The Two Weeks Relationship

By erzaaa78

18K 542 89

Mula nang iwanan si Luan ng kanyang pinakamamahal na boyfriend na si Alex, tinatak na niya sa kanyang isip na... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Epilogue

Chapter 4

1K 36 2
By erzaaa78

"Don't break my heart." He seriously said.

"What?" Tama ba 'yung dinig ko? Don't break his heart? Or I'm just imagining things?

"W-Wala." Nag-iwas siya ng tingin.

"Uh, okay. Let's go?" He just nodded. Lumabas kami ng compound, sinundan ko lang siya maglakad, huminto kami sa may isang kotse at pumasok dito.

"Seatbelt mo." Inayos ko na 'yung seatbelt ko, nginitian ko lang siya pero nag-iwas lang siya ng tingin. What is his problem? Seriously.

Tahimik lang kami papuntang mall, tapos wala ring radio kaya talagang awkward na awkward ako sa sitwasyon namin ni Xzayvian. Hindi naman kasi kami close kaya nakakahiyang mag-open up ng topic, 'di ba? Nipark niya lang 'yung kotse niya tapos lumabas na kami, kinuha pala muna ni Xzayvian 'yung payong tapos binuksan niya, sumabay siya sa'kin sa paglalakad at pinayungan ako. Napangiti ako, ang bait niya naman.

"Salamat." I whispered. Tumingin ako sa kanya, pansin ko na bahagyang namula 'yung tenga niya.

"W-Welcome." Ang cute niya. At saka feeling ko, hiyang-hiya siya sa akin, ano bang problema sa'kin? Madali naman ako maging kaibigan, ah.

Pagdating namin sa loob, sinara niya na 'yung payong. Sinundan ko lang din siya maglakad, hindi naman kami sabay maglakad, nakadistansya siya ng kaunti sa'kin which is good naman, ayoko rin naman ng masyadong dikit na dikit sa'kin.

"May bibilhin ka ba?" Napahinto ako dahil huminto siya sa paglalakad.

"Wala. Bakit?" Wala nga akong dalang pera, biglaan naman kasi. Wala pa 'yung sweldo ko, bukas pa. Namula na naman siya.

"Ah, ano...wala...basta!" Tapos nauna na naman siyang maglakad, take note, mas bumilis 'yung lakad niya ngayon kumpara kanina. 'Di ko na lang pinansin 'yun at sumunod na lang sa kanya. Ang gulo ng utak niya.

Pumasok kami sa National Book Store.

Wala namang pasok, ah? Bakasyon na nga. Anong gagawin niya rito? Pumunta siya roon sa part ng mga art materials. Kumuha siya ng mga poster paint at mga ilang brush. Magpi-paint siya? Luan naman, 'di pa ba obvious?

"Magaling ka magpaint or magdrawing?" Mahinang tanong ko sa kanya, sana sagutin niya. Cross fingers. Kapag hindi niya sinagot, e 'di okay, baka hindi niya lang narinig.

"Uhm... hindi naman." Pahumble.

"Weh?" Napansin kong nagsisimula na naman ang pamumula niya kaya natawa ako ng mahina, kumunot 'yung noo niya.

"Why are you laughing?" Siguro kung kaklase ko siya, ang itatanong niya ay 'happy?'

"Ang cute mo." Pinisil ko 'yung pisngi niya pero mali yata 'yun dahil mas namula lang siya at iniwas niya ang tingin niya. Ano ba naman iyan, Luan! Nailang tuloy siya sa'kin. "Uh... sorry."

"It's o-okay." Pumunta siya sa may counter at nagbayad, pagkatapos ay umalis na kami sa NBS. Nag-ice cream din kami sa DQ at bumalik na sa kotse niya sa parking lot.

Sinuot ko na ulit 'yung seatbelt ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang inaayos niya 'yung seatbelt niya at no'ng inistart niya 'yung kotse. Kung iisipin, parang nameet ko na siya somewhere. 'Di ko nga lang alam kung saan or nag-o-overthink lang ako at iniisip na nagmeet na kami.

Pagdating namin sa compound, una siyang lumabas ng kotse at pinagbuksan ako, pagbukas niya may dala na siyang payong at nakabukas na. Napangiti ako. Bait talaga, ang swerte ng girlfriend nito. Baka mamaya, magselos pa 'yun sa akin, bigla ako ritong sugudin.

"Mabait ba 'yung girlfriend mo?" I asked. He looked at me and smiled a little.

"'Yung magiging girlfriend ko." Wow. So may nililigawan siya?

"Pakilala mo ko sa kanya, ah? Kapag naging kayo na. Sana sagutin ka na niya." I winked at him. He laughed. Ang cute talaga.

"Sana nga. Kaso 'di ko pa siya nililigawan, e." Kinamot niya iyong batok niya. Naglakad kami papasok ng compound.

"Hala? 'Di nga? Baka maunahan ka ng iba diyan. Ligawan mo na siya." 'Yung tawa niya naging isang malungkot na ngiti.

"Natatakot ako. May mahal kasi siyang iba." Nalungkot din tuloy ako bigla. Kawawa naman pala si Xzayvian, may mahal na iba 'yung mahal niya. Parang ako pala siya, mahal ko kasi si Alex kaso... may mahal siyang iba.

"Malay mo naman pero...isa lang ang mapapayo ko sa'yo, once na nilapitan at niligawan mo na siya, 'wag mo na siyang pakawalan. 'Tsaka, sure naman ako na magiging maswerte siya sa'yo." Huminto siya sa tapat ng apartment nila, narito na pala kami agad. Ang bilis. Ngumiti siya sa'kin.

A genuine smile.

"Salamat... Luan Keihl."

"You're always welcome, Xzayvian." Tumango siya.

"Una na ako?" I chuckled then nodded. "Sige." Pumasok na siya sa apartment nila. Napangiti na lang ako at naglakad na papuntang apartment ko.

"Luan." And there he is. Nakita ko na naman siya, ang taong mahal ko.

--

Ang gulo talaga ng mga tao minsan, tao rin naman ako pero kasi... paano ko ba ipapaliwanag? Sasabihan ka nila ng masakit na salita tapos biglang aamo sa'yo at magso-sorry. Hindi ko sila magets. Lalo na siya.

Makikipagbreak siya sa'kin tapos pupunta siya rito at magpapaliwanag kung bakit, ano namang sense no'ng explanation niya kung nakipaghiwalay na siya sa akin? Ang hirap na kasing ayusin nito. Hindi na 'to maayos. Ayoko na kasi magtake ng risk. Sabi nga ni Xzayvian, nakakatakot.

Nakakatakot kasing magmahal ulit, lalo na kung iisipin mong mararamdaman mo ulit 'yung heartbreak na 'yun, 'yung feeling na mauulit na naman ang bagay na iyon, kaya nga hindi na lang ulit ako magmamahal. Tatanda na akong dalaga, kung katoliko nga ako, e 'di nagmadre na lang ako.

"'Di ka pupunta sa party niyo?" Nakapangalumbabang tanong sa'kin ni Xsen. Alam niya iyon? "Sinabi lang sa'kin ni Ivan na may gaganapin na party ngayong gabi sa bahay nila." Ah. Nabasa niya na yata 'yung tanong sa isip ko.

"Hindi." 7pm na rin. Sa pagkakaalam ko, 8pm sila magsisimula hanggang 12 ng madaling araw 'yun. Mga master sa party 'yung mga kaklase ko na 'yon. Sabi nila, HUMSS lang ang invited pero kapag pumunta ka roon, may makikita ka pang iilang ABM, STEM, HE, GAS, SMAW at ilang strand pa.

"Why?" Napanguso ako.

"Ang chismoso mo po." He chuckled.

"Ang cute mo po." He mumbled.

"Mas matanda ka po kaya sa'kin, Kuya Xsen." I said, laughing a little.

"Alam mo bang magiging kapatid kita in the future?" Kumunot 'yung noo ko.

"Paano? Magiging ninang ko ba nanay mo? O... anak ka sa labas ng Mommy o Daddy ko?" Kinurot niya 'yung pisngi ko.

"Ang cute mo pero hindi." Aniya.

"Ha? Hindi ako cute?" Humagalpak siya ng tawa.

"I mean, hindi ako anak sa labas or what. Pero may tanong ako sa'yo..." I raised an eyebrow. "Just yes or no, then may follow up question ako."

"Uh...okay. What's your question?" I confusedly asked.

"You already moved on, right?" Actually, tanong ko rin sa sarili ko iyan... I already moved on na nga ba? Paano ba kasi malalaman kung tapos ka na sa kanya? Kung wala ka ng nararamdaman sa kanya?

"No." Mahinang sagot ko.

"Why?" Hindi ko nga rin alam ang sagot.

"I don't know." Wala sa sarili kong saad.

"Kaya mo bang magmahal ulit?" Ewan. Siguro. Yata. Lahat yata ng tanong ni Xsen, 'di ko alam ang sagot. Ang dali-dali ng tanong niya pero parang ang komplikado. Ang gulo talaga, mas mahirap pang intindihin 'to sa Math, e.

"Hindi na–" muna yata sa ngayon. Pero hindi ko na natapos dahil biglang nagsalita si Xsen.

"Weh? Bakit naman? Baka tumandang mag-isa ang kapatid ko nito." Ano raw? Ba't naman nasama 'yung kapatid niya rito? Ang gulo talaga.

"Uh, ano..." Bakit nga ba? Syempre kakagaling ko pa lang sa madugong heartbreak, 'di ba? 'Yung akala mo kayo na sa huli pero hindi pa rin talaga.

'Yung akala mo sapat na pero kulang pa rin talaga.

Hindi kasi sila sanay makuntento sa isa. May mga bagay kasing kapag mayroon ka na dapat hindi ka na kumukuha ng extra. Ang isa ay sapat na, ang dalawa ay sobra na at lahat ng sobra ay masama.

"Kasi lahat ng lalaki ay magkakaparehas. Ano mang mangyari, iiwan at iiwan ka pa rin nila sa huli." I smiled, sadly. He pouted.

"Ang sama mo naman sa'min, 'wag mo namang lahatin. Good boy kaya ako." Nagtatampong sabi nito.

"E 'di hindi lahat. Pero still, may mga ganoong lalaki talaga." Ngumiti siya ng malaki.

"Pero ibahin mo ang kapatid ko. Mabait 'yun, matalino, gwapo, may maipagmamalaki." Kinindatan niya pa ako. Ha? Ano raw? Ba't niya naman ibinibida ang kapatid niya sa akin?

"Ewan ko sa'yo." Tumawa ako.

"Hindi, promise, crush ka–"

"Kuya." Sabay kaming napatingin ni Xsen kay Xzayvian na kakapasok pa lang sa pinto. Nandito kasi ako kila Xsen, nangangapitbahay.

"Ayan na pala 'yung future husband mo." Ngiting-ngiting sabi ni Xsen.

"Ha?" Lutang kong saad.

"Shut up." Galit na saad ni Xzay.

Sabay pa kaming nagsalita.

"Hehe, sorry na. Pero alam niyo? Bagay talaga kayo." Hmm? Really?

"E?" Lutang talaga ako.

"Xsen Kyle Austria! Shut the fuck up." Tumawa si Xsen na parang walang bukas. Ang gulo niya talaga.

"Fine. Alis na nga ako." Tumayo na si Xsen at pumuntang kusina ng bahay nila. Nakatingin lang ako kay Xzayvian, ano bang dapat kong sabihin? Umuwi na rin siguro ako.

"Uh... Xzayvian."

"Luan Keihl."

Okay. Bakit ba lagi kaming sabay? I smiled.

"Ikaw muna." Pagpaparaya ko.

"Hindi, ikaw na mauna." Nagkahiyaan pa.

"Uuwi–"

"Ako na nga mauuna." Natawa na lang ako. Seriously?

"Sige, sige." Medyo natatawa pa rin ako.

"Be my girlfriend for two weeks."

Continue Reading

You'll Also Like

158K 612 16
WARNING!! (SPG AHEAD) This is for matured content only young reader is not suitable here. #ONGOING.
204K 3K 17
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
125K 9.1K 44
Pagkatapos niyang matuklasan ang panloloko ng kasintahan, tinanggap niya ang trabahong binigay ng ama sa Espanya para makalimot at maka-move on. Sa k...
871K 39.7K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.