"BRIX..." banggit ko habang nakatitig sa kisame ng silid ko.
One year. Isang taon. Ganun na ba katagal na wala siya.
Sinulyapan ko ang isang music box sa tabi ng lampshade ko. Gaano na ba katagal iyong nakalagay doon? Isang taon ba? Inabot ko iyon at pinihit ang susian at saka muling inilapag.
Umikot ang mumunting figure at nagsasayaw. Isang babae at lalaki kasabay ng tugtuging nagmumula sa music box. If I loved You. Sa kabila ng galit ko kay Brix dahil bigla na lang itong naglaho ng parang bula hindi pa rin niya maitapon ang regalong ipinadala sa kanya mula sa America. I missed him.
Nang bigla bumukas ang pinto ng kanyang silid. Agad akong napalingon at ang taong kanyang iniisip lang kanina ay nandito na sa kanyang harapan.
"Hindi ka ba marunong kumatok?" asik niya
"So galit ka pa rin sa akin?"
"Hindi ako naga-----"
"Is the invitation still open?"
Nagsalubong ang mga kilay niya at napaupo sa kama"What?"
Lumapit si Brix sa kanya at pagkatapos ay niyuko ang dalaga. Pinaglakbay ang mga mata sa mukha niya.
"Sa paglipas ng isang taon, kung anu-ano na ang ipinangalan mo sa akin, Nicole. Coward, hypocrite, at mukhang nag-alinlangan ka pa yata sa pagkalalaki ko," she opened her mouth to say something pero nagpatuloy si Brix."Palitan natin iyong salitang hypocrite ng iron-control, Nicole. Pero gusto kong luwagan ng kunti ang control kong iyon," she was mesmerized as fraction by fraction ay lumalapit ang mga labi ni Brix sa kanya. Until finally, idinampi nito ang mga labi sa mga labi niya, in an incredibly gentle kiss.
On instinct, she closed her eyes. And Brix tasted each corner of her lips. Then parted her suprised lips with his mouth and deepened the kiss. Nagkabuhol-buhol ang isip ni Nicole. Sa pagkamangha, she remained passive. At may pakiramdam siyang tila siya isang sako ng bigas na lumaylay sa upuan.
Makalipas ang ilang sandali'y pinakawalan ni Brix ang mga labi niya."You've been wanting that kiss for as far as I could remember, Nicole. Now that I obliged, what? Have I satisfied your curiosity?" sinlamig ng yelo ang tinig nito
Nanlaki ang mga mata niya. Wala siyang mahagilap na sasabihin. You've been wanting that kiss...
Obliged. He was obliged to kiss her. Period. And it hurt so much. Pero hindi niya kayang ipakita ang sakit dito.
"T-thank you. That was....wonderful." Ang tanging nasabi niya kasabay ang paglunok.
"After a year of anticipating what it would be like if we kissed, iyan lang ang sasabihin mo?" natatawang sabi nito.
"A-ano'ng gusto mong sabihin ko?" bahagya nang naglagos sa lalamunan niya iyon. She could still feel on her throbbing lips the warmth of his kiss.
Muling yumuko ang binata at hinawakan siya sa baba, "If you can't find a better word than 'thank you..'" he whispered. "ako meron, and -----"
"Don't say anything!" natauhan siya tila trance niyang kinalalagyan. Itinuwid ang sarili in a dignified fashion. "I'm sorry if I'd been so foolish all those years you've known me. Forget about it, Brix, Let's treat each other like....like friends or my employee. As we used to.." idinagdag niya ang huling sinabi. Muli siyang tumalikod at humiga sa kama..
Tahimik na lumabas ng silid niya si Brix.