Dito Ka Lang (BxB)

By YDOnodera_

8.8K 436 84

Hindi inaasahan ni Enr ang kanilang paglipat sa panibagong lugar kasama ang kanyang pamilya. Sa kanilang pag... More

Una
Pangalawa
Pangatlo
Pang-apat
Panlima
Pang-anim
Pampito
Pangwalo
Pangsiyam
Panlabing-isa
Panlabing-dalawa
Panlabing-tatlo
Panlabing-apat
Panlabing-lima
Panlabing-anim
Panlabing-pito
Panlabing-walo
Panlabing-siyam
Pambente

Pangsampu

364 15 2
By YDOnodera_

ENR

Dalawang buwan na ang nakalilipas no'ng tinulak na ako pinalayo ni Kah nang tuluyan. Simula no'n, napagdesisyunan ko nang tuldukan nang tuluyan ang plano ko -- ang magsisi siya na iwanan niya ko. Napagtanto ko na nag-mukha akong tanga sa plano kong 'yon -- 'Yong tipong parang na-untog na lang ako sa pader at nagising na lamang ako na nasayang lang ang energy ko para lang habulin ang mga taong bumitaw at sumuko sa 'kin.

Nilibang ko ang sarili ko sa mga bagay na dapat kong pagtuunan; ang pag-aaral, pag-aadjust from high school to college, at pag-diskubre ng mga bagay na kaya ko palang gawin.

Sa pananatili ko rito sa bago naming tintirahan, ngayon ko lang na-appreciate nang mabuti na maayos naman pala dito, dahil malayo kami sa mga polusyon at traffic na iniinda namin noong nakatira pa kami sa Maynila -- 'yong tipong mapapagod ka sa biyahe sa sobrang pagkabuholn ng traffic sa kalsada. Everything's at breeze dahil di naman ganoon karami ang kotseng dumadaan sa kalsada.

Unti-unti ko rin nakilala ang mga kaklase ko noong sinimulan kong tanggalin ang pader na nagpipigil sa 'kin na kumilala ng iba sa pamamagitan ng pag-initiate ng pakikipag-usap sa kanila -- lalo na pag may activity sa mga courses ko na maraming pinapagawa na kailangan ng grupo. May tendensiya kasi ako na kapag hindi ako ganoon kapamilyar sa mga tao, hindi ako mamamansin, unless kapag ikaw ang nagsimulang makipagkilala sa 'kin. Mahirap sa una, pero hindi ko akalain na kaya ko palang makipagkilala at magsimula ng usapan sa mga taong kakakilala ko pa lang. Buti na lang, nandiyan si Igo at tinulungan niya 'ko diyan sa aspetong 'yan.

Nagsimula rin akong sumali-sali sa mga organisasyon sa eskwelahan; isa na doon ang College of Media Studies Sessionistas -- ang opisyal na singing a capella group ng college namin. In-encourage kami ni Sir Arnee na sumali ni Igo doon, and it turns out na siya ang adviser ng org. Noong una, dapat magba-back out ako sa auditions pero napilit ako ni Igo na sumali. Halos manginig ako sa kaba noong ako na ang sumalang sa auditions dahil hindi ko naman ipinarinig ang boses ko sa kahit kanino kapag kumakanta ako.

Naging audition piece ko ang kantang Dito Ka Lang nila Keiko Necesario at Luis Cortez. Samantalang siya nama'y kinanta niya ang 214 ng Rivermaya. Pagkatapos niyang sumalang ay binigyan siya ng masigabong palakpakan dahil sa kanyang malamig na boses, at ako naman ang sumunod pagkatapos. Habang nakasalang ako sa harap, todo ang pag-suporta ni Igo sa 'kin para mawala ang pagkanginig ko sa kaba. Pagkatapos kong kumanta, hindi ko inasahan na nagsipalakpakan ang mga tao sa loob. Buti na lang, umepekto ang cheer niya at naging part kami ng org as trainees. Malaki rin ang pasasalamat ko at may kaibigan akong naghihila sa 'kin, para mailabas ko ang mga bagay na gusto kong gawin na hindi mailabas.

Pagkatapos ng training namin ni Igo sa Sessionistas, napag-isipan niya na kumain kami ng hapunan sa paborito niyang tapsilugan sa harap ng school noong high school pa siya, ang Aling Lena's Tapsilugan. Bigla niya kasing na-isipan na kumain doon, dahil medyo nasusuya na siya sa mga pagkain sa canteen and gusto naman niya ng bago. Kahit ako rin naman, nasusuya na rin dahil halos lahat ata ng kaininan sa canteen, nakainan na namin.

Pagkarating namin sa Aling Lena's, napansin ko na isa siyang maliit na stall sa harap na may limang mesa sa harap. Medyo nag-alangan akong tumuloy. Sa buong buhay ko, hindi pa 'ko nakakakain sa mga ganitong klaseng kainan dahil mas sanay akong kumain sa fast food chains o kaya sa restaurant.

Napatingin si Igo sa 'kin at mukhang napansin niya ang pag-aalangan ko. "Mukhang hindi mo ata trip dito. Gusto mo bang maghanap pa tayo ng iba?" tanong niya.

Natahimik muna ako saglit. Pinag-isipan ko muna nang mabuti, dahil may pagka-maarte ako sa pagkain kaya'y nag-aalangan ako. "Okay lang naman Igo, wala namang masama kung susubukan ko," tugon ko.

"Sigurado ka ba, Enr?" pag-aalangang tanong ni Igo.

Umiling ako bilang tugon. Pumayag na rin ako dahil maraming nagsasabi sa klase namin na masarap dito at hindi daw ako magiging opisyal na estudyante ng Pacific Fair kung hindi ko man lang matitikman ang best seller nilang tapsilog. Medyo nakaka-curious rin ang lasa nito, dahil naamoy ko ang nilulutong tapsilog at nararamdaman ko ang tiyan kong kumukulo na sa gutom -- nasisinghot ko ang amoy ng bawang at marinated na tapa habang niluluto sa pan na nanunuot sa ilong ko na nagti-trigger lalo sa tag-gutom kong tiyan.

Napansin ni Igo na kanina pa 'kong humahawak sa tiyan kong hindi na makapaghintay sa pagkain, kaya't bigla niya 'kong hinila papunta sa harap para umupo at umorder.

Nang inihanda na ang pagkain, sinimulan ko ang pag-tusok ng isang piraso ng tapa sa plato, at saka ninguya't ninamnam ito sa 'king bibig. Napatigil ako saglit at binilisan ko ang pagkain nito. Para akong nasa langit noong patuloy kong kinain ang special tapa at napagtanto ko na tama nga ang sinasabi nila Igo na masarap ito. Sa lahat ng tapa na nakain ko dati, heto ang pinakamasarap dahil hindi matigas ang baka at tamang-tama ang pagkakamarinade nito.

"Good thing na dinala mo 'ko dito, Igo! Ang sarap," sabi ko habang may ninguguya pang pagkain ang bibig ko.

"Sabi ko sa 'yo eh!" tugon niya at sabay lagok ng tubig. "Uulit ka pa ba?" tanong niya.

"Oo naman," maikling tugon ko. Kinain ko ang huling tapa at itlog na malasado na tamang-tama talaga sa panlasa ko. Buti na lang, unli toyo' t kalamansi dito at talagang sinulit ko ang pagkain ko rito.

Tinapik ako ni Igo at sabay na may itinuto niya ang kanyang bibig. Nalilito ako sa gusto niyang sabihin dahil wala akong ideya kung ano ang gusto niyang iparating. Kumuha siya ng tissue sa mesa at bigla niyang pinunasan ang bibig ko, at pinakita niya ito sa akin.

"Pwede mo naman sa 'kin sabihin na may dumi ako sa bibig," ani ko.

"Paano ko naman masasabi kung may laman pa 'yong bibig ko 'di ba?" pangangatuwiran nito.

Inilabas ko ang cellphone ko sa bulsa at kinalabit si Igo habang patuloy na kumakain ito. "Tara, i-IG stories natin 'to," paanyaya ko at sabay kong itinutok ang front camera sa amin.

Agad kong ipinost ito at nilagyan ng caption ito -- Tapsi gaming with this awesome blockmate that I ever met, sabay tinag si Igo sa post at nilangyan ng emoji na may shades.

Pagkatapos naming kumain sa Aling Lena's Tapsilugan, napag-isipan naming mag-ikot ikot saglit sa plaza para bumaba ang mga kinain namin. Paano pa ba naman, naka-tatlong plato kami ng tapsi at libre pa ni Igo iyon sa 'kin dahil trip niya lang daw akong ilibre ngayon. Unang beses ko pa lang malibre sa buong buhay ko, dahil nasanay ako sa hatian pag sa bayad o kaya kanya-kanyang bayad. Sa una, ayoko sana pero sadyang mapilit lang talaga si Igo na i-treat ako. Nakaka-flatter lang kung tutuusin na talagang may mga taong willing ka i-libre kahit nahihiya ka.

Habang naglilibot kami sa plaza, biglang tinanong ni Igo kung kumusta naman ang pagmu-move on ko kay Kah. Medyo napaisip ako sa tanong na iyon, dahil medyo mahirap sagutin nang siguradong sagot iyon.

"I'm getting there naman. Slowly, but surely," iyon na lang ang naging tugon ko. Simula kasi no'ng tinulungan akong makapag-cope sa pagbitaw ni Igo, unti-unting nababawasan na rin ang kirot ko sa puso ko at mas nababawasan na ang pag-aalala ko sa kanya, hindi katulad noong dati. "Kung hindi naman dahil sa 'yo, hindi naman din ako magiging ganito kasaya," dagdag ko at binigyan siya ng ngiti.

Inakbayan ko ni Igo bigla. "Hindi lang naman dahil sa 'kin 'yan, tinulungan mo rin ang sarili mo na mangyari 'yan," pakli niya. "Pero sa totoo lang, proud ako sa 'yo at hindi ka na ganoon kalungkot hindi katulad noong dati," papuri nito.

Binatukan ko siya nang pabiro. "Ang baduy bruh, ang baduy mo!" Kantiyaw ko.

"At least, kaya kang tulungan sa lahat ng bagay," pagmamalaki niya.

Nagtawanan kami nang sa puntong iyon at habang patuloy na naglilibot sa plaza, iginala ko saglit ang mga mata ko sa paligid at napapansin ko na pinagtitinginan na kami ng mga tao rito na parang magkasintahan.

"Huy! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao rito o?" naiilang na reklamo ko habang patuloy pa rin siya sa pag-akbay sa 'kin.

Napatingin siya sa 'kin bigla "Paki ba nila?" pakli niya. "Walang masama kung akbayan kita diyan, unless baka nagkakagusto ka na sa 'kin? Okay lang naman sa 'kin kung gusto mo na 'ko, "dagdag niya na may halong pangngasar na tono.

Naningkit ang mata ko at sabay tinitigan siya nang masama, hinampas ko siya sa tiyan nang malakas

"Aray!" impit niya habangnapa-hawak siya sa kanyang tiyan at napa-hiyaw sa sakit.

Napahalakhak ako sa reaksiyon niya na mahirap ipinta sa kanyang mukha. "Ano, mang-aasar ka pa?" tanong ko habang natatawa tawa kay Igo na medyo mamimilipit ang sakit.

"Sorry na, boss, " usal niya.

Inalok ko ang aking kamay para alalayan siya at agad niya itong hinawakan. Nang maitayo ko na siya, bigla niya akong hinila papunta sa kanya at nagka-dikit ang aming katawan. Nagkabanggaan ang aming mga mata at nanatili lang kaming ganoon ang estado. Nakaramdam ako ng kakaibang feeling na hindi ko maipaliwanag kung ano man iyon -- parang nakuryente ako habang nakatitig sa kanyang mga mata at parang ayaw kong umalis sa estado naming iyon. Medyo kumakabog din nang mabagal ang dibdib ko noong pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata.

Napansin ko na naghihiyawan na ang mga tao sa paligid namin na parang tuwang-tuwa sa nakikita nila. Napabalikwas ako bigla nang tingin sa kanya at nanahimik na lamang ako sa hiya.

"Uy, sorry na," panunuyo niya habang ipinagpatuloy na namin ang paglalakad.

"Sige lang," matamlay na tugon ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko no'ng nangyari iyon. Parang sinasabi ng katawan ko na manatili lang ako sa kanyang titig at huwag akong umalis at manatili lang na ganoon.

Pagkatapos ang pangyayaring iyon, napagdesisyunan naming umuwi at dumidilim na ang gabi. Buti na lang, may trike pa at agad naman kaming nakauwi. Inihatid pa 'ko ni Igo sa harap ng bahay at nag-usap muna saglit bago magpaalam sa isa't isa.

"Sorry pala sa nangyari kanina," paumanhin niya.

"Ayos lang," maikling tugon ko. "Thank you pala kanina sa tapsi ah? Next time uli."

Napa-thumbs up ito at sabay tapik sa balikat ko. "Oo naman. Kita kits bukas," paalam nito.

"Sure, kita kits bukas," sabi ko.

Pagkatapos no'n ay umalis na siya pauwi sa kanila. Ngayon ko lang naranasan ang maging masaya uli nang ganito, at heto na yata ang pinakamagandang araw na naranasan ko at hindi ko makakalimutan iyon sa buong buhay ko.

(A/N: As I promised, ipopost ko ang fictional characters nila Enr at Igo dito sa chapter na 'to.)


ENR


IGO

Continue Reading

You'll Also Like

3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
232K 6.7K 31
(Highest rank: # 1 ) Dahil sa katangahan ko napilitan akong tanggapin ang deal ng ka-schoolmate ko. gusto nyo bang malaman kung sino sya? sya lang na...
51.5K 2.2K 43
Second Book of Dream Guy. Author: BlackFiffy (Chabbi) Date started: March 2020
Rain.Boys By Adamant

Teen Fiction

399K 13.6K 56
[BoyXBoy|Yaoi] ~RAIN.BOYS~ "Ewan ko ba kay John sa dinamidami ng pwedeng isama at gawing bestfriend, ikaw na walang kadatingdating pa ang pinili." sa...