✔The Playboy S.A

By luxylightbringer

195K 3.3K 477

Rein Lucas Anderson is a handsome and hot chick-magnet playboy on their campus. Girls like him a lot; they wo... More

PLAYBOY(ANDERSON#1)
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
EPILOGUE
Author's Note
Special Chapter
Christmas Special 2019

Chapter 17

1.9K 45 3
By luxylightbringer


"Big cart baby! Dali!" Parang bata si Rein ng makapasok kami sa hypermarket para mag grocery.

"Rein nakakahiya ka kasama, tigilan mo yan"saad ko pero tinawanan nya lang ako.

"This is my first time doing grocery with my girlfriend"nakangiting sabi nya at kumapit sa hawakan ng cart.

I stopped for a second at napangiti. Being his first time in every little things makes my heart skip a beat.

"Sakay na baby"

"Huh? Ano ako bata?"napataas ako ng kilay.

"What? Baby naman kita ah" hinila nya ako at pinatapak sa ibabang bakal. Hindi naman ako nakasakay talaga, nakatapak lang ako bakal sa baba.

Tapos pumunta sya sa likod ko, nakapwesto ang magkabilang kamay nya sa gilid ko at humawak sa handle tsaka tinulak ang cart.

"Baby you smells good"bulong nya habang inaamoy ang buhok ko.

"Psh! Pinapwesto mo ko dito para mananching eh!"

"So what? Girlfriend naman kita" he smirked.

Err.. kapag nanggagaling sa kanya mismo na girlfriend nya ako parang mas nakakakilig?

"Tara na nga!"

"Okay!" Pagkasabi nya nun ay tinulak na nya agad yung cart.

"Waahh!! Rein wag mong bilisan lintik ka!"inis na sabi ko.

"Hahaha!!"

Tinawanan nya lang ako at patuloy sa pagtulak kaya kinurot ko na ang kamay nya.

"Psh! Ruan ang hilig mangurot eh!"reklamo nya.

"Bagalan mo kase!"

Binagalan naman nya at pumunta sa fruits and vegetable section. Wow, healthy leaving ang mokong.

Kumuha sya ng mga gulay at prutas. Next naman ay sa poultry, kumuha sya ng ilang manok. Tapos pork din at fish fillet.

"Are you planning to buy all of their products? O baka naisip mo ring mag business ng grocery tapos yan yung ititinda mo?"taas kilay kong sabi.

"Ayoko sa business baby, gusto sayo lang"he winked at me kaya napairap ako.

O sige na, nakakakilig kahit walang connect yung sinabi nya.

"Ewan sayo Rein"

"Haha. For one month na kasi 'to baby. And I hate business okay? Ayokong maging business man, I want to be a college professor"

Napatingin ako kay Rein.

Well kung i-imagine, magiging isang gwapo at hot na professor sya at siguradong maraming hahanga sa kanya lalo na ang mga studyante!

No way!

"P..parang hindi sayo bagay"saad ko.

"Huh? Panong di bagay? If I know you are always admiring me especially when I am teaching your class"

O sige feeling na naman ang lokong'to.

"B..basta! Ayoko"

"Bakit nga?"

"Wag kang mag professor, maraming studyanteng magkakagusto sayo"nakangusong sabi ko.

He look at me for a second,

"Seryoso ka?"medyo nakangiti nyang sabi.

"Ikaw bahala kung seseryosohin mo yung sinabi ko"sagot ko.

Nagulat ako ng mabilis nya akong hinalikan, agad tuloy akong napalingon sa paligid kung may tao, mabuti nalang wala.

"Baby naman.. that's my dream profession.. isa pa ikaw lang yung crush ko—ay love nga pala kita"

Napairap ako habang nakangiti. Baliw 'to, ang lakas magpakilig.

"Bahala ka nga! That's your life anyway, I can't control it"

"Baby, you're part of it. It's okay to give some opinions. At sa lahat ng decisions ko, I'll make sure that you won't be affected"

Napangiti nalang ako sa sinabi nya at bahagyang pinisil ang pisngi nya.

"Rein, don't be so serious. Hindi bagay sayo" natatawa kong sabi.

"You always ruin the moment baby"nag pout sya.

I chuckled at nagpatuloy na kami sa pamimili.

*bzzt*bzztt*

"Kanina pa yang phone mo, hindi mo ba sasagutin?"

Kanina pa kaso ring ng ring yung phone nya pero binabalewala nya lang.

"Ah. That's just nothing. It's not that important"

"You sure? Kanina pa yan"

"It's just nothing baby, tara dun tayo sa ibang section" hinila na nya ako kaya hindi ko nalang sya tinanong pa.

"Rein.. bibili din ako ng pagkain ko ah"

"Wait. I need something to buy, just a minute baby"hinawakan nya yung kamay ko pero inakma kong alisin yun.

"No. I'll just get it alone, dito ka muna tapos babalik nalang ako"

"But—"

"Wag kang paranoid dyan, hindi ako bata para mawala"I cut his sentence.

"Okay. Bumalik ka ha, wag puro junk foods!"

"Opo Professor"saad ko.

Natawa naman sya at ginulo pa ang buhok ko.

"Go ahead baby"

Pumunta na ako sa ibang section at pumili ng mga pagkain, may chips, juckfoods, chocolates tsaka ice cream.

Pagbalik ko sa pwesto ni Rein kanina ay nagulat ako dahil may kausap na syang babae. Nakatalikod sya pero tandang tanda ko ang pigura nya kahit nakatalikod.

Pagharap nya sakin ay nagulat pa sya ng makita ako, pero ngumiti din sya at lumapit sakin.

"Ruan! Anong ginagawa mo dito? Halika at tulungan mo akong mamili dito"saad sakin ni mama.

"Ahm...."

"Magkakilala po kayo mommy?"biglang tanong ni Rein.

"Mommy?!"taas kilay kong tanong kay Rein.

At kailan nya pa naging nanay ang nanay ko?!

"Oo naman! Sya yung sinasabi kong anak ko! Ang ganda nya diba?"saad ni mama.

Nagulat naman si Rein pero bigla din syang ngumiti at tumingin sakin ng oh-what-a-co incident-look.

"Yeah.. very gorgeous mommy. Walang makakatalo sa kanya"Rein winked at me pero binigyan ko sya ng Don't-dare-do-flirt-look.

Binunggo naman ako ni Mama na parang kinikilig kaya pati sya ay inirapan ko din at umiling iling. Haysss.. kung iisipin, mukhang mas mag ina pa sila kesa samin dahil sa ugali.

"Magkakilala ba kayo anak?"tanong sakin ni mama.

"Yes/No"sabay naming sagot ni Rein.

Sinimangutan ako ni Rein pero tinaasan ko lang sya ng kilay.
Hindi pa ako handang ipakilala sya sa mama ko!!!

"Yes mommy" bigla akong inakbayan ni Rein sa harap nya.

"Actually, I am her—"

"Co-S.A Ma, sya yung bagong S.A sa library"I cut him.

"Yes but I am also her—"

"Sya rin po yung substitute sa Physical Science namin" I cut him again and he gave me a glare.

"Oh ikaw pala yun. Hindi ka lang pala matulungin, matalino ka din!—anak sya yung tumulong sakin nung nakaraan!"sabi sakin ni mama at siniko siko pa ako.

"Ano? Sabi ko sayo ang gwapo nya eh"bulong sakin ni mama.

Hindi naman ako tutol dun, dahil gwapo talaga si Rein! Kaso baka mabaliw nanay ko pag nalaman nyang boyfriend ko na yang lalaking nasa harap nya.

"Ano nga ulit pangalan mo iho?"

"Rein po Mommy. Rein Anderson.. Boyfriend po ni Ruan"

"Oh Rein, ikaw pala yung boyfriend ni Rua—BOYFRIEND KA NI RUAN?!" Napasigaw si mama kaya napatingin tuloy ang mga tao samin.

"Ma! Wag kang sumigaw!"

Napatingin ako kay Rein pero ngumisi lang sya sakin at kinindatan pa ako. Napailing nalang ako. Bahala na nga, malalaman at malalaman din naman yun ni mama, mas napaaga nga lang.

"Pero di nga? Boyfriend ka ni Ruan? Yung anak ko?"tanong ni mama at tinuro pa ako.

"Opo mommy. Si Ruan Lacsa po, your daughter"

"Yaahh!! May boyfriend na ang anak ko sa wakas!! Rein anak, dun kana mag dinner sa bahay!"

"Sure mommy! Thanks po!"

Napangiwi ako dahil pareho silang excited sa magaganap mamaya.
O sige pag bigyan na natin, minsan lang naman kami magkabisita.

"Pano ba yan baby? Botong boto yata sakin si mommy"bulong sakin ni Rein.

Maka-mommy ang mokong na 'to! Grabe mukhang close na close na sila agad. Sabi na nga ba sya yung tumulong kay mama nung nakaraan, pareho kasi yung band aid na nilagay nya sakin at kay mama. Hays, tadhana nga naman.

"Ang galing mo. Edi ikaw na"sabi ko.

"Ako na talaga at ako lang talaga ang dapat para sayo wala ng iba pa"

Pagkatapos mag grocery ay dumeretso nga kami sa bahay, doon nagdinner si Rein dahil walang sawa si mama kakatanong sa kaniya. Natutuwa naman ako dahil nakasundo niya agad ang mama ko, pero kasi maintriga 'yang nanay ko at baka kung ano ano ang sabihin.

"So mukhang hindi pa po ako kinukwento ni Ruan sa inyo. I'm a bit disappointed about that" nagpout pa si Rein at kunwariy nagtatampo sakin.

"Nako baka nahihiya lang yan si Ruan, wala pa kasi yan nagiging boyfriend"

Napairap naman ako kay mama. Oo na, paulit ulit na naman yang pagiging nbsb ko eh.

"Anyway Rein, gusto ko nga pala ng maraming apo ah"

*cough*cough*cough*

Nasamid ako bigla dahil sa sinabi ni mama. Fudge! Ito ang dahilan kung bakit ayoko pa syang ipakilala kay mama eh! Kasi gustong gusto na nyang magka apo! I'm just 18! My gosh!

"Ma! Ano bang mga pinagsasabi nyo dyan! Bata pa kami!"inis na sabi ko.

"Alam ko! Nagpapaalala lang! Praning kang bata ka"sagot ni mama.

Napatingin naman ako kay Rein na nakangiti at tinaas taas pa ang dalawang kilay nya sakin. Tignan mo, ang kamanyakan umiiral na naman.

"Rein, tumatanda na ako.. sana buntisin mo na agad si Ruan—"

"Ma!"

Pulang pula na ang mukha ko dahil sa mga pinagsasabi ni mama. Si Rein naman ay mukhang natense sa sinabi ni mama.

"Ano na naman yon? Nagpapaalala lang ako!"

Paalala? Anong klaseng paalala yun?! May panahon para dyan bakit pinag uusapan agad?!

"Anong klaseng paalala yun? Argh ewan ko sa inyo!"

Nag walk out na ako at pumunta sa kwarto ko. Tinapon ko ang sarili ko sa kama at tinitigan ang kisame.

Naalala ko tuloy nung bata pa ako, sobrang saya namin noon kasama si papa. Naisip ko na sobrang swerte ko dahil kumpleto pa kami hanggang sa nawala si papa dahil sa aksidente, pero kahit nawalan man kami ng padre de pamilya, hindi pinaramdam ni mama na kami nalang dalawa.

Ang pamilya namin, kung saan pundasyon namin ang pagmamahalan at hindi mga materyal na bagay. Sana ganito din ang magiging future ko. At sana si Rein yung kasama ko sa pangarap kong masayang pamilya.

"Baby.." napabangon ako ng biglang kumatok si Rein sa pinto.

"Pasok ka"sabi ko.

Binuksan naman nya ang pinto at pumasok. Tumingin tingin sya sa paligid ng kwarto ko at napangiti.

"You love green?"

Tumungo ako at ngumiti pero bigla syang sumimangot.

"Pano na ako?"

"Huh?"

"You love green, how about me?"nakasimangot sya sakin kunwari.

Nagets ko naman ang sinasabi nya kaya sinakyan ko nalang sya.

"Bakit? Sino ka ba?"pagtataray ko.

"Ah ganon?" Tinaasan nya ako ng kilay at bigla syang lumapit sakin.

"Hoy! Anong gagawin mo—Yaahhh!!!"

Kiniliti nya ako bigla sa tagiliran kaya napahiga ako at hindi ako makaalis sa bisig nya.

"Kyaahh!! Rein tama na!!"

"Sabihin mo muna ang gwapo ko!"

"Di ka gwap—Waaahhh!!!"

Kiniliti nya pa ako at halos magkanda-iyak na ako kakatawa. Bwisit ang lakas pa naman ng kiliti ko sa tagiliran!!

"Dali na!"

"Wahhh! Rein kasiiii! OO NA ANG GWAPO MO!"

"Good girl!"

Tinigil na nya ang pagkiliti kaya naghabol ako ng hininga dahil sa kakatawa. Nakahiga parin ako habang sya ay nakaupo at nasa magkabilang gilid ko ang mga kamay nya.

"Nakakainis ka!"hinampas ko sya ng malakas sa braso.

"Aray! Ruan ang sadista naman eh!" Reklamo nya.

"Gusto mo ba akong mamatay ha? Baliw ka talaga"inis na sabi ko.

"Why would I like you to die? Pag namatay ka, mamamatay din ako"

Hinampas ko ulit sya sa braso.

"Ouch!! Ano na naman ba?!"

"Wala lang, now we're even"

Tinago ko lang ang kilig ko kaya hinampas ko sya. Baliw kasi? Mamamatay agad?

"Psh even daw. Kinikilig ka lang eh"pangaasar nya.

"Che! Lumayas kana nga! Gabi na oh"

"Goodbye kiss ko muna"sabi nya at ngumuso.

"Lapit ka" sabi ko at ngumuso din. Nakahiga parin kasi ako.

Ngumiti sya at mabilis akong hinalikan sa labi at tumayo agad pero hinila ko ulit sya pabalik at niyakap sya sa leeg.

"Baby..."

Nginitian ko lang sya at hinalikan ulit ng mas malalim. He responds immediately and kiss me deeply. He hold my neck and guide my head.

My body started to feel electricity flowing all over it. Mas lumalalim ang paghalik nya sakin and let our tongues invade each others mouth.

"Mmm.." we both moan while we are savoring each other.

Dinig ko pa ang tunog ng bawat pagpitik ng labi namin, bumibilis ang ritmo namin pareho at mas madiin ang paghahalikan namin. Para akong nalalasing at nawawala sa sarili dahil sa mga halik nya. Parang hindi ko na mapipigilan ang sarili ko kung sakali mang may mangyari.

Bumaba ang halik nya sa leeg ko at tumingala naman ako to give him more access to my neck. Pareho na kaming nakakaramdam ng init ni Rein. Pero hindi namin mapigilan ang isa't isa, I felt his tongue licking me and it made my to body shiver.

Rein started to unbutton my uniform, at ginawa ko narin yun sa damit nya nga hindi napuputol ang hahalikan namin. Bumaba ang paghalik nya hanggang sa nasanggi namin yung study desk ko. Napatigil kami pareho at parang nakabalik sa katinuan. Nagkatitigan kami at naghahabol ng hininga. Naibaba ni Rein ang tingin nya sa dibdib ko na kaunting naka -expose.

"Shit! I'm sorry!" saad ni Rein at tinakpan agad ako ng kumot.

Nakaramdam kami ng hiya sa isa't isa. Fudge, what if hindi namin nasanggi yung desk ko? Baka kung saan pa mapunta yung kanina!

"O..okay lang, s..sorry din" nahihiya kong sabi.

Tinignan ko sya at mukhang nahihiya parin sya kaya ngumiti nalang ako at binutones damit nya.

"Hindi naman ako ganito dati, bakit pag sayo nahihiya ako?"biglang sabi ni Rein.

"Huh?"

"When I am unbuttoning a blouse or seeing any part of a girl's body I used to be cool and calm, bakit pagdating sayo hindi? Nate-tense ako"nahihiya nyang sabi.

"Siguro dahil... crush mo ko?"nagbiro ako para mawala ang awkward atmosphere namin.

"Siguro nga" tumawa sya ng mahina at pinagkiskis ang ilong naming dalawa.

"You gotta go Rein. Go home"sabi ko.

"Mabuti pa nga, baka magka junior agad tayo" kinindatan nya ako bigla kaya hinampas ko sya ng mahina.

"U..umuwi kana!"tinulak ko na sya habang sya ay tawa ng tawa.

Nagpaalam na sya kay mama at hinatid ko na sya sa gate namin. Mabuti at nagdala sya ng kotse dahil sa mga groceries na pinamili kanina.

"Next week, I won't be able to teach classes anymore. Dumating na kasi yung substitute kaya hindi na ako busy. Date tayo ah?"saad nya ng makalabas kami.

"Sure. Saan tayo pupunta?"tanong ko.

"Hmm.. dyan lang sa tabi tabi"sabi nya at tumawa.

"Okay lang, basta kasama kita"confident na sabi ko.

"Woah.. you are making some banat na Ruan ah.. crush mo talaga ako no?"

"Oo crush na crush kita! Uwi na nga!"sabi ko at tinulak tulak sya.

"Haha! Bye bye" hinalikan nya akong muli pero mabilis lang at tumalikod na agad.

"I love you Rein" napalingon sya ulit at parang nagulat pa pero ngumiti din sya.

"I love you too. Very much"

My heart suddenly skip a beat. Gosh! This is our second time saying it! Medyo nahihiya parin ako sa pagsasabi ng I love you dahil hindi naman ako sanay. Pero ngayon gusto ko ng sanayin ang sarili ko, gusto kong sabihin palagi sa kanya na mahal ko sya.

"Ingat ka ah"sabi ko.

"Yeah. You too. Bye baby" sumakay na sya kotse.

"Ingat sa pag d-drive!"

"Opo madam"natatawang sabi nya.

"Wag mo kong tawanan Rein! Seryoso ako"

"I will baby. B-bye!" Nag wave sya sakin kaya ngumiti ako at nag wave din.

"Bye!!" Umandar na ang sasakyan nya. Sinundan ko nalang yun ng tingin habang hindi parin nawawala ang ngiti ko.

Pero biglang nawala ang ngiti ko ng makita yung isang lalaking nakatayo sa isang light post, naka american suit sya at nakatingin sakin kaya bigla ako napapasok sa bahay.

Fudge, sino yun?

***

Continue Reading

You'll Also Like

350K 4.3K 80
Nalaman mo nga na princess ka, tapos biglang malalaman mo na ang pagiging prinsesa mo may mga kadugtong pa... isa na doon ang pagiging Ampon mo tapos...
183K 3.2K 66
Pano kung ang isang bad boy ay ma i-inlove sa isang nerd?Lalalim kaya ang feelings ni "badboy"pag nakita nya ang mala anghel na mukha ni "nerd"?Malal...
175K 5.2K 70
Making the Mafia's fall is hard to do. How can I complete my mission if I am the one who fall in my own trap? LANGUAGE:Tagalog & English STATUS:Compl...
301K 3.8K 47
"Falling in love with him is the best thing I ever did. I love you Reid Vincent Finn." -Blaire *SANA PO MA-ENJOY NYO. THANKS PO!!!!! AND PLEASE DON"...