✔The Playboy S.A

By luxylightbringer

195K 3.3K 477

Rein Lucas Anderson is a handsome and hot chick-magnet playboy on their campus. Girls like him a lot; they wo... More

PLAYBOY(ANDERSON#1)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
EPILOGUE
Author's Note
Special Chapter
Christmas Special 2019

Chapter 20

1.6K 39 2
By luxylightbringer

Kinabuksan ay pumasok na ako sa school. Nagtext sakin si Rein na hindi nya raw ako masusundo dahil late na syang nagising. Nalungkot tuloy ako.

"Ruan! Tara sa canteen!" Niyaya ako ni Min na pumunta sa canteen since break time na.

Although, nagpadala na naman si Rein ng sandwich at milk, pumayag naman ako dahil gusto ko rin sanang makita si Rein.

Pagdating namin sa canteen, nakita ko agad si Rein na nakikipagtawanan sa dalawang babae. Napakunot agad ang noo ko sa kanya.

Ang alam ko kaklase nya yung dalawa, nakita kong marami silang libro at pagkain sa mesa nila. Napakagat ako ng labi at hindi sya pinansin, dire diretso lang kami ni Min papunta sa counter.

"Uy Ruan! Yung baby mo oh"bulong sakin ni Min.

"Pabayaan mo sya"inis na sabi ko.

"Ay? Mag LQ kayo?"

Umiling iling nalang ako at bumili ng pagkain(kahit hindi ako gutom), pagkatapos ay lumabas na agad sa canteen pero bago yun ay nagtama pa ang mga mata namin ni Rein. Umiwas nalang ako at lumabas na sa canteen.

What's with him? Nambababae ba sya?!

Hindi kami nagsabay maglunch. Ewan ko kung bakit hindi nya manlang ako pinuntahan kaya sumabay nalang ako Min Ethel kanina.

Maaga naman akong pumasok sa duty sa library, pero hindi ko inaasahan na mas mauuna pala sakin si Rein. Naka backpack pa sya at nakikipag usap kay Ms.Librarian.

"Ayos lang naman kung hindi ka makakapasok ngayon"

Huh? Bakit hindi sya mag d-duty ngayon?

"Thank you maam! I'm sorry for the inconvenience"

"Nako ikaw pa ba! Sige na, goodluck bukas!"

Aalis na sana si Rein ng makita nya akong nasa pinto. Hindi pala sya papasok? Bakit hindi nya manlang sinabi sakin? At bakit kanina nya pa ako hindi pinapansin?!

Ilang segundo kaming nagkatitigan pero umiwas agad ako at nilagpasan na nalang sya. Nagpunas nalang ako ng mga shelves, nilabas ko dun yung sama ng loob ko kay Rein.

Nakakainis! Ano bang nangyayari samin?!

"Hey..."

Napatingin ako sa gilid ko, nasa tabi ko na pala si Rein habang nakahawak sa magkabilang strap ng bag nya. Fudge... he's so cute! Para syang elementary!

"H..hey" awkward kong sabi.

"I will go to my classmate's house"

"For what?"taas kilay kong tanong.

"Uhh.. magrereview kami"he said.

"Review? Sinong kasama mo?"

"My two classmates"

"Sinong classmate? Yung dalawang kasama mo sa canteen kanina ha?" Hindi ko na mapigilan ang inis sa tono ko.

"Yeah. They're my classmates"saad nya.

Napakagat nalang ako ng labi at umiwas ng tingin. Damn! Jealousy is striking me right now!

"We're just going to review, yun lang"

"Then go. You don't need to inform me"sabi ko.

"Why wouldn't I? You are my girlfriend"

"Hindi naman ako maghihigpit, you can do whatever you want"

"Really? I can?" Taas kilay nyang sabi.

"Yeah. Just do whatever you wanted to do-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng isandal nya ako sa book shelves at mariin akong hinalikan.

Awtomatikong tumugon ang katawan ko at niyakap sya leeg. Fudge, my body is moving on its own!

He bit my lower lip as we parted to each other. Parang kanina pa sya nagpipigil sa paghalik sakin.

"You said I can do whatever I want. Walang bawian Ruan ah?" He gave me a serious look.

I blink twice 'cause of shock.

"B..bakit ko babawiin? Sinabi ko na" sabi ko.

He grinned at muli akong hinalikan, mas mild nalang ngayon at gentle. Pero itinulak ko sya ng mahina at sinamaan sya ng tingin.

"Sandali nga? Bakit nanghihingi ka ng assurance na pwede mong gawin lahat? Bakit? May gagawin ba kayo ng mga classmates mong babae sa bahay nila ha?!"

Napakunot sya ng noo sakin.

"Gagawin? Meron, mag rereview"sagot nya.

"Rein Anderson!"inis na sabi ko.

"What? I'm telling the truth!"medyo inis nyang sabi.

"Siguraduhin mo lang"inis na sabi ko.

"Bakit? Porket playboy ako dati hindi mo na ako pwedeng pagkatiwalaan?"

I stop for a moment and stare at him. Bakas ang lungkot sa mga mata niya. I didn't mean that way! Pero... yun nga ang nasa isip ko. Ewan! Hindi ko maiwasan! Bakit kasi hindi nya manlang ako pinuntahan kanina sa room? Imbes na ako ang kasama nya, nakikipagtawanan sya sa mga babaeng yun kanina!

"I..I didn't say that"sagot ko at napaiwas ang tingin.

"But you sound like one"

The awkward silence covered us for a moment hanggang sa bumuntong hininga sya at inalis ang pagkakakulong ko sa braso nya.

"Just go straight to your home after your duty here, bye" he kiss my forehead and walk away.

I felt so much guilty when he left. Argh.. why am I acting like this?!

**

Pauwi na ako ng matapos ang duty ko. Paglabas ko ng school ay may nakaabang ng kotse at binuksan ang bintana.

"Ruan!! I'm here!!"kumaway kaway sakin ang pinsan ni Rein.

"Alexa?"nagtatakang kong sabi.

"The one and only pretty!"ang laki ng ngiti nya sakin.

"Uhh.. what exactly are you doing here?"

"Oh, I'm here to fetch you! Sabi kasi ni Rein na hindi ka nya maihahatid kaya sakin ka nya hinabilin! Let's go na!"

Binuksan na nya yung pinto ng passenger seat kaya hindi na ako nakatanggi at pumasok sa kotse.

"Uhh.. salamat Alexa"sabi ko agad.

"No worries! Gusto din kasi kitang makasama! So.. wanna have some coffee?"nakangiti nyang sabi.

"Ano...sabi kasi ni Rein na deretso uwi na ako. Baka magalit sya"saad ko.

"Naku! Bayaan mo yung panget na yun! Pag inaway ka sagot kita! Starbucks tayo! My treat!" Hindi pa ako nakakasagot ay pinaandar nya agad yung kotse.

Napabuntong hininga nalang ako, ang kulit pala ng pinsan ni Rein. Pero aaminin kong magaan ang loob ko sa kanya, pano kasi ang jolly nya at mukhang mabait.

"So..Ruan Lacsa tama? 18 years of age, nasa senior high school and currently taking up a Humms strand?"

Napalingon ako kay Alexa na nakangiti habang nag d-drive.

"Stalker ka ba?"

"Yes! The first time Rein told me about you, kumuha na agad ako ng informations about sayo"

"So.. he talks about me?"hindi ko maiwasang mapangiti.

"A lot! Nako, ikaw lagi ang bukambibig ng panget na yun. Nakakarindi na nga minsan! But.. that's my first time seeing him happy talking about a girl! Noon kasi wala gana yan mag kwento sa mga babae"saad nya.

Hindi ko maiwasang mapangiti, ewan ko! Biglang na boost yata ang energies ko. Nang makarating kami sa starbucks ay umorder kami ng frappe at sweets.

"So..kinukwneto pala ako ni Rein sayo. Anong mga sinasabi nya?"interesado kong sabi sa kanya ng makaupo kami.

"Well.. sabi nya nung una masungit ka pero halatang may crush ka sa kanya so he grab the chance to flirt with you" napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

Ang kapal naman ng mukha ng mokong na yun! Ako pa talaga yung may crush sa kanya huh?

"At first he really just wanna flirt with you, until you show him the behavior that can melt his heart-well I guess this is the reason kung bakit sya nahulog sayo agad. Kasi pinaramdam mong mahalaga sya at hindi sya nag iisa"

"I..I did?"

"Remember when you took cared of him on the library incident? Na kwento nya yun sakin. If you just saw him wearing a big smile and his glittering eyes while telling the story, matutuwa ka talaga. Hindi mo akalain na ang playboy na lalaking yun ay maiinlove din pala-that's a big achivement for him"natatawa nyang sabi.

"B..bakit ba sya ganun? Bakit ba sya babaero dati?"curious kong tanong.

Ito ang tanong na dati ko pa gustong malaman. Bakit ba sya nagkakaganun noon?

"Well... I don't know if I have the rights to tell you this but... okay I'll spill it, just don't tell him okay?"paninigurado nya.

Tumungo tungo naman ako.

"Actually Rein's past is really miserable, his mom got raped by his dad-my uncle who's the CEO company of our family. Secretary ni uncle ang mommy ni Rein noon but never in her entire life na nagustuhan nya ang daddy ni Rein dahil may boyfriend ito. At isa pa, kilala na si uncle bilang isang babaerong lalaki kaya hindi talaga sya gustong patulan ni mommy ni Rein"

"But after that rape incident, gustong magsampa ng kaso ng mommy ni Rein laban kay uncle dahil may nakuha syang matibay na evidence laban sa dad ni Rein. Pero nakiusap si uncle na wag syang sampahan at bilang kapalit, ginusto ng magulang ng mommy ni Rein na ipakasal sila para sa pera"

"Lalong nagalit ang mom ni Rein sa sitwasyon-she doesn't want the money of my uncle, ang gusto nya ay makulong ito but she can't do anything with her parents decision because she's still young that time. Naisipan nyang ipalaglag noon si Rein kung hindi lang dahil kay lolo Roger"

"A years passed. Rein was so young that time, he witnessed many fights of his parents. Actually, ni hindi sya itinuring na anak ng parents nya. His father is busy with business and his babes while her mother have a boyfriend that time"

"Doon namulat agad si Rein sa salitang pangangaliwa, he saw in his own eyes kung paano mangaliwa ang mga magulang nya sa isa't isa. At a young age, he witnessed his dad doing a sex with different women as well as his mom with his boyfriend"

"When he reached the age 7, his mom left him. Iyak sya nun ng iyak, kahit hindi pinaramdam na mahal sya ng mom nya ay pinigilan nya parin itong umalis but he failed. On the other hand, his father flew away in New York for his business, doon sya tumitira until now. I am living in Australia that time because my dad is an Australian, lolo Roger is also with us because my mom wants to monitor of his health condition"

"Naiwan si Rein sa mansion na puro katulong ang kasama nya. Nag hire si lolo ng personal yaya nya but still he feel so alone. At the age of 15 humingi ng condo si Rein sa dad nya at lumipat ng nag iisa-binibigay naman ng dad nya ang mga luho nya pero hindi parin sya nito binibigyan ng importansya"

"Every summer umuuwi kami ni lolo dito, that's why naging close kami ni Rein. Sa akin nya palaging kinukwento ang tungkol sa mga babae nya, pinagsasabihan ko nga sya na itigil na pero tinatawanan nya lang ako. Maybe because of his past, nakita nya noon ang mga gawain ng parents nya kaya baka namulat sya na tama ang ginagawa nya"

Walang lumabas na kahit ano sa bibig ko. Hindi ako makapagsalita sa napakahabang sinabi ni Alexa. Basta ang nararamdaman ko ngayon...

Awa.

Naaawa ako kay Rein dahil sa mga pinagdaan nya noon. Dahil sa pamilyang meron sya, ibang iba sa pamilyang meron ako. Wala man si papa ngayon, malinaw naman sakin yung mga panahong masaya ko syang nakasama-hindi tulad nya na kahit isang beses ay hindi nya manlang nakasama o nakabonding ang parents nya.

Kaya ba ganun na lang sya kailap pag ino-open up ko ang topic about sa parents nya?

"Rein is so hungry from love and care... at ikaw ang nagbibigay nun sa kanya Ruan. That's why he fell inlove deeply with you so easily. Thanks to you"nginitian nya ako.

Napahigop tuloy ako sa frappe ko. Dahil sa mga nalaman ko mas lalo akong maguilty sa mga naiisip ko kay Rein. Akala ko likas lang ang pagkababaero nya noon, yun pala may pinagdadaanan talaga sya.

"Salamat Alexa, ngayon mas malinaw na sakin na hindi ko sya dapat husgahan. I will make him feel that he's not alone anymore, that there is me behind him ready to share with his burden. I will love him more and take care of him-hindi ako magiging girlfriend lang, gusto ko bestfriend din kami at magkapatid"

"Aww.. so corny yet so sweet! Ano ba yan! Pareho na kayo ni Rein!"

Natawa ako sa kanya at napangiti ng maliit. Parang gusto ko tuloy makita si Rein ngayon at yakapin sya ng sobrang higpit.

Kinuha ko namana ng phone at tinawagan sya. Agad naman nya itong sinagot kaya napangiti ako.

"Hello Rein?"

"hello?" Nagulat ako dahil babae ang sumagot.

"who are you? Bakit na sayo ang phone ni Rein?"

"Bumangga yung kotse ng may ari ng cellphone na 'to, tumalsik kasi sa kalsada. kakadala lang nya sa ospital. Susundan ko sana para ibalik. Sino po ba ito?"

"ANO?!"

**

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 1.7K 34
Jillian Ylesha Fuentes. Isang mabait at simpleng babae. Wala na siyang ibang pamilya bukod sa Daddy niya. Lahat ng mga bagay ay binigay na ng Daddy n...
1.5M 17.7K 45
Isang dalagang nangangarap ng isang normal na buhay paano kung nasa tyan pa siya ng Mama niya may umangkin na sa kanya na ibang tao, wala siyang kaal...
301K 3.8K 47
"Falling in love with him is the best thing I ever did. I love you Reid Vincent Finn." -Blaire *SANA PO MA-ENJOY NYO. THANKS PO!!!!! AND PLEASE DON"...
124K 2.4K 41
[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD