Shade of Love (Buenaventura S...

By Ineryss

3.8M 114K 22.7K

Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat... More

Shade Of Love
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Untold Part
The Untold Part
Epilogue
Shade of Love Book

Chapter 1

85.8K 2.1K 439
By Ineryss

Steal

Makulimlim ang langit ng umagang iyon pagkagising ko. Ang kalangitan ay parang nagluluksa sa kung ano. Malungkot iyon na kahit ang katiting na liwanag ay walang sumilip.

Pinagmasdan ko ang labas. Ber months na kaya siguro ganito na kalamig ang panahon at palagi nang umuulan. Ang langit ay palaging malungkot na akala mo ay may pinagdadaan at palaging nagdadalamhati.

"Magsuot ka ng jacket, Trace," sabi ni Kuya Bram sa akin habang inaayos ang kanyang uniporme.

"Ihahatid mo ako, Kuya?" tanong ko sa kanya nang nilingon ko ito.

Natagpuan ko siya sa harap ng mesa at hinahalo ang mainit niyang kape. Inangat niya ang tasa, ang isang kamay naman ay nasa baywang.

Umangat lamang ang dalawa niyang mga kilay. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin sa labas ng bintana. Humalukipkip ako roon at hinalikan ang sarili kong mga brasong nakahilig roon.

Ang lamig lamig ng panahon. Ang kalangitan ay masyadong misteryoso at hindi makitaan ng liwanag. Magiging ganito ba ang buong buwan? O baka naman panandalian lamang?

"May bagyo raw kaya ganito ang klima. Masyadong malamig at palaging umuulan," si Kuya nang mapansin ang pagiging malungkot ko dahil roon.

Hindi ko alam kung ba't naaapektuhan ako sa klima. Nagiging malungkot ako pag malungkot ang langit. Para akong nakikiramay kahit hindi ko naman alam kung anong pinagluluksaan nito.

Palaging maagang umaalis si Mama sa bahay. Nauuna siya sa aming dalawa ni Kuya. Nagtitinda ito ng mga bulaklak sa bayan. Mahilig ako sa bulaklak kaya minsan pag bakante ako o walang pasok ay tinutulungan ko siya sa pagbebenta at pagtatanim.

"Kuya hindi ka ba malilate? College kana... Kaya ko namang pumasok mag-isa eh..." reklamo ko sa nakakatanda kong kapatid habang naglalakad na kami papuntang bayan.

"H'wag mo akong alalahanin Trace... Exercise na rin ito. 'Tsaka mamaya pang alas otso ang pasok ko," aniya at hinawakan ang aking ulo.

First year college na si Kuya habang ako naman ay Grade Ten na. Nag-aaral ako sa isang publikong paaralan at isang scholar. Si Kuya naman ay may scholarship lang rin kaya nakakapasok pa rin sa isang Unibersidad sa kabila ng pagiging kapos namin sa buhay.

Ni minsan, hindi naman ako nagrereklamo sa estado ng aming buhay. Hindi ako nagrereklamo kung ba't ipinanganak kaming ganito. Palagi kong tinatatak sa aking isipan na lahat ay nag-uumpisa sa ibaba bago ka umangat.

Wala masyadong mamahaling eskwelahan rito sa Bukidnon, at kung meron man, nasa syudad halos. Isa itong probinsya at ang iba rito ay kapos sa pera.

Pero hindi ko naman sinasabing lahat ng nakatira rito ay puro mahihirap. May naiiba parin. May angat. May makapangyarihan. May mayaman...

Pagdating sa bayan ay ganoon pa rin ang paligid, ang kalangitang makulimlim. Nakikita ko na ang iilang estudyanteng may parehas na uniporme ko.

"Sige kuya... Dito na ako... Pumasok kana rin sa school," sabi ko at tumigil sa may gate.

Luminga linga sandali si Kuya. Tila may hinahanap ito kaya lumingon narin ako sa aking paligid. Kunot-noo kong ibinalik sa kanya ang aking tingin nang wala naman akong matagpuang kakilala niya.

"Mangchichix kana naman 'no?" Pang-aakusa ko sa kanya na mabilis niyang ikinatingin sa akin.

"Ako?" Natatawa niyang itinuro ang sarili.

Tumango ako, "Oo... Nanghahunting ka siguro ng chix dito? May target ka dito kaya ilang araw mo na akong hinahatid sundo dito?"

Tumawa si Kuya. Ang dimple sa kabilang pisngi ay mabilis na lumabas. May iilan pang mga babae na napatingin sa kanya lalo na't may itsura talaga ang kapatid ko.

"Ikaw ang bata bata mo pa kahit ano na ang ibinibintang mo sa akin! Di ako ganyan, Tracy..."

Ngumuso ako. "Eh ba't parang may hinahanap ka?"

"Wala... Baka kasi may pumorma sa'yo. Concern lang ako." Kinurot niya ang aking pisngi na ikinasimangot ko.

Isang busina ng kotse ang nagpabalik sa aming dalawa ni Kuya sa katinuan. Nasa daan pala kami. Mabilis akong hinila ni Kuya paalis roon at tumabi kaming dalawa. Nang makita ko ang plakard nito ay mabilis akong nakaramdam ng kaba. Na kahit ang aking laway ay nalunok ko.

Tumigil iyon sa nakasanayan nitong parking area. Kilalang kilala ng lahat ang nagmamay-ari ng marangyang kotse na iyon.

"Salamat, Manong!" Ang malambing na boses ni Ate Rici ang pumaibabaw nang lumabas ito.

Ang malaporselana niyang kutis ay masyadong maliwanag kumpara sa kalangitan. Para itong nasisinagan ng araw dahil narin sa kanyang ngiti at mapuputing ngipin. Ang itim na buhok ay masyadong makintab at idagdag pa ang maliit nitong mukha na mas lalong nagpaganda sa kanya.

Grade Eleven na ito at lahat ng lalake sa eskwelahan ay nahihibang sa kanya dahil na rin sa taglay na kagandahan.

Suminghap ako saka ibinalik ang tingin kay Kuya para sana magpaalam sa kanyang muli nang mapansin ko ang kanyang ekspresyon. Ang labi ay marahang nakaawang at nakasunod na ang mga mata kay Ate Rici. Kumurap ako. Hindi kaya...

"Kuya," tawag kong muli sa kanya na ngayon ay natauhan na at hinila ang tingin papunta sa akin.

"H-Huh?" wala sa sarili niyang tanong lalo na't bumalik pa sandali ang kanyang mga mata sa entrance saka ulit ibinalik sa akin.

"Papasok na ako," paalam ko sa kanya.

"Ah... Sige... Mamaya susunduin kita," sabi niya na ikinatango ko.

Parang wala sa sarili si Kuya sa tuwing napapansin kong nasa paligid lamang ang presensya ni Ate Rici. Sa mura kong edad, alam ko na ang mga bagay tungkol sa pagmamahal. Siguro dahil na rin sa aking kyuryusidad dahil mahiwaga iyon at masyadong misteryoso kaya nagkakainteres ako.

Minsan, pag wala akong ginagawa sa school, nagbabasa ako ng nobela sa library namin lalo na't may mga ganoong libro. Tungkol sa pag-ibig.

Umupo ako sa aking upuan. Naghahagikhikan na si Rinka at Cecille kasama ang dalawa pa nilang mga kaibigan na kaklase ko rin.

"Isama natin si Tracy!" suhestyon ni Cecille sanhi para malipat ang kanilang mga mata sa akin.

Kumurap ako.

"H-Huh?" Hindi kaya ay balak nilang magnakaw na naman ng mangga sa malawak na puno ng mga Buenaventura?

"Baka hindi iyan sasama eh Maria Clara pa naman itong si Tracy!" Tumawa pa si Rinka.

Tumawa narin ako ng marahan kahit hindi ko pa alam kung ano ang kanilang pinag-uusapan.

"Ang alin?" tanong ko.

"Isama natin nang matuto!" si Rose, isa sa mga kaklase ko.

"H-Huh?" nagtataka kong inilipat ang aking mga mata sa kanila.

"Mamayang hapon Trace... Punta tayo sa lupain ng mga Buenaventura..." Ngumisi na ng malisyosa si Cecille sa akin.

"Mangunguha kayo ng mangga?" tanong ko na ikinatango nila ngunit naghahagikhikan.

"Tuwing hapon nanunungkit ng mangga si Israel roon. Iyong kapatid na lalake ni Ate Rici." Tumili pa si Rinka na kahit si Cecille at Rose ay niyugyog ang isa't isa.

Kumunot ang noo ko.

"Sige na, Trace! Malay mo mabait 'yon at bigyan din tayo ng mangga! Mas mabuti kung magpaalam na kaysa naman manguha noong nalalaglag na mga mangga sa lupain nila at bulok pa ang iba!" si Rose.

"Sige na, Trace! Iyon ang binabalita ni Ate Rici! Pinapakuha niya raw ng mangga si Israel tuwing hapon at minsan ay topless raw ito! Silipin natin kung totoo ba tapos manghingi tayo ng mangga!" Niyugyog na ako ni Rose.

Halata naman na si Israel mismo ang pakay nila. Buong klase yata nila akong kinumbinsi. Sa huli ay wala rin akong nagawa kundi pumayag nalang para matigil lamang sila. Kaya noong uwian, hindi ko na alam kung ano ang gagawing palusot kay Kuya Bram habang hinihintay ko ito sa tapat ng gate.

"Wala pa ang Kuya mo, Trace?" tanong ni Cecille na palinga linga narin sa paligid.

Umiling ako. "Wala pa... Uh... Baka hindi ako sunduin at dumeritso na iyon kay mama. Sa susunod nalang siguro ako sasama sa inyo-"

"Andyan na ang kuya mo, Trace!" Itinuro agad ni Rinka ang nakakatanda kong kapatid.

Naiwang nakaawang sa ere ang aking bibig. Ang iniisip kong pagtangging sumama sa kanila ay nabura rin dahil sa biglaang pagdating ni Kuya. Mukhang gusto ata ng tadhana na mabindisyunan ang mga mata mo, Trace...

"Pakshet rin talaga iyang Kuya mo, Tracy! Ang guwapo! May girlfriend ba iyan? Pumapatol ba siya sa Grade Eleven?" si Rose na nangingisay na sa aking tabi at hinihintay ang paglapit ng aking kapatid.

Tumawa kami sandali pero natigil rin nang lumapit na si Kuya Bram. Naamoy ko kaagad ang matapang niyang pabango na ikinalukot ng aking mukha. Ba't masyadong mabango?

"Uh Kuya Bram-"

"Kuya may project po kami at kagrupo namin si Tracy sa bahay namin para doon gawin ang project namin!" singit agad ni Cecille sa akin.

Kumunot ang noo ni Kuya, ang mga mata ay pinagdudahan agad ako.

"Anong klaseng project? Project sa kalokohan?"

Umiling silang tatlo. Ngumuso naman ako.

"Hindi po kalokohan! Para po ito sa kinabukasan namin! Malaking grades po ang nakasalalay!" dagdag pa ni Rose na ikinatango naman agad ng dalawa.

Hindi mabura bura ang pagdududa sa mukha ni Kuya. Doon lamang naalis ang kanyang mga mata sa akin nang may narinig akong pamilyar na halakhak sa aming likuran. Pasimple ko iyong nilingon at nakita si Ate Rici kasama ang kanyang mga kaibigan. Tumatawa ito at masyadong mahinhin ang paglalakad.

Ibinalik ko ang tingin kay Kuya na nakaawang na naman ang mga labi. Mukha na naman itong nahihipnotismo sa kakatitig kay Ate Rici.

"Kami nalang ang maghahatid kay Tracy pauwi, Kuya Bram!" si Rinka na hindi naman pinakinggan ni Kuya.

"Uy silence means yes! Tara na Trace! Pumayag na ang Kuya mo!" Hinila na ako ni Cecille.

"H-Huh? Teka? Hindi pa ata!" protesta ko pero pati si Rose ay nakihila na rin sa akin.

"Tara na!"

Nakaladkad ako ng dalawa. Tiningnan ko si Kuya na naroon pa rin ang tingin at nakalimutan na ako ang sadya sa eskwelahang ito.

Tumakbo sila kaya pati ako ay nahila na rin. Naghahagikhikan sila sa daan at masyadong excited sa kanilang binabalak. Hindi ba kami mapapahamak nito? Maraming tauhan roon! Hindi ba sila magagalit pag pumasok kami sa lupain ng Buenaventura?

"Malapit na tayo!" Mas hinila ako ni Rose na kahit ang kanyang pagtakbo ay bumilis. Ang aking uniporme ay nagugusot na sa kakahila niya. Ang suot kong bag ay kulang nalang malaglag kakatakbo.

"Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na ito!" si Rinka naman na ganoon rin kaexcited.

"Dahan dahan..." saway agad ni Cecille sa amin nang makarating kami sa mismong lupain.

Bumagal ang aming pagtakbo hanggang sa maingat na kaming humahakbang ng malalaki na hindi gaanong gumagawa ng ingay. Para kaming mga kawatan sa alas singko ng hapong iyon...

"Dito tayo!" Sinenyasan kami ni Rinka na nauuna na sa harap na magtago roon sa malaking puno. Hinila ako ni Rose at isa isa kaming nagtago roon.

"Wala pa ata si Israel..." si Cecille na palinga linga na sa harapan.

"Lumipat tayo doon sa mas malapit na puno!" May kung anong itinuro si Rinka kaya isa isa rin kaming lumipat roon.

"Baka hindi iyon manunungkit ng mangga ngayon?" hula ko.

Hindi sila sumagot roon at masyadong tutok sa harap.

Ilang sandali lamang, kulang nalang ay mapunit ang aking suot na uniporme nang hilain iyon ni Rose. Si Cecille at Rinka ay kapwa impit na ang mga tili at sinisikap magpigil.

"Ang kisig!" daing ni Rose sa mahinang boses at ako ang pinanggigilan.

Ayoko sanang tumingin lalo na't ano bang espesyal eh nanunungkit lang naman ng mangga? Ngunit napagtanto ko kung anong meron bakit gusto nilang makita iyon.

Israel Buenaventura, in his dark jeans, topless, and intense demeanor, looked so dangerous while holding a piece of long, thin wood to get some mangoes on a tree. Magkasalubong ang makapal na kilay at madilim ang ekspresyon, na tila ba natural talagang ganoon siya tingnan at parang galit.

"Lumapit pa tayo!" suhestyon ni Rose.

Gusto ko sanang tumanggi pero pagdilat ko ay isa isa na silang gumapang patungo sa mas malapit na malaking puno. Kinabahan ako at ramdam ang sobrang bilis na pintig ng aking dibdib.

Gumapang na rin ako papunta sa kanila. Sinilip naming muli si Israel na medyo malapit na sa aming dako. Tumingala ito na kahit kami ay tumingala na rin. Ang kanyang panga ay masyadong matulis na pag hahawakan mo ata ang gilid noon ay masusugatan ka. Nanatiling madilim ang ekspresyon nito at masyado pang seryoso na kahit ang magulong buhok at makapal na maitim niyang kilay ay bumabagay sa dilim na bumabalot sa kanyang mga mata.

"Humingi kaya tayo? Mabait naman siguro," suhestyon ni Rinka ngunit malawak ang ngiti.

"Kita mo 'yang hawak na panungkit niya, Rinka? Isasaksak niya 'yan sa atin isa-isa kung nahuli niyang nandito tayo sa lupain nila," si Cecille.

Buenaventuras were painted as strict and powerful in this town. Kaya kahit ni isa, natatakot talaga.

Nagsasapakan sila Rinka at natigil lamang nang may nalaglag na mga mangga at gumulong na iyon sa kabilang parte.

Nalaglag ang tingin ni Israel saka iyon sinundan. Napalunok agad ako ng laway nang mapagtantong makikita na kami rito. Tinapik tapik ko ang tatlo.

"Makikita niya ata tayo rito..." kinakabahan kong sabi.

"Sus Tracy! Hindi iyan! May nakatakip naman na mga dahon!" si Cecille.

"Oo nga Trace... At kung mahuhuli tayo, edi sabihin naligaw!" Tumawa pa si Rose.

Lumunok ako ng laway at ibinalik ang tingin kay Israel na bigla nalang nawala sa kinatatayuan nito.

"Hala nawala!" natatarantang sigaw ni Cecille.

"Itong si Tracy kasi kinuha pa ang atensyon natin! Hanapin niyo!" iritadong sabi ni Rinka.

Iginala ko na rin ang tingin sa harapan. Ang bilis niya naman ata? Hindi kaya ay napansin niya kami rito kaya tumakbo na ito paalis?

"Lumipat tayo doon sa kabilang puno," sabi ni Rinka at nagsimulang gumapang. Sumunod naman agad ang dalawa at ako pa itong nagdadalawang isip.

Handa na ulit akong gumapang nang hindi na ako makagalaw dahil sa pagkakaipit ng aking palda sa kung saan. Hinila ko pa iyon.

"Tracy ang tagal mo. Bilis na-" Nilingon ako ni Cecille. Ang mukhang iritado ay mabilis na napalitan ng pagkagulat.

Kahit ang dalawa ay ganoon na rin ang reaksyon nang magsilingunan sila sa akin. Ang mga mata ay nanlalaki at nalaglag na ang panga.

Sa reaksyon nila ay may umupo na ring kaba sa aking dibdib. Dahan dahan akong tumingala hanggang sa nakita ko ang walang pang-itaas na saplot na lalakeng sinisilipan namin kanina pa.

"Trespassers," sabi niya sa malamig at malalim na boses sanhi para magsitayuan ang tatlo at isa isa ng kumaripas ng takbo.

Nanlaki na rin ang aking mga mata nang makita kung gaano kadilim ang tinging iyon.

Natataranta akong tumayo pero dahil apak apak niya ang aking palda ay hindi agad ako nakaalis. Lagot ka ngayon, Tracy! Hubarin mo nalang iyang palda mo!

Mabilis kong tinanggal ang lock noon hanggang sa lumuwang nga iyon sa aking beywang. Uminit ang aking pisngi nang mapagtanto kong wala akong short. Ano, tatakbo akong nakapanty?!

Bago ko pa iyon mahubad sa akin ay marahas niya na akong nahila. Mabilis akong umangat at humarap sa kanya.

"You're one of those girls," aniya, tila ba may pinapahiwatig siya roon.

"B-Bitiwan mo ako..." daing ko nang marahas ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"You're here to steal some mangoes or..." Umangat ang kilay niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Umiling ako, natatakot sa paraan ng malalim niyang titig at tila ba galit.

"Then you're here to see me, huh..." tila ba may ideya agad siya kung hindi mangga ang rason kaya kami napadpad dito.

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 131K 60
The "cold" Irah Buenaventura is having a crush with a snob Delafuente that will push her to trick him in order to get him. She's willing to play all...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
4.8M 139K 60
Cana Aleyna Delafuente, "the ignorant girl" of the Delafuente clan who has a childlike and sweet personality hooked herself from someone she doesn't...
3.5M 98.6K 53
Brandish Eireen Varquez is one of the wealthiest clans of the Delafuentes, the "alpha" female of her generation who strikes a superior and powerful a...