My Boyfriend is a Freak (Publ...

By missflimsy

10.3M 140K 15.6K

Kung sa "My Boss is a Freak" ay napatunayan niyong posibleng magkaroon ng isang unbelievably handsome, smart... More

My Boyfriend is a Freak
1: Mira
2: Vren
4: Vren
5: Mira
6: Vren
7: Mira
8: Vren
9: Mira
10: Vren
11: Mira
12: Vren
13: Mira
14: Vren
15: Mira
16: Vren
17: Mira
18: Vren
19: Mira
20: Vren
21: Mira
22: Vren
23: Mira
24: Vren
25: Mira
26: Vren
27: Mira
28: Vren
29: Mira
30: Vren
31: Mira
32: Vren
33: Mira
34: Vren
35: Mira
36: Vren
37: Mira
38: Vren
39: Mira
40: Vren
41: Mira
42: Vren
43: Mira
44: Vren
45: Mira
46: Vren
47: Mira
48: Vren
49: Mira
50: Vren
51: Mira
52: Vren
53: Mira
54: Vren
55: Mira
56: Vren
57: Mira
58: Vren
59: Mira
60: Vren
61: Mira
62: Vren
63: Mira
64: Vren
65: Mira
66: Vren
67: Mira
68: Vren
69: Mira
70: Vren
71: Mira
72: Vren
73: Mira
74: Vren
75: Mira
Finalé: Vren
Finalé: Mira
The Montevillas' First Christmas: A Special Chapter
Author's Note
MBIAF 2 is Now Published under Pop Fiction!

3: Mira

196K 2.5K 236
By missflimsy

"OMG, sis! Have you heard the news?" I just got back from a meeting, at pagkapasok na pagkapasok ko muli sa office ko ay bumungad sa akin ang umiirit na si Alexia, with Mavi and Hannah closely behind him. Mukhang kanina pa ako hinihintay na makabalik ng tatlo.

I rolled my eyes. Napaka-dramatic talaga nitong si Baklita. "Ano na naman 'yan, Alexia? Siguraduhin mong news-worthy 'yang sasabihin mo, ha?" pagbabanta ko sa kanya, siyempre, in a joking way.

"Aba! Hinahamon mo ba ang Reyna Chikadora na si Alexia? O sige, sabihin mo ngang hindi ito news-worthy?" nakapamewang na sagot ng bruha, sabay pakita sa akin ng cellphone niya. The screen showed an article from a certain entertainment website.

Binasa ko naman ang titulo ng article.

Dr. Vince Allen Montevilla, One of the Country's Most Eligible Bachelor, is Allegedly Getting Married!

Kung may kinakain o iniinom lang ako ngayon, malamang ay nasamid o nabulunan na ako.

Si Vince, ikakasal na? Kailan? And most importantly, kanino?

"Ano? Nagulat ka, 'no?" nakaismid na tanong ni Alexia.

Bago pa man ako makasagot ay nagsalita na si Hannah, na noon ay may hawak na isang yellow na mug. Kaya pala amoy-kape ang loob ng office ko.

"Ano ba kasi 'yan, ha Mira?" nakakunot ang noo na tanong ni Chinita. "Kanina pa namin kinukulit 'yang si Alexia na ipakita ang phone niya sa amin. Pero pinagpipilitan niyang dapat ay nandito ka rin. Napakaarte — dapat daw ay ikaw ang unang-unang makaalam ng balitang 'yan!"

"Siyempre naman! Because this news is about Papa Vince!" Tapos, sa gulat naming tatlo, biglang nag-"walling" si Alexia. "Jusko! Una, si Papa Vren, inangkin ni Mira. Tapos ngayon naman, si Papa Vince? Paano na ako?" Umaktong umiiyak ang loka, pero wala namang lumalabas na luha.

Nagkatinginan kami nina Mavi at Hannah at iiling-iling na tumawa. Sumunod ay nilapitan ni Mavi si Alexia at ginawaran ito ng isang batok. "Umayos ka nga! Napakadrama mo!"

"Aray naman!" pag-alma ng emotera naming kaibigan.

"Tutal, nandito na si Mira, pwede na ba naming malaman kung anong ganap tungkol sa ex-manliligaw niya?" Hannah demanded before taking a sip of her coffee.

Dahil sige pa rin sa pag-fake cry si Alexia ay ako na ang umulit sa title ng ipinakita niyang article.

Ilang segundo pa ay nagsimula na ang hapit na pag-ubo ni Hannah, na animo'y biglaang nalunok ang lahat ng laman ng mug niya.

"OMG! Hannah baby, are you okay?" irit ni Alexia na biglaang napatigil sa pagdadrama niya.

"Hala! Hannah, anong nangyari sa'yo?" natataranta ring tanong ko.

Si Mavi naman, kaagad na nilapitan si Chinita at hinimas-himas ang likod nito.

It took a few more moments for Hannah to recover. Nang natigil na siya sa pag-ubo ay muli namin siyang kinumusta.

"What on heaven and earth happened to you, Chinita?" tanong ni Alexia habang nakapatong sa dibdib ang isang kamay. "Kinabahan naman kami sa'yo!"

"W-wala! Nasamid lang ako!" For some reason, Hannah found it difficult to look at us.

"Ganern?" Awtomatikong tumaas ang kilay ni Baklita. "Narinig mo lang na to be married na si Papa Vince, nasamid ka na sa kape mo?"

Nakatingin lang kaming tatlo kay Hannah habang hinihintay ang paliwanag niya. Pero sa halip na sumagot ay biglang namula ang pagkaputi-puti niyang mukha, na ikinagulat naman namin nina Alexia at Mavi. Nagkatinginan kaming tatlo na para bang iisa ang nasa isip.

Walang anu-ano ay biglang kumaripas ng takbo si Hannah palabas ng office ko. "Shit! Nakalimutan kong may meeting pala kaming mga taga-Marketing!" she explained in a rush without so much as a glance at us. "See you later, mga sis!"

"What was that all about?" Mavi asked with a confused chuckle.

Pero siyempre, may kanya-kanya na kaming interpretasyon sa nangyari.

Looks like the legendary pasaway, Hannah Marvilla, is keeping a secret from us.

****

Lunch break ngayon at nasa office ako ni Vren. Hindi pa rin ako maka-get-over sa ipinakitang article sa akin ni Alexia kanina, kaya heto at napagpasyahan kong kulitin tungkol doon ang boyfriend ko.

"Vren, narinig mo na ba ang balita tungkol kay Vince?" tanong ko kay Ginoong Montevilla, na noon ay abala sa pagbabasa ng sa tingin ko ay isang business proposal.

"What news?" balik-tanong naman niya na hindi man lang iniangat ang tingin mula sa binabasa niya.

Kahit kailan talaga ang isang 'towalang pakialam sa kuya niya!

"Ikakasal na raw si Vince!" I replied in a dramatic tone, big-reveal style.

"Says who?" Vren, undeterred, continued eyeing the document in front of him.

"Nakita ni Alexia sa isang local gossip website."

"Oh, alright. Good for him, then."

I stared at him in disbelief. Ano ba 'tong boyfriend ko, robot? Nakapa-emotionless!

"'Yan lang ang reaksyon mo?" I blurted out, unable to help myself. "Oh, alright?"

Sa wakas ay ibinaba ni Vren ang papel na hawak niya, sabay tingin sa akin. He was wearing an amused look on his face.

"Why, babe? What reaction, exactly, did you expect me to have?"

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, dala ng kilig dahil sa pagtawag sa akin ni Vren ng "babe". Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako sanay na may ginagamit na ang mokong na term of endearment para sa akin. It was miles apart from those times when we still hated each other.

Alam kong napansin kaagad ni Vren ang mala-kamatis kong mukha, dahil lalong lumapad ang kanyang trademark grin.

"Mira, if Vince is really getting married, then let's just be happy for him. He's old enough to take care of his own decisions."

Oo nga naman, sa isip-isip ko. Ano nga ba ang in-expect kong magiging reaksyon ni Vren sa engagement ng kapatid niya? Did I expect him to react negatively or something?

"How about you?" Napaangat ako ng tingin nang muling magsalita si Vren. There was a mischievous glint in his eyes. "When do you want to get married?"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa tanong niya.

Hala, kasal agad? Wala pa nga kaming isang taon na magjowa, ah!

"Hoy! Anong married-married ang sinasabi mo riyan, Vren Andrei Montevilla?" I spluttered. "Hindi pa ako handa! Marami pa akong pangarap na hindi natutupad, 'no?"

Siya namang hagalpak ng tawa ng siraulo. "You should've seen the look on your face. It's priceless!"

Dahil sa pagkabwisit ko, hinampas ko ang loko ng nahagip kong kopya ng Reader's Digest mula sa ibabaw ng desk niya.

"Hey, that hurt!" he protested, still sniggering. "Stop attacking me with a magazine, Ms. Custodio," dagdag niya nang hindi pa rin ako tumitigil sa kakahampas sa kanya.

"E bwisit ka ba naman! Akala mo ba, nakakatuwa ang trip mo?" I glared at him. "Seryosong usapan ang kasal, Vren! Hindi dapat ginagawang joke 'yon!"

The grin melted off Vren's face. He was obviously taken aback by my statement.

"Hey, are you mad?" he eventually asked in a gentle tone. "I'm sorry, I didn't mean to..."

Yumuko lang ako. Medyo nahiya kasi ako sa kanya dahil na-offend ako sa biro niya, kahit alam ko namang he meant no harm. I never thought of myself as a snowflake, yet here I was, acting like one.

It's just that I want to hear the words "Will you marry me?" in the most romantic way possible. At the right place, and in the right time.

Not as a joke.

Still, when Vren rose from his seat to hug me, I hugged him back.

"Sorry," he apologized again. "I was just trying to lighten up the mood."

"Alam ko. Sorry rin... nag-overreact ako."

"No, it's my fault. That was insensitive."

Vren tilted my face up with a gentle prod of his finger on my chin, until we're eye-to-eye.

"We'll get married eventually. We'll know it when the time comes. Right?"

I nodded, a small smile on my lips.

"Right," I said before melting back into his arms.

Continue Reading

You'll Also Like

544K 20.4K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
965K 10.1K 44
Anung gagawin mo kung sapilitan kang ipakasal ng mga magulang mo sa lalaking hindi mo pa nakikilala? Tatakbo ka b para matakasan ito o tatanggapin n...
3.9K 421 23
Sinagtala Imaree Restito, also known as Sina, grew up without a father by her side. Her father died from an accident even before she was brought into...