Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 14

44.6K 1.5K 408
By Ineryss

Tindera

Namilog ang mga mata ko. Anong sinasabi niya?

"So you're entertaining more than one boys?" he pointed out which gave me an idea what he was talking about.

Iyong kay Leo? At ngayon naman...kay Rudy? Nasisindak ako ni Israel. Pero alam ko naman kung anong meron sa akin. Wala lang 'yon.

"Wala naman akong maling nakikita roon at alam ko naman ang limitasyon ko," sagot ko pa.

"'Di ba iyon ang sabi ng Kuya mo sa'yo? And I thought you're busy with your examination?" Umangat ang kanyang kilay.

"Oo! Busy ako sa exam. Pero tapos na..."

Umangat ulit ang kilay niya, tila ba may kung ano sa sagot ko.

"At hindi ba ako pwedeng mang-entertain ng lalake?" tanong ko.

Israel licked his lips. Tumuwid siya ng tayo at namaywang habang nag-iisip.

"Why are you entertaining them? You like them? You like...Rudy?"

"Huh? Kinausap ko siya kasi ano... magpapractice kami sa lupain nila para sa presentation namin!"

"Mas malaki ang espasyo roon sa amin. Bakit hindi doon? Because you like Rudy more?" pang-aakusa niya na ikinakunot na talaga ng aking noo.

Hindi ko maintindihan kung saan niya kinuha ang mga paratang sa akin.

"Selos ka ba?" biglaan ko nalang tanong na kahit ako ay nagulat sa aking binigkas.

Nagulat rin siya pero mabilis rin namang nakaahon ang ekspresyon at naging blangkong muli.

"That's funny..." seryoso niyang sabi at ngumisi pa pero walang makikitang saya roon. Sa sobrang tabang ay napunto ko agad. Oo nga naman. Ba't siya magseselos?

"Ikaw nga... Busy ka rin naman ah?" Pang-aakusa ko.

Ngayon nga lang siya nagparamdam ulit. Baka naman napagod siya roon sa iba niyang mga babae kaya bumalik nalang siya sa akin dahil bored siya? Ganoon ba iyon?

"Pero hindi sa babae," sagot niya agad at tila gustong burahin ang aking pinag-iisip.

"Sinabi ko bang babae?"

"Nililinaw ko lang. Hindi ako busy sa babae. Nasa lupain lang ako. I manage our farm."

Ngumuso ako. "Hindi ko naman sinabing babae," pag-uulit ko.

Ipinasok niya sa loob ng kanyang denim jacket ang kanyang mga kamay at nasa malayo na ang tingin.

"Kaya nga pumunta ka sa lupain para naman maging busy ako sa'yo."

Napakurap ako at hindi alam ang mararamdaman. Sinabi ko sa ibabang babae pero ako pa ata ang tinutukoy niya.

"Padaanin mo na ako. Pupunta pa ako kay Mama sa bayan," bigo kong sabi at gusto nalang makawala sa kanya.

Nagtungo ako sa kanyang gilid at doon dumaan. Hindi naman siya gumalaw kaya laking pasasalamat ko at hinayaan niya akong maglakad paalis sa kanya.

Wala ako sa sarili nang makarating sa bahay. Ni hindi ko rin alam kung ano pa ang ibinalik ko rito. Gusto ko lang naman sanang umiwas sa kanya. Pero may parte parin sa akin ang humihila pabalik at gusto siyang makasama. Gusto talaga Trace? Eh hindi mo nga iyon matingnan ng deritso at palagi ka pang nahihiya sa kanya.

Nagpalit nalang ako ng nipis na bistida at lumabas rin. Sinalubong ako ng malamig na hangin at gumalaw pa ang tela noon na kahit ang aking buhok ay sumayaw na sa ere. Katamtaman lamang ang klima at hindi mainit ang sinag ng araw. Masyadong malamig ang hangin na tila may nagbabadyang ulan mamayang gabi.

Naglakad ako at ganoon nalang ang pagkagulat nang makita ko ang kanyang imahe sa pinag-iwanan ko. Nandoon siya, nakasandal sa kanyang kabayo at may iniisip ata na malalim habang may nakaipit na namang sigarilyo sa kanyang labi. Wala iyong sindi at pinaglalaruan niya lang ata dahil gumagalaw galaw iyon doon.

Bumuntong ako ng hininga. Paano ako iiwas kung kusa siyang lumalapit?

Nagtungo ako roon. Nang mapansin niya ang aking presensya ay tumuwid naman agad sa pagkakatayo. Ngumuso ako at isinabit ang ilang hibla sa gilid ng aking tenga nang hinangin iyon.

"Ba't hindi ka pa umaalis?" tanong ko.

"Hinihintay kita. Isn't it obvious?" suplado niyang sagot.

Sumimangot ako.

"Obvious pero hindi ko naman sinabing hintayin mo ako ah?"

Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy na sa paglalakad. Hinila niya rin naman iyong tali ng kanyang kabayo saka nakisabay sa akin. Nang-aasar ba ito?

"Sumakay ka nalang sa kabayo mo tapos patakbuhin mo nang matulin. Pupunta ako sa bayan," sabi ko.

"Tinataboy mo ako dahil marami kanang manliligaw?" sagot niya sa matabang na boses.

Nasira ang aking ekspresyon. "Wala akong ganyan. Wala kayang nagkakagusto saakin..."

"Sus... Wala..." Suplado siyang nailing.

"At sino naman kung ganoon? Wala ah..."

"How about that guy who touched your hand? At iyong Rudy?" Umangat ang isa niyang kilay sa akin.

Nanlaki agad ang aking mga mata. Iyon lang?! Purket nagkausap lang...

"Huh? Hindi ah! Hindi nila ako gusto! Nagpakilala lang naman iyong sa eskwelahan at iyong kay Rudy naman ay sinabi ko na sa'yo," giit ko pa kahit hindi humuhupa ang pagkakairita niya.

"Tss... Ang tamis tamis pa ng ngiti," sagot niya at binalewala iyong mga sinabi ko.

Sumimangot ako. "Anong matamis? Natikman mo ba?"

Mabilis siyang lumingon sa akin. Nagulat naman ako at gusto iyong bawiin pero nasabi ko na.

"I mean... h-hindi naman iyon matamis... Ngumingiti ako kasi nginingitian nila ako... Iyon lang naman..." Napisil ko ang pang-ibaba kong labi.

"Gusto mo rin ata ang mga iyon," pang-aakusa niya.

"Hindi ah!" giit ko naman.

"Gusto mo ang mga iyon. Sabi mo pa wala kang standard."

Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. Mas nairita siya roon. Ang makapal at maitim na kilay ay mas nagkasalubong na.

"Bawal pa akong pumasok sa ganoong bagay. Sabi ni Mama magtapos daw muna ako sa pag-aaral ko. At iyon rin ang gusto ni Kuya Bram sa akin..." marahan kong paliwanag.

Tumingin siya sa akin. Tila ba gusto niyang kumbinsihin ang sarili niya na nagsasabi ako ng totoo at hindi nagsisinungaling.

"Nag-aaral din ako nang maayos. I'll be in college so soon. I'll be busy with...my studies too..." aniya.

Para bang may pinaparating siya roon. Na...magiging busy kaming dalawa at sa pag-aaral lamang.

Nadaanan na namin iyong lupain na tinataniman ng mais ni Rudy. Napatingin pa ito sa aming dalawa at nalipat sa akin, ang mukha ay binalot ng pagtataka. Ngumiti ako sa kanya at kinawayan ito. Gumanti rin naman si Rudy at kumaway rin pabalik sanhi para lumingon si Israel sa akin nang dahan dahan, matalim agad ang mga mata.

"Friends kami," sabi ko pa. "Pumayag siyang magpractice kami sa lupain nila."

"Sa lupain nalang namin. Mas malawak at may makakain pa kayo roon," giit niya sa supladong boses.

"Nakapagpaalam na ako kay Rudy at nakakahiya naman kung hindi kami tutuloy doon," paliwanag ko.

Umismid siya at nakita ko kung paano siya umirap.

Huli kong alaala, ayaw niyang pinapasok ang lupain nila. Ngayon magagalit siya na ayaw ko sa lupain nila?

Ibinalik niya sa kanyang bibig iyong sigarilyo. Pinaglaruan niyang muli iyon pero hindi naman sinisindihan. Tiningnan ko iyon nang mabuti. Nang napansin niyang natatangay ang aking mga mata roon ay bigla niya iyong kinuha at ipinasok sa aking labi. Nagulat ako nang naramdaman ko iyong dulo noon. Kinuha niya iyong muli at nabasa na ang dulo.

"Ba't mo pinasok sa bibig ko?!" Natakpan ko ang aking bibig sa sobrang gulat.

Ngumisi lamang siya at ipinasok ulit sa kanyang bibig iyong sigarilyo. Nabasa ko iyon!

"Now I'm addicted to this cigarrette..." makahulugan niyang sabi at nabura na ang inis sa mukha.

Namula ang aking pisngi lalo na't nanggaling iyon sa bibig ko. At nabasa ko pa! Hindi ba may tawag sa ganoon? Nabasa ko iyon sa mga nobelang binabasa ko! Indirect kiss!

"Ba't mo ipinasok?" hindi makapaniwala kong sagot.

"Hindi ko naman sinindihan." Umangat ang kanyang kilay at kalmado na ang ekspresyon.

"Kahit na! Nalagyan ng laway ko!" giit ko at mas napasimangot.

Marahan siyang yumuko at inilebel ang mukha sa akin.

"Anong gusto mong ipasok ko sa bibig mo? Dila ko?" nanghahamon niyang tanong na ikinalaki ng aking mga mata.

Napansin ko ang nakakaloko niyang ngisi sa akin. Nasisiyahan siya sa nakikita niyang namumula kong pisngi!

Noong nasa bukana na kami ng bayan ay huminto rin naman ako at hinarap siya. Marami ng tao roon at kung makikita kaming dalawa na magkasama baka ano na namang issue ang lumutang. Pag nalaman rin ni Kuya na dumidikit ako sa kanya ay pagagalitan ako noon. Lalo na ni Mama. At pag-iinitan rin ako ng mga nagkakagusto sa kanya. Advance ako eh. Alam kong iyon talaga ang mangyayari.

"Dito ka nalang... Baka ano... Makita tayo ni Mama at mapagalitan ako..."

Tumango siya na ikinagulat ko. Mukha kasing ang amo amo niya. Hindi naman iyan basta sumusunod.

"Bukas... Sa lupain..."

Iyon palang ay napasimangot na talaga ako. "Hindi nga pwede... Nakapagpaalam na ako kay Rudy."

"Bahala ka. Wala ka ring choice. Maghihintay ako sa lupain bukas," sigurado niyang sabi.

Bahala ka nga rin.

"Ang tigas ng ulo mo." Sinimangutan ko siya.

"Which head?" He arched his brow playfully.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. Pinaningkitan niya rin ako ng mga mata.

"Bukas. I'll wait," aniya bago tumalikod at umalis.

Pinanood ko siyang patakbuhin ang kanyang kahayo ng matulin.

"Oh? Di naman mainit pero namumula iyang mukha mo." Puna ni Mama sa akin nang makarating na ako roon.

"Ah..." Nahawakan ko agad ang aking mga pisngi.

"Umupo kana dito. Kumain kana ba?" tanong nalang ni Mama habang nagbibilang ng pera at hindi na pinansin ang aking pamumula.

Umupo ako at pinanood siya.

"Tapos na po, Mama..." sagot ko pero binigyan niya parin ako ng singkwenta.

"Bumili ka roon ng makakain mo. May nagtitinda ng masasarap na pagkain diyan sa dulo. Bumili ka ng gusto mo," sabi niya at nginuso pa iyong tindahang natatanaw ko rin sa dulo.

Mukhang malaki ang kita niya kaya binibigyan niya ako ng pera para bumili ng makakain ko.

"Salamat, Ma... Sige... Babalik rin ako."

Tumayo na ako at umalis rin naman. Tumango lamang ito at hindi na nag-abalang magsalita pa dahil sa binibilang na pera.

Huminto ako sa may nagtitindang tinapay at tinitigan iyong slice ng chocolate cake. Iyan nalang siguro?

May narinig akong tawanan sa aking likuran. Paglingon ko ay grupo iyon ng mga babaeng mukhang balak kumain dito. May mga upuan rin kasi at lamesa at pwede kang manatili rito habang kumakain.

May isang babae na napatingin sa akin. Tumabi naman ako para mabigyan sila ng espasyo.

"'Di ba ikaw iyong nililigawan ni Leo?" tanong noong isang babae na nakatirintas ang buhok.

Kumurap ako. "H-Huh? Hindi..." sagot ko.

Nakiusyoso narin iyong tatlo niya pang kasama.

"Ikaw iyong kapatid ni Bram 'di ba?" tanong naman noong isa.

Tumango ako.

"Ang guwapo noong kapatid mo! Anong relasyon nila ni Rici?" tanong naman sa akin noong may kulot na buhok.

"Ah... Hindi ko alam eh... Wala namang sinasabi si Kuya," maingat kong sagot.

Iyong isa nilang kaibigan ay ang umabante at nag-order ng makakain. Puro cakes ang tinuturo noon at nag-order rin ito ng inumin.

"Dine-in kaming lima..." sabi niya sa tinderong tumango naman.

"Nandito ka ba para kumain? Tara? Sali kana sa amin..." Hinawakan noong isang babaeng nakacreamy dress ang aking braso at hinila ako papunta roon sa uukupahin nilang upuan.

Nagdalawang-isip agad ako na makisali sa kanila. I am not good at socializing with strangers. Awkward akong tao at hindi ko rin alam kung paano ko ibabagay ang sarili ko sa kanila.

"Ba't natin siya isasali sa atin? Eh 'di ba tagabundok iyan?" narinig kong bulong noong isa sa kaibigan.

"Kinakausap siya ni Rici. Dapat iclose natin siya," sagot naman noong isa sa mahinang boses pero hindi parin nakaligtas sa aking pandinig.

Nagpanggap nalang akong wala akong naririnig. Nagsiupuan na silang apat roon at ako nalang ang hinihintay na bakantehin iyong isa pang upuan.

"Upo kana. Ililibre ka naman namin don't worry..." Ngumiti sa akin iyong pinakamaputi sa kanilang apat.

"Sorry pero naghihintay kasi si Mama sa akin. Tutulungan ko pa siya sa panininda ng bulaklak," sabi ko sa kanila na ikinatawa noong dalawa. Iyong dalawa naman ay nagpipigil lamang.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Dito ka muna. Mamaya na iyang bulaklak. Magkwentuhan muna tayo." Tinapik pa noong isa na nakatshirt ang katabi niyang upuan.

Umiling ako. "Sorry pero hindi talaga pwede. Uhm sige, aalis na ako." Nginitian ko silang apat at hindi na hinintay ang sasabihin nila.

Pagkatalikod ko ay narinig ko agad ang kanilang hagikhikan.

"Tindera pala siya?" narinig kong sabi noong isa at mukhang tawang tawa sa ginagawa ko.

"Eh si Bram nga kargador sa palengke," sabi pa noong isa na mas ikinatawa nila.

Mas nakakatawa siguro kayo dahil malalaki na kayo pero umaasa parin kayo sa mga magulang niyo at hindi man lang tumutulong. Mas nakakatawa kayo dahil mas marami pa kayong oras mang-insulto kaysa tumulong sa mg magulang niyong nagpapakahirap magtrabaho.

Isinantabi ko nalang ang aking pag-iisip at nagtungo sa kabilang tindahan. Bumili ako ng Mamon at softdrinks saka rin naman bumalik sa pwesto ni Mama. Ubos na agad ang kanyang mga bulaklak at malaki na ang ngiti sa akin.

Inilahad ko sa kanya iyong sukli na tinitigan niya lang at walang balak kunin.

"Oh? Ba't iyan lang ang binili mo?" tanong niya.

"Masarap rin naman ito, Ma," sabi ko at ipinakita pa sa kanya iyong tag bente na Mamon.

"May nagtitinda ng cake sa unahan ah? Iyong nagtitinda ng mga tinapay. Ba't iyan ang binili mo?"

"Hindi na Ma... Okay na ako dito," sabi ko pa.

"Haynako! Hindi ka naman mabubusog niyan!" Kumuha siya ng panibagong pera at sa pagkakataong ito ay binigyan ako ng isang daan.

"'Di ba bukas may practice kayo? H'wag kanang pumunta rito at bumili ka ng mga makakain niyo ng kaklase mo bukas."

Namangha ako sa pera pero nasasayangan rin ako. Ipambibili ko lang naman iyan ng mga walang kabuluhang bagay. Mababawasan lang ang pera niya.

"H'wag na Ma." Ibinalik ko iyon sa kanya pero itinulak niya lang ang aking kamay at wala iyong balak tanggapin.

"Kunin mo na. Marami naman akong kinita. Sige na... Dito ka muna at mamamalengke lang ako ng mauulam natin mamaya." Tumayo na ito.

Kinuyom ko ang aking kamay at itinago sa palad ang pera habang sinusundan ng tingin si Mama. Napangiti nalang ako. Ba't ko nga naman ikakahiya ang ganitong klaseng trabaho eh marangal naman at wala kaming naaapakang tao? Problema na nila iyon kung may nakikita silang mali rito. Hindi naman kami nagtatrabaho para bumilib sila. Nagtatrabaho kami para mabuhay.

Continue Reading

You'll Also Like

98.5K 5.6K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.5K 268 15
It was love. Race Eleyn Miriazo knew that it wasn't a typical moment of time. It was a season of butterflies and sunrise. Their feelings were at the...
2.4M 75.6K 53
Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl' of her generation with a royalty-inspi...
195K 3.7K 21
Dice and Madisson