Chapter 2 : Wolf of Red
"Serel, Welcome to the book of Red Riding Hood, in Land of Escapies, World of Versailles." Nalaglag ang panga ko ng bahagyang nag-bow saakin ang wolf. Dahil sa gulat ay napa-atras ako. Hindi ko alam kung seryoso siya ngunit hindi ko alam ang lugar na ito.
"T-Teka, Bini-biro mo ba ako?" I tilted my head, trying to check if he is only messing with me.
Gusto ko na tumawa siya ngunit hindi niya iyon ginawa kaya napalunok ako. Seryoso nga siya.
"Guess I've got lot of explaining to do." Umiling siya at hinawakan ang pulsuhan ko, maagap ko iyong kinabig ngunit hindi siya natinag.
"Wait, saan tayo pupunta?" Gulo kong tanong nang hatakin niya ako paalis. Wala akong magawa dahil mas malakas siya sa akin.
"On my place. Delikado ngayon, gumagala ang mga demons," He replied. I don't know but I have this feeling that he's not gonna hurt me. At mas gugustuhin ko pa siyang kasama kesa sa sinasabi niyang demons.
"A-Anong hitsura ng mga demons?" Kinakabahan kong tanong, iniisip ko pa lamang iyon ay tumitindig na ang aking mga balahibo.
"It's a monster like with tails and wings. Galing iyon sa Abyss ngunit hindi ko alam kung paano sila nakarating sa Versailles gayong nakasarado ang portal papunta sa Abyss." Aniya, napalunok ako.
Nakarating kami sa isang maliit na cabin. Sakto lamang iyon upang tirhan ng isang tao. Dito ba siya nakatira? Dahil sa pigura ng bahay ay dumapo sa isip ko ang mga kasamahan sa bahay. Naalala ko bigla si Fisso at Tita Fely. Kamusta na kaya ang dalawa? Hinahanap ba nila ako ngayon? Baka nag-aaalala na sila sa akin.
Inabot ng wolf ang pinto ng kanyang cabin at dumeretsyo kami sa loob. Inilibot ko ang aking mata sa loob at mukhang komportable naman ang silid. Naupo ako sa couch. Tinanggal ko rin ang hood ni Red dahil hindi naman akin iyon. I wonder if my dress is hers too? Wala naman akong ideya dahil nagising na lamang ako na ganito ang aking kasuotan.
"Teka, hindi pa pala kita kilala." Natigil ako ng maalalang halos magpatayan na kami kanina, oops. I mean, halos patayin na niya ako kanina pero hindi ko pa siya kilala.
"I'm Vaughn and I'm Red's wolf. So where should I start?" Naupo siya sa couch na nasa tapat ko.
Napaisip naman ako. Noong pumasok si Alice sa wonderland, wala namang introductions ah? Should I start walking ang let the fate make my story? Of course, I'm kidding. I'm thinking that if the demons caught me, I'm probably dead by now.
"Ah, siguro sa iyo muna?" Hindi sigurado kong sagot.
Kahit ako, hindi alam kung saan siya pwedeng mag simula patungkol sa lugar na nasaan ako. Pakiramdam ko ay marami akong dapat malaman at paniguradong sasakit ang ulo ko kakaintindi dahil iniisip ko pa lamang na nasa ibang mundo ako ay tila sasabog na ang utak ko. Mabuti sana kung maayos ang mundo na ito ngunit sa dinami-daming panahon na pwede akong mapunta dito, talagang sa gitna pa ng isang crisis kung saan may mga demons!
"Alright then. I'm Vaughn and I'm the wolf in Red Riding Hood's story." Simula niya. I kinda expected that already since I grew up fond of books so if I saw a red hood and a wolf, I am always reminded me of that story. It's a famous tale after all.
"Tapos?" I tilted my head to find more answers.
"You're in Versailles' Domain." He added. Napakurap ako, Ilang beses na niya iyong naulit sa akin.
Umiling ako, "Hindi ko maintindihan. Nasa Versailles Domain ako at nasa istorya mo rin ako?" Kunot noong tanong ko, walang maintindihan sa sinasabi niya.
Napabuntong hininga siya.
Muling inulit ni Vaughn ang kanyang sinabi hanggang sa tuluyan ko na itong maintindihan. Ayon sa kanya, nasa Versailles Domain ako, ang mundo kung saan lahat ay posible. Ito ay ibang mundo kaysa sa mundo ko. Sa madaling salita, wala na ako sa earth, o kung tawagin nila ay Mortal Realm o Domain.
Ngayong nasa mundo ako ng Versailles, ang eksaktong lugar kung nasaan ako ay ang libro ni Red Riding hood. I know it sounds ridiculous but I met a talking wolf already. Hindi ko maiwasang magtaka kung paano ako napunta rito. Ang huli ko lamang na naaalala ay may nakita akong mga kakaibang symbols bago tuluyang magising sa lugar na ito.
Teka? Symbols?
Tama!
Hinarap ko si Vaughn dahil sa naalala.
"Vaughn! Do you somehow know the triangle symbols that symbolizes the four elements?" Kapos hiniga kong tanong sa kanya. Tila natigilan ito sa narinig kaya nanlalaki ang kaniyang mga mata habang tinititigan ako.
Nag taka ako sa reaksyon niya.
"Paano mo nalaman ang mga simbolo na iyan?" Gulat nitong tanong saakin.
Kahit na nagtataka sa kanyang pinakitang reaksyon ay nagpatuloy ako.
"Iyon ang huli kong naalala bago ako mapunta dito. Nakita ko ang mga simbolo na iyon bago ako kainin ng liwanag at magising sa istorya mo."
Mukhang malalim ang iniisip niya dahil sa naging kwento ko. Ano kayang mayroon sa mga simbolo na iyon? Parang mahalaga ito base sa kanyang reaksyon.
"Tell me how you got in here." Demanding na ani niya. Napairap ako, mabuti na lamang at kailangan ko ang tulong niya, kung hindi, baka inaway ko na siya dahil sa tono ng kanyang pananalita.
Parang kanina lamang ay siya ang nais kong mag kwento, ngayon ay nabaliktad dahil ako naman ang kailangang mag kwento sa kanya. Pero mabuti na rin ito dahil kailangan niyang malaman kung paano ako napadpad dito dahil baka alam niya kung paano ako makakaalis.
"May nakita akong matandang babae. Mamimili lang dapat ako pero nang makita ko siya, wala sa sarili ko siyang sinundan. Hindi ko rin alam, tila nakuha niya ang loob ko kaya sinundan ko siya. Pumasok ang matanda sa isang street, sa pagkakatanda ko ay Selliasrev ang nakalagay sa sign--" Pinutol niya ako.
"Versailles," Aniya at napakunot ang noo ko. "If you reversed the word Versailles, it will be Selliasrev." Pahayag niya.
Doon ko lamang napagtanto na tama nga siya. Dahil sa sinabi niya, unti-unti ko nang narerealize na nasa Versailles nga ako.
"Continue." Aniya muli.
"Nawala ko ang matandang babae, napunta aji sa isang madilim na lugar." Kwento ko sa naalalang pangyayari. "Natauhan ako. Babalik na sana ako sa pamilihan pero noong sinubukan ko, may pumigil sa akin. Hindi ko alam kung ano dahil wala namang iba doon. Tila pinigilan ako ng hangin..."
Nanindig ang mga balahibo ko nang maalala ang nangyari. Halos ramdam ko pa rin ang pwersa na iyon.
"May pumigil sa akin para hindi ako makabalik, sumunod na nangyari ay umilaw ang libro ko. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko iyon. The book didn't just emited a light but it also float--" Napatayo ako nang maalala ang aking libro.
"Ang libro ko!" Sigaw ko at hinarap si Vaughn.
"Nasaan ang libro ko?!" Halos sigawan ko na siya, nag-aalala sa libro na regalo pa sa akin ni Lola.
"Wala kang hawak na libro nang dalhin kita dito." Pahayag niya. Nasapo ko ang aking noo.
Kung wala iyon dito, malamang ay naroon iyon sa eksaktong lugar kung saan ako nagising!
"Kailangan kong hanapin 'yung libro! Regalo pa iyon sa akin ni Lola!" Baling ko kay Vaughn.
"What happened to your story?" Ipinawalang bahala niya lamang ang tanong ko.
"That's not important anymore, the book! Bigay iyon saakin ni Lola at baka iyon rin ang makakapag-pabalik saakin sa mundo ko." Pahayag ko, tumango siya kahit tila malalim ang iniisip.
Muling nag-anyong wolf si Vaughn at pinasakay niya ako sa kaniyang likuran. Hindi gaya ng kanina ay tila mas nasanay ako ngayon. I enjoyed how the air damped on my face. Kung paano nito liparin ang mahaba kong buhok.
"Nandito na tayo." Vaughn announced and slightly bowed so I can reach the ground.
Iginala ko ang paningin kung saan ako nagising kanina. Wala namang bakas ng libro doon. Kung ganoon, nasaan ang libro? Bakit wala iyon dito?
"Hindi ko mahanap," Binalingan ko si Vaughn na tila malalim ang iniisip.
"Kailangan mo nang umalis dito," Nagulat ako ng bigla siyang sumeryoso.
"Hahanapin ko muna ang libro na niregalo sa akin ni Lola," Giit ko ngunit tumanggi si Vaughn.
"Wala ng panahon para d'yan, Serel. Baka mahanap ka nila at madamay ka pa sa nangyayari."
"Wait, balak ko naman talagang umalis dito e. But can you please enlighten me first?"
He then explained me some things. The universe is parted into different domains or sphere which is the Mortal Domain, where the mortal people lives, doon ako nabibilang. Then the Utopia Sphere, known as the promise land where the gods and goddesses lives. Next is the Abyss Sphere, kilala raw ito sa mortal domain bilang 'hell' o 'impyerno'. And last but not the least is the Versailles Domain which is known as the safe haven of the immortals. Kilala rin ito bilang Fantasy World.
And the book that my grandmother gave me is a key that holds to part the Mortal Domain and the Versailles Domain. Kaya nagtaka ako roon. Does my grandmother knew about the four different Domains and Spheres?
"Pero paano ako makaka-alis?" Tanong ko matapos siyang magpaliwanag.
"Hindi ko rin alam kung paano buksan ang pero sa ngayon, you need to get out of this domain. Baka matulungan ka ng Astroloheirs."
"Astroloheirs?"
"Sila ang taga-bantay at taga-panatili ng kapayapaan sa apat na domain."
"You need to go back to your domain as soon as possible. But you need to go out of the Escapies Land first."
"Escapies Land?" My brows furrowed when he mentioned it.
"I can't explain any further. I'll walk with you until we reached the border of my book." He leaned forward so I can ride him. Nang maka-upo na ako sa likuran niya ay kaagad siyang tumakbo at halos puro itim na lamang ang nakikita ko dahil sa madilim na kagubatan at sa bilis na pagtakbo ni Vaughn. Akala ko ba lalakad kami?
Nang marating ang tinatawag ni Vaughn na border ay mabilis niya akong ibinaba. Halos mamangha ako ng makita ang tila tubig na kulay lila na nasa harapan ko. Ito na siguro ang tinutukoy ni Vaughn na border.
"Hindi naman ako mamamatay kapag tumagos ako dito 'no?" I joked, I heard Vaughn chuckled.
"Of course not,"
Then I looked at him, he's looking at the border with so much emotion in his eyes. Maybe he wants to find Red?
"Why don't you go with me?" Aya ko sa kaniya, hoping that he'll agree so he won't be sad anymore.
Instead, he shook his head. "No character must leave it's book unless it was the writer's order." He gave me a weak smile. Bilang isang reader, kaagad kong naintidihan iyon.
"Inaantay ko rin si Red,"
"Then, I'll get going." Ngumiti ako pabalik.
"Mag-iingat ka, Serel."
I took a step forward and felt an unfamiliar damped into my skin. I closed my eyes and felt the water embracing me.