Chapter 9: Caught on Cam!
"AAAAAAAAYYY!!"
"Wow! Hahahaha aha ahahaha nakunan mo ba? Nakunan mo?" narinig kong tanong ni Freya
"T*ng In*!!! Ano to?" bulalas ko
" bessu wait lang, grabe ayoko na " tuwang-tuwang sabi ni freya
"Hindi na ko natutuwa Freya huh" ani ko ,serious mode on na talaga ko trip ba nila ko?
"Hindi kasi,luh!Masyadong seryoso bes. Ito kasing si Moonton sabi gulatin daw yung sinumang unang papasok dito tapos yun daw ang magiging bida sa film na gagawin natin" Paliwanag niya
"Oh okay, pero kailangan ba talagang gawin yun? Pwede naman kayo magsabi o magtanong" sabi ko na seryoso pa din
"Sorry na, kasama kasi sa film yung pagkagulat ee kaya ayun naisip ni Moonton para totoong gulat yung maisama sa film" muli pang paliwanag ni Freya
"Kaso parang may mali Freya" saad ni Moonton
"Ano yun?" tanong ni Freya
"Hoy anong nangyari dito? Mahal! Mahal ko asan ka?" singit ng nagmamadaling si Zilong
"Nandito ako mahal" sagot naman ni Freya
"Ano? Ayos ka lang ba? Anong nangyari? Bakit ka sumigaw?" sunod-sunod na tanong ni Zilong
"Oo ayos lang ako, nothing happened" sagot ni Freya
"Ano pala yung mali na sinasabi mo Moonton?" dagdag pa niya
"I'm not sure sa narinig ko ee , mabuti pa check nalang natin" saad ni Moonton
Minabuti naming bumaba sa sala upang doon na lamang i-check kung anuman ang sinasabi niya
He connected his phone sa flat screen tv na nasa sala upang marinig namin ng maayos kung anuman ang narinig ni Moonton at upang makita ko na din kung ano ang itsura ko sa video na yun
We all got freeze on what we saw next, my eyes can't get off on the tv screen
It definitely dropped my jaw
I was shocked, no! we all got!
"Okay guys, I-I think we're all just hallucinating w-what we've seen was just an illusion, maybe b-because it's time for dinner so c'mmon let's go and let's have some " ani Natalia na may pangangatog
"Yeah,I-I a-agree" patal na pag sang-ayon ni Freya at saka tumayo
"Uy hihi" someone mouthed
"Sino yun?" tanong ko
"Alin? Luh wag ka manakot" sabi ni Kagura
Ako lang ba nakarinig?
"May tumawag ee, hindi nyo ba narinig?" paninigurong tanong ko
"Stop it, forget about everything. Tayo na at kumain sabing gutom lang yan e" ani Natalia
Isang nakabibinging katahimikan, ramdam ko ang kutob na nararamdaman ng bawat isa, nagpapakiramdaman kaming lahat. Konting kilos at kaluskos lamang ay nagkakatinginan na kami
Natapos kaming kumain na panay tanguan at tinginan lang ang naging pag-uusap namin
I don't know why but I want to say something pero parang ayaw bumuka ng bibig ko
"Ano ba yan, ano bang pinag gagagawa natin ? Para tayong mga bata" ani Turtle
"Yung nakita nyo kanina sa video wala lang yon maliwanag? Ang tatanda nyo na ganyan pa kayo umasta,hindi na kayo nasanay para kayong mga bakla" dagdag pa nito
*** hands clapping***
"T*ng In*!! ~'|•√Π÷×!! naman e parang nakakaloko,sabing itigil na pananakot" ani Kagura na mangiyak-ngiyak na
"Pwede ba tigilan na natin to', mag shoot na kayo sa baba tapos na naman tayo kumain e" saad ni Natalia
"Bukas nalang kaya" sabi ni Immortal
"Oo nga bukas nalang, it's getting late na din konting oras lang ang meron tayo so ipagpabukas nalang natin" dagdag pa ni Moonton
"Yeah,tama kayo matulog nalang tayo" ani Turtle at saka naglakad patungo sa hagdan
Nagpasya na nga kaming magtungo sa kanya kanya naming kwarto upang matigil na ang lahat.
Kasabay kong pumasok si Moskov sa loob ng kwarto naming dalawa. Agad syang dumiretso sa kama niya at humiga.
Pareho kaming walang imik, He's facing the wall habang ako nakatitig lang sa kawalan. Ramdam ko ang bawat paghinga niya, I know he's still awake.
Sinipat ko ang oras mula sa orasang nakapatong sa night stand table na nasa pagitan ng kama naming dalawa ni Moskov.
2:30 am na pala, patuloy lang akong nakikiramdam sa paligid. Hindi ko alam ngunit parang gusto kong lumabas ng kwarto upang tignan kung ano ang kumakaluskos.
"Gusto mo samahan kita"
Nagulat ako ng magsalita si Moskov. Marahil ay naramdaman niya ang pagbangon ko mula sa kama.
"Ah naririnig mo din ba yung kumakaluskos? " tanong ko
"Uhm medyo" sagot nya at agad na naupo sa gilid ng kama niya
"Gusto mo i-check? " tanong niya
"Tara? " sagot ko
Kinuha ko ang flashlight sa drawer at iniabot ang isa kay Moskov
Binuksan nya ang pinto ng dahan-dahan at lumingon siya sa akin
"May anino akong nakita" mahinang sabi niya sa akin at agad sumenyas na sundan ko sya
"Saan mo nakita?" tanong ko na medyo kinakabahan
"Pababa ng hagdan, ewan ko halika sundan nalang natin" wika niya
"Tawagin muna natin kaya ang iba? Baka naman kasi masamang loob yung nakita mo, baka kriminal"
"Wag na ano ka ba, pareho naman tayong lalaki kaya kung masamang loob 'yon ay kaya natin yun" ani Moskov
"Pero babae na ata ako e?" pabulong na sabi ko
"Ha?"
"Ha? Wala, sabi ko oo nga pareho naman tayong lalaki kaya siguro ayos lang kung tayo muna ang humuli kung sino man ang nakita mo" saad ko, buti at may pagkabingi sya
Napadpad kami sa basement ng sundan namin ang aninong tila ba sadyang nagpapakita sa amin kung saan siya patungo.
"Hindi ba't nakakatakot na para bang dinala tayo ng aninong iyon dito? I mean, parang talagang gusto niya tayong mapadpad dito" muling sabi ko ng hindi na namin makita ang aninong kanina pa namin sinusundan
"Nakakapagtaka nga, dito lang siya nagpunta pero bakit di na natin makita. Ilawan mo pa dun sa parte dun" sabi ni Moskov na itinuro ang gawi ng isang lumang aparador
Maya-maya pa ay may narinig kaming isang napakalakas na kalabog, animo'y isang pintuan na bigla na lamang isinara.
Madaling nagtungo si Moskov sa pintuan ng basement.
"Ayaw bumukas" mariing sabi niya
Sinubukan kong buksan rin ito, baka sakaling ako ang makapagbukas ngunit ayaw din kung kaya kinatok katok na namin ang pinto at sumigaw upang marinig kami nila Freya.
"Anong oras na, napapangal na ako kakasigaw ngunit bakit tila hindi nila tayo marinig?" Tanong ni Moskov na sinapo ang kanyang mukha
"Pagod na rin ako kakasigaw, masakit na ang palad ko sa paulit-ulit na pagkalampag sa pinto" sagot ko naman
Naupo si Moskov sa isang telang gagamitin namin na props para sa film na naroon rin lamang sa basement.
Inilatag ko ang isa pang tela at doo'y umupo rin malapit sa tabi ni Moskov.
Tahimik ang paligid, nakakaramdam na ako ng antok ngunit tila ba nakakaramdam rin ako ng konting takot.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang isang mainit na palad na binabaybay ang gitnang parte ng katawan ko.
Nakakaramdam ako ng mainit na sensasyon mula sa kaibuturan ko.
Gusto ko itong nararamdaman ko.
Napaka sarap ng bawat hagod na ibinibigay niya sa akin.
Isang mahigpit na yakap ang sumunod kong naramdaman ng mga oras na iyon na agad ko namang ginantihan ng isang mahigpit ding yakap.
Ang init ng pakiramdam ko at lalo pang nag init ng dumapo sa leeg ko ang isang napaka lambot na labi, ang bawat nyang paghinga ang lalo pang nagpapahina sa akin. Para bang gusto kong sabihin na ako'y kanya ng angkinin.
Dahan-dahang umakyat ang halik na iyon hanggang lumapat na nga ito sa aking mga labi.
I feel something on my down part na para bang may kung anong nilalang na unti-unting nabubuhay.
Tumagal pa nga ang halik na iyon ng ilan pang minuto.
After that kiss, we both breathe heavily na animo'y isang oras nagtagal kahit pa ilang minuto lang naman talaga.
Naghalikan kami ni Moskov at gustong-gusto ko?
Bakit?
Masarap?
Oo, hindi ko itatanggi na masarap nga ang ginawang iyon sa akin ni Moskov
Pero hindi ako bakla
Nagustuhan ko lang 'yon pero hindi ako bakla
Ilang minuto pa kaming nagtitigan ni Moskov, para bang nais ko pang halikan nya akong muli.
*Foot steps*
"Helllloooooo"
"Natalia?" bulalas ko ng mabosesan ko ang tinig ng babaeng nagsabi ng hello
Nasilaw kaming dalawa ni Moskov ng itapat sa amin ni Natalia ang flashlight na hawak niya.
"Anong ginagawa nyong dalawa dito?" tanong niya
Agad naman kaming tumayo ni Moskov at nagkatinginang muli
"Ahh na lock kami dito, may nakita kasi kami kaninang anino. Naisip namin na baka masamang loob iyon" Agad na sagot ni Moskov
"Ahh ganun ba, nagtingin tingin na ako sa labas kanina wala naman akong nakita. Baka guni-guni nyo lang yun. Halina kayo sa taas?"
Kinabukasan ay maagang nagising ang lahat, at heto nanaman ang bessy ko. GINISING NANAMAN AKO.
"Parang puyat na puyat ka bessy, di ka ba pinatulog ni Moskov kagabi? Haha!" Bungad ni Freya sa akin
"Manahimik ka nga dyan bessy" inis kong tugon, ang aga nya mang asar
Bumaba na kami ni Freya upang mag-almusal.
Habang papalapit kami sa lamesa ay agad na nagsiupo sina Turtle, Alu and Saber
"Anong meron? Bakit nagmamadali ata kayo? Anong pinapanuod niyo? Porn ba yan?" Sunod-sunod na tanong ni Freya nang makita nyang may itinago si Turtle sa kanyang likuran
"Porn? Mas malala pa 'to sa Porn. Hahahaha" Agad na tugon ni Turtle at saka tumawa ng pagka lakas lakas
"Luh? May lalala pa ba sa Porn?" muling tanong ni Freya
Lumingon si Turtle kay Saber "Oo naman Freya, caught on cam 'to fresh na fresh. Kagabi lang nangyari" pilyong sagot ni Turtle
Kagabi lang nangyari?
Anong ibig-sabihin ni Turtle
"Patingin Par" singit ko
"Close ba tayo?"
"Hindi, pero pwede ko bang tignan yan?" medyo naiinis na sabi ko, may tinatago talaga siya ee
"Its none of your business dude, wag kang tsismoso.Kalalaki mong tao, ano ka BADING?" mapang-asar na saad ni Turtle
"Hep-hep, tigilan nyo yan ha. Para kayong mga bata aa. Kumain na tayo" hirit ni Kagura na kanina pa kami pinapanuod
~End of Chapter 11
Marami pang mangyayari, at may rebelasyon pang magaganap hindi lang sa ating bida kundi pati na rin sa ibang nga karakter. Abangan 😊
LoveButterfly
04092020