Charm Academy School of Magic

By april_avery

61.7M 1.7M 521K

She is Ariela Davis, an ordinary girl with an ordinary life. Pero dahil sa isang insidente kinailangan niyang... More

Charm Academy: Prologue
Chapter 1: What's Your Charm?
Chapter 2: The Fire Ball
Chapter 3: Deadly Deal
Chapter 4: Welcome to Enchanted Forest
Chapter 5: The Rebel's Punishment
Chapter 6: The Four of Us?
Chapter 7: The Quest for Evergreen
Chapter 8: Caught in the Trap
Chapter 9: The Modifying Charm
Chapter 10: Training Mishaps
Chapter 11: The Thing with Trust
Chapter 12: The Puzzle Game
Chapter 13: The Academy Secret
Chapter 14: The Bow and Arrow
Chapter 15: Training Arrow
Chapter 16: Fire Against Light
Chapter 17: The Escape
Chapter 18: The Full Moon
Chapter 19: Ariela Against Hades
Chapter 20: The Deal with Augury
Chapter 21: Mystic Gifts
Chapter 22: The Mystic Ball
Chapter 23: The Head Masters
Chapter 24: The Society of Mirandi
Chapter 25: Leon Lancaster
Chapter 26: For Those Who Remain
Chapter 27: Love Him or Hate Him
Chapter 28: The Harvest Festival
Chapter 29: Finally Captured
Chapter 30: The Royal Ball of Mirandi
Chapter 31: The Real Traitor
Chapter 32: The Augury's Revenge
Chapter 33: The Charm Stealer
Chapter 35: Charm Diffused
Chapter 36: The Final Chapter
Charm Academy: Epilogue
Charm Academy: Special Chapter
Academy Series: Self Published Books

Chapter 34: All In Battle

1.1M 39.1K 10K
By april_avery

Author's Note:

Hi! You are free to send your fan arts or any artworks related to Charm Academy to the story's Facebook page or group. Ang page mismo ang mag s-share nito.

Last 3 Chapters! NO BOOK 2. Hindi niyo na mababago ang isip ko. So please vote or comment habang on going pa ang story. Specially sa mga silent readers. Para naman makilala ko kayo bago magtapos ang story.

Salamat sa lahat ng nagbabasa ng Charm Academy. (bilang na ang mga araw na sasabihin ko yan lol) Thank you for giving this story a chance and being a part of my dream.

Enjoy reading!

@april_avery

***

Chapter 34: All In Battle

Hindi ko alam ang eksaktong nangyari noong gabing yun. Wala akong maalala kung bakit ako nasa lugar na yun. Wala sa sarili ang katawan ko. Pakiramdam ko nga patay na ako noon. Pero nakita ko sila. Sa gitna ng nagkakagulong mga tao at umuusok na paligid nakita ko sila. Ang mga kaibigan ko. Ang mga kaklase ko.

May sumabog kung saan at naramdaman ko ang sarili ko na bumagsak sa malamig na sahig. Noong una hindi ako makagalaw. Nandoon lamang ako sa sahig at pinakiki-ramdaman ang sarili ko. Pinagmasdan ko ang mga palad ko. Wala akong maramdaman na energy na dumadaloy dito. Nasaan ba ako?

Isang pagsabog nanaman ang nangyari. Punong puno na ng usok ang paligid. May naririnig akong sumisigaw. May mga tumatakbo. Wala akong makita kundi usok at apoy sa paligid. Sunod sunod na pagsabog pa ang nangyari. Pero ang katawan ko ayaw gumana. Nakakatawa. Gusto kong matulog sa gitna ng kaguluhan.

"ARIELA!"

May narinig akong sumigaw. Noong una hindi nag sink in sa akin kung kanino galing o sino ang tinatawag. Maging ang sarili kong pangalan pakiramdam ko hindi familiar sa akin.

"ARIELA DAVIS!"

Boses ng isang babae. Matinis. Nagaalala. Sa isang sulok ng malaking kwarto kung nasaan ako nakita ko ang iba't ibang uri ng kapangyarihan. Napansin ko ang matutulis na yelong umabot hangang sa kisame. May nakita din akong malalaking halaman na ginagapos ang ilang naka itim na tao. At apoy. Napaka raming apoy at usok.

I was expecting to feel something. I was waiting to feel the familiarity. Yung init sa palad ko kapag nakakaramdam ako ng ibang charm. Yung pakiramdam na para bang may gustong lumabas mula dito. Pero hindi nangyari yun.

Nagtaka ako. May humawak sa mga balikat ko. Natigilan ako at napatingin sa pares ng mga matang halos hindi makapaniwala nang makita ako. Lumuhod ito sa harap ko at bigla akong niyakap.

"OH MY GOD. ARIELA!"

There's something in her voice that made me think na kanina pa siya nagpipigil ng iyak. Ilang segundo kami sa ganung position sa sahig. Hindi niya ako gustong bitawan. Tiningnan ko siya. Umiiyak siya. Pinahid niya ang mga luha niya nang mapansing nakatitig ako. Saka siya natawa.

"Sorry. Akala ko hindi na kita makikita."

Pinagmasdan niya ako nang nakangiti. Pero agad nawala ang mga ngiti niya nang tingnan niya ako mula ulo hangang paa. Napatingin siya sa mga nakabukas na palad ko. Saka niya biglang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Bakit." Natigilan siya at muli akong tiningnang na puno ng takot. "Bakit ka nag fe-fade Ariela?"

Tiningnan ko siya na nagtataka. Hindi ko alam ang tinututukoy niya. Sinubukan kong pagmasdan ang mga braso ko. Natigilan ako nang mapansin na masyado itong maputla. Para bang kulay usok ito at nagiging malabo sa paningin ko.

"Ariela what happened? May ginawa ba sila sayo o sa kapangyarihan mo? Sabihin mo."

I shaked my head. "Hindi ko alam Snow." sagot ko sa nanghihinang boses.

Nakagat niya ang labi niya habang sinusubukang mag isip ng rason sa nangyayari. "Ganyan ang nangyayari kapag na diffused ang charm. Siguradong may ginawa sila sayo." Bigla siyang tumayo. "NAHANAP KO NA SIYA! NANDITO SI ARIELA!"

Sa ilang sandali lang ilang pares ng paa ang mabilis na pumunta sa direction namin. Pinilit kong tumayo para makita silang mabuti. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ng maayos nang dalawang pares ng kamay ang biglang niyakap ako katulad ng ginawa ni Snow kanina.

"ARIELA! BUHAY KA!"

Halos hindi ako makahinga sa ginawa nila. But I find myself smiling lightly kahit hindi ko alam kung bakit. Pinalibutan ako ng mga mukha na matagal ko ding hindi nakita. Nandito ang mga schoolmates ko. Maging ang dalawa sa mga teachers ko. Hindi ko alam kung nasaan kami pero masaya akong makita silang muli.

Agad nawala ang ngiti ko nang makita ko ang nangyayari sa paligid. Nasaan ako? Hindi maaring nasa Greven ako. Hindi nangyayari ang ganitong bagay sa Greven.

Nagkalat ang dugo at walang malay na katawan sa sahig. Napansin kong ilan sa mga kasama ko ay sugatan. Mula sa nawasak na parte ng pader naaninag ko si Freya at ilan pang tao sa labas na naglalaban. Sharp ice blade spawned from the ice covered ground. Puno ng nakakalasong usok sa isang bahagi ng kwarto at nagkalat din ang sira sirang mga bakal at mechanical equipment.

Mechanical equipment?

Then it down on me. Naalala ko ang kakaibang pakiramdam at ang napakaraming mga boses. Ang sakit na dulot ng bagay na para bang pumipigil sa pagkilos ko. At ang pakiramdam na tila ba dumadaloy palabas ang lahat ng lakas at energy ko.

"Charm steal."

Nabitawan ako ni Layla at Lily dahil sa bigla kong nasabi. "W-What?" Nagkatinginan sila at nanlaki ang mga mata.

"Charm steal. Ginawa nila sa akin ang charm steal."










Third Person's POV

Pinagmasdan ni Snow si Ariela. Isang bagay lang ang pumasok sa isip niya. Ginamit kay Ariela ang charm steal. Naalala niya ang sinabi ni Collin sa kanya noong dumating sila mula sa kanilang mission ilang buwan na ang nakararaan.

"They are hunting Ariela."

"Dahil ba ito sa charm niya? Gusto ba nilang magamit siya para masunod ang gusto nila?"

"No. Hindi nila kailangan si Ariela. Kailangan nila ang charm niya."

"What do you mean?"

"There's this machine. Nasa pinaka sentro ng kastilyo ng Augury. The machine is called charm stealer. May kakayahan itong ilipat ang charm ng isang tao sa ibang katawan."

"Hindi pwede yun. Walang ganung klase ng machine. Charm lang ang pwedeng gumawa ng bagay na yun at matagal ng patay ang may hawak na special charm na yun."

"But they made a machine that can do the exact same thing. At balak nila itong gamitin kay Ariela."

Malinaw kay Snow ang resulta ng isang charm steal. Ilang beses nila itong pinag aralan sa subject nila ng history. Ilang makapangyarihang tao ang naging biktima nito.

Kung ginamit kay Ariela ang parehong paraan ibig sabihin maaring ma-diffused ang kapangyarihan niya. Ibig bang sabihin wala na sa kanya ang special charm?

Snow mentally shake her head. Hindi maaring mangyari yun. Hindi talaga. Dahil kapag totoo nga ang inisip niya. Magtagumpay man sila sa gabing ito at maging maayos ang lahat. Maaring hindi na nila makita si Ariela kahit kailan.














Pinagmasdan ni Snow si Ariela. Pilit niyang inalis sa isip ang kanyang naalala. Hindi ito ang tamang pagkakataon para isipin ang bagay na hindi naman sigurado. She is just being paranoid. Ang pinaka mabuting gawin ngayon ay hwag ilalayo si Ariela sa mga mata nila. Marami pa silang kailangang harapin. Isa na dito ang ama ni Leon Lancaster.

Sinubukang tumayo ni Ariela. Nagawa niya ito at sinabing unti unti ng bumabalik sa dati ang estado ng katawan niya though kitang kita sa mukha niya kung gaano talaga siya nahihirapan. There are times she winced in pain but she managed to remain normal.

Nagkatinginan lamang si Snow at ang ibang taong galing sa Academy. Ariela has no idea how serious her situation is kung totoo nga ang sinabi niya. Pero hindi nila alam kung paano ito ipapaalam sa kanya. Specially ang naging bukang bibig niya ay ang kaligtasan ng mga taong nandoon. Little did she know na siya ang pinaka nanganganib sa lahat.

Halata ang gulat sa mukha ni Ariela nang malaman mula sa mga kasama ang nangyayari. Hindi makapaniwalang linibot niya ang tingin sa magulong paligid. Ibig sabihin nasa Augury sila sa mga oras na ito. Nasa Augury sila kasama ang mga kaibigan niya at kamag aral mula sa Charm Academy. Paano umabot sa ganito ang lahat?

Nakita niya ang isang lalake na pilit pinapakalma ng dalawang teacher mula sa Academy. Nandoon ang Head Teacher nila na si Mrs. Hawkins at ang kanilang survival training teacher na si Mr. Rosewood. Nakaputi ang lalake, nakasalamin, at may grayish at magulong buhok. He looks disturbingly older than his real age at kapansin pansin sa complexion nito na hindi ito madalas sikatan ng araw.

Ganun din ang itsura ng ibang taong naka puti sa kwartong yun. Yung iba umiiyak sa tuwa at niyayakap ang taong kausap nila. Some are mentioning that they are free at last.

Pero hindi ang lalakeng kausap ng ni Mrs. Hawkins. Mukha itong nagaalala higit sa lahat. Kumunot ang noo ni Ariela. Nakita na niya ang lalakeng ito. Somewhere in a big cloudy dream. Para bang nakita niya na itong nakatitig sa kanya. Then it hit her. Siya ang taong nasa likod ng control ng charm stealer.

"Siya ang nawawalang ama ni Leon Lancaster Ariela." Snow answered her silent query.

Ariela stared at the man. Looking at him now doon niya napansin na may pagkakahawig nga ito kay Leon. He seems like the old version of the guy who once made her feel welcomed in a place as strange as Mirandi.

Lumapit sila dito. Ang iba sa mga kamag aral nila ay humiwalay na. Ang iba lumabas para tulungan ang mga nakikipag laban doon. Ang iba winasak ang pader at nagpatuloy sa pagpasok sa kastilyo. Natira ang ilan para linisin ang mga kalat tulad ng mga bangkay at mga natirang output ng kapangyarihan. Ang iba natira sa tabi ni Ariela tulad ni Snow, ng kambal, at ng dalawang teachers.

"Ariela Davis."

Mrs. Hawkins gasped the moment she saw her. Umalis ito sa harap ni Lorenzo Lancaster at niyakap siya. Ariela felt weird. Hindi si Mrs Hawkins ang klase ng taong nagiging emotional. Strict ito kapag nagtuturo. Nakakatakot. But seeing her right now, nakaramdam si Ariela ng sobrang pagkamiss sa Charm Academy at sa mga araw na nag a-aral pa siya doon. She wonder kung maibabalik pa ba ang mga araw na yun. Nang mayakap siya ni Mrs. Hawkin tiningnan siya nito mula ulo hangang paa. Doon ito natigilan.

"Kung ganun totoo nga." halos bulong niya sa sarili. Malungkot itong pinagmasdan si Ariela. "Totoo ngang ginamit ng mga walang hiya ang prosesong yun sayo." Ariela noticed the slight glint of tear in her chubby face. Nagtaka dito si Ariela.

"Lorenzo bakit mo hinayaang mangyari ito!" Humarap siya sa lalakeng naka puti at hinawakan siya sa balikat na para bang gustong alugin ang payat na katawan nito hangang sa magkabali bali.

"Tama na yan, Henrieta." kalmadong sabi ni Mr. Rosewood. "Biktima lamang siya dito."

Sandaling napatingin si Mr. Rosewood sa direction ni Ariela pero agad ding nag iwas ng tingin na para bang ayaw siyang tingnan nito.

"Si Leon. Ang anak ko. Nasaan ang anak ko. Okay lang ba siya? Nasaan ang anak ko?"

Doon napansin ni Ariela na kanina pa paulit ulit na sinasabi si Lorenzo Lancaster. Tila ba wala pa ito sa sarili sa sobrang gulo ng nangyayari. Maya maya pa napatingin ito sa direction ni Ariela. Bigla itong natauhan. Nagulat si Ariela nang lumuhod ito sa harap niya.

"Patawarin mo ako. Patawarin mo sana ako Ariela Davis."

Hindi alam ni Ariela ang gagawin. Pilit pinapatayo ng dalawang teacher si Mr. Lancaster pero hindi ito matinag.

"Hindi ko gustong mangyari ito. Sinusunod ko lang ang gusto nila para sa kaligtasan ng anak ko. Siya nalang ang natitira sa akin."

"Lorenzo tumayo ka dyan." utos ni Mrs. Hawkins. "Hindi maganda ang pinapakita mo sa harap ng mga bata."

"Kasalanan ko ang lahat. Apat na taon. Kasalanan ko kung bakit gusto nilang makuha ang kapangyarihan na tulad niya. Dahil sa akin inisip nilang kaya nilang makuha ito."

Umupo si Ariela sa harap ni Lorenzo Lancaster. She smiled lightly. "Alam niyo po bang miss na miss na kayo ni Leon." sabi nito. "Hindi niya kayo madalas naku-kwento pero kapag nabangit niya kayo nakikita ko ang longing sa mukha niya. Tumayo po kayo. Magpakatatag tayo. Magiging maayos ang lahat. Matatapos din ito."

Natigilan ang mga kasamahan niya at pati si Lorenzo. Snow immediately wiped a tear that rolled down her dirty cheeks. Pilit siyang ngumiti sa sinabi ni Ariela but deep inside she's crying.

Ariela kung alam mo lang.

Sinabi ni Mr. Rosewood kung ano ang kasalukuyang nangyayari. Naghiwa hiwalay ang grupo nang pumasok sila sa Augury. Merong natira sa labas na kasalukuyan paring nakikipag laban sa mga bantay doon. Meron din sa boundary kung saan hindi nila maubos ubos ang mga kalaban doon.

Nagawa nilang makapasok sa society gamit ang charm ni Sir Chase na nag counter sa security barrier ng Augury. Labag sa batas ang ginawa nila pero ngayon na nag declare na ng Conflict si Headmaster Georgia they are in full force and rules are a piece of trash for them.

Gamit ang invibility charm ng isang estudyante at ng transporting charm ng isang teacher madali silang nakapasok sa boundary ng kastilyo. Pero hangang sa labas lang sila dahil sa mas malakas na security na bumabalot dito. Kaya naman doon na sila naghiwa hiwalay.

Nahati sila sa ilang grupo. May naiwan sa labas, may dumerecho sa loob at matapos ubusin ang mga taga bantay doon dumerecho sila sa itaas, may pumunta sa underground, may pumunta sa mga tore, at ang iba linibot ang buong kastilyo para mahanap si Ariela Davis.

Ang grupo ni Mrs. Hawkins at Mr. Rosewood ang nakakita sa kanila sa elevated part ng underground. Nagulat sila nang makita ang kabuuan ng kwarto. Ngayon lamang sila nakakita ng isang kwarto na puno ng makina at bakal. Maging ang mga kasamahan nilang technical charmer ay nagulat. Kahit araw araw silang humaharap sa makina hindi normal ang ganitong tanawin para sa kanila.

Nagkaroon ng labanan.

Mga charmers laban sa mga taga bantay na nandoon at sa mga taong naka cloak na nag se-seal ng charm ni Ariela. Dahil sa tindi ng laban mabilis nilang nasira ang lahat ng makinang nandoon kasama na ang pinaka i-ingatan na charm stealer. Mula doon naging malinaw na kay Ariela ang nangyayari.

Madali nilang natalo ang mga taong naka cloak dahil halos naubos na nila ang kapangyarihan sa pag-seal ng kapangyarihan ni Ariela sa nakalipas na bente kwatro oras. Ang mga taga bantay na napatay nila ay hindi napalitan ng bago gaya ng inaakala nila. Ibig sabihin may pinagkaka-abalahang iba ang Headmaster. Ibig sabihin nakapasok na ang mga kasamahan nila sa lunga niya.

"Nandoon na sila." sabi ni Mr. Rosewood. "Hindi natin alam kung sinong grupo ang humaharap ngayon sa Headmaster. Kung ang grupo ba ito ni Headmaster Cray o ang grupo ng mga elemental at subtypes na sina Jett Forester."

Natigilan si Ariela Davis.

"Kasama sa grupo na yun ang anak mo Lorenzo." Mrs. Hawkins stated. "Kahapon lang halos hindi siya maka usap ng maayos dahil labis siyang sugatan. Pero nag pumulit siyang sumama."

"A-Anong ibig niyong sabihin?"

Huminga ng malalim si Mrs. Hawkins. "Nakita ang anak mong ilang araw ng walang malay sa gubat sa labas ng Mirandi. Hinala nila ang Augury ang may kagagawan nito. Sa Mirandi nananatili ngayon si Ariela Davis, Lorenzo. At ang anak mo ay nakipag kasundo sa Augury para ibigay siya sa kanila kapalit ng kalayaan mo."

Lorenzo Lacaster's face was filled with range.

"Hindi niya kailangang gawin ang bagay na yun! Ako ang gumagawa ng paraan para makalaya at maging ligtas siya. Pinangako nilang hindi siya idadamay dito—"

"Lorenzo, alam mo ang pamamalakad sa mundong ito. Walang katumbas ang salitang pangako at kasunduan. May mga taong gagawin ang lahat matupad lang ang gusto. Kasama na dito ang pagpapaikot sa mga tao."

Ariela heard him cursed. Nakikita niyang sising sisi ito sa sarili. She caught Snow staring at her. Tila ba kanina pa siya nito pinagmamasdan. Kumunot ang noo niya as if tinatanong kung anong meron. Snow shook her head lightly. Wala sa sarili na napatingin si Ariela sa mga palad niya. Nagkakakulay na ito ngayon. Nagiging okay na siya.

Lumabas sila sa kwartong yun sa pamamagitan ng nasirang pader. Itinuro ito ni Lorenzo Lancaster na magdadadala sa kanila sa parte ng kastilyo kung saan nanatili ang Headmaster ng Augury.

Bawat madaanan nila ay kung hindi wasak ay puno ng mga nagkalat na cloak o bangkay ng totoong tao. Bawat madaanan nila ay nagdadasal si Ariela na sana hindi kasamahan nila ang nakahandusay sa sahig. Puno ng usok na mula sa iba't ibang klase ng charm ang paligid. May mga nadaanan silang sugatan at halos walang malay na kasamahan nila.

Habang tumatagal pakonti sila ng pakonti. Ang iba nanatili para tulungan ang mga kasamahan nila. Hindi sila pwedeng manatiling lahat o magtagal. Kailangan nilang tulungan kung sino man ang kumakalaban sa Headmaster ngayon.

Habang naglalakad napapansin ni Ariela ang pagbabago ng pakiramdam niya. Hindi niya maintindihan. Nagiging normal na ang kulay niya pero sa loob ng katawan niya iba ang nangyayari. Para bang habang tumatagal sila sa paglalakad unti unti niyang nakakalimutan kung bakit sila nandito. Kung anong ginagaw nila sa lugar na ito. Pati ang mga mukha ng mga kasama niya.

"Si Hades." bigla niyang nasabi sa pagpupumilit na alalahanin ang mga bagay bago siya napunta sa Augury. "Sino ang humaharap kay Hades?"

Napa paused sa paglalakad si Snow na nasa tabi niya. Sandali itong humarap kay Ariela bago muling naglalakad.

"Patay na siya Ariela." sagot nito.

Nanlaki ang mata ni Ariela. "Sino ang pumatay sa kanya?"

"Si Headmaster Cray. Biglaan ang nangyari. Hindi niya ito namalayan kaya hindi siya nakalaban." Huminto ito at napabuntong hininga. "But I doubt na gusto niya pang lumaban."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Noong gabing yun alam kung may nakita akong kakaiba sa mga mata niya. Hindi ko lang ma-point out dahil magulo ang isip ko noong mga oras na yun." sagot ni Snow habang patuloy sila sa pag akyat sa madilim at makitid na batong hagdan.

"Pero nang natapos ang lahat doon ko na realized na pagsuko ang nakita ko. Noong iwan siya ng Headmaster ng Augury para kalabanin kaming lahat, sa unang pagkakataon nakita kong payapa ang mukha niya. Tangap na niya ang pwedeng mangyari at wala siyang balak lumaban."

Snow let a mournful smile.

"Nailabas niya ang mga kini-kimkim niya bago matapos ang lahat. I even saw him smile bago tumama ang liwanag sa kanya. I think kahit paano masaya na siya na malaman ang totoo. Hindi siya iniwan gaya ng inakala niya at masaya siyang narinig yun mula sa mga kaibigan niya matapos ng madaming taon."

Napatingin si Snow kay Ariela at nagtaka dahil hindi ito nagtanong. "Ariela do you know what I'm reffering to?"

Tumango ito ng bahagya. "Alam ko." sagot nito.

"Noong pumunta ako sa office ni Miss Serena para tawagan si Grandma, nakita ko ang isang picture. May apat na teenager ang nandoon. Kamukang kamukha sila ni Miss Serena, Sir Chase, at ni Miss Evergreen. Hindi ko kilala ang pang apat. Pero noong nakipaglaban ako kay Hades sa gubat at nakita ko ang buong mukha niya bago ko ito sirain, doon ko na realized na siya ang lalakeng nasa picture."










Tahimik silang nagpatuloy sa paglalakad. Habang tumatagal ang makipot at madilim na daan ay unti unting pinapasok ng liwanag mula sa kung saan. Again, Ariela expected to feel something. Like the prickling sensation she always feel when there is a strong charm around. Pero hindi niya ito naramdaman. Nagsimula na siyang magtaka.

Nakarating sila sa taas kung saan isang napakalaking hallway ang bumungad sa kanila. Halos kasing laki na ito ng isang lobby. Matataas ang kisame at may mga poste sa gilid kung saan nakaukit ang iba't ibang kakaibang hayop. Lahat may sungay. Ang iba sa mga posteng ito ay halatang dumaan sa isang laban sa mismong hallway. May mga bitak ito at gasgas at ang iba may bahid ng dugo.

Napatingin silang lahat sa dulo ng hallway kung saan isang wasak na pintuan ang nandoon. Madilim ang kwarto pero kada ilang segundo may ilang liwanag ang lumalabas mula doon. They are blinding colors of golden light. Naririnig din nila ang ingay ng umiikot na hangin na para bang may ipo ipo sa loob. At finally naramdaman nila ang init at liwanag ng apoy.

"Dyan tumutuloy ang Headmaster." sabi ni Lorenzo sa mga kasama.

Pinagmasdan nila ito. Si Mr. Rosewood ang nagsalita. "Mukhang kilala ko na kung kaninong grupo ang nakikipaglaban sa Headmaster."

***

Continue Reading

You'll Also Like

383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
242K 1.8K 5
Para sa mga taong torpe at sa mga taong hindi marunong dumiskarte. Idaan na yan sa banat! :D
2.5M 92.5K 101
AlphaBakaTa Trilogy [Book3]: Might of Alibata (Only Strong Survive) Utak mo'y aking pipilipitin, ito'y aking kakatasin. Ulo mo'y aking pasasakitin, h...
Squad Goals By aliza viel

Mystery / Thriller

239K 8.9K 21
Nag-reunion ang highschool bestfriends na sina Monette, Kastel, Lovie, Anna, Ryzae at Gabi sa isang resort. Kasabay nito ay di nila mapigilan maalala...