Please Remember

By MissSONE

23.6K 424 78

"Nararamdaman kong unti-unti na siyang inilalayo ng panahon sakin, na ang tanging bagay na magagawa ko na lan... More

Please Remember
PROLOGUE
Chapter 2

Chapter 1

3.3K 92 12
By MissSONE

 Saklaw ng buhay ang bawat pagsubok na binibitawan ng tadhana sa bawat nilalang, wala kang ideya kung kailan, saan at paano darating, kumbaga sa isang lindol, isang sorpresa ang pagdating ng problema na ni sa panaginip ay hindi mo inaasahang guguho sa matibay na ikaw.  Mahirap, nakakawalang pag-asa at higit sa lahat ito ang humahatak sayo para kumapit sa patalim na hindi iniisip ang magiging kahihinatnan. Maraming sumusuko, maraming namamatay at karamihan, nagpupumilit labanan at harapin ang unos na sadyang nagpapahirap satin. Pero sabi nga nila, ang sumusuko ang laging talo, at ang nagtitiyaga ang panalo. Pagkatapos ng sakuna, muling sisikat ang haring araw, muling babangon mula sa pagakalugmok ang mga nadapa, at sisibol muli ang panibagong pag-asa sa bawat puso ng mga nabiktima. Hindi binibigay ang pagsubok para pahirapan tayo,hindi rin para parusahan tayo, binibigay ito upang  matuto tayong tumayo at magdesisyon ng naakma sa tama, at higit sa lahat, upang turuan tayong magbagong-buhay dala ang mga napulot na aral na magagamit natin sa paglalakbay sa buhay, at maari rin nating ibahagi sa susunod pa na henerasyon.

 

   Maingat na isinara ko ang hawak kong libro. Matagal akong tumitig roon bago ko inangat ang ulo ko upang pagmasdan ang tahimik at payapang kapaligiran. Halos wala na akong makitang ibang kulay kundi berde, napapalibutan kasi ang kabuuan ng paligid  ng mga puno at mga ga-hinlalaki na taas na mga damo. Para akong nasa paraiso, malayo sa maingay na siyudad, presko ang halimuyak kumpara sa ma-polusyon na urban. Napakatagal ng panahon simula ng umalis ako dito, marami nang nagbago, simula sa mga taong nakatira rito hanggang sa paligid  na kinalakihan ko, pero tanging ang lokasyon na ito ang nanantiling tahimik at maayos. Tila isang bata na inosente pa sa kamunduhan. Nakatayo pa rin ang paborito kong puno at nananatiling matayog sa kabila ng mga kalamidad na dumating.

    Bigla ay umihip ang malakas na hangin, nagsayawan ang mga damo, nakisabay sa pag-alon ang buhok ko. Napakasarap sa pakiramdam. Banayad akong pumikit, at habang dinadama ang malamig na hanging dumadapo sa pisngi ko ay muli kong binasa sa isipan ko ang huling talata na nabasa ko sa librong hawak-hawak ko.

   Aaaaah... pagsubok....

    Pagsubok na nagmulat sakin para gisingin ako sa realidad ng buhay. Ito rin ang nagtulak sakin para tanggapin ang katotohanan, na hindi lahat ng gusto mo ay akala mong para sayo. Minsan, pinapahiram lang talaga sayo ang mga bagay para sandali kang pasiyahin. Nakakapandamdam, pero iyan ang buhay.   Masakit, nakakapagod, minsan naiisip mo na lang na hindi mo na kaya, pero sabi nga, may bahagharing sisibol mula sa ulap pagkatapos ng ulan.

  "Ellaine! Ellaine! Hija! "

   Mabilis akong nagmulat ng marinig ko ang napaka-pamilyar na boses mula sa malayo. Tinatawag ako para hanapin. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko mula sa ibabaw ng mga damo at saka lumabas sa punong sinasandalan ko para hanapin ang  pinanggalingan ng boses na 'yon. Nakita ko ang isang babaeng naka-balot sa kulay na puting tela habang nagpapalinga-linga sa paligid.

  "Sister Leah, nandito po ako!"

     

 Nakita ko kung pano mabilis na lumingon  sakin ang tinawag ko. Yakap-yakap ko ang libro ko habang naglalakad palapit sa kanya. Tila nabunutan naman ng tinik ang itsura niya nang makita na niya ako.

  "Hay naku ikaw talagang bata ka, nandito ka lang pala, kanina pa ako hanap ng hanap sayo. Alalang-alala na ako."
    hinahapo pang saad ni Sister. Base sa itsura niya, hindi ko malaman kung magagalit ba siya sakin o mag-aalala o matutuwa. Yumuko ako para itago ang natatawa kong itsura.

  "Tinatawanan mo na naman akong bata ka."
     pinaghalong awa at inis ang tanong na iyon ng matanda.  Agad akong tumayo ng ayos at nag-isip ng mga hindi nakakatawang bagay.

 "Sorry po Sister. Hindi ko po kasi mapigilan."

 "Hay naku ang batang 'to, hindi mo dapat pinagtatawanan ang mga taong nag-aalala sayo."

"Wala naman pong dapat ipag-alala sister, nagbabasa lang po ako ng libro sa ilalim ng puno."

  Hindi na siya kumibo bagkus ay mataman na lang niya akong tinitigan. Ang kunot sa kanyang noo at ang matamlay niyang mga mata habang nakatingin sakin, araw-araw ko iyong nakikita simula ng bumalik ako dito, bagay na siyang nagpapalambot sa tuhod ko. Alam kong marami siyang gustong i-sermon sakin tungkol sa kalagayan ko sa buhay ngunit pinilit na lang niya na manahimik dahil ayaw niyang palabasin na naawa siya sakin.

 "Halika na sa loob. Sabay-sabay na tayong mananghalian, naghihintay na ang mga bata."
  aniya at pagdaka'y tumalikod na paalis. Sumunod naman ako.

    Pinamunuan ko ang dasal para sa tanghalian ng araw na iyon para sundan ng mga bata. Naka-ugalian kasi dito ang pagdarasal ng sabay-sabay bago kumain, iyon ang turo ng mga madre saming lahat. Nang matapos ang dasal ay masasayang nagtakbuhan ang mga bata patungo sa kanilang mga pwesto sa hapag-kainan. Merong pitong mahahabang lamesa na nakahanay sa loob ng dining room na kung saan kasya ang labin-dalawang bata, kaya kung bibilangin, meron ang ampunan na ito ng  walomput apat na inabando nang mga paslit.

  Inumpisahan ko ng tumulong sa ibang katulong na kuhanin ang mga pagkain mula sa kusina upang isa-isa naming lagyan ang mga plato ng mga bata.Hindi matatawaran ang kasiyahang makikita sa mga mukha ng mga kaawa-awang mga batang iyon habang sumusubo ng pagkain.

 "May pumupunta pa po ba dito para mag-ampon ng mga bata?"

  Binasag ko ang katahimikan sa gitna ng tahimik na pagkain ng mga matatandang madre. Nakahiwalay ang hapag-kainan namin sa mga bata dahil may akmang silid para sa dining room nilang lahat. Nasa bahaging kaliwa ako ng lamesa nakaupo samantalang ang pinaka-center ay ang pinaka-puno, si sister Leah. Nagsitinginan ang mga kasama ko sa isa't-isa saka malungkot na nagsiyuko. Medyo bumagal ang kanilang naging pagnguya.

  "Mahirap na ang buhay hija, kaya siguro wala nang gumagawa no'n. Kung meron man, iyong mga mag-asawang hindi nabibiyayaan ng mga anak ang tumitingin pero bihira naman ang ganun kaya imbis na nababawasan ang mga bata, nadadagdagan pa."
    malumanay ngunit malungkot na sagot ni sister Leah.

"Nitong nakaraang linggo nga lang ay may nakita na namang sanggol sa may kumbento kaya nadagdagan na naman ang hawak nating mga bastardo. Kaawa-awang mga bata. Nawa'y patawarin ang mga magulang na gumawa noon."
   nagdaramdam ang tinig na iyon ni Sister Maris, ang pangalawa sa pinaka-puno na nangangasiwa dito sa ampunan.

 "Eh meron pa ba naman po bang tumutulong na benfactor satin?"
     tanong kong muli. Curious ako tungkol sa ganung bagay dahil dito ako galing at minsan ko na rin naranasan kung pano kumain ng tinapay lang sa maghapon dahil kulang ang pondo ng bahay-ampunan. Si Kristel ang sumagot, iyong dalaga na dito rin lumaki at ngayon nga'y katulong na ng mga sister  sa pag-aasikaso sa mga bata.

  "Meron pa namang mga natitirang mababait sa mundo, pero mabibilang na lang ng daliri ko. 'Yung iba kasi ginagamit ang ampunan na kesyo gagawin nilang beneficiary sa sinasalihan nilang show  para lang manalo, ang iba naman eh pulitiko lang na kapag nakatulong na eh kaliwa't-kanan naman ang ginagawang interview samin."

 "Kristel, ang bibig mo."
 saway sa kanya ni sister Leah.

  "Talaga naman diba sister?  Para  nga naman  masabing matulungin sila sa kapwa at nang maiboto ng mga tao. Eh anong nangyari, ayun, pagkatapos manalo kinalimutan na tayo."

  "Kristel!"
    tumaas na ang boses ni sister Maris, matulis na napanguso na lang ang dalaga at bumalik sa pagkain. Tumahimik ito sandali pero maya-maya uli'y nagsalita na naman ito.

 "Kung tutuusin isa lang naman talaga ang  tanging tao na hindi tumitigil sa pagtulong samin simula pa noon."
   anito habang sumusubo ng pagkain.

 "Sino?"
   tanong ko. Tumigil sa pagkain si Sister Leah at deretsong tumingin sa akin.

 "Si Don Roberto Fontanilla."

   Halos mabitawan ko ang mga hawak kong kubyertos ng marinig ko ang sinabi ni sister, hindi dahil sa nagulat ako, kundi dahil bigla ay tila may tumusok na malaking tinik sa dibdib ko.

 "Lagi siyang pumupunta rito simula ng ampunin ka niya. Lagi siyang bumibisita samin, at wala siyang ibang bukambibig kundi ikaw Ellaine."

  Tila may bumura sa lalamunan ko dahilan kaya hindi ko magawang magsalita, sumasakit iyon sa tuwing lumulunok ako. Si Kristel ang nagpatuloy.

  "Alam mo ba, lagi siyang nagpapasalamat kina Sister dahil biniyayaan daw siya ng isang matalino, masipag, maganda at napaka-bait na bata. Maswerte raw siya dahil siya ang nakapag-ampon sayo. Pinapakita nga ni Don Roberto 'yung mga litrato mo simula ng naka-graduate ka sa elementery tapos high school at college, pati 'yung sa debut mo! Waaah, ang ganda-ganda mo dun. Nakakainngit ka nga eh. Minahal ka na parang tunay na anak ng matanda, sana ako na lang. Kung ako naging ikaw? Naku, hindi na ako aalis dun sa malaking mansion nil----------aaaah!"

   Napatili si Kristel dahil kinurot siya ng katabi niya para siguro pigilan siya sa pagsasalita.

Nagtinginan silang lahat sakin, gusto nilang makita ang naging itsura ko ng banggitin ni Kristel iyon. Wala kasi silang ideya tungkol sa naging pag-alis ko sa mansion, tanging si Sister Leah lamang ang pinagsabihan ko ng lahat-lahat.Nabalot ng katahimikan ang buong dining area, walang nangahas na magsalita maging si Kristel ay hindi na muling umimik pa.

  Patapos na sana ako noon sa pagkain nang biglang pumukaw ng atensyon naming lahat ang sabay-sabay na pagpasok doon ng ilang mga bata. Masaya silang nagtakbuhan palapit sakin at pumalibot sila sa paligid ko habang ang ilan ay higit-higit ang braso ko para hilahin ako.

 "Ate Ellaine, tara mamasyal tayo!"
      excited na aya sakin ni Angela, nasa edad pitong taong gulang na siya.

 "Oo nga ate Ellaine, samahan mo kami!"
    pag-sang-ayon ni Vince, ang pinaka-bata sa lahat.

  Lahat sila pinipilit akong sumama para maglaro at mamasyal.

 "Ano ba kayong mga bata kayo, hindi niyo ba nakikita kumakain pa ang ate Ellaine niyo?"
   sermon sa kanila ni Sister Leah. Lumungkot ang mga mukha ng mga bata at sabay-sabay na nagsiyukuan. Ibinaba ko ang mga hawak kong kubyertos at saka nagpahid ng clean cloth sa bibig.

  "Tapos na ho akong kumain Sister, pwede ko na pong samahan ang mga bata sa pamamasyal. Mamaya na lang ho ako babawi ng pagtulong dito pagbalik namin."
  magalang na saad ko sa matanda at pagkatapos noon ay masasayang hiyawan ng mga bata ang nangibabaw sa buong silid, tuwang-tuwang hinawakan nila ang mga kamay ko at hinila ako palabas ng bahay-ampunan.



    "ATE Ellaine sambutin mo 'yung bola!"

  Pagkarinig ko ng sigaw na iyon ng batang babae na siya ring kakampi ko sa laro ay mabilis na sinambot ko ang bolang papunta sa direksyon ko at pagdakay niyakap ko ito para hindi mahulog.

   "Yehey! Yehey! Marami na tayong buhay!"
      masisiglang sigaw ng mga kakampi ko. Nagtatalon sila sa sobrang tuwa habang ako naman ay hihingal-hingal na nakahawak sa beywang, imbes na mainis dahil kanina pa ako pinapasambot ng mga batang to sa bola ay nagawa ko pang ngumiti habang pinakikinggan ang mga matitinis na tawanan ng mga paslit na iyon.

   Nandito kami ngayon sa malawak na damuhan na maihahalintulad sa isang malaking soccer field,  naka-pwesto ito sa harap ng bahay-ampunan na napaggigitnaan ng sementong daan patungo sa pinaka-pinto ng ampunan.

   "Ano mga bata, kaya niyo pang maglaro?"
        saad ko sa pagitan ng pagkahingal ko.

  "Opo!"

   Nabingi yata ako, pano ba naman kasi parang mga boses ng kakampi ko lang ang narinig ko,  'yung kalaban namin hindi ko maintindihan ang mga mukha, nakasimangot kasi, napapagod na yata o baka naman naiinis. Simula kasi ng maglaro kami ay hindi pa kami natataya.

   Tamaang-tao ang nilalaro namin, kailangan makasambot ang bawat miyembro ng bola para kung matamaan man sila ng ay may buhay pa sila na naka-reserve. Sa hindi ko na mabilang na beses ay lagi kong nasasambot ang bola kaya padagdag na ng padagdag ang buhay namin.

   "Yehey! twenty six na ang buhay namin! Hahaha!"

   "Buti na lang kakampi naman si ate Ellaine!"

  "Hahaha hindi pa kami natatalo!"

   Hindi ko malaman kung proud ba itong mga kakampi kong 'to o nang-iinis lang sila sa mga kalaban, hanggang sa makita kong binitawan na ng isang batang taya ang bola, laglag ang balikat na napanguso na lamang ito.

   "Ayoko na nga. Ang daya naman kasi! May malaki kayong kasali kaya lagi kayong nakakasambot. Ayoko na ngang maglaro! "
    untag ng batang lalaki na siguro'y mga nasa edad anim.

  Imbes na magalit ay nagtawanan lamang ang lahat ng batang kasali.

Haaaay, ang mga batang 'to talaga.


Yayayain ko na sana silang bumalik sa loob nang makita kong nagkumpulan sila at tila may pinaplano. 

    "Ayawan na tayo?"

  "Oo ayawan na daw."

  "San tayo pupunta ngayon?"

 "Punta na lang kaya tayo sa gubat?"

  "Ha? Baka magalit sila sister."

 "Hindi 'yan! Kasama naman natin si ate Ellaine."

 "Oo nga noh?!"

 "Oo tara! Yayain natin siya!"

  "Yehey!"

  "Yehey!"

   Nagsisugudan silang lahat sakin at katulad kanina ay nagpalibot sila sa paligid ko. Sabay-sabay pa nilang hinigit ang kamay at braso ko.

  "T-Teka san tayo pupunta?"
    naaalarmang sagot ko.

  "Sa gubat ate Ellaine! Hahahaha! Tara na!"
     sabay-sabay na sagot nila.

 "Kalahating oras na lang bago mag-umpisa ang bible study niyo, baka mahuli kayo. Halika na kayo, bumalik na tayo sa loob. Magaglit si sister Leah kapag na-late kayo sa-------"

  Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nagtatakbo na sila papasok sa gubat. Nahilot ko na lang ang noo ko.

   Matatalinong mga bata, alam nilang hindi ako makakabalik kapag hindi ko sila kasama kaya ayun, mga nagpahabol.

     Sinundan ko sila sa paglalakad, daldal sila ng daldal habang naglalakad, parang nafi-field trip lang. Habang tinitingnan ko ang bawat paligid na nadadaanan namin ay  tila ba naging pamilyar sakin kung saan patungo ang paglalakad naming 'to. Napagtanto ko na lamang ang lahat ng makarating kami sa patutunguhan namin, sumalubong sakin ang maingay na daloy ng tubig sa mala-kristal na batis na napapaligiran ng mga bato. Dumagdag pa ang malahalimuyak na amoy ng hangin at tama lamang sa pandinig na huni ng mga ibon na tila choir na sabay-sabay na nagsisi-awit.

  Nagpaunahan sa paglusong ang mga bata sa batis saka tuwang-tuwang nagbasaan. Kanya-kanya silang partner na babasain. Nakakatuwang silangpagmasdan. Naghanap ako ng mauupuan at nakita ko ang malaking bato na nakatayo sa gilid ng batis. Minsan pang pinagmasdan kong mabuti ang paraiso. Napakaganda ng kapaligiran, halos wala pa ring pinagbago.

  Muli ay napadako ang atensyon ko sa mga bata. May naghahabulan, may nagsasayawan, ngunit sa bahaging likod napatuon ang paningin ko.

 "Jerick, bakit ayaw mong sumama samin?"
   tanong ng batang babae sa batang lalaki na nasa gilid lamang ng batis at kuntentong nakamasid sa mga kasama.

 "Ha? Ayoko nga! Baka tumaas ang tubig, hindi ako marunong lumangoy."
    takot na takot na sagot ng lalaki. Nagtawanan ang mga bata.

 "Halika hindi naman nakakatakot eh, isa pa nandito naman kami. Tara! Ang saya-saya kaya!"

   Lumusong ang batang babae mula sa tubig at hinila nito ng sapilitan ang lalaki. Halos mamutla sa takot ang huli at panay ang sigaw at hingi ng saklolo. Nang makarating sa gitna ay binasa-basa ito ng babae at dahil takot na takot ito kung kaya't napa-upo ang lalaki sa tubig. Muli ay malalakas na tawanan ang maririnig sa buong paligid.

  Ramdam ko ang pagbabago ng emosyon ko nang makita ko ang senaryong 'yon. Nagpaalam ang mga bata na maglalaro lamang sila ng tagu-taguan sa di kalayuan kaya naiwan akong mag-isa, ngunit nakalipas na ang ilang minuto ay nananatili pa ring iisa ang emosyon ng mukha ko. Hindi ko mapigilang matulala. Ang batis, ang paligid nito, at ang senaryong 'yon kanina, 'yon ang mga bagay na hindi ko maialis sa isip ko. Pakiramdam ko ay iniiipit and dibdib ko sa sakit.

   Kaakibat ng kagandahan ng lugar na ito ay ang nagtatagong pait sa nakaraan ko. Sa lugar na ito una kaming nagkita ng first love ko, sariwa pa iyon sa isipan ko. Parang kailan lang....

   May tila matulis na karayom ang sumundot sa dibdid ko upang maramdaman ang biglaang kirot ng puso ko. Nahihirapan akong huminga. Sa maraming beses ay muling naghanap ng kalinga ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng matinding pangungulila. Tumingin ako sa itaas para pigilan
ang nagbabadyang pagdaloy ng butil ng tuig na nagsisimula nang mamuo sa mata ko. Hanggat maaari, ayoko na sana ulit na umiyak. Hirap na bumulong ako sa hangin. 

  "Tristan. Tristan, I miss you. I really really missed you. Miss na miss na kita."

   Bago pa man tulyang bumuhos ang emosyon ko ay narinig ko na ang sabay-sabay na pagtawag sa pangalan ko mula sa malayo.

   "Ate Ellaine! Ate Ellaine!"

  Nakita ko ang mga nagpapa-unahan sa pagtakbo na mga bata palapit sakin, bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng makita ko ang mga namumutlang itsura ng mga batang iyon, base sa tono ng pagtawag nila sakin ay mukang may hindi magandang nangyari. Naaalarma na sinalubong ko sila.

 "A-Anong nangyari? Bakit namumutla kayo?"

    Bigla ay nag-iyakan sila.

"Ate Ellaine, si Vince! Si Vince! Natuklaw siya ng ahas!"

 Nanlaki ang mga mata ko.

 "Ano!"

 Sinundan ko sila patungo sa lugar kung nasaan ang iba pang kasamahan nila pati na si Vince, sa di-kalayuan ay nakarinig ako ng malakas na iyak ng lalaki. Nakita ko ang mga bata na nakapaligid sa batang lalaki. Agad kosiyang dinaluhan.

  "Ate Ellaine! Natuklaw siya, sabi ko kasi 'wag siyang lalayo samin eh! Ayan tuloy."
    sumbong ng babae.

 "Alangan namang magkakasama tayong magtago!"
     depensa sa sarili ni Vince sa pagitan ng kanyang paghikbi. Si Vinceang pinakabatang lalaki sa mga kasama ko ngayon. Nag-alala ako dahil iba ang kulay ng balat niya doon sa bahaging natuklaw ng ahas, delikado 'yon.

  "Halika Vince, bubuhatin kita. Mga bata, sumunod kayo sakin babalik na tayo!"
     utos ko saka binuhat ko sa likod si Vince.

   "Anong nangyari?!"

   Si Sister Leah ang sumalubong samin pagpasok namin sa bahay-ampunan.

  "S-Sister si Vince po kasi natuklaw ng ahas."
  mahinang sagot ko pagkababa ko kay Vince sa upuan. Maraming bata ang nakiisyoso, nagsidatingan ang iilang madre at mga katulong.

   "Ahas? San ba kayo nagpunta?"
    tanong ni Kristel.

  "A-Ano po kasi.. sa.."

  Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil sumingit si Alice, ang ka-edad kong dalaga na kasabayan kong lumaki non.

   "Pumunta kayo sa gubat, tama ba? Ellaine naman! Bakit mo sinama ang mga bata doon, alam mo namang delikado doon diba?"
   sermon niya sakin. Pinagtanggol ako ng mga batang kasama ko.

  "Tumahimik na kayo walang magagawa ang paninisi niyo, ang kailangan natin ngayon ay gamot o doctor. Makamandag ang mga ahas sa gubat, delikado ang kalagayan ng batang ito kapag nagtagal pa ang kamandag sa katawan niya."
    si Sister Maris iyon.

  "Pero Sister, wala tayong sasakyan para dalhin siya sa bayan! Kung tatawag naman tayo, matatagalan pa ang dating niyon dahil maraming umuupa, isa pa bihira lang ang mga sasakyang pumupunta dito dahil napakalayo."
        ani Kristel.   

  "Tumawag na lang tayo ng doctor!"
    suhestiyon ng isa naming kasama.

  "Mahirap maghanap ng doctor sa bayan tuwing linggo. Minsan dumadayo pa sila sa malalayo dahil mas mahal ang bayad doon."
     ani Sister Maris. Binalot ng matinding pag-aalala ang mga tao roon lalo pa ng sumumpong ang bata sa kakaiyak. Nahihirapan daw siyang huminga. Nagsimulang magpanic ang lahat.

   "May mabibilhan po ba ng gamot sa bayan?"
        nagsalita na ako. May alam akong alternatibong gamot para sa anti-venom. Mapipigilan noon ang pagkalat ng kamandag sa katawan. Sana lang ay may makita akong ganon sa bayan.

   "Merong botika doon, pero bihira lamang ang nagtitinda ng kontra-kamandag."

   "Oo tama! Gamot na lang ang bilhin natin."
   si Kristel iyon.

   "Magandang ideya. Alice, ikaw na ang pumunta ng bayan."
  utos ni Sister Leah. Nanlaki ang mata ng dalaga.

  "Ano ho?! Ako? Sister naman ang layo-layo kaya ng daan papuntang bayan!  "
      reklamo ng huli.

  "Alice! IIsipin mo pa ba ang ganyang mga bagay kahit alam mong namimiligro na ang buhay ng bata!"
   sermon ni Sister Maris. Halos mangiyak-ngiyak na si Alice.

  "Ako na lang po ang pupunta Sister tutal kasalanan ko naman po ang lahat."
   boluntaryo ko. Nagtinginan silang lahat sakin.

 "Tama! Ikaw na lang!"
     turo sakin ni Alice.

 "Hija! Masyadong malayo ang kabilang bayan baka-----"

  Hindi ko na pinatapos pa si Sister Leah, bagkus nginitian ko lang siya.

  "Kaya ko po Sister. Sige po mauuna na ako."

   Pagkasabi ko noon ay nagmadali na akong lumakad patungo sa bayan. Hindi ko ininda ang init, ang alam ko lang ay sakin nakasalalay ang buhay ng batang iyon. Tumakbo ako para kahit papano ay makarating ako agad. Halos hingalin ako pero hindi ako tumitigil. Tumataas-baba na ang balikat ko dahil sa sobrang pagkapagod. Kabilin-bilinan sakin ng doctor noon na hindi ako pwedeng mapagod pero anong magagawa ko sa sitwasyon na ito. Bago mag-isang oras ay narating ko ang bayan, marami akong botikang pinuntahan at naghanap ng kailangan ko, pero kahit isa sa kanila ay walang ganoong gamot. May inirekomenda sakin ang tindero na meron daw ganon sa kabila pang bayan, kaya naman kahit napapagod na ay tumungo pa  rin ako doon. Isa't-kalahting oras na ang limilipas ng makabili ako ng gamot. Ngayon, kung maglalakad pa ulit ako pabalik na naglalakad ay baka samain na ang bata. Wala pa namang biyahe mula sa bayan hanggang sa ampunan. Masyado daw kasing liblib at sira ang daan patungo roon kaya wala akong choice kundi ang maglakad na lang.

   Pabalik na ako, sana ok pa rin siya. Pagkabigay ko ng gamot ay maghahanap naman ako ng doctor, atleast kung matagal man ako ay alam akong ligtas na ang bata.

   Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng biglang sumakit ang gilid ng tiyan ko. Napatigil ako sa paglalakad at bahagyang napayuko. Bad timing. Sumusumpong na naman ang sakit. Pinilit ko pa ring maglakad kahit inda ko ang kirot sa katawan ko. Paika-ika na nga ako pero sinisikap ko pa ring makabalik agad.

   Paliko na sana ako sa kabilang kanto ng bigla ay may kotse na sumalubong sakin, at dahil sa pagkabigla ay napa-upo ako sa sahig. Narinig ko ang malakas na pag-preno ng sasakyan at maingay na pagbukas ng pinto noon.

  "Miss are you ok? Nasaktan ka ba?"

  Napangibit ako dahil sa lakas ng pagka-bagsak ko pero iwinaksi ko na lamang iyon bagkus ay iniangat ko na lamang ang ulo ko para makita ang mukha ng kaskaserong driver na iyon.

  "O-Oo, ok lang a-------"

    Natigilan ako ng makita ko ang mukha ng lalaking 'yon. Sa loob ng ilang sandali ay nagtama ang mata naming dalawa, walang kumukurap. Nasorpresa ako, habang siya naman ay tila halata ang biglang pagka-aliwalas ng mukha, makikita sa mga mata niya ang sobrang kasiyahan at ang tagumpay.

  "M-Migz?"



---------------------------------------------------------------


A/N:
  Please do vote and comment.
   
  Kindly like our fb fan page ,  just click the external link --------------------------->

 Thank you very much. 

-MissSONE

     

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 79K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.6M 102K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...