Hunyango (Published under Bli...

Serialsleeper द्वारा

1.9M 103K 68.3K

Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbab... अधिक

Note
Epigraph
just a little heads up
1 : Lucky Savi
2 : Torryn Grove
3 : Serial Killer Paradise
4 : The longest night
5 : Or so she thought
6 : Immune
7 : New kind of Burn
8 : Coocoo
10 : Discovery
11 : Bloodshot
12 : Retrace
13 : Could it be?
14 : Trick
15 : Doppelgangers
16 : Provoked
17 : Pieces
18 : Dead Ringer
19 : Teamwork
20 : Hunyango
21 : Truth or Trick
22 : Wrong place at the worst time
23 : People like us
24 : Purpose
25 : Not so lucky Savi
26 : The Lucky one
27 : The Quicksand
28 : Consumed
Epilogue
Good News!

9 : The Family

57.3K 3.1K 2.6K
Serialsleeper द्वारा

SAVANNA


Nagising ako sa isang malambot na kama. May naririnig akong mga boses kaya naman pinakinggan ko ito nang mabuti habang nakatitig sa kulay puting kisame. 

"Masakit ba 'yan?"

"Stethoscope 'to. Gago ka ba?"

"Sabi ni Savanna, siraulo ako."

Mabilis kong hinawi ang kulay asul na kurtinang nakapalibot sa akin at laking gulat ko nang makita si Scotty na nakaupo isang desk at hawak ang isang syringe. Nasa likuran naman niya si Burn na para bang curious na curious kung makatitig dito.

"Gising ka na!" Napangiti si Burn at mabilis na lumapit sa akin. Inalalayan niya akong maupo nang maayos mula sa pagkakahiga. Kung gumalaw siya, akala mo hindi bali ang buto sa kanyang braso.

Pangiti-ngiti siyang naupo sa tabi. Kinuha niya ang Beanie ko na nasa loob pala ng jacket niya. Inagaw ko ito agad mula sa kanya at isinuot.

"Buti naman at nagising ka na! Masisiraan na ata ako dahil sa lalakeng yan!" Pabalang namang bulalas ni Scotty na para bang pagod na pagod na siya dahil kay Burn. 

"Asan ako?" tanong ko habang pilit na inaalala kung paano ako napunta rito. 

Naglaho ang ngiti sa mukha ni Burn. "Nasa clinic ka. Natagpuan kang walang malay sa CR. Anong nangyari?" Kung makapagsalita akala mo nag-aalala.

"Buti nakita ka naming karga ng guard patungo rito. 'Nubang nangyari?" tanong naman ni Scotty na mukhang abala sa pangingialam sa mga gamit ng nurse na nasa mesa.

Biglang bumalik sa isipan ko ang nakakatakot na hitsura ni Precious... o kung si Precious nga ba iyon. Naramdaman kong nagsitayuan ang balahibo ko lalo na sa batok ko. 

"Ba't parang nakakita ka ng multo?" seryosong tanong ni Scotty.

"Hindi ah! Walang multo rito!" Agad napatayo si Burn. 

Nasapo ko ang noo gamit ang dalawang palad kong nanlalamig at nangangatog.

"Nakita ko si Precious pero hindi ito si Precious. Ibang-iba ang mga mata niya at parang..." Mariin akong napapikit nang hindi ko mahanap ang mga salitang makakapaglarawan nito. 

"Walang buhay?" Si Burn na mismo ang kumompleto sa sa mga salitang hindi ko magawa.

Tumango ako at dumilat. Salitan akong napatingala at napatingin kay Burn at Scotty. "P-paano kung konektado ang lahat ng nangyayari sa ating tatlo?"

"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong naman ni Scotty.

I don't believe in the supernatural. To me, ghosts are nothing but a myth. A figment of imagination driven by fear and hearsay. Para sa akin, kalokohan ang mga pinagsasabi ni Scotty tungkol sa ginawa niya kay Burn kagabi. Pero matapos ang nangyari sa akin kanina... Hindi ko na alam anong tama. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang paniniwala ko. 

"Scotty, ikaw na mismo ang nagsabi, may nangyayari sa iyong kakaiba na hindi mo maipaliwanag. Si Burn naman parang na re-wire ang utak. Samantalang ako, bigla akong nakakakita ng mga taong wala naman." Napatayo ako at pilit na inihayag ang mga ideya na nabubuo sa aking isipan. 

"Anong taong wala naman?" tanong ni Scotty kaya ngunguto-nguto akong naupo muli sa kama. Napapagod na akong mag-isip. Natatakot na ako sa nangyayari sa amin. Natatakot na ako sa mga naiisip ko.

"H-hindi ko rin maintindihan basta nakakita ako ng mga taong wala naman..." Bulalas ko sabay sapo ng noo ko. "Una si Precious, tapos si Sir Dalton."

"Ano? Parang doppelganger?" tanong naman ni Scotty.

"I don't know..." I hopelessly held my forehead as I shook my head in confusion.

"What if all of these had something to do with Mt. Torryn?" tanong ni Scotty na nakatulala muli at tila ba balisasa sariling naiisip. "What if Mt. Torryn did something to us?"

Bago pa man makapagsalita ang isa man sa amin, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nurse. Mabilis na napatayo si Scotty lalo't nakaupo siya sa mesa ng nurse.

Nagulat ako nang makitang kasama pala ng nurse ang mga magulang ni Burn, pati na ang ama ni Scotty. Kilala ko sila dahil ako mismo ang naghatid sa kanila ng mga parental consent letter.

"Burn! Kanina ka pa namin hinahanap! Hindi ka pa ba nadala?!" Bulyaw ng ama niya at sapilitan siya nitong hinila.

"S-savi?" Napatingin sa akin si Burn na para bang gulong-gulo.

"Go home, Burn." Tumango na lang ako. Mas mabuti na ring umuwi siya, baka sakaling bumalik sa tamang lagay ang utak niya.

Hindi naman kinailangan pang kaladkarin si Scotty. Kusa na kasi siyang lumapit at sumama sa kanyang ama.

Napatingin sa akin ang nurse at napabuntong-hininga nang kaming dalawa na lamang ang natira sa loob ng clinic. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Dalawang 'yon.... kanina pa pala sila pinaghahanap ng mga magulang nila," wika ng nurse habang nililigpit ang mga kalat na iniwan ni Scotty sa mesa niya. "Ano ba naman ang batang 'yon, ginulo pa ang mga gamit ko."

Tumingin siyang muli sa akin at ngumiti sa akin nang marahan. "Savanna, okay ka na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo bang tawagan ko ang mga magulang mo? Tatawagan ko na sana sila kaso nakatanggap ako bigla ng notice na hinahanap yung dalawa ng mga magulang nila."

Tumango ako at ngumiti. "Okay lang po iyon. Wag na po ninyo silang tawagan. Okay na naman po ako eh."

"Ano bang nangyari at marami kang galos?" tanong niya. "Pati rin yung dalawa, marami ring galos. May bali pa sa kamay 'yung matangkad?"

I smiled as I prepared my lies. 

Lying is bad, I know that, but sometimes you just gotta do what you gotta do. 

***


Ditching work was never my thing but I was just too desperate to find answers that I ended up pretending to be sick so I could get the rest of the day off.

Aside from work, I also ditched the crutches even if it meant limping around the campus. In a way, those crutches reminded me of my own Father—they're here to help but they ended up giving me nothing but pain. 

"Hey, Greg! Seen Liam around?" I asked when I bumped into him in the Science building. Greg, along with Ameera, was supposed to be with us in Mt. Torryn but had a change of plan thanks to his crazy antics.

"Damn Savi! Ran out of luck?" He joked, pertaining to the way I limped as I walked up to him.

"Yeah. Apparently, you and Ameera stole my luck." I joked while shaking my head and squinting my eyes as I frowned. 

"Color me guilty!" He stuck out his tongue as he slid both of his hands inside his varsity jacket. 

"Greg, si Liam?" Pag-uulit ko. 

"At the lab, answering his workbooks?" He said in confusion. "By the way how's Kelsey? She wasn't answering my calls--"

"Kelsey doesn't like you. Leave her alone, Greggy." I said as I walked past by him. I may have said it in a joking tone but I was dead serious. Kelsey may seem like the liberated type but she doesn't play around with fckboys like him. I just hate it when they judge her like that. 

"Liam you nerd." I sighed upon seeing the flight of stairs. Nasa third floor pa kasi ang Science laboratory. 

Dahan-dahan ako sa pag-akyat hanggang sa tuluyang makarating sa third floor. Ilang sandali akong tumayo muna sa balkonahe at pinagmasdan ang campus grounds sa baba. Mula sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko rin ang sementeryo na halos katabi lang ng University namin. Weird para sa iba pero para sa amin na matagal na sa lugar na ito, sanay na kami sa kakaibang tanawin. Sa katunayan, minsan tambayan namin ang sementeryong iyan. 

Napabuntong-hininga ako at napalingon sa Science Laboratory. Saktong lumabas si Liam kaya para akong nabunutan ng tinik.

"Liam!" Tawag ko sa kanya. Kunot-noo naman siyang napatingin sa akin at iika-ikang lumapit.

"Bakit?" Tanong niya gamit ang karaniwang walang emosyong mukha at pananalita.

"Has anything weird been happening to you lately?" tanong ko agad.

"Weird?" Kunot-noo niyang sambit. 

Huminga ako nang malalim at pilit na nagpaliwanag. I hope he believes me.

"Liam, this will sound crazy but crazy things are happening to Scotty, Burn and I. Sa'yo? May nararamdaman o nakikita ka bang kakaiba?" Wala na akong pakialam pa kahit akalain niyang baliw ako o pagtawanan niya man ako. Kailangan ko lang talagang malaman kung ano 'tong nangyayari sa amin.

"Nakita ko si Precious sa CR namin sa bahay. Ganun bang klase na kakaiba?" Tanong ni Liam na tila ba balisa rin kagaya ko.

"Yes!" Para akong nakahinga nang maluwag. "Holyfreaking duck! Yes!" Lumakas bigla ang tibok ng puso ko. Nagsitayuan ang balahibo ko.

"Nakita mo rin siya?" Agad na tanong ni Liam at inilibot ang kanyang paningin, para bang ayaw niyang may ibang makarinig sa amin.

"Pati si Sir Dalton din!" giit ko. "Burn and Scotty have been acting weird too. Hahanapin ko pa ang iba at tatanungin--"

"Savanna, we could still be suffering from the drugs we took." Pabulong niyang sambit kaya naman agad nakunot ang noo ko.

"This is still about the drugs?" tanong ko.

"Eh ano pa nga ba?" Suminghal siya at napabuntong-hininga. "Sav, wala tayong ideya sa mga nangyari sa atin sa Mt. Torryn. Ni hindi natin alam kung ano pa ang nalanghap natin. For all we know, we could've ingested or inhaled a powerful hallucinogen. Yung ospital na pinagdalhan sa atin ay masyadong maliit, do they even have enough equipment to guarantee that what we had were Rohypnol and not something more powerful? M-maybe we're suffering from a hangover but instead of feeling tired and shit, we're seeing things." 

"Is there even a drug with such side effect?" Bulalas ko.

Liam is offering a logical explanation as to what could be happening to us but here I am unconvinced. Hindi sa gusto ko ng mas nakakatakot na dahilan pero sadyang natatakot ipagsawalang bahala ito.

I don't want to risk our lives just because we refuse to bend our belief. 

I don't believe in the Supernatural but I don't want to dismiss the possibility either. After all, if there's God, then there has to a devil. 

"Savi, people are playing God. Anything is possible now," aniya pa. 

"I don't know, Liam." I sighed and shrugged.

"Just ignore the hallucinations. Mawawala rin yan." And with that, Liam left. Hindi ko maintindihan kung paano niya magawang baliwalain ang lahat ng ito.


****

"Tapos na ang duty mo, Savi?" tanong ng Guard habang palabas ako ng gate. Ngumiti na lamang ako at tumango kahit pa ang totoo ay pupunta ako sa tahanan ni Sir Dalton upang sumangguni tungkol sa mga nangyayari sa amin.

Hindi pa ako nakakalayo sa gate nang muli kong narinig ang guard na nagsalita.

"Naku ma'am, wala po si Sir Dalton eh. Tungkol saan ba yan Ma'am?"

Otomatiko akong napalingon at nakita kong kausap ng guard ang isang matangkad na babaeng nakasuot ng blue polo shirt at may dalang satchel. Hindi siya ganun katanda. Sa kanyang tindig, para siyang may mataas na katungkulan.

"Isa akong inspector mula sa Torryn Grove. May mga itatanong lang sana ako. Ang estudyante kayang si Savanna Villalobos? Andiyan ba siya?"

Kinabahan ako bigla sa kanyang tanong pero sa kabila nito ay mabilis akong lumapit. "Savanna Valderamos po." Pagtatama ko.

Tumango siya at ngumiti saka mabilis na nagpakilala. "Ako si Inspector Gretchen Luisa. Pwede ba kitang makausap?"

*****

"Ayaw mo sa kape?" Tanong niya matapos maibaba ang tasa ng iniinom niyang kape.

Umiling ako at dumampot ng french fries mula sa aking harapan. Binabantayan ko ang bawat kilos niya at halatang sinusubukan niyang ipadama sa akin na parang magkaibigan lang kami. Siguro paraan niya ito para kunin ang tiwala ko at sabihin sa kanya ang lahat ng alam ko. 

"I used to hate Coffee too but after joining the force, I learned to like it." She chuckled and shrugged.

"Tungkol saan po ba ang pag-uusapan natin?" Ako na mismo ang nagbukas ng usapin.

Huminga siya ng malalim at ngumiti. "A straight to the point kind of girl, I see?"

Bahagya siyang yumuko at may kinuha na satchel bag mula sa kanyang gilid. Nagtaka ako nang naglapag siya ng dalawang litrato sa aking harapan.

"Who are they?" I asked in confusion.

I picked up the first photo to look at them closely. On the left was a girl. She looked younger than us. She had long curly hair, cat-like eyes, and a bright smile that gives the impression like she's just around her pre-teen years. On the right was a boy who looks a lot like her. There's a hint of mischief in his eyes but I could still see the innocence in them.

I picked up the second photo and in it were the same kids, but they were with a couple. They all looked so happy and alike that I assumed they were a family.

"You don't recognize them?" Inspector Gretchen asked.

I looked up at her with my eyebrows furrowed. "Why are you showing me this?"

"The Twins, Monica and Monti Duran, 13 years old. Their Father and their Stepmother." Isa-isa niyang itinuro ang mga nasa litrato. "The Twins' biological Mother reported them missing after failing to return home last night. According to the Mother, nagpaalam ang dati niyang asawa na isasama niya sa pag-akyat sa Mt. Torryn ang kanyang mga anak, kasama rin ang kanyang bagong asawa. They were supposed to climb on the same day you were there so I was wondering if you saw them?"

Kinilabutan ako bigla. Sa kabila nito, mabilis akong umiling. "Kami lang ang naroon. Ang mga Forest rangers na mismo ang nagsabi, kami lang ang inaasahan nilang aakyat."

Agad na nakunot ang noo ng babae. "Forest Rangers? Sigurado ka?"

"Opo! Tatlo sila! They even made us write our names in the logbook! They even gave us short orientations on what to do or what not to do," giit ko pa. Naalala ko tuloy ang sinabi ng mga pulis na natagpuan daw nila ang mga bangkay ng park rangers.

"Savanna, that can't be possible because according to the autopsy, they were already dead for days--"

"Eh sino ang mga sumalubong sa amin? Sino ang nag-assist at nagbigay sa amin ng orientation?" Sarcastic kong sambit dahil  na rin sa sobrang kilabot at kalituhan.

"Marahil sila ang mga pumatay sa mga Forest rangers. Maaring sila rin ang may kagagawan sa nangyari sa inyo." Hinuha niya at mabilis siyang kumuha ng ballpen at notebook mula sa kanyang bag. Nagsimula siyang magsulat.

"Why didn't they kill us?" Hindi ko napigilang magtanong.

"That's what I'm trying to find out." Napabuntong-hininga siya at nag-angat ng tingin. Marahil ay tapos na sa pagsusulat. "I'm going to leave you my phone number and as well as these photos. Ask your friends if they saw or remember anything about the Duran family. Any information will help."


****


        NAPAHIYAW si Precious nang matisod sa isang malaking sanga at bumagsak sa putikan, ngunit mas lalo pa siyang napahiyaw nang makita ang isang bangkay sa kanyang harapan. 

"Shit!" Kahit si Liam ay napasigaw din dahil sa nakita. Sa kabila nito, mabilis niyang hinigit ang braso ni Precious. "Bilis! Tayo! Tumayo ka na!"

Ngunit tila ba na-blanko ang isipan ni Precious sa matinding takot. Nanatili itong nakatitig sa lasog-lasog na bangkay.

"Precious bilis!" sigaw muli ni Liam ngunit tila ba nakulong si Precious sa kanyang sariling takot.

"Bahala ka!" Bulyaw ni Liam at nagtatakbo sa gitna ng dilim, iniwan si Precious na nakatitig pa rin sa bangkay.

Makalipas ang ilang sandali, nakarinig si Precious ng mga yapak mula sa kanyang likuran, sapat para mapukaw ang kanyang atensyon. Dahan-dahan siyang lumingon at mas lalong pumatak ang luha mula sa kanyang mga anino ng isang malaking lalakeng may hawak na malaking baril.

Dahil sa isang pitik ng kidlat, biglang lumiwanag ang paligid, sapat para makita ang duguang mukha ng isang lalakeng nakasuot ng isang pansundalong uniporme.

"Hindi kami ang kalaban, bata. Kung sana hindi kayo nakialam."


Napasinghap si Precious at natagpuan ang kanyang sarili sa ilalim ng shower. Dali-dali niyang pinatay ang agos ng tubig at binalot ng sarili ng tuwalya. Mabilis siyang lumabas sa banyo ng kanyang silid-tulugan. 

Basang-basa man at tagaktak pa ang tubig mula sa kanyang buhok at balat, mabilis niyang binuksan ang laptop at nag-iwan ng mensahe kay Savi.

Kaka-send pa lamang niya nang mensahe nang marinig niyang may kumatok sa kanyang pinto.

"Sandali lang Ma!" Sigaw niya ngunit mayroon ulit kumatok sa kanyang pinto.

Isasara na sana niya ang kanyang laptop nang bigla na lang lumabas ang isang chat message mula sa kanyang ina.

"Buti gising ka na. May emergency sa trabaho kaya mas maaga kami umalis ng Papa mo. Kain ka lang tapos kita tayo sa mall mamaya. Bili tayo bagong cellphone mo."

Labis na kinilabutan si Precious nang mapagtantong hindi ito ang Mama o Papa niya. Mabilis siyang lumingon sa pinto at halos tumigil ang oras para sa kanya nang makitang hindi naka-lock ang kanyang pinto.

Tumakbo siya upang i-lock ito, ngunit huli na. Tuluyang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha, bagay na lubos niyang ikinagulat.

"A-anong ginagawa mo rito?!" Bulalas ni Precious dahil sa labis na kalituhan. 

"Naalala mo na ba ako, Precious?" Ngumisi ito. 

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Bulyaw niya. "Umalis ka na nga rito kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" Sigaw pa niya at mabilis na lumapit sa kanyang laptop upang magtipa ng mensahe para sa kanyang ina para humingi ng saklolo.

Ngunit bago pa man niya maipadala ang mensahe, bigla na lang lumapit sa kanya ang salarin at hinataw siya ng flower vase sa ulo. Nakailag man siya, nadulas naman siya sa sariling bakas ng tubig kaya napahandusay siya sa sahig. 

"Tulong!" Sumigaw si Precious sa abot nang makakaya at nagmamadaling bumangon. Ngunit hindi na niya nagawang tumayo pa nang hinataw siya ng salarin sa ulo, gamit ang sariling laptop.

Hilong-hilo na bumagsak sa sahig si Precious kasabay nang pag-agos ng dugo mula sa kanyang noo at pagkatanggal ng kanyang suot na tuwalya. Sinusubukan niyang sumigaw at bumangon ngunit paulit-ulit siya nitong hinataw sa ulo nang ubod ng lakas.

Sa kabila nito, nagsisipa si Precious hanggang sa tuluyan niyang matamaan ang salarin. Napaatras ito kaya sinamantala niya ang pagkakataon at gumapang sa banyo na siyang pinakamalapit sa kanya. 

Pasuray-suray siyang nakapasok sa banyo at isinara ang pinto gamit ang natitirang lakas ngunit bago pa man niya mai-lock ang pinto, binangga ito ng salarin kaya nabuwal ulit siya at natumba sa direksyon ng toilet bowl.

Sa kabila nang labis na panghihina, pilit na kumapa-kapa si Precious nang magagamit laban sa salarin. Una niyang nakapa ang bote ng disinfectant kaya naman ibinato niya ito sa salarin. Tagumpay niyang natamaan ang mukha nito ngunit tumawa lang ito.

Nangapa muli si Precious hanggang sa mahawakan niya ang bidet na nakakabit sa gilid ng toilet bowl. 


"Anong gagawin mo? Babasain mo ako ng tubig?" Humalakhak ang salarin at tinadyakan ang hinang-hina at walang kalaban-labang si Precious. Paulit-ulit niya itong ginawa hanggang sa masuka ito ng dugo.

Napangisi ang salarin at lumuhod sa sikmura ng halos walang malay nang si Precious. 

Kinuha niya ang bidet na nakalawit mula sa sabitan. May kahabaan ang plastic na hose at plastic nito na mas lalong ikinatuwa ng salarin.

"Say ahhh!" Mapanuksong sambit ng salarin at marahas na hinawakan ang magkabilang pisngi ni Precious upang bumuka ang bibig nito.


Lalong napangisi ang salarin at ipinasok ang plastic na ulo ng bidet sa bibig ni Precious.  Wala lang sa salarin ang pagpupumiglas ng dalaga, masyado na itong nanghihina kaya madali lang sa kanyang isaksak ang aparato sa bibig ng dalaga. Hindi nakuntento ang salarin at mas lalo pa niyang isinaksak ang kabuuan ng bidet hanggang sa lalamunan nito. 



Gamit ang natitirang lakas, pilit na nagpumiglas si Precious ngunit sadyang napakahina na niya. Sinasampal niya ang salarin ngunit tila ba tapik na lang ito. 

Naramdaman niya ang pagpasok ng kabuuan ng aparato sa kanyang bibig. Naninikip ang kanyang lalamunan at naduduwal siya ngunit kahit anong pagpupumiglas niya, balewala. Wala sa sarili siyang napalunok dahilan para mas lalo siyang mahirapan sa paghinga. 

Nagsimulang pumatak ang kanyang luha nang maramdaman niyang tila ba may napupunit sa kanyang lalamunan. 



|End of 9 - Thank you|

Note: It's been a while since I wrote a death scene. Naninibago ako hahaha. Sorry if lame. I tried my best. 


पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...
176K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
17.5M 656K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
209K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"