Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 9

43.8K 1.5K 406
By Ineryss

Sulat

Hindi na ako nagtaka ng hapong iyong nang hindi nagpakita si Kuya sa akin. Hindi niya ako masusundo dahil maaga pa siya sa kanyang trabaho.

Bago magtungo roon ay nagdesisyon muna akong umuwi sa bahay para ihatid ang aking mga gamit lalo na't kailangan ko ring magpalit ng pambahay dahil baka madumihan ang puti kong blusa.

Mag-isa akong naglalakad sa kahabaan ng kalsada patungo sa lupaing kinatitirikan ng aming bahay. Malapit na iyon sa bundok at marami naring kakahuyan kaya pinapangalanan na iyong parte ng bundok.

Napahinto rin naman ako dahil sa tunog ng kabayong narinig ko sa aking likuran. Nang lingunin ko iyon ay ang imahe agad ni Israel ang aking nakita.

Hindi ko maalalang nasa parteng bundok ang kanilang bahay dahil tagabayan naman ito. Ang kanilang lupain ay naroroon at hindi rito ang daanang iyon.

Huminto rin naman ang kabayo sa aking harapan dahil sa marahan niyang pagsipa noon sa gilid. Tiningala ko siya.

"Give me your hand." Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.

Kumunot ang aking noo.

"Huh?"

"Akin na. Ihahatid na kita..." sabi niya na nagbigay ng ibang kahulugan sa akin.

"H'wag na... Maglalakad nalang ako 'tsaka medyo malapit lang naman." Tiningnan ko ang daanan at napagtantong malayo layo pa iyon.

"Don't be stubborn. Tara." Yumuko pa siya at mas inabot ang aking kamay habang ang iilang hibla ng kanyang buhok ay nalalaglag na.

"Hindi na talaga... Okay lang." Umatras ako para hindi niya ako maabot.

Nagkasalubong ang kanyang kilay at mukhang hindi nagustuhan ang aking pagtanggi. Bigla siyang umalis roon sa itaas ng kabayo at ibinagsak ang sarili sa lupa. Gumawa pa ng ingay ang kanyang itim na boots dahil sa marahas niyang pagkakababa.

"Come here." Pilit niya akong inabot.

"Kaya ko namang maglakad..." paliwanag ko.

Ibinaba niya ang kanyang kamay at mukhang napagod na sa kakalahad noon sa akin. Ibinulsa niya iyon at mariin akong tinitigan.

"I'm trying to be nice here." Angat ng kanyang kilay.

"Hindi ko naman sinabing maging ganyan ka."

Ngumiwi siya sa akin. Ngunit nang maalala ko na may pakay din pala ako sa kanya, marahan akong tumango at naglakad papalapit sa kanya.

"S-Sige..."

Ngumuso siya at nagpigil ng ngiti. Nagulat nalang ako nang bigla niyang hinila ng marahas ang aking baywang at walang hirap akong inangat saka ibinagsak doon sa taas ng kabayo. It was so rough but smooth at the same time. Marahas—katulad ng tindig niya. At nag-iingat—katulad ng naninimbang titig niya.

Inayos ko agad ang aking palda. Sumampa siya sa likuran ko. Nakagilid lang naman ang aking pagkakaupo dahil na rin sa suot ko.

"Hold this." Ibinigay niya sa akin ang tali na ikinalaki ng aking mga mata.

"Hindi ako marunong! B-Baka tumakbo siya bigla!" I said in horror.

"Ang sabi ko hawakan mo hindi ko sinabing ikaw ang magpapatakbo. I'll take the lead..." he said deeply like he meant something else.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi at tinubuan ng hiya. Parang naputol ang aking hininga nang umabante siya hanggang sa madikit ang aking hita sa kanyang hita, ang aking braso naman sa kanyang dibdib. Para ng masusunog ang aking pisngi.

Idinaosdos niya ang kanyang mga daliri sa aking braso hanggang sa mahuli niya iyong tali. Hindi ko na maipirmi ang aking tingin at masyado pang nang-aakit ang kanyang pabango. Gustong gusto ko nalang tumalon pababa at kumaripas nalang ng takbo pauwi.

"Ano bang gusto mo? Dahan dahanin ko? O bilisan ko?" tanong niya bigla na kahit ang hininga ay tumatama na sa aking pisngi. Ganoon kami kalapit sa isa't isa.

"H-Huh?" Nilingon ko siya at halos makita ang naglalarong tingin niya sa akin.

Tumagilid ang kanyang ulo, umangat na ang isang kilay.

"Do you want it slowly or you want it fast?" he asked tauntingly.

"D-Dahan dahan nalang k-kasi ano... first time kong makasakay sa a-ano... s-sa kabayo..." nauutal kong paliwanag na mas ikinaguhit ng kapilyuhan sa kanyang mukha.

Ngumisi siya sa paliwanag ko. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa harapan.

"Bibilisan ko na?" he asked teasingly.

"Ikaw bahala," sagot ko nalang.

"I hope you won't scream..." Hinila niya ang tali sanhi para mas madikit ako sa kanya. Nasa magkabilang gilid ko na ang kanyang mga braso at nabibilanggo niya na ako.

Bago pa man ako makasagot ay binilisan niya na ang pagpapatakbo. Sumasabog ang aking buhok sa ere at halos ilagay ko na ang buo kong bigat sa kanyang dibdib.

"Ang bilis!" reklamo ko.

Nanunuya lamang na ngumisi si Israel sa akin. Kinuha niya ang isa kong kamay at ikinapit iyon sa kanyang balikat. Mariin na akong napapikit at nakagat ang pang-ibabang labi. Bahala na nga! Bahala na talaga!

"Huwag mong bilisan!" Tiningala ko siya at kulang nalang ay maibulong na iyon sa kanyang leeg.

"Can't hear you." He chuckled.

Namilog ang mga mata ko. Kumapit ako nang mahigpit sa kanyang balikat at kahit ang isa kong kamay ay kumapit na sa gilid ng kanyang baywang.

Bumaba ang kanyang tingin doon saglit at ngumiti lalo. Sinamaan ko siya ng tingin lalo na't mukhang sinasadya niyang bilisan para dito!

"Hindi na talaga ako sasakay sa'yo!" sigaw ko pa.

"Hindi ka saakin nakasakay kundi sa kabayo ko. Oh please..." he chuckled evilly.

Noong makarating kami, mabilis akong tumalon at kamuntik pang masubsob ngunit buti nalang ay nahawakan niya agad ako sa braso ko.

"Careful," aniya.

Careful? Kung ang bilis bilis ng pagpapatakbo niya at tingin ko ihahatid niya ako sa langit?

"Sige... Uh, salamat pala..." Hilaw ang ngiti ko at deritsong tumalikod habang sinusuklay ang nagkabuhol-buhok kong buhok gamit ang aking mga daliri.

Tiningnan niya ang bahay namin na ikinataas ng kanyang kilay. Alam ko... Pangit at simple lamang hindi kagaya sa inyong masyadong malaki at maganda.

"Pupunta ka pa sa bayan?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Oo. Kailangan ko lang kasing magbihis."

"Sinong tao sa bahay niyo?"

Sandali akong natigilan at napatitig sa kanya. Umangat ang kanyang kilay at mukhang gusto talaga iyong malaman.

"Ako lang. Bakit?"

"Ah... Nothing. Go and change your clothes. Dito lang ako." Ibinulsa niya ang mga kamay at sinenyasan pa akong pumasok na.

"Huh? Dapat umalis kana... Dito lang naman ang bahay namin," sabi ko.

"Pupunta ka pa sa bayan. Ihahatid kita," alok niya.

His action is too obvious. Kinukuha niya ang loob ko para sa isang rason. Dahil kay Ate Rici at Kuya Bram. Imposible din naman kasi ang iniisip mo, Trace. Kumpara doon sa babae niya sa batis, alam mo agad ang mga tipo niyang babae. Malayo iyon sa kagaya mo.

Hindi naman sa naghahangad akong maging kami, o papatulan niya ako. Pero kontento ako sa patago kong paghanga sa kanya.

At isa pa, malalagot rin ako kay Mama pag dumating sa kanya ang balitang ito. Anong rason ang ipapaliwanag ko kung nabalitaan niyang nakasakay ako sa kabayo ni Israel? Na nagiging mabait lamang ito? Na nagmamalasakit sa akin? Mas magdududa lamang si Mama.

"Hindi pwede," sabi ko sa kanya na ipinagsalubong ng kanyang kilay.

"I'll slow down don't worry," paglilinaw niya.

Umiling akong muli. "Hindi pwede..."

Gumuhit agad ang inis sa kanyang mukha. Binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi at hinawakan ang batok.

"I am not asking anything in return if that's what you think," medyo matabang niyang sabi.

"Hindi naman sa ganoon. Pero bawal talaga. Makikita ako ni Mama at iisipin niyang nagboboyfriend na ako. Baka sabihin niyang hindi ko na siniseryoso ang pag-aaral ko. Mapagkakamalan ka niyang boyfriend ko..." palusot ko.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya at ang pagkakasalubong ng kilay niya.

"Aren't you proud if your mother would assume that you have a boyfriend and it's Israel Buenaventura? Your mother might congratulate you for choosing the best men in this Region."

Nalaglag ang panga ko. Ang hangin! Ang yabang! Oo naman, totoo naman 'yang sinasabi niya. Kaso si mama iyon! Hindi niya kilala si Mama! Kung may galit man sa mga Buenaventura, nangunguna sa listahan si Mama. Ayaw niya sa Buenaventura.

"Ayaw ni Mama sa mga Buenaventura. Hindi niya kayo tipo. Mas gusto ni Mama na kung magboboyfriend ako, siguro iyong taga-ibang bansa para maganda ang lahi."

He looked offended. Tiningnan niya pa ang sarili niya, na siguro kung may salamin sa harap, dinungaw niya na ang buong pagkatao niya.

"Am I that ugly?"

At mabuti na rin na alam niyang hindi desperado ang pamilya namin sa mga Buenaventura. Na wala kaming pakialam sa yaman nila.

"Fine. Hindi kita ihahatid sa bayan. Palabas lang ng lupain na ito. Pwede?" Tumaas ang isa niyang kilay.

Ngumuso ako at dahan dahang tumango.

Hindi ko na siya inimbitahan sa bahay at nagmadali ng pumunta roon para magbihis. I only wore a simple white dress with puff sleeves and shorts short. Sinuklay suklay ko ang medyo maalon kong buhok habang lumalabas na nang laking gulat ko nang maabutan ko siya sa may pinto. Naroon siya, kampanteng nakasandal habang nakapamulsa.

He looked bored while looking at our house. Nakikita ko ang panghuhusga sa mga mata niya pero ayaw lang sigurong isaboses, o may iba pa siyang iniisip.

Tahimik nalang kami habang mabagal niyang pinapatakbo ang kabayo. Kahit ako ay nabibingi na sa katahimikan at ang tanging naririnig ay ang yabag ng mga paa ng kabayong naglalakad.

Katulad ng kanyang sinabi ay binaba niya rin naman ako sa dulo ng lupain at papasok na sa bayan. Nginitian ko siya.

"Salamat pala."

Tumango siya, wala nang iba pang sinabi at umalis din. Bumuntonghininga ako. Ano kayang nakita niya sa bahay para mag-iba ang mood niya? O baka naman nakonsensya na siya? Na walang saysay ang ginagawa niya kaya nawalan na agad ng gana sa pagkukunwaring mabait siya?

Pagdating ko sa bayan ay hindi ko maalis alis ang mga katanungang iyon sa aking utak. Tumulong ako kay Mama sa pagtitinda pero maya maya ay matutulala ako at maiisip ang inaasal ni Israel.

Sa gabing iyon, habang nag-aaral sa kuwarto ay sinikap ko ring hintayin si kuya para maibigay sa kanya ang bigay ni Ate Rici.

Mga bandang alas dos nga ay narinig ko ang pagkakabukas ng pinto. Sumilip ako ng kaonti sa aking pinto at nakita nga ang pamilyar na likod ni Kuya. Nagtungo siya roon sa sink at kumuha ng baso.

Mabilis kong hinalungkat sa aking bag iyong envelope na pinapabigay ni Ate Rici sa kanya saka rin ako lumabas dala dala iyon.

"Oh? Trace? Hindi ka pa natutulog anong oras na. May klase ka pa mamaya ah?" Nagtataka niyang tanong nang mapansin ang paglabas ko.

Nakita ko agad ang pagod sa kanyang mukha. Ininom niya iyong hawak niyang tubig saka siya umupo roon sa dekahoy naming mahabang upuan.

Tumabi ako sa kanya at inilapag sa kanyang harapan iyong sulat.

"Gumawa kasi ako ng project kaya hindi pa ako natutulog. At 'tsaka..." Tiningnan ko iyong envelope na tinititigan niya narin lalo na't naroon ang pangalan niyang nakasulat sa isang calligraphy.

"Ano 'to?" tanong niya.

"Envelope kuya," pabiro kong sagot na ikinaangat ng kanyang kilay.

"Buksan mo para maibsan ang pagod mo..." Nginitian ko siya.

Kunot noo niya iyong binuksan. Inilapag niya ang envelope at kinuha sa loob ang isang papel na may sulat kamay. Binuklat niya iyon na mas ikinatamis ng aking ngiti lalo na't unti-unting bumaba ang kanyang balikat na kahit ang kanyang mukha ay kumalma.

Sinilip ko iyong papel at nakita ang maganda at malinis na sulat kamay ni Ate Rici. Kitang kita ko sa labi ni Kuya ang paglabas ng matamis na ngisi roon. Kinagat niya pa ang pang-ibabang labi para paigilan ang sariling ngumiti ng malaki pero tumakas parin iyon sa kanyang labi.

"Iyong mahal ko..." Tumawa na kahit ang pagod sa mukha ay nabura na. Ang mga mata ay kumikislap at masyadong natutuwa sa sulat na iyon.

"Hindi ka pa matutulog Kuya? Pagod na pagod ka pa naman," paalala ko sa kanya pero hindi niya ako sinagot at nagpatuloy sa pagbasa noon gamit ang mga mata.

Ngumuso ako at gusto rin iyong basahin pero alam kong hindi siya papayag. Ngayon ko lang talaga nakitang ganito...

"Kuya matutulog na ako. Magpahinga kana rin," sabi ko saka tumayo na.

"Sige maya-maya. Magsusulat lang rin muna ako..." Ngumisi siya sa akin na akala mo ay hindi galing sa nakakapagod niyang trabaho.

Ibinalik niya ang tingin sa sulat na iyon na palihim kong ikinangiti. Tutulong ako sa inyong dalawa Kuya...

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 75.6K 53
Cassandra Emerald Fortalejo is the "sassiest" and social butterfly of her cousins. She's crowned the 'it girl' of her generation with a royalty-inspi...
17K 930 29
one cosmopolitan, please.
97.6K 5.5K 19
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
193K 3.7K 21
Dice and Madisson