Still Yours

By sanchilen

59.8K 2K 613

(Book 1: Kellie's Living with the Six Jerks) Disclaimer: All images used are not mine, credits to the rightfu... More

STILL YOURS
PROLOGUE
Chapter One
Chapter Two
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two

Chapter Three

2.3K 99 26
By sanchilen


***

Bitter...

CHAPTER THREE

KELLIE’s POV

(One month later)

“Fix your things sis, ihahatid na kita
sa school,”si Kuya na nakasalubong ko na handa naring pumasok sa trabaho. mukhang maski sya ang nagmamadali rin at panay ang sulyap sa wrist watch nya.

Mabilis kong kinuha ang bag ko sa sofa sa sala, anong oras na akong nagising kaya paniguradong hindi na ako makaka abot sa orientation o ang mas malala sa first subject.

"Hindi na ba ka'yo kakain?"si Mama habang hawak ang basket na puno ng labahin.

"Hindi na po ma, sa school na lang ako,"

"Me too sa office na lang, I have urgent meeting today, bye Ma,"

"O'sya mag-iingat kayong dalawa ha? Ikaw Kellie wag ka magpapagabi alam mo namang hindi ka masusundo ng kuya mo,"si Mama, pikit mata akong tumango.

"Opo ma,"

Parehas kami ni kuyang nakipag beso kay mama bago lumabas ng bahay.

***

"Hanggang kailan mo itatago kay mama na nag-aaral ka sa SAU?"seryosong tanong ni kuya pagka pasok namin sa kotse n'ya.

Nagkibit balikat ako at naitungo ang ulo ko, sa totoo lang ay naguguilty ako na hindi ko pinaalam kay mama na nag-aaral ako sa Saint Anthony alam ko naman kasing hindi sya papayag at ayaw kong pag awayan nanaman namin 'yon, ang alam nya ay nag-aaral ako sa kabilang University hindi pa nga sya pumayag pero sa huli ay pumayag narin.

"Just give me time Kuya,"

Hindi ko alam kung papaano ko 'to malulusutan 'tong kasinungalingan ko at kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kung malaman ni mama, gusto ko kasi talagang mag-aral sa Saint Anthony.

"You'll regret your decisions I'm telling you,"napasimangot naman ako.

"Kuya wag mo naman akong takutin, ako ng bahala okay? mag-iisip ako ng paraan,"napa-tss naman sya at nagsimula ng paandarin 'tong kotse nya.

"One months isn't enough for you to decide I guess, may oras ka pa para mag transfer sis, saan mo ba gusto?"nakangusong umiling ako.

"Ayaw ko kuya stay na ako sa Saint Anthony,"

"Pag-isipan mo 'yan pag uwi mo three ang uwi nyo so you have—“tinignan nya ang wrist watch n'ya.

—Nine hours and twenty five minutes to decide,"nangunot ang noo kong binalingan sya ng tingin.

"Wag kang tumitingin kung saan saan kuya! sige ka baka maaksidente tayo tsaka kulang nga ang one month Nine hours and Twenty five minutes pa kaya?!"medyo mahina pero mariing sabi ko.

"Don't be stubborn sis, do what I said, ayaw ko lang mag-away nanaman kayo ni mama ng dahil d'yan,"

"Kuya isipin mo naman ako, yung gusto ko, pano naman ako? nandoon ang mga kaibigan ko,"dadagdagan ko pa sana ang sasabihin ko pero mabuti na lang ay napigilan ko. Balak ko pa sanang idahilan ang mga kapatid ko.

“Sila lang ba ang dahilan mo?"

"O-Oo,"

Kalma lamang ang hitsura ni Kuya kaya mas lalo syang gumagwapo lalo na kung hindi nya ako kinokontra ang kaso ginagawa nya.

"At ang mga kapatid mo? si Xedrick Anderson, I know he's the main reason sis, ang nagtutulak sa'yo para gumawa ng hindi dapat na desisyon"I clenched my fists, siguro 'yon nga ang gumulo saakin para mag desisyon.

“I don't know, maybe,"

"Hindi, sigurado ka pero pag isipan mo ulit ng mabuti,"napabuntong hininga ako at sumandal sa bintana.

Mahina kong inuuntog ang ulo ko salamin, hanggang sa nag ring ang cellphone ni kuya hindi parin ako tumitigil.

"What?!... Okay, I'll be right there... damn just give me thirty minutes... Fvck!"inis na inihagis ni kuya ang cellphone sa Dashboard at pinabilis ang pag papaandar.

Napahawak ako sa seatbelt dahil medyo natatakot ako kahit hindi pa 'yon ang pinakamabilis.

"Kuya, malapit na lang rito yung University, pwede mo na akong ibaba,"hindi nya ako tinignan at medyo hininaan na ang andar.

"No you'll be late,"

"Ayos lang baka nago-orientation pa lang naman, mas kailangan mong mag madali, sige na okay lang talaga,"Bumuntong hininga naman sya inihinto ang kotse sa gilid.

"Dahan dahan sa pagmamaneho kuya, mag iingat ka,"alanganin nya akong nginitian.

"You too, anyway Goodluck,"nginitian ko lamang sya at lumabas na, sinundan ko ng tingin ang kotse ni kuya hanggang sa nawala na ito sa paningin ko kaya naglakad na ako.

Napatingin ako sa wristwatch ko, haist! Seven thirty na! seven ang start ng first subject, at thirty minutes na akong late. tinakbo ko ang waiting shed para madali akong makarating sa school hindi na masama ang kahit one or two minutes para maghintay ng masasakyan.

Malayo layo pa mula rito sa University baka tapos na ang second subject kung hindi ako sasakay dahil hindi sapat ang lakad o ang pagtakbo.

Habang tumatakbo ako ay may sumusunod saaking red Ferrari sa gilid ko, sinasabayan ako nito kaya kunot noo ko itong nilingon. Bumagal ang pagtakbo ko hanggang sa naglalakad na lang ako ay bumaba ang bintana ng kotse.

Nabungaran ko kaagad ang lalaking naka shades na kung hindi ako nagkakamali ay si Drew, napangiti ako at mabilis na binuksan ang kotse nya. Ngiting ngiti akong umupo.

"It's nice to see you again, Kellie!"masayang sabi nya kaya nginitian ko sya.

"Well, ako rin, kamusta ka?"napansin ko naman ang uniform nya na sa Saint Anthony rin. Ang balita ko noon ay nag aral sa states si Drew at ngayong taon lang rin umuwi.

"I'm all good, ikaw? kamusta?"bumuntong hininga ako at nakangiting nagkibit balikat.

"Okay naman, kahit papaano,"Binalingan nya ng tingin ang uniform ko kaya napangiti sya saglit lang 'yon dahil nagmamaneho sya.

"So sa Saint Anthony ka rin mag-aaral,"tumango ako habang nakangiti.

"Oo, namiss ko nga ang Saint Anthony sa totoo lang, mas prefer ko mag aral rito sa pilipinas,"

Ng nasa Canada pa ako nag aaral ay sa totoo lang napakahirap, hirap ako sa pakikipag interact sa ibang students, may pambubully rin akong naranasan ng ilang beses, pero syempre may mga nakilala akong dalawang student rin na mabilis kong nakapalagayan ko ng loob na Canadian half Filipino hindi sila gaanong nakakaintindi ng tagalog kaya tinuruan ko sila. sila si Emily Perris at Edward Perris ang kambal na hindi naghihiwalay.

Namimiss ko ang kambal na 'yon, hindi ko nga alam kung makikita ko pa sila. but I hope so since may bahay sila rito sa pilipinas.

"School lang ba ang namimiss mo?"

"Syempre hindi lang! kayo, sila Lila, Lyra tsaka,"natigilan ako.

"And?"

"Magical nine?"natawa naman sya.

"And?"

"Anong and?"

"Oh don't me Kellie, I know nakuha mo,"nginusuan ko naman sya. for sure si Xedrick ang tinutukoy nya, syempre hindi na kailangang itanong 'yon.

"Hays ewan ko sayo, sige na bilisan mo na malalate na talaga ta'yo ng sobra nito,"napangisi lang sya at mas binilisan ang pagmamaneho.

"Yes madame!"

**

Kinakabahan ako ng makarating kami sa School, panay ang tingin ko sa wristwatch ko dahil sobrang late na kami, one hour na kaming late jeez! Dapat kasi ay maaga akong natulog, nagbasa basa kasi ako ng textbooks about sa course ko, mas kailangan kong pag igihan ang pag aaral lalo na graduating na ako.

Walang gaanong pinagbago 'tong school, maganda parin at mukhang namamaintain parin ang kalinisan.

"Chill lang Kellie, you look so nervous,"parang walang pakealam si Drew ng sabihin nya iyon, palibhasa ay mamaya pa magsisimula ang klase nya.

"Anong chill ka d'yan one hour na akong late!"At humalakhak pa.

"It's okay unang beses pa lang naman, di narin naman masusundan di'ba?"tumango lang ako at mas binilisan ang paglalakad.

"Wait? saan ka pupunta? same direction lang ba ta'yo?"nakangiting inilingan nya ako.

"Nope, ihahatid lang kita sa Elevator, isang oras pa naman start ng class ko,"hindi na lang ako umimik.

"How sweet of you huh?! inihahatid yung ibang babae samantalang ako hindi?"kunot noo kong binalingan ang babaeng masama ang tingin saakin, ngayon ko lang sya nakita. At mukhang girlfriend ni Drew. Maganda ito at balingkinitan ang katawan, mas matangkad pa saakin.

"How dare you?!"sigaw nito kay Drew.

"Madi stop making a scene!"mahina ngunit mariing sabi ni Drew.

"Miss, I think you misunderstood—“

"I'm not talking to you!"saglit na sigaw nya saakin at si Drew naman ang binalingan, napalunok ako, nakatalikod saakin yung babae kaya may chance akong makaalis. She's not talking to me raw e, tsaka sobrang late na talaga ako kaya kailangan ko ng umalis.

I mouthed sorry to Drew before turning my back on them.

Hinihingal ako ng makarating sa tapat ng nakasaradong Elevator. binilisan ko kasi ang pagtakbo kaya ayon hingal na hingal ako.

Hindi sinasadyang nabaling ang tingin ko sa babaeng naghihintay rin sa kabilang elevator. Hindi gaanong malayo kaya kitang kita ko kung sino 'yon, yung babaeng kapitbahay namin! Hindi ako nagkakamali sya nga 'yon.

Tumuwid na ako ng ta'yo at inayos ang buhok ko.

Habang naghihintay ay saglit kong binalingan ng tingin yung Christine, mukhang malungkot sya kaya hindi ako napapansin.

*ting!

Bumukas na ang katapat nyang elevator, buti pa sya hays makisabay na kaya ako sa kanya? Tama.

Maglalakad na sana ako pero biglang lumabas ang lalaking hindi ko inaasahang makita, si Xedrick.

Namilog ang mga mata ko at kaagad akong tumalikod nakagat ko ang labi ko ng biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Gusto ko ng umalis pero para akong nadikit sa kinatatayuan ko.

"Baby! Goodmorning,"si Christine.

"Morning,"simpleng sagot lang ni Xedrick rito, ng marinig ko ang boses nya ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

So sya nga ang Girlfriend ni Xedrick, inisip ko bigla kung ginagawa rin kaya nila yung ginagawa namin ni Xedrick? ginagawa rin kaya nya kay Christine ang ginagawa nya saakin? mas sweet kaya sya kay Christine kaysa saakin?

Maraming katanungan ang bumubulabog sa utak ko, mga tanong na hindi na itatanong at walang kasagutan.

Dapat pala hindi nalang ako nagpumilit umuwi o dapat pala sa ibang school na lang ako pumasok. Kuya's right pagsisisihan ko nga 'tong desisyon ko.

"May practice ba ka'yo baby?"si Christine.

"Yes baby, you wanna watch? Wala akong gana kung wala ang motivation ko,"

"Ofcourse! Love you!"tanging halakhak lang ni Xedrick ang namutawi.

Ng wala na akong naririnig na naguusap ay lumingon ako sa likuran ko kung nasaan sila at wala na sila d'on kaya napabuntong hininga ako at hinarap ang Elevator walang katao tao na magsasara na nanlaki ang mga mata ko.

Pipigilan ko na sana 'yon ng may gumawa na n'on. Nilingon ko ang lalaki.

"Edward?!"

"Hi!"lumaki ang ngiti ko ng makita sya. halaa! Hindi ko 'to inaasahan, he's here for real!

WALA kaming gaanong time ni Edward para makapagusap pero parehas kaming HRM ang kaso sa last subject lang kami magkaklase at magkaiba ang direction namin, dito narin sya mag-aaral ang kakambal nyang si Emily ay naiwan sa Canada at sya lang ang umuwi rito para sa Lolo nyang may sakit.

Muli kong binalingan ang wristwatch ko at namilog ang mga mata ko ng eight thirty na! seryoso? ganon na ba katagal ang mga nangyari? Ang bilis naman.

Tinakbo ko na ang second subject ko na sana ay maabutan ko pero ng makarating ako ay wala ng tao.

Natulala ako at napaupo sa sahig, I'm screwed!

May mga students pa palang dumadaan kaya mabilis akong tumayo dahil sa kahihiyan at mabilis na tinahak ang elevator pababa, late nanaman ako as third subject ng thirty minutes at hindi na lang siguro ako papasok.

Pinindot ko ang button papunta kung saan ang canteen nagugutom na kasi ako kumakalam ang sikmura ko, malapit lang ang canteen kaso hassle pa kung sa hagdan ako dadaan isa pa pagod na ako kakatakbo.

Ang saya saya ng araw na 'to! Aish.

Wala pang ilang minuto at nakarating ako sa Canteen halos walang katao tao sa hallway marahil may klase pa at mamaya pa ang breatime.

"One bottled water po, thanks,"sabi ko lang sa tindera, kumuha ako ng fifthy at inabot 'yon sa cashier, nagtaka pa sya saglit, halos ako lang siguro ang hindi card ang ginagamit pambayad wala pa kasi ako n'on kaya cash muna.

"Miss kulang ng twenty,"nakatalikod na ako ng sinabi ng cashier 'yon kaya kunot noo ko syang nilingon.

"Se-seventy 'to?"hindi makapaniwalang tinaas ko ang tubig.

"Yes miss,"Wala naman akong nagawa at humugot ng twenty sa wallet ko, pambihira tumaas na pala ng twenty 'tong sampu lang sa labas. Grabe talaga ang mga paninda rito hindi bababa sa fifthy mga paninda samantalang napakamura lang sa labas.

Walang ganang umupo ako sa isa sa mga table, bugnot kong binuksan ang bottled water at halos maubos ko ang laman n'on sa sobrang inis. Hindi ko mapigilang mapangiwi kase first day of school late ako! hindi lang sa isang subject.

I promised! Ito na ang una at huling beses na malalate ako!

Tinignan ko ang bottled water kaunti na lang ang laman sayang naman kung itatapon ko 'to seventy rin 'to e, pero uubusin ko na sana ang tubig ko ng may biglang may lalaking nagsalita sa harap ko.

Namumula pa ang pisngi nito at parang nahihiya.

"Hi miss, sorry to bother you, but can I have your number? Uhm you can say no if you feel comfortable,"

"Number ko? are you really asking for my number?"Tinuro ko ang sarili ko habang hindi makapaniwalang nkatingin dun sa guy na namumula at nahihiya pa.

"Oo—

"Xed! Napaka clumsy mo talaga tsk tsk, look what happened,"

Namilog ang mga mata ko dahil sobrang pamilyar ng boses na 'yon. si Christine! Dahan dahan kong nilingon ang gawing likod ko at ganoon na lang ang gulat ko ng makitang nakatingin saakin si Xedrick at Christine, namimilog ang mga mata ni Xedrick habang si Christine ay nagtataka.

Hindi sila gaanong malapit sa kinauupuan ko kaya hindi ko sila napansin kanina.

Hindi nya ba inaasahang nandito na ako sa pilipinas o dito ako mag-aaral?

Ng mahimasmasan ay tumayo ako at dinampot ang bag ko sa table at binalingan ng tingin yung lalaki na nagtataka sa kinikilos ko.

"I'm sorry but I can't give you my number,"walang lingong sabi ko rito kaya umalis na itong mukhang malungkot.

Paalis na sana ako ng nagsalita si Christine dahilan para matigilan ako.

"It's you!"

Nakangiwing binalingan ko ng tingin ang dalawa na nakaupo parin si Xedrick ay gulat paring nakatingin saakin.

"Xed you know her?"

Parang naghe-hesitate pa si Xedrick na sagutin ang tanong.

"Y–yes,"nakangiting nagulat si Christine at binalingan nanaman ako ng tingin. "Really?! actually Xed she's my neighborhood hindi ko ineexpect na dito rin sya nag-aaral,"

So? Hindi nya talaga ako kilala? Ang akala ko ay kilala ako nito. mukhang hindi ako kinukwento ni Xedrick sa girlfriend nya. siguro hindi narin ako aasang ginawa nya yon.

"Anyways what's your name nga pala?"

"Kellie, Kellie Andrade,"

Right after nyang nalaman ang pangalan ko nawala ang malaking ngiti sa mga labi nya. So she know me? Hindi sa hitsura pero sa pangalan ko.

Saglit lang ang expression nya na parang naiinis, peke na itong ngumiti saakin hindi kagaya kanina o nung nakaraan na geniune ang ngiting pinapakita nya saakin.

"Oh? my Boyfriend's sister, nice to meet you,"kimi ko itong nginitian.

"Me too, it's nice to finally meet the Girlfriend of my Brother, anyway I gotta go, see you again,"halos patakbo akong umalis habang nakangiwi.

Wag na sanang magkita pa kami kahit napaka imposibleng mangyari, mag transfer na lang kaya ako sa ibang University? parang ayaw ko na rito. aish parang bitter.

Continue Reading

You'll Also Like

29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...
10.9M 202K 48
FILIPINO | Y2017 Veronica Luna fell inlove with Dylan Caden the first time she saw him. But she's not the the one he loves. Dylan Caden was in a rela...
1.7M 53.6K 83
Lucent Lotus Amourteirre has everything worth having. Beauty, character, wealth, and even a notorious mafia. But she lost everything when her mafia...