LOVE YOU, PAR 💕 [ON-GOING]

By LoveButterflyWrites

220 32 15

I never had a dream come true, 'till the day that I found you 💕 Published : August 13,2018 Finished : ******... More

Dedication/ Note/Must Read first
P r e a m b l e
Chapter 1: The beginning
Chapter 2: I felt something wrong
Chapter 3: This can't be
Chapter 4: I love you Freya
Chapter 5: Another Shocking Day
Chapter 6: Just a normal day
Chapter 7: Amoy Paminta
Chapter 9: Caught on Cam!
Chapter 10: Guni-guni

Chapter 8:Asarin Nyo Pa ko,Makakatikim Kayo!!

12 1 0
By LoveButterflyWrites

Chapter 8: Asarin Nyo Pa Ko,Makakatikim Kayo!

Ilang oras pa ay napansin kong lumabas sina Zilong at Immortal mula sa bahay at papunta sa kinaroroonan ko

Kumaway sila at ginantihan ko rin naman ito ng isang simpleng pagkaway bilang tugon

Nang makalapit sila ay umusog ako upang bigyan sila ng pwesto

Tumabi sa akin si Immortal at naupo naman sa malaking bato si Zilong

"Naiinis ako sa ugali ng mga yon" ani Immortal

"Ganun din ako Par" saad ni Zilong

"Ikaw ba Par? Naiinis ka din ba kaya ka lumabas?" tanong ni Immortal

Nagkibit balikat lamang ako bilang tugon sa tanong niya

Maya-maya pa'y narinig namin ang sigaw ni Freya mula sa di kalayuan

"Mga kupaaalll!! Tara na!" paulit-ulit na sigaw ni Freya

Nag okay sign si Immortal upang hindi na muling sumigaw si Freya, paulit-ulit ba naman kita ko na yung kalembang nya sa sobrang pagbuka ng bibig

Agad kaming lumapit sa kanya at baka mag transform pa sya into halimaw mahirap na

"Hoy kupal, ano nanaman yon ha?" tanong ni Immortal habang pisil pisil ang magkabilang pisngi ni Freya

"Aw ah-aray ray ray , Araay kase kupal bitiwan mo ko" angal ni Freya

"Heroes never faaadeeee!" sigaw ni Zilong at akmang sasapakin si Immortal

Mabilis na tumakbo si Immortal at agad na kinuha ang panungkit sa gilid, ganun din si Zilong.

Huminto si Immortal at agad na pumormang tila ba isa syang matapang na mandirigmang handang magbuwis ng buhay

Nagtitigan ang dalawa at agad nag laban

"Para silang mga bata" saad ko ngunit napatigil ako

Napansin kong tuwang-tuwa si Freya sa kakulitan ng dalawa habang kinukunan ang mga ito ng video

Napangiti ako ng makita ko ang maaliwalas na mukha niya at pinagmasdan siya, agad kong binawi ang tingin ko nang tumingala sya sakin at sinabing

"Mga baliw talaga sila, kaya masaya kong nakilala natin sila" sabay hampas sakin

"Ah oo nga ee, buti nalang" sagot ko

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot, may parte sakin na masaya dahil oo tama si Freya masaya silang kasama dahil makukulit sila ngunit hindi ko pa din maalis sa isip ko na ang malas ko dahil dumating sila sa buhay namin ng bestfriend ko.Lalong lalo na si Zilong

Kung hindi dumating sa buhay namin si Moskov ay tiyak na hindi rin makikilala ni Freya si Zilong

Alam kong mali ngunit wala akong magagawa dahil ayun naman talaga ang totoong nararamdaman ko

"Hoy tama na nga kayo dyan, ang init-init para kayong mga tanga dyan" hiyaw ni Freya sa dalawa

"Heto na nga po Maam" sagot ni Zilong

"Ikaw kasi kupal ka, kung di dahil sayo di kami maglalaban nitong Jowa mo.. hooo!!" sabi ni Immortal habang sunod-sunod ang paghinga

(N/A:Sabi ko na may future yan sa pagka aso ee, o baka aso sya sa past life nya? hahaha)

"Haysst sinabi ko ba kasing habulin mo yan si kupal" ani Freya habang pinupunasan ang mukha ni Zilong

(N/A:Huwaw ang sweet sarap batukan)

"Tigil-tigilan nyo nga yang kakaganyan nyong dalawa.Maghihiwalay din kayo" sabi ni Immortal with a sounds of bitterness

"Sus!Selos ka lang dyan e" tukso ni Zilong

"Luh baliw,tara na nga ano ba kasi gagawin kupal bakit mo kami tinawag?" baling ni Immortal kay Freya

"Ise-set na po kasi natin yung place noh? Hindi tayo nagpunta dito para magbakasyon" masungit na sagot ni Freya

"Edi O-kaaayy" mapang-asar na sabi ni Immortal

"Kukutusin kita dyan e" ani Freya

Pagdating sa underground floor ay nadatnan naming hinahanda ni Moskov ang mga props na gagamitin namin

"Wow! Amazing! Ikaw gumawa nito kuya Moskov?" tanong ni Freya sabay turo sa mga pekeng spider web

"Ah oo, simple lang yan gusto mo turuan kita" sagot ni Moskov na hindi manlang lumilingon

Seryoso ba sya?

Anong meron sa kanya

"Uhm ano pwede kong itulong?" tanong ko

"Ikaw daw yung gaganap na kalansay na nakasabit dun sa may gilid" pamosong sagot ni Immortal sabay tawa ng pagka lakas lakas

"Oh talaga? nakakatawa" sagot ko na kunwari'y di natawa sa sinabi nya

"Oo ang payat mo kasi bagay sa kalansay role kupal ka" pang-aasar pa lalo niya

"Gusto mo ikaw isabit ko sa gilid, itatali ko yang leeg mo" pananakot ko

"Wow,galing ang galing galing neto, Idol ko na to" ani Immortal habang marahang pumapalakpak

"Isa pa iipitin ko yang leeg mo sa pintuan sige lang!" sabi ko na kunwari'y naiinis

"Hoy hoy hoy tumigil nga kayong dalawa dyan pag-untugin ko mga ulo nyo dyan e, ulo sa baba " awat ni Zilong

"Mahal naman ano ba! Siraulo ka isa ka pa dyan e!" saway ni Freya kay Zilong at hinampas niya ito ng bahagya

"Wow mahal daw, ang sakit sh*t" bulong ko sa sarili ko

"Oh nabuang nanaman yung kalansay" panimula nanaman ni Immortal

"Hindi ka ba talaga titigil!Napipikon na talaga ko sayo ha, mainit ulo ko ngayon tigil-tigilan mo na ko" seryosong sabi ko

Naiinis na talaga ako, badtrip na ko kay pagong,badtrip pa dahil harap-harapan akong nasasaktan dahil sa nakikita ko tapos ang lakas lakas pang mang-asar ng imoral na immortal na to.

"Uhm.."

Napalingon ako kay Moskov

"Bakit Par, kailangan mo ba ng tulong?" tanong ko

"Ah oo sana isasabit ko sana to' doon" sagot niya sabay turo sa kisame

"Okay sige tulungan na kita, ako na magsasabit nyan" pagpe-presinta ko

"Ayan isabit mo na yang sarili mo tama yan" singit ni Immortal

"Asarin nyo pa ko,makakatikim na talaga kayo" seryosong sabi ko

"Ito ito asar ng asar,bilis-bilisan mo na dyan para makasimula na tayo maya'maya " paghabol na saway ni Freya

"Hmp!" tugon ni Immortal

"Luh, bakla ka maka hmp parang di tunay na lalaki, kumbaga sa lakad may kembot" pagbibigay pansin ni Freya

"Oy sister tumpak ka dyan pak! give me five! Pak!" sabi ni Zilong na nagbakla-baklaan

"Tse! Tumigil ka dyan mahal" ani Freya

"Huy!" bulyaw ni Moskov sa akin

"Ay sorry" gulat na tugon ko

"Selos..." mahinang banggit ni Moskov

"Di ah.." sagot ko

"Halata kaya" pagpupumilit niya

"Okay, uhm pwede angat mo pang konti?" sabi ko habang pilit inaabot ang tubong pagkakabitan ko ng tali

Gaya ng utos ko, agad na itinaas ni Moskov ang mannequin

"Usod mo pang konti sa bandang kanan" utos naman niya sakin

"Ayan okay na ba?" tanong ko ng maiusad ko ang mannequin base sa utos niya

Sinipat niya ito mula sa ibaba

"Ah ayan okay na tama na,pwede ka na bumaba.Salamat sa tulong mo" ani Moskov

"Wala yun,wala naman kasi ako maitulong " sabi ko

Nang matapos ang pagse-set namin sa shooting place ay umakyat muna kami upang kumain. Inabot na din kasi kami ng ala-singko y media ng hapon

"Asan pala si Moonton?" tanong ni Freya ng marating namin ang sala

"Oo nga ano? Hindi pala yun tumulong satin, madaya" ani Immortal

"O tapos na din kayo?" tanong ni saber na naabutan naming ang sarap ng higa sa sofa

"Sa setting oo tapos na pero mamaya kami mag shoot after dinner" sagot ni Moskov

"Ah okay" tipid na sagot ni saber

Nakita kong bumaba si Kagura mula sa hagdan, mukhang galing sya sa kwarto sa itaas

"Ate Freyaaa" tawag niya

Napalingon si Freya na halatang nagulat.

huh?.....

Sumagot sya sa pamamagitan ng pagbuka ng bibig na walang anumang boses na lumabas

Sumenyas si Kagura, inaanyaya si Freya na lumapit sa kanya at tumuturo ito sa taas

Nang makalapit si Freya ay bumulong si Kagura.Tumango naman ito at dumiretso papunta sa second floor si Freya

Marahil ay tungkol lang ang bagay na pinag-usapan nila sa mga bagay na pangbabae lamang kung kaya't naupo na lang ako sa couch habang hinihintay ang oras ng pagkain.

Maya-maya'y narinig namin ang hiyaw ni Freya. Napatayo ako sa pagkagutla at mabilis na binaybay ang hagdan patungo sa itaas, wala na akong pakialam sa kahit na sino. Kailangan kong tignan kaagad kung anong nangyari

"FREYAA!" tawag ko sa pangalan niya habang isa-isa kong binubuksan ang bawat kwarto

Huling kwarto na, ang kwarto namin ni Moskov. Walang pag-aatubili kong binuksan ang pinto at....

~End of this Chapteee~

  Ano kaya nangyari? 😂😂

Continue Reading

You'll Also Like

428K 51.7K 92
ආවා නම් කියෙව්වා නම් කමෙන්ට් එකක් දාලා පලයං...
37K 3.9K 78
" වීරන්කෙඩුව වලව්වේ පුංචි හාමු අවසරද මට......... පුංචි පැටියගේ චූටි අප්පච්චි වෙන්න " - නිලූෂ සත්සිදු -
104K 234 18
These are stories of people giving birth -multiple stories-
64.3K 963 65
What the title said. You are a Worker Drone BTW Slow Updates because My motivation is dying.