Kung hindi ko 'yun nasabi eh di sana hindi nagalit ng ganun si Audrey. Sana hindi ka na niya napagbuntungan pa ng galit"

Patuloy lang na umiiyak etong si Key. Nagulat na lang ako dahil bigla niya akong tinulak papalayo. "Nakakainis ka Chace" sabi niya habang humihikbi siya. "Lagi mo na lang inaako 'yung mga kasalanan ko. Wala kang kasalanan, sa lahat ng bagay na nangyari ay may choice ako na piliin kung ano ang dapat kong gawin at nagkataon na laging mali ang pinipili ko. Tama lang si Audrey, nagsinungaling lang ako sa kanya at naging makasarili ako" mahina niyang sinabi.

Damn. I hate seeing Key like this, this just isn't her. She's stronger than this, hindi siya ganitong kahina.

"Walang magagawa ang pagsisi mo sa sarili mo. Time will come at mare-realize ni Audrey na parehas lang kayong nagkamali" sabi ko naman.

"Hindi na ako aasa diyan Chace! Bullshit na lang yan. Sa tingin mo makikipag-ayos pa sa akin si Audrey? Wala na. Nasira ko na yung pagkakaibigan na meron kami. Ayoko na ng ganito" lalo lang siyang umiyak.

Damn it Chace, wala kang kwenta.

"Sabi ni Audrey sana hindi na lang niya ako naging kaibigan, sabi niya pag nawala ako magiging okay na ang lahat. Tama ba siya Chace?" she asked as she gave me a bitter smile.

Umiling ako. "Nadala lang si Audrey ng galit. She never meant it" paliwanag ko.

"Tama yata siya eh" sabi niya habang tumulo na yung mga luha niya sa kumot niya. "Kung ganito ako, nagiging pabigat lang ako sa iyo, sa pamilya ko at kay Hero." Hinawakan niya yung IV needles na nakatusok sa braso niya. "Etong mga eto? Wala na etong magagawa" sabi niya.

Nagulat ako ng hinatak niya yun bigla. "Mamamatay rin lang ako kaya ano pa silbi nito!" sigaw niya habang tinanggal niya yung mga bandages at plasters na nakakabit sa kanya.

Agad kong pinindot yung intercom at tumawag na ako ng nurse. Ang tanga ko rin eh, sabi sa akin ni Hero eh tumawag na ako ng nurse pagkagising ni Key. Lumapit naman ako kay Key saka ko siya hinawakan sa braso niya para di na niya masaktan pa yung sarili niya.

"Key, please itigil mo na ito. Huwag ka ng magsalita pa ng ganyan" sabi ko sa kanya. Tuloy tuloy lang yung pagtulo ng luha niya. "Maraming nagmamahal sayo, nandito lang kami kaya please lang wag kang ganyan. Please"

Hindi na lumaban pa si Key pero patuloy pa rin siyang umiiyak. Pinunasan ko yung mga luha niya sa pisngi gamit yung mga palad ko. Nakita ko naman na dumudugo yung braso niya dahil siguro sa paghatak niya bigla nung mga karayom.

Nagulat yung nurse ng dumating siya, lumabas siya ulit at bumalik siya ng dala-dala na yung mga gamit na kakailanganin niya. Binigyan niya muna ng pampatulog si Key saka niya ulit inayos yung mga bandages at yung dextrose niya.

Agad-agad naman na pumasok si Hero doon sa kwarto. Base sa itsura niya ngayon, siguro di naging maganda yung reaksyon ng mga magulang ni Key.

"She's torn Hero" sabi ko sa kanya pagkatapos kong ikwento yung lahat ng nangyari. "Hindi ko alam na ganun pala siya talagang kaapektado sa mga sinabi ni Audrey" dagdag ko.

Bakas naman sa mukha ni Hero yung pag-aalala. Sumandal na lang siya doon sa pader sa likuran namin saka siya nagbuntong-hininga.

"We've got no choice Chace, kahit na ayoko... mukhang kailangang pag-ayusin na natin sila nila Audrey"


Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 153 19
[PAPERINK MIDNIGHT SCREAM SERIES - COLLABORATION] BLURB Taong 2000, isang malawakang pagpatay ang naganap noon sa isang lugar na kung tawagin ay Bary...
1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
472K 12.1K 59
Malaki ang takot ni Louise sa mga multo. Pero paano kung ang inaakala niyang prince charming na sana niya ay isa rin palang multo? Ma-i-in-love pa ba...