Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 8

45.8K 1.4K 167
By Ineryss

Pumasok

"Ang cute naman ng mga birdie!" narinig kong sigaw ni Rinka at itinuro pa ang mga grupo ng mga ibong lumipad sa ere.

Humagalpak agad ng tawa ang dalawa. Lumalapit na sila sa amin ngunit hindi sobrang lapit at mukhang ayaw makadisturbo.

Bumangon sa pagkakahiga si Israel. Napatingin ako sa kanyang likod na may dumikit na iilang maliit na damo.

"May damo..." Itinuro ko ang mga iyon.

Lumingon siya sa kanyang likod at pilit iyong inabot. Kitang kita ko ang paggalaw ng muscle sa kanyang braso.

"Can you get it?" utos niya at nilingon ako kaya pasimple akong nag-iwas ng tingin sa kanyang braso.

Tumango ako at kinuha ang iilan roon. Malapad ang kanyang likod. Matigas...

"Naglalakad ka lang ba pauwi?" biglaan niyang tanong.

"Tuwing klase?"

Tumango siya.

"Oo kasi ilang minuto lang naman ang lalakarin..."

"Is it safe? Hindi kana sinusundo ng kapatid mo pauwi 'di ba?"

Sandali akong natigilan. Ba't niya naman iyon alam? Binabantayan niya nga siguro ang galaw ni Kuya. Kaya siguro pati siya ay palagi ng sinusundo si Ate Rici tuwing uwian.

O baka nangangalap na rin siya ng impormasyon sa akin dahil sa plano niya.

"Safe naman. Minsan kasi dumederitso ako sa bayan para tumulong kay Mama sa pagtitinda kaya may kasama rin akong umuwi."

"Ah..." Tumango tango siya. "Tuwing Sabado kayo madalas maligo sa batis?"

Umiling ulit ako. "Minsan lang."

"Palagi mong kasama iyang tatlo?" Nginuso niya pa ang aking mga kaibigan.

"Minsan nasa library ako. Pag nagyayaya sila sumasama ako."

Natahimik siyang muli, mukhang may iniisip.

"Gusto mong maligo sa batis?" biglaan niyang tanong.

Prinoseso ko muna iyon sa aking isipan.

"Tayo... Baka gusto mo." Tumingala siya at pinagmasdan ang mga nakasabit na mangga. Itinaas niya pa ang isa niyang kamay para harangan ang sinag na tumatakas sa mga dahon at tumatama sa amin rito.

"Tayong dalawa lang?" Kinakabahan kong tanong.

"Gusto mong tayong dalawa lang?" Tumaas na ang kanyang kilay. Namula agad ang aking pisngi at umiling.

"Hindi!"

"Bring those three. Mukhang madalas kang ngumiti pag kasama mo sila." Tiningnan niyang muli ang aking mga kaibigan na nagtutulakan na habang tumatawa parin.

"Masaya kasi silang kasama." At mahahalay ang mga utak kaya natatawa narin ako.

"You're not close with my sister?"

"Hindi e..."

Tumango siya at naninimbang ang tingin sa akin.

The obvious part about Israel Buenaventura, he's trying to shade the darkness of his cruelty with white. Sinisikap niyang magmagandang loob sa akin para makuha ang gusto niya.

Bakit niya naman ako yayayain bigla? Bakit bigla siyang nagkakainteres bigla? Halatang dahil iyon kay Kuya Bram at Ate Rici.

Noong klase na ay hindi mawala sa aking utak ang mga napag-usapan namin ni Israel. Napapangiti ako pero nalulungkot rin.

"Nakasimangot kana naman. Miss mo na ang mangga ni Israel?" tanong bigla ni Rinka nang mapansin akong tahimik sa aking upuan.

"Hindi 'no." Bahagya akong ngumiti.

"Sus! Pag natikman mo na ang isang bagay, hahanap-hanapin mo na iyon," dagdag naman ni Cecille na nakaupo sa aking likuran at katabi si Rose na kumakain ng biskwit.

"Hindi ganoon ang iniisip ko 'no," tanggi ko at tumawa.

Nailing si Rinka. "Alam mo ikaw Trace... bad influence ka sa amin. Baka pag palagi kang dumikit sa amin ay malinis mo ang mga utak namin ha! Bad influence!" Suminghap singhap na siya at dismayadong dismayado.

"Sinasabi ng iba na kami ang bad influence sa'yo eh ang totoo ay ikaw itong bad influence sa aming tatlo!" si Rose naman.

Tumawa ako at malamyang idinikit ang aking kamao sa aking pisngi. Pinihit ni Rinka ang aking upuan at pinaharap sa kanilang tatlo.

Ngumisi agad sila sa akin. Inalok pa ako ng biskwit ni Rose. Umiling ako.

"Ay ayaw mo? Nasanay kana sa mangga ni Israel?" Sumimangot siya at sumubo nalang.

"Magkwento ka. Anong napag-usapan niyo ni Israel kahapon?" Interesadong tanong ni Cecille.

"Uh..." Hinawi ko muna ang medyo kulot kong buhok at inilipat iyon sa aking likod.

"Sabi niya ngayong Sabado raw... Ano... Maligo raw tayo sa batis-"

Isang tili agad ang sumunod sa kanilang tatlo. Ang iilan kong mga kaklase ay nagsilingunan pero nang mapansing sila iyon ay nagsiiwas nalang ng tingin at mukhang sanay na.

"Jusko! Hindi ko kaya! Magbabasaan talaga kami sa batis ni Israel! Sisisid siya ng malalim at lalangoy kaming dalawa sa kapusukan!" si Rinka na natatangay na naman ng kanyang mahalay na imahinasyon.

"Maglulunud-lunuran talaga ako para ma CPR niya ako!" si Cecille naman na kahit ang aking desk ay niyugyog niya.

Natatawa ako dahil pag nasa harap na si Israel, parang nakakalimutan nila ang mga biro nila. They just like making things dirty.

"Basta ang plano, iiwanan ulit natin sila. Bibigyan natin ng privacy ang dalawa," pagpaplano naman ni Cecille.

Noong lunch ay nagtungo nga ako sa library para magbasa ng libro. May kailangan pa akong tapusing nobela na binabalik-balikan ko roon. Iyong tatlo ay hindi kasi mahilig magbasa kaya hindi rin sumasama sa akin.

Pagpasok ko ay may iilang estudyante agad ang lumingon sa akin. Hindi ako sanay na may mga nakukuhang atensyon kaya medyo nakakapagtaka. Hindi kaya ay ito iyong kumakalat na balita kay Kuya Bram?

"Nakakahiya naman... Purket guwapo ang kuya niya ay gagamitin ng puhunan ang mukha para perahan si Rici... Nakakaturn-off." Narinig kong sabi ng isa sa mga estudyante roon.

Hindi ko nalang iyon pinansin at nilagpasan ang kanilang lamesa. Wala rin naman kasi akong mapapala kung magpapaliwanag ako. Hindi naman lahat ng totoo ay kailangan mong ipaglaban. Minsan, kailangan mo lang hayaan ang taong mamulat sa kanilang pagkakamali saka sila matututo.

There were just people who viewed their mistakes as right; no matter how you corrected them, they would never learn because they knew they weren't wrong. Or they know it's wrong, but they still choose to ignore the truth.

Nagtungo ako sa ikatlong pasilyo kung saan iyong librong binabasa ko. Kinuha ko iyon saka tahimik na naglakad papunta sa pinakadulong lamesa. Umupo ako roon at inilapag ang libro.

Sinimulan ko iyong buklatin at hinanap ang pahinang iniwan ko. I read it using my eyes. Itinuko ko ang aking siko sa lamesa saka inilagay ang aking palad sa kaliwang pisngi.

"Trace..." Isang malambot na tinig ang tumawag sa akin.

Nag-angat ako ng tingin at nakita ang maliwanag na mukha ni Ate Rici. Ngumiti siya sa akin. Ang clip sa bandang gilid ng kanyang tainga ang agad kong napansin.

"Tama nga si Bram... Mahilig ka ngang magbasa at sa library ka madalas tumatambay." Ngumiti siya sa akin at inilapag ang branded niyang bag sa lamesa.

Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"Bakit po ate?" tanong ko sa mahinang boses. Ramdam ko sa aking paligid ang paglilingunan ng ibang mga estudyante pero nagpanggap nalang akong walang napapansin.

"Uh... Iyong Kuya mo... Kumusta?" mahina niyang tanong sa akin.

"Okay lang naman si Kuya pero palagi siyang pagod sa trabaho. Minsan alas dos na siya umuuwi. Parang may pinag-iipunan ata siya."

"Huh? Akala ko huminto na siya sa pagtatrabaho..." nag-aalala niyang bigkas.

Umiling ako. "Iba kasi si Kuya. Pag may bagay siyang gusto ay pinaghihirapan niya talaga."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi at nag-iwas ng tingin sa akin. Ibinalik ko sandali ang aking tingin sa librong binabasa ko kahit na wala ng pumasok sa aking isip.

"May tanong ako Trace... 'Di ba kilala mo ang Kuya ko?"

Inilipat ko ang pahina saka siya nilingon. Tumango ako at ngumiti.

"Si Israel po?"

"Oo... Si Kuya. Uhm, nilalapitan ka ba ni Kuya?" Gumuhit agad sa kanyang mukha ang pag-aalala.

"Hindi naman kami masyadong close e," sabi ko.

Gusto ko sanang sabihing oo pero alam kong isasampal niya lang sa akin ang katotohanan kaya ito lumalapit lapit sa akin. At ayoko ring isipin niya na nadadamay na rin ako dahil lamang sa pagitan nila ni Kuya. Baka mas maipit lamang silang dalawa. I want to help them but I don't want to be a burden.

I'll just go with the flow. Wala namang mawawala sa akin kung pakitunguhan ko si Israel. Okay lang na magpagamit dahil hindi niya rin naman ako masasaktan.

He can't hold something that doesn't want to be held.

May kinuha siya sa kanyang bag saka siya may ibinigay na puting maliit na envelope sa akin. Ang littering agad na calligraphy sa labas ang aking napansin. Nakasulat roon ang pangalan ni Kuya Bram. Abraham.

"Pakibigay sa Kuya mo ha..."

Kinuha ko iyon at tinitigan.

May iilang nagbulung-bulungan agad. May dinukot ulit itong bagay sa kanyang bag at inilabas ang isang box.

"'Tsaka para sa'yo... Chocolates 'yan. Masarap 'yan at galing sa ibang bansa." Ngumiti siya ng matamis sa akin.

Tinitigan ko iyon ng ilang sigundo. Sa gilid ng aking mga mata ay mas lumala lamang ang mga estudyanteng nakikiusyoso.

"Uh... Hindi kasi ako mahilig sa chocolates..." paliwanag ko.

"Huh? Pero sabi ni Bram mahilig ka raw sa matamis." Naguguluhan niyang paliwanag.

"Minsan mahilig pero madalas hindi. Pasensya na. Hindi ko matatanggap kasi hindi ko rin makakain eh. Salamat nalang po, Ate..."

Sumimangot siya at tiningnan iyon.

"Ganoon ba? Sige... Uh, ano bang gusto mo? Bags? Make-ups? Sandals? Damit? Alahas? 'Di ba malapit na birthday mo?"

Make-ups. Kaso ayokong manghingi ng kahit ano sa kanya.

"Hindi ako mahilig sa mga materyal e," medyo tumawa ako.

"Huh? Ayaw mo sa mga ganoon?"

Tumango ako.

"Ang misteryosa mo naman!" Tumawa siya.

"Rici!" biglaang tawag sa kanya ng isang estudyante.

Kapwa kami napalingon roon at nakita iyong tatlo niyang kaibigan. Nang makita nilang nakikipag-usap ito sa akin ay mabilis agad na nasira ang mga mukha.

Itinago ko sa libro ang sulat ni Kuya Bram lalo na't naroon na ang tingin ng isa niyang kaibigan at binalingan si Ate Rici na tumatayo na.

"Sige Trace... Sa susunod ulit. Pag-isipan mo kung anong hilig mo ha. And then tell me." Ngumiti siya ng mas matingkad saka hinawi ang buhok at nagtungo na sa kanyang mga kaibigan.

Lumingon sa akin iyong isa. Mas nandiri.

"Rici, ba't mo iyon kinakausap? Pag nalaman ng kuya mo na dumidikit ka sa mga iyan mapapagalitan kana naman."

"Oo nga Rici. Grounded kana nga. H'wag kang lumapit diyan."

"It's okay. She's nice naman," depensa ni Ate Rici sa akin saka ako nilingon at kinawayan. Nagpanggap nalang akong hindi iyon napansin para hindi nila isiping narinig ko ang kanilang sinasabi.

"Tayo na Riss..." Hinila siya noong isa na hindi parin nabubura ang inis sa mukha.

Iyon talaga ang hindi ko naiintindihan sa ibang mga mayayaman. Why do they act so foolish? Bakit nililimitahan nila palagi ang kanilang mga sarili? Nasa batas ba nila na pag may kaya ka sa buhay ay dapat maarte ka? Dapat ay lumayo ka sa mga hindi mo kalebel? Dapat ay magmataas ka? Dapat iparamdam mo sa nakapaligid sa'yo na mas angat ka? Bakit ganoon?

Bumalik rin naman ako classroom pagkatapos magbasa dala dala iyong sulat ni Ate Rici para kay Kuya. Pagdating ko roon ay sinalubong agad ako ng tatlo.

"Binigyan ka raw ng pera ni Rici?!" pasigaw na tanong sa akin ni Rinka.

"Huh?"

"Magkano, Trace? Iyan ba?" Tiningnan ni Rose ang dala kong puting envelope.

"Huh? Hindi 'no. Hindi naman ito pera..." Nagtungo ako sa aking upuan at ipinasok agad iyon sa aking bag para hindi na nila mapakialaman pa.

"Anong hindi? Kalat na binigyan ka raw ng pera ni Rici sa library," balita pa sa akin ni Cecille at sinundan ng tingin ang paglagay ko noon sa loob.

Umiling nalang ako sa tatlo. Privacy iyon nila ni Kuya Bram kaya dapat hindi namin pakialaman. Matutuwa si Kuya mamaya pag binigay ko iyon sa kanya.

Umupo ako sa aking upuan habang ang tatlo naman ay nasa itim na maliit na bag pa rin ang tingin.

"Pero seryoso Trace... Kinausap ka ni Rici dahil ba kay Kuya Bram?" Curious na tanong ni Rinka.

Tumango ako at itinuon ang aking tingin sa labas. Itinuko ko ang aking siko sa lamesa saka ko inilagay ang aking baba sa aking palad.

"Binigay niya lang sa'kin iyon eh. Umalis agad siya kasama ang mga friends niya," sagot ko at hindi na idinetalye ang buo naming pag-uusap.

"Ah... Bruha talaga iyong mga kaibigan ni Ate Rici! Pinagkakalat na binigyan ka raw ng pera. Akala naman nila ikakahirap nila pag may dumikit lang na kapos sa buhay sa kanila!" Galit na hinampas ni Rinka ang desk ng kanyang upuan.

"Ano tara, sugurin natin! Total marami namang pera iyon pwede siyang magparetoke pagkatapos nating basagin ang mukha niya," si Rose naman.

"Tara!" si Cecille na game rin.

"H'wag na. Hindi napipilit ang mga taong nakamarka na ang galit nila para sa'yo. Kahit pa gawan mo sila ng mabuti, kahit pa itama mo sila, hindi ka nila magugustuhan dahil mas gusto nila na sirain ka."

"Ay Trace! Kung ikaw papayag kang manahimik kami hindi! Magsisiraan kami! Ihanda nila ang pagmumukha nila!" si Rinka na maangas.

"'Yan lang 'yung pangit sa'yo, Trace. Masyado kang mabait! Hindi pa ito langit, Trace! Ayos din 'yang lumaban ka! Nasa bibliya ba na mali ang gumanti?! Wala naman—"

"Gaga meron!" Binatukan agad ni Cecille si Rinka.

"Halata talagang hindi nagsisimba, huh?! Baka kahit verses ni isa wala kang alam, Rinka!" si Rose na ngayon ay natawa na.

"Ikakagalit ba ng langit pag sinapak natin ang kaibigan ni Rici kasi inaapi ang kaibigan natin?!" si Rinka.

I sighed and glanced outside the window. Nakukuryoso tuloy ako kung ano ang kahahantungan ng nararamdaman ni Kuya at Ate Rici sa isa't isa.

Kumpara naman sa amin ni Israel, mas totoo ang sa kanila. Israel is just using me because of my brother. And I am trying to distract him by letting him think that I got stuck on his bait. Ang hindi niya alam, kusa akong pumasok sa bitag niya.

Continue Reading

You'll Also Like

753K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
772K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
6.1M 155K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...