Better Than Revenge (ONE-SHOT)

By ellechanted

99 6 1

Hindi lahat ng pagka-broken heart ay dahil sa pag-ibig, minsan sa mga pagkakaibigan rin. Minsan hindi mo nama... More

Better Than Revenge (ONE-SHOT)

99 6 1
By ellechanted

BETTER THAN REVENGE (One-Shot)

Written by Ellechanted

 *Not based on a true story

***

Dedicated sa mga taong plastik, feeling artista, feeling maganda, mga manloloko na kaibigan.

Dedicated din sa mga taong nasaktan dahil sa friendship.

***

"OMG si ano oh!" Sabi ni Scarlet Fernandez doon sa isa pa namin na kasama at kaibigan. Isa siya sa mga sikat dito sa campus, mayaman ang isang 'to at very sociable siya. 

"Eeeh! Alis na nga tayo dito!" Siya yung kasama namin, si Irene Andalio. Halos parehas sila ni Scarlet, sikat at very sociable. Dati siyang member ng isang girl group na sikat na sikat dito sa campus, kaso dahil ayaw na niya, umalis na siya. Ngayon kasama namin siya dahil hindi niya kasama ang mga kaibigan niya na katabi niya sa classroom. 

"Nako nako Irene!" Sabi naman ni Paige Garcia. Dati din siyang member ng laos na na group ngayon. Hindi siya gaanong kasikat. Matalino siya katulad ko. Madaldal ang isang yan pagdating sa ilang mga bagay na hindi ko masyadong gusto.

"Ayieeee! Waaah!" Sigaw ni Claire Lopez. Transferee siya dito. Lagi siyang kasama ni Irene noong hindi pa namin siya kasama. Sabi niya napaka-sikat daw niya sa dati niyang school. Nung nag-transfer siya dito, napakatahimik niyan. Pero nang tumatagal, unti-unti na siyang nagpapakita ng totoong kulay, napaka-daldal niya at iiyak yan kapag walang kausap.

Samantalang ako, wala. Wala akong sinasabi. Napaka-tahimik kong tao. Yung feeling na kahit magsalita ako nang malakas eh wala namang makakarinig o makakapansin. Paano ko ba naman malalaman yung pinaguusapan nila eh hindi nga nila ako kinakausap, kaya nga ayokong magsalita. Kung magsasalita kasi ako, I'll change their topic then they'll be annoyed. Sa totoo lang sila ang 'annoying'. Napaka-ingay nila! Ako lang siguro ang tahimik! Nakakainis!

Ako si Mavis Lorenzo. Parang katulad na nila ako pero ako lang ang tahimik. Alam mo kung bakit ako ganito, parang isang loner na nakikisabay lang sa mga taong walang kwenta? 

"Mavis, lilipat na ako ng school next year." 'Yan ang halos nag-paiyak sakin. Sinabi yansakin ng isa kong bestfriend na si Andy Zulueta ngayon ko lang naging kaibigan at siya ang nakasama ko na may pinaka-best na moments sa lahat. 

"Ah ganon ba," Yun lang ang nasabi ko.

"Oo, ikaw, saan ka next year?" Tanong niya sakin. 

Hindi ko alam yung isasagot ko. Gusto ko kaya siyang makasama. Kapag iniwan niya ako, mangyayari nanaman nung naramdaman ko dati.

"D-Dito." Sinabi ko na.

"Hindi na tayo magkakasama." Tapos parang naging malungkot siya.

"Ayos l-lang, pagbubutihin ko yung pag-aaral ko." Kahit mahirap titiisin ko. 

"Gusto mo sumama ka na lang sakin? Madaming matatalino dun pero kailangang mag-entrance exams."

"Sige, ita-try ko."

"Good luck best friend, kahit malayo pa." Tapos tumawa siya, at napatawa din ako. Dumiretso na kami sa classroom namin.

Hindi ko alam kung ano yung susundin ko, puso ba o isip? Yung puso ko nasa campus namin, kasi madami akong bagay na ayaw kong maiwan dito. Yung isip ko naman ay para sa kinabukasan at kaligayahan ko kasama ang best friend ko. Pero, wala na eh. Tapos na. Hindi ako naka-pasa. Wala na, nakapasa siya. Doon na talaga siya lilipat, samantalang ako, naiwan nang mag-isa.

Uwian na namin. Kami lang ni Paige ang magkasama kasi sina Scarlet at Irene may practice sa dance contest para sa School Festival na magsisimula sa Wednesday.

Sa tingin ko, ang boring kong kausap. Siguro hindi siya interesado. Naimpluwensiyahan siya ng mga nakakainis na babaeng yun. Parang kinaibigan nila si Paige dahil lang mayaman to at medyo loko din. Puro "Alam mo ba..", "Si ano..", "Uy," Ahh okay!", "Ganon ba..", yun lang siguro yung mga nasasabi namin. Pero kapag napansin niyo na SILA LANG ang magkakasama iba na ang pinaguusapan. Hindi na ako magtataka kung ako na yung pinaguusapan nila.

***

School Festival na. May dance number sina Scarlet, Irene, at Claire mamaya sa stage. Nung gumala kami ni Paige sa campus matapos namin bumili ng pagkain, nakita namin silang tatlo. As usual, si Paige lagi niyang pinupuri si Scarlet. Naka-make up at costume sila. Aaminin ko, maganda sila, pero i-observe niyo yung ugali nila. Sa tingin niyo matatawag natin yun na 'tunay na ganda'? 

"Picture tayo!" Sabi ni Paige kay Scarlet. May dala siyang camera.

"Sige," Sabi ni Scarlet tapos nag-smile siya kahit wala pang camera.

"Oy sali ako!" Pa-singit ni Claire. Sipsip. Tapos hinila niya si Irene sa tabi niya. Nakakainis si Claire, buti hindi niya alam.

"Ako din," Sabi ko. Kahit malakas, hindi nila pinansin. Kahit nakatingin sila sakin. Alam mo ba yung feeling na tinatalikuran ka nila?!

"Mavis picturan mo nga kami!" Binigay sakin ni Paige yung camera niya kahit meron naman din ako na mas malaki.

"S-Sige." Ako photographer, at sila yung model. Wow lang ha, hiyang-hiya ako sa inyo. Ako yung dahilan kung bakit kayo naging kaibigan tapos ako yung wala? Anong klaseng tao kayo?

Nararamdaman ko na yung nakakainis na feeling na lagi nating tinatawag na selos. Tinapat ko na sa kanila yung camera at inayos ko yung zoom. Then I took a shot. "Isa pa," Sabi ni Irene. Lahat sila kita yung ngipin habang ngumingiti, kinuhanan ko sila. "Wacky!" Sabi ni Scarlet. Lahat sila nag-peace hand sign. Kinuhanan ko sila. Tapos tumingin ako sa paligid, siguro walang kukuha dito para sa amin na kasama ako. Ang selfish. "Okay na," Sabi ko, tapos binigay ko na kay Paige yung camera niya.

"OMG ang ganda natin dito girls!" Sabi ni Scarlet. Ganyan talaga yan magsalita, rich kid kasi eh.

"Pang-DP natin!" Sigaw ni Paige. May nalalaman pang ganon ah. WTF.

Sorry not sorry. Napapamura na talaga ako kapag naiinis na talaga ako ng sobra. Totoo pala yung sinabi ng teacher namin dati. Envy is the root of all evil. Nagagalit ka, nagiging selfish ka, nagiging mayabang ka minsan at minsan tinatamad ka na nang sobra. Alam mo yung feeling na sila yung gusto mong mga kasama pero simula nung may sumama sa inyo inagaw niya na lang ng biglaan? Nakakainis diba?

Umalis na ako nung binigay ko yung camera ni Paige sa kanya. Hindi ko na pinansin kung may sabihin sila sakin o may tinanong sila na "Saan ka pupunta?" katulad non. Nakakainis na. Halos limang buwan ko na tinitiis yun, at halos limang buwan na akong naiyak halos gabi-gabi sa kakaisip na pinagsisisihan ko na hindi ko sinundan yung kaibigan ko, yung totoong kaibigan ko na sinabing forever kaming best friend.

Nakakainis lang. Pumunta ako sa CR, naglakad pa ako nang malayo para makalayo sa kanila. Pumasok ako sa isang cubicle at kunwaring umihi, yung totoo umiiyak na ako. Buti walang masyadong tao sa CR, walang nakakarinig sakin na umiiyak kahit mahina lang. Halos matagal na ako don, dahil sa kakapunas ng luha ako para hindi halatang umiyak ako. Sasabihin ko na lang na kinamot ko yung mata ko.

Nang lumabas na ako sa CR, ang daming tao. Nakatingin sakin, baka kasi napansin nila na ang tagal ko sa loob. Baka iniisip nila na tumae ako? Yuck. Mas mukhang tae yung mga plastic na yun. Pasalamat na lang marunong ako makipag-plastikan. Hinanap ko yung pwesto ng section namin, gusto ko mag-stay doon kesa naman sumama sa mga feeling famous na mga babae. Lalo na si Claire na transferee lang dito.

Umupo ako sa table at nagpahinga, tinakpan ko ang ulo ko para hindi halatang naiyak ako. Yung mga katabi ko nagbabasa ng mga libro. Ang tahimik nga nila eh, buti mga kasundo ko sila.

"Ate Mavis ayos ka lang?" Lumapit sakin yun kaklase ko na si Venice. Kasundo ko yan pagdating sa madaming bagay pero hindi ko siya palaging kasama. "O-okay lang," sabi ko.

"Di nga? Namamaga mata mo," Alam ng babaeng 'to kung sino yung kinaiinisan ko. Alam niya din kung bakit minsan sumasama ako sa kanya kasi nga dahil sa mga babaeng yun.

"Wala lang 'to, may naaalala lang ako." Ewan ko kung tatawagin ko yung sarili ko na sinungaling. Naalala ko si Andy. Naalala ko yung mga pinaguusapan namin, yung mga ginagawa namin. Nakaka-miss, sa tuwing naririnig ko yung mga favorite na kanta namin, imbis na sumayaw ako napapatakip ako nang mukha dahil sa umiiyak ako. Sinungaling naman ako kasi sinabi ko na wala lang ang mga luha ko.

"Seryoso, bakit ka naiyak?" Tanong sa akin ni Venice. Nakita ko na parang naaawa siya.

"Wag kang maawa sakin. Nakakainis talaga sila," 

"Sino? Si Irene at Claire?" Alam na alam niya.

"Oo, naimpluwensyahan na nila sina Scarlet at Paige kaya naging ganon na ang mga ugali nila." Tapos yumuko ulit ako, umiyak ako nang umiyak. Yung buong mukha ko natakluban na ng panyo ko. 

Si Paige, napaka-bait niyan, hindi siya nangiiwan dati. Si Scarlet hindi siya mayabang, napaka-humble niya. Simula nung sumama na samin si Irene, nagbago na sila. Si Paige naging snobber na siya at medyo naging maarte. Si Scarlet naman naging papansin at FC. Si Claire bago lang siya sa school na 'to at kung umayos parang daig pa niya yung mga old students eh. At ayun, nung nagkasama silang apat, HALOS nagkapareparehas na sila ng ugali dahil lang kay Irene at Claire. I'm being frank.

"Sabay ka muna sakin," Sabi ni Venice sa akin. Sa totoo lang, minsan sinasabihan ako nung iba na collector daw ako ng mga friends, yung para lang may kasama ka, ganon. Pero paksht nakakainis, hindi nila alam kung ano yung pinagdadaanan ko! Paano naman ako magkakaroon ng kaibigan kung wala akong sinasamahan? Ang bait kong tao, nagiging masama ako dahil sa mga ginagawa nila sakin. Sa tingin mo may babalik sa kanila na kabutihan? WALA.

"Sige, salamat ah." Tapos kinuha niya yung libro na babasahin ko sana pagkaupo ko. "Pahiram muna." Di ko na siya nilingon, nagpahinga muna ako. Nagiisip ako.

Makakarma din silang tatlo, I swear. Kung binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.

Hiyang-hiya naman ako sa kanila.

***

"Uyyy! Si Mavis pumasok na! Yay!" Sumigaw yung isa sa mga kaklase ko nung nakita niya akong nasa pinto. Pumunta siya sa akin tapos nagtanong "Totoo ba yun Mavis?" 

"Ang alin?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"Model ka na tapos isa ka pang talent sa WTTPD?" 

'Ah oo. Bakit mo tinatanong?" Tinanong ko ulit.

"OMG! TOTOO NGAAAA! CONGRATS!!!"

Tapos pumunta siya sa gitna ng classroom, "GUYS! TOTOO NGA! MODEL AT ISANG TALENT SI MAVIS!" Tapos yung iba kong mga kaklase nagtinginan sakin habang papunta na ako sa upuan ko sa dulo ng pang-apat na row. Sari-saring mga reaction ang narinig ko.

"Ang haba ng hair mo girl!"

"Nakaka-inggit! Waaaah!"

"Di nga! Wahahaha! Ikaw na!"

"Mavis saan ka nagmomodel?"

"Makikita na natin siya sa TV o!"

Two weeks ago, absent ako ng dalawang linggo after nung School Festival. Alam naman ng mga teachers dito kung ano yung dahilan ko, sinabi lang ng adviser namin sa mga kaklase ko nIa nagkasakit ako at may inaasikaso lang. Nung nag-post ako sa Facebook at IG ng mga pictures na nasa building ako ng WTTPD at mga pictures ko na nagmomodel ako, ang daming nagulat. 

Hindi ako nagmodel at naging talent para magpasikat o para mapansin lang ng apat na mga babaeng nakasama ko. May allowance ako sa mga ginagawa ko at may gusto lang ako tulungan. Hindi ako yung tipo ng tao na magpapasikat lang para magpapansin. Siguro ito yung isa sa mga factors na nagpapasaya sakin after nung na-trauma ako. Hindi ko na tiniis yung sakit kasi baka mamaya magkasakit ako. 

Pagkaupo ko sa armchair ko. Kinuha ko yung notebook ko at yung notebook ng kaklase ko na kapitbahay namin. Kumokopya ako ng notes sa Science ngayon kasi late na kaming nakauwi sa bahay dahil may pinuntahan kami ng ate ko. Napalingon ako sa pinto ng classroom nang nakita ko yung mga babaeng kinaiinisan ko. 

"Ayun na si Mavis!" Nakita ko na tinuro ako ni Claire pagpasok nila. Baka tuwang-tuwa lang siya kasi model na ko?

"Ayieee talent na siya, marunong naman talaga siyang umarte ah?" Narinig ko si Paige sa upuan niya, hindi siya masyadong malayo sakin.

"OMG ang swerte ni Mavis, baka makita niya si— oo nga no, baka nakita na nga niya!" Tinutukoy ni Scarlet yung idol niya, nakita ko na kausap niya si Venice.

"Pamodel-model pa hindi naman maganda, papansin lang?" Bulong ni Irene na kakaupo lang sa likod ko. Di ko pinansin. Ganyan naman talaga yang babaeng yan eh. Bitter. Kaya siguro nang-agaw siya kasi medyo close na kami ni Paige at Scarlet. 

Ako siguro ang nagsimula ng lahat. Naging kaibigan ko si Paige, hanggang sa sumama si Scarlet samin. Naging close kaming tatlo hanggang sa napili si Scarlet para sa dance number sa School Festival. Si Irene, naging close siya kay Claire at naging kaibigan naman ni Claire si Irene. Si Claire naging feeling close kay Scarlet and di nagtagal naging magkaibigan silang tatlo kasama si Irene. Nung nagkasama kaming lahat, halos naging baliw na sila, hindi literal na baliw. Minsan lang ako mabaliw pero hindi sa mga taong 'to. Nakakainis. Naimpluwensiyahan na nila Irene at Claire sina Paige at Scarlet, buti hindi ako affected. Naging baliktad na sila kumpara noon. Nagbago na sila. Nagbago din ako.

Noong recess, kasama ko si Venice. Umupo ako sa isang table at ni-reserve ko yung isa para sa kanya. Sa table na yun doon din umupo yung apat, sila Scarlet, Paige, Irene, at Claire. Nagbabasa lang ako ng mga notes para sa quiz mamaya. Hindi ko pinapansin yung mga babaeng katabi ko. 

"Di siya bagay maging artista, ang tahimik eh!" Bulong ni Irene kay Claire. Ang lakas naman ng bulong niya, akala niya hindi ko naririnig.

"Kala mo naman kasi kung sinong mas magaling! Mas bagay siya sa basurahan!" Sabi ni Claire kay Irene. Si Scarlet napatingin sakin at sinabihan silang dalawa na nakatingin ako sa kanila. "Hoy, naririnig niya kayo."

Tinigtignan ko silang dalawa nang masama. "Eh kayo, may talent ba kayo? May ugali ba kayo ha?!" Sinigawan ko sila.  Madaming nakarinig kaya madami din ang nagtinginan, kasama si Paige na nagulat at si Venice na kakaupo lang sa tabi ko. "Alam niyo, ang ganda niyo. Oo, sobra! Pero yung ugali niyo, mas bagay sa putik! Alam niyo, konti na lang mapupuno na ako sa inyo. Bwisit! Alam niyo kung anong klaseng tao kayo? Mas malala pa sa hayop!" Tapos tumayo ako at hinila ko si Venice palayo sa kanila. Nakakainis. Ayoko silang makita!

"Ikaw yung may masama na ugali! Napaka-famewhore mo! Gusto mong maging artista para MAGPASIKAT!" Sinigawan ako ni Claire.

"Ang bitter niyo! Sino sa tingin mo yung hindi maiinis sa ugali niyo?! NAPAKA-SAMA NIYO! HALOS MAGKASAKIT NA AKO SA PUSO SA KAKAIYAK NANG DAHIL SA INYO! MAY NAKILALA LANG KAYONG BAGO, NAGING GANYAN NA KAYO! ANG SAMA NIYO!" Ibig kong sabihin dun sa part na magkasakit sa puso, baka literal na ma-broken heart ako. Halos ma-depressed ako nung School Fest. Gusto ko manampal kaso nauna na siya. Sinampal niya ako.

"CLAIRE!!" Napasigaw si Paige at Scarlet. Si Irene naman masamang nakatingin sa akin. "WALANG HIYA KA! KUNG MAKAPAGSALITA KA SA AMIN AKALA MO KUNG SINO KA!" Sasampalin niya ulit ako kaso pinigilan ko siya. "Akala mo ba walang nasasaktan sa ginagawa niyo?! Hindi kayo karapat dapat maging ganyan! Ang sama niyo, sobra!" Kinakapos na ako sa hininga. Napahawak ako sa dibdib ko. Hinila ko si Venice palayo sa kanila. Nakakainis. Ayoko silang makita!

"Mavis, bakit mo sinabi 'yon?" Tanong ni Venice sakin habang naglalakad kami.

"Naiinis na ako sa kanila. Gusto kong rumesbak!" Sabi ko. Wala akong pake kung may nakatingin samin ni Venice habang naglalakad.

"Bakit mo kailangang mag-resbak?!" Tanong niya sakin.

"Basta, sana matuto sila! Sana matauhan sila!" Tapos pumunta na kami malapit sa classroom namin. Gusto matuto sila ng leksyon! Ang sama nila akala mo magandang manlait sa iba! 

Basta, gagawin ko na.

***

Binabasa ko yung slam book ni Venice kung saan nagsulat sila Paige, Scarlet, Irene, Claire, at ako. Binasa ko kung ano yung mga gusto nilang matanggap na regalo sa pasko. 

Di ko pinansin yung apat, kahit sa Twitter o Facebook. Wala, ni-isa wala akong pinansin. Sa twitter, si Scarlet at Claire, tweet sila nang tweet ng "Sorry", "Sana pansinin mo kami", "Sorry na talaga please". Baka gusto lang nila pansinin ko sila kasi model at talent ako ganon. 

Hindi ko ata kaya manakit ng tao physically, hanggang emotionally na lang siguro ako pwede manakit. Ano kayang pwedeng panghiganti? 

Ah alam ko na! Habang binabasa ko yung slambook may naisip agad ako. Binuksan ko yung twitter ko at tinignan ko ang mga profile nila. May gusto silang matanggap na wala pa sila.

Okay, I know what to do.

***

Kagagaling ko lang sa photoshoot namin kanina. Nasa mall kami ngayon at nagsha-shopping kami ni Ate Mackenzie. Bumili kami ng tatlong box ng pizza. Tapos naghanap ako ng libro, nakahanap ako ng isa. The Fault in our Stars ang binili ko. Si Ate Mackenzie ang nakahanap ng medyo malaking stuff toy na cute. Tapos, bumili kami ng dalawang t-shirt, yung isa may picture ng idol niya at yung isa may simpleng quote lang. Para sa aming dalawa ni ate, ibinili ako ni Ate ng Keds at yung series ng Divergent. Tapos si Ate bumili lang ng simpleng t-shirt. 

"Para saan ba 'to Mavis?" Tanong ni Ate habang kumakain kami dito sa Jollibee. Tinutukoy niya yung mga binili namin.

"Basta ate, may pagbibigyan lang ako." Sagot ko sa kanya.

"Ha? May boyfriend ka na ba?" 

"W-Wala kaya! At tsaka may lalaki bang sobrang hilig sa cute stuff toy at nagfa-fanboy sa idol niya? Wala akong kakilala na ganon!"

"Ay ang shunga ko." Napakamot siya ng ulo. "Eh yung pizza?"

"Sa atin yung dalawa, tapos yung isa sa kaibigan ko na mahilig sa pizza."

"Ah ganon ba? Bakit dalawa yung sa atin?"

"Sa inyo yung isa. Tapos sosolohin ko yung isang box."

"Ang glutton mo naman! Corny mo bunso!"

"Ate Mackenzie naman eh! Sige sa amin na lang lahat yung isang box."

"Good. Wag kang selfish Mavis." Tapos nag-smile siya.

"Wag kang magpupuyat ah? May shooting pa kayo bukas." Dadag ni ate.

"Ang aga pa naman, tsaka mamaya ko na ito ibibigay." 

"Hindi mo pababalutan yung mga binili natin?"

"Kapag natapos na tayong kumain saka natin ipabalot tapos pupuntahan ko sila."

Sana totoo yung mga sorry nila. Susulatan ko pa sila ng maiksing letter. Hayszxc.

***

"Knock! Knock! Tao po!" Kumatok ako ng tatlong beses sa gate ng bahay nila Paige. Nakita ko yung nakababata niyang kapatid na babae. Binuksan niya yung gate, "Hi Paris! Pwedeng pakibigay 'to sa ate mo?" Inabot ko sa kanya yung regalo na libro.

"Si Ate Paige po?"

"Opo, kilala mo ako diba? Wag mong sasabihin na ako ang nagpapabigay."

"Sige po! Babaaaaaye!" Tapos bigla niyang sinarado yung gate. Nakakagulat.

Sunod kaming pumunta sa bahay nila Scarlet, medyo malapit lang naman. Nag-door bell ako atsaka mayamaya lumabas na yung nanay niya siguro. "Sino po yan?"

"Kaklase niya po," Sabi ko sa kanya.

"Pwede po bang pakibigay kay Scarlet? Regalo ko po sa kanya." Inabot ko sa kanya yung regalo na may dalawang damit.

"Salamat hija, ibibigay ko na lang. Anong pangalan mo?" 

"Nakalagay naman po sa regalo. Aalis na po ako." Nginitian ko siya saka ako pumunta sa kotse ni ate na medyo malayo sa bahay nila Scarlet.

Pumunta naman kami sa medyo malayo na subdivision, hinanap namin yung bahay ni Irene. Madali lang naman hanapin yung bahay niya kaya nahanap namin agad.

Kumatok ako sa gate nila. Lumabas yung kuya niya. "Anong kailangan mo?"

"Nandyan po ba si Irene?"

"Wala, gumala yun eh. Ano yan?" Tinuro niya yung stuff toy na bitbit ko.

"Pabigay na lang po sa kanya," Ibinigay ko sa kanya yung stuff toy para kay Irene.

"Thank you po." Nag-nod ako bago ako tumalikod.

"Ang cute ah," Narinig ko yung sinabi ng kuya niya bago ako umalis.

"May iba pa?" Tanong ni Ate Mackenzie pagpasok ko sa sasakyan niya.

"Opo, sa kabilang kanto na lang. Last na." Sabi ko.

"Sige," Nag-drive siya sa kabilang kanto. Nadadaanan ko lang minsan yung bahay ni Claire dito. Ewan ko lang kung sinong nasa loob ng bahay niya. Bago ako kumatok, may isang babaeng tumawag sakin. "Ate! Walang tao dyan maliban doon sa bata!" Sigaw niya sakin.

"May ibibigay lang po!" Sinigaw ko din.

Tsk. Paano ko 'to maiibibigay eh si Claire lang ang nasa loob? Ah alam ko na! Iiwanan ko na lang dito sa may gate, sa loob ng gate. May parang space dun sa ilalim ng gate kaya ipinasok ko na lang yung box na kasya naman. May naka-pin dun na letter kaya malalaman niya naman kung kaninong nanggaling.

Bumalik na ako sa kotse. Pinaandar niya na yung kotse atsaka papunta na kami sa bahay.

"Para saan ba talaga yun?"

"Basta ate, tignan mo na lang yung mga twitter account nila. Baka mag-tweet sila ng photo eh."

"May letter yun diba? Anong nangyari?"

"Ano po kase," Napakamot ako ng ulo. Ang awkward kasi kung sasabihin ko. "Nag-away po kami. Naiinis kasi ako sa kanila kasi iniwan nila ako at iba na yung ugali nila. Nagso-sorry na sila pero hindi ko pinapansin. Ang hirap magpatawad kaya dinaan ko na lang sa regalo since malapit na magpasko."

"Ang bait mong bata ka, grabe. Todo effort ka pa eh! Ikaw na bunso!"

Sana magkabati na kami.

Kahit hindi na kami magkakaibigan kapag nagkita-kita kami.

***

Kinabukasan sa school. Kinausap kami ni ma'am tungkol doon sa nangyari. Pinapagalitan kami ngayon eh.

"Bakit mo naman siya sinampal?" Tanong ni ma'am kay Claire. 

"Pinagsasabihan niya ng masama yung mga kaibigan ko tapos lagi daw namin siya tinatalikuran eh siya naman yung tinatalikuran kami!" 

"Bakit mo naman sila tinalikuran?" Ako naman ang tinatanong ni ma'am.

"SILA po yung tinatalikuran ako before nangyari yung argument. Actually may favoritsm sila kaya tinalikuran nila ako." Then I frowned.

"ANONG KAMI?! NAG-SORRY NA KAMI SA'YO PERO HINDI MO PA KAMI PINA—!" Tumayo si Claire pero pinigilan siya ni Scarlet.

"Hoy tama na Claire! Diba nang-hingi ka ng sorry kay Mavis? Baka may natanggap kang regalo galing sa kanya? Hindi mo ba nabasa yung letter ni Mavis?" Sabi ni Scarlet.

"Ha? Anong letter?! Galing sa kanya yung regalo? Yung pizza?!" Di man lang siya mag-thank you? 

"Basahin mo pagkauwi mo!" Sinigawan ni Scarlet si Claire.

"Mavis, sorry talaga. Na-sobrahan kami. Sorry kung nasaktan ka samin." Nakita ko yung mga luha ni Paige na tumutulo na at nakatingin siya sakin. 

"Akala mo ba magso-sorry ako? Pfft. Wala akong pake sayo. Porkit artista ka, kailangan akong maawa sayo? Asa ka pa!"

"IRENE!" Sinigaw ni ma'am ang pangalan niya. Napatahimik siya pati si Claire.

"I don't care." Bulong niya, narinig naming lahat.

"Alam niyo, ayusin niyo nga yung ugali niyo! Hindi kayo nararapat sa star section! Kung mananatili kayong ganyan, ipapa-suspend kayo ng principal!"

"Alam mo ma'am. Kahit ma-suspend pa kami, o ma-drop out, makakahanap pa rin kami ng school na pagaaralan. We don't care where basta maganda ang school." Nagiinarte si Claire sa harapan mismo ni ma'am.

"Claire ikaw lang ang nagsabi niyan." Sabi ni Paige. 

"ANONG AKO?! TOTOO NAMAN EH! MAS MAGANDA PANG MA-DROP OUT KESA NAMAN MAKIPAG AWAY SA MGA TAO NA TO!" Tinuro niya kami ni ma'am. Nakita ko si ma'am, magkasalubong na ang mga kilay niya at nakatingin siya kay Irene at Claire.

"CLAIRE! SOBRANG ARTE MO! NGAYON LANG KITA NAKITA NA GANYAN! PLEASE TUMAHIMIK KA NA!" Napasigaw din si Scarlet. Paluhaluha na yung mata niya.

"WAG KANG MANGEALAM SCARLET! KASALANAN KASI NG BABAENG TO!" Tinuro ako ni Claire. 

"OO NGA! KUNG DI KA LANG KASI PAPANSIN SA AMIN AT SA IBA HINDI TAYO MAGKAKAAWAY!" Sigaw ni Irene.

"KAYO ANG MAY KASALANAN! DAPAT HINDI NIYO NA LANG AKO PINANSIN! SANA TINANGGAP NIYO NA LANG YUNG LANDAS KO AT WAG KAYONG MANGENGEALAM!" Argh nakakainis na silang dalawa! Napapasigaw tuloy ako.

"GUYS PWEDE BA NATING PAGUSAPAN TO NANG MAAYOS?!" Sigaw ni Paige.

"WALANG HIYA KA MAVIS! FEELING ARTISTA, FEELING MAGALING, DESPERADA!"

"WAG KA NANG MAGMODEL! WAG KA NA RIN MAG-ARTISTA! HINDI BAGAY SAYO!"

"GUYS ITIGIL NIYO NA YAN!"

"HINDI TAYO MAGKAKAINTINDIHAN DITO!"

"SHUUUUUT UUUUUUP!!!!!!!!!!" Sa lakas ng sigaw ko. Napatahimik silang lahat. Tumutulo na ang mga luha ko sa palda ko. Tapos nagsalita na si ma'am. "PWEDE BANG MAGKABATI NA KAYONG LAHAT?! LALO NA KAYO IRENE, CLAIRE, AT MAVIS!"

A deafening silence covers up the room for a while then, "Ma'am, sorry po. Ginulo ko po ang lahat. Ako na po yung may kasalanan," Kahit hindi totoo sinabi ko na. Aalis na sana ako kaso may narinig ako.

"Mavis, sorry na." Naririnig ko siyang naiyak, umiiyak si Irene.

"Mavis, sorry kung inagaw ko sa'yo.. yung.. yung mga kaibigan mo.. sorry." Dagdag niya.

"Sheet. Ayokong umiyak," Si Claire ang nagsabi non. "Sorry! Yun naman yung gusto mong marinig diba? Sorry Mavis, di ko pa ubos yung pizza na binigay mo sakin!" Tapos umiyak ulit siya.

"Mavis, sorry kung naging mayabang ako. Sorry, inagaw ko sayo si Paige." Sabi ni Scarlet, alam ko na yan dati pa.

"Sorry kung.. hindi kita.. hindi kita pinapansin.. masyado akong naging.. naging.. selfish." Parang hinahabol ni Paige yung hininga niya.

"You've heard their apologies, Mavis. What now?" Sabi ni ma'am habang nakatingin siya sakin na nakatayo ako.

"I'll forgive you. Napaka-epal ko din no? Sana makalimutan niyo ang araw na to. Sana, hindi niyo na lang ako naging kaibigan. Madami akong pinagsisisihan kaya ako nagkakaganito! Pinagsisisihan ko na naging kaibigan ko si Paige, maagaw at maaagaw lang pala siya. Eh di kayo na! May favoritism naman kayo diba? Sila na lang! Kung gusto niyo ako maging kaibigan, wag na. Wala na kayong choice kundi layuan niyo ako. Sa oras na layuan niyo ako, saka niyo ako kalimutan, lalo na ang araw na 'to. Bati na tayo, pero hindi tayo magkakaibigan. Tapos ang usapan." Nakatingin sila sa akin, nginitian ko sila at nag-nod ako. Inayos ko ang bag ko at tumalikod na. Naramdaman ko na tumayo na din sila. "Sana natapos na talaga yang pagaaway ninyo, kapag may nabalitaan ulit ako tungkol sa inyo, sa guidance na kayo magkakausap. Good bye, god bless." 

Pinauna ko yung apat na lumabas ng classroom. "Thank you po ma'am," Nag-bless ako sa kanya.

"Wala ka na bang kaibigan?" Tanong niya.

"Meron po," Nag-smile ako.

"Sino?"

Tumalikod ako at nakita ko si Venice sa bintana, "Si Venice po." 

"Ah ganun ba. Sige Mavis, sana maging mabuti kayong magkaibigan."

"Opo, hindi ko na po sila aawayin, yung apat na yun."

Ngumiti siya. "Mauna ka na," 

"Sige po ma'am, ingat!" Lumabas na ako ng classroom at nakasabay ko si Venice habang naglalakad.

"Anong nangyare?" Tanong niya sa akin.

"Nagkagalit, nag-away, nagka-bati. Tapos." Sabi ko sa kanya.

"Akala ko ba maghihiganti ka?"

"Di na kailangan, may ginawa naman ako eh."

"Ano?"

Sinabi ko sa kanya kung ano. Yung mga regalo. Pinatawad ko na sila through letter. Bingyan ko na sila ng regalo. Sana matanggap nila yun na galing sa akin. Ayos lang kahit hindi ko na sila kaibigan. Basta may isa akong kaibigan na sumusuporta sa akin.

Tama lang ang ginawa ko diba? Hindi ko sila sinaktan physically katulad ng ginawa ni Claire sa akin. Ayos lang sa akin na nagusap kami nang maayos para matapos na yung gulo. Alam niyo ba kung bakit ako nag-smile kanina habang pinapatawad ko sila?

Because smile is better than revenge.

THE END

Ending Song: Better than Revenge by Taylor Swift

***

Thank you po sa pagbabasa! Again, THIS IS NOT BASED ON A TRUE STORY. Wahahahaha! Yay natapos ko rin! THANK YOU GUYS! :*

 Yung pangalan na Mavis nakuha ko lang sa isang anime; Fairy Tail fans kilala niyo yun! ♥

P.S. Yung song, hindi actually tungkol sa friendship pero tungkol yon sa love. Hahaha pagbigyan niyo na po ako XD Hindi din tungkol sa song yung kwento na 'to. Wag po kayo malito please XD

-Elle ♥

Continue Reading

You'll Also Like

106K 3.2K 19
Dylan had only three goals: beat Yno, crush Yno, and surpass Yno. It was always about Yno. Ever since high school, Dylan had a strong dislike for him...
3.3M 161K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
126M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
197K 7.6K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...