Kasabay ng simula ng tugtog ay ang pagpapakita sa screen ng profiles ng top eight. Napuno ng hiyawan ang loob ng auditorium. Tuwing isang kapaksyon nila ang naipapakita sa screen ay sinusuportahan ito ng palakpak at hiyawan.
Di tulad naman ng iba ay nabalot pa rin si Serene ng pangamba lalo na at iniisip niya ang magaganap na pamimili.
"Okay ka lang Serene?" tanong ni Tiffany na napansin na tahimik lang ang katabi.
Tumango si Serene kaya binaling ni Tiffany ang atensyon sa screen nang saktong ipinakita ang profile ni Ice.
"Go Ice! I love you!" malakas na hiyaw ni Tiffany tsaka kinuhanan ng litrato ang screen. Nagulat si Serene sa nakakatuwang pagbabago ng ugali ni Tiffany lalo na nang pumito pa si Tiffany.
Nang mapansin ni Tiffany na nakatitig lang sa kanya si Serene ay nagawa niyang mahiya at ibalik ang sariling composure. "Shhh! Sikreto lang natin to huh? Huwag mong sasabihin kay Ice na all out fan ako kundi lalaki ulo nun."
"Huwag kang mag-alala." sakto namang isinunod ang profile ni Hale.
"Ui! Cheer mo rin si Hale." hinatak patayo ni Tiffany si Serene na napilitan na ring gayahin ang mga cheers ni Tiffany.
"Sabihin mo. Hale! I love you!" malakas na utos ni Tiffany.
"Huh?"
"Ayaw mo? Eh di sabihin mo na lang na galingan niya tutal hindi naman tayo nakikita. Basta bahala ka na sa sasabihin mo."
"Bahala na talaga ako?" Nahihiyang tanong ni Serene.
"Oo para naman parehas tayo."
Ilang beses na huminga ng malalim si Serene.
"Go Hale!" cheer niya.
"Yun na yun?" di kuntentong tanong ni Tiffany. "I-feel mo lang. Hindi tayo mapapansin."
Huminga ulit ng malalim si Serene tsaka pumikit nang hindi niya inaasahang na nakatutok na pala sa kanya ang camera. Sa isa pa kasing screen ay pinapakita naman ang mga audience.
"Go Hale! Go boy! Go Hale! Hot boy!" malakas at nakapikit na cheer ni Serene. Pagkatapos nun ay umiiling na nakatingin si Tiffany sa kanya.
"Bakit?" tanong ni Serene.
"Sorry Serene pero na video ka." tsaka tinuro ni Tiffany ang isang screen at naka-focus pa rin kay Serene ang camera. Kaagad namula si Serene at nagkulob sa kanyang upuan.
"Binibini maganda yung cheer mo huh." dagdag pa ni Bridgitte na nasa kanilang likuran.
"Welcome to the firzt Elimination challenge!" bati ni Lola. "Our beloved Zerene zeems to enjoy herzelf." komento ni Lola na kinindatan si Serene.
"Let'z ztart zwith introduzing our online audienze!"
Napalitan na ang laman ng malaking screen sa kaliwa at kanan ng stage. Ipinapakita na dito ang ilang tagpi tagping video screen ng mga nanonood sa kani-kanilang bahay, school, sa palengke at kung saan saan pa. Lahat ay nagtitilian at hindi na makapaghintay na makakita ng isang eden boy.
"The voting zhall begin when all eight finizhes. Eazh zwith their own theme zwepared by my apprentize. Let uz ztart!" pumalakpak si Lola at sumunod na narinig ang isang recorded na boses ng isa sa apprentice ni Lola na pinapaliwanag ang tema at disenyo niya.
Nagsimulang umusok ang stage at lumitaw ang isa pang mas malaking screen sa gitna ng stage. Kung saan ang background ay isang nagyeyelong kabundukan. Nagsimula ring magbagsakan ang mga pekeng snow sa saliw ng isang malungkot na himig.
"Kyaah!" tilian ng mga nanonood online nang lumabas na si Ice. Pati si Tiffany ay napatayo at sinimulan ng kumuha ng litrato.
"Binibini, kumuha ka na rin ng litrato kundi ay magagalit ang mga kaibigan mo." paalala ni Mona kaya napilitan na ring kumuha ng litrato si Serene.
Frosty the snow man na ginawang seductive ang tema para kay Ice. Puno ng sparkles ang katawan ni Ice. Ang light blue na eye shadow at lipstick na ginamit sa kanya ay kumikislap din. Kinulayan rin ang buhok niya ng puti.
Kapansin pansin din ang magandang katawan ni Ice na gumanda pa sa dalawang linggong paghahanda. Tanging ang kulay asul na underwear at isang see through na kapa ang suot ni Ice maliban sa tungkod na gawa sa kahoy na hawak niya.
Sa bawat pag-rampa niya ay tsaka naman mas lalong lumalakas ng tili ng mga online audience na halos himatayin sa kakasigaw. Nagsihiyawan rin ang mga taga Gihon at ilan sa mga Euphrates.
Nang nasa gitna na si Ice ay tsaka niya tinanggal ang kapa at tsaka sinimulan ang pag-flex at pagpapakita ng mga muscles na pinaghirapan niya. Sa confidence ni Ice ay nagawa pa niyang kindatan si Tiffany na nagulat kung paano niya nalaman na nasa auditorium siya.
"Alam niyang nandito ako?" gulat na tanong ni Tiffany kay Serene nang mapansin niyang tumahimik ang mga guwardiya ni Serene. Tinitigan ni Tiffany ang mga ito at sa huli ay umamin silang binayaran sila ni Ice na ireport sa kanya kung nakita nila si Tiffany.
"Wow! That iz zwepared by Blueberry. Zhe's zuch a geniuz. Zwon't you think?" singit ni Lola nang naka-alis na ng stage si Ice. "Next iz Apple's theme!"
Pag-alis ni Lola ay isang jungle safari music naman ang pinatugtog at narinig ulit ang boses ng apprentice ni Lola na si Apple na ipinapaliwanag ang tema. Napalitan na rin ang video sa malaking screen. Katulad ng nakikita sa discovery channel sa Africa ang nakikita na dito.
Pansin din ang malakas na tunog ng katutubong drums na ginawa pang mas kaabang-abang ang paglabas ni Leon.
Bakas ang malakas na paghiyaw ng mga Tigris at hindi rin inaasahang mas malakas ang hiyaw ng online audience. Kumpara kasi kay Ice ay mas bakas ang abs ni Leon.
Magulo ang buhok ni Leon na parang bagong gising. May suot na kuwintas na gawa sa balahibo ng hayop. Parang lion's mane ang epekto sa kanya at maliban sa manipis na suot na underwear ay may suot rin siyang coat na gawa sa parehas na materyales ng suot niyang kuwintas.
Katulad ng ginawa ni Ice ng makarating sa gitna si Leon ay tinanggal niya rin ang coat tsaka nagsimulang mag-flex.
"Yummy!" halos tumulo ang laway ni Bridgitte na hindi matanggal ang tingin kay Leon. "Binibini, pahingi ng kopya ng picture ni Master Leon huh." nangingiwing tumango na lang si Serene.
"Next is Cherry!" anunsyo ulit ni Lola. Isang mabilis na tugtog ang pumalit at napalitan ang nasa screen ng larawan ng Olympus.
Naghiyawan ulit ang mga Tigris nang lumabas si Archer na nabalutan ng oil ang katawan kaya mas pansin ang mga muscles at cuts niya. Simple lang ang suot ni Archer. Isang pulang kapa at pulang underwear.
Simple man ay malakas pa rin ang hiyawan ng mga online audience. Si Archer kasi ay may mukhang madaling humatak ng atensyon ng babae. Lalo na at medyo seductive ang paraan ng paglalakad niya at nang tanggalin niya ang kapa. Pati ang pagpapakita niya ng pinaghirapang katawan ay nagdala ng kabaliwan sa mga babaeng nanood. Hindi nga naiwasang magtakip ng mata sina Tiffany at Serene.
"Ako na nga ang kukuha ng litrato Binibini." inagaw ni Bridgitte ang camera at siya na nga ang kumuha ng maraming litrato ni Archer.
Pinapaypayan ni Lola ang sarili gamit ang kamay nang lumitaw ulit siya sa stage. Hindi nga niya inaasahang lalapitan siya ni Archer sabay tila inaakit na bumulong sa mikropono.
"I'll be anticipating your votes girls." seductive na sabi ni Archer at nagtilian ulit ang mga manonood.
Ilang sandaling natulala si Lola bago niya inanunsiyo ang susunod na contestant.
Napuno ulit ng usok ang stage at isang kalye na madilim ang ipinnkita sa screen. Naging rock and roll din ang musika.
Lalong umingay ng lumabas ang tila babae na si Blake. Kung sabagay ay isa si Blake sa walo na hindi masyadong masculine ang katawan ngunit naging matalino ang stylist nitong si Charcoal nang ginamit niya ang kahinaan ni Blake para manakaw ang pansin ng mga babaeng manonood.
Nakasuot ng mahabang itim na extension sa buhok si Blake. Itim ang suot na lipstick at ginawang sexy na may pagkainosente ang tema para sa kanya. May suot na kapa rin si Blake na kulay itim kakulay ng underwear niya.
"Para siyang babae." natutuwang komento ni Tiffany. Nagulat naman si Serene nang mapansin niya sa screen na ipinapakita ang mga online audience ang mga kaibigan niya na panay ang tili lalo na si Sue.
Natawa na rin lang si Serene tsaka pa siya naka-receive ng text mula sa kaibigan na pinapaalalahanang kunan ng litrato si Blake.
Maski nga ang mga kasama ni Blake sa Euphrates ay namangha sa magandang kinalabasan ng kay Blake.
"Next iz Vane with Grapez!" anunsyo ni Lola.
Isang hardin naman ang naging background sa screen. Napalitan ang kulay ng ilaw sa berde at mas lumakas pa ulit ang hiyawan ng lumabas si Vane na tulad ng inaasahan ni Serene ay mapangahas ang suot suot.
May suot siyang korona na gawa sa dahon. Kuwintas na gawa sa halamang pumupulupot at kapa na gawa rin sa parehas na materyales. Gawa rin ang underwear ni Vane sa dahon at vine.
Dahil nga sa isang modelo si Vane ay maganda rin ang katawan niya ngunit hindi kasing maskulado ni Leon.
Sa mga natapos ay siya rin ang marunong rumampa at napahanga niya ang lahat. Tila naging isa rin ang cheer ng mga online audience na tanging pangalan niya ang isinisigaw.
"A true Eden boy!" komento ni Lola nang matapos si Vane.
Isang video naman ng gilid ng bundok ang ipinakita sa screen. Malapit ito sa karagatan habang ang musika ay napalitan ng isang opera.
Di tulad ng iba ay nakataling ibinaba si Hale na parang isang anghel na bumaba sa lupa. Kulay puti ang buhok niya at may suot siyang isang see through na tshirt na hanggang tuhod ang haba. Tanging ito lamang at ang puting underwear ang suot niya.
Tinulak pa ni Tiffany si Serene ng nakababa na si Hale.
"Kinikilig ka?" nakangiti na tanong ni Tiffany. Hindi sumagot si Serene. Hindi niya rin naman maiwasang hindi pagmasdan ang katawan ni Hale. Hindi nga malaki ang katawan ni Hale pero sapat na para makaakit ito ng mga mata ng babae.
Nagsigawan nga ang lahat ng online audience kasama ang Euphrates.
"Konting workout pa Binibini eh okay na si Master Hale." bulong nila Mona habang panay ang litrato pa rin ni Bridgitte.
Nang si Echo naman ang rumampa ay isang masiyahing musika ang pinatugtog na tila nasa theme park ang tema. Nakasuot ng sumbrero na may disenyong aso si Echo at di tulad ng iba ay nakasuot ng pajama na dahan dahan niyang tinanggal hanggang sa nakasuot na lang siya ng smiley na underwear.
Nakakapagtaka ring nagawang ngumiti ni Echo hanggang matapos ang kanyang parte.
Bigla namang dumilim ang stage nang si Yalec na ang lalabas.
Walang musika. Walang background. Tanging ang spotlight na nakatutok kay Yalec na nakasuot ng itim na underwear. Pagtaas niya ng kamay niya ay nagsihiyawan ang lahat ng audience.
Hindi na nagulat sina Serene dahil sikat talaga si Yalec at pagdating sa katawan ay hindi papatalo kay Leon.
Dinaan ni Yalec sa attitude sa pagrampa at pag-flex ang lahat at ang nakakapanibago ay ang seductive na smile nito.
"Magkasunod na suplado ang ngumiti?" umiiling na komento ni Serene.
"Kilala si Yalec na cold hearted sa showbiz ngunit pagdating sa trabaho ay very professional siya." sambit ni Tiffany.
Tumango tango na lang si Serene.
Alam na nilang lahat na tapos na ang show nang lumabas ulit si Lola.
"Now let uz begin the voting! Zyou all have ten minutez! Vote!" anunsyo ni Lola at isang timer ang nagpakita. Dinisenyo ang online votine na minsan lang pwedeng bumoto ang isang tao gamit ang social account niya. Hindi rin pwedeng bumoto ang nga estudyante ng Adam Newson kaya naman nakadepende lahat sa online audience ang resulta.
Pagkatapos ng sampung minuto ay tumaas ulit sa stage si Lola kasama na ang Prinsipal.
"Let us zee the rankingz!" anunsyo ni Lola. Ipinakita na sa screen ang resulta ng botohan.
1. Yalec Hertz
2. Vane Chavez
3. Leon Winston
4. Archer Holmes
5. Ice Thompson
6. Hale.Thompson
7. Blake Harris
8. Echo Zanders
"Gaya ng rules ay lusot na sa pangalawang round si Yalec ng Pishon! Ang natitirang pito ay maglalaban laban sa endurance test na papangunahan naman ni Strike." imporma ni Edward.
Sumunod na ipinakita sa screen ang natitirang pito na nakasuot na ng pang sports attire kasama si Strike habang nakaupo sa isang sulok si Yalec.
"Ang unang challenge ay isang lifting challenge. Bawat isa sa inyo ay itataas ang isang barbell na may bigat na twenty pounds. Bawat limang minuto ay dadagdagan ito ng additional na limang pounds. Kapag bumagsak sa lupa ang hawak niyong barbell ay tanggal na kayo at kailangan niyong dumaan sa pangalawang round. Ang tatlong maiiwan ay ligtas na at sigurado ng kasali sa top seven." paliwanag ni Strike.
Magkahalong kaba at determinasyon ang bumalot sa mga mukha ng mga kasali.
Sa senyales ng pito ni Strike ay pinagsibuhat na ng pito ang kanilang barbell. Katulad ng inaasahan ay mahirap sabihin kung sino ang bibigay sa mga naunang minuto. Dinagdagan na ang bigat nito ngunit determinado ang lahat.
Nang nasa thirty five pounds na ang bigat nito ay napansin ang matinding pagpapawis ni Blake ganun din si Vane at pati si Hale.
Pagkadagdag ng five pounds pa na weigths ay halos sabay na umayaw si Blake at Vane. Nagsimula na ring mangalay si Ice nang panahong iyon.
Hindi rin nagtagal ang unang round dahil sumunod na naibaba ni Hale ang hawak na barbell samantalang nagawang itaas ni Ice ang hawak niya bago naibaba ni Echo ang sa kanya.
Sa huli ang pasok sa top seven ay si Archer, Leon at Ice samantalang maglalaban laban ulit sina Vane, Hale, Echo at Blake sa huling elimination round kung saan ang dalawang mabibigo sa challenge ay haharap sa pagpipili ni Serene.
Hindi magawang kabahan ni Serene lalo na nang halos lahat ng dati niyang kasambahay ang kabilang sa huling apat na maglalaban laban.
Binigyan ng pansamantalang pahinga ang apat bago tinipon ulit sila ni Strike.
Sinamahan niya ang apat sa isang pathway na linilibot ang kabuuan ng Adam Newson.
"Simple lang ang pangalawang test. Libutin ang buong eskwelahan ng dalawang beses. Ang dalawang mahuhuling estudyante ang haharap sa desisyon ng prefect." matalim na tinitigan ni Strike ang apat.
Gaya ng nauna ay nagsimula ang kompetisyon sa pito ni Strike.
Pagod man ang apat ay mabilis pa rin ang simula ng kanilang pagtakbo. Ngunit ang Adam Newson ay ilang ektarya ang lawak at para malibot ito ng dalawang beses ay isa talagang pagsubok sa natitira pang lakas ng apat.
Mas nag-aapoy ang determinasyon ng apat lalo na sa pagitan ni Echo at Hale na halos naghahabulan parati. Sumunod sa kanila si Vane at panghuli si Blake.
Sa huling ikot nila ay tila naglalakad na lang ang apat ngunit may mga pagkakataong tatakbo ulit sila ng saglit hanggang sa naunang nakarating na nga sa finish line si Hale at Echo.
"Si Master Vane at si Master Blake?" malungkot na reaksyon ng mga guwardiya ni Serene.
Malungkot din na napatitig si Tiffany kay Serene.
"Students, please gather at the judgement throne." anunsyo ni Edward. Awtomatikong nagsilabasan ang mga estudyante maliban kay Serene na hindi alam kung saan ang judgement throne.
"Sasamahan ka namin po Binibini." tsaka siya inalalayan ng mga guwardiya niya patungo sa isa pang malaking hall na ngayon lang napansin ni Serene. Medyo malapit ito sa building ng mga faculty.
Pagpasok sa hall ay may isang gintong upuan sa taas ng stage. Doon pinaupo si Serene habang nasa ibaba ang lahat ng estudyante.
Sumunod na pina-akyat sa stage sina Vane at Blake na bakas ang kalungkutan. Sumisinghot pa rin si Vane na halatadong umiyak sa pagkatalo. Tahimik man si Blake ay napansin rin ni Serene ang matinding kalungkutan sa binata.
"Now prefect, choose who will you save?" tanong ng Prinsipal. Nakangiti si Edward at tila isang madaling desisyon ang pinapagawa sa kanya.
Napatingin si Serene sa dalawa. Ayaw niyang tanggalin si Vane dahil malapit ito sa kanya at ganun rin si Blake na nobyo ng kanyang kaibigan.
"Pwede bang-" tumingin si Serene kay Edward at kaagad siyang umiling.
"Abide to your duties." madiin na sabi ni Edward.
Napatingin ulit si Serene sa dalawang binatang tahimik na nakatayo sa harapan niya. Dahil natatagalan sa pagpili si Serene ay napilitang umakyat sa stage si Rebecca para kausapin ang dalaga.
"Serene, no matter how hard it is, choose! Have your own basis on your decision and make a sound decision." payo ni Rebecca. Sa tulong nga ni Rebecca ay nakapag-isip ng husto si Serene. Binalikan niya ang bodybuilding contest kung saan kinonsider niya ang effort ng dalawa. Ang nangyaring endurance test at pati ang koneksyon niya sa dalawa.
"I have made a decision." deklara ni Serene. Natahimik ang lahat.
"So who will you save?" ngiting aso na tanong ni Edward.
Huminga ng malalim si Serene. "Sa pagkakataong ito ay pipiliin ko si Vane."
Nagbunyi kaagad ang Pishon habang ngumit ng mapait si Blake na nakipagkamayan kay Vane. Si Vane naman ay napaiyak sa nadamang tensiyon.
"Hay naku ang apo ko." mangiyak ngiyak na nakangiti ring komento ni Monique na kinabahan rin sa mga pangyayari.
Nang makita ni Serene na bumaba na ng stage si Blake ay hindi niya naiwasan ang umiyak. Umiyak siya dahil sa lunhkot at dahil na rin sa alam niyang dadating pa ang panahon na mas mahirap ang mga desisyong gagawin niya.
Hindi inasahan ni Serene na aakyat si Monique at Niomi tsaka siya yinakap.
"I know you chose my grandson but I am not here for that. I am here to comfort you." nginitian ni Monique si Serene. "By the way, how is your time with the boys? I just feel happy back then. Mas nalulungkot noon ako kapag may tinatanggal."
"Kasi nga ikaw nagpauso ng salitang malandi." pabirong komento ni Niomi.
"Make it flirt para sosyal." tumawa naman si Monique. Alam naman ni Serene na pinapagaan lang ng dalawa ang nararamdaman ni Serene.
***
Pagbalik sa House of Eve ay hindi na nadatnan ni Serene si Blake.
Malungkot na tumulak siya sa kanyang kuwarto nang nadatnan niyang nakaupo sa kama niya si Hale na may dala-dalang popcorn.
"Ba't nandito ka?" tanong ni Serene.
"Alam kong malungkot ka kaya I am here to cheer you up." ngumiti si Hale.
"Para saan yang popcorn?" nginuso ni Serene ito.
"Manonood tayo ng sine!" magiliw na sagot ni Hale.
"Saan?" kunot noong tanong ni Serene. Inilabas naman ni Hale ang cellphone niya.
"Tsaran!" winagayway ni Hale ang cellphone. "Dito tayo manonood."
***
Isang oras ang nakakaraan.
"Paano ko ba pwedeng pasayahin si Serene?" tanong ni Hale sa sarili nang hindi niya inaasahang nasa likod niya ang pinsang si Ice.
"Gusto mong bigyan kita ng tip at may bonus pang the moves na suggestion?"
"A-ano bang sinasabi mo Ice." nauutal na depensa ni Hale.
"Ikaw na nga ang tinutulungan eh."
"Paano?"
"Hehe. This will make you both feel closer at very cheap pa at very convenient at portable. In short diskarteng malupit na hindi masyadong mahal."
"Paano?" interesadong tanong ulit ni Hale.
"Mag download ka ng horror movie sa phone mo. Prepare some snack at manood kayong dalawa sa phone mo. Dahil maliit ang screen ng phone eh mas lalapit kayong dalawa. Di ba kilig?" umarteng kinilig pa si Ice.
"Kung anong sinasabi mo!" bulyaw ni Hale tsaka umalis.
"Tignan lang natin kung hindi mo susundin yung suggestion ko!" buwelta naman ni Ice.
***
Pinatay na nila Serene ang ilaw at tanging ang nagmumula sa phone ang nagbibigay liwanag sa kuwarto ni Serene. Nakaupo sila sa malaking sofa ng kuwarto ni Serene kung saan kasya ang tatlong katao.
Hindi alam ng dalawa na bumibilis ang tibok ng puso nila kaya binaling na lang nila ang atensyon sa pinapanood nila.
Naging disappointed naman si Hale nang tila hindi nagugulat o natatakot si Serene.
"Hindi ka takot?" tanong ni Hale sa kalagitnaan ng pelikula.
Umiling si Serene. "Favorite ko ang horror at action movies."
Nabigla ang dalawa nang may nagbukas ng ilaw at nakatayo na sa may pintuan si Vane, Echo at Archer. Ang tatlo ay seryosong nakatingin kina Hale at Serene.
"Totoo pala ang sinabi ni Ice!" mapagbantang sabi ni Vane.
"Sinosolo mo ang prefect huh." ani ni Archer. Namula si Hale.
"I love you Serene!" mabilis na lumapit si Vane papunta kay Serene nang tinisod siya ni Echo.
"Manyak!" paratang ni Echo.
"Let's just watch together." yaya ni Archer na agad umupo sa gitna ni Hale at Serene. Hindi naman nagpatalo si Vane na pumunta sa likuran ni Serene at yinakap siya. Tinulak ulit siya ni Echo kaya siya ngayon ang nasa likuran ni Serene.
Hindi na nga naiwasan ni Serene ang ngumiti.
"That's more like it." hinawakan ni Archer ang ulo ni Serene tsaka ito marahang ginulo.
"Huwag kang malungkot kung meron kang tinatanggal. Makikita mo rin naman kami." sabi ni Echo.
"Salamat!" ngumiti si Serene. Katulad ng hindi inaasahan ay pinanood ng lima ang horror movie mula sa simula nito.
Nang matapos na ang pelikula ay sabay na lumabas ng kuwarto ni Serene ang apat na binata.
"Let me get this straight." seryosong pagpipigil ni Echo sa tatlo pang pababa na sana. "Serene can only choose one among us."
"Anong gusto mong palabasin?" tanong ni Hale.
"I suggest that whoever loses from the competition also steps down in Serene's heart."
"Confident ka huh?" nakangising sambit ni Archer.
"I am telling you this as a man talks to a man."
"Kung ano mang kabaliwan ang iniisip mo ay hindi ako papayag diyan. Hindi isang premyo si Serene. Know her worth first before you act like you love her!" galit na buwelta ni Hale.
Natamaan naman ang tatlo. Tama nga naman si Hale.
"Then I will beat you fair and square for her heart." ani ni Echo.
"Nakakalimutan mo atang hindi rin ako padadaig." buwelta ni Vane.
"I like competition." ngumisi si Archer.
Matalim na nagkatitigan ang apat.