Fools in Love [COMPLETED]

By mysehuniverse

316K 13.9K 3K

Ano na lang ang gagawin mo kapag ikaw at ang best friend mo ay parehas na may gusto sa iisang lalaki? Aaminin... More

P R O L O G U E
Mr. Geeky
BASTED
First Score
Plans
Avoiding Audrey
NEW LOOK
Misunderstandings
Do I Make You Nervous?
Besties
Like a Date?
Flirting Lessons
Doubts
Confrontations
Romeo and Juliet
Friends?
Change
Loving Boyfriend or Loyal Friend?
Key and Chace
STORM
Prism vs. STORM ; First round
Confusion
The Conclusion
Cinderella and the Evil Stepsisters
Damn it Chace
Curse the Hiccups
Why Now?!
Admit It
Beach
Scared
Fireflies and A Sunrise
True or Not?
I'm Jealous
Bonfire
Torn
Sorry
Past is Past
I Wish
Key Puso Mo
I Can't Ask Her
Hopeless Romantic
Hulog
Get Well Soon
Selos Ka?
Wala Na
Heart
Too Late
My Hero
Till We Meet Again
Waiting
E P I L O G U E
AUTHOR'S NOTE + PLAYLIST

Mistakes

3.9K 216 43
By mysehuniverse

Key's POV

Pinilit ko yung sarili kong tumakbo, di ko na lang pinansin yung sakit na nararamdaman ko dahil napwepwersa ko yung paa ko. Ang importante ay ang makalayo ako sa kanila. All this time naghihintay ako ng tamang tiyempo para masabi ko yun kay Hero pero di ko aakalain na si Audrey mismo ang magsasabi.

Pumasok ako sa kwarto ko at sumalampak na lang ako sa sahig. Sobrang sakit na nung paa ko at mukhang namamaga pa nga ito. Bumukas naman yung pintuan at nakita kong dumating si Hero at Lyah. Bakit nandito si Lyah?

"Key, okay ka lang ba? Dapat di mo pinwersa yung sarili mo" nagulat ako dahil mas nauna pang lumapit si Lyah sa akin kaysa kay Hero. Nasa may pintuan lang si Hero at nakatingin lang siya sa akin.

"B-bakit ka nandito?" nagtataka kong tanong. Hinawakan lang ni Lyah yung balikat ko saka siya tumingin sa akin.

"I know everything Key, I'm sorry. Sorry dahil sinunod ko lang si Audrey, iniwan kita back then. I was a bad friend" bigla na lang siyang umiyak saka niya ako niyakap. "Sorry dahil isa ako sa mga dahilan kung bakit bumalik bigla yung sakit mo"

Niyakap ko na lang siya pabalik. It feels good, I've missed a girl's company. Akala ko beyond repair na ang lahat pero mali ako, look at Lyah now. Sabihin man na dahil lang ito sa sakit ko kaya siya nag-sorry, thankful pa rin ako kasi alam kong kaibigan ko pa rin siya. That's enough for me.

"Okay lang Lyah, and don't worry di naman serious yung sakit ko eh" sabi ko sa kanya. Humigpit lang yung yakap niya sa akin.

"Nagsisinungaling ka na naman Key, alam kong seryoso yan. Maging open ka naman sa akin" mahina niyang sinabi.

"Sorry, ayokong mag-alala ka eh. Anyways, friends na ulit tayo ah" nginitian ko siya at tumango na naman siya.

Napatingin naman ako sa may pintuan at naalala kong nandoon nga pala si Hero! Nakaramdam naman si Lyah kaya lumayo muna siya sa akin. Seryoso lang yung tingin sa akin ni Hero, galit ba siya?

"Sorry Hero" sabi ko saka ako yumuko. "Alam kong medyo selfish yung ginawa namin ni Chace na yun. Pero ginawa lang naman namin yun kasi mahal kita at mahal ni Chace si Audrey kaya ayun. Wala naman akong sinira na relasyon kasi sa simula pa lang naman di ba wala ka naman talagang gusto kay Audrey?" napahinto ako para tumingin sa kanya. Di ko mabasa yung ekspresyon niya ngayon, di ko alam kung galit siya o disappointed o kung ano man.

"Ang gusto ko lang naman ay mapansin mo ako, kaya naging desperate na rin ako. Nauna na humingi ng tulong si Chace sa akin at kahit na alam kong wala akong kinalaman sa kanila ni Audrey ay pumayag ako kasi kapag naging sila, maso-solo kita. Sorry talaga"

I have my own flaws. You can count lying and being selfish with it. Isa ito sa mga pagkakamali ko, natatakot lang ako kasi baka mawala sa akin si Hero.

Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Hero, nilapitan niya ako saka niya ako niyakap. "You think all of that matters now?" sabi niya.

"Ha?" sabi ko habang kumalas ako sa yakap niya.

Ngumiti lang siya sa akin. "Magplano man kayo ni Chace o hindi, wala pa ring magbabago. I would still fall for you"

Agad namang bumilis yung pagtibok ng puso ko at napakagat na lang ako sa labi ko para mapigilan ang sarili ko na ngumiti na parang loko-loko.

"So tinago niyo sa akin yun, I'm fine with it. Dati pa lang naman kahit magkasama kayo ni Audrey, hindi ba ikaw pa din ang una kong napapansin? But I hate to say it though, but I personally think that you and Chace still owe an apology to Audrey" sabi naman niya.

Kumunot naman yung noo ko sa pagkakabanggit niya sa pangalan ni Audrey. "Bakit naman? Eh wala naman akong inagaw sa kanya ah" sagot ko naman.

"Don't be stubborn. It's just one sorry, andito naman ako eh" sabi niya sa akin.

"Ako din nandito!" dagdag ni Lyah.

I sighed in defeat. "Fine, one sorry for Audrey. Pero isa lang" sabi ko. Kaibigan ko pa naman si Audrey nung time na ginawa ko yun kaya tama lang siguro na mag-sorry ako sa kanya.

Para bang sakto lang ang lahat ay biglang dumating si Audrey at Chace sa kwarto namin ni Lyah.

"Audrey wag mong ituloy" narinig kong sabi ni Chace.

"Nandito na ako, sayang ang nilakad ko" sabi naman bigla ni Audrey saka siya tuluy-tuloy na pumasok.

Agad naman na hinawakan ni Hero yung kamay ko. "Seriously Hero? After all of that you're still on her side?" tanong ni Audrey sa kanya.

"Ano naman? Hindi naman yun malaking bagay eh" sagot naman ni Hero.

"Hindi malaking bagay?! Hero sinira niya yung chance ko sayo, nagpapaloko ka pa rin ba sa babaeng iyan?" galit na sabi ni Audrey.

"Stop Audrey, alam mo sa sarili mo na kahit na ba di gumawa ng move si Key and Chace noon ay walang mababago. I'm sorry pero walang magagawa 'yung pagpilit mo ng sarili mo sa akin" sabi naman ni Hero habang tumayo siya sa harapan ni Audrey.

Teka, dapat hindi si Hero yung nagsasalita, dapat ako. Magso-sorry ako kay Audrey diba?

"Tanga ka ba Hero?! Key is nothing but a liar! Marami siyang tinatago sayo! Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?!" galit na galit na sabi ni Audrey.

"Wala akong rason para makinig sayo Audrey. Stop being such a bi—" di na natapos ni Hero yung sasabihin niya kasi sinampal siya ni Audrey.

Nakita ko naman na di lang pala yun sampal, kalmot pala dahil ang haba ng kuko ni Audrey. Nakita ko rin na may konting dugo mula dun sa kalmot niya. Medyo napangiwi si Hero, siguro dahil mahapdi.

Pinilit ko yung sarili kong tumayo. Sobra na, nakakainis na. Lumapit ako sa kanya saka ko siya tinulak. Tutumba sana siya kaso naalalayan siya ni Chace.

"Key, don't" pagpigil sa akin ni Hero pero sinenyasan ko na lang siya na wag na muna siyang mangialam.

Screw being reasonable, the moment she hurt Hero all my reasons came flying out of the window. "Lagi na lang ba na gulo ang hanap mo Audrey? Okay fine, so may kasalanan nga ako doon at inaamin ko yun. So naging selfish nga ako dahil may gusto ako kay Hero. Pero Audrey parehas lang naman tayong may gusto kay Hero di ba?" sabi ko sa kanya.

"Kahit na, Key ilang beses ka bang nagsinungaling sa akin? Di ba sinabi mo na nagpapakwento si Hero sayo tungkol sa akin? Umasa ako Key na meron akong chance kay Hero. Tapos hindi mo din agad sinabi sa akin na gusto mo pala si Hero" sagot naman niya.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. She has a point, ako yung mali nung times na yun. Nagsinungaling ako sa kanya at sa iba kong kaibigan, umasa siya tapos nakuha ko pang maidamay si Hero.

"I only considered your feelings. Nakuha ko lang magsinungaling kasi alam kong masasaktan ka. Sabi ni Hero sa akin, kung kaibigan talaga kita matatanggap mo yun. Pero bago pa man ako makapagpaliwanag ng maayos hindi ba pinagkaisahan niyo na ako kaagad?" Screw it, nagpapasahan lang naman kami ng kasalanan eh.

Truth be told, we're both at fault. Parehas kaming may mali na nagawa.

"Do you think I still had a reason to trust you back then? Hindi ko alam kung ano pa ang kasinungalingan at katotohanan sa mga sinasabi mo Key. Isa lang naman akong babae na nasaktan kaya hindi mo ako masisisi di ba?!" sigaw niya.

"Oo Audrey nasaktan ka! Hindi kita masisisi kung di mo ako kaagad pinakinggan, di kita masisisi kung masyado kang nasaktan kaya nagalit ka. Pero sumobra eh, at hindi ko pwedeng hayaan na lang 'yun"

I felt a pang of pain in my chest but I chose to ignore it. "Sorry kung naglihim ako, natatakot lang ako dati na makita ang reaksyon mo kapag nalaman mo na gusto ko rin si Hero. Iniisip ko yung friendship natin, sorry rin kung nangialam pa ako sa inyo ni Chace. Sorry if I was a bad friend" nangingilid na yung mga luha ko.

In the end, may kasalanan talaga ako. I just had to be mature about it, it's about time I end this fight. Pagod na ako at wala naman nang mararating pa kung makikipag-away pa ako kay Audrey. She was a friend.

"You know what Key" sabi ni Audrey habang lumapit siya sa akin. "I wish you never became my friend" sabi niya saka niya ako sinampal.

"Hindi mo alam kung gaanong katagal ko ng gustong gawin yun sayo" sabi niya habang tinitingnan niya ako ng masama. Naiinis ako sa sarili ko, kasi eto na naman ako. Umiiyak, pagod na ako ng ako ang nagmumukhang kawawa.

Lumapit kaagad sa akin si Hero, Chace at Lyah. Ayoko ng ganito, I'm not a damsel in distress who is always in need of saving.

"O-okay lang ako" sabi ko sa kanila habang pinalayo ko sila.

"Ano ba ang dapat kong gawin para maging okay na ang lahat? Hindi ka pa ba napapagod dito Audrey? Wala namang nangyayari di ba? Huwag mo nang sayangin yung oras mo" sabi ko sa kanya pero hindi lang siya umimik.

There it is again... the familiar pain in my chest and the throbbing of my head. Endure Key, tapusin mo na lang muna eto.

"Ano ang dapat mong gawin?!" sabi niya habang lumapit siya sa akin. "Mawala, then everything would be perfectly fine" madiin niyang sinabi.

"Audrey tama na" sabi ni Chace.

"Get out" dagdag ni Hero.

Lumapit naman si Lyah kay Audrey. "Labas na muna tayo ah, tara na" sabi niya habang hinila niya si Audrey palayo.

"No!" sabi niya habang tinulak niya palayo si Lyah. "Pati ba naman ikaw Lyah? You're siding with her? May sinabi ba siya sa iyo o talagang nagpapauto ka lang?!" Ang sakit, ang sakit pakinggan na ang dati mong kaibigan ay sadyang ganyan na lang ang tingin sa iyo.

It was my fault, pero hindi nila ako binigyan ng chance na maayos 'yun nung may pag-asa pa.

"Audrey please lang! Tama na! May mga bagay kang hindi alam kaya mas okay kung itigil mo na lang ito. May sarili akong rason kung bakit nakipag-ayos na ako kay Key, isa na doon ay dahil tinanggap ko na yung pagkakamali ko sa kanya" sagot ni Lyah sa kanya.

"Bahala ka sa buhay mo Lyah, all I see is one heck of a liar" Audrey hissed.

As if I couldn't get more hurt than before. Nagsimula ang lahat ng ito sa isang kasalanan ko. Ako ang dahilan kung bakit naging ganito si Audrey ngayon, I should've just been honest with her.

Iyak. Yun lang naman ang nagawa ko eh, umiyak ng umiyak. That's how weak I am, ano pa ba ang sense kung lalaban pa ako eh hindi naman open-minded na tao si Audrey. What's done is done at wala na akong magagawa pa para mabago ang lahat ng iyon.

"Ngayon iiyak ka? Bakit ang tapang tapang mo kanina? Kahit na ilan pa ang kunin mong kakampi Key, hindi mababago ang tingin ko sayo" dagdag pa ni Audrey.

"Audrey tama na! Umalis ka na" naiinis na sinabi ni Hero.

Nangiti naman ng kaunti si Audrey. "Ang swerte ni Key kasi pinagtatanggol siya ni Hero" sabi niya. "Di ka ba nagui-guilty Key? Pinagtatanggol ka ni Hero habang ikaw ay naglilihim naman sa kanya"

Anong lihim? Napatingin ako kay Hero pero seryoso lang siyang nakatingin kay Audrey. "Maliban sa lihim niyong sinabi ko kanina, alin pa ang lihim na tinatago niyo ni Chace?" dagdag pa ni Audrey.

Pumikit lang ako ng sandali, nahihilo na ako at nahihirapan na akong huminga, pero dedma na muna. Ayoko ng bigyan pa ng dahilan si Audrey para masabihan akong mahina.

Magsasalita sana ako pero biglang nagsalita si Chace. "May gusto ako kay Key, yun lang yun" sabi niya.

Nanlaki naman yung mga mata ko at napangiti bigla si Audrey. "Yun lang yun Hero, gusto ko si Key kahit na alam kong mahal ka niya at mahal mo siya" matapang na sabi ni Chace.

Shit. Akala ko si Audrey lang ang proproblemahin ko. Wag na ito please. "Totoo nga" bulong ni Hero. Nagbuntong-hininga lang siya.

"I was right Hero" sabi naman ni Audrey. Alam ni Audrey? Kinausap niya si Hero tungkol dito?

"Ano naman ang gusto mong gawin ko? Magalit ako kay Chace at sirain ko yung pagkakaibigan namin? Hell no" sabi ni Hero saka siya bahagyang ngumiti. "I'm not as narrow-minded as you Audrey"

"You're all stupid" yun na lang ang nasabi ni Audrey bago siya padabog na lumabas ng kwarto. Malakas niyang sinara yung pinto at narinig ko na pumasok na niya sa katapat na kwarto.

"Sorry Hero, salamat na rin at di ka nagalit sa akin" sabi naman kaagad ni Chace para mabasag yung katahimikan.

"Walang masama doon, alam ko naman na maraming nagkakagusto kay Key. It just so happens na ikaw ang pinakaunang umamin sa harapan ko mismo" Hero shrugged.

"Okay ka lang Key? Magpahinga ka na" concerned naman na tanong ni Lyah sa akin. I managed to smile, pero talagang di ko na kaya.

My chest hurts like crazy and my vision is getting blurry.

"Lyah, tawagin mo si ma'am" nag-aalalang sabi ni Hero. Shit, di ko na kaya.

The last thing I remember was Hero catching me in his arms, Chace telling me to stay awake and Lyah running out of the room while screaming for our teacher.


Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
12.3K 407 15
MGA KUWENTONG KABABALAGHAN - Volume 2 FICTION STORIES NI ALEX ASC. Gusto mo ba ng kuwentong tapusan? Inihahandog ko sa inyo itong mga kuwentong isin...
27.7K 1.2K 29
Sa ika-labimpitong kaarawan ni Thessa ay nakatanggap siya ng isang napaka-espesyal na regalo mula sa long time crush niya. Ang hindi niya lang alam a...
71.6K 2.8K 51
Maraming katanungan sa iyong isipan sa kasalukuyan na tanging sa nakaraan ang kasagutan. Kakayanin mo ba ang responsibilidad sa hinaharap na sa naka...