Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Twenty-Three

1.2K 52 11
By MicxRanjo

"HAPPY birthday to Kaylee!"

Nagpalakpakan ang buong pamilya ng Guerrier matapos ang kanta ng pagbati.

"Happy birthday, sweetheart. As promised, I'm home." Senyas ng mga kamay ni Caleb sa limang taong gulang na anak.

"Daddy, suot ko siya, look?" Turo nito sa hearing aid na nakakabit sa mga tainga nito. "I can hear you loud and clear, so talk to me." Natutuwang ngiti nito.

Natawa rin siya, minsan ay nakakalimutan niyang nakakarinig ito sa tulong ng maliit na hearing device. "Sorry na, happy birthday. I love you."

"Thank you po!" Mahigpit itong yumakap sa kanya, saka mabilis na kumalas at tumakbong pabalik sa mga kapwa nito batang bisista at doon nakipaglaro.

"You made it." Siya namang paglapit ng kanyang asawa at inabutan siya ng isang baso ng malamig na pineapple juice.

"Thank you." Ininom niya iyon. "And thank you for taking care of Kaylee's party."

"Ano ka ba, trabaho ko ang alagaan ang aking mag-ama, hindi mo ako dapat pagpasalamatan. I love what I do, and I love you both." Humalik ito sa kanyang labi. "Welcome home." Saka ngumiti at bumalik na ng kusina.

Isang linggo siyang hindi umuwi dahil may inasikaso siyang negosyo na under construction sa Palaui Island. Gahol siya sa oras sa mga dapat ayusin ngunit mas mahalaga ang kaarawan ng kanyang anak kaya naman bumalik muna siya rito sa Peñaflor.


TININGNAN ni Caleb ang orasan sa dingding, malapit nang maghatinggabi kaya naman tumayo na siya mula sa kanyang working table at lumabas ng silid. Dumiretso muna siya sa kusina upang uminom ng malamig na tubig, bago pinuntahan ang silid ng anak. Nilapitan niya ang kama nito at inayos ang kumot, saka napangiti. Mukhang na-enjoy nito ang fifth birthday celebration nito dahil sa mga ngiti na nakapaskil pa rin sa labi nito.

Hindi siya makapaniwalang limang taon na magmula ng dumating ito sa kanya. Hinaplos niya ang mahaba nitong buhok. Parang anghel lang kung matulog ito, humaplos iyon sa kanyang puso. Tila may kumurot sa kanyang puso nang may maalala, ngunit mabilis din niya iyong hinawi.

Nalulungkot lang siya na lalaki itong may diperensiya sa pandinig sanhi ng isang matinding infection dalawang buwan matapos niya itong ampunin, idagdag pa ang hindi maganda nitong kalusugan magmula nang maisilang ito. Mabuti na lang at hindi ito tuluyang nabingi, kailangan nga lang ang tulong ng hearing aid upang makarinig pa rin ito.

Hinalikan niya ang malambot at maliit kamay ng anak, bago isinuksok sa loob ng kumot. "Good night, sweetheart." mahina niyang sabi pagkatapos humalik sa noo nito, saka na tumayo at umalis.

Dumiretso na siya sa silid nilang mag-asawa. Tanging ang bedside night lamp na lamang ang nakasindi nang makapasok siya roon. Banayad ang kanyang mga yapak na dumiretso siya sa banyo upang makapagsipilyo ng ngipin. Natigilan siya nang may mapansing nakausli sa isang maliit na kulay puting drawer sa ibaba ng lababo, binuksan niya iyon at aayusin sana ngunit nakita niya kung ano iyon, napatiim bagang siya.

Kinuha niya ang silver film ng mga tableta at mabilis na pinuntahan ang asawa, tinapik ito sa balikat. "Marie, wake up." sa mahina niyang tinig.

Naalimpungatan naman ito at unti-unting idinilat ang mga mata. "Hmm, Cale, bakit? May kailangan ka?" Bahagya nitong iniangat ang ulo.

"Ano ito? Bakit hindi ito nababawasan? Are you skipping on your meds?" Pakita niya sa mga gamot nito sa puso.

Natigilan naman ito, hindi umimik. Pagkuwan ay tuluyan na itong umupo sa kama at nakipagtitigan sa kanya. "Tutal naman ay nakita mo na rin lang, gusto kong pag-usapan natin ito."

"Wala tayong pag-uusapan, tapos na tayong mag-usap at nakapagdesisyon na tayong lahat kasama ang mga magulang natin, Rie. How could you do this to us?"

"Gusto kong magka-anak, okay?"

"At alam mong hindi puwede."

"Alam ko kaya nga gusto kong suportahan mo ako, please Cale?"

"Alam mo ang sagot ko riyan, hindi."

"Mahal kita."

Hindi niya naituloy ang gustong sabihin. Napatitig lang sa asawa.

"At gusto kong ibigay ang lahat ng makapagpapasaya sa iyo."

"Masaya na ako na ganito tayo, hindi mo na ako kailangan pang bigyan ng anak."

"Pero kailangan ko, Caleb...gusto ko dahil kailangan kong maramdaman na mahalaga rin ako, na may silbi ako hindi lang bilang asawa mo at ina ni Kaylee. I needed it more than you do."

"Alam mo ba kung gaano kadelikado ang sinasabi mo? You could die, Marie."

"Alam ko. Not taking my heart medicine means decreasing my chances to live, but taking that medicine also means killing the baby inside me, Cale."

Natigalgal siya. Napalunok. Pagkuwan ay tumayo siya, nagpalakad-lakad sa paanan ng kama. Nasuklay niya ang sariling buhok.

"I'm sorry if I did this without telling you."

"Hindi mo ito dapat na ginawa. Kaylee needs you."

"And now this baby will need you."

Natingnan niya ito, hindi makapaniwala sa narinig. Tila ba pinaghandaan at pinag-isipan na nito ang ginawa.

"No." Umiling siya.

"Oo. Kaysa palaging nasa hukay ang isa kong paa sa tuwing aatekehin ako ng sakit ko sa puso, mas gugustuhin ko pang may maiiwanan akong alaala sa iyo kahit mangyari man ang kinatatakutan natin. It's our baby, Cale..."

"No." mariin niyang tinig. "I don't want to see you die, Rie."

"Ayaw ko rin, pero malay mo, baka makinig ang Diyos at...at makaligtas kaming pareho...gusto kong makipagsapalaran."

"This is not a game, and you perfectly know that you can not win this."

"At least the baby will, I will make sure of it."

"Marie..." Hindi na niya alam kung ano pa ang sasabihin dahil nangyari na, nasa sinapupunan na nito ang batang magpapahamak sa sarili nitong buhay at ng kanyang asawa. Nasabunutan niya ang buhok.

Tumayo ang asawa at nilapitan siya, hinablot ang kanyang batok at isinandig sa balikat nito, nang-aalo. "Everything will be fine, Cale...trust me."

Umiling uli siya, na pinigilan naman ng asawa, saka humaplos ang malambot na kamay nito sa kanyang buhok. Tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Akala niya ay maayos na ang lahat, nasa ayos na ang lahat...ngunit hindi pa pala.


SA sumunod na mga linggo matapos nilang sabihin sa mga pamilya ang pagbubuntis ng kanyang asawa, agad na silang kumunsulta sa isang espesyalista na makatutulong sa sitwasyon nito. Since Marie was in a high-risk of pregnancy, she was placed in thorough-care hospital that specializes in her condition and situation.

Even with her family's strong opposition, Marie insisted on her decision. Maging ang payo ng doktor nito na alisin ang bata dahil makasasagabal iyon sa paghinga nito ay binalewala nito. For months they constantly worried about her bleeding, scared that one of those days the baby may have been miscarried, or Marie's heart stop beating, but they were both fighting to live. So Caleb also chose to fight with them, for his wife and unborn child.



"MOMMY, what is it gonna be, a baby girl or boy?" Kaylee asked with her eyes wide open. Sinundo niya ito mula sa paaralan nito at sa ospital na sila dumiretso kung saan ito naka-confine.

"Hmm, it will be a secret." Ngiti ng asawa. Hinaplos nito ang buhok ng anak.

"But I want it to be a baby sister." Humaplos din ang maliit na kamay ng anak sa umbok ng tiyan nito.

"We'll see. Kumusta naman ang school mo?"

"It's fun. We learned numbers today."

"Wow, that is good." Natutuwang ngiti ng asawa.

Naupo naman siya sa isa sa mga silyang naroon para sa mga bisita. Hinugot niya ang cellphone mula sa pantalon at tiningnan ang kalendaryo.

"Mommy, anong pangalan ang itatawag natin paglabas ng baby?"

"Hm, I don't know yet. Itanong natin kay daddy?"

"Sige po!" Nakita niyang lumapit ang anak sa kanya. "Daddy," basta na lang itong kumandong sa kanya kaya naman ibinaba niya ang cellphone at ipinatong sa mesa. "Isip po tayo ng names ng baby sister o brother ko." Inilagay nito ang hintuturo sa noo at nag-isip nga.

Narinig niyang tumawa ang asawa, tiningnan niya ito at nakita niya ang kasiglahan doon na hindi niya madalas nasisilayan, napangiti na rin siya.

"Kapag baby girl, pwedeng Marie Kayl, gusto mo ba? Parang name lang ni mommy at ng sa iyo." kanyang suhestiyon.

Saglit itong nag-isip bago tumango at ngumiti. "I like it. Paano po pag boy?"

"Kapag boy naman, pwedeng, hmmm...teka, wala akong maisip." Kumunot ang kanyang noo ngunit nakangiti pa rin.

"Wala rin po akong maisip. How about you, huh, Mommy?" Lingon nito sa ina kaya napatingin rin siya rito.

Ngumiti ito, hinaplos ang tiyan. Pagkuwa'y bahagyang napangiwi, marahil dahil sa pagsirit ng kirot sa kung saan. Kaya naman tumayo siya't nilapitan ito. "Bakit?" Saka humaplos ang kanyang palad sa pisngi nito.

"W-wala, pagod lang. Maiidlip lang ako saglit, umuwi na kayong mag-ama para naman makapagpahinga na si Kaylee. Ikaw rin, 'wag mong kalilimutang kumain bago ka matulog." Humawak nang mahigpit ang walang lakas nitong palad sa kanyang kamay.

"Sige, ihahatid ko lang siya at babalik agad ako rito."

"No, Cale. You need to rest. I will be fine. Paparito naman sina mommy at daddy para bantayan ako. Tatawagan na lang kita bukas."

"Are you sure?"

Ngiti lang isinagot nito.

Tinawag na niya ang anak at sinabing aalis na sila. "Kiss your mommy goodnight, Kaylee."

Lumapit naman ito sa ina at humalik nga sa pisngi nito. "I love you, Mommy, so, so much."

Hinawakan nito ang baba ng bata, ngumiti. "I love you more, our sweet baby girl. Please grow up strong and kind. I will be home soon."

"Good night. Rest well." Sabi niya bago nagpaalam. Nasa pintuan na sila palabas nang muli siyang tawagin ng asawa, lumingon siya.

"Anong buwan na ba tayo ngayon?" she asked.

"Buwan? August, why?"

"A.G." Nakangiti nitong sabi.

"Ha? Anong A.G.?" Kumunot ang kanyang noo.

"If it's a boy, his name will be A.G."

"Bakit A.G.?"

"Augustus Guerrier."

"Ah..." Tawa niya bago tumango-tango. "Pwede."

"Daddy, let's go." Hila ng anak sa kanyang kamay. "Bye, Mommy!"

"Bye." Sa mahina nitong tinig. "And Caleb?" muli nitong habol.

"Yes?" Nakangiti rin niyang tanong.

"I never regret loving you. Thank you for giving me the chance to love and be loved. It is truly the best present I have ever received in this lifetime."

Sa kuna-unahang pagkakataon, nasaling ng sinabi nito ang kanyang damdamin, at tila may nagtulak sa kanya upang sabihin ang mga salitang hindi niya akalaing sasabihing muli. Ngumiti siya. "Life would be hard without you by my side, Rie. Thank you, and... I love you."

Kumislap ang mga mata nito, sa luha at kaligayahang sumilay roon. "T-thank you," sa halos pabulong nitong sabi bago ipinikit ang mga mata.



NASA anim na buwan na ang dinadala ng asawa nang muli itong atekehin. An oxygen was put to her so she could breathe. She went into a coma for two weeks, while the doctor constantly monitored the baby inside her stomach.

Marie was born with a heart disease, and the family was worried that their child would have to inherit that as well; it runs in her family though it sometimes skips a generation, Marie was unlucky to have got it. Nakaupo siya sa silya sa tabi ng kama ng asawa, halos doon na siya nakatira, sa pribadong silid sa ospital na kinaroroonan nito.

Naramdaman niyang kumislot ang daliri nito na siya niyang hawak, agad niyang tiningnan ang mukha nito. Her eyelashes started to flutter, her lips opened. Mabilis niyang pinindot ang call button para tawagin ang nurse na nakatoka rito.

Agad namang pumasok ang tinawag, kasama ang isang doktor. "She moved!" Mabilis niyang sabi. Tumabi siya upang bigyang puwang ang mga ito at eksaminin ang asawa.

And a week after that, Marie was coming back to life. She started laughing, talking, and even joked with everyone. Nakahinga siya nang maluwag. Nakapagtrabaho rin siya ng ilang araw nang hindi nag-aalala para rito.



"PARE, narito na ang titulo ng lupa ng burol sa Del Rio. Ang De Dios pala ang may-ari niyon, sa pangalang Katerina De Dios." Pagbibigay alam ni Rommel, ang kaibigan niya na ngayon ay tumatayo bilang kanyang assistant.

Tinitigan niya ang papel na tinukoy nito, kinuha at muling binasa ang pangalang naroon. Ilang taon din niyang hinintay na mabenta ang lupang iyon at ngayon nga ay nangyari na. Hindi na niya hinintay na i-auction pa iyon ng bangko, nakaantabay siya sa pagbenta niyon.

"Salamat p're."

"Kumusta na si Marie?" Nasa opisina sila sa Peñaflor, sa kaparehong building kung saan ang administrative office ng kanyang ama, magkaibang floor nga lang.

"She's doing much better. Doon na nga ako papunta."

"Sabihin mo dadaan ako bukas, pakumusta na lang muna."

"Sige. Ikaw na ang bahala rito, aalis na ako."

"Ingat sa pagmamaneho."

Lumabas na siya ng opisina, bumaba sa basement parking at sumakay ng sasakyan padiretso sa ospital. Puwedeng lumabas ng isang linggo ang kanyang asawa kaya naman iuuwi na niya ito ngayong gabi. Hindi niya sinabi sa anak kaya siguradong masosorpresa ito pag-uwi nilang mag-asawa. Nagpasalamat siya sa Diyos sa biglaang pagsigla ng asawa, sana lang ay tuloy-tuloy na iyon.

Dala ang isang bouquet ng red roses, may mga ngiti sa labing pinuntahan niya ang silid ng asawa, ngunit napamaang dahil sa ilang mga staff na humangos papunta sa silid nito. Napatakbo na rin siya dahil sa pag-aalala.

"Anong nangyayari?" Kaagad niyang tanong nang makitang inilalabas ng mga ito ang kama ng asawa.

"She is unresponsive. Her heart stopped functioning." Sabi ng isang nurse habang ang isa naman ay nakapatong sa gilid nito at binibigyan ito ng CPR.

"Madali. Idiretso siya operating room, kailangang mailabas na ang bata." Sabi ng doktor nito. "Mr. Guerrier, I will perform a C-section to get the baby out. We will try our best to revive your wife as well." Saka na ito mabilis na sumunod sa nakalayong kama na tulak-tulak ng mga nurse papunta sa operating room.

Malakas na kumabog ang kanyang dibdib. Kahit pakiramdam niya'y nangangatog ang kanyang mga tuhod, mabilis niyang sinundan ang mga ito sa operating room. Alam niyang darating sila sa ganito. He expected it, but to be at this exact moment felt so different it scared him. Akala niya ay naihanda na niya ang sarili, ngunit hindi pa pala.

Written: 1/13/19


A/N:

Hello! Thank you for all the reads, votes and comments, I appreciate it so much, and please continue to do so!

Luv-luv,

MicxRanjo

Continue Reading

You'll Also Like

446K 974 2
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
108K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
96.5K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?
14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...