Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Twenty-Six

1.2K 58 19
By MicxRanjo

"HAPPY NEW YEAR! Welcome 2019! Woohoo!" sigawan sa bakuran ng Hacienda Guerrier sa Del Rio.

Sumabog ang makukulay na fireworks, kasabay ng mga hiyawan ng pamilya, kamag-anak at bisita ni Caleb.

Pinanood niya ang walong taong gulang na anak na si Kaylee na tumalon-talon habang hawak-kamay ang kapatid nitong si Augustus na tatlong taong gulang na. Ang mga ito na lamang ang nagbibigay kasiyahan sa kanya, makita lamang niya ang mga ngiti at marinig ang mga tawa ng mga ito ay gumagaan na ang kanyang loob.

"Caleb, pwede ba tayong mag-usap?" Agaw ng kanyang ama, may hawak itong alak sa isang baso, parehas silang nakatayo sa may bintana kung saan nakasilip sa pagtitipong nagaganap.

May hawak naman siyang bote ng beer. "Sige ho." Ngiti niya saka nagpatiuna papunta sa isang silid kung saan ay ginawa niyang pribadong silid para sa kanyang trabaho.

Iginala ng ama ang paningin sa paligid. "Hindi mo binago itong silid, ganito pa rin noong gamit pa ng yumao mong lolo."

"Yeah, I like it this way, old but warm and cozy. It reminds me of my playing days when I was a little kid."

"Ang bilis ng panahon, malalaki na ang mga bata, at ikaw, malaki na ang naitulong mo sa kumpanya. Why don't you take a break and bring the kids somewhere, abroad maybe? Para naman makapagbakasyon sila bago pa magsimula ang pasukan."

"I plan to do that, Dad after the new project I have in mind."

"Katulad ng?" Naupo ang ama sa silyang gawa sa isang tabla.

Nagkunwari siyang may inayos sa mesa habang naghahanap ng tamang mga salitang isasagot.

"Narinig kong binili mo raw ang mansiyon ng De Dios?"

Natigilan siya sa pag-iisip, tiningnan ang ama, nagtitigan sila.

"It's about time don't you think? Hanggang kailan sila makikinabang sa isang libre? Kung hindi dahil sa magaan mong palugit, matagal na sana nating nakuha ang lupaing iyon."

"Hindi ko kailanman binalak bilhin ang pag-aaring iyon, Caleb kaya hindi ko iniilit hanggang maaari."

"Tinuruan ninyo ako kung paanong maging matalino sa pamamalakad ng negosyo Dad, nagpapasalamat ako roon pero hindi hindi ibig sabihin na susunod din ako sa yapak ninyo na maging mabait sa mga taong nanyurak sa akin."

"Caleb-"

"But it's still business, Dad. That place is perfect for the new guesthouse that we are planning to build. Malapit lang sa talon at dahil bukas na ito bilang isang tourist spot, money will come in."

"That's beside the point. Not everything is about business. Enrique De Dios was a...friend."

"A friend?" His insides started to heat up. Nagpakahinahon pa rin siya. "Or do you mean Katerina De Dios?

Napamaang ito, at nang makabawi, nakita niya ang reaksiyon na minsanan lang niyang masilayan. Pinakatitigan siya ng ama, walang kakurap-kurap, diretso at kung mas bata-bata pa siya marahil ay baka napayuko na siya dahil sa takot. But he's a grown-up man now.

"What do you know about her?" sa mahinahon pa rin nitong tinig.

Nagbago ang kanyang reaksiyon, nag-isip. Nagpakawala siya nang malalim na hininga. "Nothing."

"Just like you did with Erina, I loved her once, Katerina was my everything."

Biglang bumalik ang kanyang paningin sa ama. Hindi niya inaasahang magtatapat ito sa kanya. Kumabog ang kanyang dibdib.

"Humabi kami ng mga pangarap, nangakong walang iwanan, pero..."

"She left you?" hindi niya naiwasang itanong. Naningkit ang kanyang mga mata.

"Gusto ng mga magulang ko na ipakasal ako sa anak ng kanilang kaibigan. Tumutol ako at sinabi kong mayroon na akong mahal. Pumayag sila na makilala si Katerina kaya napagkasunduan naming magkita sa aming dating tagpuan sa kubo sa burol."

Naipikit ni Caleb ang mga mata, napasinghal sa sarili. Ngayon ay alam na niya na ang ama nga at ang tiyahin ni Erina ang may ukit sa mga punong nasa bukana ng kubo. Mahigpit na kumuyom ang kanyang mga kamay.

"Pero hindi sumipot si Katerina. Naghintay ako nang buong magdamag. Pinuntahan ko siya sa kanila pero hindi niya ako hinarap. Isang linggo, isang buwan, dalawa, tatlo, hanggang umabot ng ilang buwan ay wala akong narinig sa kanya. Nasaktan ako. At mas masakit dahil hindi ko man lang nalaman kung bakit niya ako tinalikuran. Pero tinanggap ko na hanggang doon na lang ang relasyon namin kaya pumayag ako sa kagustuhan ng lolo at lola mo na ipakasal ako sa babaeng napupusuan nila. That was how how your mother and I got married, Caleb."

Gustong magpanting ng kanyang mga tainga. "Hindi mo mahal si mommy?"

"Did you love Marie?"

Napakunot siya ng noo. Umawang ang kanyang bibig sa nais sabihin ngunit hindi niya iyon naituloy.

"Hindi naman mahirap mahalin ang iyong mommy, and I'm really glad she's the woman I married because I have you three as my children." Ngumiti ito.

Gumaan ang kanyang pakiramdam. "Did you ever meet her again, Katerina I mean?"

Nawala ang ngiti sa labi ng ama. Umiling ito. "No. Hindi na uli."

"Gugustuhin ni'yo bang makita siya uli?"

Ininom nito ang natitirang alak sa basong hawak. Marahang inalog-alog ang baso at ipinako ang mga mata sa mga yelong nag-uumpugan sa loob niyon pagkatapos. Nagpakawala ito ng hininga saka ngumiti.

"Why not? Nakaraan na ang lahat, ang mahalaga ay ang ngayon. Its been so long I have forgotten about it." Matipid itong ngumiti.

Sinuri ni Caleb ang katotohanan sa mga sinabi ng ama, gusto niyang isipin na nagsisinungaling ito ngunit ayaw naman niyang magtanong, natatakot siya sa maaari nitong isagot.

"Why are you doing this, Caleb? Kung lupa lang, meron kang pagpipilian, hindi naman kailangan na roon pa?"

Hindi siya umimik. Hindi siya kailanman nagsinungaling sa ama, ganoon kalaki ang respeto niya rito.

"Naghihiganti ka ba?"

Ngumiti siya, mapait. Mas naging magaan sa kanyang pakiramdam na sa bibig na mismo nito nanggaling ang ayaw niyang sabihin. Muli niya itong tinitigan, lumamlam ang mga mata.

"Hindi mo kailangang maghiganti-"

"Kailangan ko, Dad."

"Caleb..."

"They killed my child. I pleaded. On my knees I begged!" Ipinilig niya ang ulo upang iwaglit ang mabilis na pagragasa ng mga alaala ng gabing iyon subalit lalo lamang iyon nagsumiksik na parang kahapon lang nangyari. "Hindi ko sila mapapatawad!" Mahigpit na kumuyom ang kanyang mga kamao.

"Baka ikaw ang masaktan-"

"Nasaktan na ho ako. Wala nang sasakit pa sa ginawa nila sa akin. At kung meron mang muling masasaktan, siguraduhin kong hindi ako iyon."

Nagpakawala ng malalim na hininga ang ama. Tila may gusto pang sabihin ngunit hindi na itinuloy. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila sa ganoong sitwasyon.

"I'm sorry, Dad if I disappointed you. Sinubukan kong kalimutan pero hindi ko kaya. Walang mga gabing lumipas na hindi nawaglit sa isipan ko ang nangyari sa aking anak. Pakiramdam ko'y matatahimik lang ako kapag naibalik ko sa kanila ang ginawa nila sa akin. Hindi ko hihilinging maintindihan ninyo ako pero sana ay hayaan na lang muna ninyo ako. I needed this for myself."

"Sana ay huwag mong pagsisihan ang mga ito, anak. Pero kapag dumating ang araw na iyon, alam mong narito lang kami ng mommy mo."

Muli'y isang mapait na ngiti ang kanyang pinakawalan. Nagpasalamat siya sa ama nang hindi tumitingin dito. Maging nang magpaalam na ito at lumabas ng silid ay hindi niya ito nilingon. Naisalampak niya ang katawan sa upuan nang wala na ito. Pumikit siya, at sa madilim niyang isipan, lumitaw ang mukha ng labinsiyam na taong gulang na si Erina, tutok ang mga mata sa kanya na may pang-uuyam, pandidiri at pangungutya.

Isang malakas na pagdapo ng kanyang kamao ang dumapo sa ibabaw ng kanyang mesa. Nasaktan siya ngunit hindi iyon maikukumpara sa nasasaktan niyang damdamin. Sa bawat araw na lumilipas, lalong tumitindi ang kagustuhan niyang maisatupad ang saloobin. Hindi siya makapaghintay na muling makita ang babaeng kinamumuhian.



"ERINA, gising. Narito na tayo." Nakapikit man, alam ni Erina na boses iyon ni Glenda. Idinilat niya ang mga mata.

Nakababa na si Glenda ng company van at ang dalawa pa nilang katrabaho sa M&J Designs na sina Kristel-nasa early thirties at ang interior designer ng kanilang kumpanya, at si Arvin-nasa mid-twenties, ang driver at errand staff. Bumaba na rin siya at nag-inat. Halos apat na oras din silang bumiyahe mula Sta. Barbara

"Ang ganda naman dito. May nabasa ako sa may daanan nang makalagpas tayo sa arko, mayroong waterfall dito, kaya pala magtatayo sila ng resort dahil doon." pahayag ni Glenda.

Iginala ni Erina ang paningin, napakunot ng noo. The place seemed familiar, as if she'd been here before.

"Oo. Tago ang water fall at ang lake mula sa Cagayan River, kumbaga nasa bulsa ito ng ilog. Pero magmula nang mailista ito bilang isang tourist spot, nagsimula na itong dayuhin ng mga turista. Hindi lang basta resort ang itatayo rito, pati hotel na kahalintulad ng Bed & Breakfast guest house. And our company is very fortunate to have this contract given to us. We are here to visit the place and to meet the owner of the company." paliwanag ni Kristel.

"Tama ang binabaan natin, hayun o?" Turo ni Arvin sa isang mansiyon sa kabilang bahagi ng van, sabay-sabay silang tumingin sa itinuro nito. "Ayan yata iyong mansiyon na sinabing puntahan natin."

"Wow." Sabi ni Glenda.

"Hm, classic." Umangat ang isang kilay ni Kristel.

"Parang bigla tayong pumasok sa panahon ng mga kastila. Matibay pa ba iyan?" pansin din ni Arvin.

"Tara na at baka hinihintay na tayo, nakakahiya naman." Pauna ni Kristel.

Erina's heart continued to throb. She felt like she knew where she was, but she couldn't remember where. Napatitig siya sa malaking gate na gawa sa mga bakal at nakukulayan ng pula, ganoon din sa matayog na taas ng bahay at sa red tiles nitong bubong. Tanaw mula sa labas ng gate ang malaki at bilugang water fountain na three-tier.

Hindi na niya marinig ang sinasabi ng mga kasamahan dahil sa papalakas na kabog ng kanyang dibdib. Bumukas ang gate, pumasok ang mga ito at nakasunod lang siya. Nakapila ang mga palm trees at mga orkidyas sa magkabilang bahagi ng mahabang driveway na kanilang nilalakaran. Panay ang turuan ng kanyang mga kasamahan sa nakikita habang nararamdaman niya ang papabigat na paghakbang nga mga paa.

May nakatayo na isang matandang babae sa bukas na pintuan ng mansiyon, na nang sila'y makalapit ay agad bumaba sa anim na baitang na hagdang gawa sa marmol at may ngiting sila'y binati. "Pasok kayo. Paparating na si Caleb, hinatid lang niya iyong mga bata sa kanilang eskwelahan pero pinasasabi niyang kumain muna kayo ng agahan." paliwanag nito. "Ako nga pala si Matilde, ang katiwala sa mansiyong ito."

Doon lamang nanumbalik sa katinuan si Erina. Kahit lalong lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib, malinaw niyang narinig ang pangalang binanggit nito. Lumunok siya kahit nahirapan siyang gawin iyon. Nahihilo siya sa sobrang kaba. Nanginig din ang kanyang mga tuhod kaya naman napahawak siya sa may pintuan, mahigpit na kumapit doon, takot na mapadausdos sa kinatatayuan.

"P-paumanhin ho p-pero...s-saan ho ito?" Sana mali siya. Sana hindi tama ang kanyang hinala.

"Hindi ko ba nasabi sa iyo?" Lumingon sa kanya si Glenda.

Tiningnan niya ito saka marahang umiling. Hilong-hilo na siya, nagsasayaw ang anyo ni Glenda sa kanyang paningin. Pinilit pa rin niyang magpakatatag. Umiling siya at pilit na ngumiti.

"Sa Del Rio...Del Rio, Peñaflor." Nakangiti nitong sabi.

Napapikit siya. Kung maaari lamang na huwag dumilat ngunit kailangan. Hindi siya dapat narito. Tumingala siya, maging ang paligid ay nagsasayawan.

"Whose mansion...is this? Don't tell me...d-don't tell me this is..." Nakagat niya ang labi, nasapo ang ulo.

"This is Hacienda Guerrier, and my family owns this place." sabi ng tinig sa kanyang likuran.

Nagtaasan ang lahat ng balahibo sa kanyang katawan. Tila may sumabog na kung anuman sa kanyang pandinig. Sa lalaki natuon ang atensiyon ng lahat, kaya naman dahan-dahan din niyang nilingon ang may-ari ng tinig na iyon.

Hindi nagkakalayo ang kanilang distansiya dahil nasa may pintuan din ito, mababa lang ng isang hakbang sa hagdan. Tumingala siya. Nakangiti ang lalaki, matangkad, may laman ngunit siksik at nasa lugar. Clean-cut ang buhok nito na lalo lamang bumata ang itsura sa suot nitong puting t-shirt na walang kuwelyo at itim na maong.

"Oh, hi Mr. Guerrier, it is nice meeting you again. I'm sure you already know, my name is Kristel Moira, a partner of M&J Designs, and I came with some of our staffs, Glenda, an assistant designer," turo nito sa katabi, "Arvin," turo sa likuran, saka itinuro ang kanyang gawi, "and Erina, one of the decorators."

C-Caleb...halos sumabog ang kanyang dibdib sa sari-saring damdaming nararamdaman.

Yumuko si Caleb, nagtama ang kanilang mga mata. Walang kurap at tila natuod itong napatingin sa kanya. Naroong kumunot ang noo, saka nanliit ang mga mata; tumigas ang mukha, bumalasik ang paningin; naggalawan ang panga.

Caleb. Namasa ang kanyang mga mata. Nag-init ang kanyang pakiramdam. Nanlabo ang kanyang paningin.

Ngunit muling ngumiti si Caleb, inilihis ang paningin sa kanya't nilampasan siya. "I'm sure you are all starving. Mukhang maaga kayong bumiyahe. Mag-agahan muna tayong lahat." Nagpatiuna ito sa kusina. Samantalang siya...

"Erina, okay ka lang?" Nilapitan siya ni Glenda.

"I...I c-can't...breathe-"

"Erina!"

"LET me help." Mabilis na kumilos si Caleb, kinalong si Erina at inilatag ang walang malay nitong katawan sa mahabang sofa sa sala.

"Anong nangyari?" tanong ni Kristel.

"Kanina pa siya mainit e, mukhang may lagnat." Sagot ni Glenda.

"Pagpahingahin na lang muna natin siya, kapag nagising siya'y saka na natin bigyan ng pagkain at nang makainom na rin ng gamot." Sabad ng matandang babae.

"Salamat 'Nay 'Tilde." Ngiti ni Caleb. "Tara na sa kusina, kumain na muna tayo." Muli niyang aya sa mga bisita.

Caleb gave Erina one more look, his face hardened again, just like how both of his fists madly clenched tightly in his pants pocket; invisible flames were blazing out of his squinted furious eyes.

Weitten: 2.1.19

A/N:

@regildinamaria - wish granted

@din_dem - here is the update

Hi you all, thank you as always and again, keep this chapter alive by voting and reacting. Thanks so much!

Luv,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

2M 60.1K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
770K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
50.1K 895 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
102K 5.9K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.