Chapter 8 - Coleen
Abby??
"Hanna!" Nagulat ako ng mapatayo si Ranz, at medyo napalakas ang sigaw niya.
"A-ahh.. Ranz? Ba-Bakit?" Tanong naman nung Hanna. Naguluhan na din ako, ako ang girlfriend niya at wala ng iba.
"Babe, umupo ka na lang." Pagpapahinahon ko sa kanya, hinawakan ko siya sa braso niya at tumigin lang siya sakin.
"What?? Babe!? But, I thought-" pinutol naman kaagad ni Ranz ang sasabihin noong Hanna.
"Teka lang Babe ha." He looks at me worriedly."Babe, wait. Hintayin mo na lang ako dito." Seryoso ang mukha ni Ranz nun. Pero umiling ako, ayoko kasi ng may tinatago man siya sakin.
"Gusto kong marinig, ano ba yun Babe??" Tumayo na din ako, nakita ko yung Hanna na tila parang alam na yung nangyayari.
*Coffee Shop* - Ranz
"Uhm, Ano. Sino ka nga pala? I think bago lang kita nakita." Sabi ni Hanna kay Coleen, may halo pang arte yung pagsasalita niya kaya lalo akong nainis.
Si Hanna, ang isa sa friends ni Abby bago siya umalis papuntang America. Minahal ko naman din siya, pero umalis siya ng di nagpapaalam. Girlfriend bang maituturing yun? Para sakin hindi.
Break na kami ni Abby.
Si Abby Castro ang first girlfriend ko. Wala akong nagawa nung umalis siya bigla. Kaya ako, nakamove-on nako sa kanya. No feelings, not friends nor lovers.
"Coleen yung name ko." Mahinahon na sagot niya.
Ayaw ko rin namang maglihim pa kay Coleen, nakaraan na yun at okay lang naman siguro na malaman niya.
"Ahh, yung sinasabi kong Abby girlfriend niya. Ikaw? Kaano ano ka niya??"
That was a stupid question Hanna! Hindi pa ba halata na sya na ang girlfriend ko?
"Im Sorry??" Mahinang tanong ni Coleen.
"Babe.." Tawag ko kay Coleen, hinawakan ko ang isa niyang kamay na nakapatong sa table na kinakainan namin.
"Im sorry Hanna. Si Coleen, siya na yung girlfriend ko." Sabi ko na lang ng marahan.
"Oh, I see. Pabalik na nga pala si Abby. Yung EX-GIRLFRIEND mo right?" At halos idiin na niya yung pagkakasabi ng ex-girlfriend.
"Okay, I don't care. So please excuse us.." mahinahong sabi ko. Nagsmirk si Hanna, at kumaway lang sya pagkatapos.. Hindi ko alam kung ano yung tumtakbo sa isip ni Coleen ngayon.
"Ranz, kung iniisip mo na magagalit ako. Hindi. You did the right thing, sino nga ba naman akong girlfriend mo, ni hindi nga maipakilala sa Papa ko." kahit ako nalungkot sa sinabi niya. Okay lang naman talaga sakin na hindi pa kami legal sa Papa nya.
"Babe, Im Sorry." Yun na lang ang nasabi ko.
Narinig ko ang paghikbi niya. Sensitive nga pala siyang tao. Madali siyang umiyak lalong lalo na sa salita.
"Don't Say Sorry Babe. Naiintindihan ko naman eh, Alam ko. Mahal mo ko di ba?" Natigilan ako sa sinabi niyang yun..
Bakit parang ang hirap sabihin? Pero kapag totoong bagay madali lang..
Mahal ko siya...
"Yes, I love you." At nakita ko na naman ang ngiti niya. Sana ganun na lang siya palagi.
*Posadas Residence* - Oliver
Ayos ah! May bago kaming matitripan nito! Makapagvideo nga. Ipinatong ko sa table ko ang digital camera at itinapat sa kama ko. Umupo naman ako sa kama ko pagkatapos.
Ayoss! Sakto!
"Ehem, Hi! Ako nga pala si Oliver! You can call me Babe! Yay!"
Hahaha, mukhang timang lang. Try ko munang panuorin kung maganda.
'Ehem, Hi! Ako nga pala si Oliver! You can call me Babe! Yay!'
"Ayos to ah! Ang linaw!" Nailakas ko ata pagkakasabi ko. Bigla kasing sumilip sa kwarto yung tatlo.
"What??" Sabay tago ko nung camera. Itinaas ko pa yung kamay ko, na para bang sumusuko. Baka kasi pagtawanan ako dahil digicam lang pala pinaglalaruan ko.
"Ang ingay mo naman bro, may ginagawa akong assignment eh." Napakamot ng ulo si Kuya Owy.
"bad kuya, bad kuya.." Ganun din si Onin.
"Anak, itulog mo na lang yan." Sabi naman ni Mama.
Halaaa~ Ireklamo bas akin ang lahat.
"Opo, sige na po! Godnight. Byee." Sabay dahan dahan isinarado ko ang pinto ko.
Naisip ko na lang na sa veranda na lang ako mag-video. Para wala na ring umistorbo sakin. Habang kung ano –ano namang viniivideo ko eh biglang sumagi sa isip ko si Coleen. Kumusta kaya sila ni Ranz, mabait kaya si Ranz sa kanya?
Napabuntong hininga na lang ako, dahil alam ko namang never kong masasabi kay Coleen ang nararamandaman ko para sa kanya.
Napatingin ako sa camera na ipinataong ko sa lamesa ko sa veranda. Kinuha ko yun at nakaisip din ako ng paraan para masabi yung nararamdaman ko. Kahit na walang nakakaalam. Kahit na ako lang, gusto kong ilabas kung ano man yung nararamdaman ko ngayon.
Pinindot ko na ang record button bago ko pa itapat sa mukha ko, buti na lang walang maingay at gabi na para may mag-ingay pa.
"Hello, I'm Oli. May gusto akong isang tao, kaso.......may iba na siyang gusto. Ay hindi, mahal pala. So, wala nakong pag-asa maging malapit pa sa kanya. Aasa na lang ako. Noong una ko palang sya makita, the day I saw what happened to her Mom. Hindi na sya maalis sa isip ko, minahal ko na sya ng di ko alam. Ganun daw yun eh, kapag nagmamahal ka ng isang tao. Hindi mo daw alam ang dahlian, ang tanging alam ko lang. Ikaw na talaga. Sana ikaw na lang talaga. Coleen. I love you."
Dahil wala na naman akong masabi ay pinindot ko na ulit ang digicam para magsave ang video ko.
Kung pwede ko lang iupload sa youtube, tapos parang sulat na aabot sa kanya yung video ko at malalaman nya kung anong nararamdaman ko. Sinave as private ko na lang din dahil ako lang naman ang gagamit nitong camera. Wala na sigurong makakakita pa.
"Hoy! Ano yan ha!?" tumingin ako sa paligid at nakita ko si Alexia sa kabilang veranda. "Si Alexia to! Tulog na si Owy ko?"
Narinig kaya niya???
"Ha...ah..oo tulog na." Sabi ko na lang ng matahimik na siya.
"Eh sino yun??yung.." nakita ko ang pagdadalawang-isip sa mukha nya.
"WALA!" mariing sagot ko.
NARINIG NIYA!??
FAIL KA LANCE! Paprivate private ka pa diyang nalalaman!
"Tange! Sino yang nasa kabila?!" Whaat?? Napabuntong hininga ako sa sinabi niyang yun.
"Oli.."Si Kuya Owy nasa kabilang veranda.
"Ku-kuya? Oh, Hahah! Sige Bbye! Goodnight Alexia and Owy!" Sabay pasok ko sa kwarto ko.
*SAINT MARIA HIGHSCHOOL (Exclusively for Girls)* - Coleen
"Coleen!" Tawag sakin ni Chi, kakapasok ko palang ng room namin nun.
"Bakit??" Tanong ko naman sabay lapag ng gamit ko sa desk ko.
"Lilipat nakong MountWest!" Halos kumikinang ata mata ni Chi nung sinabi niya yun.
"Iiwan mo na ko?Tapos masaya ka pa talaga ha?" Nagkunwari pa akong malungkot.
Lilipat na si Chi.Eh siya ang bestfriend ko dito since first year.
"Eee.To naman oh, kinunsensya pa ko, dun nag-aaral yung pinsan kong si Alexia, kaya may makakausap naman ako." Nakangiti niyang sabi.
"Eh di ikaw na.." patampo kong sagot sabay tungo ko sa desk ko.
Naaalala ko na naman tuloy nung Linggo, halos mamugto yung mata ko. Inihatid na lang ako ni Ranz samin, pagdating ko naman wala pa din si Papa.
"Coleen naman eh. Gusto ko ring makaranas magkaroon ng kaklaseng lalaki. Kasi naman simula nun grade5 ako, puro na lang girls. Nakakasawa na, paano na tayo sa business world makikipag-usap sa lalaki kung hindi natin alam kung ano at paano sila makibagay."
Bakit parang ang haba lagi ng litanya nito.
"Oo na po, kung kelan naman September na tsaka lilipat. Di pa tinapos yung October, November, December, January, February, March at April." Sabi ko habang binibilang ko sa sarili ko yung buwan na mawawala siya.
Nalungkot naman siya sa sinabi kong yun.
Ang sama mong kaibigan Coleen, just respect her decision okay?
"Eto naman si Chi! Joke lang! Goodluck sayo dun!" Tumayo ako at kinuha ko yung kamay niya para mag-apir kami.
"Ikaw din! Sure ako, na valedictorian ka dito! Ikaw na talaga! Papanoorin kita pag nangyari yun ha?" Sabi niya. Sabay apir naman namin.
"Thank you.." Iyon na lang ang nasabi ko, kahit ang totoo nalulungkot ako.
*Dance studio* - Owy
"Tadaaa!!!" Nagulat na lang kami ng pumasok bigla sa dance studio si Alexia.
"ALEXIA! OH? Hahaha, aga ng panliligaw kay Owy! Hahaha!" Sabay apir ni Ully kay Biboy. May dala si Alexia na 2 boxes of Pizza, pag ka nga naman OnlyChild oh, spoiled na spoiled ng Mommy at Daddy niya.
"Tseee." Nakasimangot na sagot ni Alexia kay Ully. "At dahil inasar niyo ko, si Owy lang ang merong pizza!" at nakita ko naman ang mga nakakatuwang reaksyon nila.
"Teka teka, bakit ako wala!?" Tanong ni Oli. "Eh hindi naman kita inasar eh.Ang daya mo Kuya Owy" Dagdag pa ni Oli.
"Ayokoo nga! Kay Owy lang to!"
"Teka teka, Alexia naman. Di ko yan mauubos ikaw talaga. Bibigyan ko sila, okay lang??" Tumayo naman ako at inakbayan ko siya, ang kulit talaga ni Alexia.
"Sige na nga!"
"TEKA!! OY!! DAYA!" At ayun nag agawan yung tatlo. Napakamot na lang ako sa ulo ng dahil sa kanila.
"San na nga ba si Ranz??" Kanya kanya pang subo nila ng pizza sa bibig, at pare pareho pang nakatingin sakin.
"Nandito nako." Inalis ko muna ang pagkakaakbay ko kay Alexia at humarap kay Ranz.
"Si Cav nasan yun?" sabi ni Ranz pagkatapos ay ibinato na lang ng mahina yung gamit niya sa sulok.
"Wala eh, may kakausaping mahalaga.Tsaka na lang daw ulit magpapractice." Sabi ni Ully, sabay subo nung natira pa niyang Pizza.
"Magstart na lang tayo, Okay lang ba? Kung magtatanong kayo next time na."
*Still at Dance Studio* - Ully
Nagkatinginan na lang kami ni Biboy nung sinabi ni Ranz yun.
Isinalang niya yung Strip by Chris Brown, ilang days pa lang din naming napapractice yun. Nung natapos na, at anim na beses ata naming inulit at dinagdagan, kinuha niya yung bag niya at aalis na ata kaagad.
"Galing mo Owy." Sabi ni Alexia na tumatalon talon pa.
Ngumiti lang si Owy sa kanya, grabe yung babaeng yun. Patay na patay kay Owy.
"WAIT!" Sabay sigaw ni Oli, papalabas na kasi si Ranz nun.
"Bakit?" Mahinanong tanong naman ni Ranz, medyo humarap pa siya ng konti samin.
"Ano, Ranz. May GT tayo sa Saturday, after practice natin. Tsaka, so-sorry..Ulit." Nagtanguan kami ni Biboy at Owy sa sinabi niya.
"Sige." Napangiti nalang kaming apat sa sagot ni Ranz nun. Lumapit din kaming tatlo kay Ranz.
"Sorry Ranz, hindi na yun mauulit." Sabi ni Biboy na katabi ko.
"Oo nga Ranz, Sorry." Sabi ko.
"Oh pano? Okay na ba tayo? Wala man dito si Cav, but I'm sure that he was sorry." Sabi ni Owy at tinapik nya si Ranz sa braso.
Ngumiti si Ranz at tumango sa amin.
"Sige, Ingat kayo pag-uwi may lakad pa ako eh.." pagpapaalam ni Ranz sa amin.
Feeling ko, magiging okay na ang lahat.