UNEXPECTED INLOVE (COMPLETED)

Par Vis-beyan28

130K 1.7K 124

Her name is Jami Santillan. A girl who actually believes in love but when her boyfriend leave her without a w... Plus

{Prologue}
{Author's Note}
{Chapter 1- Guarded}
{Chapter 2- Organization}
{Chapter 3- Santillan's Mansion}
{Chapter 4- The Transferee}
{Chapter 5- First day, First fight}
{Chapter 6- Misinterpret?}
{Chapter 7- New member}
{Chapter 8- Suffer}
{Chapter 9- Party}
{Chapter 10- The plan}
{Chapter 11- Truth}
{Chapter 12- Fear}
{Chapter 13- Her Song}
{Chapter 14- Secrets}
{Chapter 15- Partner}
{Chapter 16- Past}
{Chapter 17- Two is better than one}
{Chapter 18- Hide and seek}
{Chapter 19- Only find out}
{Chapter 20- The one}
{Chapter 21- Start}
{Chapter 22- La Costalhine}
{Chapter 24- Vien}
{Chapter 25- His Help#1}
{Chapter 26- Last First kiss}
{Chapter 27- Second Step}
{Chapter 28- Present}
{Chapter 29- It's Time}
{Chapter 30-Confession}
{Chapter 31- His Letter}
{Chapter 32- Birthday Party}
{Chapter 33- Heartbreak Girl}
{Chapter 34- Feelings}
{Chapter 35- Contented}
{Chapter 36- Choose}
{Chapter 37- Risk}
{Chapter 38- Blame}
{Chapter 39-Baka}
{Chapter 40- Like}
{Chapter 41-Meeting his parents 1}
{Chapter 42- Meeting his Parent 2}
{Chapter 43- Busted}
{Chapter 44- Cold}
{Chapter 45- Regrets}
{Chapter 46- First Love}
{Chapter 47- Chase}
{Chapter 48- Loving you}
{Chapter 49- Love}
{Chapter 50- Kiss}
{Chapter 51- Questions}
{Chapter 52- Dinner date}
{Chapter 53- Christmas}
{Chapter 54- Problem}
{Chapter 55-Fight}
{Chapter 56- Apart}
{Chapter 57-Back}
{Chapter 58-Accident}
{Chapter 59-Suspect}
{Chapter 60-First time}
{Chapter 61-Connection}
{Chapter 62-Suspect}
{Chapter 63-Confirmation}
{Chapter 64-Awake}
{Chapter 65-Date}
{Chapter 66-President Melendez}
{Chapter 67-Kiss}
{Chapter 68-Past}
{Chapter 69-Emotionless}
{Chapter 70-Father and Son}
{Chapter 71-Mirrage}
{Chapter 72-A friend}
{Chapter 73-New Santillan}
{Chapter 74-Offer}
{Chapter 75-Mrs. Vellarde}
{Chapter 76-Last page}
{Epilogue}
{Announcement}

{Chapter 23- Pernos Gate Gang}

1.1K 22 1
Par Vis-beyan28

Jami's POV

Linggo,

EUA

"Akin na yang tubig! Inuhaw ako! Gago!"-sigaw ni kellion at inagaw ang tubig na hawak ni gab.

"Bakit kasi hindi ka bumili. Nagawa mo pang nakawin yang tubig ko!"-singhal naman ni gab.

"Tsk. Wala ka ng magagawa. Akin na to."-aniya at ini-straight na ininom ang tubig. Lalong umusok ang ilong ni gab.

"Letse! Akin nga yang towel ko."-bulyaw naman ni jeigh kay kristoff at kinuha ang towel niya.

"Tangina! Hindi ako utusan! Gago!"-malutong na mura ni kristoff kay jeigh.

"Tsk. Nagreklamo pa! Huwag mo akong kinakausap ng ganyan. Ako ang rank 2 dito kaya dapat respetuhin mo ako."-banta niya.

"Ha! Sa pagkakaalam ko pantay-pantay tayong lahat na nakapasok sa rank 5. Huwag mo din akong utusan dahil rank 5 ako dito."-ngiwing singhal naman ni kristoff.

Napapikit na lang ako sa karindihan ng mga kasama ko. Tsk. Daig pa nila mga babae sa kakareklamo.

Nandito kami ngayon sa EUA at katatapos lang ang laban namin. Syempre, kami na naman ang nanalo. Ano pa bang bago. Di sa ipagyayabang ha?

Nakaupo kami sa pinakababang banda ng EUA kung saan kita mo sa malapit ang labanan. Pero wala pang nagsisimulang laban dahil naguusap-usap muna ang dalawang grupo at ang announcer.

Ang maglalaban ay ang grupo ni hanzer na kung tawagin ay Pernos Gate gang. Mga nasa halos 20 silang katao at sila ang isa sa kinatatakutan dahil marami sila. Nakalaban na rin namin ang grupo niya pero natalo sila kaya ganun na lang ang galit nila sa amin. Alam niyo namang seloso yung hanzer na yun.

Hindi ko naman maitatangging magaling din sila sa pakikipaglaban. Ang mga kalaban din nila ay halos nasa 20 tao. Kaya hindi sila mahihirapan sa pakikipaglaban. May pagkatraydor sila kaya kahit kinakausap kami ng mga yun, alam ko namang plastik lang dahil matindi ang galit nila sa aming grupo. Tss.

"Tanginang hanzer yan. Bumalik pa dito ang lintik!"-gigil na mura ni jeigh habang nakatingin kay hanzer ng masama.

"Tsk. Hayaan mo na lang siya jeigh. Wala ka ring mapapala diyan."-sabat naman ni alexander.

"Pasalamat siya nakakapigil pa ako ng galit. Baka kanina ko pa siya sinuntok. Alam niyo namang hindi ako nakaganti sa kanya noon."-pangangatwiran niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Huwag ka ng gumanti jeigh. Dahil baka ulitin pa nila ang ginawa nila sayo. Alam mo na ang mangayayari."-banta ko. Napatingin naman siya sa akin.

"Gagawin ko yun alang alang sa grupo natin."-seryoso niyang wika.

"And the winner for best actor is........jeighdan!"-mapang asar na sigaw ni kellion dahilan para matawa kaming lahat.

"Gago!"-malutong na mura niya.

"Tsk. Ang angas nila hanzer ah!"-sabat naman ni gab kaya napatingin kaming lahat sa gitna. Tama nga siya. Napaka angas ng grupo niya na akala mo ay sila na ang magaling.

Tss, dalhin ko pa silang lahat sa impyerno eh, kabanas.

Si hanzer ay nakaupo sa kanan kung saan siya ang lider. At ang grupo niya ay attacker. Naniningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Masyado siyang confident sa mga ganitong labanan.

Nakangisi siya at talagang relax na relax ang lintik.

Napatingin kaming lahat sa mga dalawang grupo na magkaharap. Susugod na sana yung isa sa kabilang grupo pero pumito ang announcer. Ibig sabihin, hindi pa maguumpisa ang laban. Kita ko naman ang pagngisi ng kagrupo nila hanzer at may sinasabi sa kanilang grupo.

"Talaga namang pang aasar ang palagi nilang ginagawa eh noh."-pakinig kong singhal ni thara.

Naranasan na rin namin yan noong sila ang kalaban namin. Mahilig silang mang asar kaya napipikon minsan ang mga kalaban nila. Yang na ata ang gawain nil eh.

Pagkalipas ng ilang minuto, ang grupo nila hanzer ang nag umpisa sa laban. Dahil nga sila ang attacker. Pansin mo talaga ang galing sa pakikipaglaban ang grupo niya. Sa tagal ng panahon naming nandito, kakaiba ang klase ng pakikipaglaban nila kaysa sa mga ordinaryong gang lang. Hindi ko alam kung na training o ano. Wala na rin kasi akong narinig simula nang umalis na ang grupo nila.

Naningkit lalo ang mga mata ko ng may mapansin akong isang lalake na kagrupo nila hanzer. Parang nakita ko na ito. Ang hubog ng kanyang katawan, ang tindig at ang mga galaw niya parang nakita ko na siya. Saan nga ba? Napaisip ako bigla.

Hindi kaya siya yung lalakeng nagbebenta ng droga sa isang kwarto noon? Pero, hindi ako sigurado, nakatalikod yun kung saan hindi ko kita ang mukha niya. May nararamdaman akong kakaiba sa lalakeng yun.

Hindi talaga ako kampante.

"Tignan niyo yun oh!"-turo ni alexander sa gilid kung saan naglalaban ang isang lalake laban sa dalawa. Hindi ko nga sigurado kung aling grupo sila kasali. Tsk.

Kita ko ang paggulong gulong nilang tatlo sa lupa. Yung isang lalake ay sinuntok niya ang ang kalaban na mestizo (siya yung tinutukoy kong namumukhaan ko sa bar) Pero umiwas ito at patalong sinipa ang mukha. Yung isa naman ay hinila niya ang braso pero ang nahawakan niya ay ang manggas nito kaya ang nangyari napunit ang manggas niya.

"Bwahahaha! Tangina!"-tawanan nila jeigh.

Pero halos magitla ako sa nakita ko. Kumurap ako ng dalawang beses upang masigurong hindi ako namamalikmata. May tattoo ang meztisong lalake sa braso. Nakaguhit dito ang isang bungo na may nakatarak sa kanyang ulo na kutsilyo at patagilid ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Yang tattoo'ng yan ay nakita ko na sa lalakeng nagbebenta ng droga kung saan nakaguhit rin sa kanyang braso. Hindi nagkataon na magkapareho silang tattoo dahil talagang walang pinagkaiba ng pagkaguhit nito.

Fvk! May hindi talaga ako nalalaman.

Tama nga si el jete. Kabilang ang grupong yun dito. Pero sino sa dalawang grupong ito? Imposibleng ang grupo ni hanzer, dahil sarili niyang mga magulang inaalala tungkol sa pagbibintang ng pagbenta ng droga dito sa EUA. At isa pa, siya na ang nagsabi na hindi kailanman nakakahawak ng droga ang pamilya niya kaya ibig sabihin, hindi siya nagbebenta ng droga. Hindi kaya, ang kabilang grupo ang sinasabi nila el jete?

Pero yung lalakeng nagngangalang lorenz.....namumukhaan kong siya yun. Kagrupo ni hanzer. Hindi ko maintindihan ang nangyayari! Kapag nalaman kong si lorenz nga yun, ibig sabihin sina hanzer nga ang hinahanap namin.

"Hoy jami! Okay ka lang?"-tanong ni sam dahilan para matigilan ako sa pag iisip.

"Nakita mo ba ang lalakeng yun?"-turo ko sa lalakeng nakikipaglaban ulit na napunit ang manggas.

"Yung may tattoo sa braso?"-pabalik niyang tanong na agad kong tinanguhan.

"Oo. May nakita akong kapareha niyang tattoo na nagbebenta ng droga noon sa la costalhine. "-paliwanag ko dahilan para manlaki ang mga mata niya.

Noon kaseng nalaman namin ni skyler na may nagbebenta ng droga sa bar na yun, agad naming sinabi kina sam at kay el jete.

"Sigurado ka ba?"-paninigurong bulong niya dahil baka marinig nila jeigh.

"Oo."-bulong ko at napasulyap sa dalawang grupong naglalaban ulit. "At may napansin din ako. Yung lorenz na nagbebenta ng droga sa isang studyante ay mukhang nandito. Pansin ko ang kagrupo ni hanzer na isang lalake. Kapag nalaman kong lorenz ang pangalan nun, sigurado na akong sila hanzer ang hinahanap natin."

"Tanungin mo kaya sila jeigh, baka kilala niya ang lalakeng yun."-patungkol niya sa lalakeng sinasabi ko. Agad naman akong napatingin kay jeigh na nanonood.

"Kilala niyo ba ang lalakeng yun?"-tanong ko at ininguso ang lalakeng kagrupo ni hanzer.

"Ha? Bakit mo naman natanong?"-nagtatakang saad ni jeigh.

Aish. Tinanong pa, di na lang sagutin.

"Ah.....kasi parang bago ata siya."-pagsisinungaling ko. Napangiwi naman si jeigh.

"Hindi siya bago jami. Hindi nagbabago ang mga myembro si hanzer. Hanggang ngayon walang napapalitan o walang umaalis sa grupo nila."-sabat naman ni alexander. Nangunot naman ang noo ko bigla.

Ano yun gangs until they die? Psh. Kalokohan.

"Hind ko makakalimutan ang lalakeng yan dahil isa siya sa nangbugbog sa akin noon."-biglang usal naman ni jeigh.

"Anong pangalan niya?"-tanong ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay ang sagot niya.

"Hindi ko na matandaan eh."-aniya dahilan para mawalan ako ng pag asa. Tangina! Ang daming sinabi hindi naman alam ng letse.

"Tsk. Kilala ko yan. Alam ko pangalan niyan."-sabat naman ni kristoff kaya nabuhay ulit ang pag asa ko.

"Talaga?"-gulat namang wika ni sam. Napatango naman si kristoff at sumulyap sa lalakeng yun.

"John lorenz Bustamante ang pangalan niya...."

**

Walangya.

Ito na ata ang araw na naubos lahat ng lakas ko. Parang mahihimatay na nga lang ako ng wala sa oras sa nalaman eh. Hindi ko talaga aakalain na sina hanzer ang hinahanap namin. Akalain mo yun? Kung makabanta sakin nuon tungkol sa droga parang santo? Eh isa naman siya sa mga ganun.

Hindi ko nga maintindihan kung bakit ginagawa niya ito. Nandadamay pa siya ng mga inosente at bata, tangina niya. Kapag talaga nakita ko siya, papakyuhan ko siya. Di na lang makontento, di na lang mahiya sa mga magulang niya. Eh mayaman naman sila, kaya hindi ko maisip kung bakit pa niya yun ginagawa yun eh. Tss.

Nadale na ang kumag na yun.

Mag isa na lang akong nagtungo sa parking lot ng EUA dahil nandun pa din sina jeigh. Si sam at thara nauna na kanina pa dahil sinabihan ko silang kausapin si zack tungkol sa nalaman namin.

Pauwi na din ako kase gusto ko ng magpahinga. Ang dami ko nang nagawa ng nagdaang araw. Syempre, kailangan ko din ng pahinga no.

"A-ah, miss. Pssst."-natigilan ako bigla sa paglalakad.

Malapit na ko sa motor ko ng marinig ko yun. Aba't tangna, sinong kumag ang kailangan pang takutin ako sa pagsitsit?

Kunot noo kong hinanap ang kumag na yun at may napansin akong bulto sa isang puno. Nakatago ito.

"Hoy!"-sigaw ko.

Mabilis naman itong napatingin sakin at nagulat pa ako nang makita kung sino yun.

Pucha. Pano ako nahanap ng batang to?

"M-miss, pwede ba kitang makausap?"-tanong pa niya habang palinga linga sa paligid.

Nakasuot to ng jacket at hoodie para itago ang mukha niya. Aish. Dito pa to naisipang tawagin ako eh pano kung makita siya nung lorenz? Lagot to panigurado.

Bumuntong hininga ako at saka dali daling lumapit dito. Sumandal ako sa puno at humalukipkip.

"Baket?"-taas kilay kong tanong.

Natigil naman to sa paglinga at umayos ng tayo.

"A-alam kong n-nakita mo kami nung friday."-panimula niya.

Nanatili naman akong nakatingin sa kaniya. Diyosko, kaybata bata pa to, nasasangkot na sa ganung gulo.

"Pano mo ako nahanap?"-tanong ko.

Napalunok muna ito at saka napayuko. "Nakita kita kanina na pumasok dun."-nguso niya sa EUA. "Tapos naalala kong ikaw yung babaeng nakakita kaya naisip kong hintayin kita at kausapin."

"Ilang taon ka bata?"-tanong ko.

Gulat naman itong napatingin sakin. Medyo magkatangkad kami. Mestizo, mukhang half half. Porma pa lang, mayaman na. Tsk. Tsk. Nadale na talaga.

"F-fifteen."

"Aba't putangina!"-napamura ako samantalang, napaigtad naman siya. "Kay bata bata mo pa yan na ang ginagawa mo? Sabihin mo nga sakin. Gumagamit ka ba talaga----"

"M-miss, teka huwag kang maingay please."-sinenyasan niya ako at saka muling luminga linga.

Bumuntong hininga ako.

"Pag usapan natin to sa bahay. Please, tulungan mo ako."-pakiusap niya.

Bakas sa mata niya ang pakiusap. Muli akong napabuntong hininga.

"Sige, sige na. Tatawagin ko lang tong hudas kong kasama."-sambit ko.

Napangiwi siya ng marinig ang salitang 'hudas' pero hindi ko na ito pinansin pa dahil tinalikuran ko siya. Mabilis kong linabas ang cellphone ko para tawagan siya.

"Hello babe?"-sagot niya.

"Anong babe? Gago!"-inis kong mura.

Binibwisit talaga ako ng mokong na to.

"Ay sorry, hahaha!"-halakhak niya pa para mas lalo akong asarin.

"Hoy, makinig kang mabuti. Linapitan ako nung batang nakita naten sa bar. Gustong magpatulong kaya pumunta ka dito sa EUA ngayon mismo."-utos ko.

Natahimik sa kabilang linya saglet bago ko marinig ang boses niya.

"Ano? Pakiulit? Tumatae kase ako eh."

"Gago ka talagang hinayupak ano! Huwag mo kong asarin dahil dadalhin talaga kita sa impyerno!"-gigil kong bulyaw.

Tangna, nakakagigil talaga ang loko na to!

"Ayaw mo naman sa heaven babe? Gusto mo dalhin kita dun?"-tudyo niya pa.

"SKYLER! PAG AKO TALAGA NASAGAD MO, IKAW ANG KAUNA-UNAHANG TAONG PAPATAYIN KO!"-galit kong singhal sa hudas.

Kaso tumawa lang ito bago pinatay ang tawag.

Napahilamos na lang ako sa mukha ko para kahit papano, kumalma ang sarili ko. Putangina niya talaga. Hayup na yun.


~vis-beyan28

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

9.8K 267 51
WARNING: UNDER REVISION The Writer's Love Story Series no. 1 Maxinne wanted only to finish the Job her boss gave to her - to write a Happy ending lov...
11.6K 904 53
Simula nang mawala ang ina niya ay nasanay na si Cassey sa kakarampot na pagmamahal na pinaparamdam ng kaniyang ama. Namuhay siyang mag isa, natuto s...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
25.1M 627K 51
A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearless and ABNORMAL?! What will happen if t...