BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.3K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 18: Taint

45.6K 1.5K 146
By MsButterfly

A/N: Let us see your tweets! Use the official hashtags #BHOCAMP7TM or #HugotNiAiere

AIERE'S POV

I can feel my heart hammering on my chest, so hard that I'm surprise that it didn't break me so it can get out. Habang nakatingin ako sa kaniya pakiramdam ko ay bumabalik ang mga panahon na lumipas kung saan halos siya lang ang laman ng utak ko. Mga panahon na kahit ata sa anong bagay ay naaalala ko siya. I can remember the pain of just thinking about him. Asking myself over and over again on what I could have done better so I can still have him with me.

Minsan nga napapatanong ako sa sarili ko, ano bang meron siya at bakit kahit ang tagal na, hindi ko siya magawang pakawalan? Bakit paulit-ulit akong nasasaktan kapag naaalala ko siya? Kung bakit lagi ko siyang kinukompara sa mga taong dumadating sa buhay ko.

Now as I looked at him...it feels like I'm slowly getting all my answers. Dahil habang kaharap ko siya pakiramdam ko ay tinitignan ko na lang ang isang memorya na minsan ay nakasakit sa akin. I am looking at the man I once loved. And just by thinking that, I know that I already changed. I once loved. Not a man I still love.

I can feel the fear gripping my chest knowing that I am on the path I fear the most. A very familiar road I took a lot of times. As I look at Mateo, remembering how I fall in love with him, I know that this time...I would take a different leap. I would jump on a much greater height. Dahil habang nakatingin ako sa taong akala ko ay habang-buhay kong dadalin sa puso ko ay nakikita ko na ang pagkakaiba na pilit kong itinatanggi sa sarili ko. Nakikita ko ang pagkakaiba sa nararamdaman ko sa taong kasalukuyang gumugulo sa utak ko...at sa puso ko.

I thought I was still in control of my heart but I was wrong. Because now as I'm facing the man I once loved so much, I realized how it fail in comparison on what I'm starting to feel now with a man that made me see the beauty of the moonlight again. A man that I'm not ready to fall with and a man that is not ready for it too.

Alam kong hindi pa ako handa. But I guess my heart doesn't care if I'm ready or not. My heart was just waiting for me to realize that I was long gone.

I wouldn't have realize this if I haven't seen the person I thought I love so much. I was always caught up into the idea of loving Mateo. I did love him. I know that. Pero masyado ko siyang inilagay sa pedestal dahilan para paulit-ulit akong mahulog sa binuo kong ideya sa kung ano ang dapat na kami.

Pakiramdam ko ay panibagong sakit ang lumalatay sa puso ko. Dahil alam ko na kailangan ko ng pakawalan ang nakaraan. Ang paulit-ulit kong paghawak sa bagay na matagal ng bumitaw. And the pain that comes with the fear knowing that I might as well set myself on another heartbreak by walking on the edge for a person that will not catch me when I fall and he will shatter if he jump with me.

"This need to stop, Aiere."

Bahagya akong napapitlag mula sa pag-iisip nang marinig ko ang pagsasalita ng taong nasa harapan ko. I was so busy holding on to my heart knowing that it's taking a dangerous path that I'm sure I'm not ready to take yet. Pero pakiramdam ko ay tuluyan na akong nawalan ng kontrol sa sarili kong puso. Seeing Mateo woke me up. It rouse me up from the past I was so immersed in so I can open my eyes to the reality of my present.

I can hear my voice breaking when I opened my mouth to speak. "Anong ibig mong sabihin?"

Lumingon ang lalaki sa pintuan kung saan pumasok ang fiance niya bago niya muling binalik sa akin ang atensyon niya. "You're everywhere I go. Ayokong mag-isip ng masama...pero this can't continue. Makakahalata na si Shona."

Pilit na kinontrol ko ang emosyon na nais kumawala sa akin. Emosyon na hindi man lahat ay para sa kaniya dahil sa ibang bagay na nakapokus ang takot sa akin. "Coincidence lang ang mga 'yon, Mateo. Hindi mo kailangan mag-alala."

"I don't think it is. May pagkakataon na hindi kita nilapitan dahil ayokong pag-isipan ka. Sa coffee shop, sa BHO CAMP, sa isang theme park, at ngayon dito." Kita ang frustration sa mukha ng lalaki habang sinasabi ang mga iyon. Alam ko ang mga tinutukoy niya. Pero isa lang sa mga iyon ang intensyon kong ginawa. It was all a coincidence. Ni hindi ko nga alam na nakita rin niya ako. "Alam kong nasaktan kita. Alam ko na hindi naging madali sa'yo. But tell me...tell me what do you need me to do so you can be okay? Because I already moved on, Aiere, and this can't keep on happening if I want to continue moving forward with Shona. What do you need me to do?"

Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Para bang tuluyan ng nabasag ang kung ano ay akala ko na meron kami noon. Tuluyan ng nadurog ang mga inakala kong dapat ay nagkaroon kami. "Matagal ka ng nawalan ng karapatan na tanungin ako niyan."

"It's been years. Years, Aiere. Hindi ko alam kung anong paliwanag ang kailangan mo para maintindihan mo kung bakit tayo naghiwalay."

"You never explained anything." I whispered, my heart breaking on what I'm seeing now. Masyado ko siyang minahal. Masyado ko ring minahal ang ideya na mahal ko siya. Now I'm seeing the reality. I'm seeing him as he is.

Hindi ang Mateo na nakasama ko. Hindi ang Mateo na minahal ko. Kundi ang Mateo na basta na lang binitawan ang lahat ng meron kami ng walang paliwanag. Binitawan niya ako na hindi man lang iniisip kung ano ang mararamdaman ko. And now years after...I'm hearing all this.

"Aiere-"

"Wala ka karapatan." I continued, my voice starting to hardened. Nag-angat ako ng mga mata at sinalubong ko ang kaniya na ngayon ay unti-unting nagkakaron ng pagkabahala. "You have no right to accuse me of anything. Hindi kita nilapitan. Wala kang narinig sa akin. You never heard me say anything despite the fact that I should have asked you for a lot of things. May karapatan akong magtanong. May karapatan akong magalit. But I never asked you for anything. And now you're confronting me because of what?"

Nanatiling nakatingin sa akin ang lalaki na hindi malaman kung paano sasagutin ang tanong ko. Kita ang kaguluhan sa mga mata niya. Pagkaraan ay bumuntong-hininga siya na tila ba nagsisisi sa mga sinabi niya. "Aiere, I'm sorry. Siguro nga na-paranoid lang ako. I...I just don't want us to see each other. Ayokong makahalata si Shona. We're starting a family and we're getting married. Hindi lang talaga ako komportable na nagkikita pa tayo lalo na alam naman natin kung anong nangyari sa pagitan natin."

Bakit hindi ko ito nakita noon? Bakit ba masyado akong nakapokus sa kung ano ang nawala sa akin na hindi ko nakita na walang matinong tao ang basta bibitaw sa relasyon na binuo ng matagal? How can I fail to see that a man that can act that way is not a man that I should pinned my heart to.

I wouldn't have realize this if I haven't felt a better treatment. Kung hindi ko pa nakita ang kaibahan sa mga nararamdaman ko nitong mga nakaraan. Kung hindi ko pa naranasan ang takot na mawala ang meron ako ngayon higit pa sa takot na naramdaman ko ng unti-unti siyang lumayo sa akin.

Nang muli akong magsalita ay rinig na ang pag-iiba sa stado ng dahan-dahang nagbabago kong emosyon. "How convenient for you. Ako pa ang mag a-adjust dahil lang sa hindi ka komportable sa sitwasyon na ikaw din naman ang nagsimula. How convenient that I should make you feel better just because you're not comfortable. Ako pa ang mag a-adjust na iwasan ka eh ako ang nakatira dito sa Tagaytay at ikaw ang punta ng punta rito. Kung gusto niyong mamasyal wag dito."

"Aiere, I didn't mean to-"

"We were together for years. Years! Tapos binitawan mo lang ako ng walang eksplenasyon at hindi pa lumalamig ang pwestong binakante ko sa tabi mo, may pinark ka na na ibang babae diyan. Of course it would be awkward. Of course it wouldn't be easy bumping into each other. Pero nag react ba ako? May narinig ka bang reklamo mula sa akin?"

"Nagkataon lang na nakilala ko siya pagkatapos nating mag break-"

Itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa pagsasalita. "Give me a break, Mateo. Feelings don't just appear and disappear. Habang ginagawa mo pa akong reserba, you're already trying to move in that woman so I can move out."

Kita ang pagbabago sa postura niya sa sinabi ko at humakbang siya palapit sa akin. Hindi ako umatras at nanatili kong sinalubong ang tingin niya. "Akala ko okay lang sa'yo. Hindi mo ako pinigilan. Hindi kita naringgan na pinilit mo akong sabihin sa'yo kung bakit kita binitawan. Hindi mo ba naisip kung bakit gano'n na lang naging kadali para sakin? Kasi tayo pa lang pakiramdam ko wala naman na akong bibitawan dahil sa una pa lang hindi ka naman na kumapit."

"Maybe you're right. Siguro nga hindi kita pinaglaban. Siguro nga mali talaga ako kasi hindi ko pinaramdam sa'yo na sobra kitang minahal. Pasensya na ha? Akala ko kasi dahil mahal kita at mahal mo ko, wala na akong dapat ilaban pa. Akala ko wala na akong kailangan pang patunayan kasi alam mo naman kung ano ang nararamdaman ko. Pero tama ka nga siguro. Hindi ako kumapit ng mahigpit. But you know what? I don't think that's how relationship should work. I don't think I should hold on to you so tight that I could bruise you. I just held you gently. Enough to let you know that I'm with you yet you have the power to move away if you want. Nagtiwala ako na hindi ka kakawala." Itinaas ko ang kamay ko ng akmang magsasalita siya ulit. I already heard enough from him. Ayokong tuluyan ng mapatungan ng galit ang mga masasayang pagkakataon na nakasama ko siya. I don't want this to end on that note. Dahil kahit ano pa ang nangyari, hindi maitatanggi na minsan ay minahal ko siya. "Tama na. You don't need to worry because I have no plans on stopping you from moving on. Kahit naman noon ay hindi ka humingi ng permiso. So you can continue on doing what you want dahil umpisa pa lang 'yon na ang mahalaga sa'yo. And I'm fine with that now. Naiintindihan ko na ngayon. I now understand that I don't need to blame myself anymore. Because it wasn't just my responsibility to keep us together before. Hindi lang ako ang dapat sisihin dahil kung meron mang nagkulang...alam kong hindi lang ako 'yon. Maybe that's just how it should be. We weren't good enough to see all those so we can work on it together. Maybe it was meant to end this way."

Ikinibit ko ang mga balikat ko at bahagyang ngumiti. Kita ang pagtataka sa kaniya sa inaakto ko pero wala na akong pakielam. Matagal na panahon akong nanahimik. Ngayon pagkakataon ko na para sabihin lahat ng gusto kong sabihin. Nandito na ako sa pagkakataon na tumigil na akong isipin kung ano ang sa tingin kong naraamdaman niya. I'm just letting myself what I want to feel and say what I mean to say.

"I know you think that I'm on some mission to get you back or I'm still hang up on the thought of what we had, and maybe I did think of that before but I want you to know now that that won't happen." Iniangat ko ang kamay ko at tinuro ko ang direksyon ng basketball area. "Sa loob niyan ay naroon ang taong nagpaparamdam sa akin ng higit pa sa naramdaman ko noon. Hindi pa ako handa at alam kong gano'n din siya. There's a possibility that this would end badly for me. But you know what? For the first time in my life, ayoko ng pangunahan ang nararamdaman ko. I don't want to imagine what I want to happen. I'm just going to walk down the path in front of me, wherever it takes me, so just I can be with him."

Nanatili akong nakatingin sa kaniya nang sabihin ko ang mga salitang iyon. He's a good person. He's not just the right person for me. Despite everything that happened, I want him to have the life he wanted. Hindi man tama ang naging pagtatapos ng pahina sa aming dalawa, tanggap ko na na may mga pagkakataon na nakakagawa tayo ng mga desisyon na makakasakit sa iba dahil lang sa kagustuhan natin na mahanap ang magpapasaya sa atin.

It's not right but that's life.

Tuluyan ko na siyang tinalikuran at humakbang ako palapit sa taong nagpapakita sa akin ng kasalukuyan. Hindi magiging madali. Maaaring walang patutunguhan. Maaaring hanggang dito lang ang kami ni Archer. But I will let myself be happy for what I have now. Saka ko na iisipin ang hinaharap. I want to enjoy what I have now so I won't missed anything by worrying about the future.

Nang makapasok sa loob ng stadium ay kaagad hinanap ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Archer. Hindi pa naman gano'n karami ang mga tao sa loob. Nang hindi ko siya magawang makita kahit saan ay nilabas ko ang cellphone ko.

Bahagyang umangat ang gilid ng labi ko nang makita ko na may mensahe sa akin si Archer. Binasa ko 'yon at pakiramdam ko ay muling tumambol ang dibdib ko sa nabasa.

FROM: Mr. Creep

I'm on the first row, left side. I'm waiting for you so hurry up after you're done with that dimwit. Kung may sasabihin siya sa'yo na hindi maganda, message me so I can punch him. But if you cry for that man again, I'm gonna throw you to the nearest cliff.

Tuluyan na akong napangiti at napapailing na naglakad ako sa direksyon na sinabi ni Archer. Akala ko hindi niya napansin si Mateo. I guess I'm more in tune with him than I thought I already am.

Bahagyang napakunot ako ng noo at inilibot ko ang paningin ko sa paligid nang makarating ako sa pwesto na sinasabi ni Archer at hindi ko siya makita ro'n. Nagpapaumanhin na dumaan ako sa mga taong papaupo pa lang at nilagpasan ko sila para hanapin ang kinaroroonan ng lalaki.

Baka pumunta ng restroom. Akmang hahakbang na ako papunta sa direksyon ng namataan ko na restroom nang may maramdaman akong naapakan ko. Nagbaba ako ro'n ng tingin at sandaling napatitig ako ro'n.

It's a bucket of popcorn scattered on the floor.

Kaagad sinakmal ng takot ang dibdib ko at nagmamadaling naglakad ako papunta sa isa pang exit na nakita ko. Imposibleng kung saan kami nanggaling muling lumabas si Archer dahil imposibleng hindi ko siya makita.

"Aray! Miss dahan-dahan naman!"

Hindi ko pinansin ang reklamo ng taong nabangga ko at nagpatuloy lang ako sa paglakad-takbo na ginagawa ko. He messaged me less than five minutes ago. Sigurado akong hindi pa siya nakakalayo. I just hope that I'm just being paranoid.

Pabalabag kong binuksan ang exit at mabilis akong tumakbo palabas ro'n. Walang tao ro'n dahil sa likod iyon ng event place but I didn't stopped running. I can feel the cool breeze hitting me on the face as I ran on a speed that break my training record. That's why I almost catapulted on the ground when I needed to instantly stopped as I saw two men a few pace in front of me. One of them so familiar to me.

Binagalan ko ang mga hakbang ko habang nanatiling nakapako ang paningin ko sa direksyon ni Archer na naglalakad sa harap ng isang lalaking kaduda-duda ang lapit sa kaniya. Iniangat ko ang kamay ko at hinawakan ko ang holster na nakakabit sa suot ko na pantalon na natatabingan ng pang-itaas ko.

I tried to make each step quiet as a breath but luck wasn't on my side. At the next shift of the wind, leaves and branches swayed swiftly beneath my feet sending a soft crunch sound when I stepped on them.

Mabilis ang naging pangyayari. Hinawakan ng lalaki ang balikat ni Archer at iniharap sa gawi ko habang ang isa niyang kamay ay iniangat na ang baril na kanina ay sigurado akong palihim niya lang na itinututok sa likod ng lalaki.

"Wag kang lalapit." babala niya sa akin at itinutok sa ulo ni Archer ang hawak niya.

Nagtama ang mga mata namin ni Archer at kita ang pagkabahala sa kaniya. But I have this feeling that it's not his safety that he's worried about. Absurd as it may sound when we both know what kind of work I have.

"Anong ginagawa mo sa kaniya? Let him go." I hate this kind of exchange. Pero may mga pagkakataon na kinakailangan naming makipag-usap sa mga taong katulad ng kaharap ko ngayon. So we can prolong the situation and think of a plan.

"Aiere, it's okay. Just do as he say and don't move."

Walang kahit na katiting na bakas ng takot sa boses niya. Isang bagay na nakakapagtaka para sa isang taong nasa sitwasyon niya. It was as if he's expecting bad things to happen to him and he's been ready for it.

Imbis na pakinggan siya ay muli akong humakbang dahilan para humigpit ang hawak sa kaniya ng lalaki na ngayon ay hindi na malaman kung sa akin o kay Archer itututok ang baril niya. I saw Archer's eyes hardened when he saw the man pointed the gun at me for a moment before returning it to him.

I want to scream in frustration. We were having a good day. Tapos ngayon ay masisira lang dahil dito. And to add to that, Archer's being difficult. Again. Kailan ba papasok sa isip niya na kahit ilang beses na niya akong inalagaan at tinulungan ay hindi ibig sabihin na isa akong babasaging kristal.

"Sinabi ng wag kang lalapit! Gusto mo bang pasabugin ko ang bungo ng lalaking ito?"

Pinaikot ko ang mga mata ko. Sawa na ako sa mga ganitong linyahan. "Pwede ba? Ibahin mo naman ang entrada mo dahil gasgas na 'yan."

Kita ang pagkabigla sa mga mata ng lalaki. "Anong- nasisiraan ka na ba? Ako ang may hawak ng baril dito. Hawak ko ang buhay ng taong 'to!"

Hinugot ko ang sarili kong baril mula sa holster ko at iniangat ko 'yon. Ikinasa ko 'yon at pagkatapos ay tinutok ko sa harapan ko kung saan laglag ang pangang nakatingin sa akin ang lalaki habang si Archer naman ay mariing napapikit. "O ayan. Parehas na tayong may baril."

Napakurap ang lalaki bago nagdilim ang mukha niya at idiniin ang hawak niya sa sentido ni Archer. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo."

"Lalong hindi ako nakikipagbiruan sa'yo." balik ko sa kaniya. "Let him go and I will let you live. You don't, it's either I'll blow your head into pieces which won't be a pretty sight to see and you'll probably stain Archer's shirt or I'll shoot your hand...and blow it to smithereens and Archer, like I've said, would need a new shirt because you'll surely dirty it."

"Sino ka ba sa inaakala mo-"

I waved my hand to stop him from speaking. "Tigilan na natin ang mga linyahan mo na gasgas pa sa gasgas. Let me see..." bahagya kong ginalaw ang kamay ko na may hawak na baril dahilan para mapaatras muli ang lalaki habang hila-hila si Archer. "You were ordered to get him not kill him. Because if it is, you won't be approaching your target. You would have killed him without anyone detecting you. You were tasked to collect and not to reap."

Pinakatitigan ko ang lalaki na ginapangan na ng pangamba ang mukha. I don't think he's a veteran with this kind of job. He looks younger than the others that I encountered during my missions. Kung tama ang hinala ko, he's just one of the first line. Mga taga-subok ng depensa.

"Bago ka pa lang ba? Practice mo ba to? Have you had any blood in your hands? Sa tingin ko wala pa. I would know because I have."

One of the advantage of a female agent is our gender. Dahil kadalasang minamaliit ang kakayahan namin sa mga ganitong pagkakataon. Usually, they don't even believe us when we throw a threat. Iyon ang eksaktong nakikita ko sa lalaki na pagak na tumawa sa sinabi ko.

"Ikaw na lang kaya ang unahin ko?" tanong ng lalaki at tinutok sa akin ang baril niya.

Kita ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha ni Archer sa sinabi ng lalaki. Sa pagkabigla naming pareho ng lalaking may hawak ng baril ay gumalaw si Archer dahilan para muling iharap sa kaniya ng lalaki ang baril.

"Wag kang malikot!" asik ng lalaki sa binata.

I gritted my teeth and didn't think twice. I used the distraction to center my gun and aim for my target. Pero imbis na gawin ang sinabi ko sa kanila ay hindi sa ulo o sa kamay ang puntirya ko. I want the man alive and I also want all the data I can get from his and body if needed. And that would mean a DNA and fingerprints. So instead of shooting him into pieces, I aimed for his neck. Just enough to nicked an artery but not enough to kill him.

I breathed through my nose as I keep my body still as possible. In the span of seconds just after his last movement, I pulled the trigger and shoot without second thoughts.

Gaya ng inaasahan ay nabitawan niya si Archer nang tuluyang bumulwak ang dugo mula sa tinamaan ng bala sa kaniya. Pero sa pagkadismaya ko ay hindi ang kamay niya na may hawak ng baril ang ginamit niya para hawakan ang leeg niya.

Bago pa siya makagawa ng kahit na anong galaw ay sa mabilis na galaw ay tumakbo ako palapit sa kanila. I was just in time when he raised his hand again, intending to shoot. Ginamit ko ang sarili kong katawan para ibangga sa kaniya. My body colliding to him so hard that we both fell to the ground.

I felt pain surged through my back when I felt something hard hit me when I fell but I ignored it and immediately struggled to get the gun. Pero mukhang walang balak ang lalaki na basta pakawalan na lang agad 'yon at sa halip ay tinangka niyang itapat sa akin 'yon. Hinawi ko ang kamay niya at ipinaikot ko ang isa kong braso sa leeg niya, trapping him into a headlock, while my other hand tried to pinned his arm to stop him from pointing the gun at me.

I can hear his breath turning ragged but he continued to struggle as he bucked beneath me. Lalo ko pang idiniin ang kamay ko ngunit muntik ko iyong mabitawan nang makita ko si Archer na basta na lang lumapit sa amin at hinawakan ang kamay ng lalaking may hawak ng baril at pilit kinuha ang baril do'n.

I can feel my throat clogging with fear. That gun could gone off any moment. One wrong slip of the man's finger and it could shoot him.

Napahiyaw ang lalaki nang muli kong diinan ang leeg niya kasabay nang pag-apak ni Archer sa kamay ng lalaki na tuluyan ng nabitawa ang baril. As relief surged through me, binitawan ko ang isa kong kamay na nagpapalis ng kamay ng lalaki at isinama ko 'yon sa isa ko pang kamay dahilan para mas lalo akong makahanap ng pwersa sa pag-ipit sa leeg ng lalaki. I can feel his arms trying to pull away my arms but I didn't let go from my choke-hold.

I counted in my head while trying to ignore the pain from the man's nails digging through my skin. In a few moments time, I felt the man stopped to moved, his hands going limp when finally...he lost consciousness.

Nag-angat ako ng tingin kay Archer nang bitawan ko na ang duguan na lalaki. Mahigpit ang pagkakahawak ni Archer sa baril habang nakatingin sa akin na ngayon ay balot na ng dugo ang puting pang-itaas ko.

Tumayo ako at nilapitan ko siya. Marahang hinawakan ko ang kamay niya at kinuha ko mula sa kaniya ang baril.

"We need to go back. Get the car because we need to take him in." Nagbaba ako ng tingin sa kamay ko na nababalutan ng dugo na ngayon ay nanginginig na ngunit ikinuyom ko lang iyon sa baril bago muling nag-angat ng tingin kay Archer. "You need to tell me what's happening."

Imbis na sumagot ay hinawakan ni Archer ang isa ko pang kamay na nababalutan din ng pula. Inangat niya 'yon at tinitigan. "I promised myself that no one would be tainted just because of me."

Umiling ako at pinisil ko ang kamay niya na nakahawak sa akin. "I already am, Archer. I am already tainted before this. This is my life."

"Wrong." he whispered and gently let my hand go. When he finally met my eyes, I recognized the demons dancing in them, resurfacing once again. "This is my life. And my dirt tainted you."


_____________________End of Chapter 18.

Continue Reading

You'll Also Like

651K 28.9K 45
A night of mistake turned my life into a series of turmoil. A night when alcohol was mixed with suspicion, pain, and even...love. Mali man o tama. B...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
27.5K 475 6
R-18 A one night stand gone wrong
1.7K 170 22
Selena Villanueva, the woman who is just looking for love with someone she is gradually falling in love with. She became even more miserable when she...