Hiraya Manawari

By jmaginary

61.5K 3.1K 473

Isang babaeng itim ang buhok na umaalon hanggang sa tuhod, mga matang kayumanggi, at labing simpula ng rosas... More

Simula
Kabanata Isa: Astram Zuriel Hephas
Kabanata Dalawa: Kontrata
Kabanata Tatlo: Ang Galang Kaluluwa
Kabanata Apat: Pag-uwi
Kabanata Anim: Mag-ingat sa paghiling
Kabanata Pito: Ang Regalo
Kabanata Walo: Sinulid ng Buhay
Kabanata Siyam: Paghahanda
Kabanata Sampu: Reyna Magindara
Kabanata Labing-isa: Mga Alitaptap
Kabanata Labindalawa: Encantada
Kabanata Labintatlo: Si Haliya at Bakunawa
Kabanata Labing-apat: Pagdakip
Kabanata Labinlima: Sulad
Kabanata Labing-anim: Pagsisimula ng Wingkag
Kabanata Labimpito: Kataw laban sa Sirena
Kabanata Labing walo: Ulilang Kaluluwa
Kabanata Labing siyam: Pinakawalang Kayamanan
Kabanata Dalawampu: Hiraya Manawari
Kabanata Dalawampu't Isa: Ang Kaguluhan sa Marahuyo Awanggan
Fanart #1: Hiraya Manawari
Kabanata Dalawampu't Dalawa: Ang Paghaharap
Kabanata't Dalawampu't Tatlo: Paglaho
Fanart #2: Astram Zuriel Hephas
Wakas
Dedications
Message from the Author
Hiraya Manawari now on Psicom App!
Illustrations
Hiraya Manawari: Book Announcement (Part 1)
Hiraya Manawari: Book Announcement (1.2)
Hiraya Manawari: Book Announcement (Part 2) - PRICE!
Hiraya Manawari Book + Official Illustrations!
Book Snapshots - Batch 1
Disclaimer + Trailer
HIRAYA MANAWARI BOOK LAUNCH

Kabanata Lima: Espiritu Elemental

2.6K 127 13
By jmaginary

LALAINE ROSE GUTIERREZ

Binaba ako ni Zuriel sa taas sa veranda ng kwarto ko nang siya'y makalapag na sa bakal nitong rehas. Nakita ko agad si Farren na nakaupo sa ibabaw nito habang ang asul niyang mga pakpak ay nakatupi lamang sa kaniyang likuran. Nagkatagpo ang aming mga tingin at sinenyas niya sa akin ang nakaupong si Mistral na ngayo'y nakatali gamit lamang ang isang lubid. Wala parin itong malay hanggang ngayon.

Sana'y huwag nalang siyang magising.

"Kitang-kita ko ang paglukot ng mukha nang makita mo si Mistral, binibini."

Napairap naman agad ako kay Farren nang bigla niya akong punahin.

Pinagkrus ko ang aking mga kamay sa'king dibdib, "Muntik na kaya niya akong patayin," pagbibigay diin ko, "kung hindi lang ako mabuting tao, kanina ko pa 'yan sinakal."

"Napakamarahas mo naman pala," pang-aasar niya ulit. Napatitig naman ako kay Zuriel at taka siyang tinignan na para bang nagpapahiwatig kung ganito ba talaga dapat umasta ang isang Diyos.

Nagkibit-balikat lang si Zuriel at napakamot ng batok. Bumuga ako ng hangin at sinimangutan si Farren. Tumawa lang naman ang huli. Hindi ko na lamang siya pinansin at nilapitan ulit si Zuriel.

Sumandal ako sa rehas na nasa tabi niya lang.

"Maraming salamat nga pala," saad ko at tsaka sinulyapan lang ng saglit ang lokong si Farren, "sa pagligtas niyo sa'kin kanina."

"Hindi mo dapat kami pasalamatan."

"Anong pinagsasabi mo, binibini?"

Kumunot ang noo ko sa mga sinabi nila, "Hindi ba't niligtas niyo ko mula kay Mistral the monster?"

"Lalaine," saad ni Zuriel, "hindi ko man maunawaan ang huli mong binanggit pero sigurado ako na ikaw ang nagpatumba kay Mistral at hindi kami."

Para akong nabingi sa narinig at napatingin agad ako sa walang malay na si Mistral.

"Ibigsabihin, ako ang gumawa sa kaniya na'n?" binalik ko ang tingin kina Zuriel at Farren, "pero paano? Wala naman akong powers."

"Alimbukad," saad ni Farren. "Ginamit mo ang enerhiyang nasasa'yo upang higitan ang kapangyarihan ni Mistral."

"Alimbukad? As in 'yung parang sa bulaklak na namumukadkad?"

Nagkatinginan ulit silang dalawa at nag-usap gamit ang kanilang mga mata. Napabusangot ako. Pakiramdam ko ay nilalait na ako ng mga 'to sa isipan nila.

Lumingon sa'kin pabalik si Zuriel. "Marahil ay tulad narin 'yon ng sinambit mo kanina. Isa pa, kaya narin kitang matunton kahit saan ka pa magtungo pagka't alam na ng kwintas na 'yan ang enerhiya mo mula ngayon."

So in short, dinagdagan ko lang ang ways nitong si Zuriel para i-stalk ako.

Okay.

Parang mali naman ata 'yon.

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot sa sinabi mo," saad ko.

Pumorma ang isang malapad na ngiti sa kaniyang labi, "Kasama mo na ako mula pagkabata. Ngayon ka pa ba talaga matatakot?" turan nito.

May punto nga naman siya.

Pero kahit na!

"Hindi naman sa lahat ng pagkakataon kailangan mo akong sundan, 'diba?"

"Oo naman—"

"Gusto mo bang madukot ka ulit?"

Tinitigan ko nang masama si Farren nang sumingit na naman ito gamit ang kapilosopohan niya. Umirap na lamang ako at narinig ko itong tumawa.

Napakahangin ng isang 'yon. Nirerespeto ko pa man din at isa siyang Diyos tapos ganito pala ugali.

Napabuga ako ng hangin at tinignan ulit si Zuriel, "Paano mo pala ako nahanap? Dahil din ba 'yon sa Alimbukad?" tanong ko.

Umiling siya at tinuro si Farren na nasa likuran niya lang, "Siya ang humanap sa'yo. Kanina lang kasi nagising ang iyong Alimbukad dahil ikaw ay napipinto na sa kamatayan."

"Pinaalala mo pa talaga, Zuriel." sita ko naman.

"Tignan mo ang iyong palad," saad ni Farren.

Ginawa ko naman ang sinabi niya at biglang lumitaw sa kamay ko ang isang balahibong kasing kulay ng asul niyang mga pakpak, "Pinaikot ko sa buong lugar ang mga balahibo na 'yan upang mahanap ka. Iyon ang dahilan kung bakit nahanap ka namin agad ni Zuriel."

Nagpabalik-balik muna ang tingin ko sa kaniya at inisip kung dapat ko ba siyang pasalamatan. Hindi pa ba sapat 'yong pang-aasar niya sa'kin bilang kabayaran?

Pinatunog ko ang dila ko. Hayaan na nga. Utang na loob ko rin naman 'yon sa kaniya at naabala ko rin siya.

Ngumiti ako sa gawi ni Farren at binaba ang mga kamay ko, "Maraming salamat sa'yo," buong pusong wika ko.

Kumurap ang asul niyang mga mata at biglang umiwas ng tingin. Bumaba siya sa bakal na rehas at tumalikod sa gawi ko.

Hindi siya sumagot.

Nagsalubong ang kilay ko at pumamewang ako, "May attitude?"

"Pagpasensyahan mo na 'yang si Farren," bulong sa akin ni Zuriel habang nilalayo na ako sa pwesto nila at nakakapit sa mga balikat ko, "hindi 'yan sanay pinasasalamatan siya."

Tinitigan ko nalang si Farren na nakahawak na ngayon sa mga rehas habang nakatitig sa langit.

Bagsak ang kaniyang balikat, mampupunghay ang asul na mga mata at nakatanaw sa malawak na kalangitan, at ang labi naman nito ay hindi manlang kumukurba.

Habang tinatangay ng hangin ang kulay asul niyang buhok, ang mga titig niya naman ay nasa malayo lang at parang bang may inaabangan. Ang pulang roba niya naman na tanging tumatakip sa kaniyang katawan ay tila nagiging kahel dahil sa sinag ng araw na tumataas pa lamang.

Sa sobrang etereal ng kaniyang itsura at kahangin ng kaniyang ugali, hindi ko lubos akalain na baka may pinagdadaanan din 'tong isang 'to.

Okay, Lalaine. Huwag ka kasing manghusga agad.

Ang Galang Kaluluwa—iyon ang bansag sa kaniya. Saan kaya niya 'yon nakuha? Hindi kaya nasumpa siyang magpagala-gala? Tapos kunwari sa paglalakbay niya, may nakita siyang mortal o kaya naman nilalang na mamahalin niya pala kaso hindi sila pwede kasi hindi siya pumipirmi sa isang lugar kaya wala siyang magawa kundi lumayo nalang? Tapos hanggang ngayon, iniiisip niya 'yong jowa niya na 'yon?

Naputol ang paggawa ng kwento ng utak ko nang biglang lumingon sa direksyon ko si Farren at nakasuot na ito ng isang ngisi. Agad naman akong napaiwas ng tingin at nagpanggap na parang walang nangyari.

Ayan. Titig pa, Lalaine.

Sa kaiisip ko at pagbibigay ng mga kahulugan sa mga bagay-bagay, minsan sumosobra na at ginagawan ko na ng kwento. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong pumunta sa industriya, e. Kung ano-anong ideya nalang ang pumapasok sa isip ko bawat oras. Ano nalang iisipin ni Farren nung mapansin niya na nakatitig ako? Gosh, nakakahiya!

Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang paghigpit ng mga kamay ni Zuriel sa may balikat ko. Tumingala naman ako at tinitigan siya subalit ang kaniyang ulo ay nakapilig sa harapan. Sinundan ko ang kaniyang titig at nanlaki ang aking mga mata.

Napasinghap ako, "A-ano 'yan?!" bulalas ko habang tinuturo ang isang kumikinang na bagay na lumulutang sa ibabaw ng dibdib ng nakataling Mistral. Isa itong bolang apoy na kulay puti ang kulay na napalilibutin ng hangin na patuloy umiikot sa paligid nito.

"Espiritu Elemental," saad ng malagong na boses ni Farren.

Napakurap ako.

Hindi ba't iyon ang dapat kunin ni Zuriel sa ibang kasama niya sa laro para manalo? At kapalit no'n ay magiging isang ordinaryong multo na lamang si Mistral?

Napatitig agad ako kay Zuriel at naunahan naman agad ako ni Farren sa pagtatanong, "Anong plano mong gawin, Zuriel?"

Bahagyang lumayo ako kay Zuriel upang obserbahan ang mga magiging galaw niya.

Mahirap ilagay ang sarili ko sa posisyon niya. Gusto niyang makabalik sa katawan niya pero kailangan niya ring nakawin ang tyansa ng iba na mabuhay muli para lang tuparin 'yung kagustuhan niya.

Talaga nga bang magagawa 'yon ni Zuriel?

Pero si Mistral naman ang nauna. Siya rin ang naglagay sa sarili niya sa alanganin kaya hindi ba tama lang kung kukunin ni Zuriel ang Espiritu Elemental niya bilang ganti? At isa pa, dinaan niya rin sa dahas at pati ako dinamay niya.

"Hindi ko alam," tugon ni Zuriel habang diretso lang ang titig, "hindi pa nagsisimula ang Wingkag kaya ayoko muna sanang pakielaman ang ibang kasali sa laro."

Pinatunog ko ang aking dila, "All of this just because of that stupid game."

Hindi man nila lubos maintindihan 'yung mga binitawan kong salita, bakas sa mga mata nila na naunawaan nila 'yung tono ng pananalita ko. Wala narin naman akong dinagdag pa at hinayaan na si Zuriel magdesisyon.

Tinapik ko ang balikat niya, "Laban mo 'to. Kung anuman ang magiging desisyon mo, susuportahan ko 'yon." saad ko.

Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa balikat niya at binigyan ako ng ngiti. Agad din naman akong bumitaw nang makita ko na ang talim sa mga mata niya na para bang alam niya na ang susunod niyang hakbang.

Kumurap siya at huminga nang malalim. Lumapit na siya kay Mistral at huminto sa harapan nito. Umuwang ang mga labi ko nang makita kong inabot ni Zuriel ang Espiritu Elemental ni Mistral.

Kukuhanin nga kaya 'yon ni Zuriel 'yon?

Nawala rin naman ang aking pangamba nang makita kong tinulak pabalik ni Zuriel ang Espiritu Elemental papasok sa dibdib ni Mistral. Dahan-dahan akong lumakad papalapit habang nag-iintay sa susunod na mangyayari. Humawak ako sa braso ni Zuriel nang makita kong dumidilat ang mga mata ni Mistral. Umangat ang kaniyang paningin at tumiim agad ang bagang nito.

Nanlilisik ang puti niyang mga mata nang tumingin siya kay Zuriel, "Bakit?"

Umatras ako nang biglang magpumiglas sa pagkakatali niya si Mistral. Nahulog sa sahig ang lubid na nakagapos sa kaniya at mabilis niyang inabot ang damit ni Zuriel, "Talo na ako diba? Bakit hindi mo pa kinuha ang kapangyarihan ko?! Ayaw mo bang makabalik?!"

Hindi sumagot si Zuriel kaya nagpatuloy si Mistral, "Nakita mo kung gaano ako kadesperado makuha 'yang sa'yo. Malaking insulto para sa akin 'tong ginawa mo! Kukuhanin mo nalang, mas pinili mo pang pakawalan." nangangalaiting saad ni Mistral. Malakas nitong tinulak si Zuriel palayo at tumalikod sa gawi namin.

Umangat ang tingin ni Zuriel, "Bakit mo ginagawa 'to, Mistral?" tanong nito, "hindi pa nagsisimula ang laro pero pinangungunahan mo na agad."

Sandaling tumahimik ang paligid matapos magtanong ni Zuriel. Nanatiling nakatalikod mula sa amin si Mistral.

Nung una'y akala ko sinasadya niya talagang hindi kami sagutin pero laking gulat ko na lamang nang makita na tumataas-baba ang kaniyang mga balikat.

Umiiyak siya.

"Wala nang oras si Rina," mahina nitong saad, "gusto kong malaman niya na totoo 'yung batang lalaki na kasama niya noon palang."

Nakarinig narin ako ng onting hikbi, "Gusto kong makita niya ako bago siya mawala."

"Mortal ba ang sinabi mo?" biglang tanong ni Farren.

Humarap sa kaniya si Mistral at nakita ko ang luha nito sa kaniyang mga mata, "Oo. Kaya gusto kong gumawa ng paraan upang matulungan siya!" bulyaw nito at tumitig naman sa akin.

Hinahabol niya ang kaniyang hininga, "Sa paraang alam ko."

Agad namang hinarang ni Zuriel ang katawan niya sa akin bago pa may gawin si Mistral, "Kung anuman 'yang binabalak mo, hindi 'yan matutuloy."

Tumawa si Mistral, "Kung ikaw ang nasa posisyon ko, ano ang gagawin mo? Hindi ba't matutulad ka rin naman sa'kin?!" bulyaw nito.

Nakita kong yinukom ni Zuriel ang kaniyang mga kamao, "Tumigil ka na, Mistral." rinig kong saad niya nang may diin.

Tumawa lalo si Mistral at unti-unti nang pumapalibot sa kaniya ang hangin. Pumuputi narin ang kaniyang mga mata.

"Ano, Zuriel? Anong gagawin mo?" tumatawang saad ni Mistral, "wala ka bang pakielam sa amo mo? Maging siya nag-aabang sa sagot mo!" dugtong pa nito.

Napatingin sa gawi ko si Zuriel at nagsalubong ang aming mga mata. Wala sa isip kong napaiwas ng tingin at napabitaw. Halos mapagalitan ko ang aking sarili dahil sa nagawa.

Bakit ngayon pa ako nakaramdam ng pagkailang sa kaniya? Baka isipin niya na naga-alinlangan pa ako sa kaniya.

Lumaki ang mga mata ko nang makita ko ang sumunod na ginawa ni Mistral. Mabilis siyang lumipad sa direksyon ni Zuriel at hinawakan ito sa may balikat. Nagpumiglas si Zuriel habang nanatili lang siyang hawak ni Mistral hanggang makaalis sila rito sa asotea.

"Zuriel!" sigaw ko sa kaniyang ngalan habang pilit siyang inaabot pero masyado na siyang malayo.

Rinig ko parin ang malakas na tawa ni Mistral, "Tignan natin kung hanggang saan 'yang paglilinis-linisan mo."

Napatakip ako sa bibig ko nang biglang bitawan ni Mistral si Zuriel habang nasa himpapawid sila. Binarilan niya pa ito ng isang bolang hangin sa ulo para hindi nito magawang iligtas ang sarili niya.

Kusang gumalaw ang mga paa ko at tumalon sa may rehas para sapilitan siyang abutin.

Wala ako sa panaginip para mabigyan ang sarili ko ng kakayahan para makalipad.

Pero hindi rin naman ako tatayo lang at manunuod na mahulog si Zuriel sa katapusan niya.

"Zuriel!"

Matapos ang ilang ulit kong tawag ay makita kong ang unti-unti niyang pagmulat. Lumaki agad ang mga mata nito nang makita akong nasa himpapawid at pilit siyang inaabot.

Dagli niyang inangat ang kaniyang kamay subalit kaunting kuryente lamang ang lumabas rito. Lumingon ulit siya sa akin at bakas sa mga mata niya ang takot, "Hindi.."

Shit.

Mamatay kami nito!

"Hanggang kailan ba kayo mahuhulog? Mababa lang naman ang bahay ng pamilya ni Lalaine."

Naramdaman kong may humatak ng bewang ko kaya napaarko ang katawan ko. Humigop ako ng hangin at tinignan ang kamay na nakapulupot sa akin. Nakita ko ang kulay asul niyang mga mata na nakatingin sa itaas.

"Farren.." banggit ko sa pangalan nito. Dumako ang tingin ko sa isa pa nitong buhat. Nakuha niya rin si Zuriel.

"Nasaan na si Mistral?" tanong ko nang makabalik kami sa may asotea. Luminga ako ngunit wala na akong makita ni anino ng lalaking 'yonl bigla nalang siyang naglaho na parang bula.

Nakakaasar talaga ang isang 'yon. Lumilitaw para maghasik ng lagim tapos pagkahindi na pabor sa kaniya, bigla-bigla nalang nawawala.

Paano namin siya mareresbakan niyan?

"Lalaine, kailangan mo nang bumalik sa kwarto mo," suhestyon ni Zuriel pagkalapag ulit naming sa asotea, "baka mapansin na ng mga magulang mo na wala ka sa inyo."

Lumaki ang mga mata ko nang maalala ko sina Mama.

Tiyak na mag-aalala 'yon pagka nakita na wala ako sa kwarto!

Lumingon ulit ako kay Farren para sana magpasalamat ulit pero maging siya ay wala narin. Nilibot ko ang aking tingin at nakita ko nalang ang dalawang pares ng asul na mga pakpak na lumilipad palayo sa amin sa may kalangitan.

"Ganiyan talaga si Farren," singit ni Zuriel at kumaway nalang sa ere, "hanggang sa muli, aking kaibigan."

###

Filipino Vocabulary words

Asotea - a flat roof or platform on the top of a house or other building

Alimbukad - to bloom.

Continue Reading

You'll Also Like

141K 3K 66
Amanda Perez, was born blind who grew up with the presence of her loving mother and an elder brother that loves her so much. Until one night, an acci...
70.8K 2.6K 34
Book 2 of Pandemia series. Kailangan niyo pong basahin ang PANDEMIA para maintindihan ang kuwento nito. Natapos na ang nakakagimbal na kaganapan sa l...
11K 841 27
Aksidenteng naipagpatuloy ng magkapatid na Dominique at Zafier ang ritwal na lihim na isinagawa ng isang prominenteng grupo. Nagresulta iyon nang pak...
186K 7.4K 51
Codes. Mystery. Adventure. And a lost city. Curious teenagers venture to the uncertainty. Pack your bags and prepare your travel suits. Buckle your t...