HaveYouSeenThisGirl(from a fa...

By jaychieee

2.7K 39 21

Fan ka ba ni HaveYouSeenthisGirl?Naiinspired ka din ba nya? Nagandahan ka din ba sa mga stories nya? May naku... More

HaveYouSeenThisGirl(from a fan) :)

2.7K 39 21
By jaychieee

HAVEYOUSEENTHISGIRL

“Eh yung I Met a Jerk ,nabasa mo na”

“ahh oo ,grabe ang ganda nun”

“Tomo,ang galling talaga ni Denny”

“oo nga grabe Idol ko na talaga sya ,sya na talaga,Eh Yung VOICELESS?tapos mo na?”

“Oo Yiiieeeee,ang cute nun pati nung  Syntax Error ,waahh sana may ganon talaga,crush ko talaga si Sync”

“hahaha oo nga grabe, pero kay Papa CROSS parin ako sh********t,walang kamatayang papa Cross. Naalala mo pa ba ang legendary na DIARY NG PANGET/(with action ng slash) DIARY  ni EYA?”

“Waaaaaa oo naman ,yun ata ang pinaka unang nagpabaliw sa akin,yun yung unang ine recommend mo sakin diba?haiy” sabay puppy eyes na parang nagda day dream

“Oo nga pero gusto ko na talagang mabasa yung kay Memo excited na ako sobra.yieeeeeeee”

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa usapan ng mga boardmates ko

Hindi ko alam kung tatawa ba ako ng malakas o ma o.o.p sa kanila

Nasa room namin kami nun sa b.house at nagkwekwentuhan kakatapos lang ata ng exam nun that time at ewan nga ba napunta nalang ang usapan dun sa mga sinasabi nila usapan sana namin kaya lang na o.p na ako ng yun na ang topic

buti nga at sila lang dalawa kasi kung nakikitambay ang iba naming boardmates na taga ibang kwarto that time hala patay  na kagulo na ang abot at worst baka mapagalitan na naman kami sa ingay na nangagaling sa room namin.

“Hala wala na OP na ko,ano ba yang mga pinag-uusapan nyo hindi ko naman kilala yang mga yan eh”

Sabi ko with matching pout at sabay tayo at balik sa bed ko

“Hala girl basahin mo kasi yung DIARY NG PANGET ,yung pinapabasa ko sayo ang ganda nun ate promise,dali buksan mo ang Bluetooth mo pasa ko sayo magbasa ka ng Ebook ”

Binuksan ko nga ang Bluetooth ko at inaaccept yung file na pinasa nya sa akin

Hindi ko alam that time kung ano yun wala akong idea

Nung pinasa nya yun hindi ko din naman binasa napatambak lang sa phone ko

Ewan ko nga ba ang tamad kong kalikutin ang phone ko nun

-------------------------------*******------------------------------

Lumipas ang mga araw at may bago na naman silang pinag-uusapan

“waaaah nakakakilig talaga ang MY PRINCE, kay Jiro talaga ako”-bmate#1

“ay maka Jiro ka?mas gusto ko si Ren waaaaa,my labanos”-b.mate#2

“oo nga Ren ako waaa boyfriend ko na sya”b.mate#3

“ahh ako kahit kanino,ang cute din nung sa magpartner yung may cookies”b.mate #4

Haiy ayan na naman sila  bago na naman

Feeling ko ba that time sobrang huling huli na ako sa mga nangyayari kung ano ang bago ,na oOP na ako ng bonggang bongga pag nagkwekwentuhan sila,feeling ko sobrang ignorante ko kung ano na nga ba ang bago

“ano ba yan, kwento?”-ako

“oo girl “

“sino sumulat yung pinagkwekwentuhan nyo din dati sa room(sabay tingin sa isa kong bmate na isa dun sa nagkwekwentuhan last time ) sino nga ba yung binanggit nyo dati ,yung sabi mo idol mo?”

“si Denny, HaveYouSeenThisGirl”

“ahh yun din may gawa nung pinag-uusapan nyo ngayon”

“ahh hindi si Alyloony ang may gawa nito”

Pero that time nalilito padin ako kay Denny (haveyouseenthisgirl) at kay Alyloony

Hindi ko talaga alam

“nabasa mo na ba ?yung pinasa ko sayo?”

Ngumiti lang ako at

“hehe hindi pa hehe”

Tapos pinaliwanag nila sa akin yung mga yun

Tapos pinilit nila ako na magbasa

Pinabasa sa akin nung isa kong board mate yung MY PRINCE mas nauna ko pang basahin kesa dun sa DIARY ng Panget/Diary ni eya na unang pinasa sa akin

Sobrang na adik ako ng bongga sa pagbabasa ng Ebook nun halos hindi ko na bitawan ang phone ko kahit nakacharge hawak hawak ko ayaw kong tigilan kawawang phone

At tama nga sila ang sayang magbasa ng Ebook

Natapos ko ang My Prince tuwang tuwa ako nun

Nasundan pa ng iba pang story ang mga nabasa ko pero still hindi ko pa din nababasa ang Diary ng panget/Diary ni eya, nasimulan ko na naman pero hindi ko kasi matapos tapos dahil may mga bago silang pinapasa na maganda daw tingnan ko daw at dahil nga  naniniwala na ako sa kanila sinunod ko kaya nawala na sa isip ko na inuumpisahan ko na nga pala nun ang Diary ng panget sobrang konti pa lang ang nababasa ko nun dun eh tapos hindi ko na naman naituloy

Hanggang naubos at natapos ko na lahat ng mga pinasa nila

Baksyon na nun  wala na akong mabasa at iisa na lang ang natitira

ANG DIARY NG PANGET /DIARY NI EYA

Sinubukan ko

At  katulad ng iba sobrang naadik ako

Putol putol pa ang pagkakapasa nila nun sa akin pero sobrang saya ko dahil kumpleto naman daw yun

Again tama nga sila lalo na yung isa kong board mate na unang nagpasa nito sa akin

Ang ganda SOBRA gustong gusto ko

At nung matapos ko

Ang reaction ko: ayaw kong bitawan ang phone ko GUSTOko pa ,GUSTONG GUSTO  ko pa ng story ni Eya at Cross waaaaaahhhh ayaw ko pang matapos T^T T_T T^T

Pero ganon talaga tinanggap ko din naman na tapos na nga talaga

Nagpasukan at may mga nabasa naman akong bago pero kadamihan ay kay ate Denny padin(makiki ate po n_n)

Nung una trinay ko mag wattpad sa phone yung libre?(haha)hanggang sa wattpad na ako nagbababad at hindi na Ebook  sobrang dami kong nabasa nun hanggang naisipan kong mag gawa na ng account sa wattpad kaya yun

Naging fan ako ni ate Denny at madami pang iba ,ang dami kong naging Idol sa wattpad at sobrang natuwa ako sa kanila sobrang bait nya lalong lalo na si ate HAPCHER(basahin nyo din po mga works nya madami kayong matututunan sa kanya,at be her fan sigurado ako hahangaan nyo din sya)

Pero unfortunately hindi ko nakakausap kahit sa mga comments si ate Denny ,medyo nalungkot ako kasi nagkwekwentuhan ang mga boardmates ko na nakakacommunicate daw nila si ate Denny dati

 nalungkot ako that time ,buti pa sila idol na idol ko na din kasi sya nun eh

At dumating yung time na may pinag uusapan na naman ang mga board mates ko ang

SHE DIED

“Girl sobrang ganda talaga nun “

“Tapos na ba yun?”-ako

“Hindi pa busy kasi si Denny nasa Italy ata sya ngayon eh kaya hindi nya pa siguro masyadong maiUpdate yun pero grabe ang ganda basahin mo”

Naririrnig at nababasa ko na, na ang dami talaga nagagandahan sa SHE DIED nung mga time nay un pero

Naiisip ko na saka ko nalang siguro babasahin pagtapos na at dumating nga ang time na ininform nila ako na tapos na nga daw at katulad ng plano inumpisahan ko na nga at

 Sobrang nagustuhan ko ,tuwang tuwa ako kay Eris at kay Eros Favorite ko na silang characters at nung binasa ko na nga yung story

Huhuhu sobrang pinaiyak ako nung story na yun pinilit ko talagang matapos agad yun inabot na ako ng madaling araw pagbabasa nun ,opo madaling araw ,hindi ako nakaramdam ng kahit konting antok nun ,tulog na ang lahat ng mga kasama ko pero gising pa din ako

Naiyak ako nun habang binabasa ko yun  at kung may nakakita siguro sakin nung time nay un baka akalain nila nababaliw na ako

At dahil dun kung dati Idol na Idol ko si ate Denny ngayon IDOL na IDOL na IDOL ko na sya

Madami syang lesson sa story nayun , hindi basta bastang story

Galling na galling talaga ako kay ate Denny iniisip ko pa nga saan nya kaya nakukuha yung mga ganong Idea sobrang nakakamangha

At alam ko hindi lang ako ang nagagalingan sa kanya SOBRANG dami ang nagagalingan sa kanya

Lahat ata ng friends, idol at kung sino sino pa ang nabibisita kong profile laging fan sila ni HaveYouSeenThisGirl

Nakaka inspire talaga sya sa lahat ng writer dito sa wattpad ,alam kong inspiration sya ng madami dahil sa mga gawa nya

HaveYouSeenThisGirl?

Opo ,oo nakita ko si ate Denny

Nakita ko sya sa mga story na ginawa nya

Hindi ko man po sya kilala personally pero feeling ko kilala ko sya dahil sa mga sinulat nya

Kilala ko sya na isang magaling na writer

Nakita ko sya sa bawat story na ishinashare nya

Ewan pero feeling ko nakikilala ko sya

Kahit sa mga simpleng A/N nya feeling ko nakikilala ko sya at lalo ko syang ina idolize ,lalo nya akong nagiging FAN

Lalo nya akong naging FAN dahil:

Una:  ang galling nya sobra to the nth power ,ang ganda ng mga gawa nya

Pangalawa:feeling ko sobrang bait nya,humble, ,makikita yun sa pag entertain nya sa mga fans nya(hehe opo lam ko yun kahit di ko pa nararanasan)maging sa mga A/N nya feeling ko din sobrang masahahin nyang tao at parang ang bubbly nyang tao

Pangatlo: madaming lesson ang nakukuha sa mga story nya halimbawa na lang ang I Met a Jerk Whose name is Seven,dun pinakita nya ang reality na ganon talaga ang buhay hindi laging happy ending at totoo nga naman .

Pang-apat:sobrang open sya sa mga pagkakamali nya ,mababasa yun dun sa mga advices and tips na ginawa nya

Panglima: kung ano ang disisyon nya sa story nya yun talaga ang mangyayari at hindi sya padadala sa kung ano ang gusto ng mga fans at readers, may paninindigan

Madami pang dahilan pero parang OA na kung iisa isahin ko pa (hehe(n_n) ) at aabutin ng bukas to

Ginawa ko to dahil sa sobrang tuwa,saya at inspiration na binibigay ni Ate Denny sa every story nya na nabasa ko

madaming nagyari at hindi ko na matandaan kung ano nga ba ang sunod sunod basta ganyan yun 

Again alam kong busy sya ng sobra at hindi ko na naiisip na mababasa nya pa to (pero syempre gusto ko din mabasa nya to kapag siguro may time na sya J n_n

Madami na siguro ang gumawa ng ganito sa kanya kaya ang isang to ay alam kong isang ordinaryong sulat ng isang FAN kay ate Denny pero para sa akin sobrang iba to sa lahat dahil ito ang gawa ko na pinapakita kung paano at ano ang naging epekto ni ate Denny sa akin, sa pagsususlat ko at sa pagbabasa ko (n_n) .

Alam ko kayo din

Kayo anong mga naging epekto nya sayo?

Sana patuloy lang sya sa pagsususlat nya dahil alam ko madaming katulad ko ang naiinspire nya sa bawat lesson na nakukuha sa mga story nya kahit alam ko na sobrang busy nya at inaagaw nya lang ang time ng pagsususlat (n_n)

Sobrang dami ko pang gustong sabihin at ishare tungkol sa paghanga ko kay ate Denny but I guess hanggang dito nalang muna

THANK YOU NG MADAMING BESES ATE DENNY (HAVEYOUSEENTHISGIRL) (n_n)

Continue Reading

You'll Also Like

62.5K 108 12
❌️ MATURE CONTENT ❌️ | one-shot | smut | mature | | bxg | g×g | bxb | random | People and their desires. Wildness. Secret. Lust. What does it take...
7.9M 479K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
10.4M 565K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
1.7M 71.3K 46
"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I kept on saying that I love him but I wa...