Trapped By You

By EXOcusezmoi

132 4 2

"Falling inlove is like entering a difficult MAZE—once you entered, there's NO TURNING BACK kasi maliligaw ka... More

Prologue

Chapter Uno

27 2 2
By EXOcusezmoi

AN: Never judge a book if you doesn't read it yet.

Krista's POV

"NGOOOOM MANES!" narinig kong echos ng isang ngo-ngo sa likuran ko. Tsk! BOOOM PANES dapat yun diba?

Anyways, Kung nagtataka kayo kung asan ako ngayon or kahit hindi kayo nagtataka, sasabihin ko na. Nandito lang naman ako sa impyerno dejoke ha ha ha (JOKE NA YON TEH? TATAWA NA BA KAMI?) Tsss. Nandito ako sa isang sikat na bookstore. Yay! This place is like my heaven existing on earth. OOPS! ONLY BOOKISH PEOPLE CAN RELATE.

Pagkatapos ng mahabang prusisyon sa counter nabayaran ko na yung book sa cashier. Nagmadali akong lumakad palabas ng mall nang...

*BOOOOOOOOOOGSH*

May nabangga akong lalake at nahulog yung iniinom niyang bubble tea.

"Uhmmm sorr--" di ko na natuloy yung sasabihin ko nung namukhaan ko kung sino yung nabangga ko. Tssss! NAK NANG ASONG ULOL NA MAY PULGAS YAN OH! Bakit sa dinami dami pa ng taong pwedeng makakabangga ko, bakit siya pa? =_=

"MISS, BULAG KA BA O SADYANG ENG-ENG LANG?! TSK!" bulyaw niya sakin at parang babalatan na niya ako ng buhay dal'sa sobrang sama ng tingin sakin. Scary!

"Sarreh okay sarreh?" I said and rolled my beautiful eyes.

"TSSS" tipid na sabi niya tapos nag-walk out na nakapamulsa. Tss pa-cool epek pa siya, di naman bagay =_= By the way, that bastard---I mean that GUY, is Vaughn Kurt Ohorath. Grandson ng may ari ng school na pinapasukan ko. Siya ang pinagpapantasyahan at pinaglalawayan ng mga babae't shokla sa campus namin -.-

Sa totoo lang, di ko talaga maintindihan kung bakit andaming nababaliw sakaniya! Oo, di ko maitatanggi na ubod siya ng gwapo pero as far as I know, Vann is a CASSANOVA, ARROGANT, MEANNIE and a POKER FACE GUY. Oh diba? Siya yung kadalasang tipo ng mga leading man sa wattpad. He's the REALITY of those fictional characters, But DUUUUUUH! Yung mga ganung klase ng lalake, NEVER kong pinangarap na maging prince charming. Ewwww! Kung matino kang babae, hinding hindi ka magkakagusto sa mga katulad niya kahit ubod pa siya ng gwapo ayt? COZ THE TRUTH OF LIFE IS-"YOU MAY FALL IN LOVE WITH THE LOOKS OF SOMEONE, BUT REMEMBER FINALLY YOU HAVE TO LIVE WITH THE ATTITUDE, NOT WITH THE BEAUTY" OH DIBA? AANHIN PA ANG GWAPONG MUKHA, KUNG YUNG UGALI MASANGSANG DIBA? PSH!

Lumabas ako ng mall at nagmamadaling lumakad papunta sa sakayan ng jeep.

Actually kaya magcocomute ako ngayon dahil umuwi si MANG JUAN (driver namin, hindi yung chichirya :P) sa pamilya niya. Dejokeeee ang totoo niyan, na-LBM siya LOLOL. Baka bukas pa daw ang balik =___=

Napadaan ako sa kantong may mga GANGSTER na nakatambay. Gawsh! Sana yung mga gangster dito sa pinas yung tipong mga nasa wattpad na sak-sakan ng gwapo, malalakas ang appeal, overloaded sa poginess, super papabels, mas hot pa sa summer, at mas cool pa sa winter. Hindi yung mga mukhang DUGYUTIN, YAGIT, BISUGO, MANYAKIS, ETC. TSK! Nilagpasan ko lang sila, may tumawag pa nga saking 'Miss sexy' EWWWWWW =___=

"Estudyante?" tanong sakin ng kundoktur. AYYYYYYY TANGA? NAKITA NA NGANG NAKA- COMPLETE UNIFORM AKO PLUS I.D, MAGTATANONG PA!!! SPELL COMMON SENSE NAMAN PO KOYA?

"Hindi po. Senior ako" sabi ko tapos inabot yung bayad.

"Tss pilosopo" bulong niya pero narinig ko. HEH! TANDAAN: WALANG PILOSOPONG SAGOT, KUNG WALANG TANGANG TANONG :P

Pag-kaupo ko, sinuksuk ko agad yung earphones ko sa tenga ko. Makikinig nalang ako K-POP. EARPHONES IN, WORLDS OUT BABY!

(Now Playing: Trap-Henry ft. Taemin & Kyuhyun)

♪Naneun jichyeoja Na hon ja

Seoman kkumeul kkugo innabwa sege heundeureo nareul

kkaewojugenni

kkaewojugenni

I'm Trapped

I'm Trapped♪

BLIND ITEM: Hater daw ng KPOP pero kung MAKA-GANGNAM STYLE at KIYOMI, WAGASSS!! Uweeeeeeeeeeeee.

♪Nan nareul irheoga

Neo eobsin naui ireum jocha gieogi anna ijen ne aneseo nareul nohajugenni nohajugenni

I'M TRAPPED

I'M TRAPPED

I'M TRAPPED OH~

I'M TRAPPED OH~♪

Music has no language barrier. I don't need to understand KPOP just to appreciate the music. Kahit di ko kasi intindihin, DAMANG DAMA KO NA :) Porket gusto daw ng KPOP, hindi na daw maka-bansa, AGAD-AGAD?!! So, pag-kumain ako ng SPANISH BREAD di na ako maka-bansa kasi "SPANISH" eh. TSKKK. Well, annyeong haseyo sa mga hater diyan? Kaway-kaway naman! Please learn to respect other people's choice of music ha? =_=

OKAY, TAMA NA ANG SATSAT KO TUNGKOL SA KPOP KO XD

After 2 minutes, umandar na yung jeep kasi malamang puno na.

××

Aba 'tong katabi kong babaeng naka-dungaw sa bintana, feeling niya naman nasa music video siya =___= Haish linilipad pa yung buhok sa byutipul peys ko hmmmmp!

"Teh nag rejoice ka ba?" tanong ko.

"No, its DOVE XD" she said then flipped her hair. Luh? Nuuuusbliiiiiid oyyy -_-

Tssss tapos yung kaharap ko namang lalakeng may makapal na bigote at BOOM PANOT kung maka-bukaka, WAGAS!!! YUNG TOTOO KOYA? GUSTO MO BANG PASABUGIN KO YANG BOLS MO? =_= Geez!

"Teh, ano pala sagot dun sa 1+1+1+3+5=?"

"Itanong mo sa lolo mong baog BWAHAHAHA"

"Gagi ka naman eh!"

"Oyy mga bh3 breaklalu na kami ni Patrick AJUJU"

"Okay lang yan bungi naman yun!"

"Move on girl! Di siya kawalan"

"AJUJUJUJU"

WOW HA! GRABE NAMAN YUNG MGA MAG-BABARKADA MALAPIT SA DRIVER, ANG LALAKAS NG BUNGANGANG MAGKWENTUHAN! Kahit naka-earphones na ako naririnig ko parin. YUNG TOTOO HA, INARKILA NIYO BA 'TONG JEEP MGA TEH?!! INYO 'TO?!! INYO?!!

GRRRRRR. Nabaling naman yung atensyon ko katabi kong mag-syota sa kaliwa na halos gumawa na ng SIKS BIDYO. TALKING ABOUT PUBLIC DISPLAY OF KALASWAAN!!! GAWSH, GET A FRIGGIN' ROOM!!!! WAG NIYONG DALHIN YANG KAHALAYAN NIYO SA JEEP! MAHIYA NGA KAYO!!!! JEEP 'TO, HINDI MOTEL!!!! UMPOG KO KAYO EH!!!!

Gawwd! Nakaka-imbyera. Namataan ko namang malapit na sa village namin yung jeep. Kaya pumara ako.

"PARA!!" Sabi ko pero hindi hininto ng driver.

"MAMA PARA PO!!!" Pa-sigaw na pag-uulit ko pero hindi parin niya hinihinto. YUNG TOTOO KOYA? BINGI AMPEG? TSK. LINIS-LINIS RIN KASI NG TENGA PAG MAY TIME!

"PARA PO!!" sigaw ko ulit tsaka niya lang hininto.

Bumaba ako at naglakad papasok sa subdivision namin. After 2 minutes, narating ko na rin yung gate namin. Pinagbuksan naman ako ng isang maid namin, "INDAY S. PANDAY" ata full name niya. EKSDIIII.

Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko si Mamita (my beautiful granny) na nasa sala at nanonood ng Meteor Garden.

"I'm homeeee" masigla kong sabi at hinalikan siya sa pisngi. Sweet ko noh? :p

"Nak kamusta klase mo?" Tanong niya na naka-tutuk parin yung tingin sa TV.

"Okay naman po. Nagpa-clearance lang ako tapos pumunta sa bookstore" sagot ko at umupo rin sa pink sofa namin.

OHEMGEEE. Ang pogiiiii talaga ni Hua Zi Lei *Q*

TRIVIA 101: Alam niyo bang in real life, naging mag-ON sila ni Barbie Xiu (Sanchai) noon for 2 years pero nag-break rin. SAYAAAAANG!

"Mamita, may joke ako" wika ko sabay sundot sa tagiliran niya.

"Ano yun?"

"Anong kabaliktaran ng DAO MING ZI?"

"Ano?"

"Ehdi KON TING ZI. MWAHAHAHAHAHAHA" pffft joke ko, tawa ko. Yan tayo eh!

"Hashtag MedyoKorni :p" she said.

"NAKSSSS. Mamita tumi-twitter ka na ngayon ha? Ano bang user name mo follow kita" sabi ko na natatawa.

"@mIsxzs_Bag3tsxz just mention for follow backs XD"

"MWAHAHAHAHAGA HANEP KA MAMITA! IKAW NA!"

Si Mamita at yung Grade 7 kong kapatid ang palagi ko lang kasama dine sa bahay. Nasa ibang bansa sina Mama at Papa, SAWT KORYA to be specific. Dun kasi naka-base yung business namin eh. Si dad inaasikaso yung vending company namin at si Mom yung clothing line namin. Oo, syempre nakakatampo minsan pag wala silang time saming magkapatid pero hindi ako yung tipong magrerebelde dahil lang dun -.- Parang TANGA naman diba? para rin naman sa pyuchur namin yung ginagawa nila eh ;) At pwede ba! Laos na laos na yung mga ganung drama ng bida. Di bagay sakin :P

Pagkatapos kong manood ng Meteor Garden at halayin si Hua Zi Lei sa inosente kong isipan ay umakyat ako sa PURPLE ROOM (oo kailangan isama yung "purple") ko't dumeretso sa CR para mag-shower. I look at my bare face on the mirror and I feel like marrying myself to be such a living goddess. Oooops mahangin ba? HAHAHA Pero dun ko lang napagtanto na...

ANG DYOSA KO NAMAN PERO BAKIT GANUN, HANGGANG NGAYON NBSB PARIN AKO? OO, ALAM KO LAOS AT GASGAS NA ANG MGA BIDANG NBSB PERO ANONG MAGAGAWA KO KUNG SADYANG DI PA AKO NAG-KAKABOYFRIEND?! =__= FYI, hindi porket NBSB ang isang tao ay wala ng gustong pumatol. Yung iba sadyang may DELEKADESA para pumatol lang ng basta'basta-Yung tipong pag-may nanligaw sinagot agad. Yung iba MASYADONG MATAAS ANG STANDARDS at wala akong nakikitang masama dun noh. Yung iba CHOOSY, yung iba HINDI MAHAROT AT EASY TO GET, yung iba SADYANG WALANG INTERES SA PEG-EBEG, yung iba SADYANG HINDI PA NAKIKILALA ANG MAGPAPATIBOK SA PUSO NILA, at yung iba SADYANG TAKOT LANG MAG-MAHAL. San ka ba sa mga nabanggit ko?

Hindi naman talaga ako nagmamadaling magka-boyfriend kasi may gatas pa ako sa labi para lumandi :P 17 years old is still a young age to fall in love ayt? Gusto ko sanang magkaroon ng lovestory na mala-wattpad ang dating at yung tipong mga napapanood ko sa mga pelikula, pero parang malabo namang mangyari yun kasi sa panahon ngayon nagka-text lang ng isang minuto-SILA NA. Yung nag-chat lang sa fb MAG-ON na daw =_= How cheap naman diba? :P Ako kasi naghihintay na may darating sa buhay ko na prince charming na naka-sakay sa puting kabayo at ipaiintindi sakin kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pag-ibig. EWWWWWW DID I JUST PREACH ABOUT MY LOVE THINGY? HOPELESS ROMANTIC INDEED -.-

Pagkatapos kong mag-shower, nagpalit ako ng PURPLE PAJAMA ko. Halata naman sigurong fave color ko ang PURPLE diba? *Q* Magsisimula na sana akong mag-blower ng buhok ko nung biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at pumasok si Kris (my younger brother) na galit na galit.

"HOI KRISTA KINUHA MO BA YUNG 'THE MIZ' T-SHIRT KO?!!!! IBALIK MO NGA YUN!!!" singhal niya sakin. Tsss di talaga 'to marunong tumawag sakin ng 'ATE' Grrrrrrr!

"Hoi supot akin na lang yun! Kinuha mo yung John Cena notebook ko eh!" tugon ko.

"NOOOO!!! THATS MINE!! GIVE THAT BACK TO ME OR ELSE I WILL BURN YOUR BOOK COLLECTION!!!" bulyaw niya. TSK! Tingin niya mate-threatened niya ako? NO WAY! Kahit maging purple pa ang UWAK!

"Oo na! Ibabalik ko na, pero wag na wag mong papakialaman mga book collection ko kundi malilintikan ka sakin!" sabi ko at kinuha sa walk in closet ko yung THE MIZ T-SHIRT niya. AJUJUJUJU! Favorite wrestler ko pa naman si THE MIZ :(

"Okay" sabi ni Kris pagka-abot ko ng t-shirt at lumabas ng kwarto ko na may tagumpay na ngisi. GRRRRRRR YUNG SUPOT NA YUN! KAINIS!

*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING* (Hindi yan sound epek ng alarm clock okay?)

ANAK NANG PITONG PUTANG PUTING PATING YAN OH!! JUSMIYO! Nagulat ako nung biglang tumunog yung phone ko. Uhhmmmm unregistered number yung tumatawag!

"Yoboseyo?" Sabi ko sa kabilang linya.

[WAG MO NGA AKONG KINO-KOREAN DIYAN! GUSTO KONG MAKA-USAP SI KRISTA NOREEN NOZARI. ASAN SIYA?!] demanding na sabi sakin nang nasa kabilang linya. Boses ng lalake. Di siya familiar >___>

"SPEAKING..."

[*Toooo* *tooooot*] Lahhhh bakit bigla niyang pinatay yung tawag =_= Urrrghhhh who the hell is that? hayz. ENEBEYEN KOYA? PA-MYSTERIOUS PA EH!

PERO BAKA NAMAN SI FAFA HUA ZI LEI YON? KYAAAAAAAAAAAAAAAAAA *Q*

Continue Reading