KEKA KU, KAKU KA

By asrah028

6.1K 138 67

KEKA KU, KAKU KA means SAYO AKO, AKIN KA. More

DISCLAIMER
ADWA
ATLU
APAT
LIMA

ISA

2.1K 40 6
By asrah028

Kung minahal niyo si Tao Yoshida at ang L.A gang, I'm sure magugustuhan niyo din to. Action? Karambola? Friendship? Love story? Yes, meron niyan dito. Sana mag enjoy kayo just like what I did while writing this one. Ito yung second favorite ko next to Labyrinth Academy. Enjoy reading!!

P.S May mga kapampangan words dito, Don't worry ilalagay ko naman yung meaning. :) And 2 years na 'tong nasa drafts ko. Siguro ito yung right time para ilagay na ito sa wattpad. Hehehe.

XOXO,

ASRAH

----

 

PIERRE GIORGIO
"Damn it!" Hingal kabayo kami ni Keny at Franky dahil hinahabol kami ni Brixy. Kasama pa nito ang kanyang mga alagad. "Dude, dead end na ito anong gagawin natin?"

We are trying to escape from Brixy. Langya kasi, pumalpak ang business namin. Akala namin yung na bid naming limited edition na sapatos. Kaso olats. Wala kaming napala. Nagoyo kami. Kaya malaking danyos ang kinakaharap namin.

Nanalo nga kami sa bid, wala naman yung sapatos. In short na scam kami. I am trying my best to calm down kaso hindi ako makapag isip ng maayos.

"Sa tingin ko pre mas mabuti kung kausapin mo na lang sila. Baka madaan naman sa mabuting usapan?" Ano ba naman itong si Keny. Hindi ginagamit ang utak. "Wala ka bang bilib sa akin Keny? Malulusutan ito. Malulusutan! Ang ni-nega ninyo! Mga putek!"

"Dude, by what? By running away? Pare, hindi lang piso ang pinag uusapan dito. Milyon! Kung gusto mong makulong? Tangina, ikaw na lang." napangisi ako sa bulalalas ni Franky.

"Franky, calm down." Pag papakalma ni Keny sa galit na galit na si Franky. Bad temper kasi si Franky. Kaya madalas kaming nag kakainitan. Bukod doon masyadong over thinker. Walang bilib sa akin.

"Ikaw nag suggest ng idea na ito tapos anong ginagawa mo? Masyado ka kasing bilib sa sarili mo Pierre, akala mo kung sinong magaling. Palagi namang palpak! Matuto ka namang makinig kahit minsan lang." Sinimulan na akong angasan ni Franky.

"Wow, so kasalanan ko lang ba 'to?! Ha?! Look Franky, this was your idea to begin with. So you better shut your fcking mouth at huwag mo akong sisihin." Nag simula na din uminit ang ulo ko. I can beat the shit out of him if I want to.

"Tangina naman mga pare, ngayon pa talaga kayo mag a-away? Brixy is after us dude! Pwede bang lunukin niyo yang mga putanginang pride niyo at mag isip kung paano tayo makakatas?"

Pumagitna si Keny at pinakalma kaming dalawa. "Cut it! Fck it guys! Stop it! Both of you GROW UP!" Nang aktong mag susuntukan na kami. Narinig naming ang mga sigaw ni Brixy at mga kasama nito.

Shoot, we're dead.

"Tatakasan niyo talaga ako ha?!" Isang putok ng baril ang pinakawalan ni Brixy. "Isang galaw niyo at hindi ako mag dadalawang isip na pasabugin yang mga kokote niyo! Luhod!"

Tumigil kaming tatlo sa pag takas. Unti-unting kaming lumuhod at itinaas ang aming mga kamay. "Mga gago kayo ha, talagang tatakasan niyo ako."

Lumapit ito sa amin at sinapak kami isa isa. "Ano? Gaguhan ang gusto niyo. Sige!"

"Boss,baka pwedeng bigyan mo ako ng two weeks at ibabalik ko yung pe--" hindi nito tinanggap ang suggestion ni Franky.

"I want my money back, right here.. right now!" Nakikita kong nag papanic na si Kenny. I need to do something. "Nung bayaran atat na atat kayo sa bayad. Ngayon? Ano? Nga-nga?"

"E pucha, wala nga kaming maibigay e. Hindi mo ba naiintindihan 'yon?" Nakita ko kung paano ako mura-murahin ni Franky sa isang tabi. Nakatingin ito sa akin at dismayado sa ginawa ko. "Dude, really? Wala ka talagang utak Pierre." Sabi sa akin ni Franky.

"Pinapalala mo lang Pierre." Saad pa ni Kenny. "Eh gago pala tong isang 'to e." Nang aktong sasapakin niya ako sa mukha.

Mula sa pagkakaluhod, bwumelo muna ako. Mabilis akong tumayo at itinulak ito. Napaupo si Brixy sa lakas ng pagkakatulak ko. Habang inaalalayan ito ng mga alipores niya, pinag tulakan ko sina Franky at Kenny na tumakas na.

"Pare ano? Mag papakabayani ka na naman? Pierre, sumama ka na sa amin!" Tinulak ko ang mga ito. "Ngayon pa ba tayo mag da-dramahan? Tumakas na kayo, susunod ako."

"Huwag kang mamatay." Natawa ako sa sinabi ni Francis. "Tss, ako pa? Takas na!" sabay tulak ko sa mga ito.

Minadali nila Franky at Keny na tumayo upang tumakas at mag over the bakod kahit alam naming di ganong kadali na maakyat iyon. Bukod sa madulas, gawa sa purong marmol ang pader. Walang makakapitan.

To make the scenario worst. Dumoble pa ang kanyang mga alipores. Ang nagagawa nga talaga ng pera. May mga dala ang mga ito ng pang palo at kung anu-ano pa. Tangina,lalabas ang pagiging super saiyan ko nito.

"B-bro! Just keep on climbing!! Run!" I shouted.

"Paano ka??" Tanong ni Kenny. "Im fine! Ako pa ba? Huwag niyo akong isipin. Run mga bobo!"

Kaakibat ng pag takbo nila Kenny at Franky ang sunod sunod na putok ng baril. Hinawakan ako sa magkabilang braso ng mga alagad ni baboy. Brixy beat the hell out of me. Ramdam ko ang pag putok ng kanang kilay ko. Pero papatalo ba ako? Despite the fact na bugbog sarado na ako, sinusubukan ko pa ring lumaban.

"Damn it Brixy! Ito lang ba kaya mong gawin!?" Dinuraan ko ang mukha nito. I can taste my own blood. Its dripping. "Now what? You cant beat me pig!"

"Putaragis ka talagang gago ka! Humanda ka!" Kinasa nito ang kanyang baril. "Tigan ko lang kung makapag hamok ka pa pag pinatay kitang gag0 ka!"

"Talaga? Hindi ako natatakot sayo!" Sigaw ko dito kahit kulang na lang mapatay niya ako sa higpit ng pag kakasakal niya sa akin gamit ng isang kamay nito. Malaking tao kasi itong si Brixy.

"Eh kung... sila na lang kaya muna unahin ko?"doon ako kinabahan. Pinilit kong makawala sa pag kakasakal ni Brixy at mga alipores nito.

"Mag paalam ka na sa mga kaibigan mo. Gago!"

Nag pakawala ito ng baril. Nanlamig ako bigla. "Oh?? Saan kayo pupunta? Hindi pa tayo tapos mag laro!? 'Yayabang niyo e. Boys! Hawakan niyo yang gago na yan. Hindi pa ako tapos na i-torture yang ungas na yan!!"

Nag pumiglas ako.. Hanggang sa nakita kong bumagsak si Kenny. Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"K-Keny!!! Damn it Kenny! Stand up!!!" Sigaw ko. Tuwang tuwa si Brixy sa kanyang nakita.

"Gago ka talaga Brixy!" Nag pumiglas ako at pinilit kong makatakas sa mga tauhan ni Brixy na noo'y pinag tutulungan ako. Pero hindi ko na inisip ang sakit. Dahil ang nasa utak ko sa mga oras na iyon ay si Keny.

Nang maka-kuha ako ng tyempo doon ako bumawi ng suntok sa mga ito. Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang manlaban kahit na alam kong bugbog sarado na ako. Nang nakabitaw na ang mga ito sa akin. Doon ako tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Kenny at Franky. Chineck ko ang pulso ni Kenny. Humihinga pa ito. Pero kung hindi agad maagapan, may posibilidad na maubusan ito ng dugo. Hindi pa rin tumigil si Brixy sa pag papaputok ng kanyang pistol. Alam ko masamang damo ako at hindi ako mamatay.

"Tangina, Kenny! Sumagot ka! Bawal ang lampa sa impyerno! Bangon!!!!!!!" Nakalimutan ko ang sakit ng mga bugbog ng natamo ko noong makita ko si Kenny na duguan.

"We need to bring him to the hospital Pierre. Baka maubusan siya ng dugo!" Bugbog sarado din itong si Franky.

Pero tila walang balak na tumigil ang mga bata ni Brixy. Tuloy pa rin ang mga ito pag sipa sa amin. Ginawa namin ni Franky ang lahat ng aming makakaya para maprotektahan lang si Kenny. Prinotektahan namin si Kenny sa abot ng aming makakaya.

"Katapusan na ba natin to Piere?" Ngumiti ako..

"Not really." Just in time, my badass sister came in.

"Walang kikilos ng masama!" May kasama itong mga pulis. Nakita naming tumakas si Brixy. Damn it!

"We better call the ambulance baka mamatay si Kenny.." Mabilis na tumawag si ate ng ambulansya. Pinag dadampot ng mga pulis yung mga kasama ni Brixy.

"Pierre, not again." Tinapalan nito ang tama ng baril ni Kenny sa may hita. Base sa tono ng boses nito, Dismayado si ate sa akin.

"Hindi pwedeng palaging ganito. Baka mamaya matseympuhan kayo. Mamatay kayo. Pierre, please."Habang inaalalayan nila kaming tumayo walang tigil sa panga-ngaral si Ate Samira. Sanay na rin naman akong ma grounded at masabon ng Papa ko. Himala kung lilipas ang isang araw ng walang sermon na nagaganap.

"Ate. Chill. Buhay pa naman kami."

"Paano na lang kung hindi ako nakadating sa oras?"

"Shhh. Im still alive. Kailangan na lang natin dalhin si Kenny sa hospital."

"Pierre, enough with all this. Hindi na kinakaya ng puso ko yung nangyayare sayo. Buhay pa ako pero parang pinapatay mon a din ako." Natawa na lang ako kay ate.

"Ate. I'm good. So huwag kana mag alala."

Nang makadating kami sa ospital, agad naman nilang inasikaso si Kenny. His father is the owner of that hospital kaya mabilis ang aksyon.

"See? I told you Franky, hindi mamatay si Kenny." Tinignan ako ni Franky na may galit sa kanyang mga mata. "You're crazy Pierre. We almost lost him!"

"Hay nako.. Franky boy. Si Kenny pa ba?" Sinuntok ko ito sa braso, "Paano yan? Nakatakas si Brixy."

"Malulusutan yan. Sa ngayon mag pahinga muna tayo." Mukhang kahit papaano kumalma ito.

"Pre, I may sound gay pero I'll be lost without ypu guys. Kayo lang ang meron ako." Natawa ako sa biglang pag di-drama ni Franky. "Bro, hindi mangyayare yun. Stop over thinking okay? Kaya 'to."

"Wala akong maibigay. Im still grounded man. Hindi ko pa rin magamit yung card ko."

"Franky, gagawa akong ng paraan. Kaya kumalma ka na dyan." Tinapik ko ito sa balikat. Napatingin kaming dalawa sa pintuan. "Pierre, papa mo. Good evening po Tito."

"Ano na naman ba 'tong kagaguhan na 'to Pierre?" nakayuko lang si Franky, samantalang ako? Taas noo pa ring nakatingin kay Papa.

"Pa, tapos na. No need to over react." Kalmadong sabi ko dito. Ngunit labis itong nagalit sa sinabi ko.

"You're being unreasonable."

"Unreasonable, walang kwenta. Disgrace sa pamilya? Ahh, Black sheep. All in one. Tapos na ba? Aalis na kami ni Franky kung tapos na. Wala na bang bago?" Tumingin sa akin si Franky na may pag aalinlangan. Pero sinuntok ako ng papa ko.

"Tito.."

"You stay out of this Francis.. Isa ka pa! Sasabihan ko ang parents mo regarding this matter. Tumatanda kayong mga paurong! 22 na kayo. Pro ang utak niyo 16 pa rin. Nakakahiya kayo!" Tumahimik lang si Franky.

"Kailan ka titigil Piere? Pag may napahamak? Pag may namatay na? Wala ka na bang ibibigay na magandang balita sa akin? Puro sakit ng ulo ang dinudulot mo sa pamilyang 'to!" Palagi naman ganyan. Mayamaya pa'y dumating si ate at mama. Reunion. Great.

"Pierre, I am trying to understand you pero sobra na." Saad pa ng mama ko. "Mabuti pa nung kayo pa ni Bekah ang bait mo. Nag hiwalay lang kayo tinubuan ka na ng sungay. Gusto mo ba hijo kausapin ko siya?" I took a deep breath. Napatingin sa akin si Ate, bakas sa mukha nito ang pag aalala.

"Can you stop mentioning Rebekah?"

"Hindi ko kasi maintindihan bakit kailangan mong piliin yang kagaguhan mo kesa sa babaeng mahal na mahal ka."dugtong pa ni pa ni Mama sa sinabi niya.

I w. She cheated on me. There's a difference. Pero bakit pa ba ako mag eexplain? Hindi naman sila nakikinig. 2 taon na ang nakakalipas pero galit pa rin ako sa kanya.

"Wala na bang paraan para mag kabalikan kayo?" She added.

"Ma, I think Pierre needs a res--" tumingin ako kay ate.

"Huwag nyo ng ibring up yung mga bagay na tapos na. Sa inyo na nga nang galing. Gago ako. Kaya huwag niyo ng ipilit. Tapos na yung sa amin. Kung wala kayong magandang sasabihin aalis na kami." Bakit ba hindi sila maka move on sa amin ng ex ko?

Napabuntong hininga ako. Pinigilan ako ni ate. "I won't let you go this time Pierre. Kailangan gamutin yung sugat mo."

"Ate, no need. Franky, Let's go. Thank you." Humalik ako sa pisngi ni Ate Samira. Tumayo na si Franky at sumunod sa akin.

"You are grounded young man."

"Do whatever you want Pa."

Pag ka labas namin ng private room ng hospital. Inayos ko ang sarili ko na tila ba walang nangyare. "Dude, are you okay??"

"Sus. Huwag ka ngang o.a diyan, sino ba tong tawag ng tawag na 'to?" Nang makita ko ang caller.

"Fck buhay pa rin tong baboy na 'to?" Hindi ko sinagot ang tawag niya. Ngunit nag padala ito ng message.

Babalikan naming kayo. Hindi pa tayo tapos Pierre. Mag kikita pa tayo sa impyerno!
-Brix

"Oh? Huwag mong sabihing natatakot ka diyan sa baboy nay an? Dude, kaya nating lusutan to." Confident na sabi ko kay Francis. Habang papalabas kami ng hospital, nakasalubong naming ang secretary ni Papa. Para ko na din itong pangalawang ina, dahil madalas niya akong pinag tatakpan sa mga kasalanan ko.

"Aunt Nana!" Napa sign of the cross ito ng makita niya ako. "Oh my dear Lord! what happened to you my dear Pierre?" Hinaplos nito ang mukha ko. "Ang dami mong bugbog anak." Ngumiti lang ako. As expected mas nag aalala pa ito kaysa sa sarili kong ina.

"Bakit mo sinugatan ang gwapong mukha mo?" Bakas sa mukha nito ang pag aalala. "Aunt Nana, can I ask you a favor?"

"What is it son?" nag siryoso ang mukha nito.

"Can you lend me a million pesos?" Nanlaki ang mga mata nito. "Dios ko, anak ang laki naman ng hinihingi mo. Para saan?"

"Well, na scam kasi kami. And the buyer is after us. Please??"

"Sorry Pierre pero," ngumiti na lang ako dito. "I understand aunt Nana. I'll figure this out.." nag madali na kami ni Pierre na lumabas ng hospital.

"Saan tayo pupunta ngayon Pierre?"

"Basta."

"Anong basta?"

"Sumunod ka na lang. Daming satsat."

Sumakay na kami sa sasakyan ko. Just watch and learn piggy, ipapakain ko sayo ang milyones na 'yan.

Continue Reading

You'll Also Like

351K 16.5K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
6.2M 322K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
1.3M 45.1K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
14.6M 324K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...