BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.3K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 15: Warm

50.5K 1.5K 184
By MsButterfly



AIERE'S POV 

No one can utter even one word of surprise as I finished my debriefing. The only thing that I can hear is the drumming of Dawn's fingers on the table and the silent sniffing coming from the other side of the room; Kung saan nandoon si Harmony na yakap-yakap ni Archer. Kahit si Freezale na halos hindi magawang kalmahin kanina ay ngayon ay tahimik na lang habang nakasandig sa asawa niya.

Lahat ng mga agent ay pinatawag para pumunta sa BHO CAMP conference room. Kahit na ang mga katatapos lang ng mission at mga naka-off. Pinapanood sa lahat ni Dawn na nasa headquarters ang nakuhanang mga pangyayari sa mission ko sa mga Grekov.

It all seems surreal even the second time seeing what happened. Kung ako na harapan na nakita siy paano pa ang mga napanood lang sa record namin?

Was it really him? Comet Ferrel?

Ilang taon na ang nakakalipas mula ng mawala siya. He died during one of BHO CAMP's mission that involved Freezale and now her husband King. Ilang mga agent ang nandoon sa pinangyarihan ng insidente. Nandoon din ang banda. They all saw what happened. They all saw him died in front of them."

I can hear the pain in Harmony's voice when she finally speak, "Is it possible?"

I want to answer her and tell her yes at that moment. Dahil pakiramdam ko naririnig ko sa boses niya ang noon ay naririnig ko sa amin at sa mga kapatid ni Storm. Pero alam ko rin na hindi tama. Lalo na at hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong nangyayari.

I did saw him in front of my very eyes but it doesn't explain anything. Ni hindi ko man lang nga nakausap ang lalaki ng matagal para matiyak kung siya ba talaga ang Comet na nakilala naming lahat.

"I want to tell you yes, Harmony, you know that I want to. But I want to be completely honest." Dawn said while looking directly at her. "Pero araming agents ang kasama ng kapatid mo ng mawala siya. They never left his side...not even when they retrieved his body-"

"Ate Dawn, can we just take everything slow? Hindi naman natin kailangan sagutin lahat ngayon. Maybe we can talk about this some other time. Kapag kalmado na ang lahat. Harmony's been through enough."

Sa gulat naming ay nanggaling ang mga salitang iyon sa kanina ay tahimik lang na si Ocean. Personally, I don't even think he cares enough for what' been going on. Bata pa siya lalo na ng mangyari ang tungkol sa mission ni Freezale noon. Ocean's been always the happy go lucky kid but the way he speaks now...parang ibang Ocean ang nakikita ko.

"She needs to know the truth." Dawn continued without even a hint of surprise in her. Tumingin siya kay Harmony na parang hinihintay ang magiging sagot ng babae.

"I-I want to know if he's alive or not, Ate." she said in a whisper before she looked at Ocean. "I'm okay...I just want to know. Ayokong malaman nila Mama tapos masasaktan lang sila kasi umasa kami. Kaya...kaya ako na lang. Gusto kong malaman."

Sandaling dumaan ang tingin ni Dawn kay Ocean bago niya binalik ang atensyon niya sa babae na ngayon ay nasa loob pa rin ng mga bisig ni Archer na tahimik lang na nakikinig sa amin. "Like what I said, they never left Comet when they retrieved the body. Imposibleng may makakuha sa kaniya para palitan siya. Hindi rin maaaring basta palitan siya katulad ng nangyari kay Storm dahil recognizable si Comet noon. Even if he did survived the fall he won't survived his injuries from the bullet. Before he fell at the cliff with his wife, he was already dying Harmony, I'm sorry."

Napatungo ako sa sinabi ni Dawn. Kahit na hindi ko kamag-anak o ka-close man si Comet ay pakiramdam ko tumutusok sa dibdib ko ang mga sinasabi ni Dawn. Hindi ko masisisi si Harmony kung gusto niyang isipin na may tiyansa na buhay si Comet. Hindi nga ba at naging posible 'yon kay Storm? She was gone for years but she came back. Pero naiintindihan ko rin ang pinupunto ni Dawn. Walang ibang maaaring makalapit no'n kay Comet at sa asawa niyang si Kelly. Higit sa lahat....there's no motive for anyone to switch him for another body with artificial DNA.

Ocean surprised as all again when he stand up and walked towards Harmony who looks like as if she's been gutted. Hinawakan niya sa kamay ang dalaga at hinila patayo bago sila walang salitang lumakas na palabas ng conference room.

Tahimik na nakatingin lang kami sa nilabasan nila at wala ng nagtangka pang pigilan sila. Alam naman naming lahat na mabigat ang mga nangyayari para sa babae. She already heard enough.

Pagkaraan ay tumayo si Triton mula sa kinauupuan niya at kinuha ang remote control na nasa stante ng TV, "Sa ngayon, mag-stay muna tayong lahat dito sa BHO CAMP. Kung may pupuntahan kayo siguraduhin niyo na sa malapit lang kayo. Sa band members, please make sure you have an agent with you if you're going out."

"Are we in danger?" Storm asked, speaking for the first time. Kita ang pagkabahala sa mukha niya ng tumingin siya sa asawa niya na marahang ginagap lang ang kamay niya.

"No." Dawn quickly answered. "But we want to make sure. At para na rin sa ikatatahimik nating lahat ay pinakukuha ko na ang subject natin."

"Pinakukuha?"

Bilang sagot sa tanong ng babae ay bumukas ang telebisyon at pinakita roon ang tracking device ng isa sa mga agent. Inilibot ko ang paningin ko sa amin at pilit na inisip kung sino ang nawawala sa amin. Pero bago ko magawang masino kung sinong agent ang nasa field ngayon ay pumainlang na ang boses ng prinsesita ng BHO CAMP sa speaker.

"I cannot believe it. Holy fucker." Tumikhim si Dawn sa naging bungad ng babae na mukhang may koneksyon sa amin dito sa HQ. "Oh, am I on speaker?"

"Shit."

The expletive came from Thunder who immediately stand up and exit the room. Wala ng nakapigil sa kaniya dahil mukhang determinado ang bawat hakbang niya para mapuntahan ang babaeng obvious na laman ng pag-aalala niya.

"Did you just let my sister go alone, Dawn?" Hermes asked.

"Of course not. Siya lang ang pinakamalapit kaya siya ang nauna papunta sa kinaroroonan ng subject. Mackenzie is following her as well as Killian. At ngayon ni Thunder."

"Okay lang ako kuya!" masayang sabi ni Hera mula sa kabilang linya ng koneksyon namin sa kaniya. "I think he's Harmless. Mukhang kilala rin siya sa bar na 'to. He really looks like him by the way. As in. Except...his actions are different. Comet was a rockstar but this guys acts the different kind of badass. Like leather jacket, motorcycle, and rowdy bar kind of badass. And..."

"And?" Hermes prompted.

"He's hot."

I blinked at what I heard. Mukhang hindi rin makapaniwala ang mga nakarinig sa sinabi ni Hera na para bang naaaliw pa sa mga nangyayari. She sound like she's not bothered at all with what's happening.

"This is about Comet, Hera. Be serious." Freezale said while massaging her temple. Hindi naman kasi ito ang nag-iisang pagkakataon na wala sa konteksto si Hera. Freezale is everyone's official eyes. Kaya siya rin ang kadalasang saksi sa mga kalokohan ni Hera kapag nasa field.

"Actually, no. This is about someone who looks exactly like Comet. At kung nasaan man si Comet, malamang pinagtatawanan na tayo no'n dahil maaga pa lang ay may pa-April fools na siya. Comet had this crazy angelic eyes. Alam niyo 'yon? Yung tipong kapag tinitigan ka niya pakiramdam mo nakikita niya ang lahat ng sikreto mo. He was a rockstar but he's the most gentle person we all ever met. But this one...I don't think he knows the word gentle."

"Hera-"

"I'm going to approach him."

"No." Nanggaling ang bagong boses sa panibagong koneksyon ng micky at listening device. Looks like Thunder will follow her. "You don't even know that guy."

"Well he looks like a person we all once knew."

"Ikaw na ang nagsabi na hindi siya si Comet."

"Magkamukha sila."

I can almost see Thunder's face as we heard him exasperatedly sigh. "Wait for me."

"Nope. Bakas umalis na siya mamaya eh."

"Hera wait for Thunder." Utos ni Hermes sa pagkakataon na ito.

"Nope"

Nakarinig ako ng paggalaw sa gilid ko kasunod ng pagbalot ng init sa kamay ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Archer na tumabi sa akin. Inalis ko ang tingin ko sa kaniya para lang makasalubong ang mga mata ng kapatid ko na ngayon ay na kay Archer ang atensyon...at sa kamay ng lalaking nakahawak sa kamay ko sa ilalim ng lamesa.

Tumikhim ako at nag-iwas ng tingin dahilan para makita ko si Freezale na nagkukutinting na sa tablet niya. Kasunod no'n ay lumabas sa screen ng telebisyon ang kuha mula sa CCTV camera ng bar na kinaroroonan ni Hera.

Kita naming lahat ang paglapit ng babae sa subject namin. Di kalayuan sa kaniya ay naroon si Mack at si Killian na mukhang hindi na alam ang gagawin para pigilan siya.

"Hey. May tanong ako." sabi ni Hera ng makalapit sa lalaking mag-isang nakaupo sa isa sa mga high stool ng mini bar. Nang mukhang hindi niya narinig ang babae dahilan para hindi siya lumingon ay kinalabit ni Hera ang subject.

Napakamot ako sa pisngi ko habang pinapanood ang nangyayari. If I don't know Hera at all, I would think that she never learned anything in our trainings. Hindi namin pwedeng basta bastang gawin ang ginagawa niya. We shouldn't easily approach a subject without making sure about the possibilities.

"May tanong kako ako." ulit ni Hera.

"Yes?"

"Were you by any chance an adopted child?"

Napatayo mula si Hermes sa pagkakaupo. Kita ang frustration sa mukha niya ng magsimula siyang magpalakad-lakad.

"Is this a new pick-up line, sweets? Asking me if I'm adopted and if not you're gonna adopt me so you can call me baby?"

Hindi na ako magtataka kung may kuliglig na papalibot sa amin sa biglang pagkalat ng katahimikan sa paligid namin. Kahit si Hermes ay napatigil sa ginagawa niyang paglakad at hindi makapaniwalang napatingin sa LCD kung saan kasalukuyang aliw na aliw na tumatawa si Hera habang kausap ang ngayon ay nakangiti ng lalake.

And now that I can see the subject smiling...I can see now the difference.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nanonood lang sa kanilang dalawa. Kahit si Hera ay napapainom na rin habang nakikipagkuwentuhan sa lalaking hindi naman sinagot ang nauna niyang tanong.

"Bring him in." pagdedesisyon ni Dawn na siyang bumasag sa katahimikan. "We need to set up an interrogation."

"Oh, okay. I could just act like I want him to take me somewhere else to...you know..." bulong ni Hera sa micky niya na itinago niya ng bahagya siyang tumalikod sa lalaki habang kunwari ay may hinahanap sa bag na dala niya.

"No. You don't need to do that. I'm already here."

Sa gulat naming lahat ay pumasok na ng bar si Thunder at walang sali-salitang lumapit sa dalawa at sinuntok ang lalaki. Napangangang pinanoon namin ang mga nangyayari kung saan nagkagulo sa bar dahilan para ilabas ang dalawang ngayon ay nasa sahig na at nagpapaulan ng suntok sa isa't-isa.

"Definitely not him." Archer whispered right at my ear.

"What?" I asked, whispering back.

"Comet can't even hurt a fly. Ano pa kaya kung si Thunder ng kaharap niya? We're all in good terms with him because of the band but he's specifically closer to Thunder. Comet was Thunder's anchor. Thunder is flighty and immature...Comet kept him grounded."




PAKIRAMDAM ko ay may kung anong pumupukpok sa ulo ko nang imulat ko ang mga mata ko. Bukod pa roon ay tila may kung anong nakadagan sa buong katawan ko The last time I felt like this was because I was hangover. Pero sa pagkakataon na 'to ay alam kong walang dahilan para maging ganitong kasama ang pakiramdam ko.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at inilibot ko ang paningin ko. I'm in my room. Hindi ko na alam kung anong nangyari kagabi...o kaninang madaling araw dahil ang huling natatandaan ko ay hinihintay namin ang pagbalik ng mga agent sa headquarters. But since I was too tired by my crammed rehearsals and the mission, I think I passed out somewhere in the middle before they even got back. Di bale. Alam ko naman na babalitan nila ako sa mga nangyari at mangyayari.

Kumapit ako sa bedside table ko at iniangat ko ang sarili ko para makatayo. I'm thirsty. Sa kabila ng katotohanan na malapit lang ang kitchen nitong flat ko ay pakiramdam ko naubos ang lakas ko sa paglalakad pa lang papunta roon.

I try to quench my thirst by gulping down the contents of the bottled water I'm holding pero pakiramdam ko ay uhaw na uhaw pa rin ako. Hindi ako nagugutom pero nauuhaw ako. And I'm freaking cold.

Naglakad ako palapit sa pintuan kung saan nandoon ang control ng centralized system ng kwarto ko. Napakunot ang noo ko ng makita ko na normal naman ang temperaturang nandoon.

As I was trying to fix my problem, I heard a knock on my door. Nahahapong binuksan ko 'yon at hindi na ako nag-abala pang tignan kung sino ang nasa labas. When I opened it, Archer's fresh face greeted me. He looks like what a gifted and blessed person should look like in the morning. Iyong para bang naka-ready ang mukha para sa isang biglaang commercial. While here I am, probably looking like a cast for Walking Dead.

"You look like shit."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata bago ko siya tinalikuran at naglakad papunta sa sofa sa gitna ng living room ko. Pabagsak na umupo ako ro'n at idinipa ko ang mga kamay ko na parang inaalay ko ang sarili ko bago ko siya muling tinignan. "Akala ko ba gusto mo ako? Have a go."

Napapailing na umupo siya sa tabi ko. "Sinong may sabing gusto kita?"

Pakiramdam ko ay lalong sumama ang pakiramdam ko sa tinuran niya. Nag-iwas ako ng tingin at kahit na parang nag ma-malfunction ang sistema ko ay nakaramdam ako ng pag-iinit sa pisngi ko. Oo nga naman. Wala naman siyang sinabi na gusto niya ako. Kung bakit naman kasi ang dulas ng dila kong hindi na lang manahimik.

"I'm kidding, jeez babe." I heard him say but before I can react, I felt my body went up and settled on a hard lap. Nag-angat ako ng tingin at ang nakangiting mga mata niya ang nabungaran ko. "I think liking you is an understatement."

Namilog ang mga mata ko sa gulat sa sinabi niya. Kung kulang ang 'like' ibig bang sabihin no'n ay- Oh my gosh. Does he love...no we're both not ready for that. Paanong...

"Nag o-over think ka na naman. That's not what I meant, Aiere. Stop acting like you're about to bolt any moment."

"Pero sabi mo-"

"Liking you is an understatement because I desire you more than I ever want anyone else."

Naramdaman ko ang pagkalma ng puso ko na biglang gustong bumaon sa katawan ko apra magtago at protektahan ang sarili niya. "You still want me even though I look like a zombie?"

"You're the prettiest zombie on the planet."

"Hindi pa ako nag to-tooth brush." Napapitlag ako sa sarili kong sinabi. I don't know what's wrong with me. Pakiramdam ko lutang ang utak ko at hindi sumusunod sa akin ang buong pagkatao ko. Parang nakaprogram ata ako sa araw na 'to para ipahiya ang sarili ko. "What I mean is..."

Imbis na patapusin ako sa pag-iisip ng idadahilan ko ay natatawang dinampian lang niya ng halik ang labi ko. Muling nag-init ang pisngi ko at sa pagkakataon ay sa hindi matawarang kilig na sana kung hindi lang kumunot ang noo ni Archer.

Napabuntong-hininga ako at umaktong bababa na mula sa pagkakakandong sa kaniya, "Oo na. Ang baho ko na."

Sa pagtataka ko ay pinigilan niya ako at sa halip ay iniangat niya ang kamay niya at inilagay sa noo ko. Bumaba iyon sa leeg ko dahilan para mapaigtad ako. "What are you doing Archer?"

Dalawang kamay na niya ngayon ang humahawak sa akin ngayon hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nakakulong ang mga pisngi sa malalalaki niyang kamay.

"You know...if you want us to continue what happened between us before, I should probably just take a bath first." I said as I try to get his attention. The way he's moving with me on top of him and his parts rubbing on my parts...it's kinda making my body start on going up inflames. Isa-isang bumalik sa utak ko ang mga memoryang tumatak na sa utak ko dahil sa ilang beses kong binalikan ang mga iyon. "Like now."

Bumaba muli sa akin ang tingin niya habang nakakunot pa rin ang noo niya, "How can you even think about that right now?"

"Well...I'm on top of you and I feel hot."

"You're hot because you're sick."

Natigilan ako sa sinabi niya at sandaling nag-isip. Mabigat nga ang pakiramdam ko...pero mas may importanteng bagay pa sa mundo. You know...like resuming what we didn't finished before. "I'm not sick. I'm okay. Kanina nga nilalamig ako eh tapos ngayon hindi na. I'm fine. Maliligo muna ako tapos-"

"No."

Humalukipkip ako at nginusuan ko siya, "Bakit ba? Sabi mo you're taking responsibility. I need an inspiration!"

"No inspiration time for you right now. Kumain ka muna tapos iinom ka ng gamot."

"I'm not sick. I. Want. You. Now."

Tumingin sa kisame ang lalaki na parang may binibilang sa utak niya habang malalim pang humihinga bago niya muling ibinalik sa akin ang atensyon niya. Pinaglandas niya ang hintuturo niya sa ilong ko at ngumiti. "I think I like you better when you're drunk."

"Why?" my muddled brain asked him.

"When you're drunk, you're just a cute mess. When you're sick, you're an aggressive minx."

"And?"

"I'll let you be my little minx, babe, when you're not sick. Don't worry I will remind you."

Frustrated na bumuntong-hininga ako bago ko hinawakan ang kwelyo niya at bahagya siyang inalog-alog. "Hindi nga ako masakit." Bahagya akong natigilan sa sinabi ko dahil pakiramdam ko may mali sa sinabi ko pero pagkaraan ay hinayaan ko na lang 'yon dahil napapagod na akong mag-isip.

"You can't even form a coherent thought." Archer said while shaking his head.

"I'm fine!"

"Okay. Do a five jumping jacks then I'll let you have your way with me."

I looked at him weirdly, "You want me to jump before I can sleep with you?"

"Yep."

Nahihiwagahan man sa pinagsasabi ng lalaki ay umalis ako mula sa pagkakakandong sa kaniya at tumayo ako. Pumosisyon ako para gawin ang pinagagawa niya habang siya naman ay prenteng nakasandal lang sa sofa habang ang mga kamay niya ay nasa likod ng ulo niya.

I assume a jumping jack and was about to count but before my feet landed, I stumbled to my side. Mabuti na lang naging maagap si Archer at nahawakan ako bago pa ako madapa kung saan. Tumayo na rin siya at sa pagkabigla ko ay binuhat ako. Wala na akong ginawa at nanghihinang kumapit na lang ako sa balikat niya.

Pagkaraan ay naramdaman kong inihiga niya ako sa kama at pagkatapos ay tumabi sa akin. He pulled me towards him and I immediately burrow my body on his.

"Hindi na magbabago ang isip mo? Wala ng bawian 'to." sabi ko sa kaniya nang marinig ko siyang mahinang nag ha-hum.

"Sleep."

"Hindi ka man lang ba naiilang na sobrang lapit natin tapos ganito pa ang pinag-uusapan natin? I'm basically throwing myself to you." I probably will regret my actions when my brain is functioning again...but whatever. Carpe diem.

"Babe."

"What?"

"Your body is pressed on mine, I can feel the warmth of your skin mainly because you're sick but nonetheless I can still feel you, and I can still remember the taste of you. So to answer your question, I am affected, but I'm still gonna count thousands of grandmothers with an outrageous purple hat so I can stop thinking of stripping you naked just so you can rest and get better."

I can feel my eyes getting heavy as I listen to him talk. When I speak again, it was barely a whisper. "This is not the kind of sleeping that I was thinking."

His quiet laughter was the last thing I heard before I finally succumb to the pull of sleep and let my mind rest for a bit. Just for a bit. Them I'm gonna collect his payment for my inspiration time.


____________End of Chapter 15.


A/N: May nawala na mabubuhay. May aasa. May bagong matatagpuan. May alaalang kailangan ng ipahinga.

Memory. Kayo. A subject. Comet.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 45.3K 43
All my life I've been waiting for one thing. A knight that will gallop his way to me and sweep me off my feet like a princess. But I never thought it...
201K 8.3K 18
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.
20.4M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
537K 26.8K 50
I always feel like I'm floating through life. There was nothing to hold me in one place, there's nothing that has enough weight for me to stay. Stil...