Hunyango (Published under Bli...

By Serialsleeper

1.9M 103K 68.3K

Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbab... More

Note
Epigraph
just a little heads up
1 : Lucky Savi
2 : Torryn Grove
3 : Serial Killer Paradise
4 : The longest night
5 : Or so she thought
6 : Immune
8 : Coocoo
9 : The Family
10 : Discovery
11 : Bloodshot
12 : Retrace
13 : Could it be?
14 : Trick
15 : Doppelgangers
16 : Provoked
17 : Pieces
18 : Dead Ringer
19 : Teamwork
20 : Hunyango
21 : Truth or Trick
22 : Wrong place at the worst time
23 : People like us
24 : Purpose
25 : Not so lucky Savi
26 : The Lucky one
27 : The Quicksand
28 : Consumed
Epilogue
Good News!

7 : New kind of Burn

53.3K 3.1K 4.4K
By Serialsleeper



"Pangako, babayaran kita agad," paniniguro ko kay Eddie matapos akong umutang sa kanya dahil naiwan sa Mt. Torryn ang wallet at iba ko pang kagamitan.

"100 peso interest per day," antok niyang biro at ngunguto-ngutong bumalik sa kanyang kama para matulog ulit. Palibhasa day off niya sa trabaho at sa gabi pa ang pasok niya sa university.

"Kaya mo ba talagang pumasok ngayon?" Pikit mata niyang tanong habang kinukumutan ang sarili.

"Yeah. I'm okay," paniniguro ko.

Walang uniform sa pinapasukan naming University kaya naman nagsuot ako ng black pullover para matago ang mga pasa at sugat na nakuha ko mula sa Mt. Torryn. May mga sugat din ako sa noo kaya sinuot ko ang Beanie ko. Mabuti na lang at rainy season ngayon kaya naman may excuse ako sa kasuotan ko.

Habang pababa ng hagdan, rinig ko ang kalansing ng mga kubyertos mula sa kusina. Wala akong balak mag-agahan lalo na't alam kong makakasabay ko lang si Papa at makikita ko siyang tinatrato na parang alila si Mama. 

Aalis na sana ako nang marinig ko si Mama na tumawag sa akin.

"Anna, hindi ka ba mag-aagahan?"

Lumingon ako at nakita kong may hawak pa siyang sandok.

Umiling ako. "I don't eat breakfast."

Tumango si Mama at marahang ngumiti. "Agahan mong umuwi mamaya. Nami-miss na kitang kasabay sa hapunan. Ingat ka sa school ha?"

Parang may kumurot sa puso ko. Para akong naiiyak na ewan kaya hinigit ko ang hininga para tatagan ang sarili.

"Ano ba! Asan na ang kape ko?!" Narinig ko ang sigaw ni Papa mula sa kusina kaya mabilis na napalingon si Mama sa direksyon nito.

"Sandali lang!" Gaya ng dati, napakalambing pa rin ng tono ng pananalita ni Mama kay Papa kahit sobrang sama na ng pakikitungo nito sa kanya.

"Medyo masakit ang ulo ng Papa mo ngayon kaya medyo bugnutin," Mama joked. As usual, she's trying not to make a big deal out his behavior by coming up with the lamest excuses. Ganyan ba talaga niya kamahal si Papa at nagbubulag-bulagan na siya kahit sobrang mali na? If this is what you call love, then count me out. I'd rather love myself than anyone else.

"Teka kukuha lang ako ng baon mo," aniya kaya naman mabilis ko siyang pinigilan.

"'Wag na po, may trabaho naman ako. Una na ako," paalam ko na lang.

"Ba't iika-ika ka? Okay ka lang?" tanong ni Mama kaya nahinto ako sa paglalakad.

"Yeah. Just a little tired from hiking." I shrugged and lied flawlessly. 


Paglabas ko ng gate, nagulat ako nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Mabilis akong napalingon.

"Burn?" Nagulat ako at labis na nagtaka nang makita ko siyang nakatayo sa kabilang kalsada. Kumaway-kaway pa siya sa akin habang may malapad na ngiti sa kanyang mukha.

Tumawid siya ng kalsada at lumapit sa akin, hindi natanggal ang ngiti sa kanyang mukha. Ibang-iba ang Burn ngayon. May kakaiba sa ngiti niya. Sobrang gaan at sobrang maamo. Kung hindi ko lang kilala si Burn, aakalain kong sobrang inosente niyang nilalang.

Last night was the first time I saw him smile... genuinely. Truth be told, it was a smile that I couldn't explain.

"Savannah! Hi!" Bati niyang muli sa akin. Pangiti-ngiti habang nagkakamot ng ulo na para bang nahihiya. 

Kinilabutan ako bigla sa kilos ni Burn. Dahil ba 'to sa nangyari sa kanya kagabi? Sobrang lakas ba ng pagkakabagok niya at naalog ang utak niya? May kinalaman ba dito ang near-death experience niya kagabi?

"Hi?" Sinubukan kong ngumiti pero hindi ko pa rin naiwasang ngumiwi. Naglakad na lang ako.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Burn na humabol sa akin sa paglalakad.

"I should ask you that. You almost died last night. I even thought you were dead." Napatingin ako sa kanya at lalo pa akong nagtaka nang mapansing pareho pa rin ang suot niya kagabi. Oo nga at may benda na ang kanyang noo at naka-cast pa ang kanyangbraso, pero may bahid pa rin ng natuyong dugo ang kanyang braso at brown denim jacket.

"Hindi ka ba umuwi sa inyo?" tanong ko.

"Sinundo ako ng mag-asawa, dinala ako sa kanilang tahanan pero ayoko doon," aniya kaya mas lalo pang nakunot ang noo ko.

"You mean your parents?" Napasinghal na lang ako. "I wonder if your parents even know you sell drugs," bulong ko sa sarili dahil sa inis.

"Drugs?" tanong niya kaya tuluyan ko siyang sinamaan ng tingin. 

Kung makatanong akala mo kung sinong inosente! Eh siya nga ang nagbebenta ng drugs sa Papa ko!

"M-may kasalanan ba ako?" Inosente niyang tanong sabay turo sa kanyang mukha. Wait is he being sarcastic?!

"Wow ha? Hiyang-hiya ako sa'yo!" Kung hindi lang talaga ako hirap sa paglalakad, nag-walk out na ako. 

"Savanna 'wag! 'Wag kang mahihiya sa akin!" Mabilis siyang umiling-iling habang nakaawang ang labi. 

Nahigit ko ang hininga dahil sa sobrang inis. The nerve of this duck to act all sarcastic!

"Duck you!" Bulyaw ko sa kanya at pinilit na mas binilisan ang paglalakad dahil sa sobrang inis.

"Duck? Yung pato iyon diba?" Tanong niya kaya napasigaw na ako sabay takip sa dalawa kong tenga.

Ilang sandaling naging ganun; iika-ika akong naglakad habang tinatakpan ang dalawang tenga. 

Makaraan ang ilang sandali, pakiramdam ko ay okay na kaya naman dahan-dahan kong ibinaba ang mga kamay mula sa tenga ko. Napalingon ako at muli akong napairap sa inis nang makitang nakasunod pa rin pala si Burn sa akin. Nakuha pa nitong kumaway at ngumiti.

"Hi?" aniya.

"For duck's sake! Ano bang problema mo?" Nahinto ako sa paglalakad habang hinahabol ang hininga.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa hindi makapaglakad nang maayos. Gusto mo alalayan kita?" tanong niya sabay lahad ng kamay para sa akin.

Napatitig na lamang ako sa kanyang mukha. Ibang-iba talaga siya ngayon. Kung dati ay lagi siyang may madilim at maangas na ekspresyon, ngayon ay parang napakagaan na nito. He looks so warm and at ease, far different from the Burn with the menacing looks and sluggish demeanor.

"Did you hit your head last night?" tanong ko.

Umiling siya at naiwang nakaawang ang bibig.

"Why the duck are you even following me?" tanong ko ulit at tinaasan siya ng kilay.

"G-gusto ko lang naman masigurong okay ka," he said as he pouted and scratched his head like he's being all shy all of a sudden. He even bowed his head down like he was scared to look me in the eyes.

"Are you high?!" Bulalas ko.

What the hell is wrong with this guy?! 

"I'm okay. Now get lost!" I yelled again.

"P-pero pupunta ka sa University diba?" he asked again with his head down and eyes fixed on the pavement. Why is he acting all shy and innocent? This isn't like him! There has to be a catch for this! Is he trying to fool me? To trick me?

"Pupunta rin ako sa University. Doon din ako nag-aaral diba?" sabi niya pa.

 This guy is just unbelievable. Maybe the drugs finally ducked up his head.

"You're really going to school looking like that?" tanong ko sabay turo sa damit niyang marumi pati na braso niyang naka cast.

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa akin. "May mali ba sa mukha ko?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na ako dahil sa sinabi niya at sa paaran ng pagkakasabi niya. Para talaga siyang natakot.

"Damn, you really must've had one hell of a concussion huh?" tanong ko.

"Con-concussion?" kunot-noo niyang sambit.

Napabuntong-hininga na lamang ako sabay pabirong tapik sa balikat niya. "If it makes you feel any better, matagal ka na namang siraulo."


Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating namin ang sakayan ng jeep. Hindi ko siya kinikibo kahit pa nakasunod lang siya sa akin. Hindi rin naman siya nagsasalita kaya hinayaan ko na lang din.

Hanggang sa jeep, sumama rin siya. Nakuha pang tumabi sa akin.

Nakita kong bumunot siya ng pera mula sa kanyang bulsa; mga kunot-kunot na perang papel. Ni hindi niya ito tiningnan at inabot niya agad ito sa mga katabi.

"Sandali!" Pigil ko at agad na inagaw sa kanya ang pera niya. "Nasisiraan ka na ba talaga?!" 

"Siraulo ba talaga ako?" tanong niya bigla kaya nagtawanan tuloy ang mga pasaherong nakarinig.

Napailing na lamang ako dahil sa sobrang konsumisyon. Ako 'tong nahihiya para sa kanya. 

Kumuha na lang ako ng bente mula sa kanyang mga pera at ibinalik ito sa kanya. "Itago mo 'yan."

Para naman siyang batang masunurin na mabilis tumango. 

"Ilan 'to?" tanong ng driver matapos maipasa sa kanya ang bente. 

"Isang pirasong pera lang po," sagot ni Burn kaya nagtawanan muli ang mga pasahero.

Napatakip na lang ako sa mukha dahil sa sobrang hiya. "Dalawa po!" Sigaw ko na lang. Sa sobrang konsumisyon kay Burn, isinali ko na ang sarili ko sa bayad niya. Bahala siya. Pakunswelo na lang 'to sa lahat ng sakit ng ulo na idinulot niya.


Hindi nagtagal, pumara na ako nang marating ang Cafe. Dito ako laging nag-aagahan bago pumasok sa University. Pag-aari rin ito ng mga magulang ni Maya kaya minsan ay nakakalibre ako.

"Good Morning, Savi!" bati sa akin ng mga waitress na kakilala ko na rin.

"The usual po," sabi ko lalo't alam na naman nila ang karaniwan kong order.

"Nagbe-benta na kami ngayon ng Pizza, gusto mo 'yon naman?" tanong niya kaya mabilis akong tumango. A change wouldn't be so bad.

Pagkaalis ng waitress, nagulat ako nang biglang sumulpot si Burn at naupo sa harapan ko.

"What the duck, Burn?!" bulalas ko sa sobrang gulat.

"Burn? Ako ba 'yon?" seryoso niyang tanong sabay turo sa kanyang mukha.

"Wait, you don't know your name?!" I hunched over the table as I looked directly at his eyes, trying to find a hint of deception in his eyes. However, all I saw was panic and confusion in his eyes. 

Napalunok siya at agad na umiwas ng tingin. "Siraulo ako."

At talagang inamin na niya.

"Seriously, Burn. What the hell is wrong with you? Is this some trick? Because if it is--" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla na lang lumapit ang waitress dala ang pizza na inorder ko.

"Ayos ka lang, Savi?" Makahulugang sambit ng waitress sa akin kaya tumango ako. 

"Salamat," sabi ko na lang. Bago umalis, binigyan pa ng waitress nang mapagbantang tingin si Burn. Marahil, alam din nito ang tungkol sa reputasyon ni Burn.


Napabuntong-hininga ako nang kaming dalawa na lang ulit ni Burn ang natira sa mesa. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Ano?" Pataray kong tanong.

"Siraulo ako. May mga bagay akong hindi alam at naalala pero pangako, hindi kita sasaktan. Patawarin mo rin sana ako kung nabigyan kita noon ng rason para magalit." The way he spoke was so gentle and calm. He looked like Burn but the way he spoke, it felt like he wasn't Burn.

"Sino ka at anong ginawa mo kay Burn?" bulalas ko.

Namilog ang kanyang mga mata at mabilis siyang umiling. Sinubukan niyang magsalita ngunit nautal-utal siya.

"Joke lang!" Bawi ko habang pilit na pinigilan ang tawa ko. "Holyducks, you really hit your head pretty bad last night huh?"

He heaved a deep sigh and closed his eyes shut. "Oo.. ganun nga."

"Ano nga pala ang pakay mo? Ba't ka nagpunta sa bahay? Si Papa ba ang pakay mo? Wait, baka naman high ka lang?" I asked but before he could even answer, I heard a stomach grumble. I looked at him, unsure if it was mine or his.

"Gutom ka na?" tanong ko. 

Napahawak siya sa kanyang tiyan at napaawang sa kanyang labi. "M-may kakaiba akong nararamdaman sa tiyan ko, gutom ba iyon?"

"Burn, you should've stayed at the hospital. Mukhang malala ata talaga ang pagkakabagok mo." Oo nga at malaki ang galit ko sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasang mabahala dahil sa kilos niya. 

He shook his head and smiled.

I've never seen him this calm and gentle before. 

It felt as if the flame inside him was doused until that's left is a cold breeze of innocence. 

Napailing na lamang ako at kumuha ng Pizza. "Kuha ka na lang."

"Ano 'to?" tanong niya kaya napabagsak ang dalawa kong balikat.

"Seriously?!" tanong ko pero nanatili siyang nakatingin sa akin na para bang wala talagang alam.

"You poor soul... you've never had a Pizza before? For real?" I lowered my head as my eyebrows came close together. He didn't speak. He just looked at me with such a hopeless expression.

"This is Pizza. Hawaiian classic. Just remove the pineapples if you don't like them." I heaved a sigh and grabbed a slice for him. I even had to grab his cold hands just to make him hold the slice. 

I sat back and watched how he curiously stared at the slice of Pizza in his hand. His eyebrows furrowed as his lips contorted to a cringe.

"Just bite the damn pizza, Burn!" I protested as I swung my palm on his direction.

Burn hesitated for a split second until he slowly took one bite. As he chewed, I couldn't help but look at him and wait for his reaction. 

"So? How is it?" Tanong ko.

He swallowed and smiled. He took another bite, a bigger one. And as he chewed, he nodded enthusiastically as the smile on his face became wider. 

"Masarap diba?" Hindi ko namalayan na nakangiti na rin pala ako.

Mabilis na tumango-tango si Burn at buong galak na kumuha ulit ng isa pang Slice.

Habang takam na takam siya sa kinakain, naalala kong hindi pa nga pala ako nakaka-order ng inumin. Tumayo ako at akmang pupunta sa counter nang bigla kong napansin si Precious na pumasok sa comfort room.

Hindi pa kami nakakapag-usap magmula nang magising siya sa ospital. Kahit sina Maya at Kelsey ay hindi ko rin nakausap. We were all shaken up that most of us were even asleep and in deep thoughts on the ride back home.

"Saan ka?" tanong ni Burn habang ngumunguya pa ng Pizza.

"Just gonna check on Precious."

Nagtungo ako sa comfort room ngunit nang makapasok ay laking pagtataka ko nang wala si Precious sa loob. Sa katunayan, walang katao-tao sa loob. Nakabukas pa ang pinto ng dalawang cubicle.

There's no way Precious left the bathroom that quick? If she did leave, I should've bumped into her!

"Is anyone here?!" I even called out just to be sure and yet, no one responded. I was all alone in the comfort room.

Biglang nagsitayuan ang balahibo ko. Sigurado akong nakita ko si Precious na pumasok.

Mabilis akong lumabas at nilapitan ang isa sa mga staff na naglilinis sa katapat na bathroom stall. Kung may papasok man, tiyak mapapansin niya.

"Excuse me, may nakita ka bang ibang pumasok sa comfort room?" tanong ko.

"Ikaw lang po ang napansin kong pumasok ma'am."

What the duck?!


|End of 7 - Thank you|

Continue Reading

You'll Also Like

935K 45.6K 17
"Last year he was buried. last week he appeared. Last night he was seen. Today he began to kill. Here comes Dondy and he's coming for you." (Taglish...
6.7K 602 22
MHST Volume 3: ANG BALON - Sa mahabang panahon ng pangangasera ng isang pamilya sa siyudad, malaking surpresa ang pagdatal ng isang biyaya mula sa ka...
Runaway By Reynald

Mystery / Thriller

64.6K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
210K 13.1K 38
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"