SEASONS of LOVE 1 The Series...

Von quosmelito

30.6K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... Mehr

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 15 - Date
Episode 16 - What Happened?
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 20 - Giggles

1K 55 7
Von quosmelito

*Haru*

•••

"And she used to call me 'totoy.'" Sinundan niya iyon ng maikling tawa habang nakatingin sa malayo.

Gaya niya ay inilawit ko ang mga paa ko sa gilid ng tulay habang magkatabi kaming nakaupo roon.

Ngumiti ako at tumanaw sa malawak na lupain. Hindi ko kayang makita ang pamamaga ng mga mata niya na tila anumang oras ay muli na namang may tatakas na luha mula roon dahil parang may sumasakal sa akin.

"Hanga ako sa Mama mo. Parang si Mama rin siya. Gagawin ang lahat para sa kapakanan ng anak kahit nag-iisa na lang siya. Mabuti siyang magulang."

"Yeah. She was. She did everything she could to provide my needs. And I never got the chance to give everything back to her. I just.. how I wish she never had to go."

Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay naninikip ang lalamunan ko sa muling pagkabasag ng boses niya.

Nilingon ko siya at tinapik sa likod.

"Kung nasaan man ang Mama mo ngayon, siguradong proud siya sayo. Sa achievements mo. Kasi, iyon naman ang gusto ng mga magulang para sa mga anak nila. 'Yon bang, makita 'yong mga anak nila na matagumpay. Kaya siguradong panatag na ang Mama mo."

Tumango lang siya at hindi sumagot. Muli siyang tumanaw sa malayo na may mapait na ngiti sa mga labi. Ngayon ko lang nasaksihan ang bahaging ito ng pagkatao niya.

And somehow, masaya ako na ako ang napili niyang makakita niyon.

"Nalulungkot lang ako na kinailangan niyang mawala sa buhay ko."

Tumango ako. "Hindi naman iyon maiiwasan. Okay lang na malungkot paminsan minsan. Ang magdalamhati. Pero, sana..." Tumingin ako sa langit upang isipin kung itutuloy ko pa ang sasabihin ko. Ayaw kong manghimasok pero ayaw ko ring malugmok siya sa panghabangbuhay na kalungkutan. "Sana, huwag mong isara ang puso mo sa mga taong gustong pumasok." Nilingon ko siya at nginitian. "Masyadong maikli ang buhay para palagpasin mo lang ang pagkakataong maging masaya ulit."

Sa ilang saglit ay nakatingin lang siya sa akin na para bang iniisa isa ang mga salitang sinabi ko bago siya ngumiti at bumuntonghininga.

"I wish it was that easy."

Hindi ako sumagot at hinayaan siyang magpatuloy.

"But when the ones you love leave you, it will be really hard to start anew."

Muli akong tumango at ibinigay sa kanya ang pagkakataong sabihin ang lahat ng nasa loob niya. Kung hindi man lahat, ay iyong mga bagay na matagal na niyang dinadala sa dibdib niya.

"Just like Summer." Pabulong na usal niya.

Tumikhim siya at humugot nang malalim na hininga.

"He was a very sweet kid. Kind. Pure. Innocent. And just like his name, he could light up even the gloomiest of days.

"He was full of life."

Yumuko siya at pasimpleng itinago ang pagpatak ng isang butil ng luha.

"Malinaw pa sa alaala ko ang unang beses na nagkakilala kami. We were still kids back then. Akala ko mahiyain siya. But one day he knocked on my door and asked me to play with him." Muli siyang tumikhim na tila inaalis ang namumuong bara sa kanyang lalamunan na sinundan niya ng pagkurap ng mga mata. "Bungi pa siya noon. But it only made him even more adorable." Ngumiti siya at tumingin sa kawalan na tila nakikita niya ang nakaraan.

Kung sino man si Summer sa buhay niya ay tiyak na may malaking parte siyang inokupa sa puso ni Rain.

At hindi ko maiwasang makaramdam ng pinong kurot sa puso ko. Siguradong espesyal siya kay Rain.

Napakaswerte niya.

"We grew up together. Magkasama kami sa lahat ng pangyayari sa buhay ng isa't isa. Malungkot. Masaya. Lahat.

"I even thought to myself na hindi ko kailangan ng maraming kaibigan, dahil si Summer lang ay sapat na. Which he was. But then one day he had to go overseas para magpagamot.

"He left without even a single goodbye. And... he only came back just to leave me for good." Padabog niyang pinahid ang kanyang pisngi at nakangiting yumuko.

"He gave me this bracelet a day before he left." Itinihaya niya ang palad at tinitigan ang pulseras. "Regalo raw niya sa akin. I told him I got him nothing. Pero hindi siya nagreklamo. He said it was okay dahil binigyan ko naman siya ng kwintas noong birthday niya. That's how kind he was. He never asked for anything. Never.

"All he wanted was to go out and see the world. Play like a normal kid. Grow up like every stupid teenager. But...

"Bakit iyong mabubuting tao pa ang kinukuha ng Diyos?" Puno ng pait na tanong niya sa akin habang nangingilid ang mga luha.

Umiling ako kagat ang pang-ibabang labi at pilit na ngumiti. "Siguro, dahil mabubuti sila at ayaw ng Diyos na mabahiran pa ng kasamaan ang pagkatao nila. Siguro, dahil gusto na Niyang makasama sila."

"That's unfair. Paano naman iyong mga taong iniwan nila? What about those people that love them? God is so unfair."

Katahimikan.

Alam ko na ngayon ang pinanggagalingan niya. Ang pinagmumulan ng mga hinanakit niya. Kaya wala akong karapatang sawatahin ang pagdaramdam niya.

"Hindi kita masisisi o pagbabawalang tanungin ang Diyos. Kahit ako, kung minsan, maraming bakit na itinatanong sa Kanya. At hindi ko agad nakukuha ang sagot Niya.

"Pero lagi mong iisipin na lahat ng nangyayari ay mag dahilan. Hindi mo man malaman ngayon kung ano iyon, siguradong malalaman mo iyon pagdating ng tamang panahon. Kapag handa ka na. Kapag mas malakas ka na."

•••

"Sigurado ka? Ayaw mong.. maglibot gano'n? Para malibang ka."

"Yeah. Gusto ko munang mapag-isa."

Tumango ako. "Okay. Alis na 'ko."

Tumalikod na ako at akmang sasakay nang pigilan niya ako sa siko.

Nagtataka ko siyang nilingon.

"Thank you." Tila nahihiya niyang sabi.

Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya.

"'La 'yon. Sige. 'Wag kang mag-iinom ha?"

Bahagya siyang ngumiti at umiling. "You're gonna take care of me anyway. Right?"

Pabiro kong itinirik ang mga mata ko habang nakangiti. "Basta uupahan mo na ako next time." Sinundan ko iyon ng maigsing tawa na ikinangiti niya at nagpaalam na ako.

Kailangan niya ng oras na mag-isa at nirerespeto ko iyon. Ang hiling ko lang ay magbago na ang pananaw niya sa buhay. At magkaroon ng mas positibong pagtanggap sa mga bagay-bagay.

•••

*Rain*

I really meant it when I thanked Haru. Para bang may mabigat na bagay sa dibdib ko ang nawala na kahit paano ay nakapagpagaan ng kalooban ko.

Now I was afraid.

I was afraid that if I let him in he would just end up leaving me like the people that promised to stay.

Dahil kapag nangyari iyon, hindi ko na alam kung paano pang muling babangon.

I never thought I'd broken down like that in front of someone. I was always afraid that people might judge me when they'd see me cry.

But with Haru, I did not see any judgement in his eyes. I saw empathy. A genuine empathy. He was just listening to me without a hint of criticism.

And I was truly grateful.

I just needed someone to listen to me. And he was there to be that someone.

Now I didn't know what I felt for him.

I needed time. And I hope he was still by my side by the time I was ready to face my fears.

•••

*Haru*

Nang makauwi ako ay inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng bahay. Nilabhan ko rin ang kaunting maruruming damit at nagluto ng minatamisang kamote.

"Tao po!"

"Yuhoooo! Enibadi home?"

Napangiti ako nang may maliliit na boses na bumasag sa katahimikan ng bahay. Lalo na ang pakwelang pag-i-Inggles ni Jinn.

Mayamaya pa ay may dalawang maliliit na ulo ang sumilip sa pinto ng kusina.

"Oh. Magbihis na kayo para makapag-meryenda na tayo."

"Ano 'yan kuya?" Tanong ni Junno saka lumapit para usyosohin ang niluluto ko.

"Minatamisang kamote. Kumusta ang practice niyo? Hoy, Jinn. Puro--."

"Puro ako selpon selpon selpon. Wala na akong ginawa kundi mag-selpon selpon selpon. Wala na ba akong gustong gawin kundi mag-selpon selpon selpon?"

Sa ilang saglit ay tulala lang ako at hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa.

"At kailan ka pa natutong sumagot?" Kunwari ay pagalit kong sita sa kanya pero hindi ko rin naman napigilang mapangiti nang marinig ko ang mahinang pagtawa ni Junno.

"Kuya naman. Ngayon lang ako nag-selpown. Nag-practice kami. I need da relaxing."

"I need to relax." Pagtatama ko sa sinabi niya. "Oh sige na, mamaya itigil mo na 'yan. Masama sa mata ang masyadong matagal na nakababad sa cellphone."

"Aw-kay."

Napailing na lang ako nang maiwan akong mag-isa sa kusina.

Tama naman si Ichiro na magagamit nila ang cellphone sa pag-aaral. Dahil nakikita kong ginagamit nila iyon kapag may kailangan sila sa assignment. At hindi gaya ng inisip ko ay disiplinado sila sa paggamit niyon.

Masyado lang siguro akong praning na baka makaapekto iyon nang hindi maganda sa pag-aaral nila.

Nang makaluto ako ay nagtimpla ako ng juice at pinagsaluhan namin iyon habang nanonood ng anime.

"Kuya." Pukaw sa akin ni Junno.

"Hmm?"

"Parang gusto ko ng DVD player."

Nakataas ang kilay na nilingon ko siya. "Bakit?"

"Gusto ko lang makapanood ng anime na walang patalastas."

"Oo nga, Kuya!"

Nasundot ko ang tenga ko sa lakas ng boses ni Jinn. Masyadong mataas ang energy niya. Dahil siguro sa matamis na pagkain.

"Saka, ang ikli lang kapag sa TV nakakabitin." Patuloy niya.

"Oo, kuya. Saka may ipon na rin kami ni Jinn."

"Magkano?"

"Ahm. Konti pa lang." Kagat-labing sagot ni Junno.

Bihira lang siyang magrequest sa akin. At ginagawa lang niya iyon kapag gustong-gusto niya talaga ang isang bagay.

"Okay. Bibili tayo."

"Yes!"

"Pero, mas uunahin niyo pa rin ang pag-aaral, ha? Ayokong mahahati ang atensyon niyo. Kasi---."

"Ang edukasyon ay kayamanan na hindi mananakaw ng iba." Panabay nilang putol sa sasabihin ko.

Nakangiti kong ginulo ang kulot nilang buhok. "Good boys. Bukas pag-uwi ko. May dala na akong player."

"Thank you, Kuya."

"Tao po!"

Parang iisa kaming tao na sabay na napaangat ang ulo. Naunang sumilip si Jinn sa bintana para tingnan kung sino ang tumawag.

Hindi ko na kailangang sumilip dahil pamilyar ang boses na iyon. Nagtataka lang ako kung guni-guni ko lang ba iyon o hindi.

"Ethan boo!" Panabay na sigaw ng dalawa at dali-daling lumabas nang bahay. Sumunod ako sa kanila at gayon na lang ang tuwa ko nang makita kong nakayakap ang dalawa sa magkabilang braso ni Ethan.

"Evil kids. Na-miss niyo 'ko?"

"Opo. May pasalubong ka? Po?" Si Jinn ang sumagot.

"Hindi ko dala. Mamaya kukunin ko."

"Yehey!"

"Boo!"

Ngumiti ako nang mag-angat siya ng tingin.

"Lika na, Junno. Maglalabing-labing na naman 'yang mga 'yan."

Hindi ko na pinansin ang dalawa at lumapit kay Ethan.

"Bakit umuwi ka na? Hindi ba one year ang kontrata mo?"

"Ayaw mo ba? Hindi mo naman 'ata ako na-miss eh. Sige aalis na 'ko."

Natatawa ko siyang niyakap nang akma siyang tatalikod. "Ang arte. Syempre, na-miss kita."

"I've missed you, too. So much." Bulong niya habang nakayakap sa akin.

Nang mapansin kong tila wala siyang balak na bumitaw ay eksaherado akong tumikhim. May ilang dumadaan kasing nakatingin sa amin at tila nagtataka sa kung ano ang nangyayari.

"Tara sa loob. Tamang tama nagme-meryenda kami."

"Wow. Paborito ko 'yan ah." Aniya nang makapasok at makita ang meryendang niluto ko.

"Kumusta ka, boo?" Tanong ko nang makaupo kami.

"Ayos naman. Laging busy."

"Bakit ang aga mong nakauwi?"

"Bakasyon lang. One month. Sold out iyong ginawa naming artwork ng mentor ko. Eh inaaya akong magbakasyon sa Hawaii. Sabi ko uuwi na lang ako. Miss na miss ko na kasi ang kaibigan ko."

"Naks." Binunggo ko ang braso niya nang nakangiti.

"Totoo 'yon. Na-miss talaga kita." Mas sersyoso niyang sabi.

"Ako rin naman. Nagulat nga ako. Kaya pala hindi ka nagpaparamdam nitong mga nakakaraang araw."

"Syempre. Na-surprise ka ba?" Inakbayan niya ako habang tumataas taas ang dalawang kilay.

"Oo. Kala ko nakalimutan mo nang may kaibigan kang Hapon eh." Biro ko na sinundan niya ng tawa.

"Hindi 'no! Ikaw pa. Eh, mahal na mahal kita."

"Ayieeeeee."

"Bleh. I tingk I'm gonna trow uf."

"Aba! Saglit lang akong nawala, Ingglesero ka na, Jinn?" Namamanghang puna ni Ethan.

"Ab kors. Sumasakit ang ulo ko kapag kinakausap ako ni Kuya Ichigo."

"Ichigo? Sino 'yon?" Kunot-noong tanong ni Ethan.

"Ichiro 'yon." Sagot ko.

"Sino 'yon?"

"Kuya ni Kuya na kuya rin namin kasi kuya siya ng Kuya namin." Sagot naman ni Junno.

"Kuya mo? May kuya ka?" Tila naguguluhang baling sa akin ni Ethan.

"Oo, ganito 'yon." Sinimulan kong ikwento sa kanya ang lahat. Pati ang buhay pag-ibig nina Mama at Hiroshi, ang tatay ko.

"Ah."

"Hmm. Lumabas nga sila ngayon ni Mama. Nag-bonding." Pagtatapos ko sa kwento.

"Really? Hmm."

Sumilip si Jinn sa bintana nang may marinig kaming ugong ng sasakyan na huminto sa harap.

"Ayan na sila!"

Tumakbo na naman ang kambal palabas at sinalubong sina Mama at Ichiro.

"Kuya! Do you have something for us?"

Nagkatinginan kami ni Ethan sa diretsong pag-i-Inggles ni Junno.

"Of course. Did you behave at school?"

"Yes!"

"Ab kors!"

Bahagya akong natawa sa sagot ni Jinn. Hindi ko alam kung sinasadya niyang imali ang salita o sadyang may pagkakabisote lang siya sa English.

"Oh! Ethan, anak! Kailan ka dumating?" Bungad ni Mama nang makapasok sila ni Ichiro kasunod ang kambal na may bitbit na tig-isang paper bags at dumiretso sa kwarto.

"Mano po." Tumayo si Ethan at nagmano kay Mama. "Kagabi ho, Tita. Bakasyon lang po."

"Naku, nagmeryenda ka na ba? Haru, anak, ipaghanda mo ng makakain si Ethan."

"Tapos na, 'Ma." Nagmano rin ako kay Mama at ngumiti kay Ichiro na eksaheradong tumikhim.

"Would you introduce me to our visitor?" Nakangiting tanong niya sa akin pero kay Ethan nakatingin.

"Oh. Ah, oo. Kuya, si Ethan, bestfriend ko. Ethan si Ichiro, kuya ko."

"Hi, I'm Ichiro. A pleasure to meet you." Inilahad niya ang kamay na tinanggap naman ni Ethan.

"Ethan."

Ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin binibitawan ni Ichiro ang kamay ni Ethan. Hinila lang iyon ng kaibigan ko at tila natatauhang tumawa si Ichiro.

"Sorry."

"Mga anak, maiwan ko muna kayo at nang makapaghanda ng hapunan. Dito na kayo kumain." Paalam ni Mama at dumiretso sa kusina.

"Upo kayo. Kukuha lang ako ng juice."

"Tulungan na kita." Prisinta ni Ethan.

"'Wag na. Kaya ko na 'yon. Mag-usap muna kayo ni Kuya."

"I'd love that." Sagot ni Ichiro.

Tumuloy ako sa kusina at nagtimpla ng maiinom.

"Are you single?" Iyon ang nabungaran kong tanong ni Ichiro pagbalik ko sa salas.

"Yes. Why?" Kunot-noong tanong naman ni Ethan.

"Nothing. I just want to know. I can't believe that you're single though."

Inilapag ko ang pitsel at tray ng baso sa mesa at tila noon lang napansin ni Ichiro ang presensiya ko.

"Why? Do I look like a womanizer?"

"No. I think you're cute."

Nakangiting napatulala ako kay Ichiro. Cute? Si Ethan? Gwapo siya, oo. Pero cute? Hmm. Mukhang may naaamoy akong kakaiba.

"Tssss." Tugon lang ni Ethan.

"Can I get your number?"

Lalo akong nawalan ng masasabi sa tanong ni Ichiro. Hindi ko alam na ganito pala siya ka-straight forward. At ngayon ko lang din napag-isip-isip kung bakit wala siyang girlfriend.

"What are you talking about? Are you... are you.. gay?" Alanganing tanong ni Ethan.

"Not really. But I can be gay for you."

This time walang wala na talaga akong masabi sa laki ng ngiti sa mga labi ko. Tiningnan ako nang masama ni Ethan at agad kong pinaseryoso ang ekspresyon ng mukha ko.

"No. I'm not g-gay."

"Me neither. But, we can never tell."

Tila hindi komportable si Ethan kaya naman sumingit na ako.

"Ahm. Kuya."

"Yes, what it is, otouto?"

"Ahm. Anong gusto mong ulam? Para iyon ang mailuto ni Mama."

"Hmm." Humawak siya sa baba at saglit na hinimas iyon. "I want something..." Bumaling siya kay Ethan at ngumisi. "Hot."

Shems! Sa halip na makatulong ako ay lalo lang atang nailang si Ethan.

"Ah. Ahm. Okay. Sasabihin ko kay Mama." Tumayo ako para pumunta sa kusina kasunod si Ethan. "Oh. Bakit iniwan mo si kuya sa salas?"

"Ang weird ng kuya mo. Kinikilabutan ako." Hinimas pa niya ang braso habang nakangiwi.

"Sorry. 'Di ko rin alam na may gano'n pala siyang side. 'Ma, gusto raw po ni Ichiro ng something 'hot.'" Saka ako lumingon kay Ethan sa nanunuksong paraan.

"Sige anak. Mag-Bicol express na lang tayo."

"Tumigil ka nga." Nakasimangot na kutos sa akin ni Ethan. "May iba akong gusto." Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig mula sa jug saka inilang lagok ang laman niyon.

Nakangiting napatingala ako sa kanya. "Talaga? Sino?" Nabanggit na niya iyon sa akin dati pero hindi naman niya sinabi kung sino iyon.

"Basta." Tila nag-iinit ang pisnging nag-iwas siya ng tingin.

"Hmm. Naglilihim ka na ngayon sa akin ah." Kunwari ay nagtatampong sabi ko.

Ngumiti siya saka ako inakbayan.

"Makikilala mo rin siya. Kapag.."

"Kapag?"

Umiling siya at ngumiti. "Kapag handa na ako. Natotorpe kasi ako eh."

"Wow! Bago 'yon ah! Si Ethan boo, natotorpe? Ganoon ba siya kaespesyal sayo?"

"Sobra." Bahagyang pumalya ang ngiti ko nang mapansin kong nakatitig siya sa akin.

Pero agad din siyang nag-iwas ng tingin at ngumiti. "Tulungan na lang natin si Tita. Para makapagkwentuhan din kami."

"Paano si Kuya?"

"Anong paano si Kuya?"

"Mag-isa lang siya sa salas."

"Tsss. Ayoko nang bumalik doon. Weirdo ng Ichiro na 'yon."

"Oh. Did I hear my name?"

Sabay kaming napalingon sa nakangiting si Ichiro na nakatayo sa bungad ng kusina. Awtomatikong nalukot ang mukha ni Ethan habang hindi inaalis ang kamay sa balikat ko.

"Kuya. Naiinip ka na ba?"

"Not really. I just wanted to see the whole house is all." Tugon niya na kay Ethan naman nakatingin.

Hmm. Talaga ha? Gusto ko sanang itanong.

"Ah. Tara sa likod. Malamig ang hangin do'n."

"Okay."

"Tara, boo."

Sa likod-bahay kami nagpalipas ng oras at nilibang ko sila sa pamamagitan ng pagkanta at paggigitara.

Manaka-naka ay napapangiti ako dahil parang wala ako sa paningin ni Ichiro at tanging si Ethan lang ang nakikita.

Hindi naman itinatago ni Ethan ang pagkairita sa tuwing kakausapin siya ni Kuya.

Hindi ko naman siya masisi dahil walang-gatol si Ichiro sa hayagang pagpapakita ng interes kay Ethan.

"Ah, boo. Sa bahay na lang ako maghahapunan."

"Why? Do I make you feel uncomfortable?" Nakangising singit-tanong ni Ichiro.

"Tsss. You're so full of yourself. Sige, boo. Dito na lang ako kakain."

Napapailing na lang akong napangiti nang matagumpay na ngumiti si Ichiro.

Nakaraos ang hapunan sa pagitan ng masaya naming kwentuhan. Kung dati ay walang kibo sina Junno at Jinn kapag nasa malapit si Ichiro. Ngayon ay sila pa ang bumabangka sa usapan.

Lalo na si Jinn na tila ipinagmamalaki ang mga kaalaman niya sa English. And I swear, hindi lang ata sampung beses na binanggit niya ang "ab kors!" kapag kinakausap siya ni Ichiro. Sa tingin ko ay iyon ang word of the day niya.

Panay rin ang kausap ni Ichiro kay Ethan. At tila ni hindi siya pinanghihinaan ng loob kahit isang tanong isang sagot lang lagi si Ethan sa kanya.

How I wish na hindi totoong nagkakagusto si Ethan sa iba. Sa tingin ko kasi ay bagay sila ni Ichiro.

Nang oras nang magpaalam ay nauna na si Ethan.

"Babalik na lang ako bukas, boo. Tita, thank you po sa masarap na hapunan." Baling niya kay Mama.

"Walang anuman, anak. Bumalik ka bukas, iyong paborito mo naman ang iluluto ko."

"Talaga po? Salamat, Tita. Boo, tuloy na ako ha?"

"Sige, ingat sa pagmamaneho."

"And'yan lang 'yung bahay ko." Natatawang sabi niya saka yumakap sa akin. "Na-miss kita."

Nakangiti akong gumanti ng yakap. "Kanina mo pa sinasabi 'yan. Pero ako rin, na-miss kita."

"Paano? Bukas ah?"

Tumango ako at kumaway.

"What about me?" Singit ni Ichiro na nakatayo sa pinto na nakapagpalingon kay Ethan. "I want a hug, too." Diretso ang tinging iniukol niya sa kaibigan ko.

"Tsss." Iyon lang at dire-diretsong lumabas ng gate si Ethan.

"See you tomorrow, babe!" Pahabol pa ni Ichiro na hindi naman pinansin ni Ethan.

Siniko ko si Ichiro nang makaalis na si Ethan sakay ng kotse niya.

"Ano 'yon?"

"What?" Painosente niyang tanong saka lumabas at naupo sa bangko sa harap ng bahay.

"Babe?" Tumabi ako sa kanya at awtomatikong pumatong ang braso niya sa balikat ko.

Bahagya siyang tumawa. "Is it okay with you?"

"Alin?"

"That I like your bestfriend."

"Gusto mo talaga siya? Kahit ngayon mo lang siya nakita?" Nakatingala kong lingon sa kanya.

"Yeah. I mean, he's hot and good looking."

"Hmm. Dahil lang doon?"

"Well, love can start from simple attraction. So, is it okay if I take your friend out on a date?"

"Oo naman. Pero, siya ang mas dapat mong tanungin kung okay lang sa kanya. Straight 'yon eh."

"I don't think so. And if that's the case, I think I have ways to change his preference. One more thing, I'm not gay as well, but I think I could be gay only for him. So, it can also happen to him, right?"

Napatango-tango ako.

Inilabas niya ang cellphone at tumipa saka iniabot sa akin.

"Ahm. Anong gagawin ko rito?"

"Ethan's phone number?" Patanong na sagot niya.

"Oh. Eh kasi..." Napapakamot sa likod ng tengang tugon ko. "Baka magalit siya sa akin."

"Please?"

Napapakagat ako sa labing napangiwi dahil sa biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya. Bakit ba sanay na sanay siyang palungkutin ang mukha?

Lagot ako nito kay Ethan.

Napipilitan man ay inilabas ko ang cellphone ko at kinopya ang number ni Ethan.

"Thank you, otouto. You're the best." Humalik pa siya sa sentido ko bago hinarap ang cellphone para i-save ang number.

Sorry, Ethan. Lihim ko na lang na naiusal.

•••

Kinabukasan ay maaga akong nagising at iginayak ang mga kailangan ng kambal. Ako na rin ang naghatid sa kanila bago ko sunduin si Rain.

"Good morning." Bati ko sa kanya na sinuklian lang niya ng matipid na tango.

Gaya ng mga nakakaraang araw ay nagpalipas lang ako ng oras sa pakikipagkwentihan sa guard at paglalaro sa cellphone.

Nang sumapit ang tanghalian ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Rain.

"I can't come down. Would you buy me lunch and came up here?"

"Oo naman. Ano bang gusto mo?"

"Chinese."

Bakit hindi na lang Japanese? Ako. Napailing ako sa naisip ko. "Okay."

"And buy some for you. Gusto ko nang may kasabay."

Napangiti ako kahit na naputol agad ang linya nang wala man lang siyang paalam.

Masigla akong naghanap ng Chinese restaurant at hindi ko naman kinailangang lumayo kaya nakapanhik ako agad sa opisina niya bitbit ang dalawang malaking supot ng pagkain at drinks.

"Excuse me." Pukaw ko sa atensyon ng babaeng naka-corporate attire na kasalukuyang nagre-retouch ng make up.

"Oh hi. What can I help you with? I'm Eve by the way." Inilahad niya ang kamay at tinanggap ko iyon matapos kong ibaba ang isa sa mga supot.

"Ahm. Driver ako ni Sir Rain. Pinabili niya ako ng pagkain."

"Oh. I thought you were here for me. Anyways, that's his office over there. Just knock before you enter."

"Thank you."

"Anything for a cutie like you." Kumindat pa siya bago ako makatalikod.

Alanganin lang akong ngumiti at tumango bago tuluyang tumalikod.

Minsan na akong natungtong dito kaya alam ko na ang opisina ni Rain. Ayoko lang na basta na lang dumiretso ro'n nang hindi pinapansin ang mga empleyado.

"Come in." Sagot mula sa loob matapos kong kumatok.

Pumasok ako at inilapag sa bakanteng mesa ang mga pagkain saka iyon inayos.

"Kain na."

Tumayo siya mula sa table niya at lumipat sa mesang katabi ng pinto ng pantry.

"Sabayan mo na 'ko."

Tumango ako at pumwesto sa gilid.

"Dito ka. I need your help with this." Tukoy niya sa rice box.

Inilapit ko sa kanya ang bangko at binuksan ang box. Iniabot niya sa akin ang chopsticks at pinaghiwalay ko iyon bago ibinalik sa kanya.

Matapos niyon ay inasikaso ko naman ang sarili kong pagkain at nagsimulang kumain.

Mayamaya pa ay napansin kong tila nahihirapan siya sa pagkain.

"How is it that you got a spoon and I didn't?" Salubong ang kilay na tanong niya.

Bago pa ako makasagot ay inagaw na niya ang gamit kong kutsara at balewalang ginamit iyon.

Saglit akong napatulala.

"Pero, g-galing na 'yan sa b-bibig ko."

"So what?" Hindi tumitingin na sagot niya habang patuloy sa pagkain.

Napapahiyang dinampot ko na lang ang sarili kong chopsticks. Iyon na lang sana ang gagamitin ko nang ipatong niya ang kamay roon.

Nagtataka akong napatingin sa kanya.

"Use thess. 'Wag ka nang mag-aksaya." Iniabot niya sa akin ang ginamit niyang chopsticks at wala sa loob na tinanggap ko iyon.

Sa ilang segundo ay nakatulala lang ako sa pagkain.

"What? Nandidiri ka sa akin?"

"Ha? Ah. H-hindi. Sige, kain na tayo."

Lihim akong napangiti sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Ginamit niya ang gamit kong kutsara at gamit ko naman ang ginamit niyang chopsticks.

Sa halip na mandiri o mabahala ay tila mas ginanahan pa akong kumain.

Para na rin kaming naghalikan.

Nag-iinit ang pisnging lihim akong napailing. Umayos ka, puso.

"Try this. It's good."

Inilapit niya sa labi ko ang kutsarang may lamang isang piraso ng seafood.

Kukunin ko sana iyon gamit ang chopsticks nang ilayo niya. Naiilang man ay ibinuka ko ang bibig ko at tinanggap ang pagkain.

"I can't see any reason why you're being shy. We already exchanged salivas, if you remember."

"Rain!" Napapahiya kong angal sa mga salitang ginamit niya.

"Just eat. Ang dami mong arte."

"Pfft." Napapaingos na itinuloy ko na lang ang pagkain.

Pero hindi ko rin naman napigilan ang lihim na mapangiti.

Sana ganito na lang kami lagi.

Sana.

•••

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

47.6K 1.5K 31
"Expect the unexpected." •(unedited)• Title: Mr. Anonymous (chatting) Genre: Teen Fiction, Romance, Humor. Type: Epistolary / BL, BoyxBoy. Author: Mr...
1M 32.2K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
118K 4.7K 36
he's straight, I'm gay he hates gay, I hate him he's a bully to me, I'm bullied only by him but for some known reason we want to kill each other...
685 68 7
Kinasusuklaman niya ito, and that's the only thing that he remembered. Kaya naman labis pa niyang kinasuklaman ang lalaki when he knew that they have...