SEASONS of LOVE 1 The Series...

By quosmelito

30.6K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... More

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 15 - Date
Episode 16 - What Happened?
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak

1.2K 46 2
By quosmelito

*Haru*

•••

   "Heto. Isinuot ko iyan ulit noong may sakit ka." Iniabot ko sa kanya ang mga damit niya para magpalit.

   "Bakit 'di mo isinauli?"

   Kumunot ang noo ko dahil parang wala sa lugar ang ngising naglalaro sa labi niya.

   "Nakalimutan ko lang."

   "Nakalimutan? Baka naman inaamoy mo 'to bago ka matulog?"

   "Hindi 'no!" Minsan lang.

   "Hmm." Tila hindi kumbinsidong tango niya.

   "Maglinis ka na. Wala nga lang kaming shower. Pero maraming tubig sa banyo. Saka malinis doon."

   "Samahan mo 'ko."

   "Igagayak ko pa 'yong higaan mo."

   Lumapit siya sa akin at yumuko. Agad akong umiwas nang mapagtanto ko ang gagawin niya.

   "Baka biglang pumasok ang kambal. Wala pa namang pinto itong kwarto namin."

   "Isa lang."

   Lumingon ako sa pinto para siguraduhing nakaladlad ang kurtina saka ako tumingkayad at binigyan siya ng mabilis na halik sa sulok ng labi.

   "'Yon lang? Ganito."

   Kinabig niya ang batok ko at tinawid ang pagitan ng mga mukha namin. Bahagya ko siyang itinulak nang mapansin kong tumatagal na ang halik.

   "Baka mahuli tayo. Nakakahiya."

   "Kinahihiya mo 'ko?"

   "Hindi!" Agad kong sagot sa kanya sa mas mataas na boses. "Hindi. Ibig ko lang sabihin, nakakahiya sa mga bata na makita nila 'yong tagpong hindi nila dapat makita."

   Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "I was just kidding. Samahan mo na 'ko. Baka may manilip sa akin."

   "Sino naman ang maninilip sayo? Walang butas sa banyo namin saka may pinto."

   "Ikaw. Baka gusto mo akong silipan." Sabay kindat pa niya.

   "Pfft. Hindi ako gano'n 'no!"

   "Oo na. I'm giving you the idea of perving on me, pero 'di mo naman makuha."

   Pabiro ko siyang inirapan. "Sige na. Aayusin ko na 'tong higaan mo."

   Nang lumabas siya ay sinimulan ko nang palitan ang kubrekama at mga punda. Naglabas rin ako ng bagong labang kumot. Hindi pa naman lumilipas ang bango ng mga iyon pero pinalitan ko na rin para mas maging komportable si Rain sa pagtulog.

   Ihahatid ko sana siya pauwi ang kaso ay hindi na pumayag si Mama dahil masyado na akong gagabihin sa pag-uwi. Na halatang ikinatuwa ni Rain dahil sagad ang ngiti niya nang sabihin iyon ni Mama.

   Kaya naman pinalipat ko ang kambal sa kwarto ni Mama para may mahigaan si Rain. Ngayon ay ang higaan ko na lang ang poproblemahin ko.

   Mayamaya pa ay nakayari na ako at naggayak ng mga damit na pantulog. Kumuha rin ako ng kumot at unan para sa akin. Hindi nagtagal ay muli nang pumasok ng silid si Rain na preskong presko ang amoy at itsura.

   "Sakto. Pwede ka nang matulog."

   Binitbit ko ang unan, kumot at damit pantulog at akmang lalabas ng kwarto.

   "Wait. What are you going to do with those?" Tukoy niya sa kumot at unan na yakap ko.

    Tumuro ako sa likod. "Doon ako matutulog sa salas. Hindi naman malamok dito kaya ayos lang."

   "And you thought na papayag ako?" Nakataas ang dalawang kilay na tumigil siya sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang tuwalya.

   Tinaasan ko rin siya ng kilay at tuluyang bumaling paharap. "Hindi naman ako nagpapaalam sayo."

   "Oh. Attitude, huh? I see, I like it." Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin na may misteryosong kinang sa mga mata. Initsa niya ang tuwalya sa kama bago ako hapitin sa beywang. "Kapag gusto kong katabi ka. Tatabi ka. No buts. No arguments. Nothing. Ako ang masusunod." Bulong niya sa mga labi ko.

   Gusto kong mapapikit nang kumaliti sa imahinasyon ko ang sensasyon na hatid ng presko niyang hininga.

   "B-baka magalit si Mama."

   "Why? It's not as if we're going to do something." Sa bawat bulong niya ay bahagyang tumatama ang mga labi niya sa labi ko at naghahatid iyon ng nakaliliyong pakiramdam na kumakalat sa buo kong katawan. "Unless, you wanna be on Santa's naughty list."

   Pilit kong pinagana ang nanlalabo kong isip at bahagya siyang itinulak. "Oo na. Maglilinis lang ako."

   Inalis ko ang kamay niya sa beywang ko nang matagumpay siyang ngumiti. Saka ibinaba sa kama ang unan at kumot.

   Bumalik naman siya sa pagpapatuyo ng buhok habang nakaupo sa kama.

   "You should know by now, that whatever I say goes."

   Napaismid ako sa sinabi niya. Haring-hari ah. "Wala ka sa kaharian mo." Pabulong na sagot ko bago tumalikod.

   "What was that?"

   "Wala." Hindi lumilingon na sagot ko habang palabas ng kwarto.

•••

*Rain*

   A smile crept up on my face once he left the room.

   I didn't mean what I said. I only told him that to see if he would fight over dominance. And somehow, it boosted my ego that he didn't.

   Because the truth was, he got me wrapped around his little fingers helplessly. Para bang kahit ano ang i-demand niya ay agad kong susundin nang walang alinlangan.

   And as the ever 'bossy' person that I was, I wanted to still have control over things. It was a mechanism that I've picked up along the way to where I was now. And it grew accustomed with my nature. It helped me a lot, though. In so many ways.

   But with Haru around, it felt like the control that I had was beginning to disappear into thin air, and there was this feeling that was dealing so much damage to my authority.

   I knew what this feeling was. The feeling of being obedient to one person. That feeling of content whenever you pleased the only person you wanted to please. That feeling that made you submit to someone dear to you and do what they told you to do yet you'd be overjoyed instead of being annoyed.

   That feeling of not being aware that it was no longer you that owned your own heart. That it already belonged to someone else.

   And I hated that feeling.

   I hated being vulnerable and dependent to other people.

   I knew I was being a selfish assh*le. But with all the painful things I've gone through, one thing I learned was to take control.

   Control over my feelings. My mind. And my heart. So that if things wouldn't go my way, I could still salvage what was left for me and put each piece back together.

   Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nararamdaman ko iyon kay Haru. Iyong pag-aalinlangan at pag-aalala na baka iwan lang din niya ako. Siguro ay dahil hindi lang isang beses na iniwan ako ng mga taong mahalaga sa akin, kaya ganito na lang katibay ang proteksoyon ng puso ko.

   Gusto ko siyang itaboy. Gusto ko siyang lumayo. Pero sa kaparehong pagkakataon ay ayaw ko siyang mawala sa tabi ko. Sa tuwing nasa malapit siya ay bumababa ang depensa ko. Lumalabas ang natural kong personalidad. Naglalaho ang maskarang pinakapal at pinatibay ng mga kabiguan ko sa buhay.

   Kay Haru, nawawalan ako ng kontrol. At natatakot ako na tuluyan iyong mawala. Na tuluyang muli akong mahulog sa hukay na nakaabang lang sa pagbagsak ng lumilipad kong puso.

   Unti-unti na akong nakakaahon. At natatakot akong muling bumalik sa madilim na simula.

   Gusto ko siyang iwasan. Trust me, I tried. But I guess, I didn't try harder. Dahil gusto siyang nakikita. Nakakausap. Nahahawakan. At hindi ako mapakali kapag hindi ko iyon nagagawa.

   Now that I've, somehow, crossed the line, I had no idea what to do next. Ni hindi ko kayang linawin sa kanya kung ano ang meron kami.

   I might not be telling him words he wanted to hear, but I knew I was giving him mixed signals, that I knew one day would make him question everything.

   My mind and heart were in a mess right now. It was as if there was a battle in me that I was too scared to face.

   Was I ready to be hurt again and wallow in pain for the entirety of my life?

   I wished heavens would answer me right at this very moment.

   Ang tanging malinaw lang sa akin ay hindi ko pa siya kayang bigyan ng anumang kasiguraduhan pero gusto kong manatili siya sa tabi ko.

   Dammit! Napakamakasarili ko.

   But all I needed was time. Time to win over my demons.

   Napalingon ako sa kurtina nang gumalaw iyon at sumilip ang kambal.

   "Why are you, boys, still up?" I smiled at them and patted the space next to me.

   Lumapit sila at naupo. They looked very cute looking up at me with those big, beautiful eyes that held so much innocence in them.

   They reminded me of someone so small and fragile.

   "Si Junno kasi, magpapasalamat daw. Po."

   "Ikaw rin naman, ah!" Tila nahihiyang angal ni Junno.

   Napangiti ako sa kakulitan na taglay ng kambal.

   "Well?" Pukaw ko sa kanila.

   "Ahm. Thank you, Mr. Boss, sa mga binili mo po sa amin. Promise, mag-aaral po kaming mabuti." Nakataas pa ang kanang kamay ni Junno.

   Actually, I couldn't tell who was who. Binanggit lang ni Jinn ang pangalan ng kambal niya kaya ko nalaman kung sino ang sino.

   "Oo, nga. Salamat, Mr. Boss. We afrisyiyeyt it. Po." Segunda ni Jinn na lalo kong ikinangiti.

   They were very sweet they made me want to hug them. So I did. With only one hand, of course.

   "Hmm. Sige, go to sleep now. Baka abutan pa kayo ng kuya niyo. Papagalitan kayo no'n."

   "Oo nga, Mr. Boss, masungit 'yun ih." Jinn pouted adorably crossing his arms against his chest.

   "Sige po. Goodnight, Mr. Boss."

   "Goodnight. Po."

   They jumped from the bed looking so cute in their matching pajamas and exited the room while bickering at each other.

   "Appreciate 'yon. Hindi afrisyiyeyt."

   "Hmp! Gano'n din 'yon, naintindihan naman ng voyprend ni Kuya."

   "Tingin mo mag-boyfriend sila? Pa'no na si Ethan boo?"

   "Ewan."

   Ethan boo? Sounds familiar. Ethan. Right. Iyong bestfriend ni Haru?

   Anong ibig nilang sabihing pa'no na si Ethan? And what the hell did boo means? Was it some kind of endearment? Did that Ethan also called Haru, boo?

   May relasyon ba sila ni Haru bukod sa pagiging magkaibigan?

   I felt a pang of jealousy and suddenly my possessiveness kicked in. I wanted to confront Haru. Right. Now.

   And just in time, he entered the room looking so... delectably fresh. D*mn! I should've let him sleep on the couch.

   Mukhang magkakaproblema ako sa pagtulog nito.

•••

*Haru*

   "Parang nakita kong galing dito ang kambal? Gabi na, gising pa sila?"

   "Matutulog na. Who's Ethan?"

   Lumapit ako sa maliit na salamin na nakasabit sa gilid ng bintana para i-check ang nahilam kong mata. Hindi naman iyon gaanong mapula.

   "Kaibigan ko. Sinabi ko na sayo 'yon ah?"

   "Yeah. I mean, sino si Ethan sa buhay mo? Is he just a friend or more than that?"

   Nilingon ko siya na diretsong nakatingin sa akin habang nananatiling nakaupo sa kama. Kumunot ang noo ko dahil salubong na naman ang mga kilay niya.

   "Ano bang sinasabi mo? Saan mo naman napulot 'yan? Kababata ko siya. Kung higit pa sa kaibigan ang tingin namin sa isa't isa, iyon ay bilang magkapatid. Bakit mo ba itinatanong?"

   "I heard your brothers talking about him. And it sounded like you two have a romantic connection. At ano ang tungkol sa 'boo' na narinig ko?"

   "Pfft. 'Wag kang nakikinig sa kambal, malawak ang imahinasyon nila. Saka kaibigan lang ang turingan namin." Sumampa ako sa kama at nahiga sa pinakagilid niyon.

   Umayos siya nang upo at tila nag-iisip na tumingin sa akin.

   "You know, kids may have the purest of innocence, but they are the most observant. Malamang may nakikita silang ginagawa niyo ng 'Ethan boo' mo na hindi ginagawa ng magkaibigan LANG."

   Itinirik ko ang mga mata ko at nagkumot upang hindi ma-focus ang paningin niya sa maliit na ngiting pilit kong sinupil.

   Nagseselos ba siya? Okay, tingnan natin.

   "Well, madalas kaming magyakapan. Minsan hinahalikan niya 'ko---."

   "What did you say?"

   Bigla ay nasa tabi ko na siya at nakatukod ang isang kamay sa kama malapit sa mukha ko habang nagdidilim ang mukha.

   Parang anumang oras ay handa siyang manakit at aaminin kong nakaramdam ako ng takot para sa kaawa awa kong buhay.

   Bad idea.

   "Ahm, s-sa pisngi lang naman. Nakasanayan na namin 'yon mula pa pagkabata. W-wala namang malisya 'yon."

   "Well, maybe for you but what about for him? Sigurado ka bang walang malisya sa kanya 'yon?"

   Nag-iwas ako ng mga mata dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya habang halos mag-abot na ang mga kilay niya.

   "Anong ibig mong sabihin? Na may gusto sa akin ang kaibigan ko? Hindi mo pa nga siya nami-meet."

   "I don't have to. Lalaki rin ako, and men don't kiss their male friends, unless they feel some kind of affection towards them."

   "H-hinalikan mo rin ako. Ibig bang sabihin..." Alanganin kong tanong sa kanya.

   Bumuntong hininga siya sa tila nababagot na paraan saka umayos ng upo.

   "What do you think? Nanghahalik lang ako basta basta? You're being stupid again. And don't change the subject."

   Napangiti ako sa sinabi niya.

   Gusto rin niya ako?

   Gusto rin niya ako!

   "What's so funny?" Nakasimangot na tanong niya na sinagot ko ng iling.

   Itinirik niya ang mata at nagpatuloy sa pagsasalita. "From now on, I don't want you anywhere near that guy Ethan. Kahit pa kaibigan mo siya. It just doesn't seem like he only intends a friendship between you both."

   Muli ay nabuhay ang mapanuksong bahagi ng pagkatao ko kasabay ng abnormal na pagtibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya.

   "Hmm. Nagseselos ka ba?" Tanong ko saka naupo.

   "Yes. And do you know what I do when I'm jealous?"

   "Ahm." Nagkibit balikat ako.

   "This."

   Sa isang iglap ay namalayan ko na lang na nakahiga na ako at nakakandado ang mga labi ko sa mga labi niya.

   Kasabay niyon ay nagsalimbayan ang mga alaala ng napakagandang gabing iyon na pinagsaluhan namin sa condo niya.

   Ganito niya ako hinalikan noon. Halik na may pananabik. Mapangsalakay at malilikot na labi. Mga labing tila kaytagal na nawalay sa bukal ng matamis na tubig.

   Ganito iyon. Ganito.

   Nanariwa sa akin ang pakiramdam na tila nahuhulog ako sa kawalan. Walang makapitan. Walang lalapagan at patuloy lang sa pagbagsak.

   Ganito iyon.

   Tila mapupugto ang hininga ko ngunit walang balak ang katawan kong lumaban.

   Gusto ko mang magpatangay sa napakalakas na agos ng damdamin ay pinanaig ko pa rin ang tamang pag-iisip.

   Sa nanlalambot na mga kamay ay bahagya ko siyang itinulak sa dibdib. Ngunit hindi niya iyon pinansin at patuloy lang sa pagsalakay sa mga labi ko.

   Sumagap ako ng hangin upang kalmahin ang sarili ko ngunit sinamantala lang ng malikot na dila ni Rain ang pag-awang ng mga labi ko.

   Sa halip na makaramdam ako ng pandidiri ay nadama ko ang pagsuyo sa ginagawa niya.

   A passionate kiss.

   Wala akong ibang salitang maapuhap para ilarawan ang halik na iyon kundi ang mga salitang iyon.

   Kaya lang ako natauhan ay nang makarinig ako ng mga yabag sa labas ng kwarto.

   Tuluyan ko siyang itinulak at napapahiyang naupo. Yumuko ako habang yakap ang mga tuhod ko.

   Nagpasalamat ako na nagising si Mama. Siguro ay kailangan niyang magbanyo o kukuha ng maiinom. Kung hindi ay baka kung saan pa humantong ang lahat.

   "Haaaa." Tumihaya si Rain at tumitig sa kisame bago tumingin sa akin nang nakangisi. "Halik ko lang ang dapat na nasa isip mo mula ngayon. Walang iba. Kahit sa pisngi lang, ayokong may hahalik sayo. Naiintindihan mo?"

   Hindi ako sumagot dahil sa aftermath ng nakaliliyong halik na iyon.

   "I'm asking you. Do you understand? O kailangan ko pang laplapin ang labi mo?"

   Naupo siya at akmang dadalhin ang kamay sa batok ko pero agad din akong umiwas kasabay ng pag-iinit ng magkabila kong pisngi.

   "Pfft. Ang brutal mong magsalita."

   "Yeah? My actions could be gentler though." Paanas na tugon niya saka pinadaan ang kamay sa braso ko bago iyon makahulugang pinisil.

   "Matutulog na 'ko." Agad akong nahiga patalikod sa kanya, at kung posible pang gumilid sa gilid ng kama ay iyon ang ginawa ko saka nagkumot.

   Kumunot ang noo ko nang tila gumaan ang kama at mayamaya pa ay narinig ko ang pag-click ng switch kasabay ng pagdilim ng kwarto.

   Hindi naglipat minuto ay naramdaman ko na ang paghapit niya sa dibdib at braso ko.

   "Let's do something."

   Gumapang ang kilabot sa buong katawan ko sa init na hatid ng pagbulong niya sa mismong tenga ko.

   Lalong kumabog ang dibdib ko nang maramdaman ko ang pagdaiti ng buo niyang katawan sa likod ko, lalo na ang pang-ibabang bahagi ng katawan niya.

   "Rain, ano ba? Hindi ko kaya."

   "Kaya mo. Sa una lang masa---."

   "Hindi iyon!" Pasigaw na bulong ko.

   "Then what?"

   "Nandiyan lang si Mama at ang kambal sa kabilang kwarto. Nakakahiya. Hindi ko kaya." Inalis ko ang kamay niya sa pagkakayap sa akin ngunit lalo lang iyong humigpit nang bumalik.

   "So, does it mean na kapag tayo lang papayag ka?"

   Napasinghap ako nang kagat-kagatin niya ang tenga ko at ang pagdiin ng balakang niya likuran ko.

   "Hindi." Oo.

   "Hmm. Yeah?"

   Paimpit akong muling napasinghap nang pumasok ang kamay niya sa damit ko at mabilis na sinakop ang kaliwang dibdib ko ng malalaki at maiinit niyang palad.

   "We could do it quietly." Patuloy niya sa pagbulong at paghaplos.

   Shems! Bakit ang sexy ng boses niya kapag bumubulong?

   Bago pa ako madala ng mga kampon ng kadiliman na kasabay niyang bumubulong ay agad akong tumayo at binitbit ang unan.

   "Hindi pwede, Rain. Nakakahiya kay Mama."

   "And where do you think you're going?"

   Hindi man ganoon kaliwanag sa kwarto ay naaaninag ko pa rin ang mukha niya sa tulong ng liwanag ng buwan na sumisilip sa bukas na bintana.

   "Sa salas. Doon ako matutulog."

   "Tsk. Fine! Halika na rito. I'll behave."

   Hindi pa rin ako kumilos at nanatiling nakatayo lang sa gilid ng kama.

   "I promise! Come on." Tila nababagot niyang lahad ng kamay sa direksyon ko. "I promise."

   Kagat ang labing muli akong sumampa sa kama yakap ang unan na agad niyang hinila at pinalitan ng braso niya.

   Hindi na siya nagsalita at nanatili lang na nakayakap sa akin. Akala ko ay matutulog na siya ngunit mukhang hindi totoo ang ipinangako niya.

   "Now I really hate this cast."

   "Bakit?"

   "If only both of my hands were available, I would have used one to cover your mouth while the other one for support, then I could senselessly fuc---."

   "Rain!"

   "Fine! Jesus! What a c*ckblocker you are."

   "Well, kung hindi ka titigil mas mabuting doon na lang talaga ako sa salas matulog."

   "Oo na. Jeez!"

   "Rain." Warning ko sa kanya nang muli kong maramdaman sa hita ko ang simbolo ng pagkalalaki niya.

   "I will do nothing more. I just want to feel you."

   Hindi na ako kumibo at hinayaan siya dahil hindi na siya muling naglikot.

•••

*Rain*

   I never knew I had this part of me. This bold and evil part. But I liked it.

   No matter how inappropriate it would seem, but just the thought of making love with Haru while his family was just in the other room, made me feel thrilled.

   Excited.

   Nasa imahinasyon ko ang pigil niyang mga ungol at impit na hininga sa takot na makagawa siya ng ingay at mahuli ng Mama niya.

   Nasa imahinasyon ko ang pagkagat niya sa kumot upang pigilan ang tinig sa kanyang lalamunan habang nagsasayaw kami sa ritmong ginagawa ng pawisan naming mga katawan.

   Nasa imahinasyon ko ang masakit at masarap na sensasyon ng mga kuko niya sa likod ko habang idinuduyan ko siya ulap.

   Nasa imahinasyon ko ang pagtakip ng palad ko sa bibig niya habang tahimik ko siyang dinadala sa alapaap.

   And d*mn those thoughts!

   They were only driving me crazy.

   I pretended to be asleep but I guess sleep would not be visiting me tonight when I needed it to.

   Napakalapit ni Haru. Hawak ko siya. Yakap. Nakakulong sa bisig ko. But I couldn't do anything.

   I had to set aside those wordly thoughts that my body insistently demanded me to do.

   I respected him as much as I did toward his mother. His family was beautiful. At kung hindi pa niya ipinaalala na nasa kabilang kwarto lang ang pamilya niya ay hindi pa ako matatauhan.

   I felt ashamed of myself yet a part of was reconsidering taking him right here, right now. Even there was a possibility that his mother would learn about it.

   But there was one thing that I needed to know. I needed an assurance.

   Paano ko masasabing gusto rin niya ako?

   Did he like me, too? Or was he just too kind to decline me?

   Now I was afraid. Again.

•••

*Haru*

   "'Ma, aalis na ho kami." Paalam ko kay Mama saka ko isinukbit ang bag ko.

   "Alis na po kami. Pasensya na po sa pakikitulog."

   "Naku, wala iyon. Nahiya nga ako bigla dahil baka hindi naging komportable ang tulog mo." Sagot ni Mama na saglit na iniwan ang pagliligpit lamesa.

   "Maganda ho ang tulog ko. Sobrang komportable nga po eh." Sagot ni Rain saka makahulugang tumingin sa akin.

   Nagpatay-malisya ako habang pinapagpag ang hindi nakikitang alikabok sa suot kong polo.

   "Buti naman kung gano'n. Oh sige na, hijo, anak, lumakad na kayo. Ako nang maghahatid sa mga kapatid mo."

   "Sige po, Ma. Tara." Baling ko kay Rain

   "Sige po."

   "Bye, Mr. Boss!"

   "Bye, Mr. Boss. Take care!"

   Napangiti ako dahil sa unang pagkakataon ay tama ang sinabi ni Jinn.

   Kumaway lang si Rain sa kambal at sumunod na sa akin palabas. Dumiretso kami sa condo niya para sa pagpapalit niya ng damit pang-opisina.

•••

   Inabala ko ang sarili ko sa paglalaro sa cellphone kahit pilit na bumabalik ang paningin ko sa table ni Rain.

   Hindi ko mapigilang humanga sa kanya kahit simpleng trabaho lang ang ginagawa niya sa computer. Paano pa kaya kung makikita ko siyang nagkikipag-deal sa loob ng conference room?

   Pinaakyat niya ako rito sa opisina niya dahil kailangan daw niya ang tulong ko, pero hanggang ngayon naman ay wala siyang pinagagawa sa akin.

   "Who are you texting?"

   "Wala. Naglalaro ako." Hindi tumitingin na sagot ko sa kanya.

   "Let me see."

   Lumapit ako sa kanya at saglit na ipinasilip sa kanya ang cellphone.

   Ganoon lang lumipas ang maghapon namin. Siya nagtatrabaho, ako maghapong nagtataka dahil ayaw niya akong pababain.

   Pero mas gusto ko na rito sa opisina niya kung saan pwede akong palihim na sumulyap sa gwapo niyang mukha.

   Nang dumating ang hapon at kailangan ko na siyang ihatid ay tila nakaramdam ako ng pananabik na makita siyang muli kahit hindi pa siya nawawala sa paningin ko.

   Para bang hindi na ako makapaghintay na dumating ang bukas para muli ko siyang masilayan.

   Sa pakiramdam ko ay makakalimutan ko ang kunot sa noo niya, ang kasungitan ng tikom niyang labi, ang malalamig niyang mga mata, kung aalisin ko ang paningin ko sa kanya.

   Napangiti ako sa isiping bagay rin pala sa kanya ang mga bagay na iyon na hindi pleasing sa ibang tao. Hindi man iyon maganda para sa ibang tao, at nagiging ilag sila, para sa akin ay kaakit akit iyon kay Rain.

   Imperfectly perfect.

   "Come with me." Iyon ang unang mga salitang lumabas sa kanyang bibig buhat kaninang umalis kami sa opisina.

   Sumunod ako sa kanya dahil maaga pa naman para umuwi. Isa pa, ayaw ko pang malawayan ang paningin sa kanya. Kontento na ako roon. Ang makita siya.

   Pagkasarang pagkasara ng pinto ng unit niya ay itinulak niya ako roon na nakapagpakabog ng dibdib ko.

   Ngayon ay nakaipit ako sa pagitan ng matigas na pinto at matigas din niyang katawan. Ang kaibahan lang ay mainit siya. Init na pumupukaw sa kaloob-looban kong damdamin.

   "Rain?"

   "Kanina ko pa gustong gawin 'to."

   Iyon lang at tinawid na niya ang pagitan ng aming mga mukha.

   Gaya ng epekto ng alak, ang halik niya ay tila dumuduyan sa buo kong sistema. Na habang tumatagal ay lalong bumubuhay at nagpapatalas ng aking pakiramdam.

   Na habang natitikman ay lalong nakakapagpadagdag ng pagnanais na malango hanggang sa wala nang maramdaman.

   Saglit siyang humiwalay at hindi ko napigilan ang sarili kong habulin ang mga labi niya. Napapahiya akong yumuko dahil sa inasal ko. Minsan talaga ay mas makahulugan ang sinasabi ng mga kilos kaysa sa mga salita.

   Itinaas niya ang baba ko at idinikit ang noo sa noo ko.

   "My body has been aching for your touch since last night." Bulong niya habang pinauulanan ng maliliit na halik ang mga labi ko sa pagitan ng pagsasalita.

   "Kung ganon, hayaan mo akong hawakan ka."

   Tila may nabuhay na parte ng pagkatao ko na kahit ako mismo ay hindi inakalang meron ako. Nagsimula ang mga palad ko sa leeg niya pababa sa dibdib.

   Pababa sa impis niyang tiyan.

   At pababa pa.

   Then one thing led to another.

   Bago pa kami makarating sa kwarto ay isa isa nang nahubad ang mga kasuotan namin na tila mga bakas ng paa sa buhangin ng dalampasigan, habang hindi naghihiwalay ang aming nananabik na mga labi.

   Handa na ako. Handa na akong ibigay ang lahat. Kung magkahiwalay man kami at magising siya isang araw na hindi na niya ako gusto. Ang mahalaga ay may dadalhin akong magandang alaala na maaari kong ipagbalik-tanaw sa mga araw na hindi na ako ang ninanais niya.

•••

Soundtrack: Tonight I Give In by Angela Bofill

..here's the lyrics

Somebody walked into my life

And he's right on time
Somebody looked into my eyes
And he read my mind
And it's true
I only need to tell you
That it's you
You're everything
I ever dreamed would come to me
Somebody walked into my heart

And to my surprise
Somebody's tearing me apart
And it feels just fine
And it's you
I've waited oh so long to say
It's you
You're every thing
I ever dreamed
And tonight I give in to the feelings

Tonight I give in to the thrill of loving you
Tonight I give in to believing
I'll hear you say
You'd always stay
Somebody turned my life around

And I'm not the same
Suddenly I don't hear a sound
Only your name
And I really need you
Tonight I give in to the feelings

Yes tonight I give in to the thrill of loving you
Tonight I give in to believing
We'll always stay in love this way
Oh, tonight I give in to the feelings
Yes tonight I give in to them all so hold me
Tonight I give in to believing, darling
You're everything
I ever dreamed would come to me
To me
Somebody walked into my life

  

  

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.6K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
4.5K 232 18
[Under REVISION and EDITING] They say once a cheater always a cheater, Vince was cheated by her girlfriend Chelsea many times but he keep a blind eye...
310K 10.5K 46
Walang discreption kasi wala naman akong maisip! Basahin nyo nalang! Kung ayaw nyo din you'll miss the 1/4 of your life.CHAR!
408K 7.4K 16
The Keith Lawrence and John Wayne Villacorta romance story, will give you most seductive and intimate turn around story in the making Keith was a poo...