MILK / seventeen

By saltypastry

219K 9.7K 5.8K

In which Park Soonbyul applied as Seventeen's personal assistant to get closer to Vernon, only to find out th... More

000
002
003
004
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
049
050
051
052
053
054
055
056
057
058
059
060
Epilogue
Postscript
♥♥♥
♡♡♡

001

9.7K 257 158
By saltypastry

' Mukhang hindi ata madali ang pagiging PA nila gaya ng inaasahan ko '

--

Milk's POV

' Pakikuha nga '

Bumuntong hininga ako at kinuha yung pinapakuha nya. Juice colored, pang-ilang utos na ba nya to ?

' Nag-rereklamo ka ba ? '

Hinde ! Tuwang-tuwa nga ako eh ! Sige mag-utos ka pa ! Hindi pa naman ako pagod eh !

Umiling nalang ako at umirap. Bwisit na buhay to ! Kung hindi ko lang talaga mahal si Vernon, hindi ako maga-apply na personal assistant nila.

' Wag mo namang pahirapan si Noona '- sabi ni Hoshi.

' Trabaho nya yan. Pinapasweldo sya para utusan natin '- sabi ni Joshua.

Tinaasan ko sya ng kilay. Sya nga lang yung nag-uutos eh ! Sabi nung ibang members nahihiya daw silang utusan ako tsaka kaya naman daw nila.

Tapos sabi ni Vernon, ang lalaki dapat ang nagsisilbi sa babae.

Diba ? Kaya labs na labs ko sya eh !

' Tara dito Noona '- sabi ni DK habang nanonood ng TV sa sala kasama yung ibang members.

' Wag mo na pansinin yan '- sabi ni Wonwoo.

Naupo nalang din ako katabi nila kahit na medyo nahihiya pa ako sa kanila. Kahapon pa lang kasi ako naging PA nila eh.

Pero kahit na bago palang ako sa kanila, ayoko na agad sa ugali nung isang member nila. Yung Joshua. Bwisit kasi eh. Kahapon pa sya utos ng utos sakin. Oo, alam kong utusan naman talaga ang trabaho ko pero kasi yung mga utos nya eh yung tipong itatapon nya muna yung tubig sa sahig on purpose tapos ipapalinis sakin. Yung ganon ! Bwisit talaga eh !

Kaya wag po kayong maniwala na gentleman yung tokwang yun gaya ng lagi nyang sinasabi tuwing nagpapakilala sya on cam. Napakayabang din nya ! As in mararamdaman nyo dyan sa Pilipinas yung kahanginan nya !

Magmula ngayon, tokwa na ang itatawag ko sa kanya. Joshua at tokwa, magkatunog naman diba ? Bagay sa kanya !

Gwapo sana sya eh. Kaso yung ugali lang talaga ang problema. Tss.

Ay wait. Sinabi ko bang gwapo sya ? Yuck.

' Easy ka lang Noona. Mapupunit na yung unan '- sabi ni Seungcheol kaya napatingin ako sa unan na hawak ko.

Hala oo nga. Pano kung napunit to ?

' Pagpasensyahan mo na si Joshua. Mabait naman yun eh. Ewan ko lang kung bakit ganun sya sayo '- sabi ni Jeonghan.

Mabait ?!

Kung mabait si Joshua, ano pang tawag sa ibang members ? Santo ?

' Ganito nalang Noona, tatanungin ka namin ng kung anu-ano para naman maging close tayong lahat. Mukhang matagal-tagal pa tayong magsasama eh '- sabi ni Mingyu.

Nag-agree naman yung ibang members.

' Ako muna. Ano bang pangalan mo ? '- sabi ni Vernon.

OHMYGAWD

TINATANONG NI VERNON ANG PANGALAN KO

' Chwe Soon Byul '- sabi ko.

Napatakip ako bigla sa bibig ko.

SHT. BAKIT YUN ANG NASABI KO ?!

' Chwe ? Magka-apelyido tayo ? '- tanong ni Vernon.

Juice colored nakakahiya !

' A-Ah hindi, joke lang yun. Park Soon Byul talaga ang pangalan ko. P-Pero Milk ang tawag sakin ng mga kakilala ko kasi .. uhm .. basta '- sabi ko.

' Hmm .. Milk Noona ? Ang cute ! '- sabi ni Dino.

Ngumiti nalang ako.

' Ako naman ang magtatanong ! Ilang taon ka na Noona ? '- tanong ni Minghao.

' Uh .. 17 '- sagot ko.

' MWO ?! '- sabay-sabay na react nila.

' 17 ka palang ? '- sabi ni Jun.

' Hindi ka pala namin Noona ! Si Dino lang '- sabi ni Seungkwan.

Bakit ganun yung reaction nila ? Hindi ba ako mukhang 17 ? Siguro mukha akong matanda kaya Noona yung tawag nila sakin kanina huhu.

' Ayos lang yan. Noona padin ang itawag natin sa kanya para masaya '- sabi ni Seungcheol.

Confirmed. Mukha nga talaga akong matanda.

' Grabe Noona. 17 ka palang pero nagtatrabaho ka na ? Dapat nag-aaral ka pa diba ? '- tanong ni DK.

' Hanggang first year college lang yung natapos ko kaya medyo nahihirapan akong maghanap ng trabaho. Buti nga tinanggap ako dito '- sabi ko.

Pero hindi naman talaga trabaho ang habol ko dito eh. Si Vernon babes talaga.

' Noona, mukhang pagod ka na eh. Magpahinga ka na muna '- sabi ni Wonwoo.

' Kami na muna ang bahala dito sa dorm '- sabi ni Mingyu.

Ngumiti ako at nagpaalam sa kanila. Dumeretso ako sa apartment ko na katabi lang ng dorm nila. Sagot din to ng Pledis. Ang swerte ko diba ? Haha.

Pumasok na ako ng apartment ko at nahiga sa kama ko at tumitig sa kisame.

Kwentuhan ko muna kayo para naman makilala nyo pa ako ng husto.

Park Soon Byul, 17 years old, ano pa ba ? Hmm, mag-isa lang pala ako sa buhay. Wala na kasi ang parents ko eh. Kung tinatanong nyo kung nasaan sila, aba malay ko.

Lumaki ako sa isang ampunan. Nakita nila ako sa labas ng isang tindahan ng gatas. Dun nanggaling ang palayaw kong Milk. 3 years old palang ako nun. Nalaman nila na Soon Byul ang pangalan ko dahil yun daw kasi ang paulit-ulit kong sinasabi noon kahit na di pa ako masyadong deretso magsalita.

Kasama ko doon yung mga batang inampon din nila. Sila din ang nagpaaral samin. Noong 15 years old na ako, nagpaalam na ako sa kanila at nagpasalamat sa pag-ampon nila sakin.

Dun na ako nagsimulang mamuhay mag-isa. Pero pinag-aaral padin nila ako kahit na nakahiwalay na ako sa kanila. Kaya sobra-sobra talaga akong nagpapasalamat sa kanila.

Kaya ko nakilala si Vernon dahil nakita ko sya dati sa Myeongdong na naglalakad. Sinundan ko sya noon kasi nahulog nya yung wallet nya kaya binalik ko sa kanya. Nagpasalamat sya sakin at sinabing Vernon Hansol daw ang pangalan nya. Hindi lang ako nakapagpakilala sa kanya dahil hinila na sya nung iba.

Simula nun, nag-research na ako tungkol kay Vernon. Napasama na din sa research ko yung ibang members kaya nakilala ko na din sila sa mukha at sa pangalan.

Hindi pa sila nagde-debut, fan na fan na nila ako. Aircon na nga ata ako eh. Halos mabaliw na nga ako noong mag-debut sila. Pinilit kong panoodin ng live yung debut stage nila kahit na prelims namin noong araw na yun. Nasapak ako ng prof ko pero worth naman haha.

At eto na nga ang resulta ng pagiging aircon ko. Nag-apply ako bilang PA nila. Wala na din naman akong magawa sa buhay ko eh. Siguro eto talaga yung nakatadhana sakin. Pinanganak ako para maging fan nila.

*knock knock*

Who's there ?

*knock knock*

Who's there nga eh ?

*knock knock*

Napalingon ako sa pinto. Ang tanga ko. May kumakatok pala talaga.

Napakamot ako sa ulo ko at binuksan yung pinto.

Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino yung nasa labas.

' Annyeong Noona ! '

Dahil sa gulat ko, naisarado ko bigla yung pinto.

SI JOSHUA AT VERNON NASA LABAS

Inayos ko yung buhok ko at binuksan ulit yung pinto.

' P-Pasensya na. Nasan na yung kasama mo ? '- tanong ko kay Vernon.

Bigla kasing nawala yung tokwa. Actually wala talaga akong pake kung bakit bigla syang nawala. Gusto ko lang magmukhang mabait sa harap ni Vernon.

' Ah umalis na. Nagalit ata kasi sinaraduhan mo ng pinto '- sabi ni Vernon tapos ngumiti.

BAKIT ANG GWAPO GWAPO NYA ?!

' A-Ah sorry. B-Bakit nga pala kayo nagpunta nandito ? '- tanong ko.

Napahawak sya sa batok nya at napaiwas ng tingin.

' N-Noona k-kase .. uhm .. shit nakakahiya .. '- sabi nya.

MAGKO-CONFESS NA BA SYA ?!

Joke lang huehue. Ang feelingera ko talaga.

' Ano nga ? '- tanong ko.

' Baka naman pwede mo kaming ipagluto ng hapunan. Tinatamad kasi si Hoshi hyung na magpa-deliver eh '- sabi nya.

Ay yun lang naman pala. Umasa na naman ako.

' Oo naman. Ano bang gusto nyo ? '- tanong ko.

' Beef Bulgogi ! '- tuwang-tuwang sabi nya.

Juice colored naman. Bakit ba ang gwapo gwapo ni Vernon ? I can't take it no more !

' Ah okay sige. Tara '- sabi ko.

Habang naglalakad kami pabalik sa dorm, nagulat ako kasi hinawakan nya yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

' Hala Noona. Ang liit pala ng kamay mo. Ang cute '- sabi nya.

Napangiti nalang ako.

Mukhang mas lalo ata akong mai-inlove kay Vernon kahit na alam kong wala namang meaning sa kanya yung mga ginagawa nya.

Nagulat ako sa nakita ko pagkabukas ni Vernon ng pinto ng dorm.

Ang gulo nila huhu.

Yung iba naghahabulan, yung iba kumakain ng chichirya tapos nakakalat lang sa sahig yung pinagkainan. Si Seungcheol, nakatungtong na sa upuan at sinasaway yung mga members pero walang nakikinig sa kanya.

Tapos ipapalinis nila sakin yan, ganon ?

Ano bang gulo tong pinasok ko.

' Hala, ang gulo nila. Pasensya na Noona '- sabi sakin ni Vernon.

' Ah ayos lang '- sabi ko.

Ayos lang talaga. Ayos lang na ipalinis nila sakin yan pagkatapos ng riot nila. Ginusto ko to eh.

Mukhang hindi ata madali ang pagiging PA nila gaya ng inaasahan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

43.1K 1.8K 73
❝prince nga, pangit naman ugali.❞  ▬▬▬▬▬  stray kids' hwang hyunjin  © geonpyak [12/30/18 - 02/10/19]
222K 13.2K 105
In which Fudge Almendral messages Jeon Wonwoo to give positivity and bring back his old self despite the latter's arrogant attitude F U D G E ㅡWonMo...
48.7K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
68.2K 4K 48
In this sequel of One Kiss, One Lie, Park Jimin and Min Suga face marriage life. But when their past begins to haunt them, everything starts to fall...