Obey Him

By JFstories

26.9M 1M 352K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 12

412K 15.8K 3.5K
By JFstories

HOW CAN HE BE SO UNFAIR?


I frowned. As if may karapatan akong magreklamo. He can be unfair to me, wala akong magagawa. Nakakatampo lang na hindi niya ako mapagbigyan na mas makilala siya, pero ako, bawal maglihim sa kanya. Okay, kung iyon ang gusto niya, fine. I'm giving it to him.


Tumihaya ako sa kama. "Tulog na kaya si Uncle Jackson ngayon?"


Ipinatong ko ang kaliwa kong braso sa aking noo habang nakatingala sa kisame. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hanggang ngayon kasi ay naiisip ko pa ang nangyari kanina. He kissed my forehead. Ang init ng lips niya, nag-stay. Nadama ko tuloy ng palad ang aking noo.


Hinalikan niya talaga ako for real... sa noo.


Nang makauwi kami ay hindi na siya nagsalita ulit, pero hindi na thick ang air. Hindi na siya galit. Hindi naman daw siya nagagalit sa akin. Basta okay na sa akin na maramdaman iyong ganoon, panatag na ako sa ganoon. At nong hapunan, sabay kaming kumain. Nakakailang pa rin dahil nagkakatinginan kami minsan sa mesa, pero anong magagawa ko? Paano ako iiwas e dalawa lang naman kaming palaging sabay na kumakain?


Bumangon ako at tumingin sa phone ko na nasa ibabaw ng side table. One am na. Puyat na ako.


Kinuha ko ang aking phone. Magpapaantok na lang ako by scrolling my Facebook newsfeed. Nang iswipe ko ang screen ay may unread message pala ako from Olly.


OLLY

How can you sleep soundly at night knowing that you're sharing a one roof with your hottie uncle?


Kumunot ang noo ko sa unang text.


OLLY

Goodnight, my gorg very lucky friend. Oh, just reminding you, HE IS FORBIDDEN.


Sana pala hindi ko na lang binasa ang text niya, naiirita tuloy ako. Gusto kong kilabutan kasi naiisip ko iyong sinabi niya—but the case is, hindi ako kinikilabutan.


Nagcheck ako ng Facebook ko, kataka-taka na dumarami na ang friends ko gayung hindi naman ako nag-a-add at nag-a-accept. The last time I've checked, sina Kuya Calder, Ate Minda, Olly, Sacha, Hyra at Jaeda lang ang friends ko. Bakit naging one-hundred plus na ngayon ang nasa friendlist ko?


Bakit kaya? Automatic ba ang Facebook? Ah, baka nga.


Tiningnan ko ang profile ni Kuya Calder. Nothing's new. Maraming nagpo-post sa timeline niya, halos puro babae, pero wala naman siyang pinapansin. Kaunti lang din ang photos ni Kuya Calder, halos puro half face ang kuha. Halata ring hindi siya active.


Ichineck ko naman ang kay Ate Minda, super active ng profile niya. Mayat-maya siyang may selfie at status. Meron siyang latest post na parang meron siyang kaaway na kamag-anak niya, meron din siyang mga post ng mga photos ng ulam niya kanina, may mga shared quotes and patama lines tungkol sa mga relasyong sinira ng mga kabit at mga shared post na issues tungkol sa mga local celebrities. Buhay na buhay ang kanyang wall.


Ang kay Olly naman ay puro Godly quotes, movie memes at iilang pirasong selfie na may inspirational captions. Nang magsawa na ako kakatingin ay umalis na ako sa profile nila.


May biglang nag-pop up na message notification from certain King Latorre Jr. Nagha-hi. Hindi ko na pinansin. Paano ko nga pala ito naging friend? Anyway, nag-log out na ako dahil wala naman akong balak makipagchat kahit kanino. 


"Agh!" Sinabunutan ko ang aking sarili.


Naalala ko na naman iyong sa kotse, iyong pag-iyak ko, iyong paghalik niya sa noo ko. Bakit big deal sa akin lahat ng iyon? Bakit?


Siguro kasi first kiss ko iyon – sa noo.



NANGANGALUMATA ako sa school pagpasok ko. Ibang driver pa rin ang naghatid sa akin. May pinuntahan daw kasi si Kuya Calder kaya can't report for duty pa siya ngayon.


"Ayos ka lang, my friend?"


"Olly, bakit pala dumarami ang friends ko sa FB?" tanong ko sa kanya ng maalala ko.


Ngisi lang ang sagot niya sa akin. Vacant time namin pero nasa loob pa rin kami ng room.


"Olly, wag mo na pala muna akong igawa ng IG. Hindi ko naman kailangan e. Sa Facebook pa nga lang ay hindi na ako makapag-active masyado, hindi ko na kayang magdagdag pa ng socmed account."


"Sus, iyon lang? Balak pa nga kitang gawan ng FB page e."


"Pang artista lang iyon, di ba?"


"Hindi lang. Pang mga magagandang babae rin iyon. Like you." Siniko niya ako. "Talunin mo si Sacha, may page iyon. Puro kaartehan lang naman ang post niya, at mga make up tutorial at shopping escapades. Nakakainis na kaya."


"Ano naman ang ipo-post ko roon? Saka, Olly, wala akong time sa mga ganyan."


"Akong bahala. Ako magiging admin mo."


Napailing na lang ako. Ayoko nang makipagtalo sa kanya.


"Uy, kwento ka naman na about Jackson."


Inirapan ko siya. "You can call him sir. He's older than you, in case you forgot."


"Sir? Bakit prof ko ba siya?" Bumungisngis siya. "I can smell jealousy."


"Olly, please!" Pinandilatan ko siya.


"Ikaw naman, hindi ka na mabiro." Sumandal siya sa sandalan ng upuan. "Pero ang guwapo talaga ng uncle mo. Ganong klase ng lalaki ang gusto kong mapangasawa e."


Humalukipkip ako. "He's boring, Olly. Mapapanisan ka ng laway sa kanya."


"Believe me, my friend, hinding-hindi mapapanis ang laway ko kung magiging asawa ko iyon."


Hinarap ko siya. "Are we really talking about this? Ang babata pa natin. Ang bata mo pa."


"KJ ka talaga. Saka, ano bang bata ka riyan? Nag-research ako about him, he's only twenty-five, and I am eighteen. Ikaw ang bata pa, kasi sixteen ka pa lang. But in fairness to you, hindi ka mukhang sixteen. Malaking bulas ka. Mukha ka nang nineteen."


Marami pa siyang litanya. Mukhang nagustuhan niya talaga si Uncle Jackson, hindi na kasi si Calder ang bukang bibig niya maghapon. 


...


"Ganda, tawag ka ni Sir Jackson."


Napalingon ako sa bumukas na pinto. Hindi ko pala nailapat iyon sa pagmamadali ko. Nakadungaw si Ate Minda at nakangiti sa akin.


"Okay, sandali, 'Te." Iniligpit ko ang nagkalat na notebooks sa ibabaw ng aking kama. Pagkauwi kasi ay inuna ko muna ang mga assignments dahil hindi pa ako nagugutom.


O wala akong gana na kumain ng hapunan since late umuwi si Uncle Jackson ngayon. Tumikwas ang nguso ko at saka ako tumayo.


Dumaan ako sa salamin para magsuklay bago ako lumabas ng kuwarto. Dim ang ilaw sa sala dahil gabi na. Iisang chandelier na lang ang may sindi, at iyong pinakamaliit pa. Kung hindi ko pa sinuyod ng paningin ang paligid ay hindi ko pa makikita si Uncle Jackson.


He's from work pero hindi siya mukhang pagod at stressed. In fact, he looks so fresh and huggable. Huggable? Saan galing iyon?


Nakakahiya kay Uncle Jackson. Napangiwi ako sa pumasok sa isip ko. Kung malalaman niya lang na gusto ko siyang yakapin, baka maduraan niya ako. Ang lagay ay nahalikan lang ako sa noo, umabuso na ako.


Tumikhim ako para kunin ang kanyang atensyon. Ang kaso, ako lang yata ang nakarinig sa tikhim ko. Ang hina kasi. Nahihiya kasi ako sa kanya.


Relaxed na relaxed ang kanyang anyo. Nakaupo siya sa sofa habang nakapikit, at nakataas ang kanyang mga binti sa center table. Sa pagkakapikit niya at pagkakatagilid ng pwesto mula sa aking kinatatayuan ay kitang-kita ko ang mahahaba niyang pilik mata at ang matangos niyang ilong. Mukhang wala siyang hinihintay.


Pwede ko kaya siyang istorbohin?


Alinlangan ang paglapit ko sa kanya. "T-tawag mo raw po ako?"


Dumilat siya at marahang lumingon sa akin. "Have you eaten?"


Tumango ako kahit hindi. Baka kasi magalit siya o magtaka kung bakit hindi pa ako kumakain samantalang magti-ten pm na.


Pinagpag niya ang kanyang tabi habang nakatingin sa akin.


"Ha?"


"Sit beside me."


Napalunok ako.


"Doll." Tila siya naiinip sa aking pagkilos.


Humakbang ako palapit sa kanya. Walang ibang tao rito sa sala maliban sa aming dalawa kaya siguro ako naiilang. Sa huli ay naupo na rin ako sa kanyang tabi.


Napakislot ako ng bumaba ang braso niya patungo sa aking balikat. "Tell me about your day."


Tiningnan ko siya, nakapikit siya ulit.


"Doll," inip na sabi niya.


Ah, oo nga pala, may reporting na magaganap. Nag-yes nga pala ako sa kanya na sasabihin ko sa kanya ang lahat.


"Studies... doon lang umikot ang araw. Si Olly lang ang kasama ko, iyong nakita mo the last time. Nong vacant, nagkuwentuhan lang kaming dalawa."


"About what?"


"Uhm... about studies din." Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi ko pala pwedeng sabihin sa kanya ang lahat.


"This Olly... is she your only friend?" Nakapikit pa rin siya habang nakasandal sa sofa.


"May iba akong kakilala pero si Olly lang ang palagi kong kausap at kasama."


"May nanliligaw sa 'yo sa school?"


Nanigas ang katawan ko sa kanyang tanong.


"You're too young for that, Fran. Can you promise me that you will not entertain suitors until I say so?"


Marahan akong tumango. Bigla kong naisip si Kuya Calder kahit hindi naman ito nanliligaw sa akin. Naisip ko lang na kasali ba sa bawal ang pakikipagkulitan ko sa aking bodyguard?


"I can't believe this is happening now," narinig kong sabi niya kahit napakahina ng kanyang boses. Para bang sa sarili niya iyon higit na sinasabi kaysa sa akin. "It was surprising because I didn't expect it. I never thought you would grow up like this."


Hindi niya inaasahan na lalaki ako? Seryoso ba siya? Ano ba talaga ang tingin niya sa akin? Isa ba lang talaga akong manika na walang kakayahang lumaki at tumanda? 


"Ah, p-pwede na ba akong bumalik sa kuwarto—"


"Dito ka muna." Dumilat na siya at umayos ng upo. Ang kanyang braso ay bumagsak sa likuran ko, at ang kanyang kamay ay napunta sa gilid ng aking bewang.


Hindi ako makasagot dahil wasak ang sistema ko sa sensasyon at kuryenteng hatid ng mga palad niya sa aking bewang. Ni hindi ko namalayan na nakasandal na pala ako sa matigas niyang dibdib habang humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin.


At bakit ganito ang pakiramdam ko? Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang init. Nababaliw na ako. I shouldn't feel this way! This man is forbidden. For heaven's sake! 


"What's going on here?!"


Sabay kaming napalingon sa pinto ng mansiyon na hindi namin namalayang bumukas.


Ramdam ko ang pagtakas ng kulay sa aking mukha nang malingunan ko ang daddy ni Uncle Jackson na si Vice Salvo Cole III na bagong dating. Sa likuran niya ay naroon si Kuya Calder na nabigla rin sa naabutang eksena.


Wala naman kaming ginagawang masama. Alam ko, walang malisya ito. Higit lalo sa side ni Uncle Jackson ay wala talaga. Pero paano sa ibang tao na makakakita?


"Jackson!" Lumalagutok ang baston ni Vice sa marmol na sahig.


"Hindi ka nagpasabi na dadating ka," kalmanteng sabi ni Uncle Jackson at kaswal na binitawan ako.


Tumaas ang isang kilay ng nakatatandang Cole. "Kailangan bang magpa-abiso muna ako? Para ano? Para makapaghanda ka? Don't you like surprises, my son?"

Halos lumubog ako sa kinatatayuan ko dahil sa mahalay na titig sa akin ng daddy ni Uncle Jackson. At kahit wala akong kaharap na salamin ay alam kong kulay kamatis ako ngayon matapos kong mamutla kanina.


"Masyado pang maaga para magkalat ka, Jackson. Tandaan mo, wala ka pang napapatunayan. Ni hindi ka pa nga nananalo sa eleksyon! Milyones na ang nalustay ko sa kampanya mo, wag mong sayangin!"


"Seriously, why are you here?" Nakahalukipkip na hinarap niya ang ama.


"Hindi na ako natutuwa sa pinagagagawa mo. Nauubusan ka na ba ng pagkakaabalahan at gusto mo namang sirain ngayon ang sarili mo? I'm telling you, my son, ang kasiraan mo ay kasiraan ko rin."


Nang magtama ang mga mata namin ni Kuya Calder ay wala siyang reaksyon.


"And you, Fran." Bumaling sa akin ang daddy ni Uncle Jackson. "Can you help my son by reminding him to not ruin his reputation? To not ruin himself?"


Marahan akong tumango.


"Leave her out of this," matigas na sabi ni Uncle Jackson.


"Very well, my son. Anyway, dumaan lang talaga ako rito para sabihin at ipaalala sa 'yo na mainit ang mata sa 'yo ng media. You are my son, at nakalinya ka na rin sa pulitika, maging aware ka sana sa mga kilos mo." Tumalikod na si Vice.


Naiwan kaming tatlo nila Kuya Calder, Uncle Jackson at ako.


Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para tanungin siya. "Ayos ka lang?"


Tiningnan ako ni Uncle Jackson ngunit hindi niya ako sinagot. Awkward silence followed.


"Sorry..."


Kumunot ang kanyang noo. "Why are you saying sorry?"


Napayuko ako. "H-hindi ko alam."


"Don't mind him."


Pwede bang hindi ko isipin iyong mga narinig ko? Ako ang susi para masira siya.


Nang tumingala ako ay nasa akin pa rin pala ang paningin niya. Tila nababasa niya ang isip ko. "You shouldn't be afraid, doll. Don't you trust me?"


"I trust you..."


"Good. Because you know what?" Ginulo niya ang buhok ko ngunit ang kanyang blangkong paningin ay nakay Kuya Calder na. "No one can ruin someone as great as me."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
25.5M 907K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

109K 2.9K 45
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
203K 6.5K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.