KEKA KU, KAKU KA

By asrah028

6.1K 138 67

KEKA KU, KAKU KA means SAYO AKO, AKIN KA. More

DISCLAIMER
ISA
ATLU
APAT
LIMA

ADWA

704 25 17
By asrah028

"Pierre, bakit nandito tayo sa bahay niyo? Anong gagawin natin?" Ngumiti lang ako. Itinigil ko ang sasakyan ko sa labas ng bahay namin. Alam ko sinaniban na naman ako ng kung anong elemento. Ayokong may masaktan pa sa dalawang kumag na 'to. Kaya bahala na si batman.

Pinag buksan naman kami agad ng pintuan ng guards at mga kasama sa bahay. Dumiretso kami sa kwarto nina Papa at Mama.

"Anong gagawin natin dito?" Pinatahimik ko si Franky. "Pierre, sabihin mo sa akin na mali ang iniisip ko." Hindi ko na pinansin pa si Franky dahil tangina ang ingay ng hayop na 'to.

"Franky, can you shut the fuck up? Kahit ngayon lang boy." Naguguluhan pa rin ito sa nang yayare. "May hinahanap lang ako."

"Ano ba 'yon? Pierre, alam ko parang ang bading pakinggan pero.."

Nang makita ko ang hinahanap ko. "This!"

"Tangina pare! sabihin mo sa akin na mali ang iniisip ko." Ngumiti ako sa kanya. "Anong gusto mo? Patayin tayo ni Brixy? Huwag kang bading diyan." Humarang ito sa dadaanan ko.

"Anong ginagawa mo? Tumabi ka diyan." Yinakap ako ni Franky. "Kakausapin ko yung daddy ko. Gagawan ko ng paraan to 'tol."

"Pag hindi ka tumabi diyan? Susuntukin kitang hayop ka!" Pag babanta ko. "Franky, putcha naman pare! Bading ka ba?!" itinulak ko ito at lumapit ako sa volt.

"Nandito ang jackpot! Narito. Kaya huwag kang gago diyan sumunod ka na lang sa akin." Pag kabukas ng volt bumungad sa amin ang yamn ng pamilya ko.

"Pierre." Pinipigilan ako ni Franky. "Huwag ka ngang bading diyan! Hihiramin naman natin e. Sino bang nag sabing nanakawin natin?"

Kumuha ako ng pera sa volt at umalis na kami. Dinala ko si Franky sa mamahaling restaurant. Napagod ako sa pag takas kay Piggy, kaya kumain muna kami. Hindi namin pinansin ang mga matang nakatingin sa amin.

Palagi namang ganon. Kahit hindi ka nila kakilala huhusgahan ka nila. Bakit pa kami mag papaapekto?




2 araw ng matapos naming takbuhan si Brixy. Nakadalaw na kami kay Kenny. Ilanga raw pa ang gugugulin ni Kenny sa hospital.

"May sasabihin sayo si Pierre." Tumingin sa akin si Franky. "Ahh.." tipid na sabi ko.

"Humiram ako ng pera kay papa." Nanlaki ang mata nito sa kanyang narinig, "You did what? Pinayagan ka ng papa mo?"

Umiling ako. "O, paano ka humiram?"

"Kumuha ako sa volt. Huwag mon a akong tanungin. Ang importante, mababayaran na natin si Brixy." Hindi makapaniwala si Kenny sa kanyang narinig.

"What the.. you did what?!" Halos nakalimutan ni Kenny na hindi pa magaling ang sugat na natamo niya sa away namin ni Brixy. "You stole money from your dad? Dude, tama ba yung narinig ko?" tumango lang si Franky bilang pag tugon.

"We're fuck up man." tangina talaga ng dalawang to.

"Madami namang pera yung gagong 'yon! Di niya naman yun mapapansin. Kaya huwag kayong mag alala. Hindi niya yon mapapansin." Kampanteng sabi ko. Kinain ko ang mga prutas na nasa tray na bigay para kay Kenny.

"Sabi ko naman sa inyo, malulusutan. Wala kayong bilib sa akin. Mas kinakabahan pa kayo sa akin."

"Pero hindi sa marangal na paraan Pierre." Panlulumong sabi ni Kenny. "Ano ba kasi talagang gusto niyo? Tantanan tayo ni Brixy? Isang milyon lang naman 'yon."

"Oo nga, tinantanan tayo ni Brixy pero yung konsensya natin? Tatantanan ba tayo?" Natawa ako sa sinabi ni Franky. "1 million lang naman yun. Bakit ba ang o-o.a niyo? Bakit hindi na lang kayo mag pasalamat sa ginawa ko?"

"Hindi ko na alam, Pare. Alam ko mga gago tayo, pero yung sabihan tayo ng mag nanakaw ng mga tao?" Binato ko si Franky ng isang pirasong rambotan. "Parang di pa kayo sanay na pinag uusapan tayo. Sinabihan tayong pusher, ano totoo ba?"

"Hindi. Pero parang pinatunayan na natin sa iba na totoo yung sinasabi nila." Kalmadong sabi ni Kenny. "Diyan na nga kayo."

"Saan ka pupunta?"

"Pucha, ang kokorni niyo. Diyan na nga kayo! Mag yoyosi muna ako." Nang aktong palabas na ako ng room ni Kenny sa hospital pinigilan ako ni papa at kasama niya si aunt nana.

At hindi ito nag dalawang isip na sampalin ako sa harap ng mga kaibigan ko.

"NAKAKAHIYA KA!!" Nang gagalaiti ito sa galit. Pero nakangiti lang ako bilang pag tugon sa kany. Wala naman kasing mag babago kahit may galang o wala ang ipakita mo sa kanya.

"Ano na naman ba to?" Sagot ko kay papa. "Sasama ka pag uwi sa amin Pierre. Sasama ka kay Nadya." Tahimik lang si Aunt Nana.

"Ang kapal ng mukha mo para mag nakaw sa kumpanya! Hindi mo ba alam na donations ang ninakaw mo?" Nang gagalaiti si papa sa akin. Tumingin ako kina Franky at Kenny. Mga wala itong magawa.

"Pa, hear me out first. I didn't do it on purpos---" hindi ako pinatapos ni Papa na mag explain. Binitbit ako ng mga dala niyang body guards.

"Why can't you hear me out? Fck this lif--"muli akong sinampal ni papa. "Hindi ako makapaniwala na gagawin mo iyon sa akin. Sobra na ang katarantaduhan mo. Yung perang ninakaw mo? Para iyon sa mga batang may kapansanan. Nasaan ang puso mo? Puro sarili mo lang ang iniisip mo!"

Tumahimik lang ako.

"Kaya ngayon pa lang puputulin na natin yang sungay mo."

"Uncl--"

"You stay out of this Francis and Kennedy." Napayuko na lang sina Kenny at Franky.

"Sasama ka sa akin." Nag pumiglas ako, Pinag tutulak ko yung mga body guards ni papa.

"Kahit anak kita ipapakulong kita." Iyon yata ang pinaka masakit na sinabi sa akin ni Papa. "Kaya mong ipakulong ang sarili mong anak?"

"May ginawa kang mali. Kailangan mong ma disiplina."

"Sige. Hindi ako natatako-" isang malakas na sampal ulit ang natamo ko kay papa. "Kahit napaka sakit sa akin na pag buhatan ka ng kamay? Kailangan kong gawin dahil sumusobra kana!"

Natawa na lang ako sa sinabi ni papa. "Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sa akin."

"No. Kahit anong gawin mo hindi ako sasama sa inyo." Pagmamatigas ko.

"Act your age Pierre. 22 kana pero ano? Stuck ka sa senior high. Naka ilang schools kana pero puro sakit ng ulo ang binibigay mo sa akin. Same with you two." Huminga ako ng malalim. Ayoko sa lahat ang pinapahiya ako sa harap ng maraming tao.

"Nadya, ikaw na bahala kay Pierre."
"Yes, Sir." Sagot ni aunt Nana.

***
Isinakay nila ako sa van na akala mo isa akong preso.
"Where are we going aunt Nana?"

"Sa lugar ng mga magaganda at gwapo. I mean sa probinsya namin." Kumunot ang noo ko. Wala na rin siguro akong pakialam kung saan ako pupulutin.

"Pierre anak." Humawak ito sa kamay ko.

"Aunt Nana,matutulog ako. Do not disturb me. Wala na tayong magagawa." Inilagay ko ang ear pods ko at bahala na sila sa buhay nila. Matutulog na lang ako. "Gisingin niyo na lang ako pag nasa impyerno na tayo."

Hindi na umimik si Aunt nana at ako naman? Itutulog ko na lang ang badtrip ko sa mundo. Pero bago ako tuluyang matulog nakita kong nag notify yung instagram ko. Bakit ba naka follow pa ako dito sa babaeng 'to? Nang tinignan ko 'yung post niya.

Flight Attendant na siya. Nakuha niya na rin ang gusto niya. Mag kasama pa rin siya nung lalaking pinag palit niya sa akin.

Bumalik lang iyong galit dito sa dibdib ko. Hindi ko pa rin matanggap ang pang iiwan niya sa akin. Ayoko siyang sisihin, pero simula nang iwanan ako ni Bekah parang bumagsak yung buhay ko. Siguro, maling mali na umikot lang ang mundo ko sa kanya. Kaya nung nawala siya, gumuho yung mundo ko.

"Pierre? Okay ka lang anak? You seemed bothered son." Umiling lang ako at hindi na umimik. Pinatay ko na lang din ang phone ko. Baka kung ano pang Makita ko.

2 hours later.. nagising ako sa tunog sa ingay nila sa labas. Nag aaway ba sila? Dumungaw ako sa labas ng bintana. Where the hell am I?

Binuksan na ni Aunt nana ang pintuan ng van nang Makita niya na gising na ako. Bumungad sa akin ang mga taong mukhang hindi ko maintindihan. At yung salita nila? Parang alien. Napaka sakit sa tainga.

"Welcome to Pampanga! Sir!" Bumaba na ako sa Van. Nakangiti sa akin si Aunt nana. Sa lugar ng mga Mekeni at Ebun.

"Pierre anak.. ito pala si Bapang Mario, siya ang tatayong tatay-tatayan mo dito." Ngumiti ito sa akin pero inangasan ko lang. I almost forgot, sa Pampanga nakatira si Aunt Nana.

"Yung medyo ka edaran mo si Janus. Pwede kang mag patulong sa kanya." Mukha itong a-anga anga. At higit sa lahat? Ayoko yung porma niya. Parang iyong mga boy naming sa bahay. Akap akap ko yung back pack ko. Nakangiti lang ang mga ito sa akin.

"At yung matanda na naka upo doon si Apung Kulas. Siya yung tatay ko. Kaya sana anak, ituring mo rin siyang parang ako." Kung hindi ako nag kakamali nasa 70 years old na ang tatay ni Aunt Nana.

"Tapos na ba ang pag papakilala? Im fucking tired." Hinagod ako sa likod ni Aunt nana. "Anak, sila ang makakasama mo buong taon. Kaya sana.. pakisamahan mo sila ng maayos."

Nakipag usap si aunt na sa dialect nila. Mukha akong tanga na nakatayo sa isang tabi. Bullshit wala akong maintindihan.

"Ahh Pierre.. Okay na ba?"

"May magagawa pa ba ako? Wala na diba? Saan ako pwede mag pahinga? Pwede ba? Tama na yang mga intro niyo. Hindi naman sila importanteng tao kaya.. Huwag na tayong mag sayang ng oras."

Tumingin ako sa paligid. What the.. anong klaseng lugar 'to? Gawa sa mga kahoy ang mga bahay dito. Hindi lahat. Pero kalimitan sa mga bahay ay gawa sa kahoy. Rice fields. May iba't ibang puno. Akasya, Manga, Caimito, Duhat, mga gulay at kung anu-ano pa.

"Anong klaseng lugar to?"

"Probinsya?" Sabi ni Janus.. "Ahh, nakalimutan ko. Laking Menila ka nga pala. Paburan mo.. Ahhh Este, Hayaan mo. Kami bala(Bahala) sayo." Ano sila? Mga alagad ng mga minions? Taena, Ibalik niyo ako sa Manila!!

"What.. the.. actual.. fuck." I murmured.
"Kasanting na naman niyan. Nan ya lagyu?" Napatingin ako sa lalaking kamukha ni Bayani. Si Mario

"What? Pwede bang mag tagalog kayo? Baka mamaya pinag uusapan niyo na ako dito."

Ngumiti lang si Aunt Nana sa kanila. "Sabi niya, ang gwapo mo daw anong pangalan mo. Huwag kang mag alala. Hindi 'yon mangyayari. You are safe here."

Hindi ako umimik.

"Hey can you get me a glass of water?" Napatingin sa akin si Janus.

"Medyu malwalas ya ing turnilyu na ne?" Sabi nung kamukha ni Bayani kay aunt Nana. (Medyo maluwang ang turnilyo niya, ano?)

"My father paid for you! Para pag silbihan ako. Ano 'to gaguhan?" Nakatingin lang silang lahat sa akin.

"Pag epa tinuknang yan? Sapingan kune talaga." (Pag di pa tumigil yan? Dadagukan ko na talaga.) Sabi ni Janus.

"Ahh tutoy, wala ka sa Menila no? Hindi pwede dito ang ugaling basahan." Sabi sa akin ni Kulas.

"Tumigil nga kayo sa kakasalita ng alien! Aunt Nana! Alam ba ni papa 'to? Baka mamaya kung anong gawin ng mga 'yan sa akin." Napakamot na lang si Aunt Nana sa sinabi ko.

"Para sabihin ko sayo.. nasa Pampanga ka. Ikaw ang nakikitira sa amin. Ikaw ang mag adjust. At kung sinasabi mong hindi ka safe dito samen? Pwede kang umalis." Medyo may pag kamayabang pala itong Janus na 'to.

Bago pa kami mag bugbugan..pumagitna na sa amin si Aunt Nana. "Ahh, ehh.. Pierre. Huwag tayo.masyado matapang ha??"

"Sila e! Di marunong rumispeto." Pinakalma ni mang Mario si Janus. "Baka buri(gusto) mong dagdagan ko yung mga sugat mo sa mukha?"

"Janus.." inangasan ko ito. Pero pinigilan ako ni Aunt nana.

"Ahh... ano.. tara na lang sa loob. Ipapakita ko na lang yung kwarto mo sa'yo. Kumalma ka na diyan ha?" Sinamaan ko ng tingin si Janus. Hindi ako natutuwa sa kanya.

Nang makalakad na kami papalayo sa kanila. May Itinuro siyang isang kubo na nakahiwalay sa dalawang bahay. Hindi naman kalayuan ang mga bahay doon. Dikit-dikit.

"Don't fucking tell me na dito ako titira? Ano 'to?? Rehab?"

Ibinaba ni aunt nana ang mga gamit ko. "Well, parang ganon na nga. Iyong unang bahay ay Kina Janus at mang Mario. Iyong katabing bahay mo naman ay bahay namin ng Tatang ko." Pinag masdan ko ang mga bahay nila. I cannot fucking live in this kind of surrounding.

"Noo.. Marami akong gagawin. Paano ang school ko?" Ngumiti si Aunt nana sa akin habang inaabot niya sa akin ang bago kong uniporme.

"You'll be attending Arayat National College. Well, private school naman 'yung school. Pero kung ikukumpara mo 'yung school mo sa Manila at dito? Mas maganda pa rin 'yung school mo sa East West International."

"Ayon naman pala. So bakit pa ako papasok dito? Paano sila Kennedy at Francis??" Lumapit sa akin si Aunt Nana.

"Kaibigan mo pa rin naman sila anak. Wala tayong magagawa sa utos ng daddy mo." Eh di mag bulakbol na lang nga talaga ako dito.

"Pierre,ayoko rin naman tong ideya ng Papa mo. Mababait naman sila Pierre. Tinulungan sila ng papa mo kaya willing sila na tulungan ka."

"By what? Mag sasaka ako? Ganon yon? Para pag bayaran ko yung ninakaw ko?" Umiling si aunt Nana sa akin. "Anak, hindi. Ang gusto lang ng papa mo ay malayo ka muna sa Manila. He still cares about you."

"Care? Kung may care siya hindi niya ako ilalayo sa mga bagay na gusto ko. This place is hell for me. Like no offense."

Ngumiti lang ito sa akin. "Ikaw talaga. Hay, ang bilis ng panahon. Parang kalian lang ang liit liit mo pa. Ngayon hindi ka na mapigil sa mga bagay na gusto mo."Somehow, kumalma ako.

"Magiging okay din lahat, anak."

"Bull shit." Lumabas ako ng bahay kubo at nag simulang sindihan yung yosi ko. Tinawagan ko sina Kenny pero inagaw ni aunt Nana yung phone ko.

"Sorry young man, but.."

"Aunt Nana, pwede bang sa Manila na lang ako? Look, I get it sakit ako sa ulo pero, give me time to change. Please? I am begging." Nag makaawa ako dito, pero hindi niya ako pinapakinggan.

"We gave you so much time to reflect, Son."

"Don't tell me nag pasulsol kana kay daddy? Akala ko ba kakampi kita?" Tinignan ako ni Aunt Nana at hinaplos ang aking mukha.

"Para na din kitang anak, Pierre. Pero kung palagi na lang masusunod ang gusto mo walang mangyayare." Napabuntong hininga na lang ako.

Maya maya pa'y may dumaan na babae sa harapan namin. Tumingin ito sa akin, "What are you looking up? Do you want to hook up? Huh?"

Maganda ito. Pero iyong tipo nya? Mga boring at puro libro lang ang hanap. "Si Solana 'yan. I adopted her." Kumunot yung noo ko.

"Well, hindi siya nag sasalita. Pero sana maging mabait ka sa kanya. Matanda ka lang ng ilan taon sa anak ko. Kaya sana, maging mabait ka sa kanya."

"What do you mean na hindi ito nag sasalita? Mute? Pipi?"

"Sabihin na natin ganon na nga."

"Fuck, nag sayang ka ng pera sa piping 'yan. Hindi mo naman yan mapapakinabangan pag dating ng araw." Natawa ako sa sinabi ni Aunt Nana. She is a total useless.

"I adopted her kasi wala na din may gustong kumuha sa kanya. 10 years old siya nung mapunta siya sa akin."

"So naawa ka?" ngumiti ito sa akin, "You better not judge her young man. You will know why pag nakilala mo na siya." Ngumiti sa akin si aunt Nana. Pero wala akong pakialam. Basta para sa akin, useless siya.

"Same school kayo.. kaya sana naman maging mabait ka sa kanya." Tinignan ko lang ito ng masama hanggang sa makapasok siya sa bahay niya.

"Ano? Kailangan ko rin bang ma awa sa kanya? Nag papaptawa ka. Hindi ako magiging mabait sa kanya. Hindi ko kasalanan na pinanganak siyang may diperensya. Kaya kung ayaw niyong pag initan ko yang ampon na iyan? Ibalik niyo ako sa Manila."

"Pierre, tapusin mo lang ang school year mo dito. At after that, I'll try to convince your father."

Napansin kong nakatingin sa akin yung Solana. Sinamaan ko lang ito ng tingin. Mukha namang gusto niya ako.

"Aalis na din ako after nito. Mag pakabait ka. Iiwanan ko yung phone mo. And this is your allowance for a month."

Inabot niya sa akin ang five thousand. "Are you joking me? 5 libo?? Kulang pa to."

"Pasensya kana young master.. but I'm just obeying rules. Empleyado pa rin ako ng papa mo." Napabuntong hininga na lang ako.

"Kailanhan ko na bumalik sa Manila. Marami pa akong a-asikasuhing files. Be good, okay?" Humalik na ito sa noo ko at nag pa-alam.

Pumasok na lang ako sa kubo. At nag kulong. Maliit pa sa kwarto ko tong binigay sa akin. Walang aircon. Walang tv. Fuck.

Kinagabihan,
Sa kubo pa rin ako nag stay. Hindi ako lumabas. Pero maya maya pumasok si Solana sa kwarto ko.

May dala itong tray ng pag kain. Inilapag niya ito sa may side table ko, nang aktong lalabas na ito.

"Hoy, sinabi ko bang umalis ka?" Tumayo ako at hinatak ito pinaupo ko sa tabi ko. Nakatingin lang ito sa akin. Wala itong expression.

"Pipi ka hindi ba?" Hawak ko ng mahigpit ang braso niya. Sumubo ako at dinura ko yun sa mukha niya.

"Ano? Hindi ko ma gets anong nakita sayo ni Aunt Nana. You're useless." Hindi ko akam bakit napakainit ng dugo ko sa kanya. "Mag kano ba ang gabi mo? Paligayahin mo nga ako! Iyan ang trabaho mo dito diba? Serbidorang pipi?"

Kalmado pa rin ito sa kabila ng ginawa kong kagaguhan sa kanya. "Mahirap ka na nga. Pipi pa." Tinuloy ko ang pag kain ko. Naka upo lang ito sa tabi ko. Linilinis ang kanyang sarili. Kumuha ako ng isang libo at isiniksik sa kamay niya.

"Bumili ka ng damit mo. Mukha kang basahan." Humiga na ako, "Linisin mo 'yan ha? At pag katapos huwag na huwag ka ng pumasok sa bahay ko. Sira na nga ang araw ko pati gabi ko sinira mo na din." Tinalikuran ko na ito. Ngunit nagulat ako nang tumayo ito at binuhos sa akin yung di naman kainitang sabaw ng sinigang.

"Puta--- May diperensya ka nga talagang hayop ka!!" Tumayo ako at dali-dali koi tong kwinelyuhan. Nakatingin lang ito sa mga mata ko. "Nang gagago ka ba? Kahit babae kang tangina ka? Sasapakin talaga kita."

Nang aktong sasapakin ko ito. Dumating si Mang Kulas at si Janus. Hinatak ako ni Janus, tinulungan namang tumayo ni Mang Kulas si Solana.

"Aydamo ka! Kanina ka pa!"(Tangina ka)

"Kumalma tayo. Pierre, anong nangyare?" Tanong ni Mang Kulas sa akin.

"Pumapasok na lang basta basta sa kwarto yang babaeng 'yan e."

Yumuko lang ito sa akin. "Ano? Hindi porke abnormal ka gagawin mo yung excuse. Papatulan kita kahit babae ka!"

"Tutoy, kalma lang tayo. Pasensya kana kung pumasok si Solana sa kwarto. Inutusan ko kasi siya, kanina kapa kasi hindi kumakain. Nag aalala lang kami sayo." Sabi ni Mang Mario.

"Talaga lang ha? Mag kano ba binayad ng papa ko sa inyo para mag panggap na may paki kayo sa akin? Kasi alam niyo? Ang pa-plastic niyo! Kaya, Pwede ba? Pagod ako..lumabas kayong lahat." Pinag tabuyan ko sila. Pero itong si Janus mukhang mainit ang dugo sa akin.

"Hindi porke mahirap kami, mamatahin mo na lang kami. Malaki ang pasalamat namin sa papa mo kaya ginagawa namin 'to."

"See? Pakitang tao lang kayo."

"Isipin mon a ang gusto mong isipin." Lumabas na ang mga ito. Padabog kong isinara ang pintuan. Akala mo kung sinong mababait. Pera lang naman ang habol nila sa akin.

Kinabukasan.. papasok ako ng school
"Ano? Ihahatid niyo ba ako?" Hindi nila ako iniimik. Nakabihis na din si Janus at Solana.

"Any car? I'm waiting." Nakita ko si Janus na natatawa sa sinabi ko.

"Murit ya ne?(Sira siya ano?)" Ano daw? Sinamaan ko ito ng Tingin. "Ano? Nasaan na ang kotse ko?" hindi nila ako pinansin.

"Car? Lumabas ka at sumakay ka ng jeep. Wala ka sa Maynila kaya umayos ka." Binangga ako ni Janus at lumabas na. Nakatingin lang sa akin si Solana.

Puchang buhay naman 'to oh.

DAY 1.

Paano ba mag commute? At teka.. Saan nga 'yung school?

Hindi ako bobo. Pero nakakabobo.

ITUTULOY.

Continue Reading

You'll Also Like

6.3M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
133K 3.3K 90
How will Zyra find the freedom she is looking for? how can she complete her personality? How can she cope with all his difficulties? What if one day...
32.5K 529 58
Sa murang edad, nakasaksi ako ng isang madugong krimen. Hindi basta bastang krimen ang nakita ko sapagkat iyon ay ang pagpatay nila sa aking ina. Ang...
575K 15.7K 61
Do you know how to love a Devil? If you wanna know, I'll show you you how to do. Do Not Look At His Eyes, If You Do... ...