Angel's Cry

By Stoutheart

5.6M 24.5K 1.4K

-- "Hindi kita papakawalan Angelica hangga't Hindi bumabalik ang kapatid mo." Ginawa ni Angelica ang lahat pa... More

Angel's cry
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:

Chapter 9:

98.5K 2.1K 391
By Stoutheart

"Acute myeloid leukemia." Diretsong saad ng kapatid ko. Hapon noon. Nasa bahay kami parehas. Sa kusina. Magkaharap sa maliit na lamesang bilog. Ang marahang pag-angat ng kanyang tasa ang huling tunog na narinig ko, dahil pagkatapos noon ay natahimik kaming dalawa.

Hindi ako makaapuhap ng sasabihin. Ni wala akong makapang salita para pagaanin ang loob n'ya. Wala akong magawa kung hindi tingnan ang kapatid kong napupuno nang lungkot ang mga mata. Nakatitig ito nang diretso sa pader sa aking likuran na para bang doon kumukuha ng lakas upang hindi umiyak, ngunit pansin ko ang namumuong luha sa magkabila nitong mga mata.

"29.5 survival rate, 5 years after diagnosis." Bumaling ang titig nito sa akin.

"And it's been two years when I've found out. Akala ko kaya e." Ngumiti ito at sumimsim ng kape.

"Ate.." Ang pagtawag sa kanya  unang lumabas sa labi ko, wala akong mahanap na salita upang paaganin ang loob ni ate ng mga panahong iyon. Ni hindi ko sya malapitan, mahawakan o tabihan dahil nawalan ako nang lakas. Para akong naestatwa. Binalikan ang mga araw na napapansin kong matamlay ito. Madalas ang panghihina at pananakit nang katawan na akala ko dati ay dahil lang sa busy ito sa pag aaral at sa pagmomodelo. Akala ko rin nagpapayat ito.

Unti-unti akong humikbi. Nanginginig ang kamay na napahawak sa laylayan ng suot na t-shirt.

"Don't tell Darren about my condition." Unti-unti, tumulo ang mga luha ni ate pagkabanggit nang pangalan ng lalaki. Kahit umiiyak ito sa akin ay ramdam ko ang kaseryosohan nito sa binitawang salita. Hindi ako umimik, ni hindi tumango kaya inulit n'ya ang kanyang pakiusap.

"Don't tell Darren about my condition." Ulit nito. "May plano na ako Angel. I can get through this. Marami na akong napanuod at nasearch na nakasurvive sa ganito." Dugtong nito. Ngumiti ito at pinunasan ang mga luhang malayang naglalandas sa kanyang mga pisngi.

"P--Pero ate, May karapatan s'yang malaman ang kondisyon mo. He's your fiance. Mas masasaktan sya kung hindi mo sasabihin ang lagay mo. He can help you. I can help you ate." kontra ko sa kanya. Napailing ako. Nagsimula narin akong umiyak. Paulit-ulit kong sinabi na tutulungan ko sya. Nanginginig na ang mga kamay ko sa kagustuhang mapilit na tulungan ko sya.

Alam kong mahirap ang sitwasyong kinakaharap nito pero, may karapatan si Darren, dahil nagmamahalan sila. Alam kong matutulungan sya nito. Kung usaping pera lang, madali ito sa kanya. Alam ko kung gaano kamahal ni Darren ang kapatid ko. Alam kong ibibigay nito ang lahat para sa kanya.

"If you want to help me..." Putol nito sa tuluyang kong pag-iyak na para bang di na kami aabot kinabukasan.

Napatititig naman ako dito ngunit patuloy parin paghikbi .

"Marry him Angel." Walang gatol na dugtong nito. Diretso itong nakatingin sa akin. Seryoso ang kanyang paninitig. Napatda ako sa sinabi nya. Agad akong tumayo at umiling habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nasapo ko ang bibig ko upang pigilan ang malakas na paghikbi pag hikbi.

"Pero ate!" protesta ko. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Napakabigat nang gusto nyang gawin ko. Hindi ko kaya. Ayaw ko.

"Para sa akin Angel." Putol n'ya sa protesta ko. Inilang hakbang n'ya ang pagitan naming dalawa at mabilis na inapuhap ang mga braso ko at mahigpit na hinawakan.

"Ayoko nang masaktan si Darren. Baka hindi n'ya kayanin. Kilala mo si Darren. You knew him better than I am. Hindi n'ya kakayaning malaman na may sakit ako Angel. Cover up for me. Aalis ako. Kami ni Ally. Gusto ko pag-alis ko sigurado akong may magmamahal sa kanya. Iyong pagmamahal na hindi ko na maiibigay." Unti unting lumuwag ang pagkakahawak nito sakin at tuluyang humagulgol.

"Please Angel. M-Mahal na mahal ko si Darren. Hindi ko kayang iwan sya. Ayokong iwan sya pero wala akong ibang choice. " diretsong pahayag nito sa pagitan ng kanyang malalakas na paghikbi.

"Hindi ko lalong kakayanin kung mas masasaktan ko sya. Kung sigurado lang akong madudugtungan talaga ang buhay ko hindi ko sya iiwan. Mananatili ako sa tabi nya. Ayoko syang iwan Angel. Ayoko pang mamatay. Gusto ko pa kayong makasama nang matagal, kaya parang awa mo na." Unti unti lumuhod ang kapatid ko.

"Ate..." Marahan kong tawag. Unti unti akong pumantay sa kanya at tuluyang syang niyakap.

Ramdam ko ang hirap at sakit na dinadanas ni Ate. Ayoko rin s'yang masaktan. Ayoko silang masaktan.

"Sasama ako sayo ate." Mariin kong saad. Gusto kong sumama sa kanya. Ako ang personal na mag-alaga pero tinanggihan n'ya ito. Umiling ito nang paulit-ulit.

"Yong hiling ko." Putol nya sakin. Buo ang desisyon n'yang ako ang magpapakasal kay Darren. Buo ito at hindi ko na mabawi pa. Parang wala na yata akong karapatang tumanggi pa.

Noong gabing iyon ay parehas kaming umiiyak, nasasaktan. Ngunit ang sinabi ni ate sa akin ang s'yang talagang nagpapayag sa aking sa kanyang kahilingan.

Wala akong nagawa kung hindi sumang ayon sa desisyong n'yang pakasalan ko ang taong parehas naming mahal.

Tama. Parehas naming mahal.

________________________________

"Ate!" Sigaw ko at mabilis na yumakap sa kanya. Hindi ko akalain na magkikita kami. Di ko inaasahan. Nang mga oras na iyon ay parang nabuhayan ako nang makita ang kapatid ko. Hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman ko nang makitang buhay ito. Nang makita nakangiti itong nakatingin sa aking mga mata. Hindi ko na nga naisip kung bakit sila magkasama ni Darren. Ang mahalaga nandito na s'ya. Nandito ang kapatid ko. Buhay ang kapatid ko.

Hindi ko pinansin si Darren na ngayon ay nakakunot noong nakatingin sa akin. Mabilis ko lang s'yang sunulyapan nang maramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Ate. Alam kong namamasa na ang mga mata ko sa pag-iyak, pero pinigilan ko. Baka kasi mahalata ni Ate ang sitwasyon namin ni Darren. Magagalit 'yon, at ayoko na nang away.

"Angelica." May bahid na saya ang tonong iyon. Kumalas ako sa yakap namin at hinawakan ang braso n'ya. Pinakatitigan ko rin ang buong mukha n'ya.

Medyo nanibago lang ako sa itsura n'ya ngayon. Parang tumapang ang dating ng hugis ng kanyang mga mata. May bahagyang nagbago sa kanya, ngunit lahat ng iyon ay isinawalang bahala ko na lamang.

"Nandito kana." Saad ko. Bahagya ko pang kinagat ang labi ko para pigilan ang paghikbi. Para bang hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko na ang kapatid ko.

"Did Darren treat you well?" pabulong n'yang tanong sa akin. Tinitigan n'ya ko ng marahan. Tiningnan ko rin ang mga mata n'ya ngunit tila naging kakaiba iyon. Hindi nalang ako sumagot, bagkus ang ngumiti ako sa kanya upang itagao kung anuman ang hindi n'ya pwedeng malaman sa lahat ng nangyari noon. Kailangang maging maayos ang lahat.

Parehas kaming lumingon nang makarinig kami ng mabibigat na paghakbang. Nanliit ako nang tumama ang paningin ni Darren sa akin. Bago pa ako mkapagsalita ay hinigit na nito ang braso ko at hinila palayo kay ate.

"Darren" sigaw ni ate. Hinabol n'ya ang braso ko.

"We already talked this Angeline." Walang emosyong sagot ni Darren na sinabayan ng pag-irap.

"Huh!" Irap naman ni ate at tinabig ang kamay ni Darre. Hinawi nito ang buhok at hinigit ang braso ko papunta sa kanya.

"Where's your room Angel?" Tanong nito sa akin. Nagpalinga-linga pa ito habang hawak ang braso ko. Napabuntong hininga ako at tinuro sa taas na bahagi ang k'warto ko. Tumingin ako sa kanya. Alam kong kahit na anong tago ang gawin ko ay alam ni ate ang nangyayari sa amin. Sigurado akong si Darren ang nagsabi noon dito.

"Don't give me that look Angel. I know everything. Darren told me everything." Walang emosyong saad nito sa akin bago ako hinatak paakyat ng hagdan, habang si Darren ay nakasunod lang samin.

Kahit na alam ko na, ay hindi ko parin maiwasang magulat. Alam nito ang lahat ngunit wala itong ginawa para bumalik kay Darren. Ako ang nagpakahirap nang dalawang taon sa pagiging asawa nito.

Asawa?

Nandito na si ate. Saan ako lalagay?

"Don't think too much " Salita ni ate sabay hatak sa kanya ni darren at ipinalupot ang mga kamay nito sa bewang ng kakambal ko.

Gaano kasakit makita ang asawa mo na nakapalupot ang mga braso sa bewang ng kakambal mo habang ikaw ang asawa.

Ako ang asawa.

Pero pakiramdam ko ako ang kabit.

Ako ang walang karapatan. Hindi ko alam kung paano ko pa nakakaya ang mga eksenang 'y'on. Parang namamanhid ang buong sistema ko.

Kill me now bullshit!

Agad akong pumasok sa k'warto ko at sumunod si ate. Pero bago s'ya pumasok.

"I'll wait you in our room." Paalala ni Darren kay ate.

Our room.

Na sana sa akin.
Nanginig ang kamay ko sa magkakahalong galit at sakit, pero binalewala ko 'yon.

Tumango lang si ate at isinarado ang pinto.

Two years had already passed. Marami ng nagbago. Maraming umalis. Mayroong dumating.

Umiksi na ang buhok ng kakambal ko. 'Di kagaya ng sa'kin na hanggang ngayon ay mahaba. Ma's matapang na s'yang tingnan ngayon, ma's sopistikada at tila parang naging kakaiba.

Parang bigla akong nangilag sa kanya. Tama bang makaramdam n'on sa sariling kapatid?

"Ate kamusta ka na?" tanong ko habang umupo naman s'ya sa tabi ko.

"Okey lang. Okey na." ngumiti s'ya sa'kin at niyakap ako.

Hinayaan ko nalang s'yang yakapin ako. Nagtagal lang iyon ng ilang segundo at bumitaw na rin s'ya at umayos ng upo.

"Kamusta si Ally?" Tanong ko. Wala kasi si Ally noong dumating s'ya.

"Okay naman s'ya. Madami s'yang nakahaing project ngayon kaya hindi nakasama." Paliwanag ni ate. Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Wala akong maapuhap na salita. Para nga yatang natakot akong mag tanong.

Nandito na s'ya. Ano ng magiging papel ko sa bahay na 'to. Ako pa rin ba ang asawa? May karapatan pa ba ako?

Mahabang katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kwartong iyon.

Hanggang magsalita si ate.

"Sorry Angel if I dragged you on this. I--I thought I will be dead by by now. I'm so scared." Sabi ni ate. Umiiyak na rin s'ya. Napaiwas ako nang tingin. Tiningnan ko nalang ang kamay nakahawak sa kamay ko at nagsimulang umiyak. Parang ayoko ng pupuntahan ng usapang ito.

"Natakot akong iiwanan ko si Darren. Natatakot akong masaktan s'ya." Saad pa nito.

Mariin kong kinagat ang labi ko.
Bullshit! Piping sigaw ko. Takot na iwanan n'ya? Fu ck! Ako ang sumalo sa kagagahan n'ya. Nanginginig ang kamay ko sa naramdaman kong galit.

"But-- now I'm back." saad ni ate sabay pinunasan ang mga luhang nasa kanyang pisngi.

"Can I have Darren now?"

_________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

131K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

88K 2.4K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
5.2M 103K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
18.8K 627 20
Muse and Bench were the best of friends since birth. Buong buhay ni Muse ay si Bench ang kasama niya at hindi na yata sila mabubuhay kung wala sa pil...