The Two Weeks Relationship

By erzaaa78

18K 542 89

Mula nang iwanan si Luan ng kanyang pinakamamahal na boyfriend na si Alex, tinatak na niya sa kanyang isip na... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Epilogue

Chapter 6

992 31 14
By erzaaa78

Wala namang bago sa mga nakaraang araw. Kami na ni Xzayvian, pero alam mo iyon? Para kasing kulang. 'Di ko siya mahal. Tina-try ko naman, actually, hindi pa namin sinisimulan ang aming "two weeks relationship", well, gusto ko muna sigurong makasama siya ng ilang araw para kahit papaano ay magkagusto man lang ako sa kanya o crush, at least, hindi masyadong awkward 'yung magiging relasyon namin.

At saka, napag-isip-isip ko nang siguro okay lang na maging kami muna ni Xzayvian dahil aalis na rin naman ako sa 30. I'm sure na okay na ako noon. Nakamove on na. Tanggap na tapos na talaga kami ni Alex.

So iyon nga, makikisabay na lang ako sa trip ni Xzayvian, if ever na kaya ko naman. Kaso, naiisip ko rin minsan na parang ang sama ko... kasi... parang lalabas na gagamitin ko lang si Xzayvian para makamove on, though, hindi naman talaga pero kasi... iba pa rin ang labas sa ibang tao noon. 'Tsaka, kahit naman anong mangyari ay hindi pa rin kami pwede ni Xzayvian dahil aalis na nga ako sa 30 at sasama sa Tita ko papuntang China.

Ang gara naman kung sasabihin ko na LDR na lang kami. Parang ang hirap naman yata no'n. At hindi rin naman ako sure kung made-develop nga ako kay Xzayvian. But I think, lahat naman ng babae ay may chance na magkagusto sa kanya kasi guwapo naman siya, mabait, para namang mamahalin niya ng tunay 'yung magiging girlfriend niya. Hindi nga lang ako iyon.

"Thinking things again?" I smiled a little then shook my head.

"Just thinking you." I almost laugh when I saw his face, namumula na naman.

"'Wag kang ganyan, Luan Keihl." Ayan na naman siya, tinatawag niya na naman ako sa buo kong pangalan.

"Bakit, kinikilig ka?"

"Yes." Oh, my gosh. Bakit ba sobrang straight to the point niya? Pwede naman niyang ideny but still... Oh, my.

"Ewan ko sa'yo."

"It is the start, right?" He asked, his forehead creased. I nodded. It is the start of our relationship. "Do you like me?"

Seriously, ba't ba siya nagtatanong ng ganiyang mga tanong? Nakakailang kaya. Para sa akin.

"No." I quickly replied.

"Hindi mo ako magugustuhan?"

"I think, there's a chance." His forehead creased again.

"What chance? Na maging tayo pa rin sa huli pagkatapos ng two weeks?" I chuckled.

"Loko. Chance na magustuhan kita." Humiga siya sa may sofa at ngumiti.

"Talaga?" I nodded. He looked so happy, ako rin naman magiging ganoon ang expression kapag nalaman ko na may chance na magustuhan ako ng crush ko. "Pero walang chance na maging tayo pa rin pagkatapos ng two weeks?" Nagkibit-balikat ako.

"Actually... I'm thinking of that. Pero tingin ko, hindi." Nawala iyung ngiti niya, parang tumamlay iyung mga mata niya. "Uy, don't be sad. Baka lang naman."

"Pero tingin mo hindi. So, ayaw mo?" I immediately shook my head.

"Hindi, ah. Gusto nga kita kasama, e. Alam mo iyon, masaya ka kasi kasama." Parang si Alex lang dati.

I bitterly smiled in my head. I should stop thinking him. Dapat alisin ko na siya sa buhay ko, hindi ko na siya dapat iniisip pa. Masama siya sa kasulugan. Okay, self? Tandaan mo iyan.

"Ano iyan, pampalubag loob?" Umiling ulit ako, ano ba naman 'tong si Xzayvian, lagi niyang kino-kontra 'yung sinasabi ko.

"Xzayvian, 'wag ka nga mag-isip ng kung anu-anong bagay. Isipin mo na lang kung paano kita magugustuhan." Tumayo siya mula sa pagkakahiga at lumapit sa akin.

"Paano nga ba? Ano bang type mo?" Nakahawak pa siya sa chin niya na parang nag-iisip talaga, ang cute lang.

"Wait. Diyan ka lang, I mean, 'wag kang gagalaw... just stay in your position." His forehead creased but he just nodded. Kinuha ko agad iyung phone ko at pinindot iyung camera. Pinicturan ko siya.

"Hey! 'Wag mo akong picturan, para akong tatae sa posisyon ko, e." I laughed.

"Hindi kaya. Ang cute mo nga, e." He blushed. What the! Napahagalpak na lang ako sa tawa. Ba't apektado agad siya? Simpleng compliment lang naman iyon, ah.

"'Wag mo nga akong bolahin. Luan Keihl, ah, ang landi mo." I laughed like there's no tomorrow.

"Wow! Ako pa talaga sinabihan mo niyan. Ikaw kaya iyon, sino kaya 'yung tatawag sa akin at sasabihing, be my girlfriend." I stared at him, tinakpan niya iyung mukha niya.

"Don't stare at me."

"Bakit, naiilang ka?" Pinigil ko ang sarili ko na 'wag matawa, it's like that he is the girl between us. My gosh.

"H-Hindi ako naiilang. Sadyang nakakailang lang 'yung titig mo." Nilapit ko iyung monoblock na inuupuan ko sa sofa na inuupuan niya. Hinawakan ko iyung balikat niya at lumapit ng konti sa mukha niya.

"Hindi ka naiilang sa'kin?" Sobrang pula niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa.

"Luan Keihl... binabalaan kita. Lumayo ka sa akin." Hindi ko na napigilan 'yung tawa ko sa kanya kaya lumayo na ako. Tumayo siya sa sofa at pumuntang kusina nila. Nandito kasi ako sa bahay nila. Ayoko siyang papuntahin sa bahay namin, baka maturn off siya bigla. Ang kalat kaya sa bahay.

Sinundan ko siya, umiinom siya ng tubig.

"Xzayvian." I pouted. Parang niloloko lang, e. "Uy, galit ka?" Hindi niya pa rin ako pinansin. Hala. Galit talaga siya? Hindi ko na talaga siya aasarin. Masama pa naman daw magalit ang mabait. "Sorry na. Joke lang iyon, 'di ba tayo na? Normal lang naman yata iyon." Sabi ko habang nakatingin sa mga daliri ko. Ano ba 'to, hindi ko pa naman kayang may taong nagagalit sa akin. Hindi ako makakatulog nito.

"Okay." Hala. Ba't ang cold?

"E, ang gara naman nito. Kausapin mo kaya ako nang maayos." He looked at me.

"Kinakausap naman kita nang maayos." My forehead creased.

"E 'di wow. Ba't ang cold mo bigla?"

"Dapat ba hot?" Okay. Pagbigyan, tutal, may kasalanan ako sa kanya.

"Tatawa na ba ako?" He shrugged. Paano kaya ako mafa-fall sa kanya kung ganyan siya? Si Xzayvian talaga.

Nang mag-alas otso na, nagluto na ako ng meatloaf para sa ulam at nagsaing na rin ako ng kanin. Syempre, kakain na ako. Medyo nakakapagod din ang araw na 'to, madami kasing costumer ang nagpunta sa cafe at nandoon pa talaga kanina si Alex at Iza.

Grabe. Alam mo iyung nagmo-move on ka na? Tapos nagpakita na naman siya? Ang sarap talaga minsan mangsupalpal, e. Sabi niya sa'kin, mahal niya pa raw ako, tapos biglang naging wife niya na si Iza. Ba't ang bilis? Alam mo iyon... 'yung ikaw hirap na hirap magmove on tapos siya parang chill-chill lang. Nakakainis lang 'yung ganoon.

Parang ang unfair lang. 'Yung feeling na parang may galit sa'yo iyong mundo kaya sa'yo niya pinaranas lahat ng sakit.

Pero syempre, tayo pa rin naman 'yung gumagawa ng future natin. At saka, wala naman din kasing may alam kung anong mangyayari in the near future. Malay ko bang bigla akong iiwan sa ere ni Alex. 'Di ba?

Ang natutuhan ko lang doon, hindi dapat natin agad ibigay iyung tiwala natin. Time. Tingnan natin kung hanggang saan sila tatagal 'tsaka, don't love too much kasi kapag nasaktan ka... sobra-sobra rin ang balik.

Pero sa sitwasyon naman namin ni Xzayvian, two weeks lang naman kasi. Tutulungan niya akong magmove on, so I grab the opportunity. Kasi malay mo, bukas, sa isang bukas, makapagmove on ako bigla. 'Yung tipong parang wala na lahat.

But despite the moving on process, may isa pa akong inaalala. Paano kaya kapag nafall na ako? Maiiwan ko kaya si Xzayvian dito? O mag-eLDR kami?

Ang daming tanong sa isip ko na parang ang daling sagutin pero magiging komplikado ang mga bagay kapag nasabi mo na sa iba. Ang hirap talaga kapag nasanay ka ng mag-overthink ng mga bagay. Isa 'to sa mga ayaw ko sa ugali ko, e. Ang hilig kong mag-overthink. Parang kapag hindi ko naisip ang sagot sa tanong na iyon, bigla na lang sasabog ang lahat.

At dahil nga naistress na ako sa mga pinag-iisip ko, nagfacebook muna ako. Maichat na lang si Yttrium. Pinsan ko iyon, parehas kasi kami ng mga hilig sa buhay. Kaya nga kapag nagre-reunion ang angkan namin, lagi kaming magkasama. Si Nitrogen kasi, 'di ko masyadong close. Paano ba naman, hindi maganda ang una naming pagkikita. Liligawan ako, e magpinsan kami. Ayun, nabatukan ni Tita Jel.

Pagkalog in na pagkalog in ko, ang daming notification at messages ang bumungad sa akin. Kailan ba ang huling kong online? Nung January pa yata. E, April na ngayon, hindi talaga ako nag-oonline, actually, hindi talaga ako ang gumawa ng account na 'to, si Hydrogen ang gumawa nito.

Tiningnan ko iyung mga notification, puro naman mention lang na palike nito, palike noon. O kaya naman, mga likes sa mga tag photos ko. Sa messages naman, puro GC o kaya naman ipasa mo ito sa ganoong karaming tao kundi mamamatay ka o kaya si ganito. Kalokohan lang naman iyan. Tiningnan ko iyung mga friend requests ko.

Xsen Kyle Austria

Jade Martinez

Tin Cruz

Wow. Nangunguna pa si Xsen. Pinindot ko iyung confirm. Si Xzayvian kaya, anong name sa Facebook? Ah, alam ko na. Stalk ko muna si Xsen. Pinindot ko iyung pangalan ni Xsen, buti na lang may load ako ngayon kaya see photos. Tiningnan ko iyung profile picture ni Xsen, nakasandal siya sa kotse niya tapos nakashades pa. Ang layo ng tingin, ah. Tapos ang daming likes, 2.4K, halatang famous.

Nagscroll down ako, puro naman share tungkol sa mga kotse o kaya bike. Kapag hindi naman bike o kotse, basketball naman. Hay, nako. Wala bang family picture?

Nagpatuloy lang ako sa pagscroll hanggang sa may nakita akong isang post na nakatag si Xsen. Tungkol sa kotse, e.

Xsen...hmm...malapit na birthday ko.

Ayan 'yung nakalagay doon sa post na nakatag si Xsen. Lalagpasan ko na sana kasi babae iyung nakaprofile picture. Halata, kasi nakaside view tapos mahaba iyung buhok, baka girlfriend or friend ni Xsen pero... nabalik ako dahil sa pangalan.

Xzay Austria.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 33.7K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
18K 542 16
Mula nang iwanan si Luan ng kanyang pinakamamahal na boyfriend na si Alex, tinatak na niya sa kanyang isip na hindi na muli siya magpapaloko sa isang...
241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...