I Won't Let go

By Delphinidae1805

452 15 3

I Won't Let Go More

Prologue
chapter 2
chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 1

108 6 3
By Delphinidae1805

Andrew POV

Ang tagal naman ng babae na yon! Kanina pa ako dito mag iisang oras na akong nag hihihntay sa kanya. Sobrang bagal niyang kumilos kahit kailan talaga. kala niya hindi ko papansin yon?!

“Hi Tutti kanina ka pa ba jan? Sorry ah, late na kasi ako natulog kagabi. Nakalimutan ko na may lakad pala tayo ngayon." sabi niya. Hindi ko siya pinansin. Kala nia ah? Pinaghintay nia ako ng matagal ditto, mag tiis ka jan. Kala mo papansinin kita jan?  Sa limang taon naming magkasintahan, hindi talaga niya maiwasan na malate. Hayy naku, hindi ko talaga alam kung bakit ko napagtiisan yang babae na yan. Pero isa lang ang alam ko, mahal na mahal ko siya. Tinalikuran ko lang siya at nag lakad papuntang sasakyan.

“Hoy Tutti, sorry na. Pansinin mo naman ako oh..” sabi niya habang naka-pout. Haha ang cute talaga niyang tingan.  Hinding hindi talaga ako mag sasawa na tingan siya, tiningnan ko lang siya ng masama.

“Ano pa ang tinitingin-tingin mo jan sasakay ka ba or tatayo ka lang jan?” sabi ko

“Hindi mo man lang ba ako pagbubuksan ng pinto ng kotse mo? Tsaka hindi mo man lang ako hinalikan. Nag sorry na nga ako sayo eh. Hindi mo man lang ako papansinin! Hindi mo kasi alam kung bakit ako late natulog kagabi.” Sabi niya, sabay pasok sa loob. Grabe tong babae na to! Siya pa ang nagtatampo. Dapat nga ako ang nagtatampo sa kanya kasi ang tagal kong nag hintay. Tss,  mga babae nga naman. Sumunod na ako sa loob, pag bukas ko ng sasakyan, nagulat ako dahil niyakap niya ako 

“Sorry na talaga.. Late na kasi ako natulog kagabi. Nag aral pa ako kasi may exam pa kami sa Tuesday,  nakalimutan ko na pupunta pala tayo sa mama mo. Sorry na please? Alam mo naman na hindi ako sanay na hindi mo ko pinapansin eh.” Ayan na, nanglalambing na siya. Hayy nako, bakit hindi ko ba kayang tiisin ‘tong babae na to? Niyakap ko na din siya pabalik.

“Tsk, hindi mo man lang ba naisip na nag hihintay dito ‘yong gwapo mong boyfriend? Pano kung may manghalay sa akin jan sa daan habang hihi- A-aray! HAHAHA Bakit ka ba nangungurot?  May punto naman ako ah?!” Pang-aasar ko.

“Ang kapal naman ng mukha mo! Ano ka?! Si LEE MIN HO na pagkakaguluhan? Taas din ng pangarap mo ah! Ganyan na ba ang epekto sayo ng paghihintay mo sa akin? Hahaha” Aba, loko tong babaeng to ah, dapat ako ang pinaka-gwapo sa mata nya! Ako boyfriend nya eh!

“Hindi ba talaga mawawala sa usapan natin yang LEE MIN HO na yan? TSK” ikinukumpara parin niya ang kagwapuhan ko sa na Min Ho na yon?! Buset. Hanggang kelan ba?

“Hahahaha!” Aba! Tumawa pa. Nangaasar lalo. “Hanggang ngayon nagseselos ka parin sa kanya?! Crush ko LANG siya, MAHAL kita.” Talagang isinigaw yung salitang mahal?Pwede naman sigurong kiligin ang lalakie diba? Sh*t.  “Tsaka, hindi ako papansinin nun. Sa milyon-mil’yong babaeng nagkakagusto sa kanya. Hindi na niya maiisip na may nagkakagusto sa kanyang DYOSA hahaha” Dyosa daw. Parehas talaga kaming mahangin neto, kakatuwa. Haha

“Talaga naman oh. Dyosa daw.” So itinaas ko ang kamay ko para makipag-hive five. Nakipag-apir naman siya saken. “Feeler ka talaga , Frutitas” Alam ko maiinis na to saken. Haha  Inistart ko na ‘‘yong sasakyan.

“Hoy ULAN! Dyosa ako, kaya nga patay na patay ka saken eh. AT ang sweet kaya ng Tutti Fruti tapos ginaganyan mo endearment naten! Bad ka! Bad.” Ang tining na ng boses nya at namumula na ang muka nya. Mukang siopao. Hahaha

 “Oo na, DYOSA! Masaya ka na ba, FRUTTI KO? (napansin kong napangiti na siya) Kanina pa nag aantay sila mama sa bahay baka magalit na yon sa atin” sabi ko.

“Sayo lang yon magagalit. Hmp Sasabihin ko sa kanya na nag inarte ka nanaman. Sabihin ko na hindi mo ko pinansin kaya tayo natagalan” Baka gusto niya pang idagdag na kasalanan ko kung bakit late siya dumating. Nahiya naman ako, loko talaga tong Frutitas na to.

“So, pag tutulungan niyo na naman ako ni mama? Hindi ka man lang naawa sa Tutti mo. Minsan napapaisip ako na baka ikaw ang anak niya at ampon lang ako or baka nagkapalit ang mga magulang natin eh. Masyado na ka’yong close!” sabi ko sobra kasing magkasundo sila ni mama to the point na kaya niyang akong tiisin para lang malaman ko ‘yong pag kakamali na ginawa ko kay Frutti.

“Ha-ha-ha” ang peke niyang tawa. ”nagdadrama na naman ang Tutti ko. Kiss nalang kita,  wag ka na magdrama. Ok?” Sabi niya tsaka lumapit at hinalikan ako sa pisngi. Sa tuwing ginagawa niya yan hindi ko maiwasang kiligin. Tss hindi ko alam kong anong gayuma ang pinakain sa akin niyan at mahal na mahal ko siya.

Kaya nagproject ako ng pinaka-seryosong ekspresyon ko ng muka habang nakatingim paren sa daan bago magsalita “Wag mo akong ginagayan, kinikilig ako. Baka gusto mong ihinto ko itong sasakyan at wag nang tumuloy?

“Tutti naman eh!” Halata sa boses niya na masaya siya. Yumakap na siya saken at humalik ulit sa pisngi ko na malapit na sa labi.

Tinadyakan ko ang preno, iniharap ang seryoso kong muka sa kanya at tinutok ang tingin ko sa labi niya. Mejo nakabuka ito dahil sa pagkakagulat na inihinto ko nga ang sasakyan. Ibinalik ko ang tngin ko sa muka niya. At ang masasabi ko, SOBRANG PULA!  Unti-unti niyang nilayo ang at sarili niya saken habang ang kamay ay nakatakip sa dibdib niya. Kanina ko pa gustong gustong tumawa pero pinipigilan ko lang at pinagpatuloy ang seyosong muka. Nang nakabalik siya sa tamang ayos ng pagkakaupo niya, nagsalita siya gamit ang pinaka-pleasing niyang boses “Tutti, wag.” Parang iiyak na to eh.

Saka na sumabog ang tawa ko “HAHAHAHAHAHAHA! Ichura mo HAHAHA PRUTI muka kang nauutot na natatae! HAHAHAHAHA” biglang may pumalo sa kamay ko. Eto na nanaman ang boses niyang matining “AAAAAH! Ang sama mo talaga Tutti! Akala ko totoo na! Bad KA. BAD!” Sabi niya saka bumusangot. Napangiti nalang ako at pinaandar na ulit ang sasakyan. Wala naman akong balak na masama sa kanya. Kahit kelan, wala. Ganon ko siya kamahal at ginagalang.

after 30 minutes, nakarating na din kami sa bahay. sinalubong agad siya ni mama. diba sabi ko nga sa inyo pag magkasama yang dalawa na yan iniiwanan na ako eh.  sumunod na ako sa loob, pero hindi ko akalain na andito ‘‘yong mga kamag anak namin.

“Hi kuya Andrew” bati ni Candice, pinsan ko sa mother side.

“Oh Candice, kamusta ka na?” sagot ko.

“Ok lang naman kuya. Hindi mo sinabi sa akin na chix pala yang girlfriend mo! Ilang months na kayo niyan? Para kasing close na close agad sila tita.” Sabi niya. Hindi pala niya alam kung ganon na kami katagal. Sa States kasi siya lumaki; hindi ko naman makwento kasi lagi din siyang busy .

“Actually 5years na kami, 6years na nga’yong December. Ganyan talaga yang dalawa na yan, pag mag kasama, iniiwan ako.” sabi ko.

“Oh! Talaga kuya? Ang tagal niyo na pala! Nakakatuwa naman. Napagtiisan niya ugali mo.” Sabi niya. Actually siya lang talaga ang nag patino sa akin. May naging girlfriends naman ako bago siya pero siya lang ‘yong masasabi kong sineryoso ko ng ganito, ‘yong tipong ang hirap pakawalan kasi pag pinakawalan mo siya, daig mo pa ‘yong nakabasag ng walang kapantay na halaga. Ganun siya kahalaga sa akin.

“Tss. Saglit lang, puntahan ko lang sila iniwan ako eh” sabi ko tsaka pumunta kila mama. Nagulat ako, hindi niya kasama si Cheska. Asan kaya nagpunta yon?

“Ma, nasan si Cheska?” Sabi ko.

“Nasa kapatid mo. May ipapakita lang daw siya kay Cheska. Ang alam ko kasi may binili siyang damit kaya hiniram niya muna siya saglit. Bakit ? Tanong ni mama. Ano ba yan? Kaya ayaw ko dinadala dito si Frutti eh. Dami kong kaagaw!

“Wala naman. Ay ma, bakit ba andito sila tita? kala ko ba tayo-tayo lang?” tanong ko.

“Akala ko din anak eh, tumawag kasi si tita Rosie mo. Gusto daw nila makita ‘yong girlfriend mo. Alam mo naman yang tita mo na yan, lahat ng bagay na meron ka dapat alam niya. Hindi ka kasi nagkukwento sa kanya kaya siya na lang ‘‘yong pumunta dito para makita din niya ng personal si Cheska.” Sabi niya. Tsk kailangan pa ba sabihin sa kanya kung anung meron sa akin? 

“sige, magpapahanda na ako tawagin mo na sila. Ikaw, may kasalanan ka sa akin. Hindi mo man lang pinakain si cheska, kaya nangangayayat yon eh” sabi pa niya. Ayy oo nga pala. Hindi ko man lang natanong kung kumain ba siya ng breakfast niya. Kasi naman inuna pa kasi ang pag tatampo na yan.

Pag akyat ko sa taas, naabutan ko sila nagsusukat ng mga damit. Grabe tong kapatid ko na to, igaya pa niya ‘yong girlfriend ko sa kanya. Eh, hindi mo nga mapasuot ng dress yan kung walang okasyon na pupuntahan. Mas gusto niya kasing mag pants at mag shorts; pero hindi naman sobrang ikli na akala mo wala ng bukas kung makapagshorts.

“Tama na yang pagsusukat niyo, hoy! Ikaw, Angeline, alam mo naman na hindi nag susuot ng mga ganyan yang ate Cheska mo, pinipilit mo pa rin. Gusto mong isumbong kita kila mama?” Sabi ko tapos tiningnan ko ng masama si Frutti.

“At ikaw naman babae, bakit hindi mo sa akin sinabi na hindi ka pala kumain ng breakfast?  Di sana duamaan muna tayo sa resto para makakain ka.” Sermon ko sa kanya. Aba, tinaasan lang ako ng kilay.

“Bakit tinanong mo ba ako, ha? Hindi mo nga ako pinansin e. Tapos kong makareact ka naman. Tss” sabi niya habang nag aayos na ng mga damit.

“Hala, kuya inaway mo nanaman si ate Cheska. Grabe ka talaga” singit ng kapatid ko.

“Buti ate Cheska, natatagalan mo yang ugali ni kuya. Kung ako sayo, nakikipag break na ako jan eh. Tingan mo, nakalimutan kang tanungin kung kumain ka na.” Ayy baliw ata tong kapatid ko na to ah sapakin ko kaya?

“HAHAHAHA! Hindi ko rin alam kong bakit ko natagalan yang kuya mo. May nilagay  ata siyang gayuma nung nililigawan pa niya ako kaya hindi ko maiwanan. Tss. Binabalak ko ngang iwan yan pero ang lakas ng imapact ng kuya mo sa akin kaya hindi ko magawa.*wink*” sabi niya “diba Tutti?”

“Tss. Bumaba ka na Angeline; tumulong ka dun sa baba. Hindi porket may katulong tayo, umaasa ka. Dapat marnunong ka din sa gawaing bahay.” Sermon ko. Napakatamad na bata.

“Tss.  ang dami pang salita, pwde naman na direct to the point nalang. sabihin mo lang sa akin kung gusto mong masolo si ate Cheska. hindi ‘yong nag papaimpress ka pa alam naman niya kung gaano ka din katamad nuh” sabi niya sabay baling kay Frutti. “Ate Cheska, mag ingat ka jan kay kuya. baka malapa ka ng maaga! Hahaha” sabay takbo sa baba. Baliw na bata.  Tuminggin ako kay Frutti na naka-poker face ang mukha. Lumapit ako sa kanya, tapos niyakap ko siya. 

“Bakit ganyan ang mukha mo, Frutti? Hindi maipinta. Sige ka, mag hahanap ako ng ibang mas maganda sayo. Ikaw din, mawawalan ka ng gwapong boyfriend. Hahaha” tapos umalis siya sa pag kakayakap sa akin tapos sinuntok ako ng sobrang lakas sa braso. Grabe tong babae na to! May pagka-amazona.

“Bakit ka nanapak, ha? Wala naman akong sinabi na mali ah!” Sabi ko habang hinihimas ang braso ko. Masakit ha!

“Anong wala?! Gusto mong masapak ulit? Ipapaalala ko sayo, dyosa ako. At ako ang pinakamagandang dyosa na makikilala mo sa tanang ng buhay mo. Ayos ka ah?! Ikaw pa ang may ganang maghanap ng iba. Ang lakas din ng hangin dito sa kwarto ni angeline noh? Ramdam mo ba? Kasi ako, ramdam na ramdam ko eh. ‘‘yong tipong isa pang salita galing sayo, liliparin na ako.” Sabi niya. Hindi ko tuloy maiwasan isipin kung bakit sa dami daming babae sa mundo dito ako napunta; dito ko binagay lahat ng pag mamahal ko. At nagpapasalamat ako sa diyos na binigyan niya ako ng isang babae na kayang sabayan lahat ng trip ko. Kami na yata ang dahilan kung bakit bumabagyo dito sa pinas eh. Haha lumapit ako sa kanya, hinawakan ko ang kamay niya at nilapit ko ‘yong mukha ko sa mukha niya.

“I LOVE YOU, FRUTTI! Kahit ikaw pa ang pinakapangit na sadistang nakilala ko. Para sa akin ikaw ang dyosang nagpatino sa akin. Kaya please, wag mo kong iiwan ah? Hindi ko kakayain.” Sabi ko. Hinalikan ko siya sa labi tapos niyakap ko siya ng sobrang higpit. Hindi ko maimagine na wala siya sa buhay ko. Pakiramdam ko, nabubuhay ako para sa kanya. Umalis siya pag kakayakap sa akin.

“Bakit ang sweet mo ngaun  may kasalanan ka nuh? Hahaha” sabi niya. Tss. Pag sweet, may ginawang kasalanan agad? Hindi ba pwdeng nag lalambing lang? Pero niyakap niya ulit ako.

“I LOVE YOU TOO, TUTTI! Promise hinding hindi ako mawawala sayo kahit anong mangyari. Basta lagi kang magiging honest sa akin ah. Kung may problema ka, wag mong ipagdamot. Andito ako parati. Tutulungan kita kahit sobrang hirap pa niyan sa pinag aaralan ko hahaha” sabi niya. Owww sh*t kinikilig ako.

“Ehem! kanina pa kayo hinahanap sa baba. baka gusto ni’yong bilisan. nagugutom na sila.” sabi ng kapatid ko. kahit kailan talaga panira ng moment to eh. Epal!

“Oo na, bababa na. Umalis ka na ditto. Lagi kang panira ng moment eh.” Sabi ko. Hinawakan ko na ‘‘yong kamay ni Frutti pababa.  Pagdating namin sa baba, nakatingin silang lahat sa amin na parang criminal kami. Tinaasan ko lang sila ng kilay. Alam ko na naman ang tumatakbo sa mga isip niyan eh.

“Anong tinitingin tingin niyo jan? wala kaming ginawang masama! porket mag kasama sa kwarto, may ginawa agad na masama?! Mahiya nga kayo kay Cheska. Tsk” sabi ko.

“Bakit napaka-defensive mo anak? wala naman kaming sinasabi ah? ikaw lang naman ang nag iisip ng ganyan.  baka nga may ginawa kayo? kaya kayo natagalan..”

“Tss. ewan ko sayo ma. Kumain na tayo.” sabi ko tapos umupo na ako sa tabi ni Cheska 

“Oh, ano Rain? wala kang balak ipakilala sa akin yang magandang katabi mo?” sabi ni tita Rosie. tumayo ako ulit tapos hinawakan ko ‘yong kamay ni Cheska.

“Tita Rosie, this beautiful lady beside me is my girlfriend.” Nilingon ko si Frutti bago lumingon ulit kay tita Rosie at ngumiti “Precious Cheska Campos, 21 years old. She’s 4th year, taking up BS Bio in UST.” Proud kong sabi.

Napatingin ako kay tita Rosie, nagtataka ang mukha niya.

“CHESKA?”

Continue Reading

You'll Also Like

4.2M 167K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
20.3K 679 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
1.2M 23.1K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...
50.3K 63 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞