BHO CAMP #7: The Moonlight

Por MsButterfly

1.9M 55.3K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... Mais

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 16: Soldier

56.7K 1.6K 222
Por MsButterfly

AIERE'S POV

I feel like I'm floating on a very cold water. Not only that my body is vibrating with the shivers running all over my body, I'm also beyond nauseated like I've been floating on a boat for hours while the ocean threw me around like a toy.

Iminulat ko ang mga mata ko at pabiglang umupo na para bang any moment ay lalabas na ang mga pilit pinakain sa akin ni Archer bago ako tuluyang makatulog kanina. Pero mukhang mas lalong nakasama ang naging paggalaw ko dahil mas lalong nagkagulo ang systema kong hindi na maintindihan kung ano ba ang dapat maramdaman.

I know I'm about to puke my guts so I trained my eyes on the ceiling and try to breathe as even as possible. Ayokong pumikit dahil mas lalo kong na-i-imagine na nakalutang ako sa gitna ng dagat na nakakadagdag lang sa hilo ko.

Ilang minutong pinagpatuloy ko lang ang ginagawa ko habang pinipigilan ko ang katawan ko na gumawa ng kahit na anong paggalaw. When I looked down again, my eyes landed on the man stretched beside me, sleeping peacefully. Kung tama ako ay hapon na. Sadiyang napagod lang din siguro siya sa mga nangyari kahapon. Lahat naman ata hindi nagkaroon ng maayos na tulog dahil sa mga naganap. Idagdag pa na dinayo pa niya talaga ako sa Pint para lang panoorin ako sa mission ko.

Despite the nausea, I suddenly found myself giggling at the thought of him watching me on that bar. Wala namang nakakatawa ro'n dahil alam ko naman na hindi pumunta ro'n si Archer para lang 'panoorin' ako. He was just there for me.

Sa hindi malamang dahilan parang wala ng kapit ang utak ko sa katinuan dahil bigla na lang akong napabunghalit ng tawa. Tinakpan ko ang bibig ko dahil nagsisimula ng mamuo ang sakit sa ulo ko pero mas lalo lang lumakas ang pagtawa ko.

"What the fuc-"

A burst of giggle escaped my lips again. "Where you just about to say fuck?"

Umupo si Archer at kunot-noong tinignan ako. "What's wrong babe?"

"Is this how being high feels like? No offense- well I mean you know, you're a rockstar. You probably tried drugs and shit." I giggled again but slap my hand on my mouth again when I realized what I said. "Oh my gosh, I'm sorry. Ano bang sinasabi ko? That's so wrong. But have you though- nope. Don't answer that. I think I'm being possessed."

Nakatingin lang sa akin ang binata habang sunod-sunod na kumukurap na para bang kinukuwestiyon niya ang katinuan ko at ang katinuan niya sa pananatili pa rin sa tabi ko kahit kitang-kita na ang kabaliwan ko.

"I never tried drugs, babe." he said while trying to fend off his hair falling on his face.

Which his disheveled looks, messy hair, and sleepy eyes...he looks so hot. And because I don't have any control with my mouth and brain, I thought it was a good idea to let him know that. "You are so hot."

He gave me another blink of surprise. Pagkaraan ay umangat ang kamay niya at sinapo niya ang noo ko. "You're hot."

Nahihiyang ngumiti ako at pagkatapos ay nagpapa-cute na nag beautiful eyes ako sa kaniya. "Inspiration time na ba?"

"Aiere, what I meant was, you're burning up."

"Mas matindi pa kesa sa hot?" naguguluhang tanong ko. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya. Hindi daw ako hot. Umaapoy daw ako. So sa sobrang hot ko hindi na pwedeng gamiting description sa akin ang hot?

Bumuka ang bibig ni Archer para sagutin ako pero walang salitang lumabas mula sa bibig niya. Inihilamos niya ang mukha niya sa mga kamay niya pagkalipas ng sandali at pagkatapos ay nag-angat siya ng mukha sa akin at naiiling na hinila ako para muli akong humiga.

I giggled again for no reason and that's when the giant imaginary hammer finally appeared and strike my head so hard that I wonder why I'm still alive with a skull intact. Ang kanina ay tawa ko ngayon ay napalitan na ng hikbi. "Ouch."

Nakaramdam ako ng mabilis na pagkilos sa tabi ko at nang lingunin ko iyon ay nakita ko si Archer na patayo na. "I'll take you to the hospital."

Hinawakan ko siya sa kamay para pigilan siya at lumuluhang nag-angat ako ng mukha sa kaniya, "No. Just hug me."

"I don't think that can help you. You need proper medication-"

"Hug me!" I screamed as another imaginary hammer joined the first one and started bashing on my head.

Mabilis pa sa alas kwatro na ikinulong ako ng lalaki sa mga bisig niya at kaagad naman akong sumubsob sa kaniya. Alam kong wala namang maitutulong 'to pero ayokong kumilos muna kami. I just want to lay down here and be in his arms.








YOU KNOW that feeling when you know you're asleep but at the same time it feels like your mind is awake? Iyon ang nararamdaman ko. Hindi ko maimulat ang mga mata ko at halo-halo ang mga senaryong nangyayari sa utak ko na para bang pabalik-balik ako mula sa panaginip at sa kasalukuyan.

One second I was happily fishing for turtles that are swimming above my head then the next I can hear someone talking beside me and touching me.

"How long has she been like this? May ininom na ba siyang gamot?"

My vision turned into a kaleidoscope with various shapes circled in front of me as if hypnotizing me. Except it doesn't do the job and instead it's just making me dizzy. It felt like I was getting lost on the beautiful but confusing patterns in front of me when I heard Archer's voice echoing somewhere.

"Kanina pong bandang eleven ng umaga pinainom ko siya ng gamot. She slept until about two in the afternoon and she was still burning up. And she was crying from pain dahil masakit daw ang ulo niya but...well..."

"Tumatawa? Tapos umiiyak? Kinagat ka ba? Nauuring 'yan kapag may sakit."

"Po?"

"Kung makapagsalita ka naman, Autumn, parang asong nauulol ang anak natin. Look at her. She's so adorable."

"She is adorable. An adorable puppy with rabies."

Nakarinig ako ng mahinang pagtatalo na natigil sa pagtikhim ni Archer. Pilit na iminulat ko ang mga mata ko pero pakiramdam ko sobrang bigat ng mga talukap ko. At dahil na rin lumabas na naman ang kaibigan kong turtle at inaaya na naman akong mag-fishing. I followed the cute turtle and let him take me to the island of turtle while keeping half of my brain focus on the echoed conversation that I'm hearing.

"Hindi niya po ako kinagat." narinig kong nag-aalangang sabi ni Archer. "Just the laughing and crying."

"Hmm. That's new. The last time she got sick, she almost bite off her brother's arm and his father's."

"Umm..."

Sandaling katahimikan ang namayani bago muling nagsalita ang boses ng isa pang lalaki na sigurado ako na siyang ama ko. "Bakit ka nga pala nandito?"

"Binisita ko lang po si Aiere-"

"Gabi na ah."

"Nandito po ako mula umaga-"

"Mukhang nakitulog ka pa nga eh. Tinabihan mo ba ang anak ko?" Nakarinig ako ng malakas na tunog na para bang may pinalo kasunod ng paghiyaw ni papa. "Sweetheart naman!"

"Pasalamat ka nga nandito si Archer at binantayan 'yang anak mong kaaway ng mundo kapag may sakit. 'Wag mong pansinin ang isang 'to, Archer. Diyan namana ng kambal ang mga kaweirduhan nila. Don'tcha worry. Kakampi mo ako."

"P-Po?"

"Makapagsalita ka, Autumn, parang hindi ka namin kabilang sa mga taong hindi matitino. Lumingon ka sa pinanggalingan mo uy- aray!"

"Anyway, here's her medicine. Pag nagising na lang saka mo painumin. Dala lang ng pagod kaya nagkakaganiyan 'yan but she'll be okay." said the voice of my mother.

"Pwede naman ho akong umalis kung gusto niyo." sabi ni Archer.

"Ay bakit? Okay lang. Stay here. Gwapo ka naman kaya boto ako sa'yo. Hindi sayang ang genes balang-araw."

"Autumn!"

"Anyway highway, alis na kami at busy pa kami nitong pinakagwapo, pinakamabait, at pinakamamahal kong asawa na hindi na magrereklamo dahil alam niyang hindi mo naman papabayaan si Aiere. Di ba, Wynd?"

"Aww, pa-kiss nga, sweetie."

"Mamaya."

Nakarinig ako ng mga yabag paalis at pagkaraan ay muling tumahimik ang paligid. Naramdaman ko ang pag-upo ng kung sinuman sa tabi ko kasunod ng marahang paghaplos sa pisngi ko. I wish I can open my eyes and tell Archer to come with me and see the turtles.

"Your family is crazy. You are crazy."

Is that a good thing? That doesn't sound like a good thing. Di bale. Kapag nasungkit ko na lahat ng turtles, ibibigay ko 'yon sa kaniya para maging dowry ko. Kaya kahit gaano pa kabaliw ang pamilya ko wala na siyang magagawa dahil may down payment na ako. Is dowry a down payment though? Parang may mali....ay ewan!

"But I won't have you in any other way, little miss trouble. You're perfect."





NAPASINGHAP na bumangon ako mula sa pagkakahiga habang ang mga kamay ko ay nakapalibot sa leeg ko dahil sa tila tuyong-tuyo kong lalamunan. Nakaramdam ako ng pagkilos sa tabi ko pero hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko kundi ang baso ng tubig na nakapatong sa bedside table.

Bago ko pa mapag-isipan ang kilos ko ay parang may sariling buhay ang katawan ko na basta ko na lang tinalon 'yon. I landed on something hard followed by a grunt but I was too preoccupied downing the glass of water.

"And now I've been attacked."

Humihingal pa sa ginawa kong mabilis na pag-inom na binaba ko ang baso at nagbaba ako ng tingin sa pinanggalingan ng boses. Kaagad nag-init ang pisngi ko nang makita ko si Archer na siyang nakahiga sa kama ko at ngayon ay kinukubabawan ko. Kumilos ako para umalis sa pagkakaupo ko sa tiyan niya pero pinigilan niya lang ako at hinawakan sa bewang.

"Don't worry, babe. I've seen and experienced more...fascinating things." he said and chuckled as if he's remembering something. He brush the lock of my hair and tucked it behind my ear and continued looking at me as if he's studying me. "Let's see...your face is flushed but you are just probably blushing. At least may kulay ka na lalo na ang mga labi mo. Mukhang okay na rin naman ang temperature mo. Hindi ka na umiiyak at tumatawa kaya baka hindi na masakit ang ulo mo. You're not stripping your clothes off and you're not trying to make yourself a human burrito as well. You didn't try to claw me. Hindi rin ako nagising na naglalaro ka sa bathtub habang kumakanta ng True Colors at higit sa lahat hindi mo na ako kinukumbinsing tanggapin ang mga turtle na inaalok mo bilang dowry ko para 'wag kitang iwan dahil alien kamo ang pamilya mo."

Wow. Daig ko pa ang nakadroga sa mga sinasabi niyang ginawa ko. Pero imbis na itanggi 'yon katulad ng malamang ay gagawin ng kahit na sinong sabihan niya na gumawa ng mga bagay na iyon ay nanatili lang akong tahimik. Kilala ko ang sarili ko kapag nagkakasakit ako. Kahit ang kuya ko nawawalan ng pasensya sa kakulitan ko kapag may sakit ako dahil talagang para akong sinasapian.

I can't say na hindi ko naaalala ang mga sinabi ni Archer dahil clouded man ang mga memorya sa utak ko ay natatandaan ko ang mga 'yon.

"Pwede mo naman akong iwan. Hindi mo naman kailangan bantayan ako." nahihiyang sabi ko.

"I don't think that's an option, babe."

"Pupuntahan naman ako nila mama."

"I enjoyed taking care of you...at mukhang gano'n din ang mama mo. Pumunta siya rito ng dalawang beses dahil kinailangan kong umalis saglit para kumuha ng gamit ko. You were out for two days."

Pinigilan kong paikutin ang mga mata ko dahil paniguradong pinigilan lang no'n si papa na sumama dahil hindi ako iiwan no'n kay Archer. My mother was probably on match making mode again. As usual.

Akmang aalis na ako sa ibabaw niya ng mapansin ko ang suot ko. I'm wearing my favorite pajama bottoms with owls printed on it pero ang pang-itaas ko ay ang hoodie ni Archer.

"You insisted on wearing that after your stint on the bathroom. You said it's your favorite jacket."

Pigil ang ngiti sa labi ng lalaki pero kita sa mga mata niya ang naglalarong ngiti. Pinaningkitan ko siya ng mga mata at umalis na ako sa ibaba niya. Nakahalukipkip na nag indian sit ako at tinignan siya ng masama.

"Kung hindi mo napansin, wala lang talaga ako sa sarili ko kapag may sakit. Hindi ko alam ang mga ginagawa ko. Parang ano lang...nakainom gano'n."

"That's quite obvious. I also saw a pattern."

"Pattern?"

"Lasing ka man o may sakit, you just love trying to take your clothes off." tumingin siya sa kisame at ekseheradong umakto na para bang nag-iisip bago muling tumingin sa akin. "Kahit pala hindi lasing...o may sakit."

Nanggigigil na humila ako ng unan at pinaghahampas ko 'yon sa kaniya nang maalala ang simula ng inspiration time namin. Umiiwas na tumawa lang siya at pilit na inaagaw sa akin ang unan pero hindi ko siya tinantanan. Pero hindi pa ako tuluyang nakakaganti sa pang-aasar niya at hindi ko pa nababawi ang dignidad ko nang maramdaman kong pumalibot ang mga kamay niya sa sarili kong mga kamay at sa isang iglap ay natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa ilalim niya.

"Show me a smile then, don't be unhappy. Can't remember when I last saw you laughing. This world makes you crazy and you've taken all you can bear. Just call me up. 'Cause I will always be there."

I was taken a back for a moment when his voice rung around the room, vibrating around us and hitting me with force that immediately pierce through me. Lagi naman gano'n ang nararamdaman ko kapag naririnig ko ang boses niya. Iyon lang alam ko rin na inaasar niya lang ako.

I sighed in exasperation and rolled my eyes, "I will never hear the end of this, am I right?"

Tumawa siya ng mahina at umiling, "Naglalaro ka ng bula habang kumakanta ka ng True Colors na may kasama pang hand movements. The ending was the best because you cried and recited a line that I can't remember but it was about your 'hero' that was about to fight in a battle and die. Tapos umiyak ka ulit kasi ang sabi mo second place lang kayo eh ang galing-galing mo nga."

Sa tanda kong 'to hindi ko akalain na dala-dala ko pa rin pala ang memorya na 'yon. Kada kasi may sakit ako lumalabas ang True Colors na 'yon na tumatak na sa akin dahil laging pinapalabas nila mama ang video ko na kumakanta no'n sa isang play na ginapan ko no'ng bata pa ako. I was a nurse who met a retired soldier.

"Wag kang mag-alala. Hindi lang ikaw ang hahawak ng kahindik-hindik na memorya na 'yan. Lahat dito sa BHO CAMP alam na ang kwentong 'yan." Muli akong napabuntong-hininga nang umangat ang isang kilay niya na parang nagsasabing ipagpatuloy ko ang kwento. "It was a dumb school play when I was ten. I played the role of a nurse who was pinning on a retired soldier. The story was good but the school was the dumb one. Ang ganda kaya ng kwento namin na sinulat ng adviser teacher ko no'n. Ang galing ko pa. Tapos hindi kami nanalo kasi masyado daw mabigat ang topic. Kailangan pa nagkaro'n ng limitasyon ang creativity? Di ba?"

"Right. And? What was the story exactly?"

"Ayun nga, the nurse fall in love with a soldier. The soldier isolated himself dahil sinisisi niya ang sarili niya sa pagkamatay ng troops niya. Siya lang kasi ang nag-iisang naka-survive. All through out the story, the nurse was convincing him that there's more to life. That he's a hero not just because he served to protect his country, but because he lived...for himself and for his troops. That he's a good person because he's willing to take on the guilt without it being his fault. Dahil ayaw niyang makalimutan ang buhay ng mga kasamahan niya. He lived his life while letting his comrades live through him. The nurse showed him that his true colors are not just black and white...that there's more to him. Pero sa huli hindi natanggap ng solder na he's a hero. He decided to go in a battle again without any intention of surviving it."

May kung anong emosyon ang bumalatay sa mga mata ng binata pero kaagad niyang isinarado iyon at pagkatapos ay nginitian ako ng maliit. "Mukhang masyadong tragic ang storya para sa isang school play."

"But it was such an amazing story." I said with a harrumphed.

Umangat ang kamay niya at nilaro niya ang buhok ko na tumatabing sa mukha ko. I can still see the troubles in his eyes that he's trying to hide. "Don't worry, babe. You're the first place for me."

Hindi ko alam kung bakit ginawa ko ang naging susunod kong pagkilos. Pwede kong isisi 'yon sa katotohanang hindi pa ako fully recovered kahit na ang totoo ay hindi ko lang gustong makita ang kung ano mang bumabalatay sa mga mata niya. It was like I am in tune with his pain that I can almost feel it radiating through me. And I don't want that. I don't want him to bury himself with his pain anymore.

So that's why I kissed him. Unlike the force of lust that I always feel when I'm with him and kissing him, not a temporary lack of control, but a quiet touch of lips as a whisper of comfort...telling him that there's more to life than black and white. That there's so much more to him than the past that haunts him.








UMANGAT ang kilay ko habang pinagmamasdan si Hera di kalayuan na mula ng umupo ako sa kinapupuwestuhan ko rito sa Craige ay hindi na tumigil kakangiti habang mukhang aliw na aliw sa kausap niya.

It's so weird looking at them. At lalong alam ko na hindi lang ako ang nahihiwagaan kundi pati ang ibang mga agent na nakatingin din sa kanila. Hindi dahil kay Hera na parang matimtimang birhen sa kinauupuan niya kundi sa kausap niya. He looks so much like the person we all know and at the same time...so different.

"Bakit nandito pa rin siya?" tanong ko sa katabi kong si Nyx na nakapalumbaba pa habang pinapanood namin ang kaganapan sa harapan namin. "Akala ko ba naayos na ni Dawn ang tungkol sa kaniya?"

"Naayos na nga. Iyon nga lang dahil sa mga nangyari, pinapirma siya ni Dawn ng kasulatan na hindi niya pwedeng ibulgar ang tungkol sa BHO CAMP. Which he obviously know now as a place that is not just a normal leisure place because they basically dragged him here."

"Ano siya masokista? Kung iba siguro tatakbo na paalis palayo rito.

Nagkibit-balikat si Nyx. "He's having a three day vacation here now. He got curious dahil ngayon niya lang nadiskubre ang tungkol sa lugar na 'to. We're not exactly advertising you know? Kung sino lang ang maligaw dito ang siyang nagiging guest natin. Iyon iba naman patrons na natin."

Hindi naman kasi talaga kami exactly naghahanap ng mga guest. Sa charities, mga empleyadong hindi mga agent at sa maintenance lang naman ng lugar napupunta ang kita rito. "Natapos na ba ni Dawn ang background check sa kaniya?" tanong ko.

Mabuti na rin kasi ang sigurado. Hindi naman maikakaila na marami kaming kaaway. Lalo na ang Claw. Ang isang organisasyon na siyang nagdulot ng sobrang kamiserablehan sa BHO CAMP.

That organization's leader almost took the life of my cousin Storm after he violated her. Sila rin ang isa sa mga dahilan nang nangyari kaila Freezale kung saan ang Claw ang kinuhanan ng serbisyo para isagawa ang pagtangkang pagpatay sa asawa na ngayon ng babae. At hanggang ngayon...gumagawa pa rin kami ng paraan para mahanap ang organisasyon na iyon para tuluyang mapabagsak.

"Yes but they're digging deeper just to make sure. Pero ayon naman sa mga nakalap na impormasyon, legit ang background niya. He came from an orphanage in Baguio and he was adopted by a German couple when he was two. His father was arrested for murdering his wife. Wala na silang ibang kamag-anak kaya siya napunta sa ampunan. His adopted mother is only a half German. Kalahating Pinoy at lumaki rin dito sa Pilipinas. Dinala siya ng mag-asawa sa Germany at doon na siya lumaki. Bumalik sila rito sa Pilipinas a year ago when his father died from a heart attack. He's actually a bar owner himself kaso hindi pa tapos 'yon itayo."

"And his connection to Comet?"

"They still don't know. Comet was adopted from the USA. Di ba doon nakatira dati sina tito Lake at tita Miracle? Hindi rin alam nila tito Lake kung sino ang biological parents ni Comet but all they know is that their Filipinos."

Muli kong pinagmasdan ang lalaki. Sa unang tingin talagang ang pagiging magkamukha nila ni Comet ang unang mapapansin. Pero sa kilos, pananamit, at kapag ngumingiti siya...doon nakikita ang pagkakaiba nila.

"He looks older than Comet." I said in a whisper.

"He is. For about two years."

"So may possibility na nagkaanak na ang nanay ni Comet bago siya?"

"Yes. Lalo na at ang biological mother nitong si Comet the second ay pumunta sa ibang bansa pagkapanganak sa kaniya. Two years later the woman came back to the Philippines for her two year old son but she was murdered."

Pakiramdam ko ay tumindig ang balahibo ko sa naririnig. Ang liit masyado ng mundo. Alam kong may posibilidad na baka naman hindi totoo ang mga iniisip namin pero masyado ng maraming pagkakatugma. Lalo na at hindi maitatanggi ang pagkakamukha nila. Napakalaking biro naman kung mapatunayan na wala silang ugnayan ni Comet dahil para silang pinagbiyak na bunga. "Do we have a proof for this?"

"Sa ngayon tinitignan na nila ang trail sa side ni Comet. Kahit na alam naman na natin kung saan 'to magtatapos."

All we needed to do is to confirm the identity of Comet's biological mother. Pero kung gusto nila ng mas mabilis na paraan...I can think of another way to do this. "Is DNA testing still possible at this time?"

"Harmony asked Dawn to let her tell her parents. This won't be easy for them."

Napabuntong-hininga ako. Alam kong hindi naging madali para sa pamilya ni Harmony ang nangyari. It's only been a couple of years that they buried a family member. And now they will be asked to excavate the remains of Comet for this. "This is awful."

"Sinabi mo pa. It would be like rehashing the pain again."

I can only agree with her. Iyon siguro ang dahilan kung bakit wala dito ngayon si Harmony. She's always here to help Craige's. Or forcefully help. Kahit si Freezale na sa mga oras na 'to ay dapat nandito na ay wala rin. Maging ang band members.

This is not easy for them. Looking at this man knowing that he won't ever be the person that they want him to be. Dahil kahit anong gawin nila hindi na maibabalik kung ano ang nangyari na. "What's his name?"

"Wilhelm Karl Scholz." Nyx whispered with a giggle.

Napakurap ako. Ano raw? "What?"

"He goes by the name Will." she continued in a quiet voice. "He's German. What do you expect?"

Napapailing na ginaya ako pagkakapalumbaba ni Nyx habang nakatutok ang mga mata sa lalaki at kay Hera. Alam kong nararamdaman nila ang tingin namin pero mukhang hindi na lang nila kami pinapansin at nagpatuloy na lang sa pagkukuwentuhan.

Hindi naman nila kami masisisi kung curious kami kay Wilhelm. He's a ghost of someone we all know. At isa pa nakakaagaw talaga sila ng atensyon ni Hera na para bang konti na lang ay mag se-self combust na sa sobrang pula ng mukha sa kung ano man ang sinasabi ng lalaki sa kaniya.

Pinaglandas ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lalaki at tumigil ang mga mata ko sa parte ng katawan niya na nahahakab ng pantalon. Parte kung saan hindi dapat ako nakatingin pero kusang tumigil do'n ang atensyon ko.

"I know he's not really German since he's adopted...pero kung ako si kuya Thunder kakabahan na ako. That bratwurst will be the rival of his prince albert."

"Oh my gosh." bulalas ni Nyx na nanlalaki ang mga matang nilingon ako. "Did you just called him a German sausage?"

Napatakip ako sa bibig ko ng ako naman ang napahagikhik. "I didn't. I called his 'sausage' a German sausage."

"OMG ka." na-e-eskandalong sabi ng babae.

"Hindi ko alam kung kakaawaan ko kung sino ang magiging girlfriend niya o maiinggit ako."

"Why would you? I have plenty enough."

Nanigas ang katawan ko at nakita kong gano'n din si Nyx. Nilingon niya ang nagsalita habang nananatili akong naestatwa sa puwesto ko. Sumilay ang mapang-asar na ngiti sa babae na kinindatan ako bago tumayo at tumalilis na ng alis.

I stayed frozen there as I smelled the familiar scent of Archer got near me. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at nakita ko siyang nakataas ang isang kilay habang pumuwesto sa binakanteng upuan ni Nyx.

"Hi." I greeted him meekly.

Tumingin siya sa kinaroroonan ni Comet II at saglit na napatitig doon. A melancholic smile crossed his lips but he managed to look away. Kusang umangat ang kamay ko at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay kumapit na iyon sa dulo ng mangas ng suot niyang sweatshirt.

"Hmm?"

"Aliwin mo ko." Napapitlag ako sa sarili kong sinabi at kaagad nag-init ang mukha ko nang makita ko ang isa sa mga empleyado ng Craige's na si Chime na na-e-eskandalong napatingin sa akin nang dumaan siya. "I mean...I...you know just..."

"I thought you're enjoying the view of that man's bratwurst?"

"Hindi ah! I like yours better!"

Natutop ko ang bibig ko at nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya. Sumilay ang ngiti sa labi ng lalaki hanggang sa hindi na niya napigilan at napahalakhak na siya. He playfully twirled a lock of my hair between his fingers and gave it a gentle tug.

"Let's go." sabi niya pagkaraan at tumayo habang hawak-hawak ang kamay ko.

"Saan?"

"Aaliwin kita."


______________End of Chapter 17.

Continuar a ler

Também vai Gostar

785K 18K 43
| COMPLETED | 15 June 2017 - 19 February 2020 | Stonehearts Series #6 | Pearl Alicia Alexandrite Bautista, born 21st of June, is known as the person...
11M 227K 57
Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and first love. Having a jaw dropping surname, s...
5.2M 98.2K 32
Now a published book. Available at all Precious Pages branches and other bookstores. I am Skylee Reynolds. I considered myself as the black sheep of...
2.3M 63.2K 45
Just because I'm a gentleman, it doesn't mean I will beg for you to stay in my life. I will never beg for someone to stay where they don't want to be.