Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 15

45.9K 1.4K 220
By Ineryss

Kumagat ka nalang, Trace...

"Sandali lang!" sigaw ko sa umagang iyon habang naghuhugas ng plato nang may kumatok nang paulit-ulit.

Inalis ko iyong tarangkahan ng aming pinto at binuksan iyon. Laking gulat ko nalang nang bumungad sa akin ang imahe ni Ate Rici at sumalubong pa sa akin ang matamis niyang pabango.

Ngumiti agad siya ng matamis sa akin.

"Magandang umaga, Trace! Ang kuya mo?" tanong niya sa malambing na boses at sumilip pa sa aking likod.

"Magandang umaga rin Ate. Uh... Si Kuya..." Nilingon ko ang pinto ng kwarto nito.

"Tulog pa?" dugtong niya naman kaya bumalik agad ang tingin ko sa kanya.

Tumango ako saka napadpad ang aking mga mata sa suot niyang magandang damit. Hindi pa nakaligtas ang gold na bracelet sa kanyang pulso at ang suot niyang kwintas na may pendant na hugis bulaklak at halatang mamahalin. May slingbag siya na may brand na hugis letrang C at nakabaliktad iyon na ipinagdikit habang may bitbit na kahon.

"Pwede bang sa loob ko siya hintayin?"

Ang kanyang boses ang nagpabalik sa akin sa reyalidad at natigil sa kakapuna sa kanyang itsura.

"Ay sige ate! Nakakahiya pa naman ang bahay namin... Baka manibago ka po..." sabi ko at binuksan ng malaki ang pinto.

Marahan siyang humagikhik at iniapak ang maganda niyang flats sa semento naming sahig. Nakaramdam agad ako ng hiya dahil mukhang masyado siyang presentable para sa aming bahay.

"Okay lang! Hindi naman ako maarte." Ngumiti siya sa akin.

Hilaw na ngiti ang aking naibigay at nagtungo roon sa aming lamesa. Hinila ko ang mahaba naming upuan na gawa sa kahoy.

"Upo nalang po kayo rito. Naghuhugas po kasi ako. Uhm, may gusto po kayong kainin?" alok ko.

Bawat galaw niya ay sinusundan ng aking mga mata. Na kahit iyong paglapag niya noong kahong dala niya at ang pag-upo niya sa dekahoy naming upuan. Kung paano niya pinadaan ang kanyang mga kamay sa kanyang pwetan para hindi masama iyong dulo ng kanyang dress.

"Kahit ano lang, Trace. Salamat," malambing niyang sabi na ikinatango ko.

"Tapusin ko lang po iyong ginagawa ko ate..." sabi ko na ikinatango niya naman.

Napapansin ko siyang gumagala ang tingin at walang makita na disgusto sa kanyang mga mata.

"Baka gusto mo ng cake, Trace... Nagdala ako," sabi niya at tiningnan iyong kahon niyang dala.

"Okay lang po, Ate..."

Nakontento naman siya sa aking sagot. Tumahimik ito ng ilang sigundo at nanatili ang tingin sa akin.

"Uh... May pumupunta bang ibang babae rito maliban sa akin?" bigla niyang tanong.

"Opo ate, meron..." sagot ko at nilingon siya habang binabanlawan iyong mga baso.

"Meron?" gulat niyang tanong at mukhang interesado na.

"Opo... Mga kaibigan ko sila Cecille... Ako po ang sadya nila," sagot ko na ikinakalma rin naman ng kanyang mukha.

"Ah..." Tumawa siya.

Nginitian ko nalang ito lalo na't tahimik nalang siyang nakaupo roon at mukhang hindi naman nabobored. Pero nag-aalala parin ako. Gisingin ko nalang kaya si Kuya? Sabihin ko na nandito si Ate Rici? Sigurado akong magigising ang buong diwa noon.

Bago ko pa man magawa ang pinaplano ko sa aking utak ay bumukas na rin ang pinto ng kwarto ni Kuya. Lumabas itong inaantok pa habang kinakamot ang gilid ng kanyang tiyan at topless na naman. Buhaghag ang kanyang buhok at tila wala pa sa sarili.

"Anong ulam, Race?" tanong niya sa husky na boses at nagkabuhol buhol na naman ang aking pangalan dahil kakagising palang.

"Nandiyan si Ate Rici, Kuya!" sagot ko sa kanya ng masigla.

"Si Rici ang ulam?" natatawa niyang sabi at napadpad ang tingin sa may mesa. Ang namumungay niyang mga mata ay mabilis na kumurap at lumaki para tingnan lang ng mabuti si Ate.

Ngumiti naman ng matamis si Ate Rici pero namumula ang pisngi.

"Morning..." bati ni Ate sa malambing na boses.

Nagkasalubong ang kilay ni Kuya at binalingan ako. Sumeryoso na agad ang kanyang mukha kaya pasimple akong nag-iwas ng tingin at umakto nalang na nasa mga plato ang buo kong atensyon.

"Nandito ka," sabi ni Kuya at nagtungo muli sa loob.

Noong lumabas na ito ay may dala ng puting tshirt saka iyon isinuot.

"Binisita kita," sagot naman ni Ate.

"Rici. 'Di ba pinag-usapan na natin ito? Anong sinabi ko?" naf-frustrate na tanong ni Kuya at nakapamaywang na sa harapan ni Ate Rici. Para siyang may pinapagalitang paslit.

"Uhm... Ang sabi mo, 'Rici, 'di na pinag-usapan na natin ito?" Panggagaya ni Ate Rici sa kanyang boses kaya kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at sinikap na hindi matawa.

Noong nilingon ako ni kuya rito ay mabilis ko ring iblinangko ang aking mukha. Bumuntong ng mahabang hininga si Kuya.

"Di ako nagbibiro," seryoso niyang sabi na kahit ako ay ramdam iyon.

"Please... Bram... Pinayagan akong gumala." Nakita kong hinawakan niya ang dulo ng tshirt noong kapatid ko.

"Gusto kitang makasama, please... Uuwi rin ako mamaya kung iyon ang gusto mo. But please... Let me stay..." mas pinalambing pa ni Ate Rici ang kanyang boses.

Bumaba ang balikat ni Kuya Bram.

"Kumain kana?" tanong niya roon na umiling naman agad.

"Ang tigas talaga ng ulo..." Naiiling na sabi ni Kuya at hinuli ang kamay noon sa gilid ng kanyang beywang kung saan ito nakahawak.

Pamilyar sa akin ang linya mo Kuya. Nasabi ko narin iyan sa isa pang Buenaventura. At mukhang nasa lahi talaga nila iyong batas dapat nila ang masusunod.

Pagkatapos kong maghugas ng plato ay nagpaalam rin ako kay Kuya na maliligo ako kaso mukhang hindi na ako naririnig dahil nagpi-prito na ito ng mga saging. Naroon rin si Ate Rici sa kanyang tabi at sumisilip sa ginagawa ni kuya.

Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko pa sila sa may mesa. Nasa likod siya ni Ate Rici habang tinutulungan itong balatan iyong naunang nalutong nilagang saging. Kinukulong niya iyon sa kanyang mga bisig.

Mabilis akong nagtungo sa kwarto at nagbihis rin naman. Noong lumabas ako ay sinusuklay ko na ang aking buhok at hinihintay nalang na pumunta iyong tatlo rito. Magugulat sila pag nalaman nilang nandito si Ate Rici.

Bumaling si Kuya at kunot-noo agad sa akin.

"Oh? Saan ka pupunta? Ba't ka naliligo?"

Edi pag hindi ako naligo wala akong lakad?

Napatingin narin sa akin si Ate Rici. Naging interesado ata ito sa sagot ko.

"May practice kami Kuya. Nakapagpaalam na ako kay Mama at pumayag naman siya."

"Practice o gala?" Umangat pa ang kanyang kilay sa akin.

"Practice. Kikitain nga namin nila Cecille iyong dalawa pa naming kaklase..." sagot ko naman.

"Sinong lalake?"

"Kuya!" Ngumuso ako.

"Sino nga? Nasaan na? Pupunta ba rito? Kakausapin ko," seryoso niyang sabi.

"Hindi sila dederitso rito kasi magkikita kami roon sa lupain na tinataniman ng mais ni Rudy. Doon kami magpapractice. Iyong may mga puno roon..."

"Christmas break na ah? Ba't may practice pa rin? Tracey..." makahulugan niyang tawag sa akin na ikinasimangot ko.

"Practice nga Kuya. Nagsasabi ako ng totoo. Kahit kausapin mo pa sila Cecille mamaya..." nafufrustrate kong paliwanag. Hindi naman sana siya ganito. Pumapayag naman sana siya pero ba't biglang humigpit?

May sasabihin pa sana ito kung hindi lang hinaplos ni Ate Rici ang kanyang braso na nagpakalma ng kanyang mukha. Natikom niya ang kanyang bibig at ang kilay na nagkakasalubong ay bumalik sa dati, ang mukha ay umamo rin agad.

"Payagan mo na. Mukhang wala naman sa mukha ni Tracey ang pagsisinungaling, Bram..." kumbinsi ni Ate.

Nalaglag sandali ang tingin ni Kuya sa kanya pero nalipat rin sa akin. Tiningnan ko agad siya ng nakakaawa. Bumuntong naman siya ng hininga.

"Umuwi ka lang agad at h'wag ng gumala kahit saan, Trace," seryoso niyang sabi na ikinatango ko agad at napangiti.

"Salamat Kuya!" Nilapitan ko siya at niyakap.

Ilang sandali lamang ay dumating agad ang tatlo dahil rin sa kanilang mga boses.

"Naamoy ko ang saging ni Bram! Pahingi!" sigaw pa ni Rinka at nakita ko ang pagdungaw niya sa bintana kasama iyong dalawa.

Nabahiran ng gulat ang kanilang mga mukha nang makita si Ate Rici sa loob. Nasa likod niya parin si Kuya at tinutulungan na itong magbalat noong ikawalang saging.

May ihihirit pa sana si Rose pero itinikom nalang ang nakaawang bibig sa ere na kahit si Cecille ay ayaw naring may idugtong.

"Gusto niyo?" alok ni Kuya sa tatlo na ilang sandaling natigilan.

Akmang tatayo na ng tuwid si Kuya dahil tapos niya narin namang tulungan si Ate nang hinawakan rin ni Ate Rici ang kanyang braso at ayaw paalisin sa kanyang posisyon. Napakurap si Kuya at nilingon ito.

"Ah, Kuya... Alis na kami! Ate Rici, babay po..." sabi ko nalang at naglakad na palabas.

"Sige Trace..." Ngumiti si Ate sa akin pero hindi parin binibitiwan ang braso ni Kuya.

"Uwi agad, Trace," pahabol naman ni Kuya nang makalabas ako.

Pinaghihila ko na ang tatlo sa harap ng bintana at nakikiusyoso pa rin. Nagpatangay rin naman sila at hindi na nagpaalam kay Kuya dahil sa pambabakod ni Ate Rici.

"Nagseselos ba iyon?" tanong ni Rose sa akin habang naglalakad na kami.

"Sa mga mukhang 'to pagseselosan niya talaga?" si Rinka na hinawakan pa ang mukha ni Cecille.

"Ay baka naman kasi noong makita ka natakot siya na baka kunin mo si Bram sa kanya. Mukha ka raw snatcher," si Cecille na humagalpak.

Nagtawanan kami saglit habang nagsasabunutan na si Rinka at Cecille.

"Pero sila na talaga, Trace? Nandoon ulit eh?" si Rose.

"Hindi ko alam..." tanging nasagot ko sa rami ng pinagsasabi nila sa akin.

Ganoon nga siguro ang mga Buenaventura. Gusto nilang minamarkahan ang kanilang teritoryo. Their eyes screams dominant. Iyong misteryoso... madilim... malalim makatingin.

"Ano kayang gagawin ng dalawang iyon? Sila nalang dalawa!" Ngumisi pa ng nakalaloko si Cecille.

"Magsusubuan ng saging syempre!" Tumatawang sagot ni Rinka.

"Ang swerte naman ni Rici! Kanina! Kinukulong siya ni Bram sa matitigas niyang mga braso!" hirit ni Rose.

"Bagay rin naman sila!" dagdag ni Cecille.

Iyon ang kanilang topic habang naglalakad kami patungo sa lupain nila Rudy. Sila na ba talaga? Pero iyong sinabi rin kasi ni Ate Rici kanina ay parang may problema sila. Siguro pinagbabawalan rin siya ni Kuya na pumunta sa amin pagkatapos mapagalitan si Ate Rici. At pinayagan siya ngayon? O baka naman tumakas siya?

Natigil lamang kami nang nakasalubong namin iyong dalawa naming lalakeng kaklase. Nagkakamot ng ulo si Fred habang si Roel ay nasa likod ng ulo ang mga kamay.

"Oh? 'Di ba sa lupain ni Rudy ang tagpuan? Nawawala ba ang dalawang iyan?" tanong ni Cecille at itinuturo na ang dalawa.

Imposible naman eh nalagpasan na nga nila iyon.

Nang makarating ang dalawa sa aming harapan ay kumulubot agad ang noo ni Roel.

"Akala ko ba pwede na tayo sa lupa nila Rudy? Ba't ang sabi hindi raw pwede?" inis niyang sabi sa amin.

"Huh? Pero nakapagpaalam na ako..." sabi ko.

"Ang sabi niya bubungkalin niya raw ang lupa ngayon doon. Bawal daw tayong magpractice dahil maaabala raw natin siya," si Freddie naman.

Napatingin sa akin ang tatlo.

"Sigurado kang pumayag si Rudy, Trace?" tanong ni Cecille.

Tumango agad ako.

"O baka naman ang gusto niya ay ikaw lang ang nandoon. Hindi na kami kasali," hula naman ni Rose.

"Kakausapin ko nalang ulit," sabi ko at nauna nang maglakad papunta roon. Sumunod naman agad sila sa akin.

Pagdating namin doon ay nakita ko agad ang imahe ni Rudy na nagbubungkal na ng lupa pero hindi pa naman sinisimulan roon sa parteng may mga kahoy pa.

"Rudy," tawag ko sa kanya sanhi para matigil ito sa ginagawa.

Kinuha niya ang tuwalyang nakalagay sa kanyang balikat at pinunasan ang pawisang mukha.

"Hindi kami pwede rito? 'Di ba pumayag kana kahapon?" tanong ko.

"Pasensya na, Trace... Kailangan ko na palang bungkalin ang lupa ngayon... Baka kasi bukas umulan..." rason niya at nakamot ang batok.

"Hindi mo naman mabubungkal ang buong lupa ngayon, Rudy," inis namang sabi ni Rose.

Nainis na rin ito at iba na ang tingin kay Rose.

"Maghanap nalang kayo ng ibang pagpapractisan," sabi niya pa at noong ibinalik ang tingin sa akin ay kumalma rin naman ang ekspresyon.

"Pwede kayo roon sa lupain ng mga Buenaventura, Trace... Malawak naman doon..." suhestyon niya sa banayad na boses.

"Buenaventura?" Tumawa si Roel. "Eh private property nila iyon. Pag pumasok tayo baka mapagalitan pa tayo ng mga tauhan nila."

"Pero sabi saakin ni Israel pwede ra-" Natutop agad ni Rudy ang kanyang sasabihin at hindi naipagpatuloy ang pagsasalita.

Nag-iwas siya ng tingin at nagbungkal ulit ng lupa. "Baka makumbinsi niyo si Israel... Doon nalang kayo," palusot niya.

"Oo nga Trace! Makukumbinsi mo iyon! Tara na! No choice tayo eh!" Hinila rin naman ako ni Rinka paalis roon.

"Nahihibang na ba kayo? Malalagot tayo pag pumunta tayo roon." Hindi sang-ayong sabi ni Fred pero sumusunod naman sa amin.

"Kasama natin si Tracey! Lahat pwede sa lupaing iyon dahil may susi tayo!" Humagikhik pa si Cecille.

Gustuhin ko mang maghanap ng iba pang lugar pero mukhang no choice kami at doon nalang talaga. Masasayang rin ang oras kung naghanap pa kami ng lokasyon. At medyo malapit lang rin iyon dito. Kaysa naman lumayo pa kami.

H'wag kanang mag-inarte Trace... Lalo na't nagkikita na naman si Ate Rici at ang Kuya mo. At sabi rin ni Israel na maghihintay siya roon. Use this chance...

Pagdating namin doon ay naroon na nga si Israel. Nanunungkit ito habang may suot na puting tshirt, ripped jeans at nakasanayan na itim na boots.

"H-H'wag nalang kaya tayo rito?" Umatras si Freddie nang makita si Israel. Kahit si Roel ay nag-aalangan rin.

Sino bang hindi masisindak kay Israel? He's very far from the boys his age. Mature ang built ng kanyang katawan at para bang sanay sa mabibigat na trabaho. Other than that, he's tall. Six foot one or so.

"Hindi 'yan! Nakakailang punta na kaya kami rito!" pagmamayabang pa ni Rinka.

Ibinaba ni Israel ang kanyang panungkit at nilingon kami. Nakita ko ang pag-angat ng isa niyang kilay at tila ba inaasahan niya nang dito ang bagsak namin.

"Pwede kaming magpractice rito, Israel?" malambing na tanong ni Cecille at isinabit pa ang buhok sa gilid ng tenga.

Tumango si Israel pero nasa akin ang tingin. Nalipat rin naman agad iyon sa dalawang lalake naming kasama.

"G-Galit ba siya sa atin, Freddie?" kabadong tanong ni Roel sa aking likod.

Nilingon ko ang dalawa at nginitian. "Ganyan lang talaga siya. Pero hindi naman siya nananakit," sabi ko para maibsan ang takot ng dalawa.

"You can practice here. I'll watch," seryoso niyang sabi sanhi para lingunin ko siya. Ang mga mata ay parang may pinaparating na sa akin.

Manonood siya? Paano kami makakapagpractice nang maayos kung nakatingin siya? At takot rin sa kanya iyong dalawa. Tinatakot niya riyan sa mga mata niya. Bakit Trace ikaw hindi ka takot? Eh isa ka rin naman...

"Sige, ikaw ang judge namin, Israel!" natutuwang sabi ni Rose.

Nagsukatan kami ng tingin. Umangat pa ang kanyang kilay na ikinanguso ko at wala na atang magagawa dahil mukhang may kumukontrol na sa tadhana para masunod ang kanyang gusto. O baka naman siya rin ang kumukontrol para pairalin ang kanyang gusto?

Kumagat ka nalang Trace... Kung ito ang gusto niya ay magpasubo ka nalang. Wala kanang magagawa.

Continue Reading

You'll Also Like

16.9K 930 29
one cosmopolitan, please.
2.4M 75.3K 53
Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl' of her generation with a royalty-inspi...
114K 3.3K 102
Eli Landon x Kirsten Jaysel (Epistolary)
179K 3.6K 21
Dice and Madisson