A Beautiful Heart: Post-Love...

By xoxoxxbelle

128K 3.8K 59

Two strangers. Two heartbreak stories. Two lost souls looking for answers. One magical night. More

2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
Epilogue

1

17.6K 332 3
By xoxoxxbelle

"SEX?"

Napakurap-kurap si Irina. Hindi niya mapaniwalaan ang mga narinig mula sa kaharap na lalaki. Hindi niya mapaniwalaan ang kapangahasan nito. Dapat ay lumalayo na siya pero hindi niya magawa. Hindi niya sigurado kung saan galing at kung bakit may ganoon siyang pakiramdam pero fascinated siya nang bahagya sa estranghero. Siguro dahil masyado itong pangahas. Siguro nakakatawa na parang wala lang ang ekspresyon sa mukha ng lalaki, pati ang pagkakasabi nito.

Nakikita ni Irina ang interes sa mga matang nakatunghay sa kanya. Hindi rin niya ikakaila ang sariling interes. May bahagi sa kanya ang relieved na malaman na kaya pa rin pala niyang ma-attract sa ibang lalaki. Isa rin siguro iyon sa mga dahilan kung bakit hindi pa siya nagwo-walkout.

"Excuse me?" sabi niya sa maliit na boses. Hindi siya naïve o masasabing pa-demure pero gusto pa rin niyang makasiguro. Gusto pa rin niyang maging malinaw sa kanya ang sinabi ng lalaki. Gusto niyang malaman kung malinaw ba sa kaharap ang pinagsasabi nito.

Pinagmasdan niya ang lalaki. He was gorgeous. Parang pinabatang Richard Gomez. Matangkad at maganda ang tindig. Matipuno ang pangangatawan pero hindi OA ang muscles.

"Sex," walang anumang pag-uulit ng lalaki. "Coitus. Sexual intercourse. You and me. May sarili akong cottage malapit sa beach."

Hindi nga nagkamali si Irina sa pag-intindi sa sinabi ng lalaki. Nang mga sandaling iyon ay ganap nang naiproseso ng kanyang utak ang nangyayari. Pinaikot niya ang stool na kinauupuan sa may bar para mapaharap siya sa kasayahan. Nasa isang wedding reception siya na ginanap sa isang private beach resort. Everyone was in celebratory mood. Celebratory mood na hindi maramdaman ni Irina. Masaya siya para sa mga ikinasal at hiling niyang sana ay mabuo ng mga ito ang pangarap na masayang pamilya. Her heart was just aching so much for the love that she had just lost. The love that had never been hers in the first place.

Hindi napigilan ni Irina ang matawa. Napangiti ang lalaki habang ginagaya ang pagmamasid na ginagawa niya sa mga ibang imbitado sa kasal. Halos wala sa loob na dinala nito ang hawak na inumin sa bibig at sumimsim. Halos wala rin sa loob na ginaya niya ang ginawa ng lalaki.

"Sure, why not?" walang anumang tugon ni Irina. Nahiling niya na sana ay kaya niyang sabihin kahit man lang sa sarili na dahil sa alak kaya niya nasabi ang mga salitang iyon. Sana kaya niyang idahilan bukas na dahil sa wala siya sa matinong kaisipan kaya pumayag siya sa isang kahibangan. Gusto rin sana niyang sabihin na sigurado siya sa naging pasya pero hibang na nga talaga siya. Wala siyang maramdamang takot dahil parang wala na siyang pakialam.

Pakiramdam ni Irina nang mga sandaling iyon ay hindi niya kilala ang sarili. Alam niya na hindi tama. Alam niya na hindi iyon ang tamang sagot. Pero nanahimik siya at hindi na binawi ang pagpayag.

Narinig niya ang lalaki na humingi ng malaking bote ng mamahaling alak sa bartender. Bahagya pa siyang nagulat nang ibigay na lang iyon basta ng bartender.

"I paid for the all the booze in that bar," paliwanag ng lalaki. "My wedding gift to the bride. She's my manager's sister. Come on."

"Pinsang-buo ko ang groom. I paid for the flowers." Alam ni Irina na irrelevant na ang mga sinabi niya pero hindi niya sigurado kung ano ang puwede pa niyang sabihin.

Sumunod siya sa lalaki nang magsimula itong maglakad palabas ng reception area. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may hatak sa kanya ang lalaki na hindi pa niya alam ang pangalan. May bahagi sa kanya ang nasabik dahil sa hindi maipaliwanag na instant attraction na kasalukuyang nararamdaman. Parang may boses na nagsasabi sa kanya na may pag-asa pa ang kanyang puso. Hindi pa iyon hopeless kagaya ng iniisip niya.

Pero may boses din ang nagsusumigaw na nababaliw na siya. May boses na nagsasabi na baka naman masyado lang siyang desperada na makalimot at maka-move on kaya pinaniniwala niya ang sarili sa mga pakiramdam na hindi naman talaga niyang nararamdaman.

Paglabas ng venue ay sumalubong kay Irina ang magandang nightview ng beach. Nililipad ng hangin ang kanyang mahabang buhok. Tumigil siya sa paglalakad. Ipinikit niya ang mga mata at pinuno ang mga baga ng sariwang hanging-dagat. Kung umaasa siyang biglang malilinis ng sariwang hangin ang kanyang isip at kaagad siyang magkakaroon ng clarity, nagkakamali siya. Sandali niyang pinanood ang likod ng lalaki habang naglalakad sa buhangin, pagkatapos ay mabilis siyang sumunod dito imbes na magbalik sa pinanggalingan.

Hindi kilala ni Irina ang lalaki pero alam niya na kilala nito ang bride. He paid for the alcohol so it was safe to say that he was a close friend of the bride. Hindi siya nahirapang kumbinsihin ang sarili na hindi serial killer o rapist ang guwapong lalaki. Hindi niya lubos na nakumbinsi ang sarili na tama ang ginagawa pero na-realize niya na wala pa rin siyang gaanong pakialam. Parang mas ipinag-aalala niya ang bagay na iyon.

Hinubad niya ang suot na high heels dahil mahihirapan siyang maglakad sa buhangin.

Nang magawang sabayan ni Irina ang lalaki ay tumawa ito nang malakas. Nagtatakang napatingin siya rito.

"Sasama ka talaga sa akin?" parang nababaghan na tanong nito. Tumigil ang lalaki sa paglalakad at tumingin sa kanya. Nasa mga mata nito ang pinaghalong amusement at pagtataka. Parang may nasisilip din siyang inis.

Napangiti si Irina. Halos nahuhulaan na niya ang mga bagay na tumatakbo sa isip ng lalaki. "Ikaw itong nag-alok," walang anuman niyang sagot. Nang hindi kaagad sumagot ang lalaki ay mas lumapit siya sa tubig. Tumigil siya bago pa man siya mabasa. Naramdaman niya ang paglapit ng lalaki. Hindi niya sigurado kung magpapasalamat siya na hindi ito tumalilis ng takbo sa pag-aakalang freak siya. Na-realize siguro nito na pareho lang silang freak.

"I asked in the lamest kind of way," sabi ng lalaki habang hinuhubad ang suot na dress shoes. Sumalampak ito ng upo sa buhangin pagkatapos.

Mukhang plano nitong manatili muna roon kaya naman naupo na rin si Irina sa buhangin. "You're very attractive."

"I am," pagsang-ayon ng lalaki.

Sa ibang pagkakataon at sa ibang lalaki siguro ay magiging masyadong arogante nito sa kanyang paningin. Sa ibang panahon at sa ibang lalaki siguro ay maiinis siya sa ganoong hirit. Pero sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, parang exception sa lahat ang katabing lalaki.

Binuksan nito ang bote ng alak at tumungga mula sa bote. Pagkatapos ay ipinasa nito sa kanya ang bote. Halos wala sa loob na tinanggap iyon ni Irina. Niyakap muna niya ang bote at hindi muna lumagok. Siguro medyo natatakot siya na baka ganap nang tangayin ng alkohol ang lahat ng matitinong kaisipan na natitira sa kanya.

Nang makita ng lalaki ang ginagawa niya sa bote ay sinubukan nito iyong bawiin sa kanya. "Give me that."

Mas hinigpitan ni Irina ang pagkakayakap sa bote. "No. It's my turn."

"Then have your turn and give it back to me."

Umiling siya. "Maghintay ka nga sa turn mo. I'd like to take my time. I'd like to know your name."

Ilang sandali na nag-isip ang lalaki bago nagsalita. Ang hinala ni Irina ay nag-iisip ito ng pekeng pangalan na ibibigay sa kanya. Ayos lang iyon sa kanya. Siguro hindi nila kailangang malaman ang totoong pangalan ng isa't isa. Hindi naman talaga niya gustong malaman ang pangalan nito. Gusto lang niya na huwag na itong i-refer bilang "lalaki." She was about to hook up with this guy. Kailangan niya ng pangalan na maitatawag dito—kahit na hindi totoong pangalan.

Baka hindi na rin magkrus uli ang kanilang mga landas pagkatapos ng gabing ito. She just needed someone this night.

"Ano ang unang pangalan ng lalaki na naiisip mo?" tanong ng lalaki imbes na magsabi sa kanya ng pangalan. Wala siguro itong maisip.

"John," agad na sagot niya.

Bahagyang nalukot ang mukha nito sa narinig. Mukhang hindi nito gaanong nagustuhan ang pinaka-common na pangalan na naisip niya.

"James?" sabi niya.

Natawa nang malakas ang lalaki. Halos wala sa loob na pinagmasdan ni Irina ang hitsura nito. Hindi niya kaagad naalis ang mga mata sa mukha nito. Hindi siya nagsisinungaling nang sabihin na attractive ang lalaki. He was especially more attractive when he was laughing. Iyong tipo ng tawa na nakakahawa. Iyong tawa na nagpapagalaw sa buong katawan nito, hindi lang mga balikat. Full-diaphragm and lusty.

"James it is. Ikinagagalak kitang makilala, James."

"You are incredible," sabi nito, halatang nagpipigil ng tawa. "God, I missed laughing. Thanks."

Nagsalubong ang mga kilay ni Irina. "I'd say you're welcome pero wala naman talaga akong ginawa. Walang nakakatawa sa mga sinasabi ko. May dumi ba ako sa mukha na nakakatawa o may naipit na pagkain sa ngipin ko? Wala akong makitang dahilan kung bakit natatawa ka nang ganyan."

Naiinggit siya nang kaunti. Sana kaya rin niyang tumawa kagaya ng katabi niya. Sana makahanap siya ng source ng kaligayahan na hindi mapantayan.

"Nandito ka kasama ko."

"Iyon ang nakakatawa?"

Nakangiting tumango ang lalaki.

"Kagaya ng sinabi ko sa 'yo, you're attractive. I'm sure you can pick any girl you want. I'm sure sasama ang kahit na sinong babae sa 'yo." At least iyon ang gustong paniwalaan ni Irina. Kahit na alam na alam ng isang bahagi ng kanyang isip na hindi lahat ng babaeng brokenhearted ay basta-basta na lang sumasama sa isang lalaki kahit na saksakan pa ito ng guwapo.

"Kagaya ng sinabi ko kanina, I used the lamest line. Hindi nga iyon maituturing na lame. More rude, perhaps? Crude?"

"Bakit ka nagtanong kung gano'n?" Bakit siya pumayag? Bakit niya sinabi ang mga sinabi? Bakit pa nila pinag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon?

"I guess naghahanap lang ako ng babaeng sasampal sa akin."

"Ha?"

Napangiti ang lalaki—si James. "I guess nahihirapan akong panoorin ang mga nangyayari sa paligid na parang gusto kong magising."

"Hindi pa rin kita maintindihan."

"Hindi ko gustong maintindihan mo 'ko. I'm a whore."

Lalong naguluhan si Irina sa biglang pag-iiba ng usapan. "Professionally?"

Tumawa uli ang lalaki.

"Dahil kung ganoon nga, sinasabi ko na sa 'yo na wala akong pera." Base sa hitsura ng lalaki, alam niya na magiging masyadong mahal ang... er... talent fee nito bilang "whore."

May bahagi ng isip ni Irina na nababaghan sa itinatakbo ng usapan pero mayroon ding bahagi na naaaliw at nakakalma. She realized she needed something to distract herself from everything that happened. Hindi niya inakala na maaapektuhan siya nang todo ng dinaluhang kasalan.

"Okay, not professionally," sabi ni James na mukhang nagpipigil lang na mapahalakhak uli. "I used women. I slept with a lot of women. Tama ka, madali para sa akin ang maka-pick up ng kahit na sinong babae na gustuhin ko. Hindi ko lang talaga inasahan na ganoon ka ka-game."

Tumikwas ang isang kilay ni Irina. "Wala sa hitsura ko ang pagiging malandi?"

Continue Reading

You'll Also Like

2.1K 37 23
With the good life that she has, people around Valerie thinks she's one lucky lady who had it all: A kindhearted parent, challenging career, supporti...
1.7M 40.4K 51
One night that changed everything.
2.1M 35.9K 63
"How can you forget someone who left you?" "Sometimes, love can heal everything. Sometimes." How can I heal when everything is always bruising me? Ho...
90.6K 1.9K 21
About the character: Miguel Montecillo or Uel - to his friends and family. He have everything a girl could want. A successful banker and one of the y...
Wattpad App - Unlock exclusive features