Pinacancel ni Coach Steve ang substitution matapos tumanggi ni Bernard na magpapalit, meron nang apat na fouls si Bernard, isang foul na lang ay tapos na ang kanyang paglalaro.
"Kahit mafouled out ako dito sa game na ito, basta makuha namin ang panalo" hindi parin nauubusan ng pag asa si Bernard, hindi siya nagpapalit dahil ayaw niyang matapos ng maaga ang kanyang paglalaro sa college, meron pang natitirang pito at kalahating minuto sa kanyang college career.
"Mahusay ka Bernard, yan ang gusto ko sayo, palaban ka" –Coach Steve
"Two shots from Rodney Isaac Miller" pumuwesto na si Rodney sa freethrow line para sa dalawang freethrow.
"Kapag pumasok ang freethrows ni Rodney, dalawa na ang lamang ng San Agustin, saka foul trouble pa si Bernard" –Nessan
Pumasok ang isang freethrow ni Rodney, lumakas ang cheer ng crowd.
"One throw" habang hawak ni Rodney ang bola, may naisip siyang paraan, napatingin siya bigla sa mga players na nasa paligid.
"Kapag pumasok ito, two points na lang ang lamang nila" itinira ni Rodney ang huling freethrow, agad na nagbox out ang mga nasa ilalim para sa rebound in case na magmintis ang freethrow ni Rodney.
"Rodney missed the freethrow"
"Rebound!" –Rodney
Naglaban sa rebound si Ian Garcia at si Shabazz, tumulong narin si Rodney pero natapik lang niya ang bola.
"Ako kukuha niyan!" nakuha ni Rodney ang rebound. "Millers gets the rebound!"
"Nice rebound Rodney!" –Nessan
Ipinasa ni Rodney ang bola kay Ian na libre sa three point line.
"Miller to Solitario, Solitario hits a three pointer!"
"Pumasok ka!" –Nessan
"BANGGGGGGG!!! Tie game!!" lumakas ang sigawan sa loob ng arena, sa unang pagkakataon ay naitabla ng Shiozuka ang laro.
"Nice one!!" naghighfive si Rodney at Ian.
"Time out San Agustin Golden Tigers!" dahil sa tres ni Ian ay napilitang magtimeout si Coach Steve.
"Wooooo!! Ian!! Ian!! Ian!!! Ang galing mo talaga master!!" sigawan ng mga classmates ni Ian habang itinataas nila ang tarpaulin na may picture ni Ian at mga signage na may nakalagay na pangalan niya.
"Tie game na, may chance na talaga silang manalo Ekaii" –Nessan
"Oo nga Ness, kaso may 7 minutes pang natitira" –Erica
7:15 minutes
4th Quarter
Shiozuka Jaguars- 75
San Agustin Golden Tigers- 75
"Nakatabla na tayo, huwag tayong magsasayang ng panahon, may natitira pang 7 minutes" –Robin
"Coach Kyle" nagsalita si Rodney. "Hayaan niyo akong gumawa ng puntos sa game na ito"
"Rodney?" –Coach Kyle
"Kapag hindi ko kinaya, ipapasa ko sa inyo, lalo na sayo Ian, hindi ka na madedepensahan ni Bernard, kapag nafoul siya, matatanggal na siya sa laro" –Rodney
Tumayo si Coach Kyle. "Inagawan mo ako dun ahh, sige"
"Tara team, pitong minuto pa, huwag na natin silang papascorin" –Robin
"Tara!"
Nagpunta na sila sa court, tinawag ni Coach Kyle si Rodney.
"Po?" –Rodney
"Ikaw na ang bahala, malaki ang tiwala ko sayo" –Coach Kyle
"Thank you coach" –Rodney
"Bernard dribbling the ball, he's against Solitario" nasa San Agustin ang bola at gusto nilang ibalik ang kanilang kalamangan, pero pagdating sa depensa ay mawawala ang kumpiyansa ni Bernard.
"Bernard pass to Prince" nagmadali siya sa ball movement, upang masira ang zone defense ng Shiozuka ay pinapaikot nila ang bola. "Prince to Romero, San Agustin looking to move the ball"
"Romero to Santilian, he shoots" nakatalon na si Ian para pigilan si Bernard pero nagfake lamang siya at itinira ang bola, at nawalan ng balance si Ian kaya natamaan niya si Bernard at napituhan siya ng referee ng foul after ng release ni Bernard.
"Foul" at biglang "Basket counted, Bernard Santilian with a chance for a four point play!! What a shot by the 4x MVP" habang nakahiga ay bumangon siya at nagbilang ng apat sa daliri niya, nagyayabang na 4 point play ito.
"Nice pre" –Boogy
"Akala ko maooffensive foul ka pa sa ginawa mo, pinakaba mo kami" –Steven
"4 point play? May ganun ba Nessan?" –Lorraine
"Kapag nafoul ang isang player sa 3 point area at pumasok ang three pointer niya, may bonus freethrow pa, parang and one play rin siya" –Nessan
"Ahhhhh, edi baka maging apat pa ang lamang ng San Agustin?" –Lorraine
"Ganun na nga" –Nessan
"Pasensya na" apologize ni Ian sa mga teammates niya.
"Ayos lang" inapiran na lang ni Rodney si Ian. "Ang tindi talaga niya, kahit foul trouble na siya, nagagawa pa niya yun, parang hindi talaga siya kinakabahan".
"Santilian on the free throw line" nasa linya si Bernard at itinira ang bonus freethrow, pumasok ito at bumalik sa apat ang lamang.
"Heh, pinalasap na nga kayo ng tabla, gusto niyo pang lumamang" –Bernard
"MVP!! MVP!! MVP!!" chant ng mga fans ni Bernard at ng San Agustin Community, nakita nila na kahit foul trouble na si Bernard ay hindi parin siya susuko.
"Defense! Defense! Defense!!"
"Sige Bernard dumepensa ka" pinilit na lumapit ni Ian kay Bernard para makapagpasabit ito nang makakuha siya ng foul.
"Solitario pass to Miller" nasa labas si Rodney at tumakbo si Robin para kunin ang bola "Gelvero, Miller with the screen" tumakbo si Rodney at ipinasa ni Robin ang bola.
"Miller drives over Romero, its good, San Agustin are now up by 2 points, what a performance by Rodney Isaac Miller this 4th quarter"
"Waaaaaah!!! 2 points na lang" –Nessan
"Depensa! Pigilan niyo si Bernard!" –Coach Kyle
"Defense! Defense! Defense!" sigaw ng mga fans ng Shiozuka.
"Santilian doubled team by Solitario and San Jose, he pass it to Prince, Prince looking to shoot the ball" maganda ang depensa ng Shiozuka, after pumasok ni Bernard ay tatlo kaagad ang mag aabang sa kanya.
"Prince to Romero, shoots over Miller" pagtira ni Boogy ay sumablay ang tira nito pero naunahan agad sila ni Bernard sa rebound. "Short, Bernard with the offensive rebound, and he scores again"
"4 points nanaman" –Rodney
"Bernard Santilian's got 29 points in the game, what a performance for the 4 time MVP"
Limang minuto na lang ang natitira, at lamang parin ang San Agustin ng apat na puntos, sa mga ilang mga minuto ay nagpapalitan lang ng puntos ang magkabilang koponan. Patuloy ang scoring ng Shiozuka, salamat kay Robin at Rodney, pero kahit foul trouble na ay wala paring katakot takot si Bernard sa paggawa ng puntos at sa pagdepensa.
"Bernard for three! Its good, 32 points in the game para kay Bernard Santilian"
"Miller drives over Garcia, scoop layup, counted and a foul!"
"Gelvero lays it up, saying goodbye!"
Pagtungtong ng 2:30 minuto, hindi parin nakakahabol ang Shiozuka.
"Time out Shiozuka"
Ang ingay ng crowd ay biglang nawala dahil naghari ang katahimikan sa buong arena, hindi naman sobrang tahimik pero rinig mo ang usapan ng mga tao tungkol sa game.
2:30 minutes
4th Quarter
Shiozuka Jaguars- 85
San Agustin Golden Tigers- 88
SHIOZUKA BENCH
"Kah kah kah" pagod na rin ang mga players, ngayon lang nila naexperience ang matinding pagod, lalo na't championship ang nilalaro nila.
"Ang hirap habulin ng score" –Robin
"Hindi man lang tayo makalamang" –Shabazz
Sa kabilang banda naman
"Ang hirap nilang kalaban, ibang iba talaga sila sa Jousei" sagot ni Bernard habang hawak niya ang kanyang mga tuhod dahil sa pagod.
"Grabe, mas matibay sila kumpara sa last year" –Prince
"3 points pa, may 2 and a half minutes pa" –Nessan
"Dalawang minuto na lang team, tapusin niyo na, naghihintay na ang San Agustin Community sa pag uwi ng kampeonato!" –Coach Steve
"TIGERS ON 3, 1...2....3...TIGERS!!!" kasabay ng pagsigaw ng mga players ay tuloy rin ang suporta ng mga estudyante ng San Agustin.
"VIVA!! VIVA!! VIVA SAN AGUSTIN!!!"
"Shiozuka papatalo ba tayo sa kanila?" sigaw ng isang estudyante ng Shiozuka, gusto lang nilang talunin ang crowd ng San Agustin sa pagccheer.
"Dalawa't kalahating minuto na lang, kailangan nating makapuntos" –Robin
"Game!" bumalik na sa laro ang lima.
Habang papalapit na ay naalala bigla ni Rodney ang pressure mula sa kanyang katawan, muling bumabalik sa kanya ang nangyari nung high school nang naglalaro sila para sa championship.
"Hindi ako dapat kabahan, ayoko nang mangyari ito" naalala rin niya ang sinabi sa kanya ni Nessan, tungkol sa pagtupad ng kanyang mga pangarap.
FLASHBACK
"Hoy teka, hindi kita basta basta papatawarin, may kapalit" wala nang libre sa ngayon, ano siya hilo na basta basta ko siya papatawarin?
"Ano yun? Gagawin ko para sayo" –Rodney
"Rodney, ipush mo ang mga pangarap mo. Alam ko kaya ka nandito sa Shiozuka dahil may pinapangarap ka, sabi ni Argelle na pangarap mo talagang magchampion since high school at hindi ka pumunta sa Shiozuka para kalimutan siya. Alam kong may purpose ka kaya please... Bumalik ka na sa basketball team, subukan mong kunin ang championship na pinapangarap mo nung high school"
Binitawan ni Rodney ang pagkakahawak niya sa kamay ko "I can't promise, let me decide muna"
"Kung ganon, hindi pa kita pinapatawad"
END OF FLASHBACK
Dalawa at kalahating minuto lang ang kailangan ni Rodney para sa kampeonatong pinapangarap niya, gagawin niya ito hindi lang sa kanya kundi sa lahat ng tao.
TO BE CONTINUED
END OF CHAPTER 80
LAST 10 CHAPTERS NA LANG GUYS, STAY TUNED FOR MORE UPDATES
PLEASE VOTE FOR MY STORY IF NAGUSTUHAN NIYO
THANKS!! :)