UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)

By Vis-beyan28

130K 1.7K 124

Her name is Jami Santillan. A girl who actually believes in love but when her boyfriend leave her without a w... More

{Prologue}
{Author's Note}
{Chapter 1- Guarded}
{Chapter 2- Organization}
{Chapter 3- Santillan's Mansion}
{Chapter 4- The Transferee}
{Chapter 5- First day, First fight}
{Chapter 6- Misinterpret?}
{Chapter 7- New member}
{Chapter 8- Suffer}
{Chapter 9- Party}
{Chapter 10- The plan}
{Chapter 11- Truth}
{Chapter 12- Fear}
{Chapter 13- Her Song}
{Chapter 14- Secrets}
{Chapter 15- Partner}
{Chapter 16- Past}
{Chapter 17- Two is better than one}
{Chapter 18- Hide and seek}
{Chapter 19- Only find out}
{Chapter 20- The one}
{Chapter 21- Start}
{Chapter 22- La Costalhine}
{Chapter 23- Pernos Gate Gang}
{Chapter 24- Vien}
{Chapter 25- His Help#1}
{Chapter 26- Last First kiss}
{Chapter 27- Second Step}
{Chapter 28- Present}
{Chapter 29- It's Time}
{Chapter 30-Confession}
{Chapter 31- His Letter}
{Chapter 32- Birthday Party}
{Chapter 33- Heartbreak Girl}
{Chapter 35- Contented}
{Chapter 36- Choose}
{Chapter 37- Risk}
{Chapter 38- Blame}
{Chapter 39-Baka}
{Chapter 40- Like}
{Chapter 41-Meeting his parents 1}
{Chapter 42- Meeting his Parent 2}
{Chapter 43- Busted}
{Chapter 44- Cold}
{Chapter 45- Regrets}
{Chapter 46- First Love}
{Chapter 47- Chase}
{Chapter 48- Loving you}
{Chapter 49- Love}
{Chapter 50- Kiss}
{Chapter 51- Questions}
{Chapter 52- Dinner date}
{Chapter 53- Christmas}
{Chapter 54- Problem}
{Chapter 55-Fight}
{Chapter 56- Apart}
{Chapter 57-Back}
{Chapter 58-Accident}
{Chapter 59-Suspect}
{Chapter 60-First time}
{Chapter 61-Connection}
{Chapter 62-Suspect}
{Chapter 63-Confirmation}
{Chapter 64-Awake}
{Chapter 65-Date}
{Chapter 66-President Melendez}
{Chapter 67-Kiss}
{Chapter 68-Past}
{Chapter 69-Emotionless}
{Chapter 70-Father and Son}
{Chapter 71-Mirrage}
{Chapter 72-A friend}
{Chapter 73-New Santillan}
{Chapter 74-Offer}
{Chapter 75-Mrs. Vellarde}
{Chapter 76-Last page}
{Epilogue}
{Announcement}

{Chapter 34- Feelings}

1.1K 24 1
By Vis-beyan28

Jami's POV

Kinaumagahan...

"Laki ng eyebugs mo ah? Benta na natin yan, pwede?"-biro ng lokong thara sakin habang ngingisi-ngisi.

Pakyuhan ko kaya to?

Walang gana ko siyang tinignan at napaismid na lang. Umayos ako ng upo at tinuon muli ang paningin sa harapan.

Maaga pa kaya wala pa ang lecturer namin.

"Woah! Tahimik!"-dagdag pa niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sakin.

Sinamaan ko na siya ng tingin at pinakyuhan.

"Oh ayan, pakyu ka."-malutong ang pagkakasabi ko nun na tinawanan lang niya.

Aba at! Makatawa ha.

Gago kasing hudas yun. Di ako nakatulog sa text niya sakin. Hindi naman bigdeal pero tangina parang ginawa ko ng napakalaking bagay yung tinext niya sakin. Tangina, sinabi lang naman niyang see you pero napuyat ako sa kakaisip sa ugok na yun kaya ngayon, ang laki ng eyebugs ko.

Hindi naman sa malaki ang epekto niya sakin pero kase....alam mo yun? Hindi ko din alam, tss. -.-

"What's really happening to you? Simula kagabi sa birthday ko, iba na ang kinikilos mo."-puna niya sakin habang may nanunuring tingin.

"Correction, simula nung nahospital na si skyler ganun na siya."-pagtatama naman ni sam at saka sinara ang librong binabasa niya.

Ngayon ay nakatingin na silang dalawa sakin. Pucha, napansin pala nila?

Pasimple akong lumunok.

"Pinagsasabi niyo?"-inismiran ko sila at natawa ng peke.

Tinignan ko sila habang tumatawa ngunit mukhang hindi sila nadala kase ang seryoso ng mukha ng mga ulol. Natigilan ako at pinunasan ang pawis na namuo sa noo ko.

"Nice act but we won't buy it. Now, spill the beans."-taas kilay na sinenyasan ako ni thara.

Napasimangot ako at inirapan sila.

Sabi na nga ba at malalaman at malalaman nila.

Nag aalinlangan ko silang tinignan at napabuntong hininga ng makitang desidido silang malaman ang totoo.

"S-si skyler..."-panimula ko at tumikhim dahil pakiramdam ko nahihirapan akong ikwento sa kanila yung nangyari samin.

Naningkit ang mata ng dalawa. "And?"-naiinip ng singit ni sam.

"S-s-s-a-a-a----"

"SAGING!"-naiinis na hinampas ni sam ang desk niya dahilan para mapatingin sa amin ang ilang kaklase namin. "Ano ba! Sa ka ng sa! Bakit di mo kami deretsuhin?"

"Gago! Teka kase, upakan kita diyan eh!"-kunot noo ng singhal ko sa kaniya.

Tumaas lang ang kilay nito at humalukipkip. Samantalang napapailing na lang ang mga kaklase namin at saka bumalik sa kani-kanilang ginagawa.

"S-sabi niya kase...l-liligawa-----"

Naputol ang sasabihin ko ng biglang nag ingay sa labas ng room. Puro tili at sigawan ang naririnig namin sa labas. Pero hindi na ako magtataka kung bakit.

Sino nga ba ang dahilan?

Parang unti-unting nag slow motion ang paligid ng biglang bumukas ang pinto sa harapan tapos naunang pumasok si xier.mukhang maaliwalas ang mukha dahil nakangiti ang ugok. Naglakad ito patungo sa likuran namin para maupo. Sumunod na pumasok ay si zack. Medyo kunot ang noo ng pumasok pero ng makita si  sam ay bigla itong nawala.

"Good morning."-bati niya samin.

Tumango lang kami ni thara samantalang ngumiti naman si sam.

Tapos saktong pagkaupo ni zack sa likod namin lalong umingay ang buong paligid. Pakiramdam ko parang sasabog ang puso ko ng unti-unting pumasok ang taong kanina lang ay pinag uusapan namin.

Tuluyan ng nalaglag ang panga ko ng makita kong nakangiti siya dahilan para maningkit ang kaniyang mata. Naka uniform din siya tulad nila zack tapos nasa likod ang bag niya. Wala namang bago sa kaniya maliban lang sa maaliwalas ang mukha niya pero bakit kung malaglag ang panga ko eh, para akong nakakita ng artista sa sobrang kagwapuhan niya---este kayabangan pala. Tama.

Nag iwas ako agad ng tingin ng magtatama ang amin. Nagsimula ng hindi mapakali ang mga kamay ko ng maramdaman ko ang paglapit niya sakin. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Hindi sa assumera pero pakiramdam ko titigil siya sa harapan ko tapos babatiin niya ako o di kaya'y may ibibigay siya sakin. Ganun naman talaga kapag nanliligaw diba?

Pero lahat ng iniisip ko ay biglang naglaho ng lampasan lang niya ako!

OO! LINAMPASAN AKO NG HUDAS! ABA'T GAGO!

Hindi pala nag assume ha, jami? Denial ka rin eh noh?

Kastigo ng utak ko sakin.

Napangiwi ako habang pasimpleng umismid.

Walang kwentang manliligaw.

**

"Nakakainis talaga si miss pagsunggit! Ireto ko kaya siya sa kano ng hindi palaging highblood."-natatawang saad ni thara habang naglalakad kami palabas ng building namin para magtungo sa cafeteria.

Break time namin pero hanggang ngayon hindi pa din ako pinapansin ni hudas.

Wow, galing noh? Matapos niyang sabihin na liligawan niya ako, saka niya ako hindi papansinin? May saltik ba siya? Ano yun, paasa?

Umirap na lang ako sa likod niya. Nasa harapan ko kase siya kasama si zack. Katabi ko si sam at nasa likod namin ni xier at thara na kanina pa nag uusap.

Kanina pa kating kati ang kamay kong iumpog ang makapal na mukha ni hudas sa pader dahil paasa siya. Oo! Paasa ang lintek! Tss. Ba't ba ako umaasa kase? Dapat nga ikatuwa ko yun dahil sa una't sapol hindi ko siya gusto. Pumayag lang naman ako kase naaawa ako sa kumag. Yun lang. Bahala nga siya.

Pagpasok namin sa cafeteria, yun na naman yung sigawan at tilian ng mga kababaihan. Kainis! Nakakarinde!

To namang tatlong kumag parang mga bingi ng hindi nila pagpansin sa mga estudyante. Psh. Pa-famous kamo.

"Dito na lang tayo umupo"-sambit ni zack at saka pinagtulakan pa ng upuan si sam.

"Thanks."-ngiti ni sam bago naupo.

Umupo na din kami sa gilid ng cafeteria. Katabi ko si sam tapos sa kanan ko si thara.

"Kami na lang ang o-order."-sabi ni xier at hindi na nila kami hinintay na um-oo. Dere-deretso na lang silang nagtungo sa pila kahit na may nagpapa-pansin sa kanila eh hindi na lang nila pinapansin.

"Oh!"-biglang may tumama sa mukha ko dahilan para malutong akong mapamura.

"Gago ka sam! Ba't ka nambabato?"-singhal ko sa katabi ko.

Tumaas ang isang kilay niya sabay nguso sa bagay na binato niya sakin na ngayon ay nasa lamesa na.

Kunot noo akong napatingin dun at nakita ang isang puting sobre.

"Ano---"

"Yes! Kala ko wala tayong sweldo!"-nakangiting sambit ni thara habang sinisilip ang sa kaniya.

Natigilan naman ako saglit ng mapagtantong ang nakalagay dun sa sobre ay ang sinasabi ni skyler na sweldo namin pagkatapos ng mission.

"Para kang demonyo kung ngumisi. Tigilan mo yan, kinikilabutan ako."-puna ni thara sa kanan ko na ngayon ay binubulsa na ang sobre sa kaniyang skirt.

"Gago. Masaya lang ako."-nakangisi ko pa ding sabi at sinunggaban na ang sobre na nasa lamesa.

"Basta pera, ano pa nga ba?"-irap ni sam sa kaliwa ko.

Pag ako talaga di makapagtimpi, paguuntugin ko ang dalawang to. Problema ba nila sakin?

"Tss. Sino ba nagbigay to sayo?"-tanong ko na lang kay sam at saka binulsa na din ang pera.

"Binigay ni zack sakin kanina sa room. Don't worry, pantay pantay lang tayo ng nakuha."-walang gana nitong tugon.

Tss. Tinatanong ko ba? Pake ko naman basta may pera ako, wahaha.

Natigil na lang kami sa pag uusap ng dumating na ang mga kasama namin. Napangiwi ako ng marealize na wala palang bibili sakin. Tangna, bakit nawala sa isip ko yun? Buti pa si sam at thara may taga bili, ako? Wala akong aasahan sa hudas na to. Aasa lang ako.

"Here."-nagulat ako bigla ng inabot ni skyler sakin ang isang spaghetti, burger at coke.

Napatingin ako sa kaniya. "What?"-tugon niya habang sumisipsip sa coke niya.

Tumikhim naman ako at umiling tsaka sumimsim na din sa inumin ko.

"Sungit. Psst."-sinitsitan niya ako kaya sumulyap ulit ako sa kaniya.

Napatingin ako sa kasama namin. Busy sila sa pakikipag usap sa isa't-isa kaya walang nag abalang lumingon samin.

"Problema mo?"-untag ko habang patuloy pa din sa pagsipsip sa coke ko.

Tumaas ang dalawang kilay niya at saka napangisi. "Di mo ba ako yayayaing mag date?"

"Ano pakiulit mo nga?"-pakiramdam ko kase pinaglalaruan ako ng pandinig ko.

Kumunot saglit ang noo niya saka nagsalita ulit. "Sabi ko, di mo ba ako yayaing makipag date."

"Aba't ang kapal din pala ng mukha mo ano."-saad ko at saka pinaglaruan ang pagkain ko.

Pakinig ko ang mahina nitong tawa. Saglit akong natigilan. Inaamin kong namiss ko yung tawa niya. Ang tagal ko na kaseng di nakakausap ang kumag na to ng matino.

"Eh kung yayain kita, sasama ka?"-nakangising tanong niya at dinantay ang dalawang siko sa lamesa at nangalumbaba sa harapan ko.

Natigilan naman ako at saka pinagmasdan siya. Akala ko ba hindi niya ako liligawan? Kase diba nga kanina di man lang ako kinibo ng ugok? Tapos ngayon, bigla bigla na lang nagyayaya. May saltik ba to?

"Hindi."-walang pagdadalawang isip kong sagot at sumubo. Pansin ko naman ang pagsimangot nito pero hindi ko siya pinansin.

"Wow. Di pa nga ako naguumpisa, ni-reject na agad?"-pakinig ko pang bulong niya sa sarili at kumain na din.

Umirap lang naman ako sa gago.

"Sungit."-bulong na naman niya.

"Ano ba?"-kinunotan ko na siya ng noo. Ngumuso naman ito at pinasadahan ang buhok niya. "Tara mamaya ha. Bawal tumanggi. Ang tumanggi, halatang nagpapa hard to get ka lang."

"Gago ka."-mura ko.

"Gwapo naman talaga ako, huwag mo ng ipamukha."-at saka humalakhak pa ang walangya.

Napailing na lang ako sa kakulitan ng lalakeng to. Isa din ito sa namiss ko sa loko. Simula ng mahospital siya at umamin ay hindi na kami nakakapag usap ng ganito.

Matapos ng breaktime bumalik na kami sa room namin. Di na kami nakapag usap usap dahil nagsimula na ulit ang klase.

**

Uwian na kaya nagsitayuan na kami. Nagunat muna ako at saka kinuha ang bag ko para sana ikabit sa balikat ko ngunit nagulat ako ng biglang may humablot sa bag ko.

Handa na akong murahin ang sinong kumag na may gawa nun pero nagulat ako ng makita ang mukha ni skyler.

"Ako na."-sabi niya tapos sinukbit sa kabilang balikat niya ang bag ko.

"Ano ba. Kaya ko namang buhatin yan."-sambit ko at akmang hahablutin ng umiwas ito.

Napatingin na samin sina thara dahil dun. Buti na nga lang kami na lang ang natira dito dahil nakalabas na ang mga kaklase namin. Baka pagtsismisan na naman ako at ni hudas. Mahirap na.

"Sungit, manliligaw mo ko----"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at mabilis na lumapit oara takpan ang madaldal niyang bibig! Hindi ba niya nakikita na nakatingin samin ang apat? Hindi pa ako handang sabihin kina sam. Oo, may balak sana akong sabihin sa kanila  kaninang umaga pero dahil naputol, napag isipan kong hindi muna ngayon ang tamang oras.

Kunot noong bumaba ang paningin ni skyler sakin habang nanatiling naka takip ang kamay ko sa bibig niya.

"Huwag ka ngang maingay."-mariin kong bulong sa kaniya.

Lalong kumunot naman ang noo niya.

"Hep, hep! Anong pinag uusapan niyong dalawa?"-sabay kaming napatingin ni skyler kina thara na nasa likuran namin.

Bakas ang pagtataka sa kanilang mukha pero pansin ko ang nang aasar na ngisi ni thara.

Tss. Nakaka amoy na naman ang babaeng ito.

"W-wala. Na-ingayan ako sa kumag na to eh."-palusot ko at lumayo na sa kaniya. Kunwaring pinagpagan ko pa ang kamay ko.

"Weh? Eh bakit kailangan pang lapitan at saka----"

Sinamaan ko ng tingin si thara dahilan para matigil ito sa pananalita. Bwisit talaga to kahit kailan!

"Anyways, we gotta go."-sabat ni skyler at naramdaman ko na lang ang kamay niyang humawak sa palapulsuhan ko.

Gulat akong napatingala sa kaniya. Kainis din ang isang to! Pakiramdam ko pinapahalata niya eh!

"Where are you going?"-kunot noong tanong ni zack na nasa tabi ni sam.

Napalunok naman ako dahil sa kaba. Yung tingin nila eh. Parang nanunuri.

"Jami is asking me for a date."-deretso niyang tugon!

Nanlalaki ang mga mata akong napatingin sa hudas samantalang gulat na napatingin samin ang apat.

WTF?!

Natauhan lang ako ng marinig ko ang pagsipol ni xier.

"Wow..."-asar naman ni thara.

Masamang tingin ang pinukol ko kaagad kay skyler at handa ng pagsasapakin ng hilahin na lang ako nito palabas!

"Well, goodluck sa date!"-pahabol pa ni zack kaya lalo akong nainis.

Tinaas lang ni skyler ang kamay niya at kumaway kahit nakatalikof na kami sa kanila.

Ng makalabas kami ng building namin ay hinila ko na ang kamay ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

"Gago ka talaga! Gago! Ang kapal ng mukha mo!"'singhal ko sa kaniya habang patuloy pa din kami sa paglalakad.

Ngumiwi naman siya at nagpamulsa habang nakatingin sakin.

"What? I'm just kidding back there."-depensa pa niya kaya lalo akong nairita dahil alam ko namang sinadya niya talaga yun.

"Maganda bang biro yun ha?!"

"C'mon jami. What's with the face eh totoo namang magda-date tayo."-saad pa niya at nagkibit balikat.

Inis ko siyang tinignan. Hindi ko din pinansin ang ilang studyanteng nakakasalubong samin na patingin tingin samin.

Pake ko ba?! Nabi-bwisit ako sa lalakeng to!

"Kahit na! Hindi pa nila alam na nililigawan mo ako!"

"So, you didn't tell them yet."-usal niya at napahinto sa paglalakad.

Natigil na din ako at hinarap siya. Pansin kong nawala ang sigla sa kaniyang mukha. For a moment, gusto kong bawiin yung sinabi ko pero huli na.

Bumuntong hininga siya at nag iwas ng tingin. "Why? "-tanong niya.

Napapikit na lang ako ng mariin at napabuga ng hangin. Kinalma ko muna ang sarili ko bago inangat ang paningin sa kaniya.

"H-hindi pa ako handa, okay?"-mahinahon kong tugon.

Napatingin siya sa akin at hindi ko mabasa kung anong emosyon na nakaukit sa kaniyang mata.

Bumuntong hininga ako at napayuko.

"Oo, sinabi kong bibigyan kita ng chance pero hindi ibig sabihin nun handa na akong harapin ang ibang tao, skyler. Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman nilang pumayag akong magpaligaw kahit alam kong mayron akong taong nasaktan? Mayron akong taong nagawan ng kasalanan?"-mahina kong paliwanag habang nanatiling nakayuko.

Ramdam ang titig niya sa akin pero hindi ko alam ang naging reaksyon niya. Sana maintindihan niya ako. Kailangan ko ng sapat na tapang bago ko sabihin sa iba yun. Hindi ko naman planong itago ng matagal eh. Sasabihin ko naman pero sa tamang panahon.

Pakinig ko ang pagbuntong hininga niya at ang yabag niyang papalapit sakin.

Dun na ako napatingala dahilan para magtama ang paningin naming dalawa. Bahagyang sinasayaw ng hangin ang malambot niyang buhok at tinatamaan ng sinag ng araw ang kaniyang mukha kaya mas lalong nadepina ang kagwapuhan niya.

"Okay. I'll do what you want, jami. But please, just let me show my feelings for you. Damn, that's all I want."-saad niya habang nakatitig saking mata.

Ramdam ko ang banayad na pagtibok ng puso ko habang nasa ganon kaming posisyon. Wala na kaming pakialam kung pinagtitinginan kami dahil nanatili kaming nakatitig sa isa't-isa.

Tumango ako at marahang hinawakan ang isa niyang kamay.

"From now on, I will let you show you're feelings for me. Walang pumipigil sayo skyler at kung sakaling darating ang araw na makakalimutan ko na siya, hayaan mong ako naman ang gagawa ng paraan para magustuhan kita."-sinserong sabi ko habang nakatitig sa kaniya.

Napakagat labi ito at marahang tumango. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at ngumiti.

"Shall we start then?"

vis-beyan28

Continue Reading

You'll Also Like

202K 8.4K 18
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
6.5M 330K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...