[OHG SIDESTORY- Sho Godwin ]...

By Yam-Yam28

1.1M 25K 4.1K

(COMPLETED) "We will not fall in love", they say... "This is not a love story", they say... More

This is NOT a Lovestory [ Prologue ]
CHAPTER 1- Skyflakes
CHAPTER 2- COUPLE's CHALLENGE
CHAPTER 3- Future Issues
CHAPTER 4- I just-- never mind.
CHAPTER 5- Idiotic Confession
CHAPTER 6- Under the Starry Sky
CHAPTER 7- Fears
CHAPTER 8- THE REASON WHY
CHAPTER 9- Why?

~{ E P I L O G U E }~

92.9K 3.2K 1K
By Yam-Yam28

~{ E P I L O G U E }~

PAULEEN's POV

Sumisinghot-singhot pa ako habang kinukusot ang mga mata ko. Kakatapos ko lang mag-iyak, nasa kwarto ko na ako ngayon.

"Kainis ka talaga Sho!" Hinagis ko yung unan ko sa pinto, sakto namang bumukas yun, at tinamaan yung pumasok.

"Kung yung potatochips ko ang tinamaan, tatamaan ka sa 'kin," sabi ng walangyang si Sho pagkatapos n'yang pulutin yung unan ko na tumama sa mukha n'ya.

Anong ginagawa n'ya dito sa kwarto ko? Ang kapal ng mukha n'yang magpakita pa sakin gayong kanina lang... kanina lang winasak n'ya ang puso ko!

Gusto ko man s'yang sigawan, nagtaklob na lang ako ng kumot at hindi s'ya inimikan.

Akala ko mapapaalis na s'ya ng cold treatment ko, pero manhid nga siguro talaga s'ya. Aba, nakauha pang tumabi sa akin sa kama?!

"Hoy Sho! Umalis ka sa kama ko!" sigaw ko habang tinutulak s'ya. 

"Ano ba Pauleen! Inaantok na ako!" Pagsaway n'ya sa akin, nakapikit na ang loko!

"Wag kang matulog! Hindi ka na pwedeng matulog sa tabi ko kahit kailan! Gumising ka!"

"Antok na antok na talaga ako Pauleen, matulog ka na lang din."

"Hindi! Gumising ka sabi! Gumising ka! Gumising k--" Bigla na lang n'yang hinawakan yung isang kamay ko na pinagtutulak ko sa kanya kaya natigil ako sa pagsasalita.

"Matulog na tayo sige na," bulong n'ya habang nakapikit at habang hawak parin ang kamay ko. Sobrang gwapo n'ya noon at sobrang lambing ng boses n'ya, na kahit na wasak na yung pusong nasa dibdib ko, nagawa n'ya parin yung patibukin ng mabilis sa loob ng ilang segundo.

Hindi ako nakasagot, pinagmasdan ko lang s'ya, at habang ginagawa ko yun, unti-unti na namang nagsimulang uminit at humapdi yung mga mata ko... hanggang sa hindi ko na napigilan at napahagulhol na lang ako sa tabi ni Sho.

Agad naman s'yang nagising ng iyak ko.

"Bakit ka umiiyak?" tanong n'ya.

Hindi ako makasagot, hindi ko kasi maitigil yung pag iyak ko kahit gustuhin ko.

"Hoy bakit ka umiiyak?!"

"U... umalis ka na sa kama ko. Umalis ka na Sho."

"Bakit ba ayaw mo na naman akong patabihin?"

"Hoy Pauleen sumagot k--"

"Kasi may girlfriend ka na! May girlfriend ka na Sho diba?!" sigaw ko.

Napatigil s'ya ng mga ilang segundo.

"Oo nga no? Buti pinaalala mo. Sa saheg na lang ako matutulog," sagot n'ya, kinuha na yung unan na hinihigan n'ya at pumunta sa may cabinet ko para kumuha ng panlatag.

Hindi ako makapaniwalang hindi n'ya tinanggi na sila na nung She! Hindi ako makapaniwala!

"Um!" Hinagis ko kay Sho yung unan ko, tinamaan yung batok n'ya. Nakatalikod s'ya sa akin habang kumukuha ng panlatag.

"Ano bang problema mo maduming babae? Sa saheg na nga lang ako tutulog diba?"

"Lumabas ka na! Lumabas ka na Sho! Simula ngayon, ayaw ko ng papasok ka sa kwarto ko!"

Sasagot pa dapat s'ya pero hindi n'ya itinuloy. Nagbuntong hininga na lang s'ya ng tapos tumungo. Dahan-dahan s'yang tumayo tapos lumakad na nga palabas ng kwarto ko.

Hindi ako makapaniwalang ni hindi man lang s'ya nakipagtalo! Ni hindi man lang s'ya nag insist na patulugin ko s'ya dito! Hindi katulad nang dati! Talaga nga atang balewala na ang existence ko para sa kanya. Dahil sa She na yun, mukhang lahat ng pinagsamahan namin ni Sho, balewala na lang.

Nung sumarado yung pinto, nagsimula na naman akong mag-iyak. Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Hindi ko maintindihan si Sho. Ano ba kasing mali sa akin? Mas maganda naman ako sa She na yun ah? Mas matagal ko naman s'yang nakasama kaysa sa She na yun ah? Ako, mahal ko talaga s'ya, ako hindi ko s'ya ginagamit, ako hindi ko s'ya gustong maging boyfriend dahil lang sa gusto kong may maipagmayabang sa mga kaklase ko... gusto ko s'yang maging boyfriend kasi mahal ko s'ya, kasi gusto ko s'yang makasama lage. Bakit ba hindi n'ya yun makita? Bakit ba hindi n'ya yun maramdaman?

Ang sakit sakit. Mas masakit pa tong nararamdaman ko ngayon kumpara noong binasted ako ni Prince Bryan. Mas masakit to ng di hamak kasi, mas malalim to eh. Itong nararamdaman ko para kay Sho, ngayon ko lang narealize na ilang beses na mas matindi ito kaysa doon sa naramdaman ko noon para kay Prince Bryan. I have always thought na si Prince Bryan ang first love ko, pero nagkamali pala ako. Ang totoo pala, I never knew real love until I fell in love with Sho. Si Sho, s'ya ang tunay na first love ko...

"Bakit kasi hindi na lang ako naging potatochips?" tanong ko sa sarili ko habang may tumutulong mga luha sa mga mata kong nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Kagigising ko lang. Ang sakit ng ulo ko, at lalong sumakit noong makita ko ang itsura ko pagharap ko sa salamin. Mukha akong tarsier na tumira ng shabu! Ang laki na nga ng mga mata ko, lalo pang lumaking tingnan kasi paga! Tapos ang pula-pula pa nila! Magdamag ba naman kasi akong nag-iyak eh! Kainis talaga!

Pagkatapos ng frustration ko over my red puffy eyes, mas nafrustrate naman ako paglabas ko papuntang kitchen namin kasi...

"Bakit walang ulam?!" sigaw ko, agad na napalabas yung isang tauhan ni papa.

"Nako Ms. Pauleen, hindi po ba kayo tinirhan ni Sho? Hala, ipagluluto ko po kayo ng bago, saglit lang."

Agad na nagtatakbo papunta sa lutuan yung tauhan ni papa. 

Walangyang Sho na yun! Sumosobra na talaga s'ya! S'ya ang rason kung bakit nagkaganito yung mga mata ko, tapos may gana pa s'yang ubusan ako ng ulam? Ugh! Pag nagkita talaga kami makikit--

Natigil ako sa pagdidiss kay Sho sa utak ko, nang makita ko s'ya, si Sho, kakadating lang n'ya. Bihis na bihis s'ya ngayon, at bagong gupit ang lolo mo! Lalo s'yang gumwapo! Tapos... tapos... bukod sa potato chips, may dala-dala s'yang bouquet ng bulaklak! 

How sweet. Magsosorry ba s'ya sa akin gamit yun?

"Hindi mo ko madadaan sa ganyan Sh--"

"Pauleen, pahiram ng pabango mo huh?"

"Huh? Okay."

Pumasok na s'ya sa kwarto ko matapos kong sumagot. Natulala na lang ako nang may kasamang dead air sa paligid. So hindi n'ya ibibigay sa akin yung bulaklak?

Agad akong sumunod kay Sho doon sa kwarto ko. Iniistylan n'ya yung buhok n'ya sa harap ng salamin. Bakit nag-aayos to?

"Saan ka pupunta huh? May lakad ka? Babalik ka na ng Tagaytay?"

"Hindi talaga ako marunong mag ayos ng buhok, ikaw marunong ka? Tulungan mo nga ako."

I liked the idea of touching his hair, at parang ang sweet lang nung aayusan ko s'ya ng buhok kaya agad akong pumayag.

"Ayos na yan," sabi n'ya habang nakaupo sa harapan ng salamin sa kwarto, mukhang satisfied naman sa ginawa ko sa buhok n'ya. Ang gwapo n'ya talaga ngayon in all fairness.

"Alis na ako."

"Saan ka pupunta?"

"Ipapakilala ako ngayon ni She dun sa mga high school classmates n'ya daw, may reunion ata. Geh, malelate na ako Pauleen aalis na talaga ak-- "

"Hindi! Umupo ka ulit! Hindi pa ayos yang buhok mo!" Patayo na sana s'ya pero pinaupo ko s'ya ulit tapos inayos kuno ko yung buhok n'ya. Ginawa kong karumaldumal yung itsura, malahinimod ng kalabaw na itsura, tinadtad ko ng wax!

"Anong ginawa mo?!" sigaw n'ya matapos makita yung ginawa ko sa buhok n'ya. Agad na s'yang nagtatakbo sa cr para hugasan yung buhok n'ya.

Ang kapal n'yang magpaayos ng buhok sakin tapos dun pala s'ya nagpapapogi para sa She na yun?! Ugh! Nakakainis na talaga s'ya to the highest level! Bahala na talaga s'ya sa buhay n'ya! Wala na akong pakialam sa kanya! Magpakatanga s'ya dun sa manlolokong bitch na yun kung gusto n'ya!  I don't care anymore!

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Okay, binabawi ko na yung I don't care anymore ko. Mukhang di ko parin kayang hindi magcare kay Sho kahit gaano n'ya pa ako saktan. Heto nga ako at sinundan s'ya dun sa venue nung reunion nung high school classmates nung She na yun. 

Uber makalingkis yung bitch na She kay Sho noong pumasok sila sa entrance nung venue, feeling potatochips lang? tss! Kung ako yung potatochips na hawak ni Sho, sinipa ko na s'ya eh! 

Pag dating nila Sho sa harapan nung I think high school classmates nung She, agad na napatingin ang mga yun kila Sho. Halata sa mga mata nung mga babae doon na nagagwapuhan sila kay Sho, tsk.

Proud na nag hi sa kanilang lahat yung bitch na She, tapos without further ado, she proudly introduced Sho sa kanilang lahat... well balak n'yang iintroduce pero...

"Hala! Miss okay ka lang ba?!" Napunta ang atensyon ng lahat sa akin nang bigla akong mahimatay at bumagsak sa saheg.

Well obviously umaarte lang ako, pero sa galing ko, akala nila totoong nahimatay na ako.

Alam kong kahit may pagka insensitive si Sho pag dating sa ibang tao, pag nakita n'yang ako yung nahimatay, he would instantly go and help me... kaya naman habang nakapikit ako, I was really expecting na maririnig ko agad ang boses ni Sho tapos bubuhatin n'ya ako kaso...

"I'm taking her to the hospital!" ibang boses ang narinig ko! Meaning iba rin yung nagbuhat sa akin! Epal si Kuya!

Matapos akong mabuhat noong lalaki, mumulat na ako, nakita ko yung mukha n'ya, kamukha ni Edward Cullen! Gwapo pero nah! Loyal ako sa mahal ko! Kaya...

"Mister okay na ako! Ibaba mo na ako!" sabi ko.

"Huh? But--"

"IBABA MO NA AKO." Binigyan ko s'ya ng matalas na tingin kasama n'yan, kaya agad na n'ya akong ibinaba.

Nagtatakbo na ulit ako pabalik doon kila Sho pero... huli na ang lahat.

"I'm Sho,her  boyfriend, nice to meet you," narinig kong sabi ni Sho habang nakatalikod s'ya sa akin at nakaharap dun sa hs classmates nung She.

Nang marinig ko yun, para bang biglang may nag glue sa mga paa ko sa saheg kaya't hindi na ako makagalaw mula sa pwesto ko. 

"Sana pala, hinayaan ko na lang yung She na yun kanina na s'ya ang magpakilala kay Sho," nasabi ko na lang. Mas masakit pala kasing marinig mula kay Sho yung katotohanan eh. 

Malakas ata ang radar nung bitch na She at bigla s'yang tumingin sa kung nasaan ako tapos binigyan pa ako ng isang mayabang na ngiti sabay irap. Swear gustong-gusto ko na s'yang sabunutan! Pero alam kong lalo lang magagalit sa akin si Sho kung gagawin ko yun. Ayokong ipahiya si Sho at ang sarili ko.

Kaya I just grit my teeth at sinupress na lang yung rage na nararamdaman ko. Tumalikod na lang ako at lumakad na lang palabas noong restaurant feeling like a total loser; Feeling like an idiot; Feeling like I was deprived of something that was supposed to be mine.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Simula noong restaurant incident, madalang ng umuwi si Sho sa bahay namin. Kung uuwi man s'ya galing sa ojt n'ya sa Tagaytay, hindi naman s'ya nagsstay sa bahay, lage s'yang off to somewhere, na obvious naman kung saan. Akala ko pagkatapos s'yang maipakilala nung She na yun sa mga classmates n'ya, ilalabas na n'ya yung tunay n'yang color at idadump na n'ya si Sho kaya kahit super broken ako, kahit papaano may ray of hope pa ako... pero ngayon? Lantang-lanta na yung pag-asa ko.

Two months na ang nagdaan pero wala pa akong nababalitaan kay Sho na nadump na s'ya o nalaman na n'yang ginamit lang s'ya nung She at na nagpapanggap lang ito na addict din sa potatochips. Mahal ko parin si Sho pero nakakapagod rin kasing maghintay sa wala kaya naman, noong sinabi sa akin ng isa kong kaklase yung tungkol sa speed dating eklavu na aattendan n'ya, I decided to tag along.

I met different kinds of guys there, merong jeje, merong so-so, merong parang paminta, merong pwede na, pero wala pang mala Prince Bryan! Mala Prince Bryan ang hinahanap ko kasi yun ang feeling kong makakatulong sa mabilisang pagrecover ko mula kay Sho, pero mukhang imposibleng makahanap ka ng ganoong klase ng lalaki sa mga event na katulad nito.

I was giving up, at plano ko ng umalis doon sa venue at magquit but then paglipat ko ng ibang table... boom! Sparks everywhere! 

"Hi Miss, I'm Erwan," The gorgeous guy in front of me said, extending his hand to me tapos nginitian pa ako! I swear noong ngitian n'ya ako feeling ko nasa isang romantic toothpaste commercial kami with the background songs, visual effects and all. Ang puti at ang ganda ng ngipin n'ya!

"Hi Erwan... I'm... I'm single..." yan na lang ang nasabi ko habang nakatulalang shineshake yung hand n'ya.

Natawa naman s'ya. 

Kung yung smile n'ya pang toothpaste commercial, yung tawa n'ya, yung tawa n'ya parang may abs! Paanong parang may abs? Parang may abs kasi ang sexy! Ang sexy nung tawa n'ya! Ang manly na ang sexy nung dating!

Ang sarap pa n'yang kausap! Ang galing n'yang magdala ng topic! Tapos... tapos nung tanungin ko s'ya kung bakit ang isang super hot guy na katulad n'ya eh sumali sa event na katulad nito... ang sabi n'ya...

"Well I wasn't really going to join, but, I saw you on the way here. I was bewitched by your beauty, and before I knew it, I was following you here."

S'yempre naflattered naman ako dun! 

Sumigaw na ng "change!" yung mc ng event pero hindi kami nakinig na dalawa. Kahit na yung ibang girls mukhang target si Erwan, hindi kami umalis sa pwesto naming dalawa, it's like hindi na namin napapansin yung iba. Erwan asked me to go eat with him sa isang nearby restaurant and s'yempre pumayag ako.

At kung gwapo na s'ya, mas gwapo pa po yung kotse n'ya gawd!

So I was like super mega excited na sumakay sa kotse n'ya, kaso noong pasakay na ako doon...

"Erwan!" napasigaw ako kasi bigla na lang bumagsak sa lupa si Erwan matapos n'ya akong pagbuksan ng pinto.

"Oh look at that, nahimatay s'ya," sabi ni... ni Sho! Anong ginagawa nito dito?!

"Nahimatay? Eh pinukpok mo s'ya eh!" sigaw ko.

"Tss, inaantok na ako, kaya wag ka ng maarte, sumama ka sa 'kin!" Bigla na lang n'ya akong binuhat at sinakay sa taxi! Hindi na ako nakapalag! Aaah! I feel sorry for Erwan, naiwan lang s'yang walang malay doon!

Pesteng Sho na to! Saan ba n'ya ako dadalhin? Dinump na ba s'ya nung She kaya balik na s'ya sa akin ngayon? Narealize na ba n'ya na ako pala talaga ang mahal n'ya kaya balak n'ya akong dalhin sa isang venue kung saan bibigyan n'ya ako ng isang surprise at doon ay hihingi ng bonggang apology?

Kahit na naiinis ako sa bigla na lang n'yang pagkidnap sa akin, di ko maikakailang naeexcite ako sa pwedeng mangyari. Hay, mukhang kahit makahanap ako ng guy na 10/10 ang rating... si Sho parin ang 10/10 dito sa puso ko.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

Tumigil yung taxi sa harap ng school namin, kung saan ako nag-aaral ng College ngayon at kung saan naman pareho kaming nag high school ni Sho.

Pakipot pa ako kunwari at nag galit-galitan habang sapilitan n'ya akong hinihigit papunta sa gymnasium, pero sa loob-loob ko, kinikilig na ako. Obvious na kasi kung anong gagawin namin dito. Siguradong balak n'ya akong isurprise, magsososorry s'ya tapos... tapos it would lead to a confession! At dito pa ang napili n'yang venue ng confession n'ya, kung saan maraming tao ang nakakakilala at alam ang storya naming dalawa! How sweet of him!

I was beaming with joy with imaginary love bugs flying all over me noong pumasok kami ng gymnasium, lalo na at nakita kong super daming tao with matching big banner sa harap ng stage, pero biglang parang may nag spray ng pesticides sa mga love bugs na umaaligid sa akin, at isa-isa na lang silang nalaglag sa lupa at namatay... kasi...

"Eating contest?" nasabi ko na lang habang nakatingin doon sa malaking banner na andun sa stage nung gymanasium. Yun yung nakasulat. And I was expecting "Pauleen I'm sorry," something like that -_-

Tumango lang si Sho sa akin, tapos hinigit ako papunta dun sa isang bleacher malapit sa right part nung stage. At ang malala, tinali n'ya pa yung kamay ko, naglabas ng dog collar at tinali n'ya ako dun sa railings na malapit sa bleachers kung saan n'ya ako pinaupo!

"D'yan ka lang," sabi n'ya sa akin, tapos nag proceed na s'ya sa stage! 

Ugh! I knew it! Hindi talaga s'ya pang love story! 

Pinagtitinginan ako ngayon ng ibang people kasi nakatali ako sa bleachers plus may dog collar pa T^T Bwisit na Sho yan!

Natapos yung eating contest ng hindi ko namamalayan. Panay kasi ang pagcurse ko at pag iyak sa isang tabi. Nalaman ko lang na tapos na yung eating contest nang makita ko sa harapan ko si Sho na may hawak na trophy plus white envelope, yun ata yung cash price. 

"Kita mo to Pauleen? Panalo ako!" pagmamayabang n'ya sa akin matapos n'yang tanggalin yung tali ko sa kamay at yung dog collar ko. 

Hindi ko s'ya pinansin, nilampasan ko lang s'ya at naglakad na papunta sa exit door nung gymnasium.

"Anong masasabi mo Pauleen? Wala ka man lang reaksyon?" 

Ang kulit nya ngayon, bakit? Kung kailan wish ko na matulog na lang s'ya saka s'ya magiging maingay!

"Hoy Pauleen!" Tumakbo na s'ya at hinarangan ako.

"Ano ba kasi Sho? Ano bang gusto mong sabihin ko?! Congratulations? Okay, edi congratulations kasi nanalo ka sa isang pesteng eating contest! Okay na?"

"Pero patatas yung kinain ko. PATATAS Pauleen, PATATAS."

"Eh? Patatas? Eh diba hindi ka kumakain ng patatas?"

"Yep hindi nga, pero ngayon nakakakain na ako ng patatas!"

"So dinala mo ko dito para lang ipakitang nakakakain ka na ng patatas?"

Tumango s'ya.

"So wala ka ng ibang sasabihin sa akin bukod sa fact na nakakakain ka na ng patatas?"

Tumango s'ya.

"Okay." Tulala akong naglakad na lang at nilampasan s'ya. Kung broken hearted na ako, ngayon pati utak ko parang broken narin dahil kay Sho.

"Ah Pauleen! Nakalimutan ko palang sabihin!" sigaw n'ya kaya napaharap ako.

"Ano?" 

"Mahal din kita."

"ANO?!" napasigaw na ako d'yan.

Pagkatapos n'yang sabihin yun, para bang may tumunog biglang kanta sa background. Ay mali, talaga palang may tumugtog na kanta sa background, may banda kasi ngayon sa stage. The song that played, instantly reminded me of Sho, and nung mga panahong baliw pa ako kay Prince Bryan tapos si Sho yung lageng nandyan sa tabi ko, para iyakan ko, para sandalan ko, para kapitan ko.

♪♫ Oohh... ♪♫

♪♫ Oooohh... ♪♫

NOW PLAYING: This Is Not A Love Story

(A/N: Original song po ito na ginawa ko talaga para sa story na to. Kung gusto n'yong pakinggan, click the youtube video on the side>>>)

♪♫ I'm chasing this guy, for like how many years ♪♫

♪♫ I keep shouting I love him, but he just doesn't hear ♪♫

♪♫ Or could he hear me? Could he hear me? ♪♫

♪♫ But just pretend not to listen? ♪♫

♪♫ Oh no. ♪♫

Lumakad si Sho palapit sa akin, as in sobrang lapit, tapos, "Mahal din kita sabi ko," sabi n'ya. Hindi tuloy ako makahinga bigla!

♪♫ He is my prince, but I never was his princess ♪♫

♪♫ Guess I'm hopeless. Really, really hopeless ♪♫

♪♫ I was giving up till you walk right through the door ♪♫

♪♫ Didn't expect you'd be my knight in shining armor ♪♫

♪♫ But you did. ♪♫

"Pero paano na yung She? Diba boyfriend ka na n'ya?"

"Pumayag lang akong maging boyfriend n'ya para makipagbreak sa kanya sa harap mismo ng mga kaklase n'ya, para maipahiya ko s'ya."

"Huh?"

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

SHO's POV

FLASHBACK: Sa restaurant, araw kung kailan ipapakilala ako ni She sa mga high school classmates n'ya.

"I'm Sho, her  boyfriend, nice to meet you," pagpapakilala ko sa harap noong mga high school classmates ni She.

"Nice to meet you!" sabi nila.

"Gaahd Sherelyn ang gwapo ng bf mo kainggit! May kapatid ba yan?" sabi nung isang babae kay She.

Binigyan lang ni She yung babae ng isang mayabang na ngiti.

"Sho, tara upo na tayo," sabi sa akin ni She.

"Teka lang, may sasabihin pa ako," sabi ko na ikinagulat n'ya.

"She..." Hinawakan ko s'ya at iniharap sa akin.

"Ano yun Sho?" tanong n'ya habang nakangiting nakatingin sa mga mata ko.

"Break na tayo," sabi ko, sabay hikab. Inaantok na kasi ako.

"H-huh? Pero bakit?" gulat na gulat na tanong n'ya.

"Diba kaya mo lang naman ako ginawang boyfriend para may maipakilala kang gwapong boyfriend sa mga kaklase mong to? Naipakilala mo na ako, kaya tapos na yung role ko diba? Kaya break na tayo." Humikab ulit ako pagkatapos, antok na antok na talaga ako.

"H-huh? Sa-saan mo naman nalaman yan? Hi-hindi totoo yan."

"Si Pauleen, hindi marunong magsinungaling ang babaeng yun. Alam kong totoo yung sinabi n'ya sa mall. Ayoko ng magpaliwanag pa, inaantok na ako eh. Basta break na tayo huh? Geh bye." Paalis na ako pero hinawakan n'ya ako sa braso. Ugh, gustong-gusto ko na talagang matulog.

"Pero Sho--"

Hinawakan ko at inalis yung kamay n'yang nakahawak sa akin.

"Inaantok na ako kaya uuwi na ako," sabi ko tapos umalis na ako.

Yes! Makakatulog na rin!

*END OF FLASHBACK

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

PAULEEN's POV

♪♫ You make me laugh, when I am sad ♪♫

♪♫ You me smile, when I'm mad ♪♫

"So... so ganun yung nangyari noon sa restaurant?" Naiiyak na ako habang nagtatanong.

Tumango lang si Sho.

"So naniwala ka talaga sa akin nung una palang?"

Tumango lang s'ya ulit.

♪♫ You're always there for me no matter what ♪♫

♪♫ But I'm pretty sure what we have is not ♪♫

♪♫ This is not a love story for the both of us ♪♫

"Eh bakit bihira ka na lang umuwi sa bahay? Bakit lage kang umaalis?"

"Nagte-training kasi ako."

"Training?"

"Training para magustuhan ko ang patatas."

"Bakit kailangan mong magustuhan ang patatas?"

"Kasi patatas ang pinaka ayokong bagay sa lahat, katulad ng love. Ayokong sumagot sa love confession mo kasi ayokong ayawan kita. Pero naisip ko, kung sakaling magustuhan ko ang patatas, baka magustuhan ko narin ang love."

"So dahil nakakakain ka na ng patatas ngayon, gusto mo narin ang love?"

Tumango s'ya.

"So gusto mo narin ako?"

Umiling s'ya. Nagulat ako.

"Hindi na kita gusto, mahal na kita Pauleen," sabi n'ya.

Napaiyak na lang tuloy ako bigla tapos bigla ko s'yang niyakap.

♪♫ You're chasing that guy, for like how many years ♪♫

♪♫ You keep shouting that you love him ♪♫

♪♫ But he just doesn't hear ♪♫

♪♫ No, he could hear you ♪♫

♪♫ He just pretend not to listen ♪♫

"Uwaah! Nakakainis ka! Akala ko ayaw mo na sa akin! Akala ko kinalimutan mo na ako dahil sa She na yun! Nakakainis ka talaga Sho!" sigaw ko habang umiiyak at sinasakal sya sa yakap ko.

"Ayoko sa maduming babae pero mas ayoko sa masamang babae. Masamang babae s'ya, maduming babae ka, obvious na kung sinong pipiliin ko. Kaya wag ka ng mag iyak d'yan maduming babae, ang panget mo."

After n'yang sabihin yan, imbis na tumigil sa pag-iiyak, lalo lang akong naiyak. Akala ko kasi hindi na n'ya sasabihin sa akin yan, yung line n'ya na wag na akong umiyak kasi ang panget ko.

♪♫ He is your prince, but you never was his princess ♪♫

♪♫ Yeah you're hopeless, really really hopeless ♪♫

♪♫ But when I saw you giving up ♪♫

♪♫ Can't help but... but walk right through the door ♪♫

♪♫ Didn't plan to be your knight in shining armor ♪♫

♪♫ But I did. ♪♫

"Pauleen yung potato chips ko napipisa!" sigaw n'ya sabay tulak sa akin. So talo ko na yung She pero talo parin ako ng potato chips?

"Sho!" sigaw ko.

"Bakit?"

"Mahal kita!" 

"Mahal din kita, " effortless na sagot n'ya. Ang sarap pakinggan.

♪♫ I make you laugh when you are sad ♪♫

♪♫ I make you smile when you're mad ♪♫

"Pero mamili ka..."

"Huh?"

"Potato chips o ako?"

Tumingin s'ya sa potato chips na hawak n'ya tapos tumingin sa akin, tapos tumingin ulit sa potato chips n'ya. Namimili parin talaga s'ya hanggang ngayon?

♪♫ I'm always there for you no matter what ♪♫

♪♫ But I'm really sure what we have is not ♪♫

♪♫ This is not a love story for the both of us ♪♫

"Ano na?" Impatient ko tanong. Alam kong parte n'ya ang pagiging potato chips addict, pero kung sasagutin ko s'ya, dapat lang naman na ako dapat ang number 1 sa puso n'ya diba?

Tumingin s'ya muli sa akin, tapos tumingin na naman sa potatochips, tapos tumingin na naman sa akin tapos sa potatochips... tapos... hindi na naalis dun.

So yung potato chips ang pinili n'ya? Ha! I knew it! Hindi talaga kami pwedeng maging bida sa isang love story! Hindi talaga ako pwedeng maging number 1 sa puso n'ya! Talo parin talaga ako ng potato chips!

♪♫ Yeah we're sure what we have is not (a love story) ♪♫

♪♫ This not na na na na na (a love story) ♪♫

♪♫ This not... ♪♫

"Ano pa nga bang ineexpect ko," sabi ko na lang tapos lumakad na ako at nilampasan s'ya...

♪♫ You make me laugh (Yeah I make you laugh) when I am sad ♪♫

♪♫ You make me smile, when I'm mad (when you're mad) ♪♫

♪♫ You're always there for me no matter what ♪♫

♪♫ But we're really sure what we have is not ♪♫

♪♫ This is not a love story for the both of us ♪♫

Nakakadalawang steps palang siguro ako palayo noong nakarinig ako bigla ng pagpatak ng kung ano mula sa likod, tapos biglang may humigit sa akin paharap at ...

at...

♪♫ This is not. ♪♫

♪♫ This not... ♪♫

♪♫ This is not. ♪♫

♪♫ This not... ♪♫

♪♫ This is not... ♪♫

Naramdaman ko na lang...

♪♫ We're sure it's not... ♪♫

Naramdaman ko na lang  ang labi ni Sho sa labi ko.

Napatingin ako sa dalawang kamay n'ya, walang hawak na potato chips yun. 

♪♫ But it turned out to be one... ♪♫

So nanalo ako? Finally nanalo na ako sa puso ni Sho?

Dun na talaga ako napaiyak ng marealize ko ang bagay na yun.

Pagkatapos ng paglalapat ng mga labi namin, napatingin kami sa isa't-isa. Nakakatuwang makita na this time, matapos naming maghalikan, hindi na namin pinunasan ang mga labi namin tulad ng ginagawa namin noon. Tapos, andun na muli yung love bugs sa paligid ko, nabuhay na sila muli at mas dumami pa.

"Wag na wag nating kakalimutang nangyari yun," sabi ko kay Sho, still naiiyak parin.

"Okay," sabi n'ya na may kasama pang paghikab. Si Sho talaga s'ya, antukin.

"Mahal na mahal kita Sho," sabi ko habang nakangiti sa kanya.

"Mahal na mahal din--"

Itatanong ko palang kung bakit nanlaki ang mata ni Sho at kung bakit s'ya napatigil eh...

"Walang hahawak sa potatochips ko!" bigla ng kumaripas ng takbo si Sho papunta dun sa potato chips na nasa saheg na pupulutin na dapat ng isang studyante.

Napaface palm na lang ako, pero natawa na lang at napailing.

So hindi pa s'ya totally ready na i-let go ang potato chips -_-

Pero achievement na yung natalo ko ng ilang segundo ang potato chips no! Masaya na ako dun.

Masayang masaya ako ngayon. Hindi ko talaga inexpect yung ganitong ending. Hindi ko kailanman inexpect na magiging bida kami ni Sho sa isang love story. I mean, I was always, always believing na one day, makikita ko rin yung prince ko... na one day, magkakaron din ako ng sariling fairytale ko... sariling love story... I always believed that... pero never kong naimagine na si Sho yung magiging leading man ko. Never kong inexpect yun. Pero mukhang sa mundong to, you should really expect the unexpected, lalo na at si God yung author ng storya mo. Si God, he may not always give you what you want... but rest assured na kaya hindi n'ya binigay yun, ay dahil he's planning to give you more than what you wanted. At si Sho... s'ya yun. He's more than what I wanted.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

SHO's POV

Tinatamad akong mag POV kasi inaantok na talaga ako. Basta ang masasabi ko lang, mahal ko si Pauleen... at mahal ko rin ang potato chips. Minsan parang mas mahal ko si Pauleen... minsan parang mas mahal ko ang potato chips. Ah basta, mahal ko silang pareho, nakakantok isipin kung sinong mas mahal ko kaya tutulog na ako ako *yawn.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

PAULEEN's POV

Diba sabi ko, si Sho, he's more than what I wanted? Ngayon, ngayon ko mas napatunayan yun! I mean, ginusto ko talagang maging kami ni Sho. Ginusto ko talagang mas mahalin n'ya ako kesa sa potato chips... kaso... kaso... this is more than what I wanted!

Third month na naming mag on ni Sho... at sa tuwing magkakasama kami...

"Sho, magbibihis ako, bumitaw ka muna." Kakagaling ko lang sa school pero nakayakap agad s'ya sa akin. Ayaw n'yang umalis -_-

"Sho, kumakain ako, ang hirap kumain pag nakayakap ka sa akin. Bitaw." Hanggang sa pagkain ko nakayakap s'ya sa akin -_-

"Sho, maliligo ako. Bitaw." Hanggang sa paliligo ko, ayaw n'ya akong bitawan. Para s'yang isang bubblegum na kahit anong gawin kong pag-alis, ayaw matanggal. Sa tuwing magkikita kami, bibitawan n'ya yung potatochips n'ya pero ako naman yung yayakapin n'ya. As in, forever syang naka cling sa akin at ni ayaw n'ya akong mahahawakan o madidikitan ng kahit sino. Overly attached bf ang kinalabasan n'ya.

So ganito pala ang feeling ng potatochips? T^T

Sho naman eh T^T

"Sho, bakit mo ako binabalutan ng plastic?" tanong ko, naka uniform na ako at papasok na sa school.

"Maraming tao sa school n'yo, baka madumihan ka," sabi n'ya, tuloy parin sa pagw-wrap sa akin in plastic.

=___________________________= >> ganyan na lang ang itsura ko. Love story pa ba tong meron kami o ano?

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX

A/N:

Sorry for the uber tagal na update. Been busy with a lot of things lately. And sorry for the very simple and not-so touchy ending, sa lahat kasi ng side story, yung kay Sho ang pinaka light, since pinaka light and pinaka weird na character ko si Sho. I wanted a light ending, light na kwela na mamementain parin yung pagiging weird n'ya. So hope you liked the ending though yun nga, hindi s'ya grand compared to my other stories. I hope nasatisfy ko naman kayo kahit papano. Salamat sa pagsubaybay sa side story na to! 

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
49.1M 1.3M 54
Akala ni Keila, seryoso sakanya ang kilalang playboy ng University nila na si Dwayne Lopez. Nagkamali siya. Isa lang din pala siya sa mga babae na pi...
271K 14.9K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.